Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 190

“I created six different floor plans. Kasama na ang pati sa cottage na itatayo namin. More on Filipino crafts ang gagamitin. At puro classical at antiques din ang design like capiz windows as dividers. Ini-inventory na rin namin at nilalagyan ng tag ang mga gamit na pwedeng ipa-refurbish at magamit ulit dito. Maraming magagandang gamit sila lolo na pwede pang gamitin,” paliwanag ni Dafhny kay Gianpaolo sa blue print niya para sa Casa Rojo.

Pinipilit niyang maging normal habang kaharap ito. But deep inside she was rattling. He saw her body the other night. At least part of it. Ni hindi niya ito boyfriend man lang o asawa. Nakakahiya talaga. Subalit mukha namang normal lang ito. Siguro nga ay wala naman itong nakita.

“Balayong wood is also good for door frame and window frame. Magaganda ang ideas mo lalo na ang gawing divider ang mga capiz window. Mas magiging at home ang mga bisita mo sa design mo,” dagdag naman nito.

“Okay. I will tell my antique dealer about the balayong wood.”

“Bakit hindi ka makatingin nang diretso sa akin?” tanong nito nang magpaala siyang babalik sa bodega para sa inventory.

“Ano… Wala..” Wala na siyang mukhang ihaharap dito. Ano pa nga ba ang maipagmamalaki niya?

“You are a novelty, Dafhny. Blushing at twenty-six.”

Matalim niya itong sinulyapan. “Siyempre! Ikaw lang ang… ano…” Ipinadyak niya ang paa niya. “Huwag na lang nating pag-usapan!”

“Sanay akong nilalapitan ng babae. O kaya iyong mga babae na vocal sa nararamdaman nila. Kung manligaw man ako, sinasagot agad ako. But you are really different from all those girls. I swear you are still a virgin.”

“Okay. I’m a virgin. I am naïve. But you don’t have to throw it to my face.” Hindi ba nito na makita na gusto niyang bumaon na lang siya sa kinatatayuan?

Humalakhak ito. “O, masyado ka namang seryoso. Nagku-kwentuhan lang tayo. Because I really adore you, Dafhny.”

“Yeah! You adore me so much that you love to annoy me. Gianpaolo, nagmamakaawa ako sa iyo. Ayoko nang banggitin mo pa ang nangyari kagabi. Wala ka naman talagang nakita, eh!”

“Gusto kong sabihin sa iyo kung ano ang nakita mo?”

Naghahamon ito. There was a glint of mischief in his eyes. “Stop it, okay? Basta ayoko nang pag-usapan ulit! Magtrabaho na lang tayo…”

Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Okay. Wala nga akong nakita. But I can still feel you in my arms. And your scent still lingers in my mind. You gave me a sleepless night.”

Napasinghap siya. There was evident desire in his eyes. Desire. Just desire. She was just another woman with a body. She was nothing special.

Gusto sana niyang isigaw iyon. But what was the point?

Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto at bumuglaw sa kanila ang isang galit na galit na babae. Ito si Melissa, ang nobya ni Roland.

“Nandito ka lang pala.” Di niya inaasahan ang pagdating nito. Ang alam kasi niya ay nasa office ito ng Aragon Architecture sa Manila.

Pormal silang naipakilala ni Roland mismo. Saka niya nalaman paglaon na magnobyo na ang dalawa. Pero di siya nagtanim ng galit kay Melissa. Nirespeto na lang niya sa huli ang nararamdaman nito at Roland.

“Hi, Melissa!” bati niya. “Nasa kabilang wing si Roland. Pwede ko siyang ipasundo kung gusto o pasasamahan kita sa site.”

“Huwag kang magkunwaring mabait sa akin. Alam kong ginagawa mo ang paraan para maagaw si Roland sa akin. Dito ka pa natutulog para akitin siya.”

Nagulat siya sa akusasyon nito. “Melissa, wait…”

Biglang dumating si Roland. “Tama na iyan! Nakakahiya sa kanila!”

Itinuro siya ni Melissa. “Siya ang dapat na mahiya. Ginagamit pa niya ang project na ito para ilayo ka sa akin.”

Pumagitna na si Gianpaolo sa kanila. “Miss Melissa, ako ang nagmo-monitor ng mga bisita dito sa Casa Rojo. At di pwedeng basta-basta pumunta ang isang bisita nang walang abiso sa akin. Maliban na lang kung emergency. And you can’t just barge in here unless it is official business.”

Napipilan si Melissa at bahagyang humupa ang galit. “Kasi Sir…”

“Ano bang ginagawa mo dito, Melissa?” asik ni Roland at pinigilan ang nobya sa braso. “Gumagawa ka ng eskandalo. Inaabala mo kami.”

“I am protecting what is mine. Gusto ko lang tiyakin na di ka maaakit ng babaeng iyan o ako ang makakalaban niya.”

“Nandito lang kami para sa project!” mariing wika ni Roland.

“Pero magkasama kayo sa isang bahay. Paano kung sa isang kuwarto na lang kayo natutulog at hindi ko alam? Paano kung maagaw ka niya sa akin?”

Melissa was afraid of her own ghosts. Ito ang nang-agaw kay Roland nang mga panahon na malayo siya kay Roland. Natatakot ito na bumalik ang karma nito.

“Melissa, natitiyak ko sa iyo na di sila magkasama sa isang kuwarto. Kami ni Dafhny ang magkasama habang nandito siya,” paglilinaw ni Gianpaolo.

Napasinghap siya at maging si Melissa ay nagulat. “T-Totoo?”

“Oo. Kaya huwag mo nang guluhin si Dafhny. Nakakahiya!” Hinila ni Roland ang nobyo palayo matapos humingi ng paumanhin sa kanila.

Nanlulumo siyang umupo sa drawing table at isinubsob ang mukha. Parang mas lalo pang sumakit ang ulo niya sa sinabi ni Gianpaolo. “Ano ba? Bakit mo sinabi sa kanila na magkasama tayo sa isang kuwarto?”

“Dinepensahan lang kita. Kung di ko sinabi iyon, guguluhin ka pa rin ng babae na iyon. Sa itsura niya, parang gusto ka niyang sabunutan.”

“Matsitsismis tayo nito.”

Anong sasabihin ng mga pamilya nila? Na wala silang moral? Tiwala ang mga ito na maayos siyang binabantayan ni Gianpaolo. Pagkatapos ay malalaman ng mga ito na magkasama sila sa isang kuwarto. At malay niya kung ano pa ang maaring tumakbo sa isip ng mga ito na ginawa nila sa iisang kuwarto.

“Anong gusto mo? Matsismis ka na mang-aagaw ng boyfriend kahit di totoo o tayong dalawa? At least ako walang girlfriend. Guwapo pa.”

Di niya alam kung tatawa siya na parang baliw o babatuhin ito ng sapatos. Sa palagay naman niya ay wala itong intensiyon na masama. Gusto lang siya nitong protektahan. “Palalagpasin ko ito. Ipagdasal mo na di ito makaabot kina Mommy. Kung hindi, humanda ka na sa shotgun wedding.”

KATATAPOS lang ni Dafhny na kausapin ang supplier niya ng antique furnishings nang lapitan siya ni Roland sa drawing room.

“Dafhny, I am sorry. Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Melissa. Akala ko naman naiintindihan niya ang trabaho nating dalawa. Nagseselos na pala siya.”

Binilot niya ang blueprint at di ito sinulyapan. May gap na nga siya sa pagpunta niya sa isla, mas lalo pa nitong pinalaki ang gap nila. “It is not your fault. Sana naayos na ninyo ang problema ninyo nang mag-usap kayo kahapon.”

Umalis na rin ng isla si Melissa. Kung kinausap sana siya nito nang maayos, maiintindihan niya ito. Pero wala itong karapatan na eskandaluhin siya. Tatlong taon na ang nakakaraan mula nang agawin nito sa kanya si Roland at wala itong narinig na kahit ano sa kanya. At ayaw niyang masangkot pa sa gulo ng mga ito.

“Nag-break na kami dahil nahihirapan na ako sa relasyon namin.”

“Oh, I’m sorry. Mukhang nakagulo pa ako sa relasyon ninyo.”

“Magulo na talaga ang relasyon namin, Dafhny. Akala ko mahal ko siya. I was confused. Lagi kang walang oras sa akin at siya ang lagi kong nakakasama. Masaya kami sa relasyon namin noong una hanggang naging masyado na siyang demanding sa atensiyon ko. Di na ako makahinga.”

“But you love her. Di mo naman ako ipagpapalit sa kanya noon kung hindi mo siya mahal, di ba? Huwag mong sayangin ang relationship ninyo.”

Sa halip na sumang-ayon sa kanya ay bigla siya nitong niyakap. “Nagsisisi ako na iniwan kita noon, Dafhny. I was stupid. I hope you will love me again and take me back. Ikaw pa rin ang mahal ko.”

She was shocked. Siya pa rin ang mahal nito? Subalit naiirita siyang marinig iyon. “Roland, l-let me go!”

“We are free to love each other again, right?”

“I don’t love you anymore!” aniya at pilit itong itinulak.

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “No! Mahal mo pa ako.”

She was sure that she didn’t love him anymore. Ayaw niya sa mga yakap nito. Di tulad sa yakap ni Gianpaolo na ayaw niyang malayo sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit nasali si Gianpaolo sa iniisip niya?

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nagpupuyos na si Gianpaolo. “Anong ginagawa mo kay Dafhny?’ bulalas nito at hinila siya palayo.

“Sa susunod na lang tayo mag-usap,” sabi ni Roland at iniwan siya.

Di siya makapagsalita sa bilis ng pangyayari. Niyakap siya ni Roland at sinabing mahal pa siya nito. Tapos ay bigla na lang sumulpot si Gianpaolo.

“Ano ang nakita ko kanina?” tanong ni Gianpaolo habang naniningkit ang mata niyang pinagmasdan. “Gumagawa ka ng paraan para bumalik si Roland sa iyo. Ginagamit mo ang project para makuha ulit ang atensiyon niya.”

“Pao, stop sounding like Melissa.”

“Kaya nag-insist ka na manatili dito para makasama si Roland. Wala kang pakialam kung girlfriend man niya si Melissa. You want to get even. You still love Roland, don’t you? Ano ba ang nakita mo sa two-timer na iyon?”

“Hindi ko na siya mahal,” mariin niyang wika. At di rin niya tiyak kung minahal nga niya si Roland. Ni hindi nga siya umiyak nang maghiwalay sila. Mabilis niyang natanggap na di na siya ang mahal nito.

“Wake up, Dafhny. Ipinagpalit ka niya noon, kaya ka ulit niyang ipagpalit sa iba. Sasaktan ka lang ulit niya.”

Nairita siya dahil di naman nakikinig si Gianpaolo sa kanya. Sarili lang nito ang iniisip nito. “Ano ba ang ipinagkaiba mo kay Roland? Pareho lang naman kayo!”

“Paano kaming nagkapareho? Siya lang naman ang nanakit sa iyo.”

“But you are a notorious playboy, Gianpaolo. Parang nagpapalit ka lang ng babae kapag nagkaka-girlfriend.”

“Huwag mo akong itulad sa kanya. Yes, playboy ako. Pero kahit kailan hindi ako naging two-timer. Nirerespeto ko ang relasyon ko habang kami pa ng girlfriend ko. And one more thing, I will never be like that asshole ex of yours. Dahil kahit kailan, hindi ko naisip na saktan ka,” galit na wika nito at lumabas ng kuwarto.

Natigagal siya. Gianpaolo was right. Wala siyang karapatan na husgahan ito o ihalintulad ito kay Roland. Magkaiba nga naman ang mga ito. But did he really mean it? Totoo ba na di siya nito sasaktan kahit kailan?

SA WAKAS ay tapos nang mag-sort out ng gamit sa bodega. Ipinagpag ni Dafhny ang kamay niya. “Mag-break na muna tayo. Bukas ipi-pick up na ng ferry ang mga iyan para dalhin sa upholster at refinisher. Pati na rin iyong kailangang itapon. Pwede na sigurong gawing sauna itong bodega.”

“Sa drawing room lang ako, Ma’am Dafhny. Magtse-check lang ako ng email. Baka nami-miss na ako ng mga fafables ko,” anang assistant niya.

“O, siya, siya. Baka mabawasan ka pa ng boyfriend,” sabi niya at tumuloy sa kuwarto niya para mag-shower at magpalit ng damit. Nanlilimahid na siya dahil madumi at mainit sa bodega. Mainit pa mandin ang araw nang mga oras na iyon.

Paglabas niya mula sa paliligo ay napansin niya ang brown na papel sa ibabaw ng unan niya. Mukha na iyong sinaunang papel. Sino naman kaya ang naglagay doon ng papel? Binasa niya ang sulat.

Umalis ka na. Manganganib ang buhay mo dito.

Kumunot ang noo niya at inilagay sa drawer ang papel. Kalokohan! Kung sinuman ang nagbiro ay hindi siya natutuwa.

Sa hallway ay nakasalubong niya ang lulugo-lugong si Gianpaolo. Ito kaya ang naglagay ng sulat? Ano naman ang mapapala nito kung tatakutin siya? O gusto ba nitong mawala na siya sa site para di na siya makagulo?

“Gianpaolo,” aniya nang magkatapat sila.

“Yes?” anitong di alam kung ngingitian siya o hindi. Naiilang na rin ito sa kanya. Pati ang professional relationship nila ay apektado na dahil sa pagtatalo nila.

Huminga siya nang malalim. “Tapos na ang inventory namin. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong umalis na ako dito sa isla at iwan ang project. I will understand. It is nice working with you.”

Masakit man sa kanya na iwan ang project ay wala siyang magagawa kung siya mismo ang makakasira sa project. At igagalang niya ang desisyon nito.

Ihinarang nito ang kamay nang akmang lalagpasan niya ito. “Dafhny, are you still mad at me? Sorry kung naging pakialamero ako sa relasyon ninyo ni Roland.”

“HIndi ka naman pakialamero. Karapatan mong pakialaman ang mga nangyayari dito sa site lalo na’t makakaapekto sa project.”

“I am sorry.” Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. “I didn’t mean to hurt you. Hindi ko gusto lang naman na matauhan ka sa kanya. Natatakot kasi ako na balikan mo pa siya.”

“Hindi ako desperada para agawan ng boyfriend ang iba. Kahit pa siguro mahal ko si Roland, irerespeto ko ang relasyon nila. Inaasahan ko rin kasi na irerespeto ng iba ang relasyon ko kung sakali.”

“Gusto ko lang na protektahan kita kaya ko nasabi iyon. But I am glad that you are not in love with him. He is not good for you. Minsan ka na niyang ipinagpalit sa iba, magagawa ulit niya iyon. Di rin niya nirespeto ang relasyon ninyo.”

He was protecting her. Ayaw nitong saktan siya ng iba. And it felt so good. Kung nagkataong nagtagal pa marahil si Roland at nakipagtalo pa kay Gianpaolo, tiyak na magkakalaban ang dalawa.

“Hindi na ako babalik sa kanya.”

“He asked you to take him back.”

“Nakikinig ka sa amin?” naniningkit ang mata niyang tanong.

“Di ko naman sinasadyang makinig. Bubuksan ko na ang pinto noon.” Hinigpitan nito ang yakap sa kanya. “If you are hurting, I am here to listen.”

“Hindi naman ako nasasaktan. Wala akong sasabihin. Gianpaolo, nahihirapan akong huminga. Huwag mo na akong yakapin.”

“Sorry but I don’t intend to let you go.”

Kung si Roland lang ito, napakadali para sa kanya na itulak ito palayo. But he was not Roland. He was Gianpaolo. Di niya ito basta basta maitulak palayo. Parang gusto lang niyang nakapaloob sa bisig nito. She felt protected.

“I don’t like you, Gianpaolo Aragon,” she forced her self to say.

Bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. “Then maybe I should give you a reason to like me.”

His lips claimed hers in a hot, steamy fashion.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.