“Ah! Masakit talaga ang katawan ko!” usal ni Zairo habang minamasahe ito sa massage room nito sa sarili nitong villa sa Stallion Riding Club. Balinese ang style ng kuwarto at may dumadaloy pang tubig sa isang bahagi ng kuwarto kaya nakaka-relax. Maging siya ay inaantok na kundi lang niya ito pinakikiramdaman.
Ipinaling niya ang ulo sa direksiyon nito. Nakadapa din siya habang minamasahe ng isa sa mga VIP masseur ng Stallion Riding Club Leisure Spa. Napilit din siya ni Zairo dahil di daw ito magpapamasahe nang di siya kasama.
“Sino ba kasi ang may sabi sa iyo na magpa-harass ka sa mga fans mo. It was an open invitation. Para lang sa five hundred pesos, magpapahalik ka na. That was so cheap. Parang sinabi mo na carinderia ka na bukas sa kahit sinong gustong kumain,” madilim ang mukha niya sabi.
“That was a cheap shot for someone who helped you out. Iyon lang naman kasi ang naisip ko para pumayag kang mag-breakfast kasama ako.”
“Pareho lang naman tayong hindi nakapag-breakfast.”
Dahil ito ang dinumog ng mga tao, hindi tuloy maubos-ubos ang mga customer. Pati ang mga items na hindi na sale ay nabili din. Kung hindi pa sila nagdeklara na tapos na ang promo matapos ang dalawang oras ay di pa rin titigil sa paghangos ang mga tao.
“Naisama naman kita dito sa riding club dahil naubos ko ang lahat ng sale items mo and more,” abot-tainga ang ngiti nitong sabi nang biglang mapaigik sa isang parte na nadiinan sa balikat nito. “Ah! M-Masakit iyan.”
“Hindi lang naman halik ang ibinigay sa iyo ng fans mo. Mukhang ginulpi ka rin nila. Ngayon mo sabihin sa akin na nag-enjoy ka.”
Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala para dito. Dahil lang di siya pumayag na mag-breakfast kasabay nito ay malaki ang isinakripisyo nito.
“The pain is all worth it.”
Most of the time, she would call it stupidity. But deep in her heart, she knew it was a sweet gesture. Ginawa nito ang lahat para lang sa kanya.
“Narinig ko nang kausapin ka ni Myco Gosiaco kanina. Totoo ba na bibigyan ka ng disciplinary action ni Reid Alleje?” malungkot niyang usal.
“Bakit naman niya ako bibigyan ng disciplinary action? Wala naman akong nilabag sa mga rules and regulation niya dito sa riding club.”
“Pinababa mo daw ang market value ng mga lalaki dito sa riding club. He was shock to find out that you are only worth five hundred pesos.”
May reputasyon kasi na pinangangalagaan ang mga miyembro ng riding club. They were dubbed as untouchables. Di madaling lapitan. Dapat lang na tingalain.
Tawa lang ang isinagot ni Zairo. “Maniwala ka naman na parurusahan niya ako. Ano naman ang masama sa pagpapaligaya sa maraming kababaihan. Saka ginawa ko naman iyon para sa iyo.”
Parang nilulusaw nito ang puso niya. It was a silly gesture but she loved it. “Ayoko naman na pahirapan mo ulit ang sarili mo.”
“Hindi naman ako ang nagpapahirap sa sarili ko. You were the one who refused to join me for breakfast.”
“Ah! At kasalanan ko pa ngayon kung bakit nagkaganyan ka?”
Ngumisi ito. “Gusto ko lang na konsensiyahin ka.”
Nakonsensiya na talaga siya. Sa susunod talaga ay titiyakin niyang hindi na iyon mauulit. Nakita na kasi niya ang kayang gawin ni Zairo makuha lang ang gusto nito. Parang pinipitpit ang puso niya sa sobrang ngitngit habang nakikita niya itong hinahalikan ng ibang mga babae.
Matapos silang magpa-massage, inakala niyang makakatulog na si Zairo. Sa halip ay idinala siya nito sa likod ng villa nito kung saan may sarili itong paddock na may dalawang kabayo na naglalaro.
“Gusto mo bang mag-horseback riding?” tanong nito.
“Mukhang wala ako sa mood sumakay ng kabayo ngayon. Masakit pa ang katawan ko. Pero gusto ko lang silang titigan.”
“Nakaka-relax, hindi ba? Parang therapy sa akin na panoorin ang mga kabayo ko. Kapag malungkot ako, gusto ko lang silang panoorin.”
“Bakit? Malungkot ka ba ngayon?” Ipinatong niya ang braso sa ibabaw ng fence at ipinatong ang babae sa ibabaw niyon. “Sabagay ikaw ba naman ang ma-harass ng maraming babae, malulungkot ka nga.”
“No. I am not sad at all.” Sumampa ito sa fence at umupo sa ibabaw niyon. “Ito siguro ang araw na marami akong napasayang mga babae.”
Inirapan niya ito. “Nag-aalala pa mandin ako sa iyo pero mukhang wala naman pala akong dapat na ipag-alala.Nag-enjoy ka naman sa paghalik nila sa iyo.”
“Kita mo ‘to! Pinagselosan pa yata ang mga fans ko.”
“Nagseselos? Ako?” Namaywang siya. “Sige nga! Sino ba naman ang hindi magseselos kung iba’t ibang babae ang humahalik sa iyo sa harap ko pa!”
Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang panunukso sa labi nito. Then she realized that she said too much. Ipininid niya ang bibig niya.
Bumaba ito ng fence at ipinagpag ang mga palad. “Aha! So iyon pala ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa akin kanina.”
Iniwas niya ang tingin at inilagay ang kamay sa likuran niya habang dahan-dahang umuurong palayo dito. “No. I am simply annoyed.”
Mariin niyang pinagsalikop ang palad sa likod. Hindi na kasi niya alam kung ano pa ang dapat niyang ilusot dito. Wala na kasi siyang maidadahilan pa.
Sa kauurong niya ay di niya nakita na may bato palang nakausli. Natisod siya doon at napasigaw dahil patihaya siyang babagsak. Mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni Zairo. Nahigit niya ang hininga dahil malapit ang mukha nila sa isa’t isa. She could feel his breath caressing her skin. And it was making her feel sensual.
“Why do you keep on running away from the truth?” he asked hoarsely.
Napatitig siya dito. “What truth?”
“That you like me and you are really jealous.”
Pilit pa rin siyang umiwas ng tingin kahit sukol na sukol na siya. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.”
“Kung naiinggit ka dahil hindi ka nakasama sa pila ng mga humalik sa akin kanina, bumawi ka na lang ngayon.”
Nanlaki ang mata niya at nilingon ito. “Anong ibig mong sabihin?”
“You are free to kiss me all you want. Hindi kita sisingilin.”
Nanuyo ang lalamunan niya dahil napakalapit na ng mukha nila sa isa’t isa. she could freely kiss him anytime she wanted to. But she had never done anything so bold in her life. And she didn’t know if it was the right thing to do. O sadyang wala lang siyang lakas ng loob na gawin iyon.
She was tempted to take up his offer. She was simply tempted. Kaunti na lang at kalilimutan na niyang isa siyang dalagang may kahinhinang itinatago.
“Sa palagay ko hindi na kita pwedeng halikan.”
Ito naman ang nagulat sa sagot niya. “Bakit?”
“Tapos na ang promo kanina, di ba? Magpahinga na lang tayo. May trabaho ka pa mamayang gabi sa music lounge.” Ayaw naman niyang mapabayaan nito ang trabaho dahil sa kanya. “Babalik na rin ako sa bookshop.”
“Teka. Hindi ito ang usapan natin. Sabi mo hanggang mamayang gabi ka dito. Saka na kita ihahatid sa lodging house ninyo.”
Nakaabot sa kaalaman ng boss nila ang mataas na sales nila sa araw na iyon sa tulong ni Zairo. Isa lang ang kondisyon na hiningi nito. Ang mai-excuse siya sa natitirang oras ng trabaho niya bilang pasasalamat.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” kinakabahan niyang tanong.
Nakaiwas siya sa halik nito kanina. Paano kung sa susunod ay di na siya makatanggi? He didn’t know that the liberty he was giving her was dangerous. Dahil baka maging siya ay di rin makontrol ang sarili.
“Kwentuhan mo ako para makatulog ako.”
“Wala akong iku-kwento sa iyo.” Mukha namang hindi ito magiging interesado sa mga tsismis na nasasagap niya mula kina Kass at Bambina.
“Marami akong kwento na pwede mong basahin.”
Nang dalhin siya sa isang kuwarto, inakala niya na isa iyong nursery room. Puro kasi laruan ng mga bata. May isang cabinet din na puro children’s book at anime manga. “Kaninong kuwarto ito? Sa magiging anak mo?”
“No. Ito ang kuwarto ko noong bata ako. Nang ibenta ko ang dati naming bahay at nagpatayo ako ng bahay dito sa riding club, I decided to retain this one. Marami kasi akong memories sa kuwarto ko noong bata ako.”
Umupo siya sa rubber mat. Nalula siya sa dami ng mga laruan. “Wow! Noong bata ako, pangarap ko rin na magkaroon ng ganitong kuwarto. Iyong puro laruan. Masaya na kasi akong makipaglaro ng pitik bote saka patintero sa mga kalaro ko. Wala kasing gastos kapag iyon ang nilaro.”
“Well, I didn’t have the luxury to play with kids of my age like you did. Itong mga laruan lang ang kalaro ko.”
“Ano nga pala ang gusto mong basahin ko sa iyo?”
Pumunta ito sa shelf ng children’s book at kumuha ng isa. “Gusto ko ng The Five Chinese Brothers. I am really fascinated with this story.”
Hindi pa rin siya makapaniwala nang iabot nito sa kanya ang libro. “Sigurado ka? Gusto mong ito ang basahin ko sa iyo?”
Humiga ito sa kandungan niya. “Sige na. Iyan lang naman ang reward na hihingin ko sa iyo.” Pinagsalikop nito ang palad. “Please!”
“Okay. Basta huwag ka nang masyadong makulit.”
Sineryoso naman niya ang pagbabasa habang si Zairo ay tahimik na nakikinig sa kanya. He was like an attentive five years old kid. Not a thirty-one years old grown man. She was fascinated with the interest he was giving out.
Nangangalahati na ang binabasa niya nang mapansin niyang nakapikit na ito. Itinigil niya ang pagbabasa nang inangat nito ang kamay. “Trizia…”
“Hmmm…” aniya at inilapit ang mukha dito.
“Come here.”
Di niya inaasahan nang kabigin nito ang batok niya at naglapat ang labi nila. The sensual current that flowed between them surged into a current. Hindi niya inaasahan na matindi siyang maapektuhan sa simpleng halik lang. She totally lost her control. Zairo easily deepened the kiss and she just followed his lead.
Nararamdaman niya na nabubuhay ang bawat himaymay ng laman niya. His kiss made her feel heady yet alive.
Nobody made her feel that intensity before. It was pale compare to Toby’s kiss. Na hinahalikan lang niya dahil sa responsibildad niya bilang girlfriend niya.
Now she knew what she was missing. She was a boring girl for Toby because they didn’t have the chemistry. Ibang-iba sa nararamdaman niya kay Zairo.
Pero hindi siya ang babaeng nabubuhay lang dahil sa chemistry. It must be something deeper. After all, she wouldn’t want to kiss her with that intensity if she didn’t like him.
Nagtaka siya nang maramdaman niyang tumigil ito sa paghalik sa kanya. Nang iangat niya ang ulo niya ay natuklasan niyang nakapikit ito at mahimbing na natutulog. So much for their first kiss. NI hindi niya alam kung alam nitong nahalikan nga siya nito o kasalukuyan na itong nananaginip noon.
Inalis niya ang pagkakaunan ni Zairo sa kandungan niya. Kinuha niya ang comforter at kinumutan ito. Humiga siya sa tabi nito at sinaluhan ito sa comforter. Parang hindi na niya kayang iwan si Zairo matapos ang halik na iyon.
Next time he would kiss her, she would make sure that he is wide-awake.
“MY NEXT song is for my boyfriend-Neri,” anang si Kass na siya nang may hawak ng microphone. “My pledge of love cannot be broken.”
Umulan ng kantiyawan sa KTV room ng Lakeside Bistro and Music Lounge nang magsimulang kumanta si Kass. Ito kasi ang mahilig sa mga lumang kanta.
Maagang nagsara ang bookstore nila dahil wala na rin namang naka-stock na items para I-sale. Kinabukasan pa daw dadating ang ibang sale items nila mula sa ibang branch. Pero magiging normal nang sale ang mga dadating na araw. Hindi na kasi siya papayag na basta basta ipamigay ni Zairo ang halik nito.
At dahil medyo late na silang magbubukas ng bookstore kinabukasan, naisipan ni Zairo na I-treat sila sa videoke.
Natigilan siya sa pamimili ng kanta sa songbook nang mapansin niya na hanggang palakpak lang si Zairo. “May kanta ka na ba?”
“Hindi muna ako kakanta ngayon. Medyo nasermunan pa ako ni Reid kanina. Huwag ko na daw uulitin ang ginawa ko. Kaya hindi muna ako kakanta dahil baka dumugin na naman ako ng mga babae. Magpapataas muna ako ng market value. Saka ayokong masyadong magselos ang isang babae dito.”
“Nagtatanong lang ako kung may kanta ka na. Madami ka nang sinabi.”
Mas maaga siyang nagising kay Zairo kaya iniwan na niya itong mag-isang natutulog at sa guestroom niya ipinagpatuloy ang pagtulog. Wala siyang naririnig na kahit anong komento mula dito. Mukhang hindi nito naalalang hinalikan siya nito.
Hindi niya alam kung dapat nga siyang makahinga nang maluwag o mainsulto. It was their first kiss. Tapos ay wala itong maalala. Nakakainsulto. Pero kung wala naman itong maalala, hindi na niya kailangang mailang.
“Sir Zairo, mag-duet tayo,” yaya ni Kass dito at inaabot ang microphone.
“Hindi ko alam ang kanta na iyan,” tanggi ni Zairo.
“Sige na. Pagbigyan mo na sila. Minsan ka lang naman mapapahiya,” nakangisi niyang sabi.
Matalim siya nitong tiningnan nang matalim at inabot ang microphone. He cleared his throat several times. Sa huli ay di rin naman ito kumanta. Nauwi rin sa kantiyawan ang lahat nang bitiwan nito ang microphone.
“Next time na lang. May kakausapin lang ako sa labas.” Nang lumingon siya ay nakasilip sa pinto si Myco. Nang tumayo si Zairo ay agad ding nawala si Myco sa pinto. “Babalik din ako agad,” sabi nito pagdaan sa kanya.
Inaliw na lang niya ang sarili sa pagkanta kasama ang mga tauhan at ang nobyo ng mga ito. Makalipas ang kalahating oras ay di na bumalik si Zairo.
“Titingnan ko lang si Zairo sa labas.” Hinanap niya ang binata sa bar subalit wala ito doon. Nagtanong siya sa isa sa mga waiter. “Si Sir Zairo mo?”
“Nasa labas po, Ma’am. Kausap pa rin ni Sir Myco.”
Paglabas niya ay nakita niya ang dalawa na masinsinang nag-uusap sa may bench. Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya maingat siyang lumapit.
“Tell Sofiajade that I won’t send any help. Pumunta siya sa Honduras, kusa siyang bumalik dito. Kung mahal niya ako, susundin niya ako.”