Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 227

Halos lumuwa ang mga mata ni Gianna sa pagkabigla. “Two hundred thousand pesos? Hinihingi iyon ni Elaine sa iyo?”

“Maliit pa daw iyon kumpara sa dapat na mapapanalunan mo.” Ibinagsak ni Eizhiro ang tea cup sa low table. “At akala naman ninyo basta basta ninyo ako mapapaikot ng kaibigan mo? And if you think the amount is so small, wala kayong makukuha na kahit isang kusing mula sa akin.”

She felt heady. Nang mga oras na iyon ay gusto na lang niyang lamunin ng lupa para di na niya kailangan pang harapin ang galit ni Eizhiro.

Umiling siya. “Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Elaine iyon.”

“Desperation. Money. She wants money for your computer shop. Kaya nga kayo nagsasabwatan para humingi ng pera sa akin, di ba?”

Nakuyom niya ang palad. “Wala nga akong kinalaman dito.”

Umangat ang gilid ng labi nito. “Sa palagay mo ba maniniwala ako na inosente ka. Nagka-interes ka siguro sa akin dahil kilala mo na kung sino ako. Na member ako ng Stallion Riding Club at…”

“Member ka ng Stallion Riding Club?” bulalas niya.

“Cut the innocent act. Sinabi mismo ng kaibigan mo. Kanino pa ba iyon manggagaling kundi sa iyo. Ano ba ang tingin ninyo sa akin? Madaling mapapaikot dahil sa pagpapaawa ninyo?”

Taas-noo niya itong tiningnan. “Hindi ako nagpapaawa sa iyo.”

Kahit na nahihirapan siya sa buhay, hindi niya kailanman hiningi ang tulong ng iba. Kahit na sumali pa siya sa cheap na gameshow, alam niyang gagamitin pa rin niya ang sarili niyang paraan kung saka-sakali.

“Yes. Nang hindi gumana ang pagpapaawa ninyo, saka naman ninyo ako pinagbabantaan. Go ahead. Mag-eskandalo kayo. Let’s see who will look stupid in the end. Wala akong planong sumakay sa mga kalokohan ninyo.”

Huminga siya nang malalim. Bawat salita nito ay parang ibinabaon siya ng buhay. Kahit anong sabihin niya ay di naman nito gustong paniwalaan.

“Wala akong alam dito. Wala akong ginagawang masama,” mariin niyang wika sa mababang boses.

“I told you that innocent act won’t work on me. Mabuti pa sabihin mo sa kaibigan mo na tigilan ang kalokohang ito. Or else I will file a case against you.”

Yumuko siya. “I am sorry.”

“Next thing I know, you will accuse me of molestation while you are in my condo. Iyon naman ang paraan ng mga desperadang babae para magkapera at makakuha ng atensiyon ng iba, hindi ba?”

“That’s enough,” aniya sa mababang tono.

Nagsisimula na kasi siyang mapagod sa mga akusasyon nito. Nahihirapan na siyang huminga. Dahan-dahan siya nitong sinasakal.

“What’s new? Sanay na ako sa mga babaeng katulad mo na gagawin ang lahat para umangat. You will use everything at your advantage. Iyong iba siguro mabibiktima ninyo pero hindi ako.”

Hinampas niya ang low table. “I said that is enough! Hindi ba nag-sorry na ako sa iyo? Kung hindi ka makikinig sa akin, huwag na lang tayong mag-usap.”

She was mad. Raving mad. Matagal niyang pinaghirapan kung anuman ang tinatamasa niya ngayon. Wala itong karapatan na tawag-tawagin siyang masamang babae. She had always been fair. Wala siyang kinukuhang hindi para sa kanya. Wala siyang kinukuha na hindi niya pinaghirapan.

Tumayo siya subalit mariin siya nitong hinawakan sa braso at hinila pabalik. “As if I would let you go away easily.”

“Ano? Iinsultuhin mo na naman ako?”

Inilapit nito ang mukha sa kanya at lalo siyang hinila palapit. “Listen, Miss. And listen well. Don’t mess up with me. I am used to rolling on the mud. Sa ating dalawa, ikaw ang masisira. I have all the means to ruin you.”

Napalunok siya habang nakatitig sa galit nitong mga mata. It was alive. The burning fire in his eyes enthralled her. Lagi niyang nakikita ang galit sa mga mata nito. But was he also capable of feeling passion? Love?

He slightly tugged her arm. “Naririnig mo ba ako, Miss?”

“Ha?” usal lang niya.

Umuugong ang tainga niya. Alam niyang galit ito sa kanya at sinesermunan siya pero parang dumaan lang ang lahat ng iyon sa tainga niya. Naa-amaze lang siya dito habang nakatitig sa mga mata nito.

Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Niloloko mo ba ako?”

Napigil niya ang paghinga. Bakit kailangang ganoon kalapit ang mukha nito sa kanya? Alam ba nito na malapit na siyang mademonyo? Paano kung bigla niya itong halikan? Would he push her away or kiss her back? Could see finally get a taste of his passion? Bigla tuloy siyang naintriga kung anong pakiramdam na mahalikan nito. Ang mahalikan. Hindi pa pala siya nagkaka-first kiss.

“Miss,” untag ulit nito sa kanya. “Namumutla ka. Natatakot ka ba?”

Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata. “Hindi.”

“Ah! Wala ka talagang takot?” pasigaw ulit nitong sabi. Parang bulkan na naman ito na gustong sumabog.

“Ang lapit-lapit ng mukha mo. Hindi ako makahinga.”

Mukhang noon lang nito natuklasan kung ano ang itsura nilang dalawa. Pagkalapit-lapit nga ng mukha nila sa isa’t isa. Halos iisang hangin na lang ang hinihinga nila. And just one wrong move, he could easily kiss her.

Bigla siya nitong binitiwan at umusod palayo. “Don’t you dare seduce me. You won’t succeed,” he said in a cold voice.

Siya pa pala ang nanse-seduce ngayon. Siya nga itong pinanghihinaan na ng tuhod at hindi makahinga. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya nang sa wakas ay bumalik sa normal ang paghinga niya. Mabuti na lang at nakalayo na ito sa kanya kundi ay bumagsak na lang siya doon dahil sa kakulangan ng oxygen.

Hindi na talaga siya nag-iisip. Hindi sana siya nagpapigil dito. Dapat ay umalis na lang siya. Kapag kasama niya ito ay lagi siyang nanghihina. Ngayon ay hindi na niya alam kung nasaan pa ang tapang niya. Kung paano siya lalaban.

“Look, I am sorry for what Elaine did. Hindi ko alam na ginawa niya iyon. Ang totoo, ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa iyo,” malumanay niyang wika. May dahilan naman kasi para magalit ito.

“Right. At ang alam ko bayad na ako sa utang ko sa iyo. Hindi ko na kasalanan kung hindi ka nakasali sa gameshow,” anito at iniwas ang tingin. At ginawa na lang nitong tubig ang tsaa sa halip na inumin ng marahan. He was clearly upset.

“Alam ko. At wala akong planong abusuhin ka.”

Ngumisi ito. “Hindi ka talaga aamin sa kasalanan mo.”

“Wala akong kasalanan. Pero bahala ka kung gusto mong sampahan kami ng kaso ng kaibigan ko. Wala ka na rin namang mapapala sa amin. We are so broke. Kaya pasensiya ka na kung nagulo ka namin. I am sorry.”

“Hindi na ninyo ako guguluhin?”

Umiling siya. “Hindi na. Hindi rin kami magpapakita sa iyo.”

“Parang ganoon lang kasimpleng palagpasin ang ginawa ninyo.”

“Wala namang nakuha sa iyo si Elaine, di ba? Di naman siya masamang tao. Desperada lang talaga siya. I will let her apologize to you personally.”

“At pagkatapos ko, sino naman ang susunod ninyong bibiktimahin?”

Inangat niya ang paningin. “Sabi ko tama na. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Sa akin lang ba o pati sa ibang mga babae?”

“I hate women. You are conniving, heartless and vicious. Gagawin ninyo ang lahat para maging masaya kayo. Wala kayong pakialam kahit makasakit kayo ng iba. It is high time that you learn your lesson. Di lahat maloloko ninyo.”

Hindi lang ito galit sa kanya. Looked like he holds a grudge against the whole female populace. Mukhang masyadong malalim ang pinanggagalingan ng galit nito.

“I feel sorry for you,” she said in a low voice.

“What?”

Malungkot niya itong pinagmasdan. “Masyadong malalim ang galit sa dibdib mo di ka na nakikinig sa ibang tao. Sarili mo na lang ang pinakikinggan mo.”

Tumiim ang tingin nito sa kanya. “Now you are acting as if you know me.”

“Hindi. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. Kung wala kang tiwala sa ibang tao at wala ka nang ibang maramdaman kundi galit, then you are a sorry person.”

“So a sorry person is someone who isn’t easily deceived? Then I feel good that I am wretched. Hindi ako mapapaikot ng ibang taong mahilig magsamantala katulad mo. Use those words to someone else. It might work.”

Tumayo siya. “Don’t worry. Hindi ka na namin aabalahin, Mr. Figueroa. Aayusin din namin ang buhay namin. Pero sana ayusin mo din ang sa iyo.”

“Who gave you the right to say that to me?”

Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sasabihin nito. She felt so sad. Parang nalalambungan ng madilim na ulap ang puso niya. Hindi dahil sa mga akusasyon ni Eizhiro kundi dahil nararamdaman niya ang galit nito. Hindi sa kanya kundi sa sinumang babaeng nasa landas nito.

Bakit? Sino ang babaeng nanakit dito? Ano ang nangyari at di na nito magawang ngumiti at wala na itong kakayahang magtiwala sa iba?

She suddenly wished that he would be happy. Kung papayagan lang sana nito ang sarili nito. Subalit parang wala na iyon sa plano nito. Mas masaya na ito na manirahan sa mundo nito na puno ng galit at pagdududa.

“ELAINE naman! Bakit naman ganoon ang ginawa mo? Pareho tayong nasa alanganin ngayon,” sermon ni Gianna sa kaibigan nang magkita kinabukasan sa shop. Sila na lang at si Jason ang tao doon na naka-headset habang nagpapatugtog ng paborito nitong punk music kaya di sila nito masyadong naririnig.

Dapat ay noong pagkatapos nilang mag-usap ni Eizhiro ay saka niya ito kakausapin subalit sadyang di nito sinasagot ang tawag niya sa cellphone. Mukhang alam na nito na alam niyang nagkausap na sila ni Eizhiro.

Pinagsalikop nito ang mga palad at di makatingin nang diretso sa kanya. “Sorry na. Hindi ko naman talaga intensiyon na kunan talaga siya ng pera. Ang totoo humihingi nga ako ng tulong. Gusto ko lang siyang konsensiyahin. Sabi ko nga babayaran ko pa siya kapag nakaluwag na tayo.”

“Anong palagay mo sa kanya? Bangko? Pwedeng magpautang? Parang ganoon lang naman kadali sa kanya na pagkatiwalaan tayo.”

“Kasalanan naman talaga niya kung bakit di ka nakasali sa game. Paano kung ikaw ang nanalo? Sinisingil ko lang siya. Moral damages.”

Pagal siyang tumawa. Ang alam niya ay may pagka-weird ang kaibigan pero hindi niya alam na outrageous itong mag-isip. “Moral damages? Paano naman ang moral ko na na-damage? Sa tingin niya kinikikilan natin siya. Na tinatakot natin siya para magbigay ng pera. At idedemanda pa niya tayo.”

Nakagat nito ang labi at nangilid ang luha. “Grabe naman ang lalaking iyon. Akala ko pa mandin maaawa siya sa ating abang kalagayan.”

“Pwes, wala siyang awa. Hindi ka na dapat lumapit sa kanya. Hindi na rin tayo dapat humingi pa ng tulong sa iba. Minsan mas malaki ang kapalit.”

The man was a big problem himself. At wala silang maasahang kahit ano mula dito kundi galit. She was sure he saw them as conniving bitches.

“Hindi na mauulit. Saka magso-sorry din ako sa kanya kung kinakailangan. At sasabihin ko na wala ka ding kinalaman sa pag-uusap namin.”

Hindi niya alam kung pakikinggan din ito ni Eizhiro sa ngayon ay iyon lang ang dapat nilang gawin. Ang humingi ng sorry at pagkatapos ay tuluyan nang mawala sa buhay ni Eizhiro Figueroa.

“Ma’am, close na po kami,” sabi ni Jason sa babaeng pumasok pa ng shop.

Nakasuot ang babae ng neon orange na wig na katerna ang neon orange din na spaghetti strap blouse, super mini skirt na maong at nakaboots na hanggang tuhod. Pagkakapal-kapal din ng make up nito. Mukha itong magpa-party at ang alam niya ay wala namang bar malapit sa kanila dahil harap ng eskwelahan.

“Whose shop is this?” nakataas ang kilay na tanong ng babae. Napangiwi ito ng makita ang mga computers. “I thought this is an internet shop. It looks like a junk shop to me.”

Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila nito. Kahit na bukbukin ang computers nila, wala itong karapatan na tawagin iyong junk shop. Sa lahat nga ng computer shop na katabi nila, sila ang pinakamaganda ang ambiance.

“We are the owner of the junk shop. What can we do for you?” nakahalukipkip niyang tanong.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “You are that girl, right?”

Nagsalubong ang kilay. “Girl? What girl?”

“This!” Ipinakita nito ang picture kung saan buhat-buhat siya ni Eizhiro. May picture din nang ihatid siya nito sa studio. All were taken from a distance.

Nagulat siya. Bakit may ganoong kuha ang babaeng ito? “Pina-iimbestigahan mo ba ako, Miss?”

“I am Katrina Pineda, Eizhiro’s future wife. Dapat lang siguro na malaman ko kung sino ang makakahadlang sa relasyon naming dalawa.”

“You? Eizhiro’s future wife?”It was so unlikely. Parang wala kasi sa personality ni Eizhiro na papatol sa isang babaeng tulad nito. No wonder galit ito sa mundo.

“How much do you want?” Inilabas nito ang checkbook. “I am willing to pay. Just stay away from him.”

Natigilan siya. “Miss, nagkakamali ka. Nag-usap na kami…”

Pumadyak ito. “Just name the price!”

“Hindi kita maintindihan, Miss.” Nag-usap na sila ni Eizhiro. Lalayo naman na talaga siya. Tapos na ang isyu na iyon.

“Look! I am willing to pay just to make him mine. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa iyo. Ang alam ko ayaw niya sa mga babae. But he is suddenly sweet on you and it is not fair! Ako lang dapat ang babaeng kasama niya. Dapat sa akin lang siya sa sweet. Dapat ako lang ang dadalhin niya sa condo niya. Why? Why did he choose someone like you over me?”

Natulala siya. Nagkamali pala ito ng hinala. Akala nito ay boyfriend niya si Eizhiro. “Miss, nagkakamali ka. Wala kaming relasyong dalawa.”

Dinuro siya nito. “Liar! Kahit sino ang tumingin sa pictures, alam na may relasyon kayong dalawa.” Then she smiled sweetly and wrote at the check. Saka nito inabot sa kanya. “Here. Take it. Malaking tulong na iyan. Maipapa-renovate na rin ninyo ang bukbukin ninyong computer shop. You can even build a couple of new ones. Magiging masaya pa tayo pareho.”

Di niya tinanggap ang tseke. “You are crazy!”

Sa gulat niya ay hinablot ni Elaine ang tseke at pinagpunit-punit. “Hindi namin kailangan ng pera mo. Akala mo ba maaring bilhin ang pag-ibig? Nagkakamali ka! Umalis ka na! Umalis ka na!” At itinuro nito ang pinto.

Matalim silang tiningnan ni Katrina. “You will regret it.” Saka ito nagdadabog na lumabas ng computer shop.

Nanlulumo siyang umupo. Pakiramdam niya ay sunud-sunod ang bagyong pinagdadaanan niya. Nauubusan na siya ng lakas.

“Wow! Ang tapang mo, Ate Elaine!” humahangang sabi ni Jason.

Tumawa si Elaine. “Siyempre! Pinulot ko pa sa teleserye ang dialogue ko.”

“Nasa Marikina tayo. Alam ba ng babaeng iyon na bawal magkalat?” Dinampot ni Jason ang tseke sa sahig at pinagdikit-dikit. “Wow! Two million pesos!”

“Eh? Hindi nga?” aniya at nakitingin sa tseke.

“Tinanggihan mo, Ate Elaine. Sana may dalawang milyon ka na.”

“Maniwala ka naman doon. Paano kung tumalbog ang tseke?”

“Sa palagay mo ba totoo ang sinabi ng babaeng iyon na siya ang pakakasalan ni Eizhiro?” tanong niya kay Elaine. Parang nakakalungkot para kay Eizhiro kung isang babaeng tulad ni Katrina ang pakakasalan nito.

“Ewan ko sa kanila. Basta ayoko sa babaeng iyon.”

Niyakap niya ang kaibigan. “Thank you dahil di mo tinanggap ang pera. I am proud of you. Napatunayan natin na may dangal pa rin tayo.”

“Mas mayaman si Eizhiro doon. Di lang dalawang milyon ang halaga niya.”

Natigilan siya. “Paano kung pakawala lang ni Eizhiro ang babaeng iyon para tuluyan tayong siraing dalawa?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.