“Lagot ka. Late ka na. Ayaw ni Lolo ng nale-late,” pananakot ni Eizhiro kay Gianna. Nasakay na siya noong taxi papunta sa bahay ng mga Figueroa sa Quezon City habang kausap ito sa cellphone. Isa lang daw iyong simpleng dinner.
“Heto na nga. Nagmamadali na ako. Kung hindi mo sana ako binigla sa mga bagong computers na dumating sa shop, mas maaga sana akong dadating,” paninisi niya dito. Kaininang umaga ay dumating na ang mga bagong computer sa internet shop mula kay Eizhiro. Ito ang bagong partner nila sa computer shop.
“Nakipag-coordinate ako kay Jason tungkol sa mga computers na bibilhin. So I guess wala nang magiging problema sa kanila,” sabi nito.
“Mas maganda siguro kung nandito ka para makita mo ang mga computers. Hanggang kailan ka pa diyan sa China?”
“Hindi pa tapos ang assigment ko dito. Babalik pa ulit ako sa lugar kung saan natuklasan ng mga archaeologist ang isang tribe na nagma-mummify din pala. Hindi ko pa natatapos ang assignment ko pero gusto ko nang bumalik diyan. I miss you.”
Ngumiti siya sa narinig. “Parang hindi ko yata narinig iyong huli. Ano ulit?”
“I miss you! I miss you! I miss you!” pasigaw nitong sabi.
“I miss you, too,” malambing niyang sagot.
Bagamat nagdesisyon na itong bumalik sa trabaho, ngayon niya mas naintindihan kung gaano ito kahalaga sa kanya. It was silly. Ihinatid pa niya ito sa airport at umiyak pa siya. Takot na takot kasi siya na hindi na ito babalik. Samantalang dalawang linggo lang naman ang assignment nito.
“Huwag mong sabihin na iiyakan mo na naman ako?” tukso nito.
“Sinong iiyak? Sige na. Malapit na ako.” Nagsisimula na kasing manginig ang boses niya. Naiiyak na nga siya.
Maikling panahon lang silang nagkasama pero mabilis na nilang nabago ang buhay ng isa’t isa. Iba na si Eizhiro sa lalaking una niyang nakilala. Nabawasan na ang kasungitan nito. Mas naging open din ito sa nararamdaman niya. Being kept in a shell for a long time, now he wanted to fully express herself.
At sa mga panahong iyon, siya ang una nitong nilalapitan. Siya ang unang nakakaalam ng nararamdaman nito.
While she seriously took the role of his girlfriend. Noong una ay kalokohan lang ang lahat para sa kanya. They would surely grow tired of each other. Subalit sa bawat araw na nagdadaan, mas gusto niyang laging nasa tabi nito. Noon lang din niya naramdaman kung paano alagaan. Para sa tulad niyang mas sanay na mag-alaga sa ibang tao, naninibago siya na siya naman ang inaalagaan nito.
Nalula siya nang makarating sa mansion ng mga Figueroa. Mabuti na lang at tiniyak ni Don Lorenzo na walang ibang imbitado sa dinner kundi ilang kapamilya lang. Ayaw kasi niya na dumalo sa malalaking parties nang di kasama si Eizhiro.
“Hija, bakit nag-taxi ka lang?” tanong ni Don Lorenzo nang salubungin siya. “Sana ipinasundo na lang kita sa chauffer.”
“Okay lang po, Lolo. Late na late po ba ako? Nakakahiya naman po.”
“Pa, nandiyan na ba ang girlfriend ni Eizhiro?” tanong ng isang magandang babae. SA palagay niya ay nasa fifties pa lang ito. Maganda ang bilugan nitong mga mata. Kundi lang kulot ang buhok nito, tiyak niyang ito ang older version ni Eizhiro.
“G-Good evening po,” magalang niyang bati.
Niyakap siya ng babae. “You must be my son’s girlfriend. Call me Tita Nancy. Pero mas matutuwa ako kung tatawagin mo akong Mama.”
She was in shock. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ang Mama ni Eizhiro. Ang babaeng kinamumuhian nito at dahilan ng lahat ng galit nito.
“My taste nga ang anak ko,” sabi ni Martin, ang papa ni Eizhiro. “Pagpasensiyahan mo na lang kung masungit ang anak ko paminsan-minsan.”
“Sanay na po ako. Saka hindi na siya masyadong masungit. Baka po manibago po kayo kapag nakita ninyo ulit siya,” nakangiti niyang sabi. “Pasensiya na nga po pala. Hindi ko po alam na nakabalik na kayo sa Pilipinas.”
Nagkatinginan ang mag-asawa at nalambungan ng lungkot ang mga mata. “Ayaw pa rin kaming makita ng anak namin hanggang ngayon,” sabi ni Martin.
“Siguro masyado siyang nasaktan sa ginawa ko,” wika ni Nancy at di mapigilang humagulgol ng iyak. Masakit nga naman sa isang ina na kamuhian ng mismong anak nito. Mas matibay sana ang pising nagdudugtong sa mga ito subalit kusa nang pinutol ni Eizhiro ang pisi na iyon.
“Kaya inimbitahan ka namin ngayon dahil umaasa kami na matutulungan mong magkaayos si Eizhiro at ang magulang niya,” malumanay na wika ni Don Lorenzo. “Napagbago mo ang apo ko. I am sure ikaw din ang makakatulong para magkaayos-ayos sila. Mukhang mahirap pa rin kay Eizhiro na magpatawad.”
“Lolo, nagbago nga si Eizhiro pero hindi ko masasabi kung handa na siya. Iba pa rin po ang pakiramdam kapag kaharap mo na ang taong dahilan kung bakit hindi ka na nagtiwala sa mga tao. Kung bakit ayaw mo nang magmahal. Eizhiro was too young then. Hindi po talaga madali sa kanya para intindihin ang lahat.”
“Alam ko. Kasalanan ko,” sabi ni Nancy. “Sinubukan ko namang magpaliwanag sa kanya at humingi ng tawad pero lalo lang siyang lumayo sa akin. Kahit sa Papa niya nagalit siya nang balikan ako.”
“Ano po bang kailangan kong gawin para makatulong?” tanong niya. Hindi kasi niya alam kung bilang nobya ni Eizhiro ay nasa posisyon nga siya na makihalo sa problema nito sa pamilya. Natatakot siya na magmistulang naglagay siya ng asin sa sugat ng isang tigre. She didn’t want to anger him anymore.
“Simple lang ang gusto namin. Ang makita siyang muli at makausap.”
“GIA, hindi naman na ninyo kailangan pang mag-celebrate ni Lolo. It was just an ordinary coverage. Nothing exemplary,” paliwanag ni Eizhiro habang papunta sila sa Stallion Riding Club. Mismong si Reid Alleje, ang may-ari ng riding club ang nagbigay ng pass sa kanya at sa pamilya ni Eizhiro para ihanda ang special dinner para dito.
“Gusto lang namin na mag-celebrate. This is a fresh start. Nakabalik ka na ulit sa totoong mundo mo. You can take the pictures you want again. We are just happy.” Humilig siya sa balikat nito. “Kaya pagbigyan mo na kami.”
“Ano naman kaya ang sorpresa ninyo para sa akin?” usal nito.
Ipininid niya ang bibig sa pagkakataong iyon. Pagdating sa Lakeside Café and Restaurant ay kinamayan ito ng mga kaibigan na naroon.
“O! Nasaan na ang surprise mo sa akin?” tanong nito.
“Sa Apo room tayo,” sabi niya at idinala ito sa conference room.
Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito nang makitang naroon ang mga magulang nito. “Well, ito ba ang sorpresa mo sa akin?” tanong ni Eizhiro sa tensiyonadong boses. “Now I simply hate surprises.”
“Anak, kumusta naman ang biyahe mo?” malambing na tanong ni Nancy. “Umupo ka na. Ipinahanda na namin ang paborito mong pagkain.”
“Hijo, tumabi ka sa Papa mo. Matagal na kayong hindi nagkita,” sabi ni Don Lorenzo. Nakatulala lang si Eizhiro at parang robot na sumunod.
Lumakas ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya nagustuhan bigla ang atmosphere. Biglang nawala ang festive mood. She could sense disaster.
“Saan ang next coverage mo?” tanong ni Martin subalit parang walang narinig si Eizhiro. Tahimik lang itong kumain. Daig pa nila ang nakikipag-usap sa hangin.
Tinapik niya ang braso nito. “Eiz, magsalita ka naman. Kanina ka pa namin kinakausap dito. Kung ayaw mo kaming kasama, sabihin mo lang.” Hindi na kasi niya matagalan ang katahimikan nito.
“I don’t have to stress the obvious, right?” Ibinaba nito ang kubyertos at tumayo. “Excuse me. I am simply not in the mood for this.”
Hinawakan ni Nancy ang kamay nito. “Alam ko naman na galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Pero hindi ba pwedeng patawarin mo ako? Matagal nang nangyari iyon. Napatawad na ako ng Papa mo. Masaya na kami.”
“He is a fool. Ibahin mo ako, Ma. Bata pa lang ako, alam ko na bumalik ka lang sa amin dahil sa pera. Katulad nang pinakasalan mo si Papa dahil sa pera. Hindi mo alam kung gaano iyon kasakit sa isang anak. Tuwing sinasabi ko na mahal mo ako, hindi ko maiwasang isipin na pera lang din ang katumbas ng pagmamahal mo.”
Napaiyak si Nancy. Niyakap agad ito ni Martin. “Tama na, Eizhiro. Nagkasala ang Mama mo. Pero anak ka lang niya. Wala kang karapatan na sabihin iyan.”
“Dahil anak niya ako, wala akong karapatan na masaktan, Pa? She deceived you. She deceived us. And I hate it that you connived against me.” Nanlamig ang pakiramdam niya nang lingunin siya nito. Pati siya ay damay sa galit nito.
“Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Pero sana isipin mo rin ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Gusto kong maayos ang relasyon mo sa magulang mo. Masyado mo na silang matagal na tiniis.”
His heart was holding a huge chunk of grudge. Iyon lang din ang dahilan kung bakit di nito kayang tuluyang magmahal. Hangga’t nananatili ang galit sa puso ni Eizhiro, alam niyang hindi ito kaylanman magiging masaya.
Habang siya ay magsisilbi na lamang palamuti sa buhay nito. Ayaw niyang maging palamuti lang. Gusto niyang siya ang babaeng mamahalin nito.
“Galit ka sa akin dahil mahal ko ang mama mo? Dahil tinanggap ko pa rin siya sa kabila ng kasalanan niya? Marami namang hindi nakakaintindi sa akin. Call me a fool. Basta ang alam ko masaya akong kasama ko ulit ang babaeng mahal ko,” mariing wika ni Martin.
“Nagsisisi na ako sa pang-iiwan ko sa inyo,” anang si Nancy. “Ayoko na sanang bumalik sa inyo noon pero gusto kong bumawi. Tiniis ko ang kahihiyan kaysa naman habambuhay kong pinagsisisihan na di ko sinubukang bumawi. Kaya gagawin ko pa rin ang lahat para mapatawad mo ako.”
Umiling si Eizhiro. “Maybe if we could turn back time and things are different. Kung hindi mo siguro iniwan si Papa…”
“Tapos na iyon, Eizhiro. Hindi na maibabalik. Maiintindihan mo lang ang pinagdaanan ng mga magulang mo kung nagmahal ka na,” sabi ni Don Lorenzo.
Naningkit ang mata ni Eizhiro. “Bakit pa ako magmamahal kung gagawin ko lang miserable ang buhay ko at ng magiging anak ko? I am sorry, Lolo. I have to disappoint you again.” Ibinaling nito ang tingin sa kanya. “And for you, palalagpasin ko ang ginawa mo ngayon. Ihahatid na kita.”
Napilitan siyang sumunod kay Eizhiro kahit na gusto pa niyang magpaiwan at kausapin ang pamilya nito. “Eiz, bakit hindi mo sila pinakinggan?”
Itinaas nito ang kamay at tumigil sa paglalakad. “Gia, enough! Nasabi ko na ang lahat kanina. Hindi ko na kailangan pang ulitin sa iyo.”
“Bakit napakahirap para sa iyo na magpatawad? Hindi ba mas gagaan ang pakiramdam mo kung aalisin mo ang galit sa dibdib mo?”
Hinaklit nito ang braso niya. “What’s this, Gia? Acting as if you know me? Dahil ba girlfriend kita, kaya mo nang pasunurin ako sa lahat ng gusto mo?”
“No. Pero inaasahan ko na pagtitiwalaan mo ako para ipakita sa iyo kung ano ang makakabuti para sa iyo. And I just want to help.”
“I don’t need your help! At ayoko sa lahat, pinaiikot ako. I trusted you and you betrayed me. At hindi ko matanggap na nagawa mo ito sa akin.”
Mapait siyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay matalas na patalim ang isinaksak sa puso niya. “Ngayon traidor na pala ang tingin mo sa akin. Ganoon na ba ako kasama dahil lang gusto kong magkaayos kayo ng magulang mo.” Di mapigilang tumulo ang luha niya. “Hindi ko alam na mamasamain mo ang pagmamalasakit ko.”
“I didn’t ask for this, Gia. I am not ready to face them yet.”
“So I don’t make a difference in your life at all. Tumatawa ka nga kapag kasama mo ako. You open your heart to me. Pero hanggang ngayon, nakakulong ka pa rin sa galit mo. You can’t let go. Anong silbi ng pagtitiwala mo sa akin kung wala rin naman pala akong silbi sa buhay mo?”
Natigilan ito. “No. You are important to me.”
Binawi niya ang kamay mula dito. “Sa pagkakataong ito, sa palagay ko hindi. I am not asking you to love me. That’s asking too much. Ikaw na ang nagsabi na hindi mo gugustuhing magmahal. So just be kinder to yourself. Mas magiging masaya ako kung wala nang galit sa dibdib mo. At kung magmamahal ka man, maibibigay mo sa kanya ang puso mo ng buo nang walang galit sa puso mo.”
Desidido ang mga hakbang niya nang bumalik sa loob ng restaurant at iwan ito. Hindi madali para sa kanya na talikuran si Eizhiro. They fought so many battles together. Ayaw din niyang umalis nang di nasasabi dito na mahal niya ito.
Subalit mukhang wala na siyang pagkakataon pa. Eizhiro was in a tunnel. Isang dulo ay may liwanag at isa ay palabas sa walang hanggang dilim. Kung pipiliin nitong bumalik sa kadilimang iyon, tuluyan na itong mawawala sa kanya.
“ATE GIA, hindi ka ba nabibigla? Ibabalik na natin kay Kuya Eiz ang lahat ng computers na ibinigay niya sa shop?” nanghihinayang na sabi ni Jason habang sakay sila ng van na may lamang mga computers na ibabalik nila kay Eizhiro.
“Hindi na siya business partner sa shop. Dapat lang siguro na ibalik natin ito.”
“Sus! Baka naman simpleng LQ lang iyan. Nagpapadala naman kayo sa mga emosyon ninyo. Natural lang iyan sa mga mag-syuting,” tukso nito.
Ngiti lang ang isinagot niya. Sana nga ay simpleng away lang ang nangyari sa kanila. Ilang araw matapos ang pagtatalo nila ni Eizhiro ay di na sila nagkausap pa. Maging ang kapamilya nito ay di rin ito makausap. He must be really mad. Naglagi lang ito sa villa nito sa riding club at hindi lumalabas. Wala na talaga itong pag-asa.
“Delivery po para kay Mr. Eizhiro Figueroa,” aniya sa pormal na boses sa guwardiya ng riding club.
“Ma’am, wala naman po siyang instruction na papapasuking delivery niya.”
“Tawagin mo siya. Sabihin mo may kailangan lang akong ibalik sa kanya.”
Tinawagan ng guwardiya sa telepono ang bahay ni Eizhiro. “Parating na daw poa siya, Ma’am. Maghintay lang daw po kayo.”
“Jason, ikaw na ang humarap. Doon lang ako sa loob ng van.”
Isinuot niya ang shades habang hinihintay ang pagdating ni Eizhiro. Dumating nga ang sportscar nito. Si Jason agad ang sumalubong dito. Tama ang desisyon niya na ito ang paharapin. Makita lang niya si Eizhiro sa malayo ay naiiyak na siya. Drat! Kung alam niyang mai-in love siya dito, di na sana niya ito inaway nang paliguan siya ng tubig-baha ng kotse nito. Hindi sana siya nasasaktan ngayon.
Maya maya ay binalikan siya ni Jason. “Ate, ikaw daw ang gustong makausap.”
Nakakunot ang noo niyang bumaba ng van at nilapitan si Eizhiro. “Anong problema? I can assure you, maayos pa ang mga computers na iyan.”
Sa gulat niya biglang hinawakan ni Eizhiro ang braso niya at kinawayan si Jason. “Ikaw na ang bahala diyan.”
Nanlaki ang mata niya nang umandar na ang van palayo. “T-Teka, saan na pupunta iyong van?”
“Ibabalik na ang computers sa shop. Sayang ang kita ngayon.”
“Ibinalik namin ang lumang computers. IBabalik ko na ang computer sa iyo.”
“Sino ang may sabing ibalik mo ang computers sa akin?” singhal nito sa kanya. Napapitlag siya sa gulat. Bumalik na naman si Eizhirong masungit.
“S-Sandali. Hahabulin ko iyong van. Uuwi na ako.”
“Narinig mo ang sinabi ni Jason. Mag-uusap pa tayo.”
Wala siyang nagawa kundi maging sunud-sunuran dito nang isakay siya nito sa kotse. “Hindi ko talaga alam kung ano pa ang dapat nating pag-usapan.”
“Bakit? Ayaw mo na ba akong makita?”
“Ikaw nga itong ayaw nang magpakita sa akin. Ni isang tawag wala.”
Hindi ba nito alam kung gaano niya ito ka-miss? Kaya nga niya ibinalik ang mga computers para kahit tanaw man lang ay makita niya ito.
“Nang huling beses tayong mag-usap, you made me feel inadequate as a man. Kailangan kong mag-isip.” Itinigil nito ang kotse sa harap ng villa nito. “And I guess you are right. Parang isang bata pa rin akong nagtatampo hanggang ngayon. Habang nag-move on na ang lahat ng tao naiwan pa rin akong nag-iisa.”
Mukhang marami na nga itong napag-isipan sa loob ng ilang araw. Akala kasi niya ay sasabihin nito na hindi siya nito kailangan. O huwag na siyang magpakita pa.
“Mali ka ng iniisip noon na di kita naiintinidhan. Pero ako ang nasasaktan tuwing nasasaktan ka. At ayoko nang masaktan ka pa. Kaya nga nang humingi sila ng tulong sa akin, ginawan ko ng paraan para magkausap kayo.”
Mariing nagdikit ang labi nito. “It was tough. Iba pala kapag hinaharap mo ang mga bagay na kinatatakutan mo. I don’t really hate my mother. I love her.”
“Kung mahal mo siya, bakit mo siya ipinagtatabuyan.”
“Defense mechanism. Ayokong mahalin ulit siya para lang iwan niya ulit kami. Hindi ko na yata makakaya iyon. Kaya sinanay ko na lang ang sarili ko na walang nanay.”
Ang alam niya ay teenager na si Eizhiro nang bumalik ang nanay nito. At hindi madali para sa isang batang tulad nito noon na sikilin ang totoong nararamdaman.
“Hindi nila alam ang tungkol diyan. Ang alam nila basta galit ka lang.”
“I am not as tough as you think. Alam ko na marami akong kahinaan. Marami akong kinatatakutan. Pinagtatakpan ko lang.”
“Pero sinusubukan mong harapin ang takot mo ngayon.”
Niyakap siya nito. “Because of you. Ayoko nang maging lalaki na nakilala mo dati. Ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Gusto ko lang magmahal. And I want to love you as a man who is worthy of your love as well. Magagawa ko lang iyon kung palalayain ko ang sarili ko sa galit na nararamdaman ko.”
Hindi mapigilang tumulo ang luha sa mata niya. “Thank you, Eiz. Now you really make me so happy.”
“Happy? Bakit umiiyak ka diyan?”
“Hindi ko alam. Basta naiiyak lang ako.”
Ngumiti ito. “Silly. Pero may alam akong solusyon para mapatahan ka.”
He held her head and kissed her fiercely. She could feel the full intensity of his kiss. There was nothing holding him back now. Wala na kasi ang galit na nararamdaman nito. All she could feel was the sensation of his touch and his kiss.
“I love you, Gianna.” Kinintalan nito ng halik ang mga mata niya. “And I am putting my faith on you. Sabihin mo sa akin na hindi ka mawawala sa akin.”
Her fingers lovingly traced his face. “Eiz, hindi mo yata ako mapapaalis sa tabi mo. Sa palagay ko na-damage ang utak ko nang paliguan ako ng kotse mo ng tubig-baha. Kahit yata gaano ka kasungit, kinakaya ko. I must be crazy.”
“No. You are just in love.”
“Kung hindi pa kita pinuntahan dito, hindi mo sasabihin sa akin iyan. Masyado ka namang mabagal. Pinaghintay mo pa ako.”
“Originally, I want to make you wait a bit longer. Gusto ko munang makipag-usap sa parents ko. I want to apologize that they have a stupid and stubborn son.”
“They will understand, Eiz. Matagal ka na nilang hinihintay. Ibig palang sabihin matagal-tagal mo pa pala akong titiisin?”
“Kung haharap ako sa iyo, gusto kasama na ang parents ko. Akala ko kasi mas mahihirapan akong suyuin ka kaysa sa kanila. Baka kasi kapag ako lang ang nakita mo, baka ipagtabuyan mo na lang ako.”
“Kung pinatagal mo talaga ito, ipagtatabuyan na kita.”
“I have a favor to ask. Pwede bang tulungan mo akong mag-prepare ng dinner para sa kanila? Gusto kong bumawi.”
“Sure. Basta ba imbitado ako sa dinner.”
“Siyempre. Hindi sila maniniwalang magkasundo na tayo kung di kita kasama.” Parang bata itong humilig sa balikat niya. “I have another favor to ask.”
“Don’t stop loving me.”
Ngumiti siya at hinaplos ang buhok nito. As if they were content to stay that way. She didn’t have to say the words. She intend to keep on loving him. Hindi na nito kailangang hilingin pa.