Nasapo ni Dafhny ang noo nang marinig ang boses ni Roland. Ano naman ang ginagawa nito sa kuwarto niya sa disoras ng gabi? Wala na ba talaga siyang katahimikan? Una ay si Gianpaolo. Ngayon ay ito naman.
Nasa kabilang wing ng mansion ang kuwarto nito. Hiwa-hiwalay sila ng kuwarto dahil iilan lang ang matitinong kuwarto sa Casa Rojo na pwedeng gamitin.
“Walang problema!” sagot niya. Heto pa ang isang makulit. Hindi pa nga niya naii-dispatsa si Gianpaolo ay dadagdag pa ito. Makukulot ang utak niya sa mga ito.
“Buksan mo ang pinto. Gusto kitang I-check.”
“Hindi na kailangan. Okay lang ako. Matutulog na ako. Goodnight.”
Hindi nito pwedeng malaman na nasa kuwarto niya si Gianpaolo. Ayaw niya ng eskandalo kung saka-sakali. God, spare her from stupid males!
“Please open the door. I just want to make sure that you are okay. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo binubuksan ang pinto,” giit nito.
“Okay,” aniya at naglakad papunta sa pinto. Plano niyang maliit lang ang awing na ibukas sa pinto para di nito makita si Gianpaolo.
Bago pa siya makapasok ay inunahan siya ni Gianpaolo na buksan ang pinto. “Bakit? Anong kailangan mo?” tanong nito at ibinuka pa ang dalawang kamay saka itinukod sa hamba ng pinto. Parang si Bernardo Carpio ito na pinipigilan ang pagbabanggaan ng dalawang bundok.
Nakita niya ang bakas ng pagkagulat sa mukha ni Roland. “I just want to check on Dafhny. A-Anong ginagawa mo dito sa kuwarto niya?”
Isinandal ni Gianpaolo ang balikat sa hamba. “Binabantayan ko siya. Ang totoo naghahanda na nga kaming matulog.”
Mariin siyang pumikit. Ano bang sinasabi ni Gianpaolo? Kulang na lang ay ipagsigawan nito sa buong mundo na magkasama sila sa kuwarto. Masasakal na talaga niya ito. Konti na lang. Konting-konti na lang.
“Dito ka matutulog?” bulalas ni Roland. “Pero…”
“Ano namang masama kung dito ako matutulog? Paano ko mababantayan si Dafhny kung nasa kabilang kuwarto ako?” Inakbayan siya ni Gianpaolo saka hinaplos-haplos ang buhok niya. “Kaya huwag ka nang mag-alala. Walang mangyayaring masama kay Dafhny habang magkasama kami.”
“Dafhny, papayagan mo talagang samahan ka niyang matulog?” tanong ni Roland sa tensiyonadong boses.
“Bakit naman hindi siya papayag? Ano ba sa iyo kung magkasama kaming matulog? Kaano-ano mo ba siya? Boyfriend ka ba niya?” tanong ni Gianpaolo.
“Ano… kami ni Dafhny…” Di alam ni Roland kung paano sasagot. Wala na nga naman silang relasyon. He ruined it.
“Sige na, Roland. Ako na ang bahala kay Gianpaolo. Magpahinga ka na. Maaga pa ang trabaho natin natin bukas,” sabi niya para matapos lang ang gulo.
At mas lalong mahabang pagtatalo kapag ipinagtabuyan niya si Gianpaolo sa harap ni Roland. After all, she wanted to get rid of Roland first.
“Sigurado ka na iiwanan kita sa kanya?” paniniyak ni Roland.
“Oo. Goodnight, Roland.” Saka niya isinara ang pinto. Subalit di pa siya umalis sa pagkakatayo sa tabi ng pinto hangga’t di niya naririnig ang papalayong yabag ni Roland na nasa kabilang wing ng mansion ang kuwarto.
Hinawakan siya Gianpaolo sa balikat. “Matulog na tayo.”
Ito naman ang hinarap niya. “Oo. Matutulog na tayo pero sa magkahiwalay na kuwarto. Bumalik ka na sa kuwarto mo.”
“Kung ako ang tatanungin, mas mabuting dito ako matulog.”
She smiled sweetly. “Sige. Dito ka matulog pero aminin mo muna sa akin na natatakot kang makakita ng white lady sa kuwarto mo.”
Hinamig nito ang mga gamit na bitbit. “Ayaw pa kasing umamin na natatakot. Laging bukas ang kuwarto ko para sa iyo. Katukin mo lang ako.” Napasinghap siya nang kintalan nito ng halik ang labi niya. “Goodnight.”
Nakatulala siya hanggang makaalis ito. He kissed her goodnight. Sa labi pa. Nautakan siya nito. Sa palagay niya ay babangungutin siya sa gabing iyon.
MALAKAS ang kaba sa dibdib ni Dafhny nang makipagkita kina Ariel at Gianpaolo sa Mindanao function room ng Lakeside Café and Restaurant. Ilang araw na niyang hinihintay ang resulta ng ipinasa niyang design para sa Casa Rojo. And she was praying everyday that they would pick her up for the job.
“I’m impressed, Dafhny,” wika ni Ariel nang ilatag ang design niya sa mesa. “Di mo lang basta nakuha ang design na gusto namin. You even exceeded our expectations. Congratulations! The project is yours.”
“Really? S-Sa akin na ang Casa Rojo project?” Kinamayan niya ito. “Thanks, Kuya! Alam mo ba na hindi ako makatulog dahil diyan?”
Tumawa ito. “Well, you can sleep soundly tonight. Dahil oras na magsimula na ang trabaho mo sa Costa Brava, baka di ka na makatulog.”
“This is the best news ever. I assure you that you won’t regret this.” Matutupad na rin ang pangarap niya. Ito na ang simula.
“Siya na ba talaga ang kukunin natin? Are you sure?” tanong ni Gianpaolo na kanina pa tahimik mula nang dumating siya.
“Her designs are the best. Ikaw mismo ang nagsabi na siya ang pinaka-magaling,” sagot naman ni Ariel.
Nagsalubong ang kilay niya sa pagkwestiyon nito sa pagkuha sa kanya. “Do you have a problem with me, Gianpaolo?” Dahil kung isa na naman iyon sa biro nito, hindi siya natatawa. It was not the time for jokes when she feels like celebrating.
He pointed his pen on the paper for the estimated cost. “This one is too low. I think it is too good to be true.”
“Pero hindi imposible iyan, Gianpaolo,” depensa niya. “Gagamitin natin ang mga gamit na nasa bodega. Ang ilan sa kanila ay nasa magandang kondisyon pa. We just have to refurbish and restore them. Mas makakamura tayo doon kaysa naman bumili pa tayo ng mga bagong furnishings. Parang ibabalik lang din natin ang mga bagay na iyon sa tunay nilang tahanan.”
“That’s why we decided to hire you, Dafhny,” sabi ni Ariel. “Not only you are good with designs. Practical ka rin. Some of the designers forgot one important factor. We don’t want Casa Rojo to be so hotel-like. We want to give our guests the feeling of being one of the residents of the place. And you delivered it.”
“One more question, Dafhny. Anong guarantee namin na di ka magba-back out tulad ng mga trabahador namin kapag may ghost sighting na naman sa Casa Rojo? We don’t want to ruin the project because of that,” seryosong sabi nito.
Sinalubong niya ang mata ni Gianpaolo at tinaasan ito ng kilay. “I am a professional. Mas importante ang trabaho sa akin kaysa sa multo. Isa pa, wala ka namang napansin na natakot ako sa multo noong nasa Casa Rojo tayo, di ba?”
Naglaban ang tingin nila. Ngayon pa ba niya pakakawalan ang project kung kailan nasa kanya na? She won’t live with Gianpaolo’s baiting. Kung gusto lang nitong inisin siya, di siya magpapadala.
“Ipapa-book ko na ang flight mo, Dafhny. Sasama ka ba sa kanya, Gianpaolo?” tanong ni Ariel.
“Of course, Kuya. Tatapusin ko na ang bakasyon ko.”
Tinapik ni Ariel ang balikat nito. “Why don’t you and Dafhny celebrate? Ipasyal mo siya dito sa riding club. Wala bang game ngayon?”
“Just a few practice matches,” sagot ni Gianpaolo.
“That will do. Dafhny, si Gianpaolo na ang bahala sa iyo. Baka hindi ko na mahabol ang recital ng baby girl ko. Magagalit iyon,” sabi ni Ariel.
“Gusto mong manood ng practice match nila Richard Don? Nandoon ang sikat na polo player na si Thyago Palacios,” Gianpaolo said in a lame tone.
“Kung ayaw mo akong isama, huwag na. Uuwi na lang ako.” Kanina pa nito pinabibigat ang pakiramdam niya.
Pinigilan nito ang braso niya. “Sabi ni Kuya Ariel mag-celebrate tayo.”
She rolled her eyes heavenward. “Celebrate? How am I supposed to celebrate with that attitude of yours? Ayaw mo sa akin mapunta ang project, di ba? What do you have against me?”
“Look, Dafhny! I like your designs, I must admit. But you still have some unresolved issues.”
Kumunot ang noo niya. “Issues? What issues?”
Tumiim ang anyo nito. “Roland Villarin, your ex-boyfriend.”
“Ikaw na rin ang nagsabi na ex-boyfriend ko siya. Tapos na kami. Ni hindi ko na nga siya kinakausap. He left me for another girl. End of the story.”
Ni hindi siya naghabol. Ni hindi siya nagsalita ng kahit ano laban dito. Di niya maintindihan kung paanong magiging problema ang makatrabaho si Roland.
“I don’t really care about your story, Dafhny. I just don’t want your emotions to get in the way.”
“We are through. Satisfied? Isa akong professional. Kaya walang multo o Roland na makakasira sa trabaho ko.”
Huminga ito nang malalim at hinaplos ang pisngi niya. There was warmth in his eyes. “I just want to make sure that he won’t hurt you anymore one way or another. Kung masasaktan ka lang kapag nagkita kayo, I’d better pull you out of the project. Mas importante ka kaysa sa project.”
She smiled at him. Di niya alam na nag-aalala pala ito sa kanya. “I am not in love with him anymore. Saka may girlfriend na siya. Di naman ako naging kontrabida sa kanila kahit kailan. Basta magpo-focus lang ako sa trabaho ko.”
Inakbayan siya nito. “Good! Manood na tayo ng match.”
Tiningala niya ito. “Hindi ka ba maglalaro kasama sila?”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Hindi na. Baka humanga ka pa sa akin.”
Pinagtawanan niya ang pagyayabang nito. She was glad to know that he cared. Ibig sabihin ay magiging maganda rin ang pagtatrabaho nilang dalawa.
“ANG init!” protesta ni Dafhny habang nag-I-inventory sa bodega. Inililista niya ang mga bagay na nakaimbak doon at saka niya ihihiwalay ang kapaki-pakinabang pa at dapat nang itapon sa junk shop.
Kasagsagan ng summer noon kaya di na siya makahinga sa sobrang init. Matapos ilista ang ilang items ay nagmamadali siyang lumabas ng bodega. Naliligo pa rin siya sa pawis samantalang alas singko na ng hapon at palubog na ang araw.
“O, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Gianpaolo na paikot-ikot sa site.
Ipinaypay niya ang palad. “Sobrang init sa loob ng bodega. Magsa-shower muna ako. Nanlilimahid na ako, eh!”
“I’ll meet you for dinner then.”
Kinabukasan pa dadating ang assistant niyang si Rei para tulungan siya sa inventory. Di niya alam kung matatagalan pa niya ang bukas.
Binuksan niya ang gripo at nagbuhos ng tubig sa katawan niya. Makaluma pa ang istilo ng banyo at wala pang modernong shower. Pero tiniyak ni Gianpaolo na mag-I-install ito ng modernong amenities doon.
She squeezed a generous amount of Stallion Shampoo and Conditioner on her palm. Wala siyang pakialam kung pangatlong beses na siyang magsa-shower sa araw na iyon. Gusto lang niya ay maginhawahan siya.
Enjoy na enjoy siya habang sina-shampoo ang buhok. Sa wakas ay mawawala na ang mga alikabok at pawis na nakadikit sa buhok niya. Di na siya mahihiya kapag humarap sa tanghalian mamaya.
Matapos banlawan ang buhok ay binalot niya iyon ng tuwalya. Naramdaman niyang may malamig na bagay na bumagsak sa likod niya. Nagtitili siya sa sobrang gulat at takot. Wala siyang pakialam kung marinig man ng buong isla ang tili niya. Anong klaseng nilalang ang nasa likuran niya? Multo ba? Lamanglupa?
Di nagtagal ay narinig niya ang malalakas na bayo sa pinto. “Dafhny, open up! Anong nangyayari sa iyo? Open up or I will use force.”
Hinablot niya ang isa pang tuwalya at mabilis na itinapis sa katawan bago binuksan ang pinto. “Gianpaolo!” mangiyak-ngiyak niyang wika at yumakap dito.
“Bakit? Anong nangyari?” tanong nito at hinaplos ang pisngi niya.
“Ano… kasi.. sa banyo… ano…” nauutal niyang wika. Wala rin naman siyang masabi sa sobrang takot.
“Teka, titingnan ko,” wika nito.
Lalo pa siyang yumakap dito. “Huwag na! Baka kung ano pa ang makita mo.”
She was satisfied to hold him. Nawawala ang takot niya dahil alam niyang di siya iiwan ni Gianpaolo. Pero ayaw din naman niyang masaktan ito. Paano kung ito naman ang balikan ng multo sa banyo?
Pilit siya nitong pinaupo sa kama. “Okay. Calm down. Kukuha lang ako ng tubg, ha? Huwag kang matakot. Titingnan ko lang ang banyo.”
Napilitan siyang tumango. Nag-aalala pa rin niyang tiningnan si Gianpaolo. Lumabas ito sa banyo dala ang isang basong tubig at ang robe niya. Inabot nito ang baso sa kanya. “Uminom ka muna para kumalma ka.”
“Thank you.” At nanginginig niyang tinanggap ang baso.
Mariing magkadikit ang mga labi nito nang ipatong ang bath robe sa balikat niya. “Mabuti na lang at ako ang nakarinig sa iyo. Paano kung iba ang pumasok dito at makitang ganyan ang ayos mo.” Walang ibang nakarinig sa tili niya dahil maaring pabalik pa lang sa site ang iba.
Nag-init ang mukha niya nang maalalang halos hubad siya maliban sa tuwalya. Tumayo siya agad at tumalikod dito. “I’m sorry.”Saka niya inayos ang robe.
“It’s okay. Iisipin ko na lang wala akong nakita.”
Di na niya nagawa pang lumingon man lang dito. “A-Ano… may nakita ka ba sa loob ng banyo? Basta na lang kasing may malamig sa likod ko.”
“Baka naman butiki lang iyong sumampa sa likod mo kaya malamig.”
“B-Butiki? Butiki lang ba iyon?”
Pinisil nito ang balikat niya. “You are safe here. Walang multo.”
“Thank you,” mahina niyang usal.
“Get dressed. Ayaw ni Manang Suling na may nahuhuli sa hapunan.”
“Gianpaolo, wala ka ba talagang nakita?”
Nagkibit-balikat ito. “Wala namang masyado.”
“What do you mean by that?” pasigaw niyang tanong subalit malutong halakhak lang ang isinagot nito sa kanya. Gosh! Nakita na nito ang katawan niya!