Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 225

Mabilis na binawi ni Gianna ang kamay mula sa lalaki. Animo’y napaso siya. Di niya alam kung dala lang iyon ng pagkakaipit ng kamay niya. Or there must be something about his caress. It was like being struck by a lightning volt.

O siguro dahil may pag-aalala sa hawak nito. He looked uncaring at first but he actually knew how to care.

Nagsunud-sunod ang busina sa likuran nito at humagibis ang mga sasakyan sa tabi ng sasakyan nito. Naka-go na ang traffic light.

Bumaba ito ng kotse. Sa gulat niya ay bigla siya nitong binuhat. “Hindi tayo pwedeng dito mag-usap sa gitna ng kalsada.”

“T-Teka, anong ginagawa mo?”

“Gusto mo bang masagasaan ng sasakyan, Miss? DI ka naman siguro nagpapakamatay. Saka kailangan nating tingnan iyang kamay mo. Namumula na. Baka mamaya dalhin ko pa iyan sa konsensiya ko,” anito at umikot sa sasakyan.

She couldn’t believe it. Buhat-buhat siya ngayon ang isang guwapong lalaki na di man lang niya kilala. Samantalang kanina lang ay gusto na niyang pasabugin ang kotse nito sa sobrang inis.

At bakit hinahayaan niya itong buhat-buhatin siya. Di naman sila bida sa isang teleserye para sa ganoong eksena. Kahit pa masarap ang feeling niya na magpabuhat dito, di naman pwede ang mga nangyayari. Kaaway niya ito. Kaaway! Ito ang dahilan kung bakit nabasa siya ng tubig-baha. Ito rin ang dahilan kung bakit nananakit ang kamay niya ngayon. Galit siya dito!

“Kaya ko namang lumakad. Hindi naman ako napilayan. Naipit lang ang kamay ko,” aniya sa magaan na boses.

Galit siya! Galit na galit! Dahil dito mawawalan siya ng pag-asang umangat sa buhay. Pero bakit parang malambing pa ang pagkakasabi niya dito? Parang wala man lang siyang mahimigan na galit. Ano bang nangyayari sa kanya?

“Kung hihintayin pa kitang mag-agree sa akin, baka magpakipot ka pa. Ayoko rin na mainip ang mga sasakyan sa likuran natin. We already caused enough traffic,” anito sa mababang boses.

Mukhang mas concern pa ito sa pagsikip ng trapiko dahil sa kanila kaysa sa sakit ng kamay niya. At ni wala yata itong clue na ito ang dahilan kung bakit basang-basa siya. But why did she find it so cute? Parang gusto pa nga niyang ihilig ang ulo sa dibdib nito. Ni wala na nga siyang pakialam kahit na umuulan at lalo siyang mabasa basta ba buhat siya nito.

Inupo siya nito sa harap ng driver’s seat. Noon niya nakita kung gaano ka-luxurious ang kotse nito. The leather upholstery gave her a warm feeling. Pero wala pa ring makakatalo sa init ng katawan ng lalaki habang buhat niya.

“Ano bang problema at katok ka nang katok sa kotse ko, Miss?” paasik nitong tanong nang muling patakbuhin ang sasakyan. “O sinadya mo iyon para magpapasin? It happens all the time and it is starting to annoy me.”

The romantic and dreamy feeling started to wear off. Nagsimula na siyang mairita. At siya pa daw ang nagpapapansin ngayon.

“Talagang nagpapapansin ako kaya ko kinatok ang kotse mo.”

Pumalatak ito at hinampas ang manibela ng kotse. “Tama nga ako. You are just one of those women who wants to get my attention. Nagpakabasa ka rin nang ganyan para naman maawa ako sa iyo at tulungan kita. That is a very clever strategy, Miss.”

Napaawang ang labi niya. “Excuse me. Gusto ko lang itama ang impression mo, Mister. Hindi ako katulad ng ibang babaeng naghahabol sa iyo. At kung basa man ako ngayon, dahil kasalanan mo! Kaskasero kang magmaneho. Binasa mo ako ng tubig baha! Kasalanan mo din kung bakit hindi na ako makakasama ngayon sa game show na sasalihan ko! Kasalanan mo ngayon kung bakit maghihirap ako at di makakabayad sa utang ko!”

Di na niya mapigilang maiyak. Noon lang niya na-realize kung gaano siya kamalas sa araw na iyon. Kung paanong bigla siyang nawalan ng pag-asa. Importante talaga para sa kanya na makasali sa game show na iyon pero di na niya iyon magagawa pa kung ganoon ang itsura niya.

“M-Miss, teka lang. Parang sa akin mo naman yata naipasa ang lahat ng problema mo,” nakakunot ang noo nitong sabi. “Sigurado ka ba na kasalanan ko?”

“Sa palagay mo ba susundan kita kung di mo kasalanan?” asik niya at patuloy na umiyak. “Wala ka kasing habas kung magmaneho. Saka di pa ako baliw para maligo sa tubig baha. Tingnan mo ang itsura ko. Ayoko ng marumi! Ayoko ng baha.”

Huminga ito nang malalim at itinigil ang sasakyan sa tabi ng daan. Inilabas nito ang panyo at pinunasan ang buhok at mukha niya. “I am sorry, Miss. Hindi ko naman sinasadya na mabasa ka.”

Bahagya siyang kumalma sa pag-iyak pero di pa rin niya maiwasang mapahikbi. Biglang-bigla ay umamo ang mukha nito. Mas masarap ding pakinggan ang boses nito. Iniwas niya ang tingin. Hindi iyon ang oras para magpadala dito.

“Saka hindi rin kita kilala kaya huwag na huwag mong iisipin na isa ako sa mga babaeng naghahabol sa iyo. Mas interesado ako sa pera kaysa sa lalaki.”

Nakita niya ang pagbadha ng mukha nito. Mabuti naman at natauhan ito. Hangang-hanga siya sa sarili niya. Nagawa niyang makontra ang epekto ng kaguwapuhan at karisma nito. Nag-I-improve siya.

“Iyong kamay mo…”

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay niya. “Ipapa-ospital mo ba ako dahil naipit mo ako?”

“Kusang magka-capillary repair ang kamay mo kung naipit lang iyan, Miss. Wala naman yatang sugat, di ba? Kung may sugat iyan, gagamutin na lang natin.”

Bumalik na naman ang pagsusuplado nito. Parang mas gusto niya ito kapag mabait. “Ano nga pala ang gagawin ko ngayon? Hindi ako pwedeng pumunta sa studio nang ganito ang itsura ko.”

“Lalabas ka sa TV?” tanong nito.

Tumango siya. “Hindi ako pwedeng sumali sa Step No, Step Yes nang ganito ang itsura ko,” sintir niya. Magiging kahihiyan lang siya sa lahi niya.

“You need a shower, Miss.”

“Saan naman ako magsa-shower? Malayo pa ang bahay namin. Wala na akong oras. Saka tiyak na lalayuan lang ako ng mga tao dahil amoy tubig-baha na ako. Ang baho kaya!” reklamo niya.

“Malapit lang ang condo ko dito. Doon ka na lang magbanlaw.”

Nanlaki ang ulo niya. Nagpiprisinta ito na doon siya maliligo sa condo nito? Gosh! Silang dalawa lang. Ano ang gagawin nito sa kanya? Baka mamaya ay pagnasaan nito ang alindog niya. Hindi! Hindi pwede.

Marami pa siyang pangarap. Ayaw niyang tuluyang magwakas ang buhay niya at lumutang-lutang sa Ilog Pasig kinabukasan.

Dinuro niya ang lalaki. “Don’t you even think about it!” Hindi dahil guwapo ito ay basta basta na lang siyang magpapadala dito. Magkakamatayan sila.

“Miss, concern lang ako sa iyo. Basa ka na nga. Kapag natuyo iyan sa katawan mo, magkakasakit ka pa,” paliwanag nito at iniwas ang tingin sa kanya. “Saka hindi ako interesado sa iyo. I am not interested at all.”

Parang gusto niyang burahin ang guwapong mukha nito sa inis. Iniinsulto nito ang kagandahan niya. Saang planeta ba ito nanggaling at sadyang gustong sirain ang araw niya? “Bababa na lang ako.”

Humalukipkip ito at sumandal. “Suit yourself. But once you are out of my car, you are not my responsibility anymore,” anito sa malamig na boses. “Sabi mo marami akong kasalanan sa iyo. Now I am doing my part to make amends.”

Kinalma niya ang sarili. Baka nga gusto lang siyang tulungan nito. “Paano ko matitiyak na hindi ka masamang tao?”

Inilabas nito ang driver’s license at ibinigay sa kanya. “Here. Authentic ang card na iyan. May SSS card din ako at TIN ID. Gusto mo rin?”

“Hindi na. Okay na ito,” aniya at nagsimulang I-type sa cellphone niya ang impormasyon tungkol dito. “Eizhiro Figueroa pala ang pangalan mo. Thirty years old.” Nilingon niya ito. “Single ka pa?”

Inagaw nito ang driver’s license mula sa kanya. “Cut it off. Tutal alam mo na kung sino ako.”

“What is your cellphone number? Para matawagan ka ng kamag-anak at kaibigan ko kapag may nangyaring hindi maganda sa akin.”

Napilitan itong ibigay ang numero sa kanya. “Basta huwag kang makikipag-textmate sa akin.” Napapitlag ito nang kunan niya ng picture sa cellphone niya. “What the hell do you think you are doing?”

“Ebidensiya para mas madali ka nilang ma-trace.” Saka niya ipinadala kina Princess at Elaine ang impormasyon tungkol dito. “Sasama na ako sa iyo.”

Maya maya pa ay nag-park na ito sa isang condo building sa New Manila. Nanginig siya sa lamig pagpasok ng building dahil sa lakas ng aircon. Ipinatong nito ang jacket sa balikat niya. “May hot shower naman sa condo ko. Kaunting tiis na lang,” anito sa malumanay na boses.

Di niya maiwasang titigan ito. He was such a complex man. Sala sa init at sala sa lamig. One moment he was uncaring. Sa susunod naman ay nararamdaman niya ang pag-aalala nito kahit na nagsusuplado pa.

Sa penthouse pala ang condo nito. Hangang-hanga siya sa magagandang photographs na nakasabit sa dingding ng penthouse condo. “Wow! Sino ang photographer ng mga iyan? Ang ganda!”

Parang mga world-class photographer ang kumuha. Black and white ang karamihan sa kuha pero bawat isa ay nagpapakita ng kultura at tradisyon sa iba’t ibang lugar na sa TV at cultural magazine lang niya nakikita. Ang mga colored photos ay tungkol naman sa mga hayop na di niya karaniwang makikita. Hanga siya sa taste ng collection nito.

“Akala ko ba nagmamadali ka? Mag-shower ka na, Miss.”

“Gianna ang pangalan ko.”

“Okay, Gianna. May bathrobe sa loob ng cabinet sa bathroom na hindi pa nagagamit. Kumpleto naman ang amenities ng bathroom sa guestroom kaya walang problema. Mag-usap na lang tayo pagkatapos.” Mukhang nagmamadali ito.

Atubilo siyang sumunod dito sa guestroom. “Ano… ano nga palang gagawin ko? Wala naman kasi akong damit na pampalit.”

“Basta mag-shower ka lang. I will do something about it,” he said in an impatient tone.

Dali-dali tuloy siyang pumasok sa guestroom. Hindi talaga niya alam kung saan siya lalagay sa lalaking iyon. At di niya alam kung tama ba ang desisyon niyang sumama dito. Ipagpapalit ba niya ang puri niya para sa isang hot shower?

Bahala na. Ang tiyak niya, kailangan niyang makaligo.

SATISFIED NA lumabas ng banyo si Gianna nang sa wakas ay nangibabaw na ang amoy ng Stallion Shampoo and Conditioner sa buhok niya at tuluyan nang nawala ang tubig baha. Nawala na rin ang sakit sa kamay niya. Isa na lang ang problema niya. Kung ano ang damit na ipapalit na basa niyang damit.

Muntik na siyang mapaurong nang isang babae ang nakaupo sa kama paglabas niya ng banyo. “S-Sino ka, Miss?” aniyang nagulat. Saka niya naalala na di pala siya ang dapat na nagtatanong. “G-Girlfriend ba kayo ni Eizhiro? Gusto ko sanang mag-explain. Wala kaming relasyon…”

Tumawa ang babae. “Relax. I am Jenna Rose. Hindi niya ako girlfriend.”

“Jenna Rose?” Pamilyar ang mukha nito sa kanya. At nakita niya ang hilera ng mga damit sa isang metal stand. “Ah! Ikaw si Jenna Rose. Iyong fashion designer na nag-model din para sa Stallion Shampoo at girlfriend ng vocalist ng The Switch.”

“Yes. And Eizhiero sent me here to help you out. Nasabi niya sa akin na may pupuntahan ka na game kaya ipinagdala kita ng damit na pwede mong isuot.” Inakay siya nito palapit sa metal stand. “Here. Huwag kang mahiyang mamili ng damit na gusto mong isuot.”

“S-Sigurado ka, Miss Jenna? Mukhang mahal ang mga ito.”

“Si Eizhiro naman ang magbabayad para sa iyo.”

Saka lang lumakas ang loob niya na hawakan ang damit. Kasalanan nga naman nito kung bakit nabasa ang damit niya.

“Wow! Mukhang lahat maganda. Hindi ako makapili.”

“Thank you. Just choose one you are comfortable with.”

Pinili niya ang isang casual dress. Nang maisuot ang damit ay sukat na sukat iyon sa kanya. Hindi niya ma-imagine na makakapagsuot siya ng ganoon kamahal na damit. Kuripot siya kaya puro mura lang ang damit niya.

“It really looks great on you. Smart choice.” Dumampot ito ng sapatos na nasa baba ang stand. “This one will do. Sinabi sa akin ni Eizhiro kung ano ang size ng paa mo. She even told me your size kaya lahat ng damit na dala ko ka-size mo.”

Napanganga siya. “Paano niya nagawa iyon?”

“I don’t know. Siguro natural talent na iyon ng mga lalaki.”

Natural talent? Baka naman sadyang pinagmamasdan lang nito ang katawan niya dahil pinagnanasaan siya nito.

Tinulungan siya ni Jenna Rose na magpatuyo ng buhok at maglagay ng kaunting make up. Nang lumabas siya ng guestroom ay nakahalukipkip si Eizhiro habang pinagmamasdan siya. “Have some coffee. I am sure you are freezing.”

Parang hindi iyon ang inaasahan niyang ibubungad nito sa kanya. Sa tingin kasi nito na di halos maalis sa kagandahan niya, dapat yata ay pinupuri siya nito. Pero kung nagagandahan ito sa kanya, bakit parang nahihiya itong sabihin?

“Eiz, isn’t she pretty?” tanong ni Jenna Rose nang nagkakape sila.

“Your creation is great. Nagmukha siyang tao.”

Nadismaya siya. Sa ganda niyang iyon, iyon lang ang sasabihin sa kanya? Na nagmukha siyang tao. Magpasalamat ito at good mood na siya. Kung hindi ay tiyak na maliligo ito ng kape.

“Mabuti pa ihatid mo na siya sa studio at baka ma-late pa siya sa show,” anang si Jenna Rose kay Eizhiro.

“Thank you. I-charge mo na lang sa account ko ang lahat ng na-purchase niya ngayon,” anito at nilingon siya. “Let’s go!”

“Thank you, Miss Jenna,” aniya dito at kumaway.

“Parang masyado yatang maganda ang napili mong damit. Baka ma-out of place ka sa game show. Sabi ni Jenna Rose sa akin may pagkabaduy iyon,” komento ni Eizhiro habang bumibiyahe sila papuntang studio.

“Siyempre. Minsan lang naman ako lalabas sa TV. Para naman hindi ako ikahiya ng mga makakakilala sa akin kapag nakita ako.”

Nilingon siya nito. “Hindi ka naman mukhang naghihirap. Bakit kailangan mo pang sumali sa game show na iyon?”

“Naghihirap ako. Magaling lang akong magdala.” Huminga siya nang malalim. “Kaya dapat talaga manalo ako sa game show na iyon.”

“Sa palagay ko kasi marami pang mas nangangailangan na pwede namang makagamit sa perang pwedeng mapanalunan doon.”

Kumunot ang noo niya. “Nangangailangan din ako! By the way, thank for the dress and the new shoes. Babatiin kita kapag nanalo ako.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Mukhang okay na ang kamay mo.”

“Ha?” aniya at napatitig sa kamay niyang hawak nito. Hindi na nga iyon masakit pero parang nakukuryente pa rin ang kamay niya habang hawak nito. Nanlalambot din ang tuhod niya.

“I told you. Babalik din iyan sa dati.” At ibinatawan ang kamay niya. “Sana lang maayos ang buhay mo, Miss. Saka mag-ingat ka na sa susunod.”

“Maingat naman ako. Ikaw itong di maingat magmaneho.”

Nilingon siya nito at matiim na tinitigan ang mga mata niya. “At tiyakin mo rin na hindi ka makikipag-text mate sa akin.”

“Bakit naman kita ite-text? Di ka naman kaguwapuhan.”

“Anong hindi ako kaguwapuhan?” asik nito at biglang nagpreno.

“O! Dito na pala ang studio. Thank you sa paghahatid sa akin.”

Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa studio. Baka kasi litsunin siya nito ng buhay dahil sinabi niyang hindi ito kaguwapuhan.

Lumabas ito ng sasakyan at tinanaw siya. “Bawiin mo iyong sinabi mo, Miss.”

Nilingon niya ito at kinawayan. “Thank you bagong damit at sapatos. Kapag nanalo ako, ia-announce ko sa buong Pilipinas na guwapo ka!”

Sa huli ay pumasok din ito sa kotse at at pinaharurot palayo ang sasakyan.

Di niya maalis ang tingin sa papalayong kotse ni Eizhiro. Guwapo sana ito pero may kasungitan at di marunong ngumiti kung minsan.

Kung ngingiti naman ito, tiyak na malalaglag na ang puso niya. Kung sa ibang pagkakataon lang sana sila nagkakilala at di siya nito binasa ng tubig-baha, baka sakaling maging crush niya ito.

Magaan ang pakiramdam niya nang umakyat sa studio. “Miss, kasali ako sa game na Step No, Step Yes,” aniya sa guard.

“I am sorry, Miss. Tapos na ang cut off para sa laro. Hindi na kayo makakasali.”

“Ano?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.