Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 196

“Kuya Elvin, gusto mo bang sabay tayong mag-lunch? Ipinagluto kita,” sabi ni Liyah habang kumakain sila ng agahan.

Nakagawian na niyang ipagluto ang kapatid kapag maluwag ang schedule niya. Di nagbago ang trato niya dito kahit na nalaman niyang may nobya na ito. Naging mas sweet pa nga siya dito.

“Lalabas kami ni Eyna. I am sorry,” sabi nito at sumubo ng omelet.

“Para naman sa dalawang tao ang iniluto ko. Doon tayo sa park mag-lunch,” nakangiti niyang sabi. “Para naman matikman din ni Eyna ang luto ko.”

“She prefers to eat out. Kaya nga gusto niyang ikutin namin ang mga restaurant dito sa Bangkok. I am sorry, sweetie,” anito at pinisil ang baba niya.

Bumagsak ang balikat niya. “Galit pa rin ba kayo sa akin dahil hindi ko matanggap ang relasyon ninyo noong una?”

Padalang na nang padalang na nagkakasama sila. Lagi na lang nitong kasama si Eyna. Wala rin itong bukambibig sa pag-uusap nila kundi si Eyna. Ni wala na nga itong oras para kumustahin man lang siya. O kung kumain na siya. O kung ano ba ang nararamdaman niya. Masama ba siyang kapatid?

“Hindi ako galit sa iyo, Liyah. Pero naiilang si Eyna sa iyo.”

“That’s why I am trying to bridge the gap. I didn’t mean to be rude to her before. Nasaktan lang naman ako dahil isinikreto mo sa akin.”

“Sige na. Pabayaan mo na muna si Eyna. You’ll see. Later on, she will come to you. Magiging close din kayong dalawa.”

Siya pa ngayon ang kailangang magpasensiya. She felt so pathetic. Pero gagawin talaga niya ang lahat para lang mapasaya ang kapatid niya.

“Sasama ka ba sa Ambassador’s Cup sa Netherlands, Kuya?” tanong niya habang papunta sila sa stable upang I-check ang mga kabayong inaalagaan nila at para na rin sa morning exercise.

Excited siya sa naturang tournament. It would be her first time to attend a European polo cup. Di tulad dati na sa Asia lang siya lumalaban.

Tumigil ito sa paglalakad at napaisip. “Let me see. Bakasyon namin iyon ng buong team dahil may tournament din naman kami.”

“Yes. Ibig sabihin maluwag ang schedule mo. Wala kang gagawin.”

Lumungkot ang anyo nito. “I am afraid I can’t come. Eyna and I will be in Phuket by that time. Gusto niyang magbakasyon doon. Pangarap nga niya kapag kasal na kami, magkaroon kami ng vacation house doon.”

“Baka naman pwedeng manood na rin kayo ng laro ko.”

Mas uunahin pa ba nito ang kapritso ng girlfriend nito kaysa sa laro niya. Malapit lang naman ang Phuket sa Bangkok. Kahit anong oras ay pwede nitong puntahan. Habang malaking bagay naman sa kanya ang polo cup na lalabanan niya. Kailangan niya ang presensiya at suporta ng kapatid niya.

Inakbayan siya nito. “Huwag mong sabihing magtatampo ka sa akin. Ngayon lang naman ako aabsent sa tournament mo.”

“Wala na akong sinabi. Mauna na ako sa stable, Kuya,” aniya at nagpatiuna.

Matamlay tuloy siya sa buong umaga. Mabuti na lang at hindi rigid ang training niya at hinayaan silang mag-training ng coach nila sa sarili nilang pace.

It was so depressing. Ano ba ang ipinakain ni Eyna sa kapatid niya at wala na itong inisip kundi ang babae? At hindi siya sanay na pangalawa na lang siya sa priority ng Kuya Elvin niya.

Maaga niyang tinapos ang training para makapag-lunch. Hindi siya sanay na kumain nang mag-isa. Palagi naman niyang kasa-kasama ang kapatid niya. Maging ang mga kasamahan niya ay sa labas din kakain. Wala siyang makakasabay na kumain tiyak. Maisip pa lang niya ay naiiyak na siya. Ni hindi man lang din magagalaw ng kapatid niya ang iniluto niya para dito.

Palabas siya ng stable nang makasalubong niya si Thyago. “Hey, Liyah!” nakangiti nitong bati at kinawayan siya.

“Hi!” malamya niyang bati. Wala siya sa mood na makipagngitian dito dahil sira na ang mood niya.

Lalagpasan sana niya ito ngunit hinarangan nito ang dadaanan niya. “Bakit nakasimangot ka? Wala kang ka-date, no?”

“Wala nga akong ka-date.” Dahil inagaw na ni Eyna ang Kuya Elvin niya sa kanya. Ang masakit, kahit kaunting sandali ay parang di siya mapagbigyan.

“Paano ka magkakaroon ng ka-date kung nakasimangot ka?”

“Sige. Eh, di tayo na lang ang mag-date,” sabi niya.

Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito. “Hindi nga? Niyayaya mo akong mag-date? Ngayon na?”

“Oo. Magkita na lang tayo sa may park.” Saka niya ito nilagpasan. “Bilisan mo dahil magbago pa ang isip ko.”

Di niya alam kung bakit niya ginawa iyon. She must be nuts. Wala naman sigurong masama kung may makakasabay siyang mag-lunch.

Pwede na niyang pagtiisan ang presensiya ni Thyago.

INILAPAG ni Liyah ang tatlong magkakapatong na lunchbox sa harap ni Thyago. “Iyan! Ubusin mo lahat ng iyan, ha? Kapag nagtira ka, di ka na makakaulit sa akin. Di na rin kita kakausapin kahit kailan,” banta niya at nagsimula na ring kumain.

“Oh, boy! Nang sabihin mong magde-date tayo, di ko inaasahan na bibigyan mo ako ng example ng cooking expertise mo,” wika nito na unang pinag-initan ang beef and broccoli niya.

“Anong cooking expertise? Ordinaryo lang naman ang iniluto ko.”

“Huwag ka nang magpa-humble. Masarap na. And my answer is yes.”

Gulat niya itong nilingon. “Yes to what?” Wala naman siyang itinatanong dito o hinihingi na kahit ano. Gusto lang niyang ubusin nito ang iniluto niya.

“Hindi ba niyayaya mo akong magpakasal?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Kung binabawi ko kaya iyang kinakain mo? Anong marriage proposal ang sinasabi mo? Are you intro drugs?”

“Ito naman nagkukunwari pa. Alam ko naman na kaya niyaya mo akong mag-date para magpa-impress sa akin. Para ipakita mo sa akin na ikaw ang deserving na babae para pakasalan ko. Hindi na nga ako nagpapakipot kaya huwag ka nang mag-deny. So kailan mo ako pakakasalan?”

“Huwag kang delusional, Thyago. Nagkataon lang na walang kakain ng iniluto ko kaya sa iyo ko pinapakain. Kaysa naman masayang, hindi ba?”

“Insulto naman yata iyan sa kaguwapuhan ko.”

“Pero hindi iyan insulto sa sikmura mo. Dapat kay Kuya Elvin iyan pero sa labas na sila nag-lunch ni Eyna.”

“Sana niyaya mo na lang sila,” sabi nito habang patuloy sa pagsubo.

Doon siya muling nakadama ng lungkot. “Ayaw daw kasi ni Eyna na makasama ako. Siguro natatakot siya na baka lagyan ko ng lason sa daga ang pagkain niya. O baka sungitan ko na naman siya.”

“Natural lang na matakot ka dahil sinungitan mo siya dati.”

“I was hurt, Thyago! Alam mo kung gaano kami ka-close na magkapatid sa isa’t isa. Tapos basta na lang siyang susulpot sa buhay namin. And everything has changed. Suddenly, I am not a part of my brother’s life.”

“Sa ngayon lang naman iyan. Bago pa lang ang relationship nila. Some people are like that. Umiikot ang buhay nila sa taong mahal nila. In Elvin’s case, he wants to protect his new relationship with Eyna.”

“To the point that its jeopardizing ours? Mas mahalaga pa pala ang relasyon nila ng babaeng iyon kaysa sa aming magkapatid,” aniyang di na maitago ang hinanakit. “Alam mo ba na mas gusto pa niyang sumama sa Phuket kay Eyna kaysa manood ng laro ko? Matagal na naming hinintay na makapaglaro ako sa Europe. Pagkatapos babalewalain lang niya.”

Lalo lang niyang napatunayan na wala na siyang halaga sa kuya niya. Gusto lang naman niya ay maramdaman pa rin niyang mahal siya nito bilang kapatid.

“This is becoming more and more melodramatic. Baka nakakalimutan mo na date natin ito at ayokong makita kang malungkot.”

“May dahilan ba ako para maging masaya? My brother doesn’t care about me at all. Hinihingi ko lang naman ang konting atensiyon niya para sa akin.”

Mataman siya nitong tinitigan. “Sa palagay mo ba pinabayaan ka na ng kuya mo? Nagpapatulong nga siyang gumawa ng extensive study tungkol sa mga makakalaban ninyong teams. Para daw hindi ka mangapa kapag naroon ka na. Mas magagaling ang mga teams na makakalaban mo ngayon.”

“Talaga? Gusto akong tulungan ni Kuya?”

“You aren’t supposed to know. Dapat direkta na niyang ibibigay sa coach mo. Pero dahil ayokong makita kang malungkot, sinabi ko na rin.”

Lumipat siya sa tabi nito at pinisil ang pisngi nito. “Thank you! Thank you! You really made my day, Thyago. Akala ko talaga pinabayaan na ako ni Kuya.”

Nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Nakalimutan na niya ang pagtatampo. That was really her brother. Magkaiba ang team nila pero gagawa pa rin ito ng paraan para tulungan siya kahit hindi na sakop ng trabaho nito.

“Hindi dahil may girlfriend na siya, pinabayaan ka na niya. Iniisip ka pa rin ng kapatid mo. Gusto niyang manalo ka pa rin sa game mo kahit na di mo siya kasama. Kaya huwag ka nang magtampo sa kanya at mag-concentrate ka sa laro mo.”

Ginagap niya ang kamay ni Thyago. For the first time, she had seen him as a friend and not as a competition over her brother’s attention.

“Thanks, Thyago. That was so sweet.”

“Sweet naman talaga ako. Di mo lang napapansin.”

“Well, napansin ko na rin sa wakas. Di mo naman kailangang sabihin sa akin ang ginawa ni Kuya pero sinabi mo pa rin. At tinulungan mo pa siya sa pagre-research. Di ka ba naabala sa pagtulong sa amin?”

“Kailangang maintindihan ng mga girls na may kailangan kong tulungan ang women’s team. Makakapaghintay naman sila. Saka sawang-sawa na rin ako na nakasimangot ka tuwing makikita mo ako. Siguro naman pwede mo na akong ngitian mula ngayon?” tanong nito.

“Oo na. Ngingiti na po.”

Gagalingan din niya ang paglalaro para di masayang ang effort ng kapatid niya at ni Thyago. She would do her best to bag the cup.

MARIING ipinadyak ni Liyah ang paa. It was divot stomping time. Iyon ang half time nila para sa larong iyon. It was long standing tradition at half-time.

Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga spectators na tumapak sa field para tapak-tapakan ang playing field at alisin alisin ang bakas ng mga marka ng mga kabayo o ng nakaraang laro.

Pagkakataon na rin iyon ng mga manglalaro para makipag-usap sa mga fans habang nagpapahinga. Ipinapahinga rin kasi ang mga polo ponies nila.

Subalit lumilipad ang utak niya sa laro niya. Lamang sa kanila ang kalaban. Magagaling ang mga ito pagdating sa depensa. She was the third player. Siya ang pinakamaraming ginagawa sa lahat dahil responsibilidad niya na atakihin ang opensa ng kalaban. Kung gusto nilang manalo, kailangan nilang maging mas agresibo pa. And it was just a game away from the championship.

“Baka mag-crack sa lupa sa tindi ng pagkakatapak mo.”

Inangat niya ang tingin mula sa lupa at nagulat nang makita si Thyago. “Hoy! Anong ginagawa mo dito?”

“Humabol ako sa laro mo. Don’t I get a warm welcome?” tanong nito ang ibinuka ang mga bisig.

Sa halip na yumakap dito ay kinurot niya ang pisngi nito. “Jeez! I can’t believe that you are here.” Ang alam kasi niya ay nasa Barbados ito para magbakasyon at dalawin ang kaibigan nitong may-ari ng resort doon.

Ibinaba nito ang mga kamay. “I thought that traveling half around the globe to watch your game would earn me some credit. I cancelled my vacation to come here. Kita mo naman kung gaano ka ka-espesyal sa akin.”

Nag-init ang pisngi niya nang titigan siya nito. Parang tutunawin kasi siya nito. Mas mainit pa ang titig nito sa kanya kaysa sa araw. “Stop it! You are making me feel uncomfortable.”

“Lamang ang kalaban?”

“A point. They have home court advantage. Kung nandito lang si Kuya, I am sure he will cheer for me.” Pero kasalukuyang nagsasaya ang kapatid niya kasama ang nobya nito. She just wished he was there.

Hinawakan nito ang balikat niya. “Of course I will cheer for you. Kahit na wala si Elvin, nandito naman ako. And I promise that you will have more people cheering for you because of me.”

Parte iyon ng karisma ni Thyago. Napapabaligtad nito kahit ang mga kampi sa kalaban. Soon girls would be cheering for her in no time because of him.

Hinampas niya ito sa balikat. “Hindi ka naman yata pumunta dito para I-cheer ako. Maghahanap ka lang yata ng girlfriend.”

“Huwag mong sabihin na nagseselos ka?”

Iningusan niya ito. “Malapit nang matapos ang breaktime.”

Dapat ay nagpapahinga siya para sa susunod na bahagi ng laro at hindi nakikipag-flirt dito. At kung hindi ay lalo siyang mawawala sa laro.

“Liyah!”

Nahigit niya ang hininga nang pigilan siya nito sa balikat. He was standing at her back; his lips were poised against her ear. He had never been so close to her. Ngayon lang siya naging aware sa matipuno nitong katawan. Huwag lang siya nitong yayakapin at tiyak na bibigay ang tuhod niya. “Huh! Bakit?”

Pinisil nito ang balikat niya. “Relax. You are so tense. Just wait a while. Be patient. Makakakita ka rin ng chance mo. At kapag nakita mo na, grab it.”

“Right! Thanks, Thyago.” Di na siya nag-abalang lumingon kundi ay lalo lang siyang magiging aware kung gaano ito kalapit sa kanya.

“At kapag nanalo ka, I’ll give you a ride to Cerro Rico.”

Nanlaki ang mata niya at tiningala ito. “Your polo pony?”

Tumango ito. “So you’d better win.”

“I will.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.