Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 12

CHAPTER TWO

Noong una ay di agad nakuha ni Jemaikha kung ano ang sinasabi ni Hiro. Ang huli nating halik ay lasang tabako, isang mapait at malungkot na amoy.

Ano bang sinasabi nito? Hindi naman niya ako nahalikan. Di naman ako amoy yosi. Bakit iyon ang sinasabi niya sa akin?

If Hiro wanted to comfort him, it was not helping. It didn’t make sense.

Nagpatuloy si Hiro sa pagbulong sa dalaga. “Ashita no imagoro ni wa. Anata wa doko ni irun darou'. Dare wo omotte 'run darou'.”

Bukas sa mga oras na ito, nasaan ka kaya? Sino ang iniisip mo?

It didn’t make sense. Kumakanta ba ito? Umiindayog ang tono ng boses nito. Pero parang pamilyar sa kanya ang salita. Di lang niya alam kung kumakanta ito o tumutula. Saka niya nalimi na kumakanta ito ng First Love ni Utada Hikaru.

“Kailangan talaga kanta ni Utada Hikaru? Wala na bang ibang Japanese song diyan? Lalo lang akong nade-depress,” usal ni Jemaikha nang maalala kung ano ang mensahe ng kanta. It was a depressing song about first love.

(“Anata wa Utada Hikaru ga sukide wa arimasen ka?)” nakakunot ang noong tanong ni Hiro kung ayaw daw ba niya kay Utada Hikaru. Nakahalata yata ito sa reklamo niya sa song choice nito.

“Iie,” tanggi ni Jemaikha at umiling. “Utada Hikaru ichiban.”

Ibig niyang sabihin ay number one si Utada Hikaru. Itinaas pa niya ang isang daliri. Baka fan ito ni Aling Utada at hindi na siya i-comfort. Ayaw niyang ma-offend ang lalaki kahit na wala ito sa tono. Ang bango pa mandin ni Yamashita Treasure. Parang nalalanghap niya ang amoy ng cherry blossoms sa tagsibol.

Para patunayan ang pagmamahal niya ay kinanta niya ang chorus ng First Love kahit na uwang-uwa na siya sa kanta dahil inaraw-araw ng mga kapitbahay niya sa videoke. With feelings pa ang rendition niya. “You will always gonna be my one itsuka. Dare kato mata koi ni ochi te mo. I will remember to love. You taught me how.”

Animo’y may kapangyarihan ang boses ni Jemaikha. Bumaha ang ilaw sa elevator at unti-unting bumaba ulit ang elevator. Nagsigawan sila ni Hiro sa sobrang saya at napayakap ang dalaga dito.

“Yeyyyy!!! May ilaw na!” tili ng dalaga sa tuwa. Sa wakas, nakakita rin siya ng liwanag. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. “Makakalabas na tayo. Ang galing mo talaga! You are number one.”

Naramdaman niya na natigilan ang lalaki. Bahagya siyang lumayo dito at saka lang niya napansin na nakayakap siya dito. Kumalas siya bigla sa pagkakayakap sa lalaki. Baka akala nito ay feeling close sila.

“Goumen nasai. Hontou gomen nasai,” hingi ng paumanhin ng dalaga at bahagyang yumuko. Medyo aloof ang mga Japanese kapag sa pisikal na koneksyon lalo na sa di naman nito kakilala. Kahit naman sinong lalaki ay maiilang lalo na’t di naman siya nito nobya o malapit na kaibigan.

Magaang tumawa ang lalaki. “Shinpai nai. Watashitachiha ikite imasu.” (It’s okay. We are alive.)

“O-Okay,” usal niya at tumango. Buhay na buhay talaga ang pakiramdam niya. At mabuti rin na di nito minasama ang pagyakap niya.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ulit ang elevator. “Ma’am, Sir, okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?” tanong ng security.

“Hindi po ako. Okay lang ako,” sabi niya at umiling. “Salamat.”

“Daijoubu desu ka?  Anata wa shibaraku mae ni memaidatta?” (Are you sure you are okay? You were dizzy a while ako.) Tinanong ng lalaki kung ayos lang siya dahil nahilo daw siya kanina.

“Hai! Daijoubu you. Arigatou gozaimasu,” sabi niya sa lalaki at yumukod. Sinabi niyang ayos lang siya at nagpasalamat.

“Douitashimashite. Watashi wa Hiro-san desu. Dozo yoroshiku onegaishimasu,” pagpapakilala ng lalaki sa kanya sa pormal na paraan at yumuko saka siya kinayaman.

“Dozo. Namae wa Jemaikha-san,” pagpapakilala din niya at yumuko. Nakatitig lang siya sa kamay nitong hawak niya.

^“Where is your home? I will take you there,” tanong nito kung saan daw siya nakatira. Ihahatid daw siya nito.

Umiling si Jemaika. “Iie. Daijobu desu,” tanggi niya at sinabing ayos lang siya.

“Hiro!” tawag ni Shobe dito na lumabas sa kabilang elevator at niyakap ito. “Hiro-kun, daijoubu yo?” Tinanong nito kung ayos lang si Hiro.

“Hai! Hai!” sagot naman ng lalaki.

Naglaho ang mahika sa paligid ni Jemaikha. May sumingit sa mundo na silang dalawa lang ni Hiro ang nag-e-exist. Dumating na kasi ang impaktang girlfriend ng lalaki. Siya ngayon ang lumalabas na extra sa eksena.

Malungkot na lang na yumuko si Jemaikha at saka naglakad palabas ng lobby. Okay na sana. Nag-offer na itong ihatid siya kundi lang umeksena ang babaeng laging parang inuurungan ng damit. Too bad huling araw na niya iyon doon. Di na niya makikita si Hiro.

“BYE, Tay. Pupunta na po ako sa UP.”

Hinalikan ni Jemaikha ang amang si Elpidio sa noo. Nakataray ito dahil sa liver cancer na natuklasan nila noong taon. “Enrollment na ba ninyo? Pasensiya ka na kung wala akong maiaabot sa iyo,” anitong hirap magsalita.

“Okay na po iyon. Basta po magpagaling kayo.”

Sa isang linggo pa ang enrollment niya pero kailangan niyang magtanong-tanong sa mga professor at kakilala kung may maiaalok na trabaho sa kanya ang mga ito. Wala pa rin kasing sagot sa pinost niya sa bulletin board.

“Ikaw na ang nagtatrabaho para sa atin,” malungkot na sabi nito.

“Tatay, huwag po kayong magi-guilty. Alam ko naman na kung gugustuhin ninyo, kayo ang magtaguyod sa amin. Magagawa po ninyo ulit iyan paggaling ninyo. Hindi naman ako tumigil sa pag-aral, di po ba? Scholar pa rin ako. Honor pa si Robin.”

She was running out of options. Gusto niyang makapagtrabaho bilang freelance translator kung saan di niya kailangang pumasok sa opisina. Niyayaya na siya ng mga kaklase na maging online translator pero tinanggihan niya dahil priority niya ang pag-aaral. Nakita kasi niya kung paanong di nakakapasok ang iba sa mga ito klase dahil mas priority na ang pagtatrabaho. At ilan sa mga ito ang titigil na sa pag-aaral. Ang matataas na grades niya ang nagpapasaya sa ama niya kaya ayaw niyang sukuan ang pag-aaral.

“O! Magdadrama po ba kayo na mag-ama? Ang aga namang telenovela. Umalis ka na at baka ma-traffic ka pa,” pagtataboy ng tiyahin ni Paloma sa kanya.

Maayos ang buhay nila dati hanggang magkasakit ang ama niya. Ngayon ay tiyahin na nila ang katuwang. Mula sa probinsiya ay lumuwas ito para tumulong sa pag-aalaga sa tatay niya at sa kanilang magkapatid. May bukid na pinauupahan ang tiyahin niya sa probinsiya at iyon ang pantustos sa pagpapagamot sa tatay niya.

“Kayo na po ang bahala sa Tatay. Tulungan mo si Tiya dito,” bilin niya sa kapatid na naglilinis ng sahig. “Baka mamaya kasama ka sa mga tambay diyan sa kanto na ang ginawa lang maghapon ay mag-abang ng magagandang babae.”

“Oo, Ate. Magbabait ako. Ikaw ang magbabait. Baka bigla kang mag-boyfriend,” panunukso ng kapatid sa kanya.

Pinanlakihan niya ito ng mata at inambaan ng suntok bago lumabas ng bahay. Wala na ngang makain, magbo-boyfriend pa. She didn’t have the luxury to date. Mahalaga sa kanya ang pag-aaral niya. She loved UP. Bata pa lang siya ay doon na niya pangarap mag-aral. At excited na siyang bumalik sa eskwelahan.

May kasama ring pag-aalinlangan dahil kailangan niya ng trabaho. Nagpatulong na siya sa mga kakilala at nag-ask ng recommendation sa agency ng professor niya.

Dasal lang. Magkakaroon din iyan. Samahan lang ng dasal.

Pagbaba sa jeep sa overpass sa Philcoa ay naglakad siya papunta sa terminal ng jeep papasok ng UP. Natigilan siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na pinagkakaguluhan ng mga batang kalye. Pawang nakalahad ang kamay ng mga ito sa lalaki. Madudungis ang mga ito, nakayapak ang iba at parang ilang araw nang hindi naliligo.

“Son Gokou, give me money!” sabi ng isang bata at naggayahan na na ang iba.

“Me! Me! I want money,” anang isa pa.

Hindi sana papansinin ni Jemaikha ang mga ito dahil normal naman nang pagkulumpunan ng mga batang kalye ang mga nagbibigay ng limos sa mga ito. Kapag nagbigay sa isang batang kalye, maggagayahan din ang iba. Hanggang mapagmasdan niyang mabuti kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga batang kalye - si Hiro.

Tatlong araw na ang nagdaan mula nang makulong sila sa elevator. Akala niya ay hindi na sila magkikita ulit. Anong ginagawa nito sa Philcoa? Mag-isa lang ba ito? Nasaan ang bruhang girlfriend nito?

“Food only. Okay?” anang lalaki at inabutan ng cupcake ang mga ito. May feeding program ba ang lalaki?

Napansin ni Jemaikha na may mga batang dismayado sa natanggap na pagkain. “Money! I want money,” sabi ng isa at inabot ang bag ni Hiro.

“Hoy! Hoy! Hoy!” sabi ng lalaki at pumihit nang maramdaman na may kumukuha ng bag nito. Hindi marahil nito alam kung paano sasawayin ang mga bata.

“Hoy, bata!” bulyaw ni Jemaikha at lumapit sa mga ito. “Anong ginagawa ninyo? Binigyan na kayo ng pagkain, kailangan pang pati pera? Di man lang kayo mag-thank you?”

“Pero marami naman siyang pera. Bigyan na lang niya kami,” sabi ng pinakamalaki sa mga bata na sa tantiya niya ay nasa dose na.

“Huwag na kayong manghingi at mapasasalamat kayo! Gusto ba ninyo huwag na kayong makaulit na bigyan?” tanong niya at pinanlakihan ng mata ang mga ito. Umiling ang mga ito. “Sabihin ninyo, “arigatou gozaimasu”.” At yumuko.

“Arigatou,” sabay-sabay na sabi ng mga bata at nagsiyuko rin gaya niya.

Ngumiti si Hiro. “Douitashimashite,” sabi naman ng lalaki at ginulo pa ang buhok ng ibang bata.

Bumanat pa ang pinakamalaki sa mga ito. “Maraming salamat, Kuya. Ang sungit ng girlfriend mo.” At biglang nagtatakbo palayo. Nagtawanan ang ibang bata at nagsunuran sa tumatayong leader ng mga ito.

“At ang mga lokong ito. Halika nga dito. Bumalik ka!” bulyaw niya at inambaan ito ng suntok.

“Omoishiroi desu (You are funny),” sabi ni Hiro na lalong gumuwapo habang tumatawa.

Nakakatawa daw siya. Siya na nga ang nasabihan ng masungit dahil sa pagtatanggol dito, ginawa pa siyang katatawanan. Uminit tuloy ang ulo ni Jemaikha. Hindi man lang nito naisip kung gaano kadelikado ang wallet nito kanina. Nagagawa pa nitong tumawa.

Sinambilat niya ang braso ng lalaki. “Halika nga dito.”

“Chotto!” awat ng lalaki sa kanya. “Doko de watashi o tsurete ikimasu ka?” Saan daw niya ito dadalhin.

“Doko ni iku no?” tanong niya kung saan ito pupunta. Tumigil sila sa harap ng Mcdonald’s kung saan may lilim.

“University.” At itinuro nito ang dokumento na may logo ng University of the Philippines. Exchange student pala ito mula sa University of Tokyo. Ipinaliwanag nito na sa mga bata ito nagtanong kung saan ang sakayan ng jeep papasok sa UP. Humingi daw ng pagkain ang isa at binigyan naman nito. Ugali daw kasi nito na magdala ng pagkain lalo na’t nakita nito sa internet na maraming mga batang nagugutom sa Pilipinas.

Di alam ni Jemaikha kung matutuwa sa pagiging mabait ng lalaki o babatukan ito sa pagiging gullible. “E malamang hihingan ka nga ng pera ng mga iyon. Akala mayaman ka at madaling mauto. Sabagay mayaman ka nga at uto-uto. Di ka dapat iniiwan mag-isa dito. Maraming manggagantso dito sa Manila tapos mukhang inosente ka pa. Mananakawan at maloloko ka lang dito. O ang masama baka saktan ka pa. Di ka ba binigyan ng warning bago ka pumunta ng Pilipinas kung paano mag-ingat sa mga tao dito?”

“Wakaranai!” anitong di daw siya maintindihan. “Slow-u. Slow-u.” Bagalan daw niya.

Sa sobrang frustration ng dalaga, tuloy-tuloy lang pala siya sa pagsasalita ng Tagalog. Kahit bagalan niya ang sinabi, wala rin itong maiintindihan. Nang subukan niyang I-translate dito ang sasabihin, naisip niyang hahaba lang ang usapan. Kailangan lang naman ng lalaki ng tulong na makasakay sa jeep at makarating sa UP. Pero kung nasa loob na ito ng campus at hirap pa rin ito na mag-Tagalog o mag-English man lang, baka mapag-trip-an pa ito. Hindi pa rin ito ligtas.

“Jeepney station this way,” sabi niya at itinuro ang eskinita sa pagitan ng dalawang gusali. Kailangan na nitong maging pamilyar sa ibang salita kaya di na siya nag-Nihonggo. Lumapit sila sa mesa kung saan magbabayad sila ng pamasahe. “Seven pesos.” At naglabas ang dalaga ng isang limang piso at dalawang piso. “Manong, isa po.”

Akmang magbabayad siya nang pigilan ng lalaki. "No. Watashi ga haraimasu.” Ito na raw ang magbabayad. At naglabas ito ng limang daang piso para ibayad sa kahero.

Umiling ang lalaking tumatanggap ng bayad. "No. No change. Only small bills and coins." At ipinakita ang isang daang piso at iba pang mas mababang perang papel.

Kumunot ang noo ni Hiro at tumingin sa kanya. "Goumen nasai," hinging paumanhin nito. At ipinakita ang wallet nito na puro tig-iisang libo at tiglilimang daan ang laman.

Parang aatakihin siya sa puso nang makita kung gaano karami ang dala nitong pera. "Inangkupo! Itago mo iyan. Huwag mong ilabas." Itinupi niya ang wallet nito. "Keep it. Hide it. I will pay," utos niya na itago nito at naglabas ng barya na pambayad. Pansin pa rin niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Di siguro ito sanay nang ililibre pero di naman ito tumutol.

"Domo arigatou," pasasalamat nito at yumukod nang bigyan sila ng pitsa ng kahero.

"Doko ni ikimasu? (Where are you going?)" tanong niya kung saan ito pupunta nang sumakay sa unahan ng jeep.

“Office of International Linkages,” anito sa matigas na boses.

"Watashi wa anata o soko ni tsurete ikimasu. (I will take you there)," aniyang dadalhin ito doon.

"Hontou nii?" tanong nito kung totoo at namilog ang mga mata. "^ Natsu no jugyō ya dēto wa arimasu ka? (Do you have summer classes or a date?)”

Nagkibit-balikat ang dalaga. Nilinaw niya na wala siyang summer classes. Date sa eskwelahan? Di naman siya ganoon klaseng estudyante. Pero nakakatuksong sabihin dito na ito na ang ka-date niya.

Ngumiti siya. “Summer class or date-o?” tanong ulit nito sa kanya. Napapitlag ang dalaga. Sinabi dito na may titingnan siyang announcement at pwede naman niyang tingnan mamaya. “Boyfriend?”

Umiling siya. “Wala. Crush mo siguro ako kaya ka tanong nang tanong.”

“Nani?” tanong nito kung ano.

“Look! That is the UP Oblation,” sa halip ay sabi niya at itinuro ang simbolo ng UP.

“Ah! UP Obration,” anang binata at tumango-tango.

“Quezon Hall is there.” Itinuro niya ang gusali sa likod ng Oblation. “To stop, you say para."

"Para?" tanong nito.

"Manong, para po,” sabi niya.

"Manong, para po," gaya ng lalaki sa kanya. Manghang-mangha si Hiro nang tumigi ang jeep at bumaba sila. “Sugoii! Para po! Arigatou, manong!” Nagpasalamat pa ito sa driver.

Di mapigilang ngumiti ni Jemaikha habang kasabay itong naglalakad. Pinagtitinginan ito ng ibang estudyante dahil guwapo naman talaga ito. And there was something about his easy stride that was fascinating. Parang namamasyal lang ito. May nakasalubong silang isang grupo ng mga estudyante at narinig nila ang hagikgikan ng mga ito. “Hawig ni Dao Ming Xi,” tukoy sa sikat na karakter sa Meteor Garden.

“Mas kahawig niya si Rukawa,” sabi naman ng bading at pasimple pang nag-cheer gaya ng cheer sa anime na Slamdunk “Rukawa! Rukawa! L-O-V-E Rukawa!”

“This is the office for international students,” sabi niya nang nasa labas na sila ng opisina.

Yumukod ang lalaki. “Arigatou gozaimasu! Matta nee.” Matapos magpasalamat, sasabihin lang nito na “See you again.”. Ibig sabihin itinataboy siya nito?

Napansin niya ang ibang mga estudyante na tumitingin nang may interes dito. Di yata niya mapagkakatiwalaan na iwang mag-isa ang lalaki.

Disiplinado ang mga Hapon at mapagkakatiwalaan. Naaalala pa niya ang kwento ng professor niya na nag-aral sa Japan. Naiwan nito ang bag na may lamang wallet, laptop at cellphone sa isang classroom dahil nagkaroon ng emergency nang isugod sa ospital ang kaklase. Pagbalik daw nito ay naroon pa rin ang gamit nito at walang katinag-tinag at walang nagkainteres man lang.

. Baka akala ni Hiro ay ganoon din katitino ang mga tao sa Pilipinas kaya kampante ito katulad kanina nang pagkulumpunan ito ng mga batang kalye. Baka sa iba pa ito magtanong kapag iniwan niya at iligaw lang ng mapagsamantala. Kundi man ito nakawan, baka mapikot ito o magahasa. Konsensiya pa niya.

“Watashi wa kyō anata no gaido ni naru koto ga dekimasu. (I can be your guide today.)” Nagprisinta siya na guide nito. “I will show you around the campus. Okay?” Hinawakawan niya ang braso nito. “Ikkemassho! Let’s go!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.