Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 203

Nag-alangan siya nang mahimigan ang nginig sa boses ng kuya niya. Parang natatakot na itong mag-isa. “Don’t worry. Hindi naman ako agad babalik. Aalagaan pa kita hangga’t hindi ka pa tuluyang gumagaling.”

Ginagap nito nang mahigpit ang kamay niya. “Sana dito ka lang sa tabi ko. Kailangan ko pang bumawi sa iyo, Liyah.”

Tipid na ngumiti si Thyago. “Sige. Ako na ang magsasabi kay Saskia na hindi ka pa makakaalis dito sa Bangkok.” Nagpaalam si Thyago para ayusin ang flight nito. Kailangan na kasi nitong bumalik sa Pilipinas dahil sa naiwang trabaho.

“Parang nag-iba na si Thyago,” komento ni Elvin.

“Yes. Hindi na siya happy-go-lucky tulad ng dati. Responsible na siya. At hindi na rin siya playboy. Wala na siyang ibang babaeng idine-date maliban sa akin.”

“Boyfriend mo na pala siya.”

Inayos niya ang kumot nito. “You know how incorrigible he is. I simply couldn’t ignore him. Hindi ka naman siguro kontra sa kanya, di ba?”

“Dati pa siya nagpaalam sa akin na makikipag-date sa iyo. How about you, Liyah? Mahal na mahal mo ba si Thyago?”

Tumango siya. “Marami siyang qualities na di niya basta basta ipinapakita. Pero kapag naipakita niya, mas lalo kong nararamdaman na mahal niya ako. He makes me happy, Kuya. And I never felt anything like that before.”

Hindi niya nalaman ang totoong kaligayahan hanggang mahalin niya si Thyago. Mas na-appreciate niya ang mga simpleng bagay dahil dito.

“Mas masaya ka kapag kasama mo siya kaysa sa akin?”

Inakbayan niya ito. “Huwag mong sabihin na nagseselos ka? Siyempre iba ka at iba naman kay Thyago.”

“But I am glad you are here again, Liyah. Huwag mo akong iiwan.”

“WOW! Nakapa-sweet talaga ng kapatid ko,” sabi ni Elvin nang ihain niya ang niluto niya dito para sa agahan. “Nami-miss ko na ang luto mo.”

“Nami-miss na rin kitang ipagluto, Kuya. Oo nga pala. Naka-ready na rin ang damit na isusuot mo. Saka nakipag-usap na ako sa art dealer at sa antique dealer para ibenta ang mga pieces na hindi mo na kailangan.”

Nalaman niyang nagkaroon ng financial problem ang kapatid niya dahil sa pagiging maluho ni Eyna. Kaya naman para makabawi ay mabuti pang mawala na ang mga mamahaling gamit na binili ni Eyna noon.

“Kung nag-isip-isip lang sana ako noon, hindi ito mangyayari. Akala ko mahal ako ni Eyna pero hindi naman pala. What’s wrong with me?”

“You just love the wrong person, Kuya. At ngayong alam mo na iyon, siguro naman natuto ka na ng leksiyon mo.”

“Kung di siguro ako nag-asawa, di sana magkakagulo.”

Natawa na lang siya. “Huwag mo nang isipin si Eyna, Kuya. Mag-concentrate ka na lang sa practice mo mamaya.”

Iyon ang unang araw ng pagbalik nito sa paglalaro ng polo. He was healed. Binigyan na ito ng clearance ng doctor para makapaglaro.

“Natatakot na ako, Liyah. Paano kung di na ako kasing galing ng dati? Paano kung wala na akong silbi?”

“Huwag kang mag-isip ng negative, Kuya. Enough of that. Gusto ko bumalik ka na sa dati. Maka-recover ka agad. I want to see the old Elvin back.”

Nang makaalis ito ay nakatanggap naman siya ng tawag kay Thyago. “How is it going?” tanong nito.

“First day na niya sa pagbalik sa training. Parang hindi ko pa siya maiwan.”

“Two weeks ka na diyan, Liyah.”

“I know. Marami akong responsibilidad. Pero hindi ko naman maiiwan ang kapatid ko dito. He still needs me.”

“I-I know.” Huminga ito nang malalim. “I just wish you are here.”

Kumunot ang noo niya nang may mahimigang kakaiba dito. “Thyago, may sakit ka ba? Iba kasi ang boses mo.”

“It must be the signal. I have to go back to work. Don’t push your self too much. I miss you, Liyah,” anito at nagpaalam na.

Miss na rin niya ito. Gusto na niyang makabalik agad sa Pilipinas. Ilang araw na lang ay makaka-recover na ang kapatid niya. Magkakasama na ulit sila ni Thyago. Then they don’t have to miss each other anymore.

PALAKAD-LAKAD si Liyah di kalayuan sa field habang naglalaro ng practice match ang Kuya Elvin niya. Ilang araw na mula nang huli silang magkausap ni Thyago at ilang araw na rin silang di nagkakausap. Tawag siya nang tawag pero di naman nito sinasagot. Di tuloy niya maiwasang mag-aalala dito.

“Pick up, Thyago! Oras na malaman kong may kasama kang ibang babae at ipinagpalit mo ako sa iba, lagot ka talaga sa akin,” mariin niyang usal.

Sa wakas ay may sumagot. “Hello.”

Boses iyon ng isang lalaki ngunit di kay Thyago. “Gusto kong makausap si Thyago. Nandiyan ba siya?” Bakit iba ang sumasagot sa tawag nito?

“This is Doctor Kester Mondragon.” Ito ang resident physician ng Stallion Riding Club. “Nagpapahinga pa si Thyago. Ilang araw na siyang may sakit.”

“Ha? Ano pong nangyari sa kanya?”

“Pneumonia. Napabayaan na niya ang sarili niya sa sobrang pagtatrabaho. Madadalas ang malalakas na ulan dito kaya madalas siyang mabasa sa ulan. Masama na ang pakiramdam niya pero tuloy pa rin siya sa trabaho kaya lumala.”

“It could be deadly, right?” nangininig niyang usal. Kaya pala nahimigan niya ang paghingal sa boses nito noong nagkausap sila. Sabi na nga ba niya may mali.

“We are doing our best. Critical pa rin ang kondisyon niya. Kung nagpagamot sana agad siya, hindi lalala ang sakit niya.”

Mangiyak-ngiyak siya matapos makausap si Doctor Mondragon. Bakit ganoon? Nagkasakit pa si Thyago kung kailan wala siya sa tabi nito. Kung naroon lang sana siya, naagapan agad niya ang lahat.

“Liyah, what’s wrong?” tanong ni Elvin sa kanya.

“Kailangan kong bumalik ng Pilipinas. Kailangan ako ni Thyago.”

Pinigilan nito ang braso niya. “No! Hindi ka aalis.”

“Hindi pwede. May sakit siya. Paano kung basta na lang siyang mawala?”

“Mas kailangan kita kaysa kay Thyago.”

Maang siyang napatitig dito. “Ano ba ang sinasabi mo, Kuya?”

“Ayokong mawala ka sa tabi ko, Liyah. Hindi ako papayag na iwan mo. Nawala na nga sa akin si Eyna, mawawala ka rin sa akin.”

Nasapo niya ang noo. “Kuya, stop being childish. Pneumonia ang sakit ni Thyago. Boyfriend ko siya at kailangan ko siyang alagaan.”

“Hindi mo naman kailangan si Thyago sa buhay mo. Bumaling ka lang sa kanya dahil nawala ako sa buhay mo. But I am back now, sis. Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan. Sabi mo sa akin dati masaya ka nang ako ang kasama mo. Hindi mo kailangan magka-boyfriend o magkaasawa.”

“Hindi na ako ang batang iyon, Kuya. Yes, I promised it but that was before I fell in love with Thyago. Iba na ang sitwasyon ngayon, Kuya. May iba na akong buhay. Nag-mature na ako mula nang malayo sa iyo. I was expecting that you’d be proud of me. At maiintindihan mo kung kailangan kong bumalik sa Pilipinas.”

“Katulad ka rin ni Eyna. Hindi mo talaga ako mahal.”

Matalim niya itong tiningnan. “When did you become so hungry for attention? Hindi mo pwedeng sabihin na di kita mahal. Bilang kapatid mo, di ako nagkulang ng pang-unawa at pagmamahal sa iyo. Alam ko na nararamdaman mo ang nararamdaman ko nang pigilan ko ang relasyon ninyo ni Eyna. Kung di mo kayang mabuhay noon nang wala si Eyna, hindi ko rin kayang mabuhay ng wala si Thyago.”

“Paano ako? Balewala na lang ba ako sa iyo?”

“Kahit kailan, hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo bilang kapatid ko. Pero sa pagkakataong ito, mas kailangan ako ni Thyago.”

“Kapag iniwan mo ako…”

“Ano? Maglalasing ka rin at ibabangga mo ang kotse mo? Stop it, Kuya. Huwag kang parang bata. Di pwedeng umikot na lang ang buhay natin sa isa’t isa. Alam mong imposible na mangyari iyon. Kung talagang mahal mo ako bilang kapatid, iisipin mo di lang kaligayahan mo kundi pati ang kaligayahan ko.”

Thyago was her life now. Kung susunod siya sa kapatid niya at pabayaan niya si Thyago, di niya mapapatawad ang sarili niya kapag tuluyan itong nawala sa kanya.

NANGANGALUMATA na si Liyah subalit di niya inaalis ang tingin niya kay Thyago. Di rin siya halos umaalis sa tabi nito mula nang dumating siya ilang oras na ang nakaraan. It was not easy to leave Bangkok. Pero mas loob ang buo niya na umuwi ng Pilipinas at makasama si Thyago.

“Wala na siya sa critical condition,” wika ni Doctor Mondragon. “Biglang bumuti ang kondisyon niya nang dumating ka.”

“Salamat sa pag-aalalaga sa kanya, Doc.”

“Basta huwag kang magsasawa sa pagbibilin sa kanya. Kung pababayaan niya nag sarili niya, baka maulit ito.”

Tumango siya at hinaplos ang noo ni Thyago. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa mukha nito at nagiging normal ang paghinga. Ayon sa doctor, maswerte nang nakaligtas si Thyago. Di biro-biro ang pinagdaanan nito.

Dahan-dahan nitong idinilat ang mata. Tumayo siya at hinaplos ang pisngi nito. “Thyago, how are you feeling? Anong masakit sa iyo?”

Umungol ito at pilit na itinuon ang mga mata sa kanya. “Liyah? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa Bangkok ka.”

“Paano ako mag-I-stay sa Bangkok kung may sakit ka dito?” Nakuyom niya ang palad. “Bakit hindi mo sinabi noong tumawag ka na may sakit ka?”

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “It doesn’t matter.”

“It doesn’t matter? Halos mamatay-matay ako sa pag-aalala sa iyo nang hindi ka tumawag. Ano bang sumasaksak sa kukote mo, Thyago Palacios? Kung nalaman ko agad na may sakit ka, sana di na lumala iyon dahil sa katigasan ng ulo mo.”

May sakit na ito nang mabasa ang ulan ay binantayan pa nito ang mga kabayo habang bumabagyo. Kung tutuusin ay di na nito trabaho iyon pero di daw nito matiis ang mga bagong kabayong inaalagaan nito na matatakutin.

“Nandito ka lang ba para sermunan ako?”

Nagulat siya dahil parang may bahid ng iritasyon sa boses nito. “Bakit parang hindi ka masaya na makita ako?”

“Akala ko kasi hindi ka na babalik.”

“Bakit hindi ako babalik. Nandito ka. Nandito rin ang trabaho ko.”

“Sabi ng Kuya Elvin mo hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. Hindi ka na daw babalik dito. You decided to stay with him. Mas masaya ka daw doon.”

“What? Sinabi iyon sa iyo ni Kuya?”

“Kaya nga ayoko nang abalahin kayo. Alam ko naman na kailangan ninyo ang isa’t isa. Mahalaga naman talaga sa iyo ang kapatid mo, di ba?”

“But it doesn’t mean I care for you less. I love you, Thyago. O hindi ka ba naniniwalang mahal mo ako?”

“Ayoko lang marinig mula sa bibig mo na ayaw mo nang bumalik sa akin. Hindi naman kita masisisi kung mas gusto mong makasama ang kapatid mo. Malay ko ba kung mas masaya ka talagang kasama siya.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Thyago, ito na ang bago kong buhay. I found a new meaning in my life when I came here with you. Hindi na ako babalik sa nakaraan ko. I want to have a future here with you.”

“Paano na ang kapatid mo? Kailangan ka rin ni Elvin.”

Bumakas ang lungkot sa mga mata niya. “Hindi ko na siya maintindihan. Naging unreasonable na siya. Normal na ulit siyang kung mag-isip. Bumalik na rin ang performance niya sa paglalaro. Pero naroon pa rin ang trauma niya na iiwan siya ng mga taong mahal niya mula nang iwan siya ni Eyna.”

“Natatakot na siguro siyang mag-isa. He didn’t want to feel unloved.”

“Pero di naman pwedeng bumalik kami sa dati. Iyong buhay na kaming dalawa lang. I can’t imagine my life without you, Thyago. Hindi ko na kayang tumawa at maging masaya tulad ng dati kung wala ka.”

Kinabig siya nito at kinintalan ng halik sa noo. “Pinili kong magtrabaho na lang kaysa isiping mawawala ka sa akin. It was not easy. Parang may malaking butas sa puso ko. Sanay naman akong mag-isa. Pero mula nang mahalin kita, ilang sandali na lang na di kita makasama, parang impyerno na sa akin.”

“No. Hindi na tayo maghihiwalay mula ngayon.”

“Pero ayoko naman na magkaroon kayo ng problema ng Kuya Elvin mo. Kailangan ka rin ng kapatid mo, Liyah.”

“Yes, I need her. Pero mas kailangan ka niya, Thyago,” sabi ni Elvin nang pumasok sa kuwarto ni Thyago.

Yumakap agad siya kay Thyago. “Kuya, hindi ako aalis. Hindi ko iwan si Thyago. Masaya na ako dito sa Pilipinas. Di na ako babalik sa Bangkok.”

Malungkot na ngumiti si Elvin. “Alam ko. At di na kita pipilitin na sumama sa akin. Na-realize ko ang pagkakamali ko. Naging selfish ako. Nang maging girlfriend ko si Eyna at nang pakasalan ko siya, itinago ko sa iyo dahil natakot akong mawala ag kaligayahan ko sa kanya. Nang ipaalam ninyo sa akin na niloloko niya ako, naniwala ako sa kasinungalingan niya. Masyado ko siyang minahal kaya nakalimutan kong pahalagahan ang mga taong nagmamahal din sa akin.”

“Hindi mo na babawiin sa akin si Liyah?” tanong ni Thyago.

“Ngayon ko na-realize ang mga pagkakamali ko. Pati kaligayahan ng kapatid ko pinipigilan ko. Naging miserable ako at gusto ko rin na maging miserable siya. Para wala na siyang ibang tatakbuhan kundi sa akin lang. Para maisip niya na ako lang ang nagmamahal sa kanya.”

“Pasensiya ka na kung kailangan kitang iwan para kay Thyago, Kuya. Pero ayokong isipin mo na hindi kita mahal.”

Itinaas nito ang kamay. “Hindi na ninyo kailangang magpaliwanag. I am enlightened, alright! Hindi ko kayo dapat idinamay sa mga kapalpakan ko. Sarili ko lang ang niloko ko nang mahalin ko si Eyna. I was so crazy over that I decided to ignore all the signs that she didn’t love me. Tama ka, Liyah. Nabulag ako sa pagmamahal sa kanya at tinalikuran ko ang mga taong nagmamalasakit sa akin nang totoo. Kayo.”

Nilingon niya si Thyago at ngumiti. Tama ito. Mare-realize din ng kapatid niya ang lahat ng pagkakamali nito sa takdang panahon.

“Kuya, masaya na ako dito. Marami akong kaibigan dito. And marami pa kaming plano ni Thyago di lang para sa isa’t isa kundi sa mga bago naming career.”

Tumango ito. “I can see that. Nakita ko rin na maganda dito sa riding club. At naging responsible din kayong dalawa mula nang lumipat dito.”

“Ikaw, Kuya? Ano ang plano mo?”

“I am filing a divorce. Walang mangyayari sa akin kung hihintayin ko na lang si Eyna. Hindi na siya babalik. Tanggap ko na iyon. Sana lang maging masaya na siya at wala na siyang masaktan na ibang tao.”

Niyakap niya ang kapatid niya. “Don’t worry. Matatagpuan mo rin ang tao na totoong magmamahal sa iyo.”

Nagkibit-balikat ito. “Maybe yes. Maybe not. Pero kapag may dumating na ibang babae sa buhay ko, titiyakin ko na mas matalino na ako at di na ako basta-basta nagpapadala sa emosyon ko.” Lumapit ito kay Thyago at ipinasa ang kamay niya dito. “Take care of my sister. Kapag pinaiyak mo siya, masasaktan ka sa akin.”

“Tanungin mo ang kapatid mo. Siya pa ang nagpapaiyak sa akin.”

“She’s a handful, Thyago. In a way, I am glad she’s out of my way.” Saka humahalakhak na nagpaalam si Elvin.

“Kung magsalita si Kuya, parang sakit ng ulo lang ang dala ko.”

“Sa lahat naman ng sakit ng ulo, ikaw ang pinakamaganda.”

Hinampas niya ito sa balikat. “Akala mo ba tapos na ang panenermon ko sa iyo? Di pa rin kita mapapatawad dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo.”

“Huwag ka nang magalit. Papagaling na nga ako.”

Humilig siya sa balikat nito. “I don’t want to lose you, Thyago.”

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Hindi ako mawawala sa iyo, Liyah. I promise that I will take care of you. Ipatalaktak mo ako sa kabayo kapag sinaktan kita.”

Tiningala niya ito. “Sinabi mo iyan, ha?”

Subalit alam niya na di na niya ito kailangan pang parusahan. Naniniwala siya sa pangako ni Thyago na palagi siya nitong mamahalin. At iyon din ang pangako niya dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.