Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 9

Miles was caught off guard. She didn’t see that kiss coming. At hindi niya alam na iyon ang parusa sa kanya ni Gino sa pamimikon niya dito.

But it wasn’t a punishment after all. He was kissing her slowly and tenderly. Dahan-dahan nitong ipinadadama sa kanya ang sensasyon habang sinisira nito ang katinuan niya. She should have said no or pushed him away. But she just let him kiss her. Na parang mas malaking kahangalan kung patitigilin niya ito.

It was her first kiss. Pero kusang bumuka ang labi niya para tanggapin ang halik nito. His fingers sifted through her hair, massaging her scalp. He deepened the kiss. She never thought that a kiss could arouse different emotions within her. Parang nakasakay siya sa isang rollercoaster. She felt like falling then he would catch her before she hit the bottom to be sent back to the great heights again.

“Gino,” usal niya sa pangalan nito nang lisanin ang labi niya. Nagulat na lang siya nang makitang nakahawak siya sa leeg nito. His body was near hers. So near they were almost one.

“Uhmmm… gusto mo pang kumanta?” nakangisi nitong tanong sa kanya.

“Huh? Kanta?” Nakatulala lang siya dito. Kahit nga paghinga ay di na niya magawa. She was in shock. Parang ayaw na ngang gumana ng utak niya. He kissed her. It was her first kiss. Ni hindi man lang siya kumontra o nagalit nang halikan siya nito. She even opened her lips to give him access. She must have gone nuts.

“Okay lang sa akin. Kung gusto mo duet pa tayo. How did…”

“Stop!” Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. Ayaw na niyang kumanta at ayaw na rin niya itong inisan. She knew how powerful he was. With a single kiss, he could make her shut her mouth. “U-Uuwi na lang ako.” That was the safest thing to do. Habang kaya pa niya ang sarili niya.

Naitakip niya ang palad sa mukha pagtalikod. Gusto sana niyang bilisan ang paglakad pero di kaya ng binti niya. Nanlalambot siya. Anong ginawa mo sa akin, Gino? Hinalikan mo lang ako, parang di ko na kontrolado ang katawan ko.

Paano kaya bukas kapag pumasok siya sa trabaho? Di niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. O kung ano ang dapat gawin. O kung may mukha pa siyang ihaharap dito. Aayaw-ayaw ako sa kanya. Tapos nang halikan niya ako, gusto ko naman. Malamang pinagtatawanan niya ako.

Humarap siya at tinanggal ang nakatakip na palad sa mukha. “Bakit?”

“I just want to finish what you started.”

“Ha? Anong sinasabi mo?”

Lumapit ito sa kanya at dahan-dahang idinikit ang mukha sa kanya. He was about to kiss her again. And this time, she knew it was coming. Ipinikit na lang niya ang mata at hinintay na lumapat ang labi nito. And she could feel his lips just above hers. “No words can express how much I love you,” pakanta nitong sabi.

When she opened her eyes, he was starting to pull away. Iyon lang? Kakantahan lang siya nito. “Gino, sandali!” tawag niya dito nang palayo na ito.

Lumapit ito sa kanya. “Bakit?”

“Ano… Kasi…” Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa damo sa paanan niya. Di niya alam kung aawayin o sasabihan tungkol sa paghalik sa kanya.

“Ah, kulang ng goodnight.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. It was so casual as if they were doing it for a long time. “Goodnight! Dream of me!”

Saka pa ito pakanta-kantang naglakad pabalik sa Rider’s Verandah kung saan naka-park ang kotse nito. Nagdadabog siyang pumasok ng staff’s house.

Sumandal siya sa pinto at pumadyak. “Nakakainis! Wala siyang karapatang halikan ako! Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin na hahalikan niya ako.”

“Sino ang kaaway mo diyan?” tanong ni Quincy na lumabas ng kusina.

Umayos siya ng tayo at tumikhim. “Wala. Ininis lang ako ni Sir Gino kanina.”

“Ah, iniinis ka lang niya kaya hinalikan ka niya?”

Nanlalaki ang mata niya. “Ha? Nakita mo iyon? Pinanood mo kami?”

“Oo. Hinihintay kasi kitang umuwi kaya nasa may bintana ako. E, malay ko ba namang hahalikan ka niya. Saka andoon kayo sa may patio. Kahit sinong dumaan, pwede kayong makita. So akala ko, okay lang manood.”

Isinubsob niya ang mukha sa pinto. “Nakakahiya! Paano kung hindi lang ikaw ang nakakita sa amin? Paano kung may iba pa?”

“Ano naman ngayon? Ang alam nga ng lahat boyfriend mo na siya. Sus! Wala naman sigurong magre-react. Natural lang iyon sa mga taong in love!”

Pumasok siya sa kuwarto niya at ihinagis ang gamit niya sa kama. “I can’t believe it. Hindi ko pa siya boyfriend pero pumayag na akong magpahalik sa kanya.”

Tinapik nito ang balikat niya. “It is time, Miles. Twenty-two ka na. Dapat lang na magkaroon ka na ng first kiss. Saka dapat nga matuwa ka.”

“Ano ang nakakatuwa doon, aber?”

“Superb kisser ang first kiss mo. At sa tao pang in love ka.”

“Paano mo naman nasabi na superb kisser nga siya?”

Lumapad ang ngiti nito. “Hindi ka man lang kasi kumontra.”

“Ganon?” Itinulak niya ito palabas ng kuwarto niya. “Huwag mo na nga akong guluhin! Nang-iinis ka lang, eh!”

Lumabas nga ito pero sumilip pa rin ito sa pinto. “Hay! Sagutin mo na si Sir Gino. Swerte ka nga. May lalaking sweet na sweet at in love na in love sa iyo. Ipinagluluto ka araw-araw. Ipinakilala ka pa sa pamilya. Laging nag-aalala sa iyo. Hindi lahat ng babae katulad mo. Naiinggit nga ako sa iyo, eh!”

“Bakit? Hindi ba ganyan ka-sweet ang fiancé mo sa iyo?”

Lumungkot ang mata nito.“Ang masasabi ko lang, mas maswerte ka sa akin.”

Bago matulog ng gabing iyon ay pinag-isipan niya ang sinabi ni Quincy. In love nga ba sa kanya si Gino tulad ng sinasabi ng iba?

May ngiti sa labi niya nang maisip ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pero mas lumapad ang ngiti niya nang maisip ang halik nito. Hinawakan niya ang labi. “How did you know I needed someone like you in my life?” She kept on singing that song until she fell asleep.

PUNO ng mga guest ang Rider’s Verandah pagpasok ni Miles. Napasabak agad siya sa trabaho. Ilang araw na rin siyang busy dahil sa pag-aasikaso niya sa menu para sa nalalapit na anniversary. Patapos na rin ang pag-aaral niya sa culinary art school kaya pahirap na nang pahirap ang lessons nila.

“Nandiyan ba si Sir Gino?” tanong niya kay Quincy nang masalubong ito.

Madalang na silang magkasarilinan ni Gino. Tulad niya ay busy ito. Bukod sa restaurant ay nagpa-practice pa ito dahil sasali ito sa dressage competition sa open tournament ng Stallion Riding Club. Nagbibiruan pa rin sila tulad nang dati at sweet pa rin ito. pero di niya ito makausap nang seryoso dahil walang oras.

“Nasa may function room. May meeting ang mga officers ng riding club at ang mga representative ng company na mag-I-sponsor sa event.”

“Quincy, pakidala ang mga ito sa function room,” utos ni Jhunnica.

“Ma’am, tutulong na po ako.” Wala pa naman si Chef Rhea. Isa pa, ugali pa rin niyang tumulong kapag sobrang dami ng inaasikaso sa dining area lalo na’t wala pa silang bagong recipe na ginagawa.

“O, sige!” anito at tumango.

Pagpasok ng function room ay nagsalubong agad ang tingin nila ni Gino. Nginitian nila ang isa’t isa. Ganoon lang kasimple ang komunikasyon nila kapag sobrang busy ng araw nila pero kumpleto na ang araw niya.

Subalit nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang isa sa mga representative ng sponsor ng event nila. Si Alain. Natulala rin si Alain nang makita siya. Parang di inaasahan na makikita siya doon.

Nagmamadali siyang lumabas ng function room at di na nilingon si Alain. Ito kasi ang taong numero-unong nagpapakulo ng dugo sa kanya. Di niya makakalimutan kung paano siya nito pinagmukhang tanga.

Nasa counter na siya nang makatanggap ng text message mula kay Gino. Sorry if I can’t cook 4 u 2day. Kailangan ako sa meeting.

Its OK. Just take care for me, reply naman niya dito.

Si Gino ang lalaking bumubuo sa araw niya. Hindi si Alain. Wala na siyang pakialam sa huli. Pero di niya maipaliwanag ang kaba kapag nakikita si Alain. Parang isang malaking disaster ang mangyayari sa pagtapak nito sa Stallion Riding Club.

BREAKTIME ni Miles kaya umuwi muna siya sa staff’s house. Hindi kasi niya nadala ang vitamins na kailangan niyang inumin. Papasok na siya sa Rider’s Verandah nang makita si Alain na nakaupo sa outdoor table habang naninigarilyo.

Wala sana siyang plano na pansinin ito pero tinawag siya nito. “Miles! Miles, wait!” He crushed the cigarette in the ashtray then walked towards her.

“Yes?” aniya at tumigil sa paglalakad.

“Don’t you remember me? I am Alain. Regular customer ako dati sa DOME.”

“Alain?” Kunyari ay di niya ito matandaan. “Yes!” aniya at matabang na ngumiti. “Natatandaan na kita.”

“I didn’t expect to see you here. Dito ka na pala nagtatrabaho. Kaya pala hindi na kita nakikita sa DOME. Matagal ka na dito?”

“Yeah! Ilang buwan na rin.”

“Kung hindi pa pala ako nagkaroon ng business meeting dito, hindi kita makikita ulit. It is good to see you again.”

“Same here,” napipilitan niyang sabi. “How are you and Darlen?”

Nalukot ang mukha nito. “We broke up. Huwag na natin siyang pag-usapan. It will just ruin my mood.”

“Oh, I am sorry.” Mabuti nga nakarma ka. At mabuti na lang, nalaman ko ang totoo mong kulay kaya hanggang crush lang kita. Impakto!

“Are you free tomorrow morning? Magho-horseback riding kasi kami kasama ang mga officers ng riding club. Wala akong ka-date. Pwede ka bang sumama?”

Style mo nakakadiri! Ginamit mo na iyan sa akin dati at ginawa mo akong tanga. As if papayag naman ako na magpauto sa iyo.

“I am sorry, Alain. Busy ako bukas. May klase ako sa culinary school the whole day. Iba na lang ang yayain mo.”

Pinigilan nito ang braso niya. “Please! Minsan lang naman tayo magkikita at minsan lang kita niyaya tapos tatanggihan mo pa ako?”

Ang kapal! Parang wala akong karapatang tumanggi! “Pwede ba bitiwan mo ako kasi may trabaho pa ako,” malumanay niyang sabi. Ayaw niyang pagtaasan ito ng boses dahil bisita pa rin ito sa club.

“Miles! Tawag ka na ni Chef Rhea,” pormal na wika ni Gino. Matalim ang tingin nito sa kamay ni Alain na nakahawak sa braso niya.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Alain sa kamay niya kaya madali sa kanyang makawala nang haltakin niya iyon. “Excuse me,” aniya at pumasok sa ng restaurant.

Pagpasok sa pastry kitchen na nakahiwalay sa main kitchen ay sumunod din sa kanya si Gino. Wala pa si Chef Rhea dahil di pa tapos ang breaktime. “Anong kailangan sa iyo ng Alain na iyon?”

“Magho-horseback riding daw siya bukas at kailangan niya ng ka-date. Tinanong niya kung pwede ako. Sabi ko hindi pwede kasi may pasok ako.”

“Kung wala kang pasok, papayag ka ba?”

“Gino, hindi pa maluwag ang turnilyo ko. Pagkatapos niya akong gawing tanga sa cocktail party dati, sasama pa ba akong makipag-date sa kanya?”

Lumamlam ang mga mata nito. “Kung ikaw ang yayayain ko bukas?”

“Gusto mo ba na um-absent ako sa klase ko?”

Hinaplos nito ang buhok niya. “Kaya nga di kita niyayaya. Alam ko naman kung gaano kaimportante sa iyo ang klase mo.”

“Ikaw? Sino ang ka-date mo bukas.”

Pinisil nito ang baba niya. “Siyempre ikaw lang. Pero dahil hindi ka pwedeng makipag-date bukas, wala akong date.”

“Tiyakin mo lang na wala kang ibang babaeng lalapitan. Behave!”

Sumaludo ito. “Yes, Commander. Faithful yata ako sa iyo.”

Ngumiti siya at tinitigan ang mukha nito. Parang gusto niyang maiyak samantalang wala namang nakakaiyak. Ang totoo nga ay masaya siya.

“O, bakit? Anong problema?” tanong nito. “Hindi kita inaano, ha?”

“Thank you for coming into my life. Thank you for being a better man than Alain.” She tiptoed and slightly brushed her lips against him. “Basta thank you.”

Hinaplos nito ang mukha niya. “You are so weird. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Bakit mo na lang sinasabi na ako ang pinaka-guwapong lalaki sa paningin mo at patay na patay ka sa akin?”

At that moment, she wanted to pour out everything she felt for him. “Gino, I want to tell you that…”

Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto at bumungad si Reid. “Sabi na nga ba’t nandito ka lang!”

“Reid, bakit ka nandito? Restricted area ito.”

“I don’t care.” Pumasok ito at kinaladkad palabas si Gino. “I am sorry, Miles. Pero kailangan na si Reid sa meeting namin. Mamaya na lang ninyo ituloy ito.”

“Istorbo ka naman! Kung ikaw kaya ang bulabugin ko kapag kasama mo ang girlfriend mo? Matutuwa ka kaya?” angal ni Gino.

“Subukan mong gawin iyan at lilipad ka palabas ng riding club. Hindi ka makakatapak sa kahit anong lupain na pag-aari ko,” banta ni Reid.

Di mawala ang ngiti niya hanggang di na niya narinig ang boses ni Gino. She was sure that Gino was really the one for her. Di lang niya alam paano sasabihin.

“MARAMING salamat sa cake, Miles. Masarap siya,” sabi ni Mang Pilo.

“Wala po. Salamat po sa paghahatid.” Pababa na sana siya nang bigla namang sumampa si Quincy ng coaster. “O, bakit nandito ka?”

“Miles, sinuntok ni Sir Gino iyong isa sa mga representative ng sponsor. Nagkakagulo daw sa music lounge dahil doon.”

“Ano?” bulalas niya. “Bakit naman gagawin iyon ni Gino?” Alam naman niya ay di maiinitin ang ulo ni Gino. “Kasasabi ko lang sa kanya na mag-behave!”

“Sinuntok niya si Alain dahil sa iyo.”

Nanlambot siya. “Bakit ako ang pag-aawayan nila? Hindi ko maintindihan.”

“Mamaya ka na magtanong,” sabi ni Quincy. “Manong Pilo, pwede po bang ihatid ninyo kami ni Miles sa music lounge?

Ihinatid sila ng coaster sa music lounge kung saan nangyari ang gulo. Subalit bumalik na sa normal ang lahat at nasa clubhouse na daw si Gino.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Miles nang dumating sa clubhouse ng Stallion Riding Club.

Sinalubong siya ni Hiro. “Calm down, Miles,” anito at pinaupo siya sa couch. “Nasa loob ng office ni Reid si Gino at kinakausap nang masinsinan ni Reid.”

“Totoo ba na sinuntok niya si Alain?”

Tumango si Hiro. “Malayo ako sa kanila nang narinig ko na lang na nagkagulo dahil di ko naman alam ang buong istorya. Paglapit ko, nakabulagta na lang si Alain sa sahig. At inaawat naman ng iba si Gino. Idinala sa clinic si Alain.”

“Ha? Ganoon kalala?” At totoo ba na siya ang pinag-awayan ng mga ito?

“Huwag kang mag-alala. Wala namang damage kay Alain. The doctors confirmed it. May pasa lang siya sa panga at nakatulog. Iyon nga lang, maaring ma-suspend si Gino ng one month sa club.”

“What? One month?” bulalas niya.

“Its against the club rules. Violence is not tolerated among club members. At si Reid mismo ang magpapataw ng parusa na iyon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.