Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 186

Everyone was in a festive mood. Parang bumalik sa panahon ng Kastila ang lahat na nakadamit ng Filipiniana costume bilang theme ng bagong Lakeside Café and Restaurant. May rondalla na tumutugtog ng traditional Filipino music. Filipiniana kasi ang concept ng bagong bukas na restaurant. And Dafhny was just satisfied to observe her fine work. Marami rin kasi sa mga members at bisita ang gustong kumuha ng serbisyo ng kompanya niya.

Kinamayan ni Reid, ang owner ng Stallion Riding Club sina Richard Don at Danzelle Ann “Congrats! You did a great job with the new Lakeside Café and Restaurant. I can see that everyone’s enjoying it.”

“I like the Cordilleran theme,” sabi ni Tamara at humawak sa braso ni Reid. “Naalala ko ang pag-e-explore namin doon para sa mga wild horses.”

“Ako naman para nasa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sa bawat pagpasok ko ng function room,” anang si Reichen, kapatid ni Reid at isang sikat na equestrian.

“And it is like a cultural center as well. Authentic ang mga ginamit ninyong furnishings, hindi ba?” sabi ni Saskia, nobya ni Reichen. Bawat bahagi ng café ay may sariling theme ng iba’t ibang lugar sa bansa. “I feel like celebrating being a Filipino everyday.”

“Thanks to Dafhny! She did a great job,” anang si Danzelle Ann. “Maganda ang nai-present niyang concept sa amin.”

“Maganda talaga. Ikaw lang ang kontra ng kontra,” sabi ni Richard Don.

Nakangiti si Danzelle Ann subalit nakita niya na parang pinipigilan lang nito ang sarili na taasan ng kilay si Richard Don. “Huwag mong sirain ang truce natin. We might scare the guests,” pabirong sabi nito. Di naman kaila sa lahat laging nagbabangayan ang dalawa.

“Well, all thanks to them.” Itinuro niya sina Richard Don at Danzelle Ann. “Kundi dahil sa mga contrasting views nila, di ako makakaisip ng mas magandang design para ma-accommodate silang dalawa.”

“Mabuti naman at nagkasundo na kayong dalawa,” sabi ni Myco, ang head ng security ng riding club. “Mababawasan ang security threat dito.”

“They are not a security threat, Myco,” wika naman ni Gianpaolo. Noon lang ito nagsalita dahil busy ito sa buko pandan drink nito. “It’s a prelude of love.”

“Prelude of love?” sabay bulalas nina Danzelle Ann at Richard Don.

“Oo naman. Parang preview kayo ng ibang love story dito na nagsimula sa mga bangayan,” paliwanag ni Gianpaolo. “Tingnan ninyo si Saskia at Reichen. As well as Reid and Tamara. Successful ang love story nila.”

Umingos si Danzelle Ann. “Prelude of World War Three kamo. Naku! Huwag ninyong isipin na magiging involve kami romantically. Not in this lifetime.”

Napailing na lang si Richard Don. “Mas gusto ko nang maging security threat. Di tulad ng isa diyan, umaasa pa pala sa next lifetime namin na magiging kami.”

“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Lagi ka ngang nakatitig kay Danzelle Ann, eh!” tukso ni Reichen.

Muntik na siyang tumango bilang pagsang-ayon. Napapansin din kasi niya iyon. Maganda naman kasi si Danzelle Ann. At sa palagay niya ay hindi immune si Richard Don sa kagandahan nito.

“Oo. Kasi may laser beam ako. Baka sakaling matunaw. Kaso matindi ang force field niya,” sagot naman ni Richard Don.

“Deny it all you want. Pero alam ko na magiging part din ang love story ninyo sa magandang history ng riding club,” giit pa rin ni Gianpaolo.

Tumikhim si Myco. “How about you and Dafhny then? Kasama kayo sa security threat list ko,” anito at binuksan ang Palm Pilot. Sobrang organize nito ay naroon pala pati ang mga simpleng pagtatalo ng mga tao sa riding club. Kasama kasi sa reputasyon ng riding club ang mahigpit na security.

“Teka! Hindi kami security threat!” protesta niya.

“Dafhny, para rin ito sa security mo dito since you are doing business with our members. You and Gianpaolo have a history,” katwiran ni Myco.

“Oo nga. Kapag naging rape victim ako, alam na ninyo kung sino ang may matinding pagnanasa sa akin,” anang si Gianpaolo at kinindatan siya.

“Ang lakas ng hangin dito sa tabi ng lake, no? Humawak kayo kasi baka tangayin kayo.” Itinaas niya ang kamay at tiningala ang maaliwalas na langit. “Parang babagyo. Signal number four yata.”

“Wala namang bagyo ngayon sabi ng PAG-ASA!” wika naman ni Gianpaolo.

“Ayan o! Bagyo!” Itinuro niya si Gianpaolo. “Signal number four.”

Nagtawanan ang lahat. Sa halip na mapikon si Gianpaolo ay nakangiti siya nitong inakbayan. “Kita naman ninyo. Sweet na sweet sa akin si Dafhny.”

“The more you hate the more you love?” tukso naman ni Saskia.

Inirapan niya ang nakangiting si Gianpaolo. Hahayaan na lang niya itong mag-ilusyon sa kagandahan niya pero di siya mai-in love sa tulad nito kahit kailan. She learned her lesson. Di dapat pagkatiwalaan ang mga lalaki.

“Ready ka na ba sa trip mo sa Costa Brava, Dafhny?” tanong ni Gianpaolo nang samahan siya nitong maglakad sa wooden walkboard patungo sa parking lot. Ilang araw na lang at pupunta na siya sa Costa Brava para I-assess ang Casa Rojo.

Umiling siya. “Di ko pa rin makumbinsi si Mommy na payagan ako. Ipapadala na lang daw niya ako sa warzone kaysa sa ghost-infested na isla.”

“Do you really want to go?”

Tumango siya at ngumiti. “It is a dream project. Gusto kong bumuhay ng mga old buildings. Your inheritance is almost a national heritage. At sa restoration ng old buildings, natural nang may kwento tungkol sa mga multo.”

“Nag-aalala lang si Tita sa welfare mo dahil matatakutin ka sa multo.”

Bumuntong-hininga siya. “Wala akong pakialam sa mga multo. I have dreams and I won’t let those ghosts get in the way. Ayoko namang basta na lang umurong nang hindi nasusubukan.”

“Sige. Tutulungan kitang kumbinsihin si Tita na pumunta sa Costa Brava.”

Tinapik niya ang pisngi nito. “Thanks, Gianpaolo. I am sure hindi makakahindi si Mommy sa iyo. Malakas ka don, eh!”

“Thanks lang? How about a kiss?”

Nawala ang ngiti sa labi niya. “Saka mo na iyan hingin sa akin kapag nakumbinsi mo na si Mommy.” At ang tanong ay kung pagbibigyan niya ito kapag nanghingi ito ng halik sa kanya. Asa-ness!

“YOU ARE beautiful, Tita Patricia. Sa inyo po siguro nagmana si Dafhny,” anang si Gianpaolo habang nagkakape sila sa lanai matapos ang hapunan.

“You are so sweet, hijo!” anang si Patricia at humagikgik. “At salamat sa rose na bigay mo. I really like them. Matagal nang walang nagbibigay sa akin ng rose.”

“Sabi mo kasi sawa ka na sa rose,” reklamo ng daddy niya.

“Bagay sa inyo ang roses, Tita. Kasing ganda mo sila,” wika ni Gianpaolo.

Tahimik lang si Dafhny habang umiinom. Gusto niyang sabihin ng bolero si Gianpaolo pero naisip niyang tutulungan siya nito para payagan siya ng mommy niya na pumunta sa Costa Brava. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin nito ino-open ang topic.

Tumikhim ang daddy niya. “Gianpaolo, kung di lang kita kilala iisipin ko na nililigawan mo ang asawa ko. Pero sino ba talaga ang gusto mong ligawan? Siya o ang anak kong si Dafhny?”

Nanlaki ang mata ni Patricia. “Liligawan mo si Dafhny?”

“No, Mom! Hindi po ako liligawan ni Gianpaolo,” kontra agad niya.

“Walang problema sa akin dahil boto ako sa kanya,” wika ng mommy niya.

“Si Dafhny ang dahilan kaya ako dumalaw, Tita. Tungkol po sana sa pagpunta niya sa Costa Brava,” wika ni Gianpaolo.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng mommy niya. “Hijo, hindi ko maiiwasang mag-alala para sa anak ko. May sightings ng multo sa bahay ninyo doon. Di ko ma-imagine ang anak ko na pupunta sa isang haunted house. Alam mo naman na matatakutin siya sa multo.”

“Mommy, hindi na ako bata. Saka trabaho naman ito. Wala akong pakialam sa mga multo-multo na iyan. Produkto lang sila ng imahinasyon,” depensa niya.

“A product of imagination? What? With fifteen strong men who quitted their job on the spot after the ghost sightings? Sila nga ang lalaking-lalaki natakot sa multo. Ikaw pa kaya itong babae na alam naman naming sabihin lang ang salitang multo ay nangangaligkig na sa takot?” pasubali ng mommy niya.

Nagsiuwian agad ang kinseng tauhan ng skeleton force ng project dahil sa multo. Sampung tauhan na lang lamang ang natira. Marami na kasing kwento tungkol sa Casa Rojo noon pa. At lumala iyon dahil sa tauhang nakakita ng multo.

“May mga bagong tauhan na po kaming kinuha sa site,” paniniyak ni Gianpaolo. “At may mga tauhan po kaming makakasama ni Dafhny.”

“I must admit that I am scared of ghost stories, Mom. Pero di pa naman po ako nakakakita ng multo sa buong buhay ko. Saka gusto ko ang trabaho ko. Aangat ang career ko kapag ako ang napili para sa project. Sayang ang pangarap ko,” katwiran naman niya. Iyon ang hindi niya isusuko. Ang pangarap niya.

“Wala namang problema sa akin kung babalik ka ng isla, hija,” wika ng daddy niya. “Pero kung ayaw ng mommy mo, di rin ako mapapanatag.”

“Kung nag-aalala po kayo, sasamahan ko po siya, Tita,” prisinta ni Gianpaolo.

“Huh!” bulalas niya at nilingon ito. “Sasama ka sa akin sa Costa Brava?”

“Oo. Mabuti nang may kasama ka na tiyak mong mapagkakatiwalaan,” katwiran nito. “At kung may multo man sa isla, poprotektahan kita!”

“Ayoko!” tutol niya.

“Bakit naman? Ayaw mo ba ng bodyguard?” tanong ng daddy niya.

She was restless when Gianpaolo was around. Baka hindi siya makapag-concentrate sa trabaho niya. Isa pa, baka bantay-salakay ito.

“Hija, di naman kita mapipigilang pumunta sa Costa Brava kaya mabuti pang isama mo na si Gianpaolo. Mas mapapanatag ako dahil mas maalagaan ka niya. Mabuti nang may kasama kang mapagkakatiwalaan ko,” sabi ni Patricia.

“Ayaw po yata ni Dafhny, Tita,” wika ni Gianpaolo. “Maiintindihan ko naman po kung hindi na siya makakapag-participate sa project.”

“Ay, hindi!” aniya at pilit na ngumiti. “Nahihiya lang talaga ako dahil baka makaabala ako sa trabaho mo. Ang alam ko nga ayaw mong malayo sa riding club.”

“Bakasyon ko naman ngayon. And besides, I am also a part of the Casa Rojo project. Okay lang na sumama ako sa site,” paliwanag ni Gianpaolo.

“Wala naman palang problema, hija,” anang daddy niya. “Payag na rin ang mommy mo. Pinapayagan ka na naming umalis.”

Lulugo-lugo niyang ihinatid si Gianpaolo sa kotse nito nang pauwi na ito. “O, bakit parang di ka masaya na matutuloy ka sa Costa Brava?”

“Kasi kasama pa kita. Sabi ko ipagpaalam mo ako. Di ko sinabi na sumama ka,” reklamo niya at humalukipkip.

Sumandig ito sa kotse nito at pinagmasdan siya. “Kita mo ‘to. Ikaw na nga ang ginawan ng pabor, ikaw pa ang galit. Hindi ka naman talaga papayagan ni Tita Patricia kung wala ang kaguwapuhan ko. Ano ba ang problema?”

Iniwas niya ang tingin dito. “Malay ko ba kung ano ang gagawin mo sa akin kapag tayong dalawa lang.”

“Hindi dapat ako nga ang mag-alala dahil matagal mo na akong pinapantasya? Malay ko ba kung bigla mo akong pasukin sa kuwarto ko?”

Siya pa ngayon ang mananamantala dito? Hinampas niya ito sa braso. “Umuwi ka na nga! Magpasalamat ka dahil ginawan mo ako ng pabor kundi lagot ka talaga sa akin.”

“Hindi pa ako pwedeng umalis dahil may utang ka pa sa akin.”

Kumunot ang noo niya. “Anong utang ko sa iyo?”

Nanghaba ang nguso nito. “Kiss ko!”

Sabi na nga ba niya’t di nito nakakalimutan ang kondisyon nito noong nakaraan. Paano kaya niya ito malulusutan? “Nahihiya ako, eh!”

“Bakit ka naman mahihiya? Guwapo naman ang hahalikan mo. Di bale sana kung pangit ako, doon ka mahiya.”

Hinaplos niya ang mata nito. “Pikit ka muna.”

“Sige na nga!” anito at ipinikit ang mata.

Hinaplikan niya ang palad niya at hinipan iyon. “Ayan! Tapos na ang kiss.”

“Ha?” Bigla itong nagmulat ng mata. “Wala man lang akong naramdaman. Parang hangin lang.”

“Ganoon naman talaga ang flying kiss, di ba? Di mo mararamdaman.”

Nanlaki ang mata nito. “Flying kiss? What the…”

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng gate at kinawayan ito. “Good night, Gianpaolo! Sweet dreams!”

Mariing nagdikit ang labi nito. “Remember this day! Wala pang nangutang sa akin ang di ko nasisingil nang maayos. At kapag naningil ako, titiyakin kong may interes. You made a grave mistake, Dafhny.”

“KASAMA mo si Gianpaolo sa Costa Brava?” namimilog ang mata na usal ni Cherie. Nasa opisina sila ng CDM Designs at nagbibilin sa mga trabahong possible niyang maiwan sa ilang araw na pagkawala.

“Well, nagprisinta siyang maging bodyguard ko mula sa mga multo,” kaswal niyang sabi at nagkibit-balikat. “Di daw ako papagayan ni Mommy na pumunta sa Costa Brava nang hindi siya kasama.”

Nangalumbaba si Cherie. “Come to think of it, Dafhny. You and Gianpaolo in an island paradise. Hindi ka ba mai-in love?”

Maasim siyang ngumiti. “Yeah! Me and Gianpaolo in an island paradise with all the ghost stories around. How romantic!”

At iyon mismo ang pananggalang niya mula kay Gianpaolo. Hamak na mas nakakatakot ang kamandag nito kumpara sa mga multo.

“Speaking of romance, nasabi ba sa iyo ni Gianpaolo na kasama sa architect ng Casa Rojo project si Architect Roland Villarin?”

Umiling siya. “Nobody mentioned about Roland to me. Well, it doesn’t matter anyway. Matagal na kaming tapos at may girlfriend na siya.”

Tumingin si Cherie sa malayo na pang nag-I-imagine. “Ah! Tiyak na magsisisi tuwing nakikita ka niya. Wala sa kalingkingan mo ang girlfriend niya. Sorry na lang siya dahil nagpaakit siya sa iba. Kaya kung ako sa iyo, lagi akong didikit kay Gianpaolo para magsisi siyang lalo.”

“Eh, di iisipin naman ni Gianpaolo na may gusto si Dafhny sa kanya. Huwag na lang, no? Napaka-feeling pa mandin no’n,” wika ni May.

“Huwag na nga ninyong pag-awayan ang mga lalaking iyan!” saway niya. “Pareho akong hindi interesado sa kanila. Wala naman silang magagawang maganda sa buhay ko. Basta magtatrabaho ako.”

“Kung interesado sa iyo si Gianpaolo, pakinabangan mo,” anang si Dafhny. “Sayang naman ang lahi. Magpaanak ka kahit di ka pakasalan.”

“At gusto mo na bigtiin ako ni Mommy? Pwede ba? Huwag na nating pag-usapan sila Gianpaolo at Roland. Sumasakit lang ang ulo ko.”

Ang importante sa kanya ay ang makuha ang project. Gagalingan talaga niya ang pagtatrabaho niya!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.