Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 187

Nakatayo sa may bow ng yate si Dafhny habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaki ng Costa Brava habang papalapit sila. Umaga lumapag ang flight nila sa Naga City Domestic Airport. Sa pantalan ay naghihintay na ang yate na pamana rin ng Lolo Ricardo niya na siyang ginagamit niya sa pagbiyahe papuntang Costa Brava. Makulimlim ang kalangitan dahil sa katatapos pa lang na ulan.

Nilapitan siya ni Gianpaolo na lumabas mula sa cabin. Isinuot nito sa ulo niya ang hood ng jacket niya. “Doon ka muna sa cabin. Magpahinga ka sa bunk. Kahit kaninang nasa eroplano tayo, hindi ka man lang natulog.”

“Malapit na tayo. Sa Casa Rojo na lang ako magpapahinga,” wika niya na di pa rin inaalis ang tingin sa isla. Di siya nanatili sa cabin dahil ayaw niyang magsolo na naman silang dalawa. Kung maari lang, gusto niyang iwasan ito. “What’s so special about Costa Brava?” tanong niya para may ibang mapag-usapan.

“Pristine white sand beaches, rich marine biodiversity na hindi pa rin nasisira. Napangalagaan ang isla. May mangrove forest na sakop ng lupain ni lolo at may forest din siya sa likuran ng mansion.”

“Special din siguro siya dahil sa mga multo,” pabiro niyang sabi.

“Costa Brava has its own history. Ilang beses nang sinalakay ng mga pirata ang lugar noon. Ipinagtanggol ng mga residente ang lugar na iyan. It was bloody. Nagtulungan lang ang mga residente kaya nanalo sila. Ang paniniwala nila may mga diwata na nag-aalaga sa isla. Nang itayo ang Casa Rojo, nagkaroon na ng istorya ng mga multo dahil sa tagal ng panahon at marami nang tao ang namatay doon. But I love the historical value of the place.”

He looked so proud while telling stories about the island. Isa iyong magandang istorya. Malayo sa kababalaghan na dala ng mga multo.

Maya maya pa ay dumaong na sila sa lumang pier ng isla na gawa sa kahoy. May sariling pier ang Casa Rojo. Di kalayuan doon ay isang mas matibay na pier ang itinatayo pero klasiko pa rin ang istilo.

“This is nice,” wika niya nang naglalakad na sila sa wooden dock.

“We want the guests to be transported to a different era while they are here. Gusto namin na mag-jive siya sa makalumang theme ng Casa Rojo.”

Umawang ang labi niya nang mapagmasdan ang mansion. Nakatayo ang Casa Rojo sa ibabaw ng puting buhangin. It was standing proudly with the cliff and the forest as the background. “It looks majestic… and eerie.”

“Luma na itong bahay. Thirty ang mga kuwarto dahil summerhouse ito dati. Maraming bisita kapag nagpapa-party. May hiwalay na bahay para sa mga servants at doon namin pinatira ang mga trabahador ngayon. Dito naman sa mansion mismo tumutuloy ang mga nagli-lead sa project. Kaya sa mansion din tayo titira.”

“Mukhang matagal nang walang nakatira dito.” Bakbak na ang mga pintura. At tiyak niyang mas marami pang senyales ng pagpapabaya sa loob ng bahay.

“Hindi na nga naalagaan ito. Iyong katiwala na lang na si Manang Suling ang natira dito para magbantay sa bahay,” paliwanag nito.

“Ako ba ang hinahanap ninyo?” anang si matandang babae bigla na lang sumulpot sa may pinto. Puti na ang lahat ng buhok kahit na magsisisenta pa lang. Makapal ang kilay nito na parang laging galit.

“Oy!” bulalas niya at napaurong sa napahawak sa balikat ni Gianpaolo sa sobrang pagkagulat. Pakiramdam niya ay isang character ang babae sa horror film.

“Si Manang Suling iyan. Siya ang katiwala dito. Siya rin ang kinuha namin na tagaluto,” pagpapakilala niya. “Manang Suling, si Dafhny po. Isa siyang interior designer. Mag-iikot po siya sa Casa Rojo.”

“Magandang umaga po,” aniya at tumango.

“Kakain na ba kayo?” tanong ni Manang Suling sa mababa ngunit nakakatakot na boses. “Mag-iinit ako ng pagkain.”

“Sige po. Pakihanda na lang po ang isa pang kuwarto sa tabi ng kuwarto ko. Doon po matutulog si Dafhny,” wika ni Gianpaolo.

“Bahala na ang pamangkin si Amor sa mga gamit ninyo.”

“Maraming salamat po,” magalang niyang sabi subalit tumalikod na si Manang Suling patungo sa kusina.

“May dadating palang kasama. Bakit hindi itinawag? Sana naihanda ko na kanina pa. Kailangan ko pa tuloy magmadali,” bubulong-bulong na sabi ni Manang Suling at tumalikod. Mukhang sarili lang nito ang kausap nito at hindi sila.

“B-Bakit parang lagi siyang galit? Ayaw yata niya sa atin,” bulong niya.

“Ganyan lang talaga si Manang Suling. Parang laging galit,” sabi nito. “Saka matagal na rin siyang bantay dito. Siya na lang ang natira sa mga nagbabantay dito. Nasanay na rin naman siyang sinusunod dito sa bahay noon pa. Siguro nasanay na siya sa katahimikan nitong Casa Rojo tapos biglang marami ang pagsisilbihan niya. Isa pa, sanay na kami sa kanya. Mukha lang masungit pero mabait siya. Masarap din siyang magluto kaya wala kaming reklamo.”

“Aatakihin ako sa puso sa kanya, eh.”

Tinapik ni Gianpaolo ang balikat niya. “Natatakot ka na?’

Umiling siya. “Of course not. Kung harmless si Manang Suling, wala akong magiging problema.”

“Take a rest for a while. Then I will give you a tour around the house.”

Huminga siya nang malalim bago pumasok sa Casa Rojo. Wala naman siyang dapat na ikatakot. After all, Gianpaolo promised to protect her.

“THIS place will be grand. It will be back to its majestic state once we are through with it. Gusto naming maging homey ito hangga’t maari. We want the visitors feel that they are one of the dwellers here. Magtatayo kami ng a cottage para bisita na mas gusto ng privacy. But we want Casa Rojo to be the main attraction itself. It is like a historical piece. Ibabalik namin ang mga bisita sa makalumang panahon. Naka-Filpiniana costume ang mga staff,” paliwanag ni Arneth, ang project coordinator. Ito ang nag-tour sa kanya sa Casa Rojo dahil may bisitang dumating si Gianpaolo. Naikot na nila halos ang kabuuan ng bahay.

She saw the old pictures of the house. At malayo na iyon sa dati nitong itsura. Naaamoy niya ang kalumaan ng bahay. At dahil sa kapabayaan ay marami nang bahagi nito ang halos di na magamit.

“Naiisip ko na kung ano ang gusto ninyong mangyari,” wika niya at inilagay sa notepad niya ang mga idea na pumapasok sa isip niya habang naglalakad. Hinaplos niya ang dingding. “And I am positive that I will get this project.”

“That is the spirit!” wika ni Arneth. “Nakita ko na ang nai-feature na bahay na ini-restore mo sa Ilocos sa Philippine Tatler. Sa palagay ko nga makakaisip ka ng magandang ideas para dito. Pwede mo ring tingnan ang mga lumang gamit sa bodega. Baka magkaroon ka pa ng idea sa gagawin mong design.”

“Sure!” Mahilig din siya sa mga antique. May mga tao kasi na itinatapon na lang ang mga luimang gamit nang di alam ang kahalagahan niyon.

Nag-ring ang cellphone nito. “My boyfriend,” nakangising bulong nito.

Nagulat siya saglit dahil lalaking-lalaki na kumilos si Arneth. Dinaig pa siya nito dahil may boyfriend ito. “Sure. Go ahead. Ako na ang magpapatuloy sa pag-e-explore nitong bahay.”

“I will catch up with you later,” anito at dali-daling lumayo sa kanya.

Nakabukas halos lahat ng silid na walang laman. She could imagine the mansion in its old grandeur. She would really love to bring it back to life. At ibubuhos niya ang lahat ng talento niya matiyak lang na mapupunta sa kanya ang project.

“Gusto kong itaas ang offer para sa Casa Rosa. One hundred million pesos. I am sure it is an offer you can’t refuse,” narinig niyang wika ng isang matandang lalaki nang dumaan siya sa isang silid.

Bahagyang nakaawang ang pinto kaya di sinasadyang masilip niya ang nasa loob. Iyon pala ang library. Isang matandang lalaki ang kausap ni Gianpaolo. Ayon sa sinabi ni Arneth kanina ay iyon si Don Teodicio, isang mayamang negosyante na noon pa interesado na bilhin ang Casa Rojo.

“Thanks for the offer. Pero matagal ko na pong sinabi na di ako interesado,” walang kakurap-kurap na sabi ni Gianpaolo.

Nanlaki ang mga mata niya. One hundred million was a whopping amount to buy that old place. May ganoon kalaking offer para bilhin ang Casa Rojo?

“One hundred million is an awful lot of money for this piece of ghost-infested estate, hijo. You won’t regret it,” giit pa rin ni Don Teodicio.

“Hindi naman mababayaran ng pera ang pagtupad namin sa habilin ni Lolo. Mahigpit ang bilin niya na di namin maaring ipagbili ang lupain na ito. And I must honor my old man’s will.”

Humalakhak si Don Teodicio. “What can a dead man do? Patay na siya. Wala na siyang magagawa kung mas gusto ninyong ibenta ang isla.”

“Nirerespeto lang namin ang kagustuhan niya kahit pa patay na siya. Isa pa, marami siyang masasayang alaala dito.”

Good memories. Iyon din ang dahilan kung bakit gusto niyang buhayin ang mga lumang bahay at building. Gusto niyang mabuhay na muli ang alaala. Isa pa ay naroon ang respeto ni Gianpaolo sa iniwang habilin ng lolo nito.

“Be practical, Gianpaolo, hijo. Masyadong ambisyoso ang project ninyo na magtayo ng resort dito at gagawin pa ninyong hotel itong Casa Rojo. Walang bisitang tatagal dito. Balita ko nga iniwan ng mga trabahador ang project sa takot nang may makakita ng multo.”

“Napalitan na namin ang mga trabahador namin, Don Teodicio. Hindi kami papayag na ma-postpone ang project namin dahil lang sa mga multo.”

“Paano kayo makakakuha ng turista kung matatakot ang mga bisita ninyo dito sa isla? That’s stupid,” mariing wika ni Don Teodicio. Mukhang hindi ito susuko at gagamitin ang lahat ng taktika mabili lang nito ang isla.

“Iyon mismo ang ipang-aakit namin sa mga bisita namin,” nakangiting sabi ni Gianpaolo. Ni hindi man lang nabawasan ang determinasyon nito. “Karamihan ng mga tourist pumupunta sa Baguio para mag-ghost hunting. Sa New Orleans, ipinagmamalaki pa ng mga residente ang mga lumang bahay nila na sinasabing may multo. So I have nothing to worry about. And besides, Costa Brava is a paradise. Makakalimutan nila ang multo oras na nandito sila.”

Tumayo si Don Teodicio at itinuktok ng tungkod. “Pag-isipan mo pa rin ang offer mo, hija. Babalik ulit ako dito.”

“Sure, Don Teodicio. Bibigyan ko kayo ng imbitasyon kapag open na ang resort namin,” anang si Gianpaolo na may matagumpay na ngiti sa labi.

Nagkunwari siyang tinitingnan ang lumang painting na nakasabit sa hallway nang lumabas sina Don Teodicio at Gianpaolo.

“Good afternoon,” bati niya sa matanda.

“Dafhny, this is Don Teodicio,” pagpapakilala ni Gianpaolo. “Don Teodicio, this is Dafhny Gamboa. She’s one of the designers that we invited to look at Casa Rojo.”

“How do you find the place, hija?” tanong ni Don Teodicio.

“Very promising,” nakangiti niyang sagot.

“Nasabi na ba sa iyo ang tungkol sa mga multo dito sa isla?”

Natawa lang siya. “Duwag lang ang natatakot sa multo.”

Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Gianpaolo. Pero gusto lang niyang ipakita dito na desidido siyang matuloy ang project. At nais din niyang ipakita kay Don Teodicio na di siya bata na madaling takutin. Importante ang project sa kanya.

“I must be going. It is a pleasure to meet you, hija,” anang si Don Teodicio.

Kinamayan niya ito. “The pleasure is mine.”

Sinulyapan nito si Gianpaolo. “Huwag mo sanang pagsisihan ang naging desisyon mo, hijo,” makahulugan nitong sabi at umalis.

“Mukhang hindi natutuwa ang bisita mo,” wika niya nang ipinagpatuloy ni Gianpaolo ang pagtu-tour sa kanya.

“He wants to buy the estate but we won’t give in. You see Casa Rojo’s restoration is not about profit. Gusto rin naming buhayin ang alaala ni Lolo at ipamana rin ito sa magiging anak namin.”

She had never seen Gianpaolo so serious. Lagi na lang kasi itong nagbibiro na parang wala nang bukas. Ngayon ay nakita niya ang kinabukasan sa mga mata nito. The place meant so much to him.

“Everything will be fine,” aniya at ipinakita ang listahan dito. “See? Marami na akong ideas para sa Casa Rojo.”

Ngumiti ito at ginagap ang kamay niya. “Thank you.”

“Thank you for what?”

“Hindi ka natakot sa sinabi ni Don Teodicio.”

“Alin? Iyong multo? Sana kung gabi na lang niya sinabi, baka may epekto sa akin. Kaso ang aga-aga. Mamaya pa naman ang labas ng mga multo kapag lumubog na ang araw, di ba?”

Humalakhak ito. “Bilisan na natin ang tour para hindi na tayo abutin ng gabi dito. Baka yumakap ka nang yumakap sa akin sa sobrang takot mo.”

Siniko niya ito. “Hindi ako matatakot! At kung matakot man ako, hinding-hindi ako yayakap sa iyo.”

“SOBRANG laki pala talaga nitong bahay. Nalulula ako,” sabi ni Dafhny nang bumalik sila sa loob ng mansion nang palubog na ang araw.

“Dating politician si Lolo Isabelito, iyong nagpatayo nitong bahay. Kadalasan dito siya nagpapa-party. Marami rin sa mga kakilala niya ang ginagawa itong bakasyunan kaya maraming kuwarto. Napabayaan ito nang magkasakit ang asawa ni Lolo Teodicio at sa Amerika na sila tumira. Sa amin na ito ipinamana dahil wala naman silang anak.” Itinuro niya ang painting ng Casa Rosa na gawa ng isang batikang artist. “That’s Casa Rosa in its grandeur.”

“Maganda nga siya noon. Maganda ang architecture. Natagalan din niya ang panahon nang di siya basta basta nasisira.”

“Tatagal ka kaya dito kapag dito ka na nagtrabaho?” tanong nito.

“Oo naman. Pangarap ko ngang maging sikat na restorer ng mga lumang building at bahay. Mas maselan at challenging. I love the scent of the old wood, you know? Pati na rin ang mga lumang bagay. Kapag nakikita ko sila na magkakasama, parang makakagawa ka ng isang istorya. Sa mga nakatira dito. Mga taong naging bahagi na ng lugar na ito sa mahabang panahon.”

“Hindi ka natatakot?” paniniyak nito. “Tingnan mo ang mga paintings. Parang nabubuhay sila pagsapit ng gabi.”

“Hindi. Baka ikaw ang natatakot.” Nasasanay na nga siya. At sa palagay niya ay tumatapang nasiya.

Inikot nito ang paningin nang makarating sila sa entrance hall kung saan may dalawang grand staircase na naghihiwalay sa dalawang hall ng mansion. “Parang maya maya lang may susulpot na isang white lady o kaya multo ng isang prayle. Ayan na!” panggugulat nito.

Biglang tumunog ang grandfather clock at napayakap siya dito. “Gianpaolo!”

Humalakhak ito at inakbayan siya. “See? Akala ko ba hindi ka takot?”

“Hindi nga ako takot. Nagulat lang ako,” usal niya at nasapo ang dibdib.

Hinaplos nito ang buhok niya. “Now you look genuinely scared.”

Ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya sa ilalim ng palad niya at inangat ang mukha. His eyes were sparkling mischievously. Gusto niyang magalit dito pero parang natutunaw ang puso niya habang nakatitig sa mga mata nito.

“Anong ginagawa ninyong dalawa?” sigaw ni Aling Suling nang biglang lumabas sa harapan nila.

Lalo tuloy siyang napayakap kay Gianpaolo. “A-Aling Suling.”

Kahit si Gianpaolo ay mukhang nagulat din dito. “W-Wala po.”

“Ihahain ko ang hapunan ng eksaktong alas sais y medya. Ayokong may mahuhuli dahil ayoko na maghintay ang pagkain,” wika ni Aling Suling at umalis.

Napakamot sa ulo si Gianpaolo nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. “Nakakainis naman si Manang. Napaka-killjoy.”

Iniwas niya ang tingin dito. “Huwag mo na akong yayakapin sa susunod.”

“Ikaw kaya ang yumakap sa akin.”

“Basta huwag mo nang uulitin,” aniya at nagmamadaling umakyak ng hagdan. Isinara niya ang pinto at habol ang hiningang umupo sa kama.

She just stared at the setting orange sun. Pinakikiramdaman ang malakas na tibok ng puso niya. Ano na ang nangyari kung hindi dumating si Aling Suling?

No! Hindi siya maarin magpadaya sa nararamdaman niya. Gianpaolo would never take her seriously. Wala sa bokabularyo nito ang pag-ibig.

Pinaglalaruan lang siya nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.