Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 197

“Go Liyah!” narinig niyang cheer ni Thyago mula sa side ng spectators.

His cheer was what kept her going. Bagamat mahigpit ang depensa ng kalaban ay nagagawa nilang makapagpapasok ng bola. Tie na ang score nila. Nasa huling chukker na sila o set ng laro.

“Team, we’ll take them down!” anunsiyo niya at nagsimula na ang huling chukker. Di nawawala ang tingin niya sa player na may hawak ng bola. Hindi siya papayag na matalo siya sa larong iyon.

Nagpalitan lang sila ng goal ng kalaban. At ilang segundo na lang ang natitira sa laro ay nasa kalaban pa ang bola. Kung maipapasok ng mga ito ang bola ay mananalo ang mga ito. Wala na silang oras para maghabol.

Just wait a while. Be patient, naalala niyang bulong sa kanya ni Thyago. Parang slow motion sa kanya ang paghampas ng kalaban sa bola.

Naging mabilis ang isip niya. She hooked her rival’s polo stick. Hindi nito naituloy ang pagpalo sa bola. Di agad ito nakagalaw. Sinamantala niya ang pagkakataon at hinataw ang bola patungo sa ka-team niyang walang nagbabantay.

The crowd roared. Di rin inaasahan ng mga ito ang kinalabasan ng laro. Ginawa ng mga kasamahan niya ang lahat para depensahan ang bola. Maya maya pa ay bumalik na sa kanya ang bola. Napakalapit na niya sa ball.

Then the unexpected happened. Her horse knocked the ball. At ito mismo ang nakapagdala ng bola sa goal. Napasigaw siya sa tuwa at niyakap ang kabayo niya. Tapos na rin ang chukker. Nanalo ang team nila.

“You did great, Summer Mist.” Mas nauna pang dinaluhan ng mga kasamahan niya ang kabayo kaysa sa kanya. Madalang kasing mangyari na ang kabayo ang dahilan ng pagpasok ng bola. But it was a valid goal.

Ninanamnam pa niya ang pagkakapanalo nang yakapin siya ni Thyago. “You are great, Liyah!”

Mahigpit din niya itong niyakap. “Thank you, Thyago. Kundi dahil sa iyo, baka hindi kami nanalo. Salamat sa cheer.”

Kinintalan siya nito ng halik sa labi na ikinagulat niya. “You’re welcome.”

Parang tinamaan siya ng kidlat. It was a simple kiss but she felt like had been burned. Natigagal na lang siya. Wala pang nakakanakaw ng halik sa kanya. There was a time that her brother was so protective of her that no man could come near her. Pero nagawa siyang nakawan ni Thyago.

Naningkit ang mata niya at dinuro ito. “You…”

Matamis siya nitong ngitian. “Me?”

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Walang epekto dito ang halik. It was just a peck after all. Kumpara nga naman sa reputasyon nito bilang playboy, parang handshake lang siguro ang paghalik nito sa kanya.

“Magpasalamat ka dahil wala dito si Kuya Elvin.”

“At bakit naman?” kunway inosente nitong tanong.

“Nagtanong ka pa!” asik niya. “Ninakawan mo ako ng halik.”

“Kung magpapaalam pa ako sa iyo, hihindi ka lang. Saka dapat pala samantalahin ko na rin na wala si Elvin dito.” At kinintalan na naman siya nito ng isa pang halik sa labi.

“Thyago!” bulalas niya na sinagot lang nito ng tawa.

Lalong nanlambot ang tuhod niya nang marinig ang halakhak nito. Drat! He really looked so handsome when he laughs. Ano bang gagawin niya dito? Bawat sandali na kasama niya ito, ginugulo nito ang sistema niya.

Nakatakas ito sa sermon niya nang pagkulumpunan na siya ng mga kasamahan. Sa huli ay di rin niya magawang magalit dito. A kiss was just a kiss. Lalo lang siya nitong pagtatawanan kung gagawin niyang isyu iyon. It was no big deal.

Pero kung di iyon big deal, bakit nag-iinit pa rin ang pisngi niya tuwing magsasalubong ang tingin nila at naalala niya ang halik nito. At paguwapo rin ito nang paguwapo sa paningin niya.

Siguro dala lang iyon ng init ng araw. O dahil nahihibang pa siya mula sa pagkakapanalo niya sa tournament. O kinulam siya nito.

Or maybe Thyago Palacios was just bad for her health.

“CONGRATULATIONS, Liyah! You did a great job!” bati ni Elvin sa kanya sa dinner na ihinanda nito nang makabalik na siya sa Bangkok. Ito kasama sina Eyna at “Napanood namin ang video ng game ninyo. That was a nice finish.”

“Yes. My horse did a great job!” she said with a laugh. Hanggang ngayon kasi ay pinag-uusapan pa rin ang swerte niya. If she missed the chance, they would lose.

Pinisil nito ang kamay niya. “But I am proud of you, Liyah. Now the town is talking about how good my sister is. Not just good but the best.”

“Sana pala nandoon tayo, sweetheart,” malambing na wika ni Eyna.

Pilit siyang ngumiti. “Di bale, nag-enjoy naman kayo sa Phuket.”

It was her idea to go to Phuket. Parang sinadya nga nito na hindi makapanood ng laro niya ang kapatid niya. Tapos ay manghihinayang ito. Come on!

“I am really sorry. Di man lang kami nakasama sa laro mo,” nanghihinayang na sabi ni Elvin. “Next time, we will be there.”

Ginagap ni Thyago ang kamay niya. “It’s okay. Nandoon naman ako para manood ng laro niya. And I had a great time.”

Nilingon niya ito at ngumiti. Di na siya nalulungkot kahit na wala si Elvin para sa kanya. It was Thyago who cheered her up. Di niya naramdaman na may kulang sa kanya nang mga oras na iyon. At masasabi niyang mas malapit sila sa isa’t isa.

“How I wish you were in Phuket with us as well. Hindi lang ninyo alam kung gaano kalaking moment ang na-miss ninyo,” sabi naman ni Eyna.

“Bakit? Ano ba ang na-miss namin?” curious niyang tanong. Masisira lang marahil ang araw niya kapag nakasama niya si Eyna.

Itinaas ni Eyna ang kaliwang kamay. Hinawakan din nito ang kamay ng kapatid niya ang itinaas. “Look!”

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang plain white gold ring na nakasuot sa kaliwang palasinsingan ng dalawa. “Oh, God!” bulalas niya. Nanlaki ang ulo niya habang nakatitig sa mga singsing. A pair of wedding band!

“Nagpakasal na kayo?” tanong naman ni Thyago.

“Yes! An underwater wedding. Isn’t it romantic?” anang si Eyna at humilig sa baliakt ng kapatid niya. “It was a once in a lifetime thing and I love it.”

Namanhid ang pakiramdam niya. Her brother got married and she was not informed. Ni hindi man lang ito tumawag para sabihing kasal na ito. Ano bang ginawa ni Eyna sa kuya niya para makalimutan na siya nang tuluyan sa bawat desisyon nito? Parang hindi siya nito kapatid. Nasasaktan siya.

“Liyah, aren’t you happy for us? Hindi ka na nakakibo diyan,” untag ni Elvin.

“B-Bakit basta na lang kayong nagpakasal nang di nagsasabi sa akin?” tanong niya at di maitago ang hinanakit.

Pinisil ni Thyago ang kamay niya. Parang wina-warning-an siya nito na kontrolin ang emosyon niya. Subalit labis siyang nasasaktan. Ang gusto lang niya ay maibulalas ang sama ng loob niya. The pain in her heart was killing her.

Nagsisikip na halos ang dibdib niya dahil pinipigil lang niyang mapaiyak. She felt left out. May halaga pa ba siya sa kapatid niya? Ni hindi man lang nito ipinaalam sa kanya ang espesyal na araw sa buhay nito.

“It came all of a sudden, Liyah. I am so sorry. Bigla na lang kaming nag-decide ng kapatid mo. It was so romantic and perfect. An underwater wedding in paradise. So we didn’t let the chance go,” paliwanag ni Eyna.

Yes. It was perfect without her. Wala nga namang tututol sa kasalan. Walang panggulo. Di tulad sa karaniwang kasalan, may tsansa siya para kumontra. She was halfway around the world and she couldn’t do anything about it. Kung siya ang tatanungin, hula niya ay matagal nang nagplano ang dalawa.

“And we are really happy for you,” maagap na wika ni Thyago. “Hindi ba, Liyah? Sayang lang talaga wala tayo doon.”

“I just wish I was invited,” matabang niyang wika. “Saka hindi ba masyado namang maaga para sa kasalan. Ilang buwan pa lang kayong magkakilala.”

“Akala ko ba masaya ka na para sa amin?” mataray na tanong ni Eyna. “You still don’t like me, right? Masama ang loob mong pinakasalan ako ni Elvin?”

Naglaban ang mga tingin nila ni Eyna. Ginawa nito sa kanya ang pinakamasakit na magagawa ng isang tao sa kanya. She took her brother away from her. Wala siya sa araw na iyon. At wala man lang siyang nagawa.

Inakbayan siya ni Thyago. “Give Liyah a break! Masaya siya para sa inyo. She just wished she was there.”

And she wished they cared about her feelings. Kung ikakasal lang din naman ang kapatid niya, gusto niyang masaksihan lahat. Sila na lang dalawa ang magkamag-anak sa mundo. Kung siya din ang basta basta na lang ikinasal nang walang pasabi, siguro naman ay masasaktan din ito.

“Don’t worry. We will have another underwater wedding next year,” anang si Elvin at tinapik ang kamay niya. “You will be our witness then, Liyah. And you too, Thyago. Hindi na kayo mawawala sa susunod.”

Pilit siyang ngumiti at tumango. Salamat sa pampalubag-loob.

Humilig si Eyna kay Elvin. “Sweetheart, let’s dance.”

Mahigpit niyang piniga ng kamay ang table napkin. Nanlalabo ang mata niya habang pinagmamasdan sa pagsasayaw ang dalawa. Sa isang saglit ay nagbago ang buhay nilang magkapatid dahil sa pagdating ni Eyna. Di na siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito. At di niya alam kung importante pa nga siya dito.

“Do you want to dance as well, Liyah?” paanyaya ni Thyago.

Umiling siya at tumayo. “Excuse me. Sa verandah lang ako. Hindi ako makahinga dito dahil puro usok ng sigarilyo,” sabi niya at nagmamadaling lumabas.

Walang tao sa verandah ng restaurant at malayang dumaloy ang luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya. Iniwan ng pinaka-mahalagang tao sa buhay niya. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. She never felt so alone in her life and it was scaring her to death.

“Umiiyak ka na naman?” tanong ni Thyago na sinundan pala siya.

Umiling siya at mabilis na pinahid ang luha. “Hindi lang maganda ang nararamdaman ko tungkol dito. Nagpakasal sila nang di sinasabi sa akin. Ano ba ako kay Kuya Elvin? Hindi ba kapatid niya ako?”

Huminga ito nang malalim at hinawi ang buhok niya na tumatabing sa mukha niya. “I understand how you feel. Natural lang na masaktan ka. Pero masyado nang masaya ang kapatid mo para ma-guilty pa ngayon. Nakita mo naman kung gaano siya kasaya habang kasama si Eyna. Huwag mo na lang sigurong isipin na nasasaktan ka. Just think about your brother’s happiness.”

“Ibig sabihin kung siya ang nasa lugar ko, dapat maging masaya na lang siya?” tanong niya. Ganoon lang ba kadali na ipamigay ang isang taong mahal mo?

“Kung ako ang pakakasalan mo, I am sure he will be happy for us. Pero kung iba naman, bakit ko siya bibigyan ng magandang advice.”

Matiim niya itong tinitigan. “This is no time for joke, Thyago.”

“I am serious.” Nang nanatiling matiim ang titig niya ay hinawakan nito ang balikat niya. “Liyah, hindi natin dapat hawakan nang mahigpit ang mga taong mahal natin. Di pwedeng tayo lang ang tao sa buhay nila. Di pwedeng tayo lang ang mahalin niya. Minsan nasasaktan tayo dahil nababalewala tayo. Lawakan mo na lang ang isip mo. Life won’t conform with your wiles at all times.”

Napaisip siya. Buong buhay kasi niya ay umikot na lang sa kapatid niya. Nasanay na siya na maibibigay nito ang lahat ng atensiyon na kailangan niya. At hindi siya handa sa mga pagbabago sa buhay niya.

“I guess I have to grow up and mature a bit. I won’t be too clingy to my brother. Hindi na pwedeng sa akin umikot ang buhay niya. May asawa na siya. And who knows? Baka magkaroon na rin ako ng pamangkin. Hindi na ako ang baby niya,” pangungumbinsi niya sa sarili.

“Ibig sabihin hindi ka na magseselos mula ngayon?”

“I’ll try not to.” Para naman iyon sa kaligayahan ng kapatid niya.

“Good.” Ginagap nito ang kamay niya. “Sayaw na tayo.”

Umiling siya. “Ayoko! Tingnan mo. Pangit na ako.” Hindi siya babalik sa loob hangga’t hindi man lang siya nakakapag-retouch.

“You are beautiful. Kailangan mo lang sigurong isipin na marami pang taong makaka-appreciate ng kagandahan mo kung papayagan mo sila.”

Tumaas ang kilay niya. “Thyago, I don’t like the tone of your voice. Parang gusto mo na namang ipasok ang sarili mo sa usapan.”

Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “How perceptive! So would you like to go out with me? I will make sure that you won’t regret it.”

Matamis siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi nito. “Oh, Thyago!”

“Does it mean that you will go out with me?”

Mabilis na naglaho ang ngiti niya. “Hindi. Gusto ko lang sabihin na ten years from now saka ako makikipag-date.”

“What?” bulalas nito. “Kailan pa iyon? Kapag matanda na ako? You are so cruel, Liyah!”

Humagikgik siya at naunang bumalik sa restaurant. Siguro kung yayayain pa siya nito ulit, baka pumayag na siya.

He was really charming. Siguro nga ay pwede naman niyang buksan ang puso niya para sa ibang tao nang di lang sa kapatid niya umikot ang buhay niya.

HAPONG-HAPO ang pakiramdam ni Liyah nang I-park ang sasakyan sa harap ng bahay. Puspusan ang practice nila para sa nalalapit na local tournament. Matindi na ang pressure sa team nila. Mataas kasi ang expectations sa kanila mula nang manalo sila sa Ambassador’s Cup.

Paglabas ng kotse ay narinig niya ang malakas na boses ni Eyna habang nakikipagtalo sa kapatid niya. “You know that I love that beach house in Phuket. Hindi mo agad binili. May iba daw na interesadi pa doon. Bilhin na natin.”

Pinili niyang umupo na lang sa bench kaysa pumasok sa warzone. Hangga’t maari ay ayaw niyang ma-involve sa way ng mag-asawa.

“Eyna, it is too expensive. Hindi practical na bilhin natin samantalang may iba namang bahay na mas mura doon.”

“But I want that house! Ayoko ng murang bahay, Elvin.”

“At hindi natin pwedeng bilhin iyon sa ngayon.”

“What? Why not now? May pera ka naman. Tinitipid mo ba ako? Pinagdadamutan mo ang sarili mong asawa?”

“Hindi kita tinitipid at lalong hindi kita pinagdadamutan. And you know that!” mariing wika ni Elvin.

Tatlong buwan pa lang ang nakakaraan mula nang magpakasal ang dalawa pero napapadalas na ang pag-aaway ng mga ito. Sa bahay pa rin na iyon siya tumutuloy dahil gusto ng kuya niya na magkalapit sila ni Eyna.

Bilang asawa ng kapatid niya, nakita niya kung gaano ka-spoiled si Eyna. Hinayaan ito ng kapatid niya na gawin ang lahat ng gusto nito. Lagi itong laman ng mga shopping center. Kung anu-anong binibili. Maging ang simpleng bahay nilang magkapatid ay crowded na sa dami ng mamahaling kasangkapan at art pieces. At hindi niya ma-imagine kung gaano karami ang perang nagagastos nito.

Walang trabaho si Eyna. Ni hindi rin ito mapirmi sa bahay at laging nasa labas kasama ang mga sosyal nitong kaibigan. Wala na itong nakukuhang allowance mula sa mayamang ama mula nang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman niya na unti-unti nang nauubos ang perang ipon ng kapatid niya.

“Then why don’t you give me what I want?” parang batang maktol ni Eyna.

“Give me more than a year. And I will buy you a much nicer house than that one. I promise you,” pagmamakaawa ng kapatid niya.

“No! I want that house now! Kung hindi mo lang din naman maibibigay ang lahat ng gusto ko gaya ng pangako mo, hindi na lang sana kita pinakasalan.”

Nagdadabog na lumabas ng bahay si Eyna at sumakay sa mamahalin nitong Porsche na regalo rin ng kapatid niya noong kasal nito. Pinaharurot nito ang sasakyan palayo. Saka lang siya pumasok ng bahay.

Naabutan niya ang kapatid na sapo ang noo habang nakayuko. Apektado pa rin ito sa pakikipagtalo sa asawa kanina.

Umupo siya sa tabi nito. “Kuya, are you okay?”

Pilit itong ngumiti. “Yes. Kanina ka pa ba?”

Tumango siya. “Narinig ko ang pagtatalo ninyo ni Ate Eyna.”

“Huwag mong pansinin. Natural lang iyon sa mag-asawa.”

“Maybe I can help. Pwede ko nang kunin ang perang pamana ni Papa. Twenty-one na ako, di ba?” DI lang niya ginagalaw dahil kumikita naman na siya.

“No! It is yours, Liyah. Nahihiya ako dahil nadadala ka pa sa gulo namin.”

Ginagap niya ang kamay nito. “It’s okay, Kuya. Magkapatid tayo, di ba? Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang.”

“Sabi ko nga problema namin itong mag-asawa. But I hope you won’t hate Eyna. I really love her, Liyah.”

Pilit siyang ngumiti. She was trying her best not to hate the woman her brother loved. Sana lang ay mahalin din ni Eyna ang kapatid niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.