Thyago Palacios was opposite of the guy Liyah dreamt of. He was a terrible playboy. Numero-uno rin itong bolero. Malayong-malayo sa malambing at mabait na kapatid niya na siyang pattern ng ideal guy niya.
“Liyah! Saan ka pupunta?”
“Uuwi na ako.”
“You can’t go home yet. We still have a date, remember? And you are late!”
Nagulat siya. “Late with our date? What date?”
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay hinawakan nito ang balikat niya. Then he claimed her lips in a hot, passionate kiss.
“Go, Kuya Elvin!” cheer ni Liyah sa kapatid na siyang kumokontrol ng bola. Nasa huling chukker o round na noon ng practice match para sa hapong iyon.
They were in Siam Polo Park in Thailand where her bother was one of the best in the King Power team. May pag-asa pang makahabol ang team ng kapatid niya. Isa lang naman ang lamang ng kalaban. Ilang segundo pa ang natitira. Ang pag-asa ay tumawag ng sudden death o overtime play.
Malapit na sa goal ang bola nang masingitan ng kalabang team ang kapatid niya. Naagaw dito ang kontrol sa bola. At sa natitirang ilang segundo ay naidala sa goal ng kalaban ang bola. The game was finished off with a perfect tail shot.
Di maipinta ang mukha niya habang nagkakamayan ang magkalabang team. Nakangiti siyang nilapitan ni Elvin. “Hey! Bakit nakasimangot ang prinsesa ko?”
“Wala lang.” Yumakap siya sa baywang nito. “You did a great job, bro.”
“Huwag mong sabihin na dinidibdib mo ang isang practice game?” natatawa nitong tanong. “Come on! Cheer up!”
“Ikaw pa rin ang best!” Di lang siya sanay nang natatalo ito.
“Hello, Liyah!” bati ni Thyago, ang matalik na kaibigan ng kapatid niya. “So you came here to cheer for me.”
Iningusan niya ito. “Excuse me! Do I know you?”
Naiirita siya dito dahil ito ang nang-agaw ng bola ni Elvin kanina. Ito ang dahilan kung bakit natalo ang kapatid niya. Magkasama lang naman ang mga ito sa isang team. Naghiwalay lang ito at ang kapatid niya para sa practice match.
Elvin and Thyago were the strongest among the members of the team. They could play a ten-goal polo game with ease.
Parehong magaling na polo player ang tatay nila at ni Thyago. Dahil naging hilig din nilang magkapatid ang pagsakay ng kabayo ay ipinadala sila ng ama sa Argentina kung saan naroon ang mga elite polo ponies at polo training school. Mas matanda ng dalawang taon ang kapatid niya kay Thyago pero naging malapit ang mga ito sa isa’t isa. Di niya maiwasang magselos sa pagiging malapit ng mga ito.
Halakhak ang isinagot ni Thyago. Nasanay na itong sinusupladahan niya. “If I know, titig na titig ka sa akin habang naglalaro ako kanina. Narinig ko pa ngang tinatawag mo ang pangalan ko.”
“Yeah! I said, “I hate you, Thyago Palacios!” Sweet, di ba?” maasido niyang sabi. Lagi na lang kasi nitong tinatapatan ang kapatid niya sa mga laro.
Thyago was definitely gorgeous. Aaminin niya na guwapo talaga ito. He was almost six feet tall like her brother. He was half-Filipino, half-Argentinean. She envied his dark brooding eyes decorated with heavy lashes. His dark hair was slightly long. And bronzed skin made him look like a bronzed Latin demigod. He was twenty-nine years old, a couple of years younger than her brother.
Kaya naman dinadayo pa ito ng mga babae di lang ng nagmumula sa Asia kundi maging mula sa Europe at Latin America. He was very popular among the polo fanatics and groupies. And he was maximizing his good looks. Iba’t ibang kababaihan din ang nakaka-date nito.
“Mabuti pa mag-date na lang tayo. Iyon naman ang dahilan kaya mo ako sinusungitan, di ba? Di kita niyayayang mag-date,” nakangising sabi ni Thyago.
Nanlaki ang mata niya. “Hey! I am not one of your die-hard fans. Kung makikipag-date man ako, hindi ikaw iyon.”
“Sumama ka na kay Thyago,” udyok ng Kuya Elvin niya. “Come on! I am sure makakalimutan mo ang inis mo sa kanya oras na dalhin ka niya Vertigo. Siya lang ang may membership doon.” Vertigo was the one of Asia Pacific’s highest open air restaurant with a spectacular view of the city.
“Di ba, matagal mo nang niyayaya si Elvin doon?” tanong ni Thyago. Ayaw lang ng kuya niya dahil masyado daw mahal.
Kumapit siya sa braso ng kapatid. “Kahit mag-street food na lang ako. Basta ikaw ang gusto kong makasama sa dinner, Kuya.”
“Sige na. Sumama ka na kay Thyago. Galante iyan kapag nakipag-date. Ipagsa-shopping ka pa niyan,” patuloy na sulsol ni Elvin.
“Oo. Ibibili kita ng kahit anong gusto mo,” wika ni Thyago.
Matalim niyang tiningnan ang dalawa. “Kuya, you are starting to sound like a pimp. And stop like sounding like a sugar daddy, Thyago. Hindi bagay.”
Si Thyago ang pinaka-celebrated na polo player sa team at pinakamaraming fans. Kung anu-anong regalo ang ipinadadala dito ng mga babae at kung anu-ano ring proposal ang nakukuha nito. Di na siya nagugulat kung iba’t iba mang babae ang ka-date nito sa araw-araw. Kaya nga nagtataka siya kung bakit pilit siyang itinutulak ng kapatid niya dito. May pinaplano ba ang mga ito?
“Elvin!” malambing na tawag ng isang babae sa kapatid niya.
“Hi, Eyna!” bati naman ng kapatid niya na abot-tainga ang ngiti.
“Na-late ako ng dating. I missed your practice game,” sabi ni Eyna at pinalamlam ang mga mata.
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Elvin. Eyna Abanica was a man-eater. Anak ito ng isang Filipino businessman na naka-base sa Thailand at isang polo fan. She devoured on her victims. At paborito nitong biktimahin ang mga polo players. Hindi siya papayag na maging biktima nito ang kapatid niya.
Mabilis na inilapat ni Eyna ang atensiyon kay Thyago nang makitang guwardiyado niya si Elvin. “Thyago, do you have a date tonight?”
“Yes. Si Liyah!” anang si Thyago at itinuro siya.
“Wala siyang ka-date,” mariin niyang wika at pasimpleng itinulak si Thyago kay Eyna. “Sige na! Mag-enjoy kayo sa date ninyo. Dalhin mo siya sa Vertigo. Di ba, may membership ka doon.”
“Really? I am impressed!” wika ni Eyna at kumapit sa braso ni Thyago. Bingo! She got her claws on him. “I will make sure that we will have a great time.”
Gusto niyang humagalpak sa itsura ni Thyago. Hindi nito alam kung paano hihindi o babaklasin ang braso ni Eyna. Dapat nga ay magpasalamat pa ito sa kanya dahil nagkaroon ito ng ka-date. For him, any woman would do.
And he was not her type.
“WOW! This place is really cool! Try the pandan chicken, Kuya,” sabi ni Liyah at ipinaglagay ang kapatid sa plato. Nasa paborito silang Thai restaurant ng kapatid niya. May mga Thai dishes kasi na di nalalayo sa panlasang Pinoy. Doon sila madalas na kumain ng kuya niya.
“Bakit hindi ka sumamang makipag-date kay Thyago? Madalang iyong magyaya ng date sa babae. I think he likes you.”
Kumunot ang noo niya. “Come on, Kuya! Thyago doesn’t really like me. Parang hindi mo naman kilala ang lalaking iyon. Basta kahit sinong babae pwede na basta may maka-date lang siya.”
“Not really, Liyah. Masyado kang cynic pagdating kay Thyago. Sa palagay mo ba papayag akong I-date ka niya kung tatratuhin ka lang niya na basta kung sinong babae lang? Thyago respects me.”
“Bakit pa ako makikipag-date sa kanya o sa kahit sinong babae kung ikaw lang naman ang gusto kong makasama?”
“Hindi ka ba nagsasawa na laging tayo lang ang magkasama?”
“Nope!” Umiling siya at uminom ng young coconut shake. “You are so dear to me so I will never get tired of you.”
Namatay ang mommy niya nang ipanganak siya. Habang ang daddy niya ay namatay sa isang aksidente habang nagte-training ito ng polo horse noong sixteen siya. Her brother took the responsibility. Ito na ang tumayong magulang niya. Di siya nito pinabayaan. Kaya naman supportive din siya sa kapatid niya. At hindi siya papayag na magkahiwalay sila.
“Liyah…”
“Hmmm?” aniya at sinulyapan ang kapatid.
“In case you don’t notice, you are already twenty-one. Hindi ba dapat maging katulad ka ng ibang normal na babaeng ka-edad mo? Di na ako dapat ang kasa-kasama mo sa dinner. Go out with some nice guys. Magka-boyfriend ka naman. Iyong iko-consider mo na pakakasalan mo balang-araw.”
Natigilan siya sa pagdi-dip ng special sesame sauce sa chicken pandan niya. “Ipinamimigay mo na ba ako, Kuya?”
“No! Of course not!”
“Sa tono ng pananalita mo, parang ayaw mo na akong makasama. Kita mo nga kanina. Halos ipagtulakan mo na ako makipag-date lang kay Thyago.”
HIndi pa naman siya tumatandang dalaga. Kung itaboy siya nito ay parang malapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo.
“Gusto ko lang ma-experience mo ang mga bagay na nararanasan ng mga kaedad mo. Ayokong isipin ng mga lalaki sa paligid mo na hinihigpitan kita. You are free to date all you want. May tiwala naman ako sa iyo.”
Umingos siya. “Akala ko naman mag-aasawa ka na kaya pilit mo akong pinapahanap ng boyfriend.”
“Paano nga ako makakapag-asawa kung ni hindi ko magawang makipag-date?”
Hinaplos niya ang dulo ang ilong nito. “Kasi ayokong mag-asawa ka, Kuya.”
“Ha?” bulalas nito sa mataas na boses. “Ayaw mong mag-asawa ako?”
Nakangiti siyang tumango. “Bakit pa? Andito naman ako para alagaan ka.”
“Ayaw mo ba ng sarili mong pamilya?”
Nagkibit-balikat siya at itinuloy ang pagkain. “Ayokong gawing komplikado ang buhay ko. I am happy with just you and me. Saka paano kung di mo kasundo ang lalaking pakakasalan ko?”
“Nasasabi mo lang iyan kasi hindi ka pa nai-in love.”
“Kuya, ikaw lang ang love ko.” At hindi pumasok sa isip niya kahit minsan na magkakasira sila o magkakahiwalay dahil mai-in love siya. Malabo iyon. Kung mai-in love siya, gusto niya ay katulad nito ang qualities. Malayo sa personality ni Thyago.
“Paano kung ako naman ang mag-asawa?”
Nanghaba ang nguso niya. “Ayoko! Kung mag-aasawa ka, siyempre kailangan may approval ko rin ang babaeng magugustuhan mo. Ayoko ng katulad ng ka-date ni Thyago.” Lalo siyang napasimangot nang maisip si Eyna Abanica.
“Why? What’s wrong with Eyna? She’s beautiful.”
“And so is a peacock. Kuya, she’s a major flirt. A polo groupie. Ilan na bang polo player ang naging boyfriend niya? Kung sino ang star player sa sikat na team, doon siya tumatakbo. Kung wala lang ako kanina, tiyak na ikaw ang yayayain niya. Mabuti na lang at si Thyago ang niyaya niya.”
Yumuko ito at nilaro-laro ng tinidor ang noodles. “You shouldn’t judge Eyna. I guess she’s not that bad,” mahina nitong usal.
“Kuya, dinadasalan mo ba ang pagkain mo?” pabiro niyang tanong. Ayaw niya ang tono ng pagtatanggol nito kay Eyna.
Inangat nito ang tingin at ngumiti sa kanya. “Nope. Silly!”
She would be really firm. Di siya papayag na makalapit ang Eyna Abanica na iyon sa kapatid niya. Mas bagay si Eyna at si Thyago!
“I WILL see you tomorrow, Wind Guard! Behave, Ambitious!” paalam ni Eyna sa mga polo ponies na alaga niya. Ang mga ito ang gagamitin niya sa polo competition. Siya din ang nag-train sa mga ito.
She learned to ride a horse as early as three. Nagsimula siyang maglaro ng polo sa edad na walo. Then she entered the professional women’s competition at the age of seventeen. Gusto niyang sundan ang yapak ng namayapang ama at Kuya Elvin niya. She thought that polo was one thing she and her brother could share together. Ito rin ang inspirasyon niya sa bawat laro niya. Gusto niyang maging proud sa kanya ang Kuya Elvin niya tulad ng pagiging proud niya dito.
Sa batang edad niya ay nakakagawa na siya ng pangalan sa mundo ng women’s polo. Ito na ang buhay niya.
Mabilis siyang nag-shower pagdating sa villa na binili nilang magkapatid. Anumang oras ay dadating ang Kuya Elvin niya para idala siya sa concert ng The Switch. Filipino band ang naturang grupo na nakagawa na ng pangalan sa Asia, maging sa America at sa Europe.
Gustong-gusto niya ang banda. Hindi kasi maingay ang musika ng mga ito. She even bought and used the Stallion Shampoo and Conditioner. Ginamit kasing theme song ang kanta ng banda para sa naturang shampoo.
Nang malaman niyang magko-concert ang mga ito sa Bangkok, bumili agad siya ng ticket para sa kanilang magkapatid. Tinanggihan niya ang ibang offer sa kanya na manood ng concert dahil kuya niya ang gusto niyang makasama.
Bihis na siya pero di pa rin dumadating ang Kuya Elvin niya. She was trying to call his cellphone when the doorbell rang.
Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “It’s about time, Kuya!” Nawala ang ngiti niya nang mapagbuksan si Thyago. “Anong ginagawa mo dito?”
“Good evening to you as well, Sweet Liyah,” anito at pumasok sa loob. He gave her an appreciative look. “Wow! You are all dressed up. Sana naman hindi ka nainip sa paghihintay sa akin.”
Humalukipkip siya at nanatiling nakatayo sa pinto. “Wala si Kuya dito, Thyago. We will go to a concert. Kaya mabuti pang huwag mo na lang siyang abalahin. Bukas na lang kayo mag-usap.”
Umupo ito sa bar stool sa may mini bar na paborito nitong upuan kapag naroon. “That’s why I am here. Hindi makakasama si Elvin.”
Naipadyak niya ang paa. “No way! Hindi pwede iyon. Matagal na naming pinlano ito tapos hindi siya makakarating?”
“He has an important meeting with the sponsor. Siya ang team captain namin. Alam daw niya na maiintindihan mo.”
Bumagsak ang balikat niya. “Hindi na kami matutuloy.”
“Siyempre matutuloy pa rin. Ako ang papalit sa kanya.”
“Hindi na lang ako manonood kung ikaw ang kasama ko,” aniya at umirap.
“I cancelled my date for you.”
“Sino ba ang may sabi na I-cancel mo ang date mo para sa akin? Baka mamaya awayin pa ako ng girlfriend mo.”
“Break na rin kami ng girlfriend ko kaya wala na siyang magagawa.”
Umiling siya. “Si Kuya talaga ang gusto kong kasama.” Iba pa rin kapag kuya niya ang nakakasama niya sa mga importanteng event sa buhay niya.
“Look! I know that you don’t like me. Pero ako lang ang mapagkakatiwalaan ng kuya mo para samahan ka. At magi-guilty siya kapag hindi ito natuloy. Do you want him to feel so bad?” pangongonsensiya nito.
Umiling siya. “Siyempre, hindi!” Huminga siya nang malalim. “Papayag na akong manood ng concert kasama ka.” Dinuro niya ang dulo ng ilong nito. “Basta huwag mong iisipin na nagde-date tayo. Huwag kang magte-take advantage.”
Inakbayan siya nito. “Ikaw na lang ang mag-take advantage.”
Siniko niya ito sa tagiliran. “Hands off, Thyago!”
Ni di nito pinansin ang paniniko niya humalakhak. It was a rich masculine laugh that tickled her senses. And it was a bad sign for that night. Really bad.