Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 10

Nang lumabas ng si Gino ng office ni Reid ay sinalubong agad ito ni Miles. “Gino, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Di matapos-tapos ang pag-aalala niya dito dahil sa sinabi ni Hiro na masu-suspend ito.

“Bakit ka nandito?” may bahid ng galit nitong tanong.

“Nalaman ko kasi ang nangyari kaya pinuntahan kita. Nag-aalala lang ako.”

Pumalatak ito. “Ayoko ngang sabihin sa iyo, eh!”

“Gino, ihahatid na ba kita sa villa mo?” alok ni Hiro dito.

Umiling si Gino. “Doon muna ako sa restaurant. Nandoon ang kotse ko.”

Wala silang kibuan hanggang maihatid ni Hiro sa Rider’s Verandah. “Sir Gino, uuwi na po ako,” sabi ni Quincy at tinanguan ito ni Gino.

Tuluy-tuloy si Gino sa private office nito at siya naman ay dumaan sa counter. “Sir Rusty, pa-order ng isang Kape Cordillera. Paki-serve na lang sa office ni Sir Gino,” sabi niya sa night manager nila. Saka siya kumatok sa opisina ni Gino at pumasok. “Nagpa-order ako ng coffee para sa iyo.”

“Bakit nandito ka pa? Dapat umuwi ka kasama ni Quincy.” Sa tingin niya ay mainit ang ulo nito at wala sa mood na makipag-usap.

May kumatok sa pinto at pumasok ang isa sa night shift waiters. “Sir, nandito na po ang coffee ninyo.” Nang makita nito na masama ang timplada ng mukha ni Gino ay nagmamadali itong tumalilis.

Umupo siya. “Gusto lang naman kitang makausap. Ano ba ang nangyari?”

Mariin nitong hinawakan ang sandalan ng swivel chair nito. “That stupid Alain was drunk. Okay lang sana kung lasing lang siya. Pero ipinagmamalaki niya ang mga babaeng naging conquest niya. And that includes you. He told us that you are an easy lay. Na patay na patay ka daw sa kanya at hinahabul-habol mo siya.”

“Ano?” sigaw niya at napatayo. “Ang kapal naman ng mukha niya.”

“I asked him to keep his mouth shut! Pero hindi pa rin siya tumigil kaya sinuntok ko siya. Kaya ayun, natahimik tuloy siya. Pasalamat siya dahil nakatulog agad siya. Kung hindi, patutulugin ko siya sa bugbog.”

Hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit si Gino. Binastos pala siya ni Alain. Nagsisisi talaga siya na naging crush niya ang kumag na iyon.

“Sana hindi mo na lang siya pinatulan. Kasi hindi naman totoo.”

“Ipinagtatanggol mo pa siya? Ako pa ang mali ngayon. Ikaw na nga itong binabastos niya. Huwag mong sabihin na gusto mo pa rin ang Alain na iyon.” There was fire in his eyes. Naroon ang magkahalong hinanakit at pagseselos.

“Gino, no!” Yumakap siya sa baywang nito at humilig sa dibdib nito. “I am just sorry. Na-suspend ka pa dahil sa walang kwentang lalaki na iyon. Sana hindi mo na lang siya pinatulan because he is not worth it.”

“Hindi ko iyon mapapalagpas. He hurt you once. But I won’t allow him to do it twice. Poprotektahan kita.”

He brushed his lips against hers. As if he was asking permission for a kiss. Yumakap siya sa leeg nito. Sa pagkakataong ito, sigurado na siya sa ginagawa. With that kiss, she poured her emotions. Ang pag-aalala para kay Gino at pasasalamat dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.

“Huwag ka nang makikipag-away sa susunod, ha? Ayoko nang mapapahamak ka dahil sa akin. Okay lang kung si Alain. Walang buto iyon. Paano kung iba na? Saka magi-guilty pa rin ako dahil na-suspend ka.”

Pinisil nito ang baba niya. “Dapat lang na ma-guilty ka. Kaya sa susunod na mag-date tayo, hindi ka na pwedeng tumanggi.”

“Kailan tayo magde-date?” tanong niya.

NAKANGITING sinalubong ni Gino si Miles paglabas niya ng kuwarto. She was wearing a navy blue coat and white breeches. Nakasuot din siya ng knee-high boots. Iyon ang ipinadala ni Gino na isusuot niya para sa date nila.

“Well, you look great! Sabi na nga ba bagay sa iyo.”

Pareho lang sila ng suot ni Gino pero black coat ang suot nito na may logo ng Stallion Riding Club. It was a riding habit that was exclusive for members.

“Bagay naman pala sa iyo ang naka-riding habit. Akala ko chef’s uniform lang ang bagay sa iyo,” kantiyaw niya.

“Hindi mo pa direktahin. Naguguwapuhan ka lang sa akin.”

Lumabas si Quincy sa kusina. Papasok na ito sa trabaho habang day off naman niya. “Makakalimutan mo pa ang baon ninyo.” Iyon ang mga parfaits na nai-bake niya nang nagdaang gabi para baunin niya sa date nila ni Gino. “Enjoy kayo!”

“Siyempre naman. Matagal ko yatang hinintay na pumayag siyang makipag-date sa akin. Kailangan ko pa palang konsensiyahin para lang pumayag.”

“Tama na iyan at male-late ka pa, Quincy.”

Binulungan siya nito. “Huwag ka nang pakipot. Mag-I love you ka na.”

“Ang kulit mo! Umalis ka na nga!” pagtataboy niya.

Excited siya habang nakasakay sa kotse ni Gino at papunta sa main stable ng riding club. “I will make sure na mag-e-enjoy ka sa date natin.”

Isang linggo lang ang ipinataw na suspension kay Gino sa halip na isang buwan. Naintindihan kasi ni Reid kung bakit nito ginawa iyon kay Alain. Natuloy pa rin ang sponsorship sa tournament. Kung tutuusin ay si Alain ang nagsimula ng gulo dahil hindi nito ma-handle ang kalasingan nito. Ultimong mga kasamahan nito sa kompanya ay inireklamo ito at bibigyan daw ng disciplinary action.

Pagka-lift ng suspensiyon ni Gino ay pinlano na agad nito ang date nila.

Nang dumating sa central stable ay inilabas ng stable boy ang kabayo na pag-aari ni Alain. Kulay bay ang kabayo na iyon at kulay brown naman ang mane. “This is Comet. He is an Anglo-Arabian. He is an offspring of an Arabian sire and a Thoroughbred dam. Kaya ideal siya sa equestrian sports. Siya ang tine-train para sakyan ko sa dressage event sa open tournament.”

“Hello, Comet!” bati niya sa kabayo at hinaplos ang leeg nito. “Siya ba ang sasakyan ko, Gino?” Excited siyang makasakay sa ganoon kagandang kabayo mula pa nang umapak siya sa Stallion Riding Club.

“Oo. Siya ang sasakyan natin.”

“Natin?” tanong niya at bumaling dito. “Hindi tayo tig-isa ng kabayo? Ang yaman-yaman mo. Sabi mo marami kang kabayo. Tapos hindi mo ako pagagamitin?”

“Hindi naman sa ganoon. Kaso hindi ka pa marunong mangabayo.”

“Marunong ako. Nakasakay na ako sa Tagaytay noong namasyal kami ng family ko dati. Madali lang namang I-maneuver basta di ko patatakbuhin.”

Kinausap ni Gino ang stable boy at inilabas ang isa pang kabayo na kulay puti. “This is Snow White. She’s an Andalusian mare.”

She fell in love with the horse in an instant. Umungol ito nang hawakan niya sa baba at humilig sa kamay niya. “Hello, Snow White! Ako ang rider mo ngayon. Huwag mo akong ihuhulog, ha?”

“Snow White is a very tame horse. Hindi pa siya naghulog ng rider niya kahit minsan. Kahit si Lola Dorina, gusto siyang sinasakyan.”

Matapos lagyan ng saddle si Snow White ay sumakay na siya dito. Tinungo nila ni Gino ang direksiyon ng lake. “Mas maganda palang mamasyal dito kapag naka-horseback. Tingnan mo! Tanaw na tanaw ang Taal Volcano.”

“Gusto ko rin dito. Kaya nga in-acquire ko agad ang property kahit na may kalayuan sa mismong bukana ng riding club. Mas tahimik kasi. Walang basta-basta bubulabog sa akin. And I wish that someday, I will build my own family here.”

Tumawa siya. “Alam mo, Gino. Kung noon mo sinabi iyan sa akin baka hindi ako maniwala. Parang wala sa character mo na magseseryoso, mag-aasawa at magkakaroon ng mga anak. Playboy na playboy ka kasi. Iba’t ibang babae ang kasama mo tuwing makikita kita sa DOME.”

“Nagbago na ba ang opinion mo sa akin?”

“Yes, in a way. I saw the other side of Gino. Iyong gentle side mo. Sa dami ng mga taong nakakasalamuha ko, akala ko na magaling na akong mag-judge. But I was wrong. Tulad na lang kay Alain. I thought he was the perfect gentleman. Naging crush ko pa mandin siya. Iyon pala natanso niya ako.”

“Baka nainis lang siya dahil tinanggihan mong makipag-date sa kanya.”

“Ganoon ba siya kaguwapo para hindi tanggihan kapag niyaya niya ako?”

Tumikhim si Gino. “Paano naman ako?”

“Iyon nga, akala ko kasi puro ka lang kalokohan. Na kapag nagiging mabait ka sa babae, laging may ulterior motive. Na kapag nakipag-date ako sa iyo, hahanap ka rin ng iba at makakalimutan mo na ako.”

“Baligtad nga, di ba? Nakalimutan mo ako pero hindi kita nakalimutan. Dati nga kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ko, bakit ba paulit-ulit kitang niyayaya ng date samantalang tinanggihan mo na nga ako.”

“Bakit nga ba? Kasi nagtataka ako sa iyo. Kumpara sa mga babaeng dating naide-date mo, ibang-iba ako sa kanila.”

Nagkibit-balikat ito. “Ewan ko rin. Di rin naman kita pinapansin dati. Basta hindi ka na nawala sa isip ko nang awayin ka ni Mitchell. Bumalik ako sa DOME kasi gusto kitang makita. Parang ayokong makita kitang nasasaktan. Tapos nang makita kita sa party na binabalewala ni Alain, sabi ko sa sarili ko sana ako na lang ang ka-date mo at hindi na kita babalewalain. At kahit tinatarayan mo ako, gusto kitang titigan at sundan-sundan ng tingin.”

“Ang totoo natatakot ako sa iyo. Kasi hindi ikaw ang tipo ng lalaki na magugustuhan ko. Sobrang guwapo mo at halos lahat ng babae may gusto sa iyo. Simple lang kasi ako. Gusto ko simpleng lalaki lang ang mahalin ko. Iyong wala akong masyadong karibal at alam ko na ako lang ang gusto niya. Kaso tama ka. Love is not as simple as I thought. Akala tama ang desisyon ko na itaboy ka. Kasi mapapahamak lang ako sa iyo. Nang mawala ka, lalo naman kitang na-miss. Hindi ka na nawala sa isip ko. Pati trabaho ko apektado na.”

“Aha! Na-depress ka nga dahil nawala ako.”

Iniwas niya ang tingin dito. “Oo na,” napipilitan niyang amin.

“Sinadya ko talaga iyon. Sinabi ko na di ako magpapakita sa iyo dahil pupunta naman talaga ako sa France. Di ko lang sinabi na babalik ako para tuluyan mo akong ma-miss.”

“Sorry ka. Wala na ako nang dalawin mo ako.”

“Anong sorry? Tuwang-tuwa nga ako dahil magkakatrabaho na tayong dalawa. Siyempre hindi mo na ako maiiwasan, di ba?”

“Kaso puro gulo lang ang idinadala ko sa iyo. Napapahiya ka sa kaibigan mo. Tapos nagkagulo pa kayo ni Alain dahil sa pagtatanggol mo sa akin.”

“Gulo ba iyon? Wala naman akong kaibigan na napahiya.”

“Those women who were your friends’ companions.”

“They are not my friends. And besides, my friends like you. Mga members lang ng club ang kaibigan ko. Their companions are not included. At iyong nangyari kay Alain, I vowed that I won’t let him hurt you the second time. I warned him but he didn’t listen. Kaya dapat lang sa kanya ang ginawa ko.”

“Bakit ganoon? Lahat ng expectation ko sa iyo, nasira. You are the exact opposite of the guy that I despise. Tapos ginawa mo pa ang lahat ng paraan para pansinin kita nang pansinin. What am I going to do with you, Gino?” Wala nang paraan para burahin ang nararamdaman niya dito.

Lumapad ang ngiti ni Gino. “Does it mean that you are in love with me?”

“Siguro. Ewan ko.”

Huminga nang malalim si Gino. “Bakit ka sigurado?”

“The emotion is new to me, Gino. Hindi pa ako nai-in love. Saka kapag oo ang isinagot ko, a relationship will follow. I am not sure about that yet. Saka marami pa akong iniisip sa ngayon. There’s my class at the culinary art school. Iisipin ko pa ang final menu ng dessert na ilalabas natin. Gusto ko nasa tamang oras lahat.”

“Sabihin na nating hindi ka pa in love sa akin. May pag-asa ba ako?”

Inikot niya ang mata. “Oo naman. Tinatanong pa ba iyan?”

“Yes!” Inilapit nito si Comet kay Snow White at ginagap ang kamay niya. As their horses walk, his eyes were on her face. “How did you know, I needed someone like you in my life?” kanta nito.

Mabilis niyang hinila ang bridle ni Snow White nang magulat ito dahil sa kanta ni Gino. “God, Gino! You are scaring the horses! Huwag ka na lang kumanta.”

“What is wrong with my voice?”

She gnashed her teeth and glanced at him. “In love na sana ako kaso naririnig pa kitang kumanta kaya nagbabago ang isip ko.”

Lumungkot ang mukha nito. “Masyado mo naman akong sinasaktan.”

“Okay lang iyan. Guwapo ka naman, Gino.”

“May favor ako na hihingin, Miles. Pwede bang ikaw ang maging date ko sa open tournament. Panoorin mo naman ako sa dressage competition,” pakiusap nito habang nakaupo sila sa rocking sofa sa cabin nito habang nakatanaw sa Taal Lake.

“Teka, magsusuot ba ako ng isinusuot ibang babae doon?”

Umiling ito at inakbayan siya. “Huwag mong pansinin ang mga suot nila. Kasi wala rin naman akong pakialam kung ano ang isusuot mo. Basta gusto ko na nandoon ka sa audience at nagtsi-cheer para sa akin. Can you do that?”

“Oo naman. Nandoon ako para sa iyo. Promise!”

“I LOVE the dessert. Wala akong itulak-kabigin kasi lahat sila gusto ko,” sabi ni Temmarie, ang model ng Stallion Shampoo and Conditioner at asawa din ng isa sa mga member ng Stallion Club. “Congratulations! Even my husband loves it!”

“Thank you, Temmarie,” pasasalamat ni Rhea. “It was Miles’ idea to add more menus and make sure that they are low in calories so everyone would love it.”

“Successful siya dahil may magaling akong mentor. And of course, Chef Gino really supported us. He trusts us,” buong pagmamalaki niyang sabi. Lahat ng guests pati ang mga diet conscious na guest ay nagpakasawa sa dessert nila. Anniversary nila at ikatlong araw din ng open tournament. Rider’s Verandah was buzzing with guests. Di lang para sa tournament kundi para sa bago nilang dessert.

“Congratulations, hija! You made a miracle. Kahit ako napakain ng choco Bavarian,” sabi ni Amado Santayana, ang daddy ni Gino.

“Thank you, Sir,” sabi naman niya.

“Aba! Tama na ang kwentuhan ninyo,” wika ni Dorina. “Magpe-perform na ang apo ko at mag-aalala iyon kapag di tayo nakita. Kaladkarin na si Miles sa kotse.”

“Lola, susunod na lang po ako. Hindi pa po ako nakabihis.”

“Male-late ka, Miles,” sabi ni Priscilla. “Di naman importante kay Gino kung ano ang suot mo. And besides, you look great on your sous chef uniform.”

Matapos magpaalam sa manager niya at sa chef niya ay tumuloy na sila sa arena na ginaganapan ng dressage competition. Her eyes were at the arena. Di niya pinansin ang nang-uuring tingin sa kanya ng ibang mga audience. Namumukod-tangi kasi siyang di umaayon sa standard uniform ng audience.

Di niya magawang pumalakpak nang si Gino na ang lalaban sa sobrang kaba. Ito ang huling contastant. He was wearing solid black coat, white breeches, stock tie na may golden pin and tall dress boots. Dressage was known as Horse Ballet. Iikot ang rider at ang kabayo sa arena at titigil sa bawat letra kung saan may ipe-perform itong routine. Huhusgahan ang kabayo at ang nakasakay dito depende sa galing ng dalawa. Ang pinakamataas na score ay ten. At umaasa siyang makuha iyon ni Gino.

Di siya halos humihinga hanggang matapos ni Gino ang lahat ng test. Nang I-reveal ang score, nakakuha ng dalawang nine si Gino at ang iba ay ten. “Nanalo siya, Miles. He got the highest score!” tili ni Priscilla at napayakap sa kanya.

Umulan ng bulaklak sa arena nang ideklarang si Gino ang panalo. Halos lahat ng babae sa arena ay pangalan nito ang isinisigaw. Matapos I-award kay Gino ang thropy ay nagsalita si Reid. “According to the Stallion Riding Club’s tradition, the winner will get the chance to ride the horse with the girl he chooses and walk around the arena. That means that the girl is the most special girl in his life.”

“Take me, Gino!” sigaw ng isang babae sa likuran niya. Lumakas ang tilian sa likuran niya nang pumunta si Gino sa direksiyon nila.

Tumigil sa harap niya si Gino at inilahad ang kamay. “Miles, I want you to ride with me. Please,” pakiusap nito.

Nanlamig ang kamay niya nang hawakan ang kamay nito. Di magkamayaw sa pagpalakpak ang mga kamag-anak ni Gino at ang mga kaibigan nito. She didn’t care about the girls calling her bitch. Dahil ang atensiyon lang niya ay nasa kay Gino. At hahayaan niya ang mga babaeng iyon na mamatay sa inggit.

“Now, everyone will know that you are the woman I love,” bulong ni Reid at hinalikan ang buhok niya. “Akala ko kanina, hindi ka dadating.”

“Nag-promise ako, di ba? Kahit pa matalo ka, manonood ako. I will here for you always because I love you,” sabi niya at ngumiti.

She also felt his lips smile against her hair. “I know,” bulong nito.

Gumaan ang pakiramdam niya matapos sabihin ang nararamdaman dito. Parang iyon na lang ang kulang at kumpleto na ang kaligayahan nila ni Gino.

“Alam ko na weird ako dahil sinabi sa iyo ni Lola na umiyak ako matapos manood ng All My Life. You know why I cry everytime I watch it?”

“Why?” tanong niya at tiningala ito.

“Dahil natatakot ako na mawala sa mundo nang di ko natatagpuan ang babaeng mamahalin ko at magmamahal sa akin. That I won’t be able to sing that song to someone? Pero ngayon, hindi ba ako natatakot kasi nandito ka na.”

Humilig siya sa dibdib nito at pumikit. “Please sing that song for me, Gino.”

“I guess what I am really trying to say. It’s not everyday that someone like you comes my way.”

“No words can express how much I love you,” sumabay siya sa kanta nito.

Nang tingalain niya ito ay nakangiti ito sa kanya. He lowered his face and kissed her in front of the whole arena. She felt like she was the luckiest girl in the world to have to Gino.

Maybe the whole world would hate his singing voice. But it was the loveliest voice she had ever heard. Because Gino was singing it for her and he was the man she loved the most.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.