Teaser:
Kailangang makaraket si Jemaikha para sustentuhan ang pag-aaral. May sakit ang ama niya at may nag-aaral pa siyang kapatid. Parang natagpuan niya ang Yamashita Treasure sa katauhan ni Hiro Hinata, isang guwapong exchange student sa unibesidad na pinapasukan niya. Mabait nga lang ito at mukhang utu-uto. Matapos itong muntikang madukutan ng mga batang palaboy at magkaligaw-ligaw dahil di ito marunong mag-English at Filipino, nagprisinta siya na maging tutor nito with matching luto, laba, plantsa pati sing and dance.
Pero sa halip na maging aliping saguiguilid nito, parang prinsesa siya kung tratuhin nito. At kahit anong pilit niya na kontrolin ang pagkatunaw ng puso tuwing nakangiti at nakatitig ito sa kanya, wala siyang laban sa karisma nito.
Hanggang biglang nagpatulong si Hiro na ligawan ang babaeng gusto nito. Aray ko, bhe.
PROLOGUE
Parang batang nakapasok sa isang mahiwagang mundo si Jemaikha nang iikot ang mga mata sa iba’t ibang likhang-sining na may temang Japanese myth and legends. Nasa isang art exhibit sa Makati na sponsored ng Japanese Embassy sa Pilipinas.
Malapit sa puso niya ang kultura ng mga Hapon. Bukod sa paborito niya ang Nihongo nang mag-aral siya ng Linguistics sa kolehiyo, editor na siya ngayon sa isang Japanese newspaper na nakabase sa Pilipinas.
Nawala ang mahika sa paligid niya nang hatakin siya ng pitong taong gulang na si Hideto ang kamay niya. “Kore! Kore!”
Anak ito ng publisher niya. Walang mag-aalaga dito kaya isinama muna ng ama sa exhibit sa kondisyon na magbe-behave ito. At dahil malambing sa kanya ang bata kaya siya ang kinuha para magbantay dito.
“Wait! Chotto matte!” aniya sa bata habang iniingatan ang paghakbang sa mataas na takong ng sapatos niya sa marmol na sahig.
At idinala siya sa harap ng isang malaking sculpture na gawa sa bronze. Isang mandirigmang may suot na kimono ang may hawak na kyudo o traditional na pana ng mga sinaunang Hapon. “Sugoii!” namamanghang sabi ng bata habang nakatingala sa estatwa at tumuro. “Who is he?”
“He is Hachiman, the god of war for Shintos and god of warriors,” sagot niya sa bata at umuklo sa tabi ng bata.
“Why does he have a bow and arrow?”
“Hachiman is also known as tha god of bow.”
“Do you know archery?” tanong ng bata.
Umiling siya. “Not really. But I know someone who is good at it. I think he could be Hachiman reincarnate.”
Nagtatalon ang bata. “Who? Who? I want to see him.”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang maalala ang lalaking pumana at sumakop sa puso niya.
CHAPTER 1
“Filwar, your English improved a lot. Very good. Your teachers and classmates will be impressed, I am sure.”
Niyakap ni Jemaikha ang sampung taong batang halos isang taon din niyang tinuruan. Nasa pool area sila at nagsu-swimming. Iyon ang huling araw niya bilang English and Filipino tutor nito. Isang negosyanteng Jordanian ang ama nito at isang Filipina na maybahay ang ina.
Una niyang nakita si Filwar nang umiiyak ito kasama ang yaya sa isang mall. Katatapos lang niya noon na mag-apply sa isang English tutorial company para sa mga Koreano at Hapon pero wala pa ring sagot ang mga ito. Nang tanungin niya ay nalaman niyang Arabic lang at Cebuano ang alam nitong sabihin dahil taga-Cebu ang ina nito na di ito naturuan mag-Tagalog. Dahil doon ay tinukso at na-bully ito sa paaralan. Ayaw na rin nitong pumasok. Namomoroblema siya kung saan kukuha ng papasukan. Nang dumating ang ina ng bata na di Madam Grace at nakita na na-comfort niya si Filwar ay saka niya inalok ang serbisyo niya. Nagtiwala naman ito sa kanya at nagkasundo sila. Malaki ang improvement ng bata hanggang umabot ng isang taon ang pagtuturo niya sa bata.
“Salamat po, Teacher Jem. I hope I will have more friends now. I won’t be treated like an alien. Hindi na nila ako ii-snob.”
Hinaplos niya ang buhok nito. “You are a bright kid. Gusto ko na mag-aral kang mabuti.”
“Pwede na po ba akong mag-boyfriend?” tanong ng batang babae.
“Boyfriend? You are just ten,” aniya at natawa. “Sino ang crush mo?”
Ngumuso ito sa direksyon ng kabilang bahagi ng pool at humagikgik. Isang lalaki na matangkad at maput. Nakasuot ito ng swimming shorts at naka-white sando. Parang nagwa-warm up pa lang ito sa poolside. Sa palagay niya ay di nalalayo ang edad ng lalaki sa kanya.
Pero naintindihan niya bakit kinikilig ang estudyante niya. He had almond eyes, cute nose and thin lips. May kahabaan ang buhok nito na naka-pusod sa likod. Guwapo nga ang lalaki. Kung di pa sinabi sa akin na lalaki siya, akala ko babae. Mas maganda pa sa akin.
And she was drawn to him. Di niya maalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman siya ang tipo ng babae na basta-basta nagkakagusto sa guwapo. Abnormal nga siya dahil kahit mga sikat na artista ay di niya pinapansin. Pero pagdating sa lalaking ito, parang may magnet na nagpapagkit sa mga mata niya dito.
Napatili siya nang tumilamsik ang tubig sa kanya dahil sa paghampas ni Diday, ang yaya ni Filwar. Nakauklo ito sa may gilid ng pool at di nila kasamang naligo. “Akin si Yamashita Treasure. Ako unang nakakita sa kanya nang lumipat noong isang araw. Bata ka pa.”
“Di ka naman niya kinakausap. He said “Hi” to me at nag-high five pa po kami. He likes me,” katwiran naman ni Filwar.
“Natural bata ka. Gusto ka ng lahat. Doon ka na lang kay George na anak ng ambassador. Blue eyes pa iyon. Bagay kayo.” Kinawayan ni Diday ang isang batang lalaki na may asul ang mata at blonde ang buhok. “George, play-play with Filwar. Come on, vamonos! Everybody let’s go.” Magaang itinulak ni Diday ang alaga. “Sige na. Puntahan mo na si George.” Napilitan namang sumunod si Filwar dito.
“Pati ba naman bata...”
“Akin lang si Yamashita Treasure.” Kumaway si Diday sa lalaki. “Hoy! Moshi-moshi anone! Nandito ako, umiibig sa iyo.”
Naisubsob na lang ni Jemaikha ang mukha sa gutter ng pool. Ayaw niyang madamay sa eksena ni Diday. “Diyan ka muna. Langoy lang ako doon.”
Ie-enjoy na ng dalaga ang huling araw ng pagtatrabaho doon. Third year college na siya na kumukuha ng Linguistics sa University of the Philippines. Sa Asian language siya naka-focus. Madugo at masakit sa ulo pero gusto niya ang kursong iyon. Mahalaga kasi ang komunikasyon at malaki ang naitutulong para tawirin ang iba’t ibang kultura at lahi. Iyon din ang gusto ng tatay niya na kunin niyang kurso. Dating nagtrabaho sa Japan ang tatay niya ay inuwian pa siya ng bala ng original na anime na gusto niya kaya na-fascinate siya sa lengguwahe ng mga Hapon.
Nagpatuloy siya sa paglangoy pero nagulat siya nang biglang bumangga ang ulo niya sa matigas na bagay. Napasinghap siya at dali-daling umahon.
“Ow! Goumen nasai!” bulalas ng lalaki. Nang iangat niya ang tingin ay si Yamashita Treasure ang nasa harap niya.
“Hi!” nausal na lang niya habang nakatigagal dito. Mas guwapo nga ito sa malapitan.
Puno ng pag-aalala nitong hinawakan ang ulo niya. “Anata ga kizutsuite imasu? You hurt? Clinic? Doctor?”
Putol-putol ang intindi niya sa sinasabi nito dahil nakakatitig siya dito. Ang ganda ng mata. Kahit na titigan ko siya maghapon okay lang sa akin. Malambing pa ang boses kapag nagja-Japanese. Sarap pakinggan.
“Kisama!” usal nito.
Bigla siyang natauhan. “Hoy! Alam ko iyon. Mura iyon. Minumura mo ako?”
Halatang nagulat ang lalaki. “Iie. No.”
“Kung nabangga kita, pwede naman akong mag-sorry. Wala lang maruhan. Diyan ka na.” At saka lumangoy siya palayo dito. Sa inis niya dito ay di na niya ito kinausap ng Japanese kahit na marunong siya. Bahala ito kung di nito naintindihan. “Huwag siyang aasta-astang akala mo kung sino. Nasa Pilipinas siya. Ako ang batas dito,” usal niya at umahon ng pool.
“Umahon ka agad?” tanong ni Diday na abala sa pakikipagkwentuhan sa isa pang yaya sa tabi ng pool.
“Oo. Wala na ako sa mood lumangoy. Sige.”
Nagbanlaw na siya at di maiwasang uminit ang ulo kay Yamashita Treasure.”Hmp! Guwapo na sana. Okay na. Nag-sorry na. Nangumusta pa kung nasaktan ako. Clinic daw saka doktor. Nagtatanong siguro kung gusto kong magpagamot.” Kaso di siya nakasagot agad at nakatitig dito kaya siguro siya nito minura. “Sira ulo pa rin siya. Guwapo nga pero mumurahin naman ako. Gusto ko ‘yung mamahalin ako siyempre. Aanhin ko naman ang guwapo? Kailangan ko ngayon kumita. Kiber ko sa kanya.”
Wala naman siyang mapapala kung magpapa-cute siya sa lalaking iyon. Mabuti nga natauhan siya. Di siya ordinaryong teenager na may oras sa crush at boyfriend. May mga responsibilidad siya. Di lang sarili niya ang iintindihin niya kundi ang kapatid na si Robin. Nasa high school pa lang ito.
Ngayong tapos na ang raket niya sa pamilya ng mga Al Hamada, kailangan na niyang makahanap ng iba pang itu-tutor. Hindi niya kakayanin na mag-call center ngayon dahil ayaw din niyang maapektuhan ang pag-aaral niya. Mas malaking problema kapag nawala ang scholarship niya.
Paglabas ni Jemaikha sa shower room ay nasa waiting area si Yamashita Treasure at nakasuot ng white toweling robe. Napansin niya ang matipunong dibdib nito na makinis. Pababa sa flat abs nito na sumisilip sa V ng robe.
Iirapan sana niya ito at lalampasan pero nilapitan siya nito. “Miss...”
“What?” singhal niya sa lalaki.
“Ano... Goumen nasai. Sorry. I....” Parang humahanap pa ito ng tamang salita na sasabihin sa kanya.
But he got her at sorry. Mukha naman itong sinsero. Handa na siyang sabihin dito na pwede itong magsalita ng wikang Nihonggo dahil nakakaintindi naman siya. Baka naman expression lang nito ang kisama at di naman siya minumura.
Magsasalita pa lang si Jemaikha nang isang babae na nakasuot ng Aztec-printed two-piece bikini ang babae ang lumapit kay Yamashita Treasure at kumapit sa braso nito. Halos wala na itong itago dahil parang masikip ang bikini dito lalo na sa chest area. Blonde ang mahaba nitong buhok at namumutiktik ang make up kahit magsu-swimming.
^“Hiro-kun, nani ga anata ni sō nagaku o totte imasu ka? Soredewa, oyogu shite mimashou. (Hiro, what took you so long? Come, let’s swim.)” Bakit daw natagalan ang lalaki at niyayaya itong mag-swimming na. Hinatak nito ang kamay ng lalaki na Hiro ang pangalan. At least, di na niya ito tatawaging Yamashita Treasure.
Di naman nagpahatak si Hiro. ^“Matte yo, Shobe-san. Watashitachiha hanashite imasu.” Sandali lang daw sabi ng lalaki dahil kausap pa siya nito.
Matalim siyang tiningnan ng babae. “Di naman yata importante ang pinag-uusapan ninyo. Huwag mo nang abalahin ang boyfriend ko pwede?”
“Siya lumapit sa akin, Miss. Bakit sa akin ka nagagalit? Sa iyo na ang boyfriend mo.” Binalingan niya si Hiro at bahagyang yumukod. “Shitshurei shimasu.” Ibig sabihin ay parang kabastusan man pero magpapaalam na siya dahil di niya nagugustuhan ang takbo ng usapan.
“Miss, chotto matte kudasai!” Nagpapahintay sa kanya si Hiro.
Dali-dali siyang naglakad palayo at di na nilingon pa ang lalaki. Malamang ay di papayag ng girlfriend nito na makakalapit sa kanya. Okay na siya. Move on na siya. Ibuhol na lang ito ng girlfriend nitong maldita sa baywang nito. Hindi siya interested kay Yamashita Treasure.
“MARAMING salamat sa pagtuturo sa anak ko, day. Hindi na mahiyain si Filwar ko ba. Di na siya nabu-bully. Panigurado makakahabol na siya sa lessons sa school. Pag binully pa nila ang anak ko, babanatan ko na silang mga lintik sila. Pati tuloy ako napapa-English-English na rin. Nakakadugo ng ilong,” anang si Madam Grace na ina ni Filwar na may accent ng Cebuano. “Ay naku! Doon naman sa Jordan hanggang-hanga siya sa English ko. Dito lang naman mapangmata ang mga tao.”
Ginabi na siya dahil ayaw pa siyang pakawalan ni Filwar. Matapos maghapunan ay nagyaya pa itong manood ng paboritong Disney program sa TV room. Nakaunan ito sa kandungan niya habang sila naman ng nanay nito ay nagkukwentuhan.
“Hayaan na po ninyo ang mga iyon, Madam. Wala naman pong mataas na wika o dialekto sa iba. Ang mahalaga nagkakaintindihan ang mga tao. Kung magaling ka ngang mag-English o Tagalog pero nang-aapi ka naman ng kapwa mo, di rin po tama.”
“Tama ka diyan. Hindi iyan ang basehan ng pagkatao pero salamat pa rin dahil sa iyo nakakaya ko nang makipagsabayan ng English sa sosyal kong neighborhood. Amigas ko na sila.” Sinilip nito si Filwar. “Nakatulog na pala siya.”
Kinintalan niya ng halik ang noo ng bata. “Uuwi na rin po ako.”
“Sige. Si Diday na ang bahala sa kanya.” Nang paalis na siya ay pinabaunan pa siya ng pagkanin ni Madam Grace. “Iuwi mo na sa pamilya mo, day. Magugustuhan iyan ng kapatid mo lalo na ‘yung cake. Ako ang nag-bake niyan.”
“Salamat po, Madam.”
Inabutan siya nito ng sobre. “Heto. Bonus mo iyan.”
Sinilip niya iyon at nagulat nang makita ang sampung limandaang pisong papel na laman niyon. “Madam, sobra naman po ito.”
“Maliit na bagay lang iyan. Kailangan mo iyan para sa inyo ng kapatid mo. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Bata ka pa pero masikap ka na sa buhay. Malayo ang mararating mo, day. Kaya mag-aral ka hangga’t may pagkakataon.”
Niyakap niya ang babae. “Maraming salamat, Madam.”
“Huwag kang mag-alala. Kapag may kakilala akong nangangailangan ng tutor, ikaw ang ire-refer ko. Malay mo ako naman maging estudyante mo.”
“Aasahan ko iyan, Madam.”
Magaan ang hakbang niyang pumasok ng elevator. Nasa thirtieth floor siya galing. Nanlalamig siya habang hinihintay na umakyat ang elevator. Hindi talaga siya sanay na sumasakay ng elevator. Napapraning siya na baka makulong siya doon kapag nasira ang elevator pero di naman niya kayang takbuhin pababa ang fire exit mula thirtieth floor. Kaya lakasan na lang ng loob at dasal ang ginagawa niya.
Nang bumukas ay walang laman iyon. Pumasok siya at akmang pipindutin ang close door button nang may pumasok din. Nanigas ang buong katawan niya nang makitang si Yamashita Treasure ang kasama niya. But this time, wala ang masungit na girlfriend.
Ngumiti ito sa kanya at ito ang pumindot sa close door button pati na rin sa ground floor button. Ngingiti din sana siya nang maalala ang pamamahiya sa kanya ng girlfriend nitong parang laging aagawan ng lalaki.
“Hi!” bati nito at bahagyang yumukod. Pero mas “Hai!” ang dinig niya dahil sa Japanese accent.
Maasim lang siyang ngumiti at itinuwid ulit ang tingin sa harap ng elevator para i-discourage ang lalaki na kausapin siya. Baka mamaya ay mulagatan na naman siya ng girlfriend nitong Himalayas Mountain Range ang level ng dibdib. Mas mabuti nang umiwas.
“Sumimasen...” Nilingon niya ito nang marinig niya ang “excuse me” nito nang biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw.
Tumili si Jemaikha. Nang makita niya ang elevator ay naka-stock ang up marquee nito na nasa taas. Ibig sabihin ay umaakyat pa rin iyon. Nasa pagitan pa sila ng dalawang floor.
Pinindot niya ang down button. “Bumukas ka. Bumukas ka.” Nag-panic siya nang di iyon gumana. “No! No! No! Ayoko dito. Tulong!” Kinalabog niya ang pinto
Lumapit ang lalaki at hinawakan ang balikat niya. “Daijoubu desu.” Sinasabi nito na magiging okay lang ang lahat.
“Daijobou ja nai! (I’m not okay)” konta niya dito. “Mamamatay na tayo dito! Paano magiging okay?” Kumunot ang noo ng lalaki. Marahil ay hindi siya nito maintindihan. “Watashitachi wa koko de shinudarou.” (We will die here!)
“Watashitachi wa koko de shinu koto wa arimasen.” (We won’t die here), pagpapakalma ng lalaki sa kanya. Di daw sila mamamatay doon.
Pinindot nito ang emergency button. Hindi niya iyon napansin kanina dahil sa sobrang pagkataranta niya. Ngumiti ito sa kanya na parang balewala lang ang pagka-trap nila sa elevator. “Watashitachi wa daijōbudesu. Mentenansu tantōsha ga shūsei shimasu.” (We will be fine. The maintenance people will fix it.) Ayos lang daw sila. Dadating daw ang maintenance para ayusin ang elevator.
Sumandal si Jemaikha sa dingding ang elevator at dali-daling inilabas ang cellphone sa body bag niya. “Okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang ako. Makakauwi pa ako nang buhay.” Nangininig siyang nag-text sa kanila pero laking dismaya niya nang makitang di iyon nag-send dahil walang signal. Nanlalambot siyang dumausdos sa metal na pader ng elevator. “Walang signal dito. I am doomed. I am really doomed. Kawawa naman ang kapatid ko. May sakit na nga si Tatay tapos mawawala pa ako. ”
Nilingon niya ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya na parang naaawa sa kanya. Pero parang walang kakaba-kaba dito. “Ikaw? Di ka ba natatakot na mamamatay tayo? Watashitachi wa koko de shinudeshou. Anata wa osorete imasen ka?” ulit niya sa Nihongo.
“I-In my country…” marahan nitong sabi na parang hirap mag-English.
“Daijoubu yo. Watashi wa nihongo o hanasu koto ga dekimasu. (It’s okay. I can speak Japanese.)” Sinabi niya na ayos lang. Marunong siyang mag-Nihongo.
Ipinaliwanag nito na sa Japan ay sanay ang mga ito na maghanda sa oras ng sakuna. At ang unang rule daw ay huwag mag-panic.
“Naku! Sa Pilipinas walang training-training dito. Abala kami sa pang-araw-araw naming buhay. Happy-happy basta maganda ang panahon. Parang si Tipaklong lang. Kapag oras ng sakuna, nagkakanda-leche-leche na. Good for your country,” aniya sa salitang Hapon at nag-thumbs up. “Kita mo. Di na nga tayo masasagip dito sa elevator. Bagal talaga. Mauubos na oxygen dito pero wala pa ring aksyon.”
Naiyak na naman siya. Kahit anong kwento niya para ma-distract siya sa kalagayan niya ay di pa rin maaalis sa kanya ang lungkot at takot na maaga siyang mawawala sa mundo.
Umusod ang lalaki palapit sa kanya. Kinabig nito ang ulo pahilig sa balikat nito at bumulong sa kanya. “Saigono kissu wa yabako no flavor gashita. Nigakute setsunai kaori.”