“Boring naman ng buhay ninyo, Ma’am. Walang love life. Walang ka-date. Walang manliligaw. Paano kayo nabubuhay no’n?” tanong ni Maricon kay Yoanna habang mag-a-out na sila sa trabaho.
“Kung meron lang ba, bakit hindi?”
Naiinggit din naman siya sa mga taong may love life tulad ni Alastair. Masaya na ito sa boyfriend nitong si Burke. Balita niya ay nag-lunch ito kasama ang nobyo para ipakilala sa mga Mondragon. Di siguro madaling tanggapin ng mga ito sa una pero ang importante ay di na kailangan pang magtago ni Alastair.
“Meron naman diyan. Di lang ninyo pinapansin, Ma’am.”
Nagsalubong ang kilay n iya. “Kung si Rupert lang naman, huwag na. Wala akong planong maging asawa ng trapong pulitiko. Please lang!”
“Mukha bang si Rupert ang kanina pa naghihintay sa iyo? Hindi ba si Doc Kester ‘yon?” anito at inginuso si Kester na nakatayo sa lobby.
“Hindi ako ang hinihintay niyan. Baka may pasyente lang iyan.” Manaka-naka ay may nagpapatihulog pa rin na babae sa kabayo para dito.
Kinawayan naman ito ni Maricon. “Doc Kester! Doc Kester! Nandito na si Ma’am Yoanna. Out na siya.”
Nakangiting lumingon sa kanila si Kester. “Hi!” bati nito.
Mahigpit siyang humawak sa braso ni Maricon habang palapit ito. Ayaw na nga niyang magpakita dito. Pahamak talaga si Maricon! “Hello, Doc! Pasensiya na kung natagalang lumabas si Ma’am Yoanna. Nainip ka sa paghihintay.”
“Hindi,” sagot ni Kester subalit sa kanya nakatingin.
“May pasyente ka ba dito sa guesthouse?” tanong niya.
“Wala. Yayayain lang sana kitang mag-dinner.”
“Wala ako sa mood, eh!” nasabi na lang niya. After he admitted that he was attracted to her and after they argued, she was not comfortable to be alone with him. Saka ano naman ang pumasok sa utak nito para yayain siyang mag-dinner?
“Si Ma’am Yoanna, masyadong killjoy!” angal ni Maricon. “Samantalang kanina lang sinabi na makikipag-date daw siya kung may magyayaya sa kanya.”
Malapit na niyang batukan si Maricon. Nakangiti lang siyang bumaling kay Kester. “Sige. Dinner lang naman, di ba? Saka sandali lang tayo.”
“No problem,” wika nito at inalalayan siya sa braso.
Nagulat siya nang matuklasang ipina-reserve nito ang paborito niyang pwesto sa Lakeside Café. “Sabi nila sa akin, dito ka daw lagi umuupo kapag nandito. Gusto mo daw kasing pagmasdan ang lake.”
Parang ayaw niyang umupo sa mesang ipina-reserve nito. It was romantically arranged. May flower arrangement at may scented candle pa. “Hindi naman ito date, hindi ba?” paniniyak niya.
“Bakit? Gusto mo ba ng date?”
Umingos siya. “Of course not.” But deep inside her, she would have loved to have a date with him. Kahit minsan lang. Di naman niya aaminin iyon.
“Then it would be a plain dinner.” Nang I-serve sa kanila ang dinner, puro paborito rin nito ang tanong. “I also took the liberty of asking your favorite. You don’t mind, do you?”
“Not at all.” Parang ngang date. But she won’t tell him that. “Ano nga pala ang okasyon at niyaya mo akong mag-dinner? May problema pa ba kay Alastair? Did your parents freak out after meeting his boyfriend?”
Bahagya itong natawa. “Shock pa rin si Papa. Pero wala naman siyang sinabi. Tahimik lang siya habang nagla-lunch. Nag-usap sila ni Mama na kung wala siyang magandang sasabihin, mabuting tumahimik na lang siya.”
“At least di niya naisip na ipa-deport si Burke.”
“Maybe he is starting to accept things. And I just want to thank you in my own way. Kung di ka naging matapang na harapin si Papa, baka hanggang ngayon nasasaktan pa rin ang kapatid ko. I can see that he is happy now.”
“Tama ka naman. Both of us would be miserable if I agreed with the wedding. Ako rin ang hindi matatahimik.”
He touched her hand. “Sorry sa sinabi ko dati. Nang I-offer ko ang sarili ko na pakasalan ka, it was a desperate act.”
Tinapik niya ang kamay nito. She tried to make it as impersonal as possible. She wanted to ignore the sensation that the touch of his hand evoked. “You did it out of your love for your brother. Kanya-kanya lang tayo ng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.”
Lumungkot ang mga mata nito. “Yoanna, nasaktan kita. Pakiramdam mo siguro ilang beses ko nang tinapakan ang pagkatao mo. Wala akong excuse sa ginawa ko. And I want to apologize.”
Binawi niya ang kamay dito. “Forget about it. It is in all the past after all.”
Ano naman ang mapapala niya kung magagalit siya dito? Boring na nga ang buhay niya, magagalit pa siya.
Inilahad nito ang kamay. “Can we start all over again?”
“Sure!” aniya at ginagap ang kamay nito.
She inhaled sharply when his lips touched the back of her hand. “Hindi ko kayang pantayan ang lugar ni Alastair. But I want to be the man who will be there for you. Iyong hindi ka iiwan.”
“Why?” she asked. “Don’t you think that it is wiser if you stay away from me?” Hindi niya alam kung paano ito iha-handle ngayon. Kung anu-anong romantic notion ang pumapasok sa utak niya.
“I don’t have any reason to stay away from you. All I want is to be with you.”
Natulala na lang siya dito. “Ha? Ano ulit?”
Nagulat ito at parang nadismaya. “Hindi mo naintindihan ang sinabi ko?”
Alanganin siyang ngumiti, “Masyado kasing malalim. Pwede mong ulitin ulit? Baka sakaling ma-analyze at maintindihan ko.” Gusto niyang malinawan kung ano ang gusto nitong mangyari. Manliligaw ba ito sa kanya? O ang gusto nito ay magtitigan na lang sila maghapon at magdamag.
“Uulitin ko lang ang sinabi ko kapag pumayag kang makipag-date sa akin bukas. Same time. Same place. Hihintayin kita.”
Tumingala siya at pinagmasdan ang milyon-milyong bituin na nakasabog sa langit. A smile curved her lips. “Maganda ang panahon bukas. Marami kasing bituin ngayon.” Tumingin siya dito. “I think tomorrow is a nice time for a date.”
NAKAPANGALUMBABA si Yoanna habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Pasado alas sais na at madilim ang langit. Di siya makaalis sa opisina dahil may biglaang meeting na ipinatawag ang boss nilang si Reid Alleje.
Sunud-sunod ang event na gaganapin sa mga darating na buwan sa riding club. Nariyan ang anniversary ng riding club kung saan magkakaroon ng open tournament. Dagsa na naman ang guests nila. Subalit wala doon ang atensiyon niya kundi sa date nila ni Kester. Nag-aalala siya kung tuloy iyon o hindi.
“Miss Aguirre, is there a problem?” tanong ni Reid.
Lumingon siya at natuklasang lahat ay nakatitig na sa kanya. Umayos siya ng upo at umiling. “Wala po, Sir. Malakas kasi ang ulan sa labas.”
“At inaalala mo kung matutuloy ang date ninyo ni Doctor Mondragon.”
Nanlaki ang mata niya. “How did you know…” Nabitin ang pagtatanong niya nang maisip na nadulas ang dila niya. “I mean… well…”
Umangat ang gilid ng labi ni Reid. “It is my business to know.”
Umulan tuloy ng tuksuhan lalo na nang mag-blush siya. “Aha! Kaya pala todo paganda kanina si Ma’am,” kantiyaw ni Maricon. “May date pala.”
Nanlaki ang mata niya. “Stop teasing me! Nakakahiya kay Sir Reid.”
“Go now, Miss Aguirre!” utos ni Reid. “Puntahan mo na si Doctor Mondragon. Mahirap na pinaghihintay ang ka-date.”
“Pero Sir…”
“That is an order!” matigas na wika ni Reid.
Paglabas ng conference room ay tinawagan agad niya si Kester sa cellphone. “Hello! I am sorry. Katatapos lang ng meeting ko. Nasa Lakeside Café ka pa ba?” Baka ayaw nito nang pinaghihintay at iniwan siya. Dati ay wala naman siyang pakialam kapag may nagyayaya ng date. But with Kester, parang di siya makakapayag na di matuloy ang date nila.
“Nandito lang ako sa café. Hinihintay ka.”
Kumunot ang noo niya nang marinig ang panginginig sa boses nito. Parang masyado pa ngang malakas ang ulan sa kinalalagyan nito. “I am coming.”
Nagpababa siya sa service sa Lakeside Café. Nagpalinga-linga siya pagpasok subalit di niya nakita si Kester. “Good evening, Ma’am,” bati ng waitress sa kanya.
“Is Doctor Mondragon still here?”
“Yes, Ma’am. Nasa porch po,” anito at itinuro ang pwesto niya. “Sabi ko nga po sumilong muna siya pero doon lang daw po siya sa labas maghihintay.”
Nanlaki nang makitang basang-basa na ito sa ulan at mukhang lamig na lamig. Nilapitan niya ito bitbit ang payong niya. Di agad ito kumilos kahit nang lumapit siya dahil bahagya itong nakayuko. Inangat lang nito ang tingin nang maramdaman na nakasilong na ito.
Ngumiti ito kahit na nanginginig na ang labi. “Hi! You’re here!”
“Yes, I am here! And how about you? What are you doing here? Sobrang lakas ng ulan. Look at you. Nanginginig ka na sa sobrang lamig.”
“Sabi ko hihintayin kita dito.”
“Do you really have to wait for me here? Pwede naman sa loob. Look at your self. Basang-basa ka na. Kung magkasakit ka sa kahihintay sa akin? Konsensiya ko pa iyon,” litanya niya.
He looked at her guiltily. “Sorry. Umulan kasi.”
“Hindi mo kasalanan na umulan. Pero kung alam ko lang na magpapakabasa ka sa date natin, sana di ko na lang itinuloy.”
Bigla itong tumayo. “Ha? Di na natin itutuloy?”
“Huwag na lang. Mabuti pa umuwi ka na lang.” Bumalik siya sa loob ng café at kinausap ang isa sa crew. “Miss, ipapa-deliver ko na lang sa lodging house ni Doctor Mondragon ang order niya. Thank you. Kester, okay lang ba na…” Nang lumingon siya ay di niya kasunod si Kester. Naiwan ito sa porch. Di maipinta ang mukha niya nang balikan ito. “Ano pang ginagawa mo dito? Gusto mo talaga akong galitin, no? Di ba sabi ko umuwi ka na?” Inilahad niya ang kamay. “Ibigay mo sa akin ang susi ng kotse mo. Ihahatid kita sa lodging house mo.”
“Bakit mo pa ako ihahatid?” inosente nitong tanong.
Namaywang siya. “Gusto mo bang matuloy ang date natin o hindi?”
Lumiwanag ang mukha nito. “Gusto ko, siyempre.”
He was trembling when they get inside the car. Di na niya binuksan pa ang aircon dahil tiyak na lalamigin ito lalo. “Look what you’ve done. Daig mo pa ang basang-sisiw. Pagdating mo sa bahay mo, mag-hot shower ka agad.”
“Ngayon ko lang na-realize na sobrang bossy ka pala.”
“At hindi ko naman alam na may itinatago ka palang katigasan ng ulo at katangahan. Naturingan kang doktor, di mo inaalagaan ang sarili mo.”
Bumuntong-hininga ito nang itigil niya ang kotse sa harap ng lodging house nito na solo nitong inookupa. “Daig mo pang magsermon si Mama.”
“May angal ka?”
“Wala,” tanggi nito. “Sabi ko nga, magsa-shower na ako.”
Nakasunod siya dito nang pumasok sa bahay. “Nasaan ang medicine cabinet mo?” tanong niya. Itinuro nito ang direksiyon ng kusina. “Go take a shower. Ako na ang bahala dito.”
“Hindi ka ba naiinip na hintayin ako?”
“Huwag mo na akong intindihin. Malaki na ako. Ako na ang bahala sa sarili ko. Maligo ka na!” mariin niyang utos dito. And she must distract herself. Para di na niya ma-imagine pa ito habang nasa ilalim ng shower. It was their first date and those thoughts were not allowed.
TAPOS nang iayos ni Yoanna sa mesa ang ipina-deliver na pagkain nang lumabas si Kester mula sa kuwarto nito. He was wearing a toweling robe at tinutuyo ang buhok. “Wow! Nag-abala ka pa na ipaghanda ako ng pagkain,” anito nang makita ang ayos ng mesa. “Thank you, ha?”
Napanganga siya habang pinagmamasdan ang matipuno nitong dibdib na nakikita sa nakabuka nitong roba. Wow! Mas masarap pa siyang papakin kaysa sa pagkain, isip-isip niya. She could imagine him under the shower without anything on. Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan niya.
Naipilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras para magpantasya siya. “Hindi ako nag-abala. Ipina-deliver ko lang ang in-order mo kanina sa Lakeside Café. Of course, naka-charge iyan sa account mo.”
“But I still find it sweet.”
“Tama na ang pambobola mo. Kumain ka na ng chicken soup.”
“Wala akong natatandaan na um-order ako ng chicken soup.”
“Pinakilaman ko ang stock mo. Humigop ka na para mainitan ka. tapos uminom ka ng gamot,” sunud-sunod na utos niya.
“Doktor ako. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin.”
Matalim niya itong sinulyapan. “Doktor ka nga pero hindi ko maintindihan kung bakit nagpakabasa ka sa ulan.”
“Ulan lang iyon. Saka wala naman sa iyo kung magkasakit ako,” matamlay nitong sabi habang humihigop ng chicken soup.
“Di pa pala pagmamalasakit ang ginagawa ko ngayon para sa iyo. Kung wala akong pakialam sa iyo, hindi na sana ako nakipag-date sa iyo. Hindi rin kita aasikasuhin. Saka… saka…”
“Saka malapit ka nang ma-in love sa akin?”
Her eyes widened. She didn’t know if he was only teasing her. O baka naman na nito ang totoong nararamdaman niya. “Hoy, Kester! Wala akong sinasabing ganyan. Inaalagaan lang kita ngayon dahil di mo maalagaan ang sarili mo. Doktor ka dito at lahat kami inaalagaan mo. Someone ought to take care of you.”
“Iyon lang ang dahilan mo para alagaan ako? Dahil doktor ako dito sa riding club? Ganyan ka rin ba sa ibang doktor dito?”
Diniinan ng daliri niya ang noo nito. “Sa iyo lang dahil ikaw lang naman ang nag-iisang doktor na kilala ko na matigas ang ulo!”
Nasapo nito ang ulo. “Ah! M-Masakit ang ulo ko!”
Nag-alala siya at hinaplos ang ulo nito. “Naku! Sorry! Masakit ba?” Nasalat niya na medyo mainit ang noo nito. “May sinat ka na. Nilalamig ka rin ba?”
“Sinat lang iyan. Kaya ko na iyan.”
“Huwag ka nang magtapang-tapangan. Si Alexander the Great nga, namatay sa malaria. Baka mamaya lumala pa ang sinat mo kapag di mo ininuman ng gamot.” Siya pa mismo ang nagbukas ng foil pack ng gamot at inilapit sa bibig nito. “Iyan na. Sige na. Uminom ka na bago pa kung anong mangyari sa iyo.”
Tumawa lang ito at isinubo ang gamot. “HIndi naman malaria ang sakit ko.”
“Matulog ka na pagkatapos.”
Maang itong tumingin sa kanya. “W-Wait! Paano ang date natin?”
“Tapos na kasi magpapahinga ka pa.” Kasalanan din naman nito. Kundi ito nagpakabasa sa ulan, hindi naman iyon mangyayari. “Huwag ka na lang pumasok bukas. I want you to take a rest. Saka ka na lang tawagan kapag may emergency.”
“Napag-isipan mo na ang lahat ng ito?”
“At least nag-iisip ako. Go to bed right away and take a rest. Good night.”
Tumingkayad siya para halikan ito sa pisngi subalit pinigilan siya nito sa balikat at itinulak siya palayo. “Good night,” pormal nitong sabi.
Bumakas ang sakit sa mga mata niya. She didn’t expect the rejection. O masyado ba siyang umasa na may hihigit pa sa paglalambing na ipinapakita nito sa kanya? Maybe he only took her out on a date because he was grateful to her for helping out his brother. Nothing more.
Ibinaba niya ang mga mata. “S-Sige.”
Talagang pinagbigyan lang siya sa kahilingan niya. Isang date. And that was enough. Di na rin siya kailangan pang umasa.
Palabas na siya ng pinto ng tawagin nito ang pangalan niya. “Yoanna…”
Lumingon siya dito. “Bakit?”
He didn’t say a word. He only moved towards her and touched a few strands of her hair from her shoulder. He was staring at her in such a hypnotic way. Ni hindi na niya maialis ang tingin dito. Then he kissed the strand with his lips, his eyes never leaving hers.
Hindi niya alam kung anong gagawing paghinga. The strong beat of her heart was too painful and sweet at the same time. He only kissed a few strands of her hair but it was like he was kissing her flesh, her lips, her very soul.
“K-Kester, what are you doing?” she asked in a trembling voice.
“I am not doing anything,” he whispered.
“You are doing something.” And he was evoking weird emotions on her. It was so intimate like the kiss they shared before.
He let go of her hair. “Thanks for the wonderful night.”
Pagdating sa kuwarto niya ay di siya makatulog. Naiisip pa rin niya si Kester. Sa palagay niya ay ito rin ang magiging laman ng panaginip niya. Isinubsob niya ang mukha sa unan. Knock it off, Yoanna! It is just a date. It doesn’t mean a thing to him. Forget it.
Baka nga mahimbing na itong natutulog dahil na rin sa epekto ng gamot. Ni hindi nito maiisip pa ang date nila. It would be just a meaningless night to him. Sasabog na ang utak niya sa kaiisip nang mag-ring ang cellphone niya. Nagtaka pa siya nang makitang si Kester ang caller.
“Hey, bakit gising ka pa? Di ba sabi ko matulog ka na?” sermon agad niya.
“I just want to check if you are home. Ikaw, bakit di ka pa natutulog?”
“Patulog na ako kung di ka pa tumawag.” Tatawag-tawag pa ito pero di naman importante ang sasabihin nito. Pero kahit parang simpleng pagche-check lang ang ginawa nito, may mumunting kilig siyang nararamdaman. “Good night na.”
“Yoanna, I wish that I could be like Alastair. If only I could replace him in your heart. Goodnight.”
Lalo siyang naguluhan at di makatulog sa sinabi nito. Ayaw nito sa kanya, di ba? He even refused to kiss her or ask her out on a date again. Sa simpleng tawag na iyon ay nabuhay na naman ang pag-asa niya. At kapag nabigo ay masasaktan na naman siya. But could she stop herself from hoping?