Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 218

Hindi pa nagbubukas ang Lakeside Bistro and Music Lounge nang pumunta si Brescia. Naabutan niya na nag-aayos pa ang staff ng music lounge.

“Brescia, this is a surprise!” salubong sa kanya ni Celestine. “Ano naman ang hangin na nagpadpad sa iyo dito?”

“Nandiyan ba si Joziah?” mahina niyang tanong.

“Oo. Nasa office niya. Nagmumukmok. Medyo matamlay nga siya nitong nakakaraang araw. Sasabihin ko na nandito ka. I am sure matutuwa iyon.”

“Thank you,” aniya at naghintay.

Maya maya ay nakangiting bumalik si Celestine. “Pwede ka na daw pumasok. Sana lang maganda ang sasabihin mo para mag-improve ang mood niya.”

“Susubukan ko,” wika niya at naglakad papunta sa opisina ni Joziah.

Kinakabahan siya. Hindi siya sanay na lumapit kay Joziah para mag-sorry. Dati rati ni hindi niya kailangang mag-sorry dito kapag may problema. Si Joziah ang laging lumalapit sa kanya para mag-sorry. But she pushed him so far this time.

Itinatapik-tapik lang ni Joziah ang ballpen sa table nito nang dumating siya. Parang wala naman talaga itong importanteng ginagawa. He looked bored with his life. Malamig ang mga mata nito nang salubungin siya. “Brescia, take a seat. I am sorry. Di ko alam na may nagawa na naman ako para makagulo sa iyo.”

Nagtaka siya. Humihingi na agad ito ng sorry samantalang wala pa naman siyang sinasabi. Nanatili lang siyang nakatayo. “Sa palagay mo ba nagpunta ako dito dahil may ginawa ka na naman na hindi ko nagustuhan?”

“Wala naman akong ibang naisip na dahilan kung bakit dinalaw mo ako.”

“Nasabi sa akin ni Ederlyn na mukha ka daw matamlay.”

“Don’t worry. I am not sick.” Huminga ito nang malalim at sumandal sa swivel chair. “I am just tired.”

Nanibago siya sa Joziah na nakikita niya. Ang kilala niyang Joziah ay laging masaya at may ngiti sa labi. He was always alive and bubbly.

“Joziah, sorry kung napagtaasan kita ng boses last time.”

Umiling ito. “No. You don’t have to apologize. Kasalanan ko naman dahil masyado na akong makulit. Natural lang na mairita ka sa akin dahil pilit kong ipinagsiksikan ang sarili ko sa iyo.”

There was pain in his voice. Mukhang sinusukuan na rin siya nito.

“No. You deserve an apology. Hindi nga lang dapat ako mag-apologize. I also want to thank you. Mabait ka kahit na sinusungitan kita. Inaalala at inaalagaan mo pa rin ako. Dapat nga maging grateful ako sa iyo.”

Sinulyapan siya nito. “Talaga? Hindi ka galit sa akin?”

Tumango siya. “Hindi na ako galit sa iyo. Kaya nga gusto kong bumawi. Kaya ipinagdala kita ng hardinera.”

Inabot niya ang dalang paper bag na may lamang naka-styrofoam na pagkain na ipinaluto niya kay Chef Henry. Nakakunot ang noo nito nang buksan ang Styrofoam. “Ito na iyong hardinera?”

“Oo. Masarap iyan. Isa iyan sa mga makakasama sa menu namin sa restaurant. Ipinaluto ko iyan kay Chef Henry para talaga sa iyo.”

Sumama ulit ang timplada ng mukha nito. Inilapag nito ang Styrofoam sa table nito at itinulak palayo. “Akala ko ba gusto mong bumawi sa akin? Tapos iyon palang Chef Henry mo ang gumawa niyan. Nananadya ka yata, eh!”

“Si Chef Henry lang naman ang marunong magluto niyan.”

Iningusan siya nito. “Salamat na lang. Hindi ako kumakain ng hardinera. O kahit na hardinero pa iyan o supulturero. Ayoko!”

“Kunyari ka pa na hindi kumakain niyan. Naubos mo kaya iyong sandwich na gawa sa akin ni Chef Henry. Paano mo iyon mauubos kung di ka nasarapan?”

Nanatili itong di lumilingon sa kanya. “Basta! Hindi ko kakainin iyan.”

“Ayaw mo pa rin kahit na sabihin ko na wala kaming relasyon ni Chef Henry?”

Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito. “Hindi mo siya boyfriend?”

“Yes. At kahit minsan hindi niya ako niyaya ng date.”

“Talaga? Bakla ba siya para hindi ka yayain ng date?”

“Joziah, he is just nice. Kaya huwag mo nang insultuhin iyong tao dahil lang hindi niya ako niyayang mag-date. Naniniwala ka ba o hindi?”

“Naniniwala na ako na wala kayong relasyon. Yes!” sigaw nito at tumayo sa kinauupuan. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin at kintalan ng mariing halik sa labi. Ilang segundong tumagal ang halik na iyon. Parang tumigil na lang sa pag-ikot ang mundo niya.

Natigagal siya noong una at maang na napatitig dito. The kiss was totally unexpected. At hindi niya inaasahan na magkakaroon pa ng ningas ang apoy sa dibdib niya na inakala niyang matagal nang patay.

“You still taste so sweet.”

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. She was expecting it this time. She knew that he would kiss her. Ihinanda na niya ang sarili sa muling pagsasanib ng labi nila. Sa pagkakataong ito, kusang yumakap ang braso niya sa leeg nito. Parang alak na nakakalasing ang halik nito. Hindi iyon nagbago sa paglipas ng panahon. And her body remembered how to react. Naglakbay ang palad niya sa likod nito. Hinigpitan nito ang paghapit sa katawan niya. The sensation was so great. Daig pa niya ang dinaluyan ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan.

Subalit di iyon maari. Di siya dapat magpadala dito. Hindi siya mahinang babae. Kung inaakala nitong mapapaikot siya nito dahil lang sa simpleng halik, nagkakamali ito. Di ganoon kadali para sa kanya ang sumuko dito.

Pinigilan niya ito sa balikat at bahagyang itinulak. “Wait! Sino naman ang may sabi sa iyo na pwede mo na akong halikan?”

“Hindi ba pwede?” nagtataka nitong tanong.

“Ang alam ko na nag-thank you lang ako sa iyo at humingi ng sorry.”

“At sinabi mo rin na wala kayong relasyon ni Chef Henry,” nakangisi nitong dagdag. “It means that you like me.”

“Hey! It doesn’t mean a thing. Hindi ibig sabihin na ayoko sa isang lalaki, ikaw na agad ang gusto ko.” Masyado naman itong mabilis na mag-conclude at nakahalik na agad sa kanya.

“Don’t deny it. I know that you are still in love with me. Sinabi sa akin ni Celestine na nagseselos ka kay Yana.”

Namutla siya. “What? Sinabi niya iyon?”

Traidor talaga ang kaibigan niya. Ipinagpalit ang pagkakaibigan nila para kay Joziah. Basta talaga pagdating sa lalaki, iniiwan siya sa ere.

“Hindi ko alam na nakita mo pala kami ni Yana.”

“Nakita ko noong madapa siya at dalhin mo sa clinic. Fake naman iyong pagkakadapa niya, kung bakit uto-uto ka naman at tinulungan mo pa. Gusto lang naman niyang maka-tsansing sa iyo.”

Malutong itong humalakhak. “Ganoon na ba ako kaguwapo para gustuhing habul-habulin ng mga babae?”

“Hindi dahil guwapo ka. Kahit naman sinong member ng Stallion Riding Club, gustong malapitan ng babaeng tulad niya. Nagkataon lang na ikaw ang target niya kaya hindi ka dapat tatanga-tanga.”

“Mukha ba akong nagpapauto kay Yana?” Hinaplos nito ang buhok niya at inipit sa likuran ng tainga niya. “Sa isang babae lang naman ako willing na magpauto at sumunod nang sumunod.”

Pinigil niyang ngumiti. “Sa akin lang?”

Sinuklay ng dalawang kamay nito ang buhok niya. “May iba pa ba akong sinundan nang sinundan? Hindi ba ikaw lang? Kahit na nagsusungit ka sa akin, kita mo naman na nandito pa rin ako para sa iyo.”

“Hindi na ulit ako nag-breakfast mula nang di ka na magpadala sa akin. Saka nami-miss ko rin na dinadalaw mo ako sa restaurant.”

Lumapad ang ngiti nito. “Ayan, ha? Umaamin ka nang in love ka sa akin.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. “And you are begging me to kiss you again.”

Itinulak niya ang noo nito. “Ang hirap sa iyo, advance ka sa technology. Pwede bang huwag mo akong minamadali.”

Napakamot ito sa ulo. “Baka lang naman makakalusot. Hindi naman kita gustong madaliin. Masyado lang akong na-excite. Hindi lang ako makapaniwala na ikaw mismo ang lalapit sa akin. Akala ko kasi matitiis mo talaga ako.”

“I will try my best to treat you nicely, Joziah.”

May mga hinanakit pa rin siya dito subalit pipilitin niyang pansamantala iyong isantabi. Bibigyan niya ito ng isang pang pagkakataon. Magpo-focus na lang siya sa pangkasalukuyan. Ikokonsidera niya ang pagsusumikap nito para sa kanya.

“And I want to spend more time with you.” Niyakap nito ang baywang niya. “Wala naman akong gagawin bukas at hindi ka rin naman busy sa restaurant dahil nagre-renovate pa kayo. How about you spend your whole day with me tomorrow?”

“Magkasama tayo buong araw bukas?”

Kinindatan siya nito. “Of course. Katulad ng pagde-date natin dati.”

“GOSH! This is a very special day and you should start it right. Bumangon ka na diyan, Brescia!” tawag ni Celestine sa kanya at kinatok ang kuwarto niya. “Friend! Bilisan mo na diyan dahil baka mainip ang Prince Charming mo. Hurry up!”

Natigil siya sa pagbo-blow dry ng buhok dahil mukhang hindi siya titigilan sa pangungulit ng kaibigan. Napilitan tuloy siyang pagbuksan ito ng pinto. “Celestine, kulang ka lang sa tulog. Mabuti pa itulog mo na lang iyan.”

Nagulat pa ito nang makitang nakaligo na siya. “Tapos ka nang maligo? Dinalhan pa mandin kita ng Stallion Shampoo and Conditioner.”

“Anong palagay mo sa akin? Hindi nakakakilala ng shampoo?”

“Hindi. Gusto ko lang na maging perfect ang first real date ninyo ni Sir Joziah dito sa Stallion Riding Club. I am so excited for you.”

“Heh! Excited ka diyan!” singhal niya.

Nai-broadcast na yata ni Joziah sa lahat ang tungkol sa date nila. Tinawagan siya ni Ederlyn nang nagdaang gabi para tiyakin kung totoo ngang magde-date sila ni Joziah. At ang boss niyang si Richard Don ay nagpadala pa ng isang pack ng Stallion Shampoo and Conditioner para daw lalong maakit sa kanya si Joziah.

“I am just happy that you are a normal woman. Nakikipag-date ka na. Gusto ko lang tiyakin na magiging perfect ang date ninyo.”

“Please let me do my stuff. This is just a normal date. Hindi pa naman kami ikakasal ni Joziah para pagkaabalahan ninyo.”

“You want me to fix your make up?” pahabol ni Celestine.

Sinaraduhan na lang niya ng pinto ang kaibigan. Di naman siya sa party pupunta. Magho-horseback riding lang sila ni Joziah. At mas gusto ni Joziah kung simple lang siya at walang kolorete sa mukha. Doon sila nagkakasundo nito. Hindi kasi ito mahirap na I-please. Mas simple para dito, mas maganda.

Lumabas siya ng kuwarto matapos patuyuin ang buhok at magbihis. Nagulat siya nang makitang naroon na si Joziah at nakikipag-kwentuhan kay Celestine. “O! Akala ko ba sa main stable na tayo magkikita?”

“Hindi rin ako makatiis na makita ka. Baka mamaya magbago pa ang isip mo at hindi ka sumipot sa date natin. Naniniguro lang ako.”

Ibinuka niya ang mga kamay. “I am here. Mukha ba akong magtatago?”

Sumilay ang ngiti sa labi nito. “No. You look pretty ready for our date.”

“Sir Joziah, kayo na po ang bahala sa kaibigan ko,” hirit pa ni Celestine nang pasakay na sila ni Joziah sa kotse. “Ipagdadasal ko na maging maganda ang mood niya sa araw na ito para maging perfect ang date ninyo.”

“Huwag kang mag-alala. Iingatan ko ang kaibigan mo,” paniniguro ni Joziah.

“Makakatulog ka ng mahimbing. Susubukan kong huwag magsungit ngayon,” pahabol niya kay Celestine. Huwag lang may babaeng aaligid kay Joziah.

Pagdating nila sa main stable ay idinala agad sa kanila ang dalawang kabayo. Isang makisig na Arabian horse ang kabayo ni Joziah at isang red chestnut na Appaloosa naman ang sa kanya. “Meet Red Maiden,” pagpapakilala ni Joziah sa kabayo niya. “From now on, she will be your horse.”

Nilingon niya ito. “What do you mean from now on?”

“Binili ko talaga siya para sa iyo.”

Hahaplusin sana niya ang kabayo nang bigla niyang bawiin ang kamay. “What? Binilhan mo ako ng ganito kamahal na kabayo?”

Ni sa panaginip ay di niya pinangarap na magkaroon ng kabayo. Kahit yata magkandakuba siya sa trabaho ay di siya makakabili ng ganoong kabayo. Kapresyo na marahil ng kabayong iyon ang isang disenteng bahay at lupa sa isang subdivision. Malamang ay naka-insured ang kabayong iyon pero siya ay hindi.

“Kayo agad ang naisip kong bilhin nang malaman ko na dito ka nagtatrabaho sa Stallion Riding Club. I am sure mag-e-enjoy kang sumakay sa kabayo.”

Parang may humaplos sa puso niya. Di niya inaasahan na kasama siya sa mga plano ni Joziah. Lagi nitong sinasabi na importante siya ngunit ngayon niya mas nararamdaman. Pinagbubuhusan talaga siya nito ng importansiya.

“Pero wala naman akong plano na magkaroon ng ganito kamahal na kabayo. Parang ayoko na nga siyang sakyan o hawakan man lang sa sobrang mahal. Parang ginto ito sa sobrang mahal.”

“Para talaga sa iyo iyan. Huwag ka nang mahiyang hawakan.”

Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa batok ni Red Maiden. Hindi na rin niya napigilan na haplusin ang batok nito. Natawa siya nang humalinghing ang kabayo na parang nag-e-enjoy sa haplos niya.

“She’s cute! Saka mukhang maamo nga siya.” Ipinagpatuloy niya ang paghaplos kay Red Maiden. “Ganyan din ba si Desert Fire?” tukoy niya sa Arabian horse na alaga nito.

“He is far from gentle. Gusto nga sana kitang isakay sa kanya pero mukhang seloso siya. Gusto niya ako lang ang sasakay sa kanya. Kailangan ko pa siyang I-train para pwedeng may ibang sumakay sa kanya kasama ko.”

Natigilan siya sa paghaplos kay Red Maiden at nilingon si Joziah. “Sigurado ka ba na sasakay ako kay Red Maiden? Pwede bang panoorin ko na lang kayo?”

“Ha? Paano naman tayo mamamasyal? Ayaw mo bang sumakay ng kabayo?”

Nakagat niya ang labi. “Natatakot ako kasi hindi naman ako sanay sumakay sa mamahaling kabayo. Baka mamaya mabalian pa si Red Maiden dahil sa akin.”

He pinched her cheek. “Silly. Hindi naman mabilis ang takbo natin. Saka huwag mong isipin na sisingilin kita. Red Maiden is yours.”

“Kahit na. Nakakailang pa rin na sakyan siya.” Mukhang mas maganda lang na tingnan ang mga kabayo pero wala siyang lakas ng loob na sakyan ang mamahaling kabayo kahit pa sabihin nito na sa kanya rin si Red Maiden.

“Wait. Hindi ka pa ba nakakasakay sa kabayo dito?”

Umiling siya. “Hindi pa.”

“Walang nagyaya sa iyo ng date dito?”

“Meron. Pero hindi naman ako sumasama. Saka wala akong planong makipag-date kahit na kanino.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Don’t worry. Hindi naman kita pababayaan. Kami ni Red Maiden ang bahala sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.