Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 193

“I didn’t expect that Melissa would resort to something so drastic to take me back. I am sorry, Dafhny. Kinokondena ko ang pananakit at pananakit niya sa iyo,” malungkot na sabi ni Roland. Nalaman na nito ang pagre-resign ni Melissa. At di ito maaring lumapit pa sa kanya o awtomatiko itong ipapadampot sa pulis.

Nasa isang garden restaurant sila na dati nilang pinupuntahan noong magnobyo pa sila. Pinagbigyan lang niya ito dahil mukhang importante dito na magkausap silang dalawa. “Iniintindi ko na lang siya. Nasaktan lang siguro siya. Ang hindi ko matanggap kung bakit kailangan pa niya akong saktan.”

Huminga nang malalim si Roland. “Ikino-consider ko pa mandin siyang balikan matapos ang ginawa niya sa akin. A part of me loves her still. Naisip ko na baka kaya pa niyang magbago. Pero ngayon, hindi na ako babalik sa kanya.”

“People commit mistakes sometimes. Sa sobrang pagmamahal, nawawala tayo sa sarili natin. We do things that could hurt people. Sinayang na natin ang pagkakataon. Mare-realize na lang natin kapag huli na.”

“At huli na rin ang lahat para sa atin, di ba? Wala na akong puwang sa puso mo. Hindi mo na ako tatanggapin.”

“As a friend maybe but nothing more than that.”

“I understand.” Nilingon nito si Gianpaolo na nakabantay lang sa kabilang table. Di ito pumayag na di siya makita kahit pa nasa mesa ito sa di kalayuan. Wala daw itong tiwala kay Roland. “You love him right?”

Tumango siya. “And it is the best thing I’ve ever felt.” Di na siya natatakot na harapin ang mangyayari bukas dahil nariyan si Gianpaolo. Di siya pinababayaan.

“Hindi ko na kayo guguluhin. Kung hindi ka komportable na makasama ako sa project, pwede namang ibang architect na ang gawing stay in.”

“Don’t! I respect you as a colleague. Alam kong importante rin sa iyo na hawakan ang Casa Rojo project. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari sa nakaraan at mag-concentrate sa project.”

“You are so nice. I was a fool to let you go, Dafhny.”

She was glad that she got away from their relationship. Kundi ay patuloy lang niyang lolokohin ang sarili niya na kaya niya itong mahalin. Samantalang isang lalaki lamang ang kaya niyang mahalin. Si Gianpaolo.

Wala itong kibo nang sumakay na sila sa kotse nito. Humawak siya sa braso nito nang makarating na sila sa villa nito sa Stalllion Riding Club at wala pa rin itong kibo. “Galit ka ba sa akin dahil di ko ipinakulong si Melissa at kinausap ko ngayon si Roland? Hindi lang kasi ako makakatagal nang may kagalit.”

“Iyong kay Melissa, ayoko sana. Pero magpapakalayo-layo na siya at tiyak na matatakot na siyang lapitan ka pa. Oras na may mangyari ulit na masama sa kanya, siya agad ang dadamputin. I will let it pass for now. Si Roland naman, gusto ko nang putulin ang anumang ties sa kanya. You are mine now.”

She smiled at his possessive note. Inaangkin na siya nito kahit na di pa niya ito boyfriend. But she liked the sound of it. “Alam niyang wala na siyang aasahan sa akin. Trabaho lang talaga ang dahilan para magsama kami.”

“I hope you don’t feel anything for him anymore. Kahit galit.”

“HIndi naman ako nagtanim ng galit kay Roland.”

“Good. Ayokong magkaroon ka pa ng kahit anong emotional ties sa kanya.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Gusto ko sa akin na lang ang atensiyon mo.”

“Masyado ka naman yatang possessive. Hindi naman kita boyfriend.”

He clutched her hand. “You told me that you love me.”

“Did I? Saan?” tanong niya.

“Hindi mo ba natatandaan? Noong nasa isla tayo at natulog ng magkatabi. Don’t you dare deny it. Kasi dinig na dinig ko iyon.”

Wala na siyang mailulusot pa. Wala rin naman siyang dahilan para mag-deny. “Okay. I am in love with you, Gianpaolo Aragon! I tried hard to fight it. Tuwing niyayaya mo ako ng date noon, tumatanggi ako. I know that I am not that immune to your charm. And I don’t want to end up getting hurt.”

“But I promised not to hurt you.”

“Paano ko natitiyak kung seseryosohin mo ako pagkatapos. But I don’t care now. Kahit na di mo pa ako mahal. Kahit na ipagpalit mo pa ako sa iba, di ako natatakot sa nararamdaman ko. You make me feel happy and alive, Gianpaolo.”

“HIndi mahal? Sa palagay mo ba bakit ako galit na galit kay Roland? Dahil binasted mo ako para sa kanya. Damn it, Dafhny! Bata ka pa lang gustong-gusto na kita. Tapos tinanggihan mo lang ako?”

“Paano kitang di tatanggihan? Playboy ka nga.”

“Di sana ako naging playboy kung sinagot mo lang ako.”

Ibinaba niya ang tingin. “Akala ko kasi faithful si Roland.”

“Kailan pa naging bagay ang lamanglupa sa mukhang diyosang katulad mo. Siyempre tayong dalawa lang ang bagay dahil guwapo ako.”

Humalakhak siya. He really knew how to make her laugh even in the middle of a serious conversation. “Iyan ang gusto ko sa iyo, eh!”

“Ang kaguwapuhan ko?”

“Ang kayabangan mo! Kaya nga di ako mabo-bore sa iyo. You are everything. You can make me laugh and annoy me at the same time. And you made me fall for you. Ikaw na pinakahuling lalaki na gusto kong mahalin.”

Tinitigan nito ang mga mata niya. His eyes full of warmth. “I love you. I am afraid to lose you. Hindi ko kaya na gumising sa bawat araw nang alam kong wala ka.”

He gave her a lingering kiss. He loved her. Kahit kailan ay di niya pinangarap na mamahalin din siya nito. It was a very pleasant dream. Iyong panaginip na gusto niyang naroon pa rin sa paggising niya.

Mataman niya itong pinagmasdan. Parang may humahaplos na kamay sa puso niya sa pagtingin pa lang niya dito. “Even when I am annoyed with you, I still couldn’t stop my self from loving you. Kahit nang maging boyfriend ko si Roland, hindi kasing tindi ng nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa iyo. You make me feel a so much. You can make me mad, happy, sad and tremble with so much anticipation every time you touch me. I dream about your touch and kisses.”

He beamed happily and took her in his arms. “I like the sound of that.”

“The danger is over. Pwede na siguro tayong bumalik sa Costa Brava.”

ISA-ISANG tsine-check ni Dafhny ang mga na-renovate nang kuwarto. Walong buwan na lang at tuluyan nang matatapos ang project. Makukumpleto na niya ang isa sa mga magagandang pangarap niya.

Nilapitan siya ng isa sa mga tauhan niya. “Ma’am, ipinapatawag po kayo ni Sir Gianpaolo. Doon daw po kayo sa Blossom Garden.”

Ang Blossom Garden ay ang natural flower garden na nasa gilid ng bangin. Iyon ang pinakapaborito nilang lugar ni Gianpaolo.

And there was Gianpaolo. He was the fulfillment of one of her dreams.

Ito na yata ang pinangaparap ng kahit sinong babae. Araw-araw ay may sorpresa ito para pasayahin siya. Ano naman kaya ngayon?

Maingat niyang tinawid ang bagong hanging bridge. Matibay na iyon at dala na rin ng paranoia sa minsang pagbagsak niyon, maya’t maya iyong ini-inspect para tiyakin na nasa maayos pa ring kondisyon.

Pagdating sa flower garden ay humalimuyak ang mabangong amoy ng bulaklak. Tinatangay ng hangin ang buhok niya. Luminga siya sa paligid. Wala siyang Gianpaolo na nakita. “Gianpaolo, lumabas ka na!” tawa niya.

May kumaluskos sa likod ng puno. Isang lalaki ang lumabas doon subalit hindi iyon si Gianpaolo. “Ma’am Dafhny, good morning po.”

“Rodrigo!” Ito ang pinakabata nilang trabahador. Di ito palakibo at laging ilag sa mga kasamahan. “May sakit ka, di ba? Bakit ka nandito?”

Inilabas nito ang baril at itinutok sa kanya. “May trabaho pa kasi ako na kailangang tapusin, Ma’am.”

Parang sumalya sa malaking pader ang puso niya at napatitig sa baril na hawak nito. “A-Anong ibig sabihin nito, Rodrigo?”

“Wala si Sir Gianpaolo dito. Si Kamatayan ang ka-appointment ninyo, Ma’am.”

Nanlaki ang mata niya at napaurong. “Ikaw ang gustong pumatay sa akin?”

Nakamot nito ang baba habang di inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanya. “Ilang beses na akong pumalpak. Mukhang may sa-pusa kayo, Ma’am. Ngayon, sigurado na akong wala nang mintis.”

Nanginig ang tuhod niya. Mas matindi pa kaysa sa takot na naramdaman niya nang muntik na siyang malaglag sa bangin. Parang si Kamatayan kasi mismo ang kaharap niya. “A-Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya.

“Tumalon ka sa bangin.” At bahagya nitong iwinasiwas ang baril.

“Ha?” Nahigit niya ang hininga.

“Padaliin mo ang trabaho ko, Ma’am. Kaysa naman pag-aksayahan pa kita ng bala. Di na nila maiisip na aksidente iyon, di ba?”

Napalunok siya. “Sino ang may gusto na mamatay ako?”

Ulo naman ang kinamot ni Rodrigo. “Wala akong oras na makipagkwentuhan. Talon na!” Humalakhak ito na parang demonyo. “Tiyak na matatakot ang mga tao oras na makitang patay ka. Pwede nilang isipin na isang aksidente ang lahat pero mas marami ang magsasabi na itinulak ka ng isang multo. Wala nang pupunta dito sa sobrang takot. Ikaw rin magiging multo ka na rin dito.”

Kinalabutan siya sa sinasabi nito lalo na’t umihip ang malamig na hangin. Niyakap niya ang sarili. Anong kailangan niyang gawin para makaligtas? Hindi pwedeng doon na lang magtapos ang buhay niya.

“A-Anong kasalanan ko? May ginawa ba akong masama? May inagrabiyado ba akong tao?” tanong niya, parang iyon na lang ang paraan niya para kahit paano ay humaba pa ang buhay niya.

“Malay ko naman kung bakit gusto ka niyang ipapatay? Walang personalan, Ma’am. Trabaho lang,” ngingisi-ngisi nitong sabi.

Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Hayaan mo akong mabuhay. Babayaran kita. Di mo na kailangang pumatay ng tao para mabuhay.”

Umiling ito. “Hindi pwede. Baka ako naman ang patayin ni amo.”

“Makakapagtago ka pa kahit sa ibang bansa. Makakapag-bagong buhay ka pa. Basta pagbayaan mo lang akong makatakas.”

Itinutok muli nito ang baril sa kanya. “Ang dami mong daldal. Pagbilang ko ng tatlo, tumalon ka na o babarilin kita. Isa.”

Tatlong segundo na lang ba ang buhay niya? Nilingon niya ang bangin sa likuran niya. Nakakapangilabot ang magiging kamatayan niya. Katapusan na nga ba talaga niya? Walang katuturan ang kamatayan niya.

“Dalawa. Talon na!” mariing utos nito at humakbang palapit. Napaurong siya sa bangin. “Namumutla ka, Ma’am! Isipin mo na lang na mababa lang ang bangin.”

Nakita niyang gumalaw ang isang pigura sa likod ng mga puno. May iba bang tao doon? Makakatulong ba ito sa kanya? Sumungaw ang ulo mula sa likod ng puno. Si Gianpaolo. Naroon ito para iligtas siya.

“Malulululain ako, Rodrigo,” aniya at sumalampak sa damuhan. “Ayoko sa mga gilid ng bangin. Nahihilo ako.” Iyon lang ang paraan niya para magkaroon ng pagkakataon si Gianpaolo na makalapit nang di napapansin ni Rodrigo.

Pumalatak si Rodrigo. “Ang dami mo namang arte. Mamamatay ka na nga lang, may hilo-hilo ka pang nalalaman.” Inangat nito ang baril. “Tat…”

Itinakip niya ang tainga habang hinihintay ang pagputok ng baril. Subalit malakas na sigaw ni Rodrigo ang narinig niya. Sinugod nito ni Gianpaolo. Nagpambuno ang dalawa at isang sipa sa kamay ni Rodrigo ang nagpatilapon sa baril nito.

Napangubabawan ni Gianpaolo si Rodrigo at sinuntok sa mukha. “Dafhny, tumakas ka na!”

Ang saglit na pagkakalingat ni Gianpaolo ang sinamantala ni Rodrigo at ito naman ang nangibabaw. Kayang-kaya nitong igupo si Gianpaolo dahil sanay ito sa pakikipagbabag sa away. Isa itong mamamatay-tao. Hindi niya kayang tumakas habang alam niyang nanganganib ang buhay ni Gianpaolo. Di siya papayag na mamatay ito para sa kanya at wala man lang siyang ginawa.

Dinampot niya ang baril ni Rodrigo. Itinutok niya ang baril nito nang akmang magpapakawala ito ng malakas na suntok kay Gianpaolo. “Oras na saktan mo pa siya, pasasabugin ko ang ulo mo,” banta niya.

Natigilan sa paggalaw si Rodrigo at lumingon sa kanya. Isang uppercut ang pinakawalan ni Gianpaolo at tumumba si Rodrigo.

NAKAYAKAP si Dafhny sa baywang ni Gianpaolo habang kausap ang imbestigador ng kaso ng tangkang pagpatay sa kanya ni Rodrigo. Naidala na si Rodrigo sa sentro ng bayan at kasalukuyang nakakulong nang walang piyansa. Nanatili naman sila ni Gianpaolo sa Stallion Riding Club hangga’t di pa tapos ang imbestigasyon.

“Isang hitman si Rodrigo Valiente na mas alias na Boy Tigas. Isa siyang hired hitman na kinuha ni Don Teodicio Mareveles para ipapatay kayo,” anang imbestigador. “Kilala po ba ninyo siya?”

Tumango siya. “Siya ang interesadong bumili ng Casa Rojo. Malaking presyo ang ini-offer niya pero tinanggihan ko siya. Importante kasi ang Casa Rojo sa akin at sa pamilya ko. HIndi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong ipapatay. Kung itong lupa lang naman ang interes niya, marami pang iba diyan.”

Anong mayroon sa Casa Rojo na di nito mapakawalan?

“Ayon sa imbestigasyon namin, planong gawing smuggling drop off ni Don Teodicio ang Costa Brava. Magandang lokasyon ang lugar na ito para sa mga illegal na negosyo at aktibidades. Kaya nga nagustuhan din ito ng mga pirata noong unang panahon. Drugs, armas at kung anu-ano pang kontrabando mula sa ibang bansa ang iba pang negosyo ni Don Teodicio. Naka-detain na rin siya sa Cebu kung saan siya nahuli. Malaki ang naitulong ng kaso ninyo para mahuli siya.”

Nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas ay tapos na rin ang problema niya. Wala na siyang kailangan pang katakutan.

“Mabuti na lang hindi namin ibinenta itong Casa Rojo. Sisirain lang nito ang legacy ng pamilya namin. Gagawin lang nilang pugad ng mga illegal activities.”

Pinisil ni Gianpaolo ang balikat niya. “Pero matapang ka noong tutukan mo ng baril si Rodrigo. HIndi ka tumakbo at hindi mo ako iniwan.”

“Kung kaya mong itaya ang buhay mo sa akin, kaya ko rin iyon. I promised that I’d stay alive for you. Kailangan ganoon ka rin. Wala nang kwenta ang buhay ko kung wala ka. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan kitang mamatay dahil sa akin pero di kita naipagtanggol.”

Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “Mabuti na lang may nagsabi sa akin na naroon ka sa Blossom Cliff. Nagsakalisi daw tayo samantalang di naman kita pinapapunta doon. Plano ko nga ipasyal ka sa kabilang isla.”

“It was a trap. Akala ko naman sa Blossom Cliff ang date natin noon.”

Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Dafhny, madaliin na natin ang project mo sa Casa Rojo. I have another special project for you.”

Kumunot ang noo niya. “What special project?”

“Renovate my house and be my wife. What do you think?”

“I think it is lovely! I like it,” aniya at kinintalan ito ng halik sa labi. “Dahil hindi na ako makakatagal pa na makita ang mga paintings ng ex-girlfriend mo.”

“I love you, Dafhny!” bulong nito habang pinanood nila ang paglubog ng araw sa lake. She was not scared to face anything because Gianpaolo would protect her always.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.