Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 191

Dafhny had been kissed before. Chaste kisses from Roland when they were still together. Nirerespeto daw siya nito. Ibang-iba iyon sa halik ni Gianpaolo sa kanya pero di naman siya nakaramdam ng kawalan ng respeto mula dito. Inaalagaan pa rin siya ni Gianpaolo. Binibigyan siya ng pagkakataon na tanggapin ang halik nito.

She shivered from head to toe. Yumakap siya sa leeg nito at ibinuka ang labi. Isinusuko na niya ang sarili dito para sa pagkakataong iyon.

Sa likod ng utak niya, sinasabi na isang pagkakamali ang ginagawa niya. She was stupid to give Gianpaolo the power over her. Isang halik lang ay kayang-kaya na siya nitong gawing mahina. Sisirain lang niya ang sarili niya.

But the prize was too sweet. He was kissing her as if he really liked her. As if she was beautiful. And it made her feel so good. Iyon ba ang talento ni Gianpaolo kaya nagawa nitong akitin ang mga kababaihan?

Jeez! She was no different from them. Heto at nanlalambot na ang tuhod niya, handang gawin ang anumang gusto nito. She must be nuts but she didn’t know how to stop him. She didn’t want him to stop.

“Hindi ba ninyo pwedeng gawin iyan sa lugar na walang nakakita sa inyo?”

Bigla silang naghiwalay sa sobrang gulat nang marinig ang boses ni Manang Suling. “Manang, nandiyan po pala kayo,” usal niya.

“Oo. Hindi ba ninyo ako napansin o sadyang pinagpapasikatan lang ninyo ako? Ang taas-taas pa ng sikat ng araw, may ginagawa na kayong kababalaghan,” sermon nito. Di tuloy siya makatingin nang diretso kay Manang Suling.

“Wala po kaming ginagawang kababalaghan,” tutol ni Gianpaolo.

“Anong ibig sabihin ng nakita ko?” asik nito.

“Wala naman po talagang ibig sabihin iyon,” mahina niyang usal. Wala namang ibang kahulugan ang halik ni Gianpaolo sa kanya. They just kissed.

“Huwag na lang po ninyong sabihin sa iba,” dagdag ni Gianpaolo.

“Sige, hindi ko sasabihin sa iba! Pero mahiya naman kayo. Mataas pa ang sikat ng araw… naku! Ganito na ba talaga ang mga taga-Maynila? Wala nang pakialam sa sasabihin ng matatanda?” litanya ni Aling Suling habang papalayo.

Maswerte sila kung walang makakarinig ng sinasabi nito. Wala mang nagsasalita tungkol sa tunay nilang relasyon ni Gianpaolo bilang respeto, nahihiya pa rin siya. Bakit kasi di siya natauhan agad nang halikan nito?

Naniningkit ang mata niyang sinulyapan si Gianpaolo. “Don’t do that again! Or else your bachelor days are over.”

“Pipikutin mo ako kapag hinalikan kita ulit?” Lumapit ito sa kanya at umurong siya hanggang maramdaman niya ang likod niya sa dingding. “But I like to kiss you again, Dafhny. You taste like wine. Nakakalasing. Kung kailangan mo akong pikutin, walang problema sa akin. Wanna try it once more.”

Yumuko siya at nagtatakbo palayo. “Magtatrabaho pa ako.”

She won’t give in for another kiss. Yes, he promised that he won’t hurt her ever. Pero ayaw niyang magbaka-sakali. Hindi niya maaring tawirin ang linya sa pagitan nila ni Gianpaolo. She would be doomed once she fell for him.

KUNG ayaw mo pang matapos ang maliligayang araw mo, umalis ka na.

Iyon ang pangalawang sulat na natanggap ni Dafhny sa loob ng dalawang linggo. Marami nang pagbabagong nagawa sa Casa Rojo. Naging abala siya sa trabaho kaya nakalimutan na niya ang unang sulat. Pero sa pangalawang pagkakataon, parang ayaw na niyang balewalain ang sulat.

Papunta siya sa kabilang hall nang lumabas si Amor mula sa kuwarto sa tapat niya upang maglinis. “Amor, may nakita pumasok sa kuwarto ko kanina?”

“W-Wala po, Ate. Ngayon pa lang po ako maglilinis sa kuwarto ninyo. May nawawala po ba?” tanong nito.

Umiling siya. “W-Wala. Parang may nabago lang kasi.”

“Baka naman po multo iyon.”

“Walang multo, Amor!” saway niya dito.

Napayuko ito. “Pasensiya na po, Ma’am.” Mahigpit kasi niyang bilin dito na huwag nang babanggitin pa ang tungkol sa multo ng Casa Rojo.

“Sige na. Linisin mo na ang kuwarto ko.”

Magulo ang isip niya kaya naisip niyang maglakad-lakad. May mabatong cliff sa isang bahagi ng Costa Brava na sakop pa ng lupain nila. May magandang damuhan na namumulaklak ng mga wild flowers sa panahong iyon. Doon muna siya mamamasyal. Subalit bago makarating doon ay kailangan muna niyang dumaan sa isang lumang hanging bridge.

Di niya alintana ang makulimlim na panahon. Di nila maide-develop ang buong lupain. Gusto nilang pabayaan na ang ibang bahagi sa natural na anyo. Kailangan nilang pangalagaan ang likas na yaman ng Costa Brava.

Excited niyang tinawid ang tulay. Gusto niyang makarating doon at makabalik ulit sa Casa Rojo bago bumuhos ang ulan. Sinubukan niyang bilisan ang pagtawid sa tulay pero luma na iyon at lumalangitngit. Parang anumang oras ay bibigay. Subalit sinabi ni Rudolph na matibay pa ang tulay. Di iyon basta basta masisira.

Malapit na siyang makatawid sa kabilang dulo nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Gianpaolo. “Dafhny, nasaan ka?”

“Nandito ako!” sigaw niya habang nakahawak sa lubid na tali.

Namaywang ito sa kabilang dulo ng tulay. “Bumalik ka na dito. Malapit nang umulan. Mahihirapan kang bumalik mamaya dahil madulas. Saka wala kang masisilungan diyan. Di pa naaayos ang silungan diyan.”

Tumingala siya. Anumang oras ay baka bumagsak ang ulan. Nagsimula na siyang maglakad pabalik. Nasa gitna na siya ng hanging bridge nang marinig niyang palakas na palakas ang langitngit ng tulay. Parang pababa din siya nang pababa. Ramdam niya ang tensiyon sa bawat hakbang niya.

“Gianpaolo, babagsak ang tulay!” sigaw niya.

“What?” bulalas nito. “Huwag kang mag-panic! Relax!”

She didn’t have time to relax. Bilisan niya ang paglakad niya. Bawat hakbang ay nararamdaman niyang may posibilidad na mabuhay pa siya. Maaring paranoid siya. Kung makatawid man siya sa tulay at di iyon bumagsak, walang problema. Pero kung bumagsak ang tulay kasama siya, isa iyong malaking problema.

“Dafhny, huwag kang magmadali.”

Ilang hakbang na lang siya sa kay Gianpaolo nang tuluyang bumagsak ang tulay. Tumili siya at maagap na kumapit sa lubid na tatangnan ng tulay. Umuga-uga iyon. Nanlaki ang ulo niya nang makita ang matarik na bangin na babagsakan niya.

“Dafhny, hold on!”

“Gianpaolo,” mangiyak-ngiyak niyang usal. Ayaw na niyang magtagal pa doon. Hindi siya makakatagal na humawak sa lubid. Nananakit ang kamay niya.

“Huwag kang bibitaw!” mariing wika ni Gianpaolo at pilit na hinila ang tubid na kinakapitan niya. Itinapak niya ang paa sa gilid ng stone cliff para makaakyat.

Inilahad ni Gianpaolo ang palad nang abot-kamay na niya ito. Mahigpit siyang kumapit at ubod-lakas siya nitong hinila para makasampa siya.

Napaiyak siya sa pinagsamang takot at relief. Napakalapit na niya sa kamatayan. Akala niya ay hindi na siya mabubuhay.

Niyakap siya nang mahigpit ni Gianpaolo. Nakasalampak sila pareho sa lupa. Walang sinuman ang gustong bumangon. Sa palagay niya ay nanghihina rin ito katulad niya. “Hush now, Dafhny. You are safe now.”

Patuloy siyang umiyak habang yakap nito. She was glad that he was there. At wala siyang ibang nais nang mga oras na iyon kundi ang manatili sa bisig nito.

“MAY kalumaan na ang tulay pero akala ko safe na daanan iyon. Looks like I miscalculated it. I’m sorry, Dafhny. Hindi ko alam na mapapahamak ka dahil sa kapalpakan ko,” hinging-paumanhin ni Rudolph.

Nakaupo siya sa kama sa kuwarto siya at halos lahat ng kasamahan niya ay naroon para tingnan ang kalagayan niya. Buhat siya ni Gianpaolo pabalik sa Casa Rojo. Nang makita sila isa sa mga tauhan ay saka sinabi ni Gianpaolo na bumagsak ang hanging bridge.

Hawak niya ang mainit na kape. Hindi pa siya lubusang nakakabawi dahil naroon pa rin ang trauma. Ramdam niya iyon sa hawak na mug ng kape. Nanginginig pa kamay niya. “It is not your fault. Di mo naman gustong mangyari ang aksidente,” aniya at pilit na ngumiti para mabawasan ang guilt nito.

“Buti na lang nandoon si Soulmate. Nakakatakot yata iyon!” sabi ni Arneth.

Nasa tabi lang niya si Gianpaolo. Nakaakbay ito sa kanya o kaya ay nakahawak sa kamay niya. Ayaw siya nitong iwan. Utang niya dito ang buhay niya.

“Gagawa na ba kayo ng bagong tulay?” tanong ni Gianpaolo.

“Oo. Di lang bagong tulay ang dapat naming ilagay. Maraming parte ang dapat ding lagyan ng safety barrier para sa kaligtasan ng lahat. Alam ko na gusto mong I-maintain ang natural na ganda dito pero importante na maging ligtas ang mga nandito,” wika ni Rudolph.

“Gusto ko pa ring paimbestigahan ang nangyari,” giit ni Gianpaolo. “Di ako titigil hangga’t di ko natitiyak na di sinabotahe ang tulay.”

“Iyan din ang gusto kong mangyari,” sang-ayon ni Roland. “Hindi ko mapapatawad ang sinumang gustong manakit kay Dafhny.”

Ipinikit niya ang mata at sumandal. “Gusto ko nang magpahinga.”

Matapos magpaalam sa kanya ang lahat ay silang dalawa na lang ni Gianpaolo ang naiwan. Inayos nito ang kumot niya. “Gusto mo ba na iwan na kita paa makapagpahinga ka na?”

Dumilat siya at hinawakan ang kamay nito. “Dito ka lang sa tabi ko.”

Umupo ito sa tabi niya at kinabig ang balikat niya. “Then I won’t let you go. Ayoko rin naman na mawala sa tabi mo. Kahit na saan ka pa pumunta, di kita iiwan. Ayokong mawawala ka sa paningin ko kahit na magalit ka pa sa akin.”

“Hindi ako magagalit sa iyo. I owe you my life.” She let out a weak smile but it was the best she could do. “Kung wala ka kanina, baka patay na ako. Mawawalan na ako ng lakas ng loob na lumaban para sa buhay ko.”

Hinalikan nito ang kamay niya. May benda iyon dahil nasugatan sa paghawak niya sa lubid. “Pakiramdam ko kanina ako rin ang nakabingit sa bangin. Kahit na nasa lupa ang paa ko, hawak ko naman ang buhay mo. I was so scared that I’d lose you. Mababaliw ako kapag nawala ka.”

Nangilid ang luha sa mata niya. sanay siyang nagtutuksuhan sila nito. Pero nang mga oras na iyon ay parang siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito. “I won’t die yet. Ngayon pa lang ako nagiging masaya kasama ka.”

Di ito nagsalita subalit niyakap lang siya nang mahigpit. “Hindi na ako papayag na maulit ito. I promised to protect you. I won’t fail anymore.”

Nakadama siya ng kapanatagan nang ipikit niya ang mga mata. She felt so safe as if she didn’t cheat death a while ago. Alam kasi niya na habang nasa tabi niya si Gianpaolo, mananatili siyang ligtas.

“AKO ba talaga ito? It’s pretty!” usal ni Dafhny habang pinagmamasdan ang sketch niya na gawa ni Gianpaolo. Nasa kuwarto nito siya para tingnan ang trabaho nito. Doon niya natuklasan na ini-sketch pala siya nito. “Hindi naman ako nag-pose para sa iyo pero nakukuha mo pa rin ang mukha ko.”

“I draw using my memory. I’ve known you since we were little. And I get to see you more today. Kahit yata sa panaginip ko ikaw din ang nakikita ko. Hindi na ako nahirapan na I-sketch ka,” sabi nito at ibinaba ang lapis.

Mahigit isang buwan na sila sa Costa Brava. Mas malapit na sila sa isa’t isa. Di na rin siya naiinis sa mga pagbibiro nito. Nasanay na siyang makisabay sa mga biro nito. Pati ang pagpapalipad-hangin nito ay idinadaan na rin niya sa biro. At sa gabi kapag di pa sila inaantok ay nagku-kwentuhan lang sila o nagkukulitan. Sa pagkakataong ito ay ipinakita nito ang sketches sa kanya. Magaling gumuhit si Gianpaolo. Kung di kasi ito nag-Architecture ay baka Fine Arts ang kinuha nito.

Kapag lumuluwas sa Manila ay inaakala ng lahat ng magnobyo na sila. Pero idinadaan lang niya iyon sa tawa. She and Gianpaolo were just close friends.

She breathed deeply. Nai-in love siya sa illustration na ginawa nito. “It is lovely. Kung lagi mo siguro akong ii-sketch, baka ma-in love ako sa iyo.”

“HIndi pa ba?”

Sinulyapan niya ito kasabay ng malakas na tibok ng puso niya. “Masyado kang guwapo para ma-in love ako. Sa dami ng pinaiyak mong babae, baka isama mo pa ako sa listahan ng mga pinaasa mo sa wala.”

Ginagap nito ang kamay niya at hinaplos ang bawat daliri. “Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng nambasted sa akin? At ikaw lang din ang babaeng paulit-ulit kong nililigawan. Ewan ko ba kung bakit di mo ako sineseryoso.”

“Do I really have to take you seriously?”

Kinintalan nito ng halik ang likod ng palad niya at tumingala. “I love you, Dafhny. Will you marry me?”

Napasinghap siya at napatitig dito. He looked dead serious. Sa mga titig nito sa kanya, parang isa itong lalaking in love. Iniwas niya ang tingin dito bago pa siya maniwala sa romantic proposal nito. “Let go, Gianpaolo!”

Subalit di siya nito binitiwan. “Ayoko nga. Say yes first.”

“Heh! Ikukuha na lang kita ng kape sa baba.”

“Wow! That’s sweet! Thanks! Sarapan mo ang kape, ha?” sabi nito. “I guess that is a yes. Nagpa-practice ka nang maging Mrs. Gianpaolo Aragon.”

“Shut up!” aniya at iniwan ito sa kuwarto. Dahil kung magtatagal pa siya sa kuwarto nito ay baka kung patulan niya ang pang-aakit nito. And she could feel her resolve slowly crumbling.

Masigla niyang tinawid ang madilim na hallway. Pababa siya ng hagdan nang marinig niya ang yabag sa baba. “May tao ba diyan?” tanong niya.

Walang sumagot sa kanya maliban sa sipol ng hangin na nagdala ng ulan at ang pagbagsak ng patak kaya itinuloy niya ang pagbaba ng hagdan. Nagulat siya nang tumunog ang piano. Di iyon musika kundi parang may isang bagay na di sinasadyang nadiinan ang mga tiklado. May tao nga. Madilim ang magsisilbing lobby ng Casa Rojo. Kailangan pa niyang bumaba para buksan ang switch ng ilaw.

“Sino ang nandiyan? Aling Suling!” tawag niya. Naalala niyang umuwi si Aling Suling sa anak nito na nasa kabilang bahagi ng Costa Brava. “Sino ka?” Nakadama na siya ng tensiyon nang walang sumagot. Naramdaman niya na may nakatingin sa kanya. May ibang tao doon. May nagbabantang panganib.

“Gianpaolo!” sigaw niya at umakyat ng hagdan. Subalit nakakadalawang hakbang pa lang siya ay naramdaman niyang may humampas sa balikat niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.