Napaigik si Dafhny at gumulong sa sahig. Narinig niya ang papalayong yabag ng salarin. Anong klase ba itong nilalang? Bakit siya nito sinaktan? Anong kailangan nito sa kanya? Magnanakaw ba ito?
“Gianpaolo!” sigaw niya habang pilit na isinampa ang sarili sa hagdan. Kung kailangan niyang gumapang para makahingi ng tulong ay gagawin niya.
Si Gianpaolo na lang ang pag-asa niya. Sa kabilang wing ng mansion kung saan tumutuloy ang iba ay lubhang malayo kumpara sa tinutuluyan nila ni Gianpaolo. Isa pa, ito lamang ang nakakaalam na gising pa siya.
Di nagtagal ay narinig niya ang papalapit na yabag mula sa taas. “Dafhny! Dafhny!” nag-aalala nitong tawag sa kanya.
“Pao, nandito ako sa hagdan. Tulungan mo ako.”
Binuksan nito ang flashlight at inilawan ang hagdan. Nagimbal ito nang makita siyang nakahandusay sa hagdan. “Oh, God! Dafhny! Anong nangyari?” Hangos itong bumaba upang daluhan siya.
“T-Tulungan mo ako,” pakiusap niya dahil naiiyak na siya sa sobrang sakit.
Binuhat siya nito at idinala siya sa kuwarto niya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong nito at kinuha ang medicine kit sa bathroom niya.
“May humampas sa akin. Masakit na masakit ang balikat ko.”
“Baka naman humampas ka lang sa may hamba dahil madulas.”
“Hindi! May humampas sa akin. May ibang tao dito!” Inililis niya ang manggas ng bathrobe. “Dito niya ako hinampas.”
Namumula ang malaking marka sa balikat niya at nagsisimula nang mangitim. “Drat! Sinong gumawa nito sa iyo?” histerikal na tanong nito. “Kung sinuman siya, sasakalin ko siya hanggang hindi na siya makahinga. He’ll pay for hurting you! Damn him!”
“Gamutin mo na muna ako, Pao,” pakiusap niya.
“Kukuha ako ng yelo sa baba. Dito ka lang. I-lock mo ang pinto. At huwag mong bubuksan hangga’t hindi ko sinasabing ako ang tao. Wag kang aalis dito kahit anong mangyari? Nagkakaintindihan ba tayo.”
Tumango siya. Parang napakahabang sandali ang hinihintay niya habang hinihintay ang pagbabalik nito. Iyon na ang pangalawang beses na muntik nang mabingit ang buhay niya sa kamatayan. At natatakot siya sa bawat minutong wala si Gianpaolo sa tabi niya. parang nasa paligid lamang ang panganib.
Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto. “Dafhny, it’s me!”
Dali-dali niyang binuksan ang pinto nang marinig ang boses ni Gianpaolo. Yumakap siya dito. She couldn’t cry. She was trembling too much. She was just glad that he was back. Kahit paano ay nabawasan ang takot na nararamdaman niya.
Inilapag nito ang mangkok ng yelo sa bedside table at inalalayan siyang umupo. “Saglit ka lang nawala sa paningin ko, kung anu-ano nang nangyayari.”
“May ibang tao dito sa mansion, Pao. Pababa ako ng hagdan nang marinig kong may naglalakad. Tapos bigla na lang tumunog ang piano. Umakyat ako ng hagdan nang maramdaman kong may humampas sa balikat ko. Sa palagay ko gusto talaga niyang patamaan ang ulo ko. Kaso nagmamadali akong umakyat ng hagdan kaya sa balikat na lan niya ako tinamaan.”
Inilapat nito ang ice bag sa balikat niya. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Tell me. May iba pa bang masakit sa iyo?”
“I am hurting all over. Pero itong balikat ang pinakamasakit.”
“Sa palagay mo ba magnanakaw iyon? Ano naman ang mananakaw niya? Ipinadala na natin ang mga important art pieces sa magre-restore. Kung pera naman, mahihirapan siya dahil state of the art ang safety deposit box natin.”
Mahabang sandali niyang nilimi ang mga pangyayari. Dalawang beses nang may tangka sa buhay niya. Dalawang beses na rin siyang may natanggap na sulat ng pagbabanta sa kanya.
“Sa palagay ko ako ang target niya.”
“Niya? Anong ibig mong sabihin?” tanong nito.
Huminga siya nang malalim. “May natanggap akong mga sulat na nagbabanta sa akin. Dalawang beses na.”
“Sulat? Gusto kong makita ang sulat na iyan.”
Inilabas niya ang sulat sa drawer at ipinakita dito. Di magandang salita ang lumabas sa bibig nito nang mabasa ang dalawang sulat. “May ganito na palang threat sa iyo pero di mo man lang sinabi sa akin!” sermon nito.
“Akala ko kasi biro lang iyan noong una. Akala ko pa nga ikaw ang nagpadala niyan para lang may mapagkatuwaan ka.”
Umuklo ito sa harap niya. “Dafhny, buhay na ang pinag-uusapan dito. Buhay mo. At kahit kailan hindi ko iyon gagawing biro. Kailangan pang may mangyaring di maganda sa iyo bago ka magsabi sa akin.”
“Gianpaolo, sa palagay ko hindi aksidente lang ang pagkasira ng tulay. Sa palagay ko sinabotahe rin iyon.”
Mariin itong pumikit. “Sabi na nga ba may kakaiba doon. May parte ang lubid na parang may hiwa. Siguro di iyon agad na mapuputol kapag tinawiran. Nagkataon lang na ikaw ang dumaan nang tuluyang maputol. Pwede rin na nagkataong ikaw ang nasa baba nang dumating ang magnanakaw. Pero ang sulat na ito… Sino naman ang pwedeng magkaroon ng intensiyon na manakit sa iyo?”
Umiling siya at niyakap ang sarili. “Hindi ko alam. Nalilito na ako. Natatakot ako. Paano kung bukas wala na ako? Anong gagawin ko?”
Pinigilan nito ang labi niya. “Huwag mong sasabihin iyan.”
“Pakiramdam ko bawat araw na dumadaan sa akin, posibleng huling araw ko na sa mundo,” aniya sa nanginginig na boses kasabay ng pagpatak ng luha niya. “I am so scared. I had never been this scared in my life.”
Parang sa bawat hakbang niya ay kasunod na niya si Kamatayan. Ano bang ginawa niyang masama para naising mawala siya sa mundo?
Niyakap siya nito at kinintalan ng halik ang noo niya. “Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Huwag kang matatakot. Babalik tayo sa Manila bukas na bukas din. Hindi kita pwedeng pabayaan lang dito habang di natin nahuhuli ang nagtatangka sa buhay mo. Kailangan mo ring magpahinga.”
“Pero baka malaman nila Mommy ang nangyari. DI na nila ako pababalikin dito. Patitigilin na rin nila ang project. Paano ang pinaghirapan ko?”
Pinahid nito ang luha niya. “Hindi ako papayag na mawala lahat iyon. Nandito ang mga pangarap mo. Ang future mo. Hindi natin sasabihin sa kanila ang nangyari. Kahit sa mga kasamahan natin dito. Sasabihin natin kapag may nagtanong na nadulas ka. Babalik ka lang dito kapag nahuli na natin ang nagtatangka sa iyo. Pero itutuloy pa rin nila ang project. Tanging ang security agent na kukunin natin ang makakaalam ng lahat. We’ll pin the criminal down and make him pay for it.”
“I just wish that it will end.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “It will. Sa ngayon magpahinga ka.”
“I don’t think I could sleep tonight.” Inangat niya ang mukha. “Kiss me.”
Walang alinlangan nitong inangkin ang labi niya. It was a slow kiss. Naroon ang mas matindi nitong pag-iingat sa kanya. She opened her lips and caressed his bare chest. She wanted more than just a kiss. She wanted more of him.
She wanted to feel alive. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng panganib na nakaamba sa kanya. She needed his warmth. Tanging si Gianpaolo lang ang makakapagparamdam sa kanya na buhay pa nga siya at humihinga.
Inilayo nito ang labi sa kanya at pinigilan ang kamay niya. “Dafhny, we have to stop now. Kailangan mong magpahinga.”
“Yes,” mahiya niyang usal at humiga. Naroon pa rin ang takot na nararamdaman niya subalit unti-unti iyong nawala nang yakapin siya ni Gianpaolo.
Idinikit nito ang noo sa kanya. “I won’t give you up. Remember that. Kaya matulog ka na. Babantayan kita.”
“I love you, Gianpaolo,” usal niya bago tuluyang makatulog.
She didn’t know why she said that. Pero di niya basta-basta nasasabing mahal niya ang isang tao. Kahit noong nobyo pa niya si Roland ay di niya agad nasabi iyon.
But with Gianpaolo it was easy and natural. Nakapasok ito sa puso niya nang di niya napapansin.
Di niya alam kung ano ang sagot nito. Maybe he won’t tell her that he loved her as well. Wala siyang pakialam kung di siya nito magagawang mahalin. Pero parang ang importante sa kanya ay nasabi na niyang mahal niya ito.
HINDI maipinta ang mukha ni Dafhny habang mag-isa sa Moroccan style villa ni Gianpaolo. It was an eyesore. Isang insulto sa pagiging interior designer niya na di maganda ang design ng bahay ng lalaking mahal niya.
Isang linggo na siyang nananatili sa Manila para magpagaling. Ang alam ng mga tao sa paligid niya ay naaksidente lang siya. Hinayaan lang niya si Gianpaolo na humanap ng ebidensiya sa nagbabanta sa buhay niya. Mas mabuti na rin daw na nasa Stallion Riding Club siya dahil mas mababantayan siya doon. Round the clock ang security ng riding club. Madaling masawata ang mga banta sa buhay niya.
Sinamantala niya ang pagkakataon na wala sa villa si Gianpaolo at inilista niya ang mga recommendation para sa villa nito. Alam niyang girlfriend lang nito ang hinahayaan nitong makialam dito. Di siya nito girlfriend. Pero di siya matatahimik hangga’t di siya makakapagbigay ng suggestion dito.
Nasa pavilion room siya nang dumating ito. “Bakit nagpapagod ka?” tanong nito nang makita ang Palm Pilot na gamit niya.
“N-Naglilibang lang naman ako, ah!”
“No. You are working.” Inagaw nito ang Palm Pilot sa kanya at binasa ang nakasulat. “What? My master’s bedroom sucks? Mas mukha siyang room ng isang kindergarten kaysa isang adult man?”
Kinuha niya ulit ang Palm Pilot. “You are not supposed to read it.” Baka mamaya ay masamain pa nito ang ginawa niya.
“We will discuss this some other time. Paparating na si Myco. May importante daw siyang sasabihin sa atin.”
Si Myco Gosiaco ang head ng security ng Stallion Riding Club. Ito rin ang pinagka-katiwalaan ni Gianpaolo na mag-imbistiga sa nangyari sa kanya. Kadarating lang nito mula sa Costa Brava at tiyak niyang may resulta na ang imbestigasyon nito.
“Good afternoon,” bati nito sa kanya. “Your shoulder still hurts?”
“Nagwala na ang swelling. And I feel better. Naiinip lang ako dito. Gusto ko na sanang bumalik sa Costa Brava para makapagtrabaho ulit,” wika niya.
“Did you find out anything?” tanong ni Gianpaolo.
“Yes.” Ibinigay ni Myco kay Gianpaolo ang report. “Ayon sa fingerprints na nakuha namin sa sulat at sa mga fingerprints ng mga kasama ninyo sa mansion, nalaman din namin kung sino ang suspect sa nangyari.”
Kumunot ang noo ni Gianpaolo. “Si Amor?”
“Si Amor na pamangkin ni Manang Suling? Bakit?”
Ang alam nga niya ay wala siyang ginagawang masama dito. Pinakikisamahan pa nga niya si Amor dahil bata pa lang ay masikap na ito sa buhay.
“Inamin niya na siya ang nagdala ng sulat sa iyo, Dafhny. Pero napag-utusan lang daw siya,” wika ni Myco.
Nakuyom ni Gianpaolo ang palad. “Sino ang nanakit kay Dafhny? Sino?” Parang handa itong pilipitin ang leeg ng sinumang salarin sa nangyari sa kanya.
“Si Melissa Vicenzio, one of your employees,” anang si Myco kay Gianpaolo.
Natutop niya ang bibig. “Oh, God!”
“Siya ang girlfriend ni Roland,” wika ni Gianpaolo.
Maari nga itong maging suspect dahil naghiwalay ito at si Roland dahil sa kanya. Pero kaya ba talaga nito na manakot at manakit ng tao dahil sa pag-ibig?
“Si Amor mismo ang magpapatunay na si Melissa ang nagpadala ng sulat sa iyo. Pero di niya inamin na siya ang nanakit sa iyo. The candleholder used to hit you has no trace of fingerprints. Sa ngayon ay ang testimonya lang ni Amor ang panghahawakan natin na ebidensiya,” wika ni Myco. “Tiyak na si Melissa rin ang nag-utos.”
She was nauseous. “I never thought she could do that.”
Nagtagis ang bagang si Gianpaolo. “Ipapakulong ko sila. Tandaan nila.”
“One more thing, Gianpaolo,” wika ni Myco. “Si Aling Suling ang original suspect namin. Alam mo ba na ang usap-usapan sa Costa Brava na anak siya ni Don Isabello? At Nag-stay siya sa Casa Rojo sa pag-asang ma-recognize siya ng matanda.”
“Kaya ba parang señora siya kung umasta minsan?” tanong niya.
“Yes. She felt like Casa Rojo was rightfully hers,” anang si Myco.
“Pero namatay si Lolo Isabello nang di siya kinikilala,” malungkot na wika ni Gianpaolo. “Ibig sabihin kung totoo iyon ay tiyahin ko siya?”
“Nag-resign na siya dahil sa ginawa ng pamangkin niya,” balita ni Myco. “Nangako siya na di na sila manggugulo.”
“Kawawa naman siya. Di naman niya kailangang umalis,” aniya at humawak sa braso ni Gianpaolo. “Kahit na kamag-anak mo pa siya o hindi, maganda ang serbisyo niya sa atin. Wala akong mairereklamo siya.”
Tumango si Gianpaolo. “Yes. I agree. Nakakatakot man siya minsan, wala naman siyang ginagawang masama.”
“Ibig sabihin pababalikin mo rin si Manang Suling?”
“Oo naman. We’ll deal with her some other time.” Tumayo si Gianpaolo. “Sa ngayon may kailangan muna tayong harapin.”
TAHIMIK na naghihintay sa conference room ng Aragon Architecture si Gianpaolo at nasa kabisera ng conference table si Ariel. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha ng mga ito. Di tuloy niya alam kung anong ginagawa nila doon.
“Parating na siya,” sabi ni Ariel pagkuwan.
Di nagtagal ay bumukas ang conference room at pumasok si Melissa na. Nanlaki ang mata ng una nang makita siya subalit na tahimik na umupo sa upuan sa tapat ni Gianpaolo. “Good morning,” mahina nitong bati. Wala na ang katarayan na una nitong ipinakita sa kanya. “Bakit po ninyo ako ipinatawag, Sir?”
“Melissa, dalawang beses na nakatanggap ng sulat si Dafhny habang nasa Costa Brava siya. Both from an unknown sender. Gusto naming malaman kung may kinalaman ka dito,” mahinahong sabi ni Ariel at ipinakita ang sulat.
Umiling agad si Melissa at ni hindi man lang mahawakan ang sulat. “Wala po akong alam diyan, Sir. Bakit naman ako magpapadala ng sulat na iyan? Hindi ko naman pinagbabantaan ang buhay niya.”
“Paano mo nalaman na pinagbabantaan niyan ang buhay ko samantalang hindi mo pa naman binabasa ang sulat?” nakakunot ang noo niyang tanong.
Namutla si Melissa. “Well… hinulaan ko naman na… ano…”
“Melissa, umamin ka na. Nakausap na namin ang inutusan mo na magdala ng sulat kay Amor, ang pamangkin ng katiwalang si Aling Suling. Na-trace namin ang fingerprints niya sa mga sulat na ito. Sinabi niya na dalawang beses kayong nagkita sa Naga. Binigyan mo siya ng pera para maidala ang sulat sa kuwarto.”
“Hindi ko kilala ang Amor na sinasabi mo,” anang si Melissa at umismid.
Tumayo si Gianpaolo at idiniin ang kamay sa kahoy na mesa. Matiim ang tingin nito kay Melissa. Parang isang tigre na handang sumugod anumang oras. “Kung aamin ka, baka mapatawad pa kita sa pananakit kay Melissa. We have enough evidence to prosecute you and send you to jail.”
Namutla si Melissa. “Ipapakulong ninyo ako dahil lang ipinadala ko ang sulat na iyan sa kanya? Ganoon ba kabigat ang kasalanan ko?”
“Pinagbantaan mo ang buhay ni Dafhny! Noong una gusto mo siyang mamatay nang ipasira mo ang hanging bridge. At nitong isang linggo lang, nagpadala ka ng tao sa Casa Rojo para ipapatay siya…”
“HIndi totoo iyan!” manginginig na sigaw ni Melissa. “Hindi ko siya gustong saktan. Gusto ko lang siyang takutin kaya ako nagpadala ng sulat para umalis na siya sa Casa Rojo. Para di na sila magkita ni Roland at bumalik si Roland sa akin. Pero kahit kailan hindi ko kayang manakit ng tao!”
She looked so desperate. Ganoon ba katindi ang pagmamahal nito kay Roland? Na handa itong manakit ng ibang tao. She felt sorry for her.
“Pero inaamin mo na ikaw ang nagpadala ng sulat?” tanong niya.
Tumango si Melissa. “Oo. Wala akong kinalaman sa gustong pumatay sa iyo.”
“Nagawa mo siyang pagbantaan.Kaya mo rin siyang saktan,” giit ni Gianpaolo.
Napahagulgol si Melissa. “Wala po talaga akong alam. Maawa na kayo, Sir. Aalis na ako dito sa kompanya huwag lang ninyo akong akusahan na mamamatay tao. Ayoko pong makulong!”
“At palalagpasin ko na lang ang ginawa mo kay Dafhny? NO! You deserve to rot in jail!” sigaw ni Gianpaolo.
“Sana nga sinaktan ko na lang siya! Kung nasaktan siya sa kagagawan ko, mas magiging masaya siguro ako,” anang si Melissa at matalim siyang sinulyapan. “Siya ang pinili ni Roland at hindi ako! And I feel like dying!”
“Melissa, I am sorry if Roland broke up with you,” malumanay niyang wika. “Pero hindi ko siya babalikan. Hindi ko na siya mahal. Nawala ang lahat ng iyon mula nang ipagpalit niya ako sa iyo. Kaya wala kang dahilan para saktan o takutin ako.”
“I am afraid you have to leave the company, Melissa,” wika ni Ariel. “I am sorry everything has to end up this way.”