Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 238

“Ehem! Ehem! I smell Stallion Shampoo in the air!” tukso agad sa kanya ni Bambina nang pumasok si Trizia ng bookstore.

“Bakit? Mga hindi ba kayo nag-shampoo?” nakataas ang kilay niyang tanong pero may ngiti sa mga labi.

“Iniisip lang namin kung ginawa na rin ninyong shower gel ang shampoo ninyo, Ma’am,” sabi naman ni Kass. “Masyadong mabango. Gusto siguro ninyong tuluyang maakit si Sir Zairo, no?”

“Sir Zairo kayo diyan. Gusto ko lang namang maging presentable sa mga customer natin. Alangan naman mag-amoy dump site ako,’ depensa naman niya.

“Talagang nagpapaganda kayo para hindi siguro magbago ang isip ni Sir Zairo sa pagyayaya ng date sa inyo,” sabi naman ni Bambina.

“Tama na iyang katutukso ninyo. Magtrabaho na lang tayo.”

Subalit hindi naman maalis ang ngiti sa labi niya. Mula nang malaman ng mga ito na niyaya siyang makipag-date ni Zairo at araw-araw na siyang dinadalaw sa bookstore ay maya’t maya na siyang tinutukso ng mga ito. Pati ang pag-aayos niya ay pinupuna ng mga ito.

“Good morning, ladies!” bati ni Zairo bitbit ang isang box ng pastries at umupo sa couch. Pupungas-pungas pa ito dahil late na itong gumigising bilang may-ari ng Lakeside Bistro and Restaurant na madaling-araw na kung magsara.

“Ayan na siya! Ayan siya!” kinikilig na sabi ng dalawa. “Lapitan na ninyo si Sir Zairo, Ma’am. Dali!”

“Mukhang gagawin mo na naman kaming Rider’s Verandah, ah!” May tatak kasi ng Rider’s Verandah ang kahon ng pastry nito.

“Sabayan mo naman akong mag-breakfast. Please!” pakiusap nito sa kanya at hinatak ang kamay niya.

“Sandali. Kukuha lang ako ng coffee.” Wala pang masyadong tao noon at walang masyadong trabaho kaya naman maluwag ang oras niya para makipagkwentuhan dito. Inilapag niya ang brewed coffee sa coffee table. “This is becoming a habit, Mr. Montevedra. Hindi kaya nagtatampo na sa iyo ang mga babae sa riding club dahil di ka na nila nakakasabay mag-breakfast?”

“Ikaw lang ang babaeng gusto kong kasabay kapag breakfast. Nagsasawa na akong kasabay sa breakfast si Myco.” Si Myco Gosiaco ang head ng security ng riding club. “Iyong business partner ko naman na si Joziah, wala nang ginawa kundi bantayan ang girlfriend niya.”

“Kaya ako na lang ang kinukulit mo?” tanong niya at sumimsim ng kape.

“Ayaw mo kasing sumamang mag-breakfast sa akin sa riding club. Sige na. Kahit sandali lang,” ungot nito.

“Next week pa ako magkaka-day off.”

Nagningning agad ang mga mata nito. “Ibig sabihin papayag ka nang makipag-date sa akin next week?”

“Pag-iisipan ko pa,” aniya at itinago ang ngiti sa pag-inom ng kape.

“Pumayag ka na. Pinag-iisipan ko na nga ang magiging date natin. Kung saan tayo magbe-breakfast at saan tayo magla-lunch. Naisip ko rin kung magandang mag-dinner sa yatch sa gitna ng lake…”

“Gusto mo na buong araw ako sa riding club?”

“Kung gusto mo doon ka na rin matulog.”

Lumikha ng ingay ang coffee mug nang ibaba niya sa mesa. “At sa palagay mo naman papayag akong sumama sa iyo at doon matulog?”

“Ayaw mo bang paggising mo makikita mo ang magandang view ng riding club? May guesthouse naman kaya hindi mo ako kailangang alalahanin. Gusto ko lang talaga na mag-enjoy ka doon.”

Mukhang inosente naman ang alok nito. Sa palagay naman niya ay hindi ito magte-take advantage sa kanya. Gusto rin naman niyang sumamang mamasyal dito sa Stallion Riding Club pero may pumipigil sa kanya.

“Excuse me, Ma’am. May itinatanong po ang customer natin. Hindi ko po kasi alam kung mayroon po tayo,” singit ni Kass.

Tumayo siya. “Excuse me. Aasikasuhin ko lang ang customer.”

“Sure. Dito lang naman ako,” sabi ni Zairo at nagbasa ng broadsheet. Hindi ito umaalis ng bookstore hangga’t wala pa itong tawag mula sa riding club.

Nilapitan niya ang customer na naghahalungkat sa mga mapa. “Yes, Ma’am?”

“DO you have a special terrain map of the Honduras jungle?”

Natigagal siya nang makita kung sino ang customer niya. Iyon ang babaeng kayakap ni Zairo. Naroon ba ito sunduin si Zairo? Baka mamaya ay nakarating na sa riding club ang madalas nilang pagkikita ng binata at minamasama nito.

“Miss, wala ba kayong ganoong klaseng map?” tanong ulit ng babae at kinagat ang labi. Mukha tuloy itong manyika. Ganito bang klaseng babae ang gusto ni Zairo? She looked so fragile. “Sa internet na lang ako oorder.”

“At ano ang gagawin mo sa special map, Sofiajade?”

Nagulat siya nang paglingon ay nasa likuran na niya si Zairo. His gentle eyes were suddenly hard. May babala sa mga mata nito. As if he was ready to start a war.

“I am off to Honduras. Ang sabi nila may panibagong virus na kumalat doon. Baka sakaling nandoon naman si Reiven ngayon,” kaswal na sagot ni Sofiajade.

Hinaklit ni Zairo sa braso si Sofiajade. “Halika! Mag-usap tayong dalawa.”

Pumiglas ang babae. “Ayoko! Kailangan ko pang mag-empake dahil mamaya na ang flight ko. Kapag nakipag-usap ka, daig mo pa ang sermon ng pari. Kasing haba rin ng prusisyon kapag fiesta sa Quiapo.”

“Dahil hindi ka naman nakikinig. Wala kang pakialam sa mga taong nagmamahal sa iyo. Wala ka talagang awa sa sarili mo.”

Bagamat may galit sa boses ni Zairo ay naroon pa rin ang matinding pag-aalala. Hindi rin nito ikinakaila ang pagmamahal sa babae. Ni hindi man lang nito inisip na naroon siya at naririnig ang mga sinasabi nito. Wala na ba itong pakialam kung ano ang pwedeng maramdaman niya?

“Miss, next time mag-stock kayo ng kung anu-anong terrain map ng kung anu-anong gubat sa mundo, ha?” sabi pa rin ni Sofiajade habang kinakaladkad ito palayo ni Zairo. “Thank you!”

Parang noon lang siya naalala ni Zairo at nilingon siya. “I will see you tomorrow, Trizia. Thanks for the coffee.”

Iyon lang? Thanks for the coffee? Wala nang ibang paliwanag?

Nagdadabog niyang iniligpit ang pinag-inuman nila ni Zairo at ang naiwang kalat nito. “Anong palagay ng lalaking iyon sa bookstore natin? Starbucks? Makikiinom lang siya ng libreng kape at aalis matapos magbasa ng diyaryo.”

“Ma’am, masyado naman kayong high blood. Steady lang,” pagkunsola sa kanya ni Bambina. “Samantalang kanina lang kilig na kilig kayo sa kay Sir Zairo habang pinag-uusapan ninyo ang date ninyo.”

Ihinampas niya ang diyaryo sa coffee table at nilingon ito. “Hindi! Hindi na ako makikipag-date sa lalaking iyon. Ni hindi ko na siya kakausapin.”

“Bakit naman, Ma’am? Mukhang excited pa mandin siya na ipasyal kayo sa riding club. Inggit na inggit nga kami,” panghihinayang ni Kass.

“Sa palagay ninyo tototohanin niyang makipag-date sa akin? Kita nga ninyo na may kasama siyang ibang babae. Nakalimutan yata niya na nag-e-exist ako sa mundo dahil sa babaeng iyon.”

Hindi niya maiwasang magngitngit. Nuknukan talaga siya ng tanga. Nakakalimutan na kasi niya na nag-e-exist si Sofiajade sa mundo oras na ngitian na siya ni Zairo. Kaya heto siya, nagmumukhang tanga kapag ipinagpapalit siya ni Zairo sa babaeng iyon.

“Ma’am, baka naman close friends lang sila. Kasi hindi ako malisyosa,” sabi ni Bambina. “Saka natural namang friendly si Sir Zairo.”

“Selos lang iyan, Ma’am Triz,” tukso sa kanya ni Kass.

“Hindi ako nagseselos!” mariin niyang tanggi at inirapan ang dalawa.

Hindi pa ganoon kaswerte si Zairo para pagselosan niya. Hindi nga niya ito gusto. Sa susunod, hinding-hindi na siya magpapadala sa ngiti nito.

“GOOD morning!” bati ni Zairo pagpasok ng bookstore.

“Good morning, Sir Zairo!” bati nina Bambina at Kass dito.

Pinisil nito ang pisngi ni Trizia na abala sa paglalabas ng book na on sale. “Good morning, Triz! Nagpaluto ako ng danggit saka tapsilog sa Lakeside Café. Baka kasi nagsasawa ka na sa pastries. Sabay na tayong kumain.”

Sinulyapan lang niya ito sa malamig na mata at ibinalik ulit ang tingin sa mga libro. “Kass, paki-salansan na ito sa labas.”

Parang hangin lang tuloy ang kausap ni Zairo. Pangangatawanan talaga niya ang pangako niya sa sarili na hindi na niya ito susulyapan pa. Nadala na siya sa nangyari nang nakaraang araw. Hindi na siya nito mapagmumukhang tanga.

Umuklo si Zairo sa tabi niya. “Pansinin mo naman ako. Gutom na gutom ako. Gusto kong mag-breakfast kasama ka.”

“Mag-breakfast na kayo, Sir. Nag-breakfast na ako,” aniya sa malamig na boses at binitbit ang mga libro.

Kinuha nito ang mga libro sa kanya. “Mamaya na iyan. Mukhang namumutla ka na. Hindi ka pa naman talaga nagbe-breakfast, di ba?”

Pilit niyang inagaw ang libro mula dito. “Hindi mo ba nakikita na nagtatrabaho ako? We are on sale. Uunahin ko pa bang magkaroon ng leisure breakfast kasama ka? I don’t have the luxury to do that.”

“Galit ka?” inosenteng tanong nito.

She blew out a frustrated breath. Why do men act as if they were always clueless? O sadyang insensitive lang ang mga ito?

“Hindi ako galit. Naiinis lang ako,” sarkastiko niyang sabi. “Nakita mo naman na nagtatrabaho pa kami dito. Nangungulit ka pa. Bakit hindi na lang ibang babae ang yayain mong mag-breakfast kung hindi mo kayang mag-isa. Maraming babae diyan sa labas. Mga fans mo na magpapakamatay para lang makasama ka.”

“Ikaw nga ang gusto kong makasama,” giit nito.

Hinarap niya ito. “Ayoko!”

Hindi niya makakalimutan nang basta na lang siya nitong iwan para sa ibang babae. Para sa katulad niyang nakaranas nang ipagpalit ng nobyo sa iba, isang rejection iyon sa lalaking nagsisimula na niyang magustuhan.

Tanga talaga siya kapag patuloy pa siyang nakipaglapit dito samantalang malinaw pa sa sikat ng araw na gusto nito si Sofiajade. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang bumabagsak sa mga lalaking di rin siya ang magugustuhan sa huli.

Hinarangan nito ang pinto nang palabas na siya. “Sige na. Payagan mo na akong mag-breakfast kasama ka tapos tutulungan kita sa sale.”

“Sir, bibilhin ba ninyo ang buong bookstore para lang makasama ninyong mag-breakfast si Ma’am Trizia?” tanong ng guard nila na si Mang Rene. Di ito palakibo pero nang mga oras na iyon ay bigla itong nag-comment. Mukhang nakikitukso na rin ito sa kanila ni Zairo.

“Higit pa diyan ang handa kong gawin, Mang Rene,” pagmamalaki ni Zairo.

“Puro ka salita. Tingnan ko lang kung may magawa siya,” bulong niya.

Oras kasi na mataas ang maging sales nila at maubos nila ang lahat ng items doon ay mabibigyan sila ng bonus. Hindi lang niya alam kung anong klaseng tulong ang pwedeng ibigay sa kanya ni Zairo.

Nakangiti itong tumayo sa likod ng platform na pinaglalagyan ng mga sale items nila na nasa labas ng bookstore. Biglang naghakutan sa harapan nito ang lahat ng mga babae na sanay nang mag-vigil sa harap ng bookstore makakita lang ang member ng Stallion Riding Club.

“Good morning, girls!” bati ni Zairo sa mga ito.

Nagtilian ang mga babae. Halos mabasag na nga ang eardrums niya sa labas. Mukhang magpapa-cute lang naman ito sa mga babae doon.

“May special sale kami ngayon. Kung sinuman ang makakabili ng item na worth five hundred, may libreng kiss sa akin,” anunsiyo nito.

Nagulat siya sa anunsiyong iyon. “Ano? Libreng kiss?”

Lalong nagwala ang mga babae sa labas. Nagkanya-kanyang dampot ang mga babae ng libro. “Pa-kiss na! Pa-kiss!”

“Para walang dayaan, magbayad muna kayo ng item sa cashier saka ninyo I-present sa amin ang receipt para ma-claim ninyo ang special gift ninyo,” paliwanag ni Kass na katulong na ni Mang Rene sa pagpigil sa mga nagwawalang customers.

Nag-thumbs up sa kanya si Zairo habang pinagkakaguluhan ang mga item sa harap nito. Paano ay parang hinipan lang ng hangin ang mga sale items sa harap nito. Daig pa ang dinaanan ng ipo-ipo. Inambaan naman niya ito ng suntok at inirapan. Sinabi na nga ba niya’t wala itong gagawing matino.

Mariin siyang pumikit at nagngingitngit na pumasok sa loob ng bookstore. Hindi talaga niya matatagalan na dinudumog ng maraming mga babae si Zairo. Parang hindi na kakayanin ng puso niya.

“Ma’am, ang saya hindi po ba? Malaki ang naitulong sa atin ni Sir Zairo,” tuwang-tuwang sabi ni Bambina na ganadong-ganado sa counter.

“Anong masaya doon? Nakita mo ba kung anong ginagawa ni Zairo? Kung sinu-sinong babae na lang ang hinayaan niyang humalik sa kanya!” tensiyonado niyang sabi. Kung pwede lang na bulyawan niya ang lahat ng mga babae na huwag nang hawakan pa si Zairo pero mapipigil pa ba niya ang gulo na si Zairo mismo ang nagsimula? Hindi talaga niya alam kung anong pumasok sa kukote nito.

“Ginawa lang naman niya iyan para sa inyo, Ma’am,” sabi ni Bambina. “I really find it cute. Nagsasakripisyo siya para sa inyo.”

“Sinabi ko bang magpahalik siya sa mga babae sa halagang five hundred pesos? Sino naman ang matutuwa?” ngitngit niya.

“Ako! May five hundred pa ako dito. Kayo muna ang magkaha, Ma’am. Bibili rin ako ng libro at makikisingit sa pila,” nakangising sabi ni Bambina.

“Isa ka pa! Mapagsamantala!” She dialed the Stallion Riding Club’s number. “Hello! Kindly connect me to your head security’s office.”

“To Mr. Myco Gosiaco’s office, Ma’am?”

“Yes. Tell her that it’s Trizia Kintanar from Four Leaf Clover Bookstore. We need additional security for Mr. Zairo Montevedra.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.