Abala sa pagbabalot ng regalo para kay Thyago si Liyah. Bukas na ang birthday nito. Di nga niya alam kung paanong mag-aasikaso ng bisita dahil buong Stallion Riding Club ang dadalo sa birthday nito. At naka-full red alert status na rin siya. Maraming babae ang susubok na kunin ang atensiyon ni Thyago. Tiyakin niya dapat na di basta-basta makakasingit ang mga ito.
“Liyah, nasa baba si Thyago,” tawag sa kanya ni Stephanie nang katukin ang pinto ng kuwarto niya.
“Ha?” Dali-dali siyang bumangon. Nakasuot na siya ng night gown noon at naghahanda nang matulog. “O, bakit nandito ka?”
Mag-aalas diyes na noon ng gabi. Kadalasan kapag ganoong oras ay naghahanda na silang matulog dahil maaga pa ang trabaho nila kinabukasan.
“Halika! Pupunta tayo sa riding club.”
“Bakit? May problema ba?” tanong niya. Bihis na bihis kasi ito. He was wearing a black dinner jacket and black trouser. Nakapusod din ang may kahabaan nitong buhok para mas magmukhang pormal. “Anong mayroon?”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Basta sumama ka sa akin.”
Pumiksi siya. “Sandali! Tingnan mo nga ang itsura ko. Nakapantulog na ako tapos basta mo na lang akong tatangayin?”
“Then change into something else. One way or another, dadalhin kita sa riding club. Wala akong pakialam kung ano ang suot mo.”
“Okay! Magbibihis na ako.”
Mukhang importante para dito ang pupuntahan nila. Kaya kahit na inaantok na siya ay pinilit pa rin niya ang sarili na magbihis at sumama dito.
“Ano ba talaga ang gagawin natin?” tanong niya habang nagmamaneho ito papunta sa Stallion Riding Club.
“Galit ka ba? Gusto lang naman kitang makasama kapag tumuntong ang birthday ko. I don’t want to be alone.”
“Bakit? Birthday mo rin naman bukas, ah!”
“Iba pa rin kapag kasama kita ngayon,” sabi nito at ginagap ang kamay niya.
Nag-park ito sa harap indoor polo arena. Dismayado niya itong nilingon. “Don’t tell me that you will ask me to play polo? Not tonight, Thyago. Masakit na ang katawan ko. Baka di na ako makabangon bukas.”
“Silly.” Hinila nito ang kamay niya. “Basta pumasok lang tayo.”
Pagpasok nila sa loob ay madilim ang paligid. Humigpit ang hawak niya sa braso nito. “Hindi naman siguro tayo maggo-ghost hunting?”
Pumailanlang ang magandang boses ng isang lalaki. Natigagal siya. Hindi iyon boses ng isang multo na galing sa hukay. Iyon ang boses ng paborito niyang singer na si Jason Erwin Dean mula sa bandang The Switch.
Bumaha ng liwanag ang loob ng polo arena. Nagkalat ang mga lobo sa paligid nila. At di kalayuan sa polo arena ay tumutugtog ang The Switch.
Nangingilid ang luha niyang nilingon si Thyago. “For me?” Niyakap niya ito. “Thank you! Matagal ko na silang gustong mapanood, alam mo ba?”
“Yes. And I know how much you love to hear their music. Naalala ko na hindi tayo nakanood ng concert nila sa Bangkok. Kaya idinala ko sila dito.”
Yumakap siya sa baywang nito. “You are weird, Thyago. Sa lahat ng may birthday, ikaw ang nagbibigay ng regalo.”
“Simple lang naman ang regalong gusto ko. I want to see you smile, Liyah.”
“Hindi mo naman kailangang magpakahirap para lang pangitiin ako.”
Nagagawa naman kasi niyang ngumiti kapag kasama niya ito. She was happy whenever she was with him. Hindi ba nito nararamdaman?
“Kahit na mahirapan pa ako, basta masaya ka lang. I want to lessen your loneliness in any way I can.”
“Bakit? Nakikita mo pa ba akong malungkot?” tanong niya at humawak sa balikat nito. Their body just swayed to the music.
“Baka hindi mo lang ipinapakita sa akin dahil baka mag-alala ako.”
“No. Wala akong dahilan para makaalala ng malulungkot na bagay kapag kasama kita.” Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Happy birthday, Thyago.”
NAKAUPO sina Liyah at Thyago sa wooden dock habang hinihintay ang pagsapit ng kaarawan nito. Ilang minuto na lang at magti-thirty na ito.
“Three months na pala mula nang umalis ako sa Bangkok. Parang marami nang nagbago sa buhay ko,” sabi niya habang nakasandal sa likod nito.
“Ako rin. You used to avoid me like a plague. Pero ngayon palagi na tayong magkasama. Hindi kaya nagsasawa ka sa mukha ko.”
Nilingon niya ito. “No. Imposible yata na pagsawaan kitang makita.”
The sight of his handsome face was enough to make her smile. Makita lang niya ang ngiti nito o marinig ang boses nito ay buo na ang araw niya. Nagagawa siya nitong patawanin kahit pa ubod ng sama ang araw niya o namimilipit siya sa sakit kapag may period siya. May pagkakataon din na nakatulala na lang siya habang iniisip ito. It was far too different from her old sensible self.
“I wonder if there was a time that you regret coming here with you.”
She shook her head negatively. “No. Wala akong pagsisisihan sa pagpunta dito. Alam ko na tama ang ginawa ko. Kundi nasa Bangkok pa rin ako at nagmumukmok. Malamang walang nangyari sa buhay ko.”
Pinagsalikop nito ang mga kamay niya. “Natatakot ako na isang araw, ayaw mo nang manatili sa tabi ko. Tapos mawawala ka na lang sa buhay ko.”
Parang isang malaking bato ang tumama sa dibdib niya maisip lang niya na maglalaho na ito sa buhay niya. “No! That won’t happen.” She looked at him with eyes full of love. “I love you, Thyago. I finally found a meaning in my life because of you. Nakalimutan ko ang lahat ng takot ko dahil sa iyo. Isa lang ang bagay na kinatatakutan ko. Ang mawala ka sa akin.”
Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila at marahan niyang hinalikan ang labi nito. It was the boldest thing she did in her life. To take the initiative in kissing a man. But she didn’t care. Silang dalawa lang ang naroon ni Thyago. Ang gusto lang niya ay malaman nito ang nararamdaman niya.
Yumakap ang kamay nito sa baywang niya. Then he kissed her back with great care. Itinuturo nito sa kanya ang dapat gawin.
Mataman siya nitong pinagmasdan nang maghiwalay ang labi nila at hinaplos ang pisngi niya. “Do you really love me, Liyah? O baka naman nakikita mo lang sa akin si Elvin. Who knows? It must be a brotherly love.”
“Hey! I will never kiss my brother that way.”
Nagkibit-balikat ito. “Gusto ko lang makasiguro.”
Ikinulong niya ang pisngi nito sa mga palad niya. “Listen, Thyago Palacios. As far as I can remember, I never see you as a brother. Masyado kang malayo sa kay Kuya Elvin. Paano naman kita makikita bilang kapatid ko?”
“Ang sabi mo mai-in love ka lang sa lalaking katulad ng kuya mo. Iyong faithful, mabait at hindi playboy.”
“Bakit? Hindi ka ba mabait?”
“Medyo. Hindi naman ako halos maging santo na katulad ng kuya mo. And I will never be a saint, Liyah.”
“Alam ko.” Dinuro ang dulo ng ilong nito. “I am expecting that the playboy thing is history. At huwag mong sabihin na hindi ka magiging faithful sa akin. Naku! Sasapakin talaga kita, Thyago! Naalala mo ang sinabi ko dati? Hindi ka pwedeng makipag-date sa ibang babae. Magseselos talaga ako!”
“Gusto ko lang malaman mo na hindi ko kayang pantayan ang kuya mo. We are definitely worlds apart.”
“Silly. I never asked you to be like my brother. Iba si Kuya. Iba ka. And don’t ever doubt how I feel for you. Mas maghinala ka kung kapatid ang trato ko sa iyo kapag kaparehong-kapareho mo ang ugali ni Kuya.”
“I remember how you use to hate my type.”
“Thyago, you are not a total asshole. Bukod sa kaguwapuhan kang walang kapintasan na hinahabol-habol ng mga babae, I believe that you are more than just a pretty face. Naranasan ko kung paano ka mag-alaga at magpahalaga sa tao sa paligid mo. At hindi ko pwedeng balewalain iyon.”
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “I just wish that this moment will never end. You make me happiest man alive when you told me that you love me, Liyah.”
“And I feel like the most special girl in the world. Salamat dahil ako ang minahal mo. Or else my life would be so bleak without you.”
“DO YOU want to make friends with the horses?” tanong ni Liyah sa mga batang estudyante na edad apat hanggang anim.
“Yes, teacher Liyah!” sagot ng mga bata.
“Next week, tuturuan ko kayo ng mga paraan para maging malapit sa mga kabayo. We will feed them. Do you like that?”
Nagningning ang mga mata ng estudyante niyang si Thalis. “Teacher Liyah, pwede po pa akong magdala ng cake? Magugustuhan po ba ng horse iyon?”
“Thalis, we have specific food for horses. Hindi pwedeng basta-basta mo na lang silang pakainin,” matiyaga niyang paliwanag.
Paborito niyang turuan ang bata dahil napaka-eagrar ng mga ito na matuto ng maraming bagay, Nagagaya siya enthusiasm ng mga ito. Nasa ganoong edad siya nang mag-aral siyang sumakay ng kabayo at naalala niya ang kabataan niya.
“Ma’am, pwede po bang magdala ng cake?” tanong ng batang si EJ. “Masarap po iyon. Magugustuhan ng horse.”
“Hindi pwede. May specific food lang tayo na pwedeng ipakain sa kanila.”
Bumakas ang lungkot sa mukha nito. “Kawawa naman iyon horse. Hindi pala siya pwedeng kumain ng cake.”
“Pwede ka ring magdala para mai-share sa classmates mo.”
Ngumiti si EJ. “Sige po. Magdadala ako.”
Nang pabalik na siya sa opisina ay nasalubong niya ang sasakyan ni Thyago. Bumaba agad ito ng sasakyan. “Liyah, kailangan mong sumama sa akin pabalik ng Bangkok. Nabangga ang sasakyan ng kapatid mo.”
AWANG-AWA si Liyah habang pinagmamasdan ang halos bugbog na katawan ng kapatid niya. Sumalpok ang sinasayan nito sa isang island habang nagmamaneho ng lasing. Walang internal damage sa katawan nito. May sugat ito sa noo at ilang pasa sa katawan dahil sa pagkakabangga. Maswerte daw ito na nabuhay ito nang walang ibang matinding pinsalang tinamo.
“Ilang linggo na pala silang hiwalay ni Eyna. Nahuli niyang nakikipag-relasyon kay Florence,” kwento ni Thyago sa kanya habang nagbabantay sila.
Nagpa-reserve agad ito ng ticket papuntang Bangkok. Wala silang inaksayang oras at lumipad agad sila para puntahan ang kapatid niya.
“Ipinagtabuyan ba niya si Eyna? Pinaalis ng bahay?”
“On the contrary, your brother begged that she stays. Iyak daw ng iyak ang kuya mo nang umalis si Eyna at sumama kay Florence.”
“That’s crazy. Bakit pa niya gustong manatili sa piling niya taksil na iyon?” mahina subalit pagalit niyang usal. Sobrang sakit na ang ibinigay dito ni Eyna. Hindi pa ba sapat iyon?
“Mahal na mahal niya si Eyna. Nagsimula na siyang maglasing nang dahil doon. Hindi na siya makapunta sa training dahil kahit umaga lasing siya. At nitong nakaraang araw, tumawag ang isang kaibigan ni Eyna para ituro kung saan ito nagtatago at si Florence. Sinubukan niyang sumunod at magneho kahit pa nga lasing siya. Kaso hindi pa siya nakakalayo, nabangga na siya.”
Malungkot niyang hinaplos ang buhok ng kapatid niya. “Ni wala man lang akong nagawa para sa kanya.”
“May nagawa ka na para sa kanya, Liyah. Nasabi na natin sa kanya ang totoo pero ayaw niyang maniwala. You don’t have to feel guilty about it.”
“Sana sinabi agad ni Kuya sa akin kung anong nangyari. Sana nadamayan natin siya para hindi na umabot sa ganito.”
Pinisil nito ang balikat niya. “Ang importante nandito ka pa rin para sa kanya. Hindi mo siya pinababayaan bilang kapatid. He needs to start anew. Kaya kailangang manatili ka sa tabi niya.”
Ngumiti siya at pinisil ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya. “Thanks, Thyago. Alam ko naman na may tampo ka rin kay Kuya dahil sa ginawa niya sa iyo.”
“Kinalimutan ko na iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas kawawa at nangangailangan ng tulong. Hindi ito ang oras para pairalin ko ang tampo ko.”
Hinalikan niya ang likod ng palad nito. “Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung wala ka dito. Ikaw lang ang dahilan kung bakit nananatili akong malakas.”
Ngumiti ito. “Tatawag lang ako sa riding club para I-check kung ano ang nangyayari doon. Babalik din ako agad,” anito at iniwan siya sa silid.
Umungol si Elvin. “E-Eyna! E-Eyna!”
Hinawakan niya ang kamay nito. “Kuya!”
Dahan-dahan nitong iminulat ang mata. “Nasaan si Eyna?” tanong nito.
Umiling siya. “Wala na siya, Kuya. Di na siya babalik.”
Humagulgol ito ng iyak na parang bata. “Iniwan niya ako? Bakit? Kulang ba ang pagmamahal ko sa kanya? Mahal na mahal ko siya, di ba? Lahat ibinigay ko sa kanya. Tulungan mo akong ibalik siya, Liyah. Ayokong mawala siya.”
Niyakap niya ito at hinaplos ang likod nito. “Tama na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wala ka nang maaasahan pa kay Eyna. Nandito naman ako.”
“Liyah, hindi mo ba ako iiwan? Hindi ba galit ka sa akin.”
“Kalimutan na natin iyon, Kuya. Magsimula tayo ulit.”
Gagawin niya ang lahat para ibangong muli ang kapatid niya. Hindi siya papayag na may iba pang tao na mananakit dito.
“KUMUSTA KA NA, pare?” tanong ni Thyago kay Elvin at inabot ang kamay dito
Nag-aalangang nakipagkamay si Elvin dito. “I am okay now. Unti-unti nang gumagaling at nahihimasmasan sa kahibangan ko. Medyo masakit lang ng kaunti ang katawan ko. Parang naglaro ako ng straight ng polo. Or I feel like a polo horse playing seven chukkers without rest.”
“Huwag mo na ulit gagawin iyon. Nag-alala kami ni Liyah dahil sa iyo,” anang si Thyago sa seryosong tono.
“Alam ko naman na marami akong kasalanan sa inyo. Pero salamat pa rin sa pagdadala mo sa kapatid ko sa akin at di mo ako tuluyang inilayo sa kanya.”
Natawa si Thyago. Halatang naiilang pa rin ang Kuya Elvin niya dito. “Bakit ko naman siya ilalayo sa iyo? I still have high respects for you, pare. At kapatid ka pa rin ni Liyah. Alam ko naman sa huli na matutuklasan mo rin kung ano ang totoo.”
“Ayoko nang isipin mo ang nangyari dati, Kuya. It is all in the past. Hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa iyo ni Thyago.”
Nakabuti nga para sa kanya ang paglayo sa kapatid. Natuklasan niya na kaya pala niyang mabuhay nang mag-isa. Mas lumawak din ang pananaw niya sa buhay. Mas naging considerate din siya sa ibang tao sa paligid niya at mas natutong makisama. Higit sa lahat, natuto rin siyang magmahal di lang ang sarili niya at ang kapatid niya. Hinayaan din niyang makapasok sa puso niya si Thyago.
“Basta magpahinga ka na ngayon, pare,” wika ni Thyago. “Nami-miss ko na ang mga polo matches natin.”
“Gusto mo bang bumalik ka ulit sa King Power? Alam ko naman na ayaw kang pakawalan ng manager natin. Napilitan ka lang umalis dahil sa akin.”
“Maganda na ang trabaho ko sa Stallion Riding Club. Kahit si Liyah nag-e-enjoy din sa trabaho niya bilang instructor,” kwento ni Thyago.
“What? Instructor ka na lang ngayon? Hindi ba gustong-gusto mo ang maglaro ng polo?” tanong ng kuya niya.
“Nakakapagod pala ang laging lumaban,” angal niya. “Isa pa, nakakapaglaro pa ako ng polo. Mas magagaling pa ang nakakalaban ko. Saka magkakaroon na rin ng polo lesson sa Artemis Equestrian Center next year.”
Maraming kababaihan ang nagka-interes maglaro ng polo nang minsang sumali siya sa polo practice match ng mga members ng riding club. Dahil di naman nag-o-offer ng polo lessons ang Stallion Riding Club sa mga babae at sa mga bata ay ang Artemis Equestrian Center ang mag-o-offer ng lesson.
“Mukhang masaya ka na sa buhay mo sa Pilipinas,” malungkot na usal ng kapatid niya. “Masaya ka yata kahit na wala ako.”
“It’s not like that, Kuya. Maganda naman talaga ang lugar na napuntahan namin ni Thyago.” There were lots of possibilities. Marami siyang pangarap na nabubuo di lang para sa sarili niya kundi maging sa mga tao sa paligid niya. Di tulad sa Bangkok na parang nakahawla lang ang isipan niya.
“Maganda siguro kung dalawin mo kami ni Liyah minsan,” sabi ni Thyago. “I am sure mag-e-enjoy ka sa Stallion Riding Club.”
Bumakas ang takot sa mga mata ni Elvin. “Babalik ka na ba sa Pilipinas, Liyah? Iiwan mo na ako?”