Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 208

Halos mabingi si Rei sa lakas ng rock music na lumalabas sa speaker. Nagwawala na ang lahat ng estudyante sa sunud-sunod na music ng The Switch. Subalit parang wala siyang naririnig. Nakatitig lang siya subalit parang walang nakikita. Hungkag ang pakiramdam niya.

“The Switch! I love you!” makabasag eardrum na sigaw ni Edmarie habang nagtatatalon. Kinalabit siya nito. “Ang galing nila, no?”

Matabang siyang ngumiti. “Oo nga. Magaling sila.”

Natigil ito sa pagwawala. “O! Bakit parang hindi ka nag-e-enjoy? Hindi ba paborito mo naman sila?”

“Wala lang ako sa mood.”

“Huwag mo nang isipin si Hayden. Malamang nag-e-enjoy na iyon sa piling ng fafa niya. Kaya pabayaan mo na lang siya.”

Naghintay siya nang naghintay sa pagdating ni Hayden. Inabot na siya ng alas siyete sa may gate subalit di pa rin ito dumating. Gusto na sana niyang umuwi subalit pinilit siya ni Hayden na tumuloy pa rin sa concert kahit wala si Hayden.

Nanginig ang luha niya. “Hindi! Sa akin lang si Hayden. First date namin ito.”

“Tanggapin mo na, Rei. Hindi kayo talo ni Hayden. Umaasa ka lang sa wala. Alam mo naman iyon sa simula pa lang. In denial ka lang.”

“Hindi. Dadating pa rin si Hayden. Alam ko iyon.”

“Bahala ka na nga. Basta mag-e-enjoy ako dito!”

“Pupuntahan ko muna si Hayden. Baka hinihintay niya ako sa may gate.”

Pinigilan nito ang braso niya. “Huwag ka ngang ewan diyan. Babalik ka pa sa gate at para saan? Saka uulan na. Dito ka na lang. Wala kang dalang payong.”

Tumingala siya. Nagsisimula nang umambon. “HIndi ako dapat umalis. Baka nga nasa gate lang si Hayden. Pupuntahan ko lang siya.’

“Rei! Ano ba?”

DI niya pinansin ang pagtawag nito at sumingit sa mga nagtatalunan at nagsasayawang mga estudyante. Kailangan niyang makita si Hayden. Gusto niyang malaman kung ano ba siya sa buhay nito. Nangako siya na di siya aalis sa tabi nito. Dapat sana ay naghintay pa siya dito.

HIndi rin niya mae-enjoy ang event na iyon kung wala si Hayden. Parang wala na siyang karapatan na maging masaya dahil wala si Hayden sa tabi niya.

“Excuse me!” Pilit siyang gumitgit. Palaki na nang palaki ang patak ng ulan.

Kailangan niyang makita si Hayden. Iyon lang ang nasa isip niya. Nairita siya nang may katawang humarang sa dadaanan niya. “Excuse me.” Subalit di pa rin ito gumalaw man lang. “Sabi ko excuse me!”

Nang tumingala siya ay ang malungkot na mata ni Hayden ang sumalubong sa kanya. “Rei, sorry kung na-late ako.”

Nangilid ang luha sa mata niya. “K-Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Pinaghandaan ko pa mandin ang date natin tapos wala ka.”

“Huwag ka nang umiyak.” Pinahid nito ang luha sa pisngi niya. Kasama na rin doon ang patak ng ulan na bumabasa sa kanila. “Kasalanan ko na. HIndi ko naman gusto na ma-late ka at paghintayin ka.”

“Nakita ko sumakay ka ng kotse ni Franzine. Tinatawag kita pero di mo na ako narinig. Akala ko nag-back out ka sa date natin.”

Niyakap siya nito, “No. Nangako ako na pupunta ako, di ba?”

“Bakit hindi ka tumuloy? Kay Franzine ka sumama. Baka mamaya kung sinong lalaki ang ipinakilala niya sa iyo.”

Akala naman nito ay makukuha lang siya sa pagyakap-yakap nito? Kailangan din niya ng paliwanag dahil pinasama nito ang loob niya.

“Silly. Papunta na talaga ako sa usapan natin. Pero sinabi ni Franzine na isa sa kasama namin sa drama club ang isinugod sa ospital ang tatay, Kailangan naming tulungan. DI naman namin maiwan dahil mag-isa lang siya. Sinubukan kitang tawagan pero naiwan mo pala ang cellphone mo sabi ng mommy mo.”

Humupa ang pag-iyak niya. “Iyon bang kasama mo sa drama club lalaki o babae? Baka naman may gusto iyon sa iyo.”

“Babae siya at hindi mo kailangang pagselosan. Saka nandito ako, di ba?”

“Bumalik ka ba para sa akin?”

“Oo. Kanina pa nga kita hinahanap. Huwag ka nang umiyak.” Tinanggal nito ang suot na jacket at ipinatong sa ulo niya. “Tapos nagpaulan ka pa.”

“Basta kasalanan mo kapag nagkasakit ako,” paninisi niya.

bumuntong-hininga ito. “Kapag nagkasakit ka, aalagaan kita.”

“Paano mo ako aalagaan? Ako ang hindi nababasa dahil ibinigay mo sa akin ang jacket mo. Baka ikaw ang magkasakit.”

Idinikit nito ang noo sa noo niya. “O mas maganda siguro kung ako na lang ang magkasakit kaysa naman ikaw.”

He looked so gorgeous in her eyes. He was all male. Kahit si Franzine ay hindi sasabihin na kalahi nito si Hayden nang mga oras na iyon. Nakapanlalaki itong damit para sa date nila. And she was grateful for that.

Nakatitig lang ito sa kanya na parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo. Na parang siya lang ang maganda sa paningin nito. Ni hindi na nito pinansin ang naiipong tubig sa dulo ng pilik mata nito.

Matagal na niyang pinangarap na may tumingin sa kanya tulad ng pagtingin ni Hayden sa kanya. Iyong hindi siya pagsasawaan na titigan kahit na ilang oras pa ang lumipas. Na habang magkasama sila ay di nawawala ang ngiti sa labi nito. At si Hayden lang ang nakagawa niyon para sa kanya.

Humawak siya sa balikat nito. “Dance with me, Hayden.”

Hinapit nito ang baywang niya. And their body swayed slowly. Di iyon sumasabay sa mainay rock music na tinutugtog. She and Hayden were sharing the same music. Iyong sila lang ang nakakarinig. Maybe it was the sound of the rain. Or maybe they were dancing with the beat of their hearts.

All she knew was she wanted to freeze that moment with him. Dahan-dahang hinuhugasan ng ulan ang lungkot na naramdaman niya nang di niya ito kasama.

“You must really hate me now, Rei.”

Tumingala siya at umiling. “No. I don’t hate you. Kahit nga magtampo hindi ko magawa. Gusto ko lang naman nandito ako sa tabi mo.”

“Why do you stay by my side, Rei? Parang imposible kasi ang lahat para sa atin. Nasasaktan ka lang. Pinagtatawanan ka ng mga tao.”

Ikinulong niya ang pisngi nito sa palad niya. “Hayden, wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Wala akong pakialam sa opinion nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko.”

Kahit nga ang isip niya ay di makontra ang sinasabi ng puso niya. Hayden totally took control of her senses. Para sa kanya, ang nararamdaman lang niya para kay Hayden ang tama. At kung di niya susundin ang tinitibok ng puso niya, magiging mali na ang lahat.

“Pero ayaw kong nakikitang nasasaktan ka at napapahiya dahil sa akin. Paano kung may magsabi sa parents mo ng tungkol sa atin? Ilalayo ka nila sa akin.”

Yumakap siya sa leeg nito. “Hayden, huwag na natin silang pag-usapan. I just want to enjoy this night with you.”

“Just a little more time, Rei. Hintayin mo lang ako kahit sandali pa,” bulong nito sa kanya at kinabig palapit ang katawan sa kanya.

Di niya alam kung para saan ang paghihintay na sinasabi nito. HIndi na kasi siya naghihintay sa kahit ano. Masaya na siya basta nananatili siya sa tabi nito.

“ANAK, ano kaya ang birthday gift sa iyo ni Hayden?” tanong ng mommy ni Rei sa kanya. “Sasagutin ka na kaya niya?”

“Sana nga, Mommy. Magandang birthday gift iyon.”

Pinaghandaan niyang mabuti ang birthday niya. Ipinagmamalaki pa mandin niya sa mga pinsan niya na malapit na siyang magka-boyfriend.

Wala silang pormal na usapan ni Hayden kung ano ang relasyon nila. Pero palagi silang magkasama kung may pagkakataon. Ni hindi na nga ito nagme-make up kapag magkasama sila. Normal na lalaki din ang boses nito. Ibig sabihin ay gusto na rin siya nito dahil pinipilit nitong magbago.

“I-entertain mo na ang mga bisita mo sa labas. At kapag sinagot ka na ni Hayden, ako na ang bahala sa daddy mo.”

Niyakap niya ito. “Thank you, Mommy!”

“It feels so young to be in love. Alam ko naman ang feeling. Saka matanda na kami ng daddy mo. Ayaw naman namin na matulad ka sa akin na nasa forties na ng ipanganak ka. Basta tapusin mo muna ang pag-aaral mo.”

“Siyempre may pangarap naman kami ni Hayden, Mommy.”

Gusto ni Hayden na maging successful furniture designer at siya naman ay maging sikat na interior designer. Gusto niya ng magandang future para sa kanila.

Pagbaba niya sa sala ay sinalubong agad siya ng mga kaibigan at kamag-anak. “Nasaan na iyong magiging boyfriend mo?” tanong ng pinsan niya.

“Totoo ba ang sinabi ni Tita na guwapo siya?” tanong ng dati niyang kaklase.

“Tingnan na lang ninyo kapag dumating siya.”

Tiyak na magugulat ang mga ito oras na makita si Hayden. Maiinggit ang mga ito sa kanya. Di niya tiyak kung magiging boyfriend na nga niya si Hayden. Ang importante lang sa kanya ay makilala ng mga malapit sa kanya ang irog niya.

Subalit lumakad na ang oras. Dumating at umalis ang mga bisita niya ngunit wala pa ring Hayden na dumadating. “Edmarie, ano na kaya ang nangyari kay Hayden?” tanong niya sa kaibigan. “Baka may nangyaring masama sa kanya.”

“HIndi na siya dadating, Rei. Huwag ka nang umasa,” seryosong sabi nito.

“Huwag ka ngang kontrabida diyan. Alalang-alala na nga ako dito. Dadating si Hayden. Kahit na huli siya, dadating siya.”

“Rei, kailan ka ba matatauhan? HIndi magiging kayo ni Hayden. Hindi siya ang normal na lalaki na pwede mong magustuhan.”

“I know but he will keep his word. There must be some explanation about this.” Baka may emergency kaya di ito nakarating. Maiintindihan niya ito.

“Ngayon ang initiation night ng Purple Sky.”

Kumunot ang noo niya. “Purple Sky?”

“Oo. Parang fraternity iyon sa school natin ng mga full-pledged gay. Kung di dumating si Hayden sa birthday mo, ibig sabihin nandoon siya. Iyon ang pinili niya at hindi ikaw. Alam mo ba na kasama sa isusumpa nila na di sila mai-in love sa babae kahit na kailan? Kaya imposible rin na maging boyfriend mo pa siya. It’s futile to expect anything from him.”

Pakiramdam niya ay buhangin si Hayden na unti-unting humuhulas sa palad niya. Kahit anong gawin niyang paghawak ay kumakawala pa rin.

Manhid ang pakiramdam niya. Parang napalitan ng isang bangungot ang magandang panaginip niya. Wala na sa kanya si Hayden.

NAKAKUNOT ang noo ni Rei habang sinasagutan ang Algebra workbook niya. Paborito niya ang subject na iyon pero di niya makuha nang maayos ang sagot. Hindi maganda ang mood niya. Bigla ay kinainisan niya kahit ang paborito niyang subject.

“Mukhang nahihirapan ka sa assignment mo. Need help?”

Matalim ang mata niya nang iangat ang tingin kay Hayden. He looked so fresh. Ngayon lang niya ito nakitang naka-uniform nang walang make up.

“Anong kailangan mo sa akin?” walang kangiti-ngiti niyang tanong.

Dati ay nawawala na ang galit niya makita lang ang ngiti nito. Siguro ay ikatutuwa rin niya na makikita ng buong campus na magkasama sila nang wala itong make up at lalaking-lalaki ito. Na maipagmamalaki niya iyon bilang accomplishment. Subalit nang sandaling iyon ay di niya nakikita ang Hayden na nasa harap niya. Nakikita pa rin niya ang Hayden na miyembro na ng Indigo Sky.

Inilapag nito ang kahon na naka-gift wrap at umupo sa tapat niya. “Sorry kung hindi ako nakarating sa birthday mo.”

Humalukipkip siya. “Ano? May importante kang pinuntahan? Mas importante pa kaysa sa birthday ko?”

Marahan itong tumango. “Yes. Importante nga.”

“Tulad ng ano? Ng pagiging member mo ng Indigo Sky?”

Nagulat ito. “Paano mo nalaman?”

“Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Nandoon ka ba?”

“Oo. Pero magpapaliwanag ako.”

Isinara niya ang libro at tumayo. “Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Alam ko naman na iyon ang gusto mo. Ang makasama ang mga taong nakakaintindi sa iyo. Hindi naman kita pipigilan. I’ll stay away from you from now on.”

“Rei, wait! We don’t have to end up this way.”

“Ano ang gusto mo? Mukha pa rin akong tanga na susunod-sunod sa iyo? Wala rin namang patutunguhan ang nararamdaman ko sa iyo. Umaasa ako sa wala. I just find it weird. Bakit mo ako pinipigilan ngayon? May nararamdaman ka ba sa akin kahit na kaunti?” tanong niya.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Hindi ito ang oras para sagutin ko iyan.”

“Kailangan ko ang sagot mo ngayon! Mahal mo ba ako kahit kaunti lang?”

“Hayden, ano pa bang ginagawa mo diyan? Kailangan na tayo sa auditorium!” tawag ni Franzine dito na matalim ang tingin sa kanya.

“Sige na. Tinatawag ka na ng mga kaibigan mo.”

“Mag-usap tayo mamaya. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.” There was a plea in his voice. Na parang napakahalaga ng sasabihin nito.

“Huwag na lang, Hayden. Ano pa ba ang ipapaliwanag mo na hindi ko alam?”

He was not a normal guy. HIndi siya nito kayang mahalin. Ano pa ba ang kailangan niyang malaman na makakadagdag sa sakit na nararamdaman niya?

“I don’t really want to hurt you, Rei.”

Malungkot siyang ngumiti. “Alam ko. Ako lang naman ang nagpilit ng sarili ko sa iyo. Alam ko nangako ako sa iyo na di kita iiwan. Pero sa palagay ko naman di ka na mag-iisa ngayon dahil kasama mo ang mga taong makakaunawa sa totoong nararamdaman mo. Iyong matatanggap ka kung ano ka talaga.”

“Ang sabi mo sa akin tanggap mo kung ano ang pagkatao ko.”

“Mahal kita, Hayden. Pero mamahalin na lang siguro kita sa malayo. I am sorry kung hindi na kita kayang hintayin.”

Nang talikuran niya ito at tumulo ang luha sa mata niya, alam niyang di madali na pakawalan ang lalaking mahal niya. Di rin ito madaling kalimutan. She wondered if she could love someone completely like the way she loved him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.