Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 143

Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Khamya. Late na siyang umalis ng laboratory. Dumating na ang ibang mga equipment para sa laboratory at inayos na iyon. She and the rest of her team had a meeting as well. Nagsisimula na ang project at kailangan niyang ibigay ang lahat ng atensiyon niya doon. Kinabukasan ay sisimulan na nila ang pagko-clone kay Nasir, ang Arabian horse ni Beiron, para sa pilot experiment nila.

Naalimpungatan siya sa ring ng cellphone niya. Tinatamad man ay napilitan siyang sagutin iyon dahil ayaw tumigil sa pagri-ring. “Hello!”

“Khamya, naabala ko ba ang pagtulog mo?”

Napadilat siya nang marinig ang boses ni Beiron. “H-Hindi!” Madalas itong tumawag sa kanya nang dumating ito sa Al Ishaq. Pero sa nagdaang dalawang araw ay minsan na lang ito kung tumawag. “How are you? How’s the prince?”

“Kritikal pa rin si Rostam. Hindi maganda ang pagkakahulog niya sa kabayo. Comatose pa rin siya. We don’t know until when.”

Nasa isang royal horse ceremony si Rostam nang magwala ang kabayo nito habang nag-e-exhibition. He had a bad fall. Ulo nito ang tumama.

“Hindi ka makakaalis diyan hangga’t di siya gumagaling?”

“Hindi ko rin alam,” anito sa malungkot na boses.

“Alam ko naman na kailangan ka diyan. Okay na sa akin na tumawag ka lang.” Malaman lang niya na safe ito at marinig ang boses nito ay ayos na sa kanya.

“Khamya, may aasikasuhin ako sa mga darating na araw. Importante lang kaya hindi kita hindi kita matatawagan sa loob ng ilang araw.”

“O-Okay.” Di man niya maintindihan kung bakit ay di na siya nagtanong pa. “Tawagan mo agad ako kapag natapos mo na iyan.”

“Khamya, I just need your full trust.”

“Para ba saan?”

“Just tell me that I have your absolute trust. Na kahit anong mangyari, pagkakatiwalaan mo pa rin ako. Just believe that I will always love you.”

He sounded so desperate. As if all he needed was to hear those words to live. “I believe you, Beiron. And I love you.”

“Thank you, Khamya,” anito sa masayang boses.

Subalit nag-iwan ng palaisipan sa kanya ang naging pag-uusap nila. Bakit kailangan nito ang pangako ng tiwala niya? Ano ang importante nitong aasikasuhin? Isa ba iyong bagay na dapat niyang ipangamba?

“BAKIT nandito ka? Hindi ba dapat nagkukulong ka pa sa laboratory?” tanong ni Tamara nang maabutan si Khamya na nanonood ng Discovery Channel. Pero wala naman sa pinapanood ang atensiyon niya. Lumilipad pa rin ang isip niya.

“Masakit ang ulo ko. Iniwan ko muna sa assistant ko ang pagsusupervise. Madali na lang naman ang trabaho ngayon.”

“Ang sabihin mo nawawala ka sa sarili mo dahil ilang araw ka nang di tinatawagan ni Beiron.”

“Nag-aalala na nga ako.” Apat na araw na mula nang tawagan siya nito. Di tuloy niya alam kung ano na ang kalagayan nito. Sana pala ay nagtanong siya kung ano ang importanteng aasikasuhin nito para alam niya ang ie-expect. Di katulad ngayon na nangangapa siya sa dilim.

“Sa palagay ko nambababae lang iyon.”

Parang binundol ang dibdib niya. “Huwag ka namang ganyan.” Nagtiwala siya kay Beiron. At alam niyang di siya nito lolokohin.

“You can’t blame me. Kung si Emrei ang boyfriend mo, sigurado ako na di titingin sa ibang babae iyon. Wala iyong record ng pagka-playboy. But with Beiron…” She grimaced. “Mahirap nang magsalita.”

“Kung may makakausap lang sana ako tungkol kay Beiron.”

Bitbit ang baso ng juice ay tumabi ito sa kanya sa harap ng telebisyon. “I think I saw the chopper with the Rafiq logo. Dumating na siguro si Emrei galing sa Al Ishaq. Bakit hindi mo siya puntahan? Sa kanya ka magtanong.”

Nahihiya man ay lakas-looh niyang pinuntahan si Emrei sa villa nito. Sakto na palabas ang kotse nito. Bumaba ito ng sasakyan nang makita siya. “Khamya!”

“Emrei, pwede ba kitang makausap?Gusto ko lang kumustahin ang kuya mo.”

“He is okay,” nakangiti nitong sagot ngunit parang di totoo ang ngiti nito. Parang tensiyonado kasi ito.

Mataman niya itong tinitigan. “If he is okay, bakit di niya ako tinatawagan?”

Hinaplos ng daliri nito ang sariling pisngi. “Di ba may misyon siya? Si King Mosoku mismo ang nagbigay noon. Di siya pwedeng makipag-usap kahit sa amin.”

“Paano mo natiyak na okay siya kung di mo nakakausap?”

“Basta alam ko,” giit nito. “Huwag ka na lang mag-alala.”

Naningkit ang mata niya. “You’re hiding something. Ano ba talaga ang nagyari sa kuya mo? Please! Para tuluyan nang mawala ang pag-aalala ko,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

“Sa loob na tayo ng bahay mag-usap,” anito at pinapasok siya. Habang magkaharap sila sa sala ay mas matindi ang tensiyon nito. “I know that my brother will kill me if I tell you about it. Pero gusto ng hari na ipakasal siya kay Fatimah?”

“Hindi ba tinanggihan na iyon ni Beiron noon?”

“Pero mas matindi ang pressure sa hari ngayon. Anumang oras, posibleng mamatay si Prince Rostam. Ang asawa ng isa sa mga prinsesa ang hahalili sa trono dahil nag-iisa lang na anak na lalaki si Rostam. Walang tiwala ang hari sa asawa ng iba niyang anak. At si Beiron lang ang napipisil niya na may magandang leadership quality sa mga eligible royalties. Si Beiron lang ang mapagakakatiwalaan niya. The future of Al Ishaq lies in his hands.”

“Kung ganoon, ang kuya mo ang napipisil para maging susunod na hari. Nasaan na siya ngayon?”

“Binigyan siya ng pagsubok ng hari. Pinagsama sila ni Fatimah sa isang bubong sa loob ng sampung araw. At kung walang mangyayari sa kanila sa loob ng sampung araw, hindi na sila pipilitin ng hari na magpakasal.”

Nakaramdam siya ng panginginig ng buong katawan. Sina Beiron at Fatimah lang ang magkasama sa loob ng sampung araw. Lalaki lang si Beiron. Kahit naman sino ay di tatagal sa loob ng sampung araw kasama ang isang magandang babae nang walang nangyayari. Parang mababaliw siya maisip lang iyon.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin?” naluluha niyang tanong. She felt betrayed. Iyon ang tinatakasan niya noon. Ang pag-aakalang sa ibang babae ito ikakasal. Bakit kailangan pa nitong itago sa kanya ngayon?

“Dahil mag-aalala ka. Do you love my brother, Khamya?”

Tumango siya. “Siya lang ang lalaking minahal ko. Siya lang din ang pinagkatiwalaan ko.” Di siya natakot magmahal dahil dito. Nangako ito na di siya nito sasaktan kahit na kailan.

“Ikaw na mismo ang nagsabi na pinagkakatiwalaan mo siya. Cling on that trust. Naniniwala ako na mahal ka ng kapatid ko. Di ibibigay ng hari ang pagsubok na iyon kundi ka mahal ni Kuya Beiron.”

He was right. Maari namang basta na lang pumayag si Beiron na pakasalan si Fatimah. Subalit ipinaglaban siya nito. And all he was asking was her trust. Maaring imposible na malusutan nito ang pagsubok na ibinigay dito. Pero kung mananatili ang tiwala niya dito, maari pa itong bumalik sa kanya.

Pinahid niya ang luha at taas-noong tumayo. “Pupunta ako sa Al Ishaq.”

“Ha?” bulalas nito. “Pero hindi pwede. Malalaman ni Kuya Beiron na sinabi ko sa iyo ang…”

“Pupunta pa rin ako,” aniya sa matatag na boses. “Hindi ako pwedeng basta na lang maghintay dito. Di rin ako matatahimik.”

Bumagsak ang balikat nito. “Sasamahan kita.”

PAKIRAMDAM ni Khamya ay susugod siya sa giyera nang tumapak siya sa Al Ishaq. Matigas na ang dibdib niya sa anumang posibleng mangyari. Mula sa NAIA ay sakay sila ni Emrei ng private jet ng mga Rafiq papunta sa Al Ishaq. Pagdating doon ay tumuloy sila sa family estate ng mga Rafiq sa mismong siyudad.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Anicia nang salubungin siya. “Khamya, bakit nandito ka?” tanong nito.

“Dito ko po hihintayin na bumalik si Beiron.”

Biglang di naging komportable si Anicia. “Ano, hija…”

“Ma, it’s okay. Nasabi ko na po sa kanya,” wika ni Emrei.

Ginagap ni Anicia ang kamay niya. “Khamya, I am so sorry. Hindi ko naman inaasahan na gagawin ito ng anak ko. Ginawa lang naman niya ito para pagbigyan ang hari. Huwag ka sanang mag-isip ng masama.”

Ngumiti siya. “Relax, Tita. I trust Beiron. Ibinigay sa kanya ang pagsubok na ito dahil mahal niya ako.”

“May tiwala din naman ako sa anak ko. Pero ngayon pa lang niya naranasan na magmahal. He was more used to his company of women. Hindi ko matitiyak sa iyo na makakabalik pa siya sa iyo sa huli.”

Nagkibit-balikat siya. “Kung pakakasalan niya si Fatimah, at least I know that he will be a good leader of Al Ishaq. Naiintindihan ko naman po na may responsibilidad siya sa bansa niya. Marami siyang matutulungan.”

“Paano ka naman, hija?”

“I learned to love the people of this country in just a short time. Hindi na po siguro ako malulungkot kung mawawala sa akin si Beiron.”

“Ganoon lang kadali sa iyo ang lahat?”

Umiling siya. “Kaya nga po ihinahanda ko ang sarili ko. Sa ngayon pinanghahawakan ko lang ang pangako ko kay Beiron na pagkatiwalaan siya. Kung di man siya babalik sa akin, gusto kong ipakita sa kanya na hanggang sa huling sandali ay hindi nawala ang tiwala at pagmamahal ko sa kanya.”

NAGSIMULA nang mag-empake ng gamit si Khamya. Anumang oras ay dadating na si Beiron. Malalaman na niya kung babalik pa ito sa kanya o magiging isang prinsipe na ito. Bawat oras na magdaan na di niya ito nakikita ay parang pinapatay siya.

She couldn’t imagine life without Beiron once again. Parang wala nang kulay ang buhay niya. She would only breathe for the sake of living. Pero parang wala na siyang dahilan para mabuhay pa.

Maya maya pa ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan. Nang sumilip siya sa bintana ay humimpil ang kotse na may tatak ng logo ng pamilya Rafiq. Beiron had finally arrived. Dali dali siyang umalis sa bintana nang bumukas ang pinto ng kotse. Paano kung kasama na nito si Fatimah? Paano pa niya ito haharapin?

Lalo niyang binilisan ang pag-eempake nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Beiron. “Khamya!”

Ilang sandali rin siyang napatitig dito. Ilang araw niya itong hindi nakita. He looked rotten. Nanlalalim ang mga mata nito. Bahagya rin itong nangayayat. She wanted to touch his face. Gusto rin niya itong yakapin subalit di niya alam kung tama. “H-Hi!” bati niya.

“Nasabi na daw sa iyo ni Emrei kaya ka nandito.”

Tumango siya. “Pero paalis na rin ako.”

Nakuyom nito ang palad. “I am sorry, Khamya. Hindi ko sinabi sa iyo. Di dahil di mahalaga sa akin kaya di ko sinabi sa iyo. Ayoko lang mag-alala ka.”

“Hindi naman ako galit sa iyo kung hindi mo man nasabi. You have your reason and you have a duty to perform. Labas na ang mga bagay na iyon sa relasyon natin. Iyon ang mga bagay na kailangan mong harapin nang mag-isa.”

“It’s over,” anito sa malungkot na boses.

Parang dinaganan ng mabigat na bato ang dibdib niya. “I see,” usal niya. Ibig sabihin ay tapos na sa kanila ang lahat. It was so painful. Di niya alam kung paano pipigilan ang emosyon. She didn’t know how to say goodbye.

“Will you take me back, Khamya?”

Biglang tumigil sa pagpatak ang luha niya. “What?”

Ginagap nito ang kamay niya. “I passed the test, Khamya. Walang nangyari sa amin ni Fatimah. My mission is over.”

Natigagal siya nang yakapin nito. “Hindi mo tinatapos ang relasyon natin?”

“Bakit ko naman gagawin iyon? Ten days with Fatimah was hell. Hindi ko ikakaila na ilang beses ako na-tempt. Ginawa niya ang lahat ng paraan para akitin ako. Pero tuwing hinahalikan niya ako, mukha mo ang nakikita ko kaya nanlalamig agad ako. You are the one I love, Khamya.”

He kissed her fervently and she kissed him back with the same intensity. Noon niya naramdaman kung gaano sila kasabik sa isa’t isa. As if they were lovers who missed and entire lifetime and found each other again.

“I won’t lie to you. Ilang beses din muntik mabawasan ang tiwala ko sa iyo. It was torture waiting for you. Natatakot ako na di ka na bumalik. Natatakot akong mabuhay nang mag-isa. Marami akong bagay na nakasanayan na at bigla kong kinatakutan na maranasan ulit. The thought of losing you was hell.”

Niyakap siya nito. “Bumalik na ako at wala na akong balak na iwan ka. Kahit isang batalyon pang royal guard ang ipadala nila, di na kita iiwan.”

“Hindi ba magagalit ang hari sa iyo?”

“We had a deal. He has to respect my decision.”

“Paano ang susunod na hari sa kanya?”

Hinaplos nito ang buhok niya palayo sa mukha niya. “Prince Rostam is awake. Mabilis din ang recovery niya. Walang ibang mas deserving na maging hari maliban sa kanya. I think he is more open-minded. Mapapabuti ang Al Ishaq sa kanya.”

She kissed the tip of his chin. Hindi lang ang relasyon nila ang bumalik sa normal kundi pati na rin ang kalagayan ng Al Ishaq. “I am glad everything is okay.”

Nang bumaba sila sa sala ay naabutan nila si Fatimah kasama ang mga guwardiya nito. Matiim ang anyo nito nang lapitan sila ni Beiron. “You are not a man, Emir Beiron. How could you choose this woman over your country?”

Di pa pala matanggap ni Fatimah na tinanggihan ito ni Beiron.

“I am afraid I choose her over you, Your Highness,” Beiron said in a calm tone. “I don’t have to prove my love for Al Ishaq by marrying you. I don’t have to be a king or a prince to help my fellow Al Ishaquis.”

Ngumisi si Fatimah. “I will destroy you. You will lose support to your projects. You will not be able to help those lowlifes in Bakhrat anymore.”

“You have to fight Prince Rostam and King Mosoku then. They are willing to back me up with my projects,” kampanteng wika ni Beiron.

Nagdilim ang mukha ni Fatimah. “Curse you, Emir Rafiq!” At saka ito dali-daling umalis sa harapan nila. She was a loser once again.

“Is she in love with you?”

“No. All she cared about is power. Pakakasalan niya ako dahil kapag naging hari ako, mas magiging mataas na siya sa iba. She’s ambitious and vicious. Kung pakakasalan ko siya, magiging miserable ang buhay ko.”

“Susuportahan na ng hari ang projects mo?”

“He respected me after I passed the test. Nanghihinayang lang daw siya dahil di niya ako naging anak.”

“I love you even if you are not a prince, Beiron.”

Kumislap ang tuwa sa mga mata nito. “I am glad to hear that.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “Di ba naka-empake na ang gamit mo?”

Tumango siya. “Oo. Bakit?”

“Mabuti naman. Aalis na tayo.”

“Saan tayo pupunta?”

“Sa Stallion Riding Club.”

KUMIKISLAP ang tubig sa lawa dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan. Pero walang kasing kislap ang diamond engagement ring na suot Khamya. Katatapos lang ng engagement party nila na ginanap sa Lakeside Grounds. At anim na buwan mula sa araw na iyon ay doon din gaganapin ang lakeside wedding nila.

“Happy?” tanong nito habang naglalakad sila sa boardwalk ng lake.

Pinagmasdan niya ang singsing sa kamay niya. “Di ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng engagement ring kapag magpo-propose ng kasal. Mahal ito. Maraming bata ang pakakainin nito.”

“Bakit ba hindi mo naa-appreciate ang pagiging romantic ko? Diamonds are forever. Kaya forever din tayong magkakasama.”

“The diamond is just a symbol. Pero sa akin di naman importante ang symbol. What’s important is how we really feel and if what we feel is real.”

He looked at her with loving eyes. “Sa lahat ng pinagdaanan natin, natitiyak ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. Loving you is the best thing that I ever did in my life.”

Niyakap niya ito. “Stay with me, Beiron.”

They kissed as the moonlight kissed the lake’s water. She was glad that she took the risk of loving him. Kundi ay di niya mararamdaman ang kaligayahang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

She just wished that everyone could find a love like hers.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.