Ayaw na sanang pakinggan pa ni Trizia ang pangalang Sofiajade mula sa mga bibig ni Zairo. Ayaw na sana niyang marinig ang pagmamahal nito para sa babae. Subalit sadyang napagkit na ang paa niya sa kinatatayuan. Nagkasya na lang siyang makinig sa usapan ng dalawa kahit parang madudurog ang puso niya.
“She’s too stubborn, Kuya Zai. Kung hindi daw tayo magpapadala ng tulong sa kanya, mamatay na lang daw siya doon. Basta hindi daw siya uuwi sa Pilipinas hangga’t hindi niya naibabalik dito si Reiven.”
“Reiven! Puro na lang Reiven. Ito ang tandaan mo. Oras na bumalik siya nang buhay dito sa Pilipinas, ikukulong ko na siya sa riding club. Kung kailangang gumawa tayo ng bahay na di niya basta basta malulusuta ang security. Iyong hindi siya basta-basta makakalabas kahit na anong gawin niya, gawin natin para hindi na siya mapahamak.”
“Kuya, siya lang din ang may kakayahan na gumawa ng ganoong klaseng technology. She’s the best inventor Hinata Industries ever got.”
“Ibig sabihin hindi rin natin siya maikukulong dito?”
“She could easily create another gadget to escape.” Tumayo si Myco. “Susubukan kong magpaalam kay Sir Reid. I will go to Honduras myself to fetch her. Alam ko na hindi siya pwedeng magtagal doon.”
Mabilis siyang tumalikod bago pa malaman ni Zairo o ni Myco na naroon siya. Subalit sa malas ay nakita siya ng huli. “Kuya Zai, hinahanap ka na yata sa loob.”
“Trizia, sandali na lang. Tatapusin ko lang ito.”
“No. Take your time. Kung sakaling nakakaabala man kami dahil may importante kang inaasikaso, pwede namang umuwi na lang kami.”
Alam naman niyang si Sofiajade lagi ang priority ni Zairo. Parang sinisilihan siya sa riding club kung alam niyang kahit siya ang kasama ni Zairo ay si Sofiajade naman ang lagi nitong iniisip.
“Tell Sofiajade to come back!” mariin niyang utos. “Tell her that I want to have a decent date for once. If she’s willing to come home, I will send a Lear Jet to fetch her or arrange a chopper if needed.”
“I will tell her just that,” sabi ni Myco.
Saka lumapit si Zairo sa kanya at inakay siya sa pabalik ng music lounge. “I am sorry to keep you waiting. Nainip ka ba?”
“Hindi. Nag-alala lang ako dahil natagalan kang bumalik.”
“Sofiajade is giving us a headache. Nagpilit pa rin siyang pumunta sa Honduras kahit na delikado. Gusto lang namin na umuwi na siya.”
“Kung importante siya sa iyo, sundan mo siya. Mukhang delikado pa ang buhay niya,” suhestiyon niya. Hindi niya maiwasang mainggit kay Sofiajade. She could easily get Zairo’s attention. Bakit kailangan pa nitong pahabulin dito ang lalaking nagmamahal dito at pahirapan? Kung siya ang nasa kalagayan nito, hindi na siya aalis pa sa tabi ni Zairo.
“Alam kasi niyang hindi ko siya matitiis kaya namimihasa. Kahit na ano pang gawin niyang pagkakamali, alam niyang tatanggapin ko pa rin sya. And she would always end up crying on my shoulder.”
Nanlumo siya. Sino bang lalaki ang ilang beses nang iniwan ng isang babae pero tatanggapin pa rin nito. Walang karapatan si Sofiajade na saktan si Zairo! She was really starting to hate that girl.
“Mukhang mahal na mahal mo siya.”
“Of course. She is my princess.”
Princess. Like the ones in fairy tales that he loved to read. Lalo lang siyang naiinggit kay Sofiajade. Ano pa ba ang naibibigay dito ni Zairo na lalong magdadagdag ng sugat sa puso niya?
“Mas mabuti nga siguro na sundan mo na lang siya. Huwag ka nang makipagmatigasan. At kapag naibalik mo na siya, huwag mo nang pakawalan.”
“Mas magiging safe ang retrieval sa kanya kung si Myco ang magbabalik sa kanya. Saka kaya hindi ako magka-girlfriend dahil wala na akong ginawa kundi sundan nang sundan ang pinsan ko na iyon. Nakakapikon na.”
“Pinsan? Pinsan mo si Sofiajade?”
Nilingon sia nito. “Hindi ko ba nasasabi sa iyo na siya ang nag-iisang pinsan kong babae? Kaya nga prinsesa ko iyon. Kahit anong gawin niya wala akong magawa. Kailangan kong laging pagbigyan.”
Tumango-tango siya. “Oh, I see! Kaya pala niyakap mo siya dati…” bulong niya. At hindi man lang naiilang si Zairo na maging malambing kay Sofiajade kahit na kaharap siya dahil wala namang ibang relasyon ang mga ito.
“Bakit? Ano ba ang akala mo?”
She smiled sheepishly. “That you are in love with her. Kaya nga ready ka na iwan ang lahat para lang sa kanya.” Kasama na siya.
“Huh! Hindi ko ma-imagine na magkaka-girlfriend ako tulad niya. Parang ginawa ko lang miserable ang buhay ko kapag kasama ang isang babae na hindi ko makokontrol, matigas ang ulo at hindi marunong makinig. I am always a failure when it comes to protecting her,” malungkot nitong sabi.
“Okay lang iyon. Makakabalik din siya ng ligtas dito.” She was relieved! Wala naman pala siyang dahilan para magselos.
“Sandali. Ibig sabihin kaya hindi mo ako pinapansin nang magkita kami ni Sofiajade sa bookstore mo dahil akala mo girlfriend ko siya?” Pumalatak ito. “Kaya pala selos na selos ka.”
Humalukipkip siya. “Ano ba ang dapat kong gawin sa isang lalaki na nagyayayang makipag-date kahit na alam kong may girlfriend na? Dapat lang na hindi ko na I-entertain, hindi ba?”
“Sa palagay mo ba titiisin kong magpahalik sa ibang babae at bumaba ang market value ko para sa iyo kung may girlfriend ako?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam!”
Her mind was already clouded that time; she didn’t have the rationale at all. Lagi namang nagugulo ang mundo niya basta’t nasa paligid si Zairo. At kahit pa alam niyang mali, hinayaan pa rin niya ang sarili na madala dito. Nagpapasalamat na lang siya na mali pala ang mga hinala niya.
Niyakap nito ang baywang niya. “Why do I find it cute whenever you are jealous? Pakiramdam ko masyado akong nagiging guwapo?”
“Bakit kailangan mong laging itanim sa isip mo na lagi akong nagseselos?”
His fingers slowly traced the contours of her face. “Because you are. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ako naiinis. Natutuwa pa nga ako. Lalo na kapag iniirapan mo na lang ako basta may lalapit sa aking babae.”
Iniwas niya ang tingin. “Hindi ko ginagawa iyon.”
Pilit nitong ipinaling ang mukha niya paharap dito. “Pero alam mo ba kung saan ka pinakamaganda. It was the moment when I kissed you.”
Her jaw dropped. “Hinalikan mo ako? Kailan mo ako hinalikan?” hamon niya.
“Kanina. Bago ako matulog.”
“You are lying. Paano mo naman masasabing maganda nga ako kung nakapikit ka naman habang ginagawa mo iyon.”
Ni hindi nga nito namalayan na nakatulugan na nito ang paghalik sa kanya. Akala naman nito ay madadala siya sa pambobola nito.
Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. “I don’t have to see your face then. I saw it through my heart.”
His eyes held hers in a long silent moment. Parang gusto niyang basahin kung seryoso nga ang sinabi nito. And he was willing to prove it.
The next moment, he was kissing her tenderly. It was not the dozing kiss. It was livelier and more passionate. She was more aware of his every movements, every touch and caress. She felt like she was burning and soaring at the same time.
Hinihintay na lang niya na matapos iyon katulad noong una subalit mukhang hindi na nga makakatulog pa si Zairo tulad kanina. Kung hindi pa siya kakapusin ng hininga, hindi pa niya babawiin ang mga labi mula dito.
Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Parang siya naman kasi ang hindi makapaniwala ngayon na hinalikan ulit siya nito. “Totoo na ito? Hindi ka na natutulog? Hindi ka lang nananaginip?”
“Sino naman ang may sabing nananaginip lang ako? Gising din naman ako noon. Sobrang pagod lang kaya nakatulog agad ako.”
“I don’t know if I should be relieved now that you knew that we kissed.”
“I won’t make fun of your weakness!” wika nito subalit pinipigil na tumawa.
“Subukan mo lang na pagtawanan ako. Saka hindi naman iyon ang inaalala ko.” Pabiro niya itong sinuntok sa balikat. “Ikaw kasi! Hindi mo lang alam na hiyang-hiya ako nang malaman kong nakatulog ka. I must be really a lousy kisser. Hindi na ako magtataka kung bakit ipinagpalit ako ng boyfriend ko sa iba.”
Niyakap siya nito. “That is not true. You are not a lousy kisser. Iyon ba ang sinabi sa iyo ng boyfriend mo? Masasaktan siya sa akin!”
“No. hindi niya sinabi na lousy kisser ako. Dahil ako mismo ang susuntok sa kanya. He just told me that I am boring.”
“You are not boring!”
“At wala daw akong ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto ko. Wala daw siyang boses sa relasyon namin.”
Umiling si Zairo. “No. You are compassionate and considerate. Nakita ko iyon nang magpatawag ka ng security para sa akin. Then you cancelled the sale. Samantalang pwedeng-pwede ko namang ipaubos ang mga items ninyo.”
“Hindi na. Nakita ko naman na pagod na pagod ka na. Saka ano naman ang gagawin ng mga fans mo sa santambak na libro?”
“Magbasa lang sila nang magbasa para di naman sila laging nakabantay sa labas ng riding club. Medyo magsusuplado muna ako ng konti sa kanila. Magpapataas lang ako ng market value.”
“Enough of that market value! Hindi naman iyon ang tinitingnan ko sa iyo.”
Hinaplos nito ang sariling baba. “Then tell me. Bukod sa alam ko nang guwapo ako.”
“You make me feel special in your own way. Hindi mo kailangang maging sunud-sunuran sa mga gusto ko. You defy it most of the time. Pero hindi ko pa rin nararamdaman na binabalewala mo ako. Habang nag-aalala ako sa iyo, mas lalo ko lang nararamdaman na espesyal ka sa akin. You see, you can easily make me fall for you. And that is weird. I always prided myself that I am not an easy girl.”
“You are not.”
Tiningala niya ito para makita ang katotohanan sa mga mata nito. “Am I not? Iyong ex-boyfriend ko ilang taon akong niligawan bago ako sinagot. Habang hindi mo pa naman ako nililigawan, advance na ang stage natin.”
Napakadali para dito na I-persuade siyang yakapin ito o halikan. She was never a physical person. Pero napakadali niyon pagdating kay Zairo. Hindi rin siya nahihirapan na mag-open ng nararamdaman niya dito. Madali rin kasi dito na basahin ang lahat ng ikinikilos niya. And it was easy for him to make her weak. Maging ang pinaniniwalaan niyang tama at mali ay nababaligtad dahil dito.
“Bukod kay Sofiajade at Myco, ikaw lang ang nakakaalam ng sekreto ko. That I still keep my old room as a kid. Pero ikaw lang ang nakakaalam na gusto ko pa rin na magbasa ng mga children’s stories hanggang ngayon.”
Kumunot ang noo niya. “Hindi mo pa yata sinasabi sa akin kung bakit gusto mo pa ring magbasa ng children’s stories.”
Saglit na dumaan ang lungkot sa mga mata nito subalit mabilis din itong ngumiti. “Saka na tayo magkwentuhan tungkol diyan. Baka nag-aalala na rin sila sa atin dahil pareho na tayong hindi nakabalik sa KTV room.”
“Ibig bang sabihin kakanta ka na para sa akin?”
Tumigil ito sa paglalakad at matiim siyang pinagmasdan. “Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Just don’t make me sing.”
“Bakit?”
“It would be the death of me.”
“Bakit?” usisa pa rin niya.
“Magiging negative na ang market value ko. Baka biglang magbago ang isip mo at hindi ka ma-in love sa akin.”
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Wala siyang pakialam kung bumaba man o maging negative ang market value nito. She would always value him highly. At willing siyang maging tone deaf para dito.
“THE Search for Mister and Miss Stallion Riding Club. Parang exciting sumali,” sabi ni Trizia habang akay ang kabayo ni Zairo na si Dunhill at pinagmasdan ang banner na nakasabit sa labas ng Lakeside Bistro and Music Lounge.
Katatapos lang niyang mag-practice sa pagsakay ng kabayo. Matapos iyon ay inikot nila ni Zairo ang Stallion Riding Club. Nasa labas sila ng Lakeside Bistro and Music Lounge nang makita niya ang karatula. Doon daw kasi gaganapin ang talent portion ng pageant.
“Para lang iyan sa member ng riding club at sa mga empleyado dito. Isang member ang kukuhanan ng ka-partner na si Reid Alleje mismo ang pumili,” paliwanag ni Zairo sa kanya.
“Ikaw? Bakit hindi na lang ikaw ang sumali?”
“Sasali ba ako diyan kung hindi kita kasama?” Ginagap nito ang kamay niya. “Baka mamaya sa iba pa ako I-partner, mamatay ka na naman selos.”
Iniikot niya ang mga mata. “Hindi na yata ako selosa.”
Isang buwan na niyang nobyo si Zairo. Parang hindi na nagtaka ang marami dahil madalas na silang makitang magkasama sa bookstore pa lang. Unti-unti na siyang nasasanay sa pagdalaw-dalaw sa riding club. Noong una ay parang hindi siya makahinga dahil maraming rules and regulation. Sa huli ay madali na lang para sa kanya ang makisabay sa iba. Marunong na rin siyang sumakay sa kabayo.
Humahangos na lumapit ang tauhan ni Zairo sa music lounge na si Aya. Umiiyak itong yumakap kay Zairo. “Sir, ayoko nang sumali sa contest. Ayoko na pong ka-partner si Sir Danrick.”
“Sabi ko naman sa iyo pagpasensiyahan mo na lang. Masungit iyon.”
Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan si Zairo. Basta may babaeng lumapit dito na umiiyak, balewala lang dito na yakapin ito kahit na kaharap siya. Akala niya ay kay Sofiajade lang ito ganoon dahil pinsan nito.
“Trizia,” untag sa kanya ni Zairo. “I will call the stable manager to pick Dunhill up. Pumunta ka muna sa Lakeside Café. May importante lang kaming pag-uusapan nitong si Aya.”