Tahimik lang si Trizia at pinakinggan ang kwento ni Zairo. Iyon siguro ang oras na hinihintay niya para mas maintindihan niya ito. Para masagot ang mga tanong niya. He was ready to pour his heart out on her.
“Dati masayahin si Mommy. We used to be a perfect family. And the fondest memory of her was when she read those stories with happy ending to me. Lagi niyang sinasabi sa akin na dapat daw akong maging perfect prince sa lahat ng mga princess na makikita ko. And I should treat every girl as a princess.”
“Then what happened?”
Sa kabila ng madilim na ilaw, nawala ang pagiging mapangarapin sa mga mata nito. Napalitan iyon ng lambong. “Nagkaroon ng ibang babae si Daddy. Lagi na lang ginagabi si Mommy kasusunod kay Daddy kung saan-saan. Tumigil na rin si mommy sa pagbabasa ng fairy tale sa akin. Kung makakauwi man siya nang maaga kasama si Daddy, lagi ko na lang siyang naririnig na umiiyak. Ganoon sila. Laging nag-aaway hanggang maging teenager ako.”
“And it was not easy for you growing up.”
It must be tough for the kid he was back then. Hindi naman bago sa kanya ang mga magulang na nag-aaway. Ang mga kapitbahay nila ay ganoon din. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagbabatuhan ng mga gamit sa bahay at mura. Pati ang mga anak ng mga ito ay naaapektuhan na. Kung hindi nag-drugs ay maaga na lang nag-asawa para takasan ang masalimuot na buhay-pamilya.
“You can say that again. Minsan gusto ko na lang tumakas sa bahay. Gusto kong tumira na lang sa lola ko sa States. Pero hindi ko naman maiwan si Mommy. Ako lang kasi ang matatakbuhan niya. Kung gusto niyang may makasama kapag natutulog, tatabi siya sa akin. Hindi na nga lang fairy tales na may happy ending ang iku-kwento niya sa akin. Lagi na lang niyang pinauulit-ulit sa akin kung gaano kamiserable ang buhay niya sa Daddy ko.”
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. That one was torture. Hindi niya alam kung paano iyon dadalhin ng isang bata. Parang pinasan na nito ang problema. Ito ang naging sandalan ng mahina nitong ina. At hindi niya natitiyak kung dapat nga sa isang bata ang ganoon kabigat na responsibilidad.
“Kung nahihirapan siya, bakit hindi na lang niya iniwan ang daddy mo?”
Malungkot itong ngumiti. “I told you that she is not that strong. Hindi niya kayang mawala si Daddy sa buhay niya. Masokista yata si Mommy. Kahit na nasasaktan siya, wala pa rin siyang pakialam. Basta kasama daw niya ang mahal niya at nasa amin pa rin si Daddy, buo pa rin ang pamilya namin.”
“And are you happy with her decision?”
“We grew up in a clan where couples should stay together. Mas gugustuhin pa ni Mommy na manatiling buo ang pamilya namin kahit na nasasaktan siya. Kung ako ang tatanungin mo, gusto ko lang siyang maging masaya. Maybe she thought that staying with my Dad was the right thing. Sinasabi niya na doon siya masaya. Pero alam kong sa puso niya, hindi iyon ang nararamdaman niya.”
May ganoon namang mga tao. Bukod sa sobrang pagmamahal sa isang tao, nadadagdagan pa ang takot na I-criticize ng iba. Napakadali sa iba na manghusga kung ano ang tama at mali nang di ikinokonsidera ang paghihirap ng iba.
“Nagbago rin ba ang daddy mo sa huli?”
Lumabi si Zairo at umiling. Bakas niya ang matinding hinanakit sa mata nito. “Namatay sila ni Mommy sa isang car accident.”
Natutop niya ang bibig. “I am sorry.”
“Gusto kasi ni Mommy na pigilan siyang umalis. He wants to have an annulment then. May babae daw siyang gusto niyang pakasalan. Hindi pumayag si Mommy. Sabi ng mga pulis nag-agawan sila sa manibela. Perhaps it was a desperate attempt on my mom’s part to save their relationship. In a way, natupad din ang hiling niya na magkasama sila ni Daddy hanggang sa huling sandali.”
She could see bitterness in his eyes. Napaka-positibo kasi ng outlook nito sa buhay. Parang di nito pinagdaanan ang mga ikinuwento sa kanya.
“Iyon ba ang dahilan kung bakit malapit ka sa mga babae? Kung bakit pakiramdam mo responsibilidad mo na pasayahin sila?”
“Naalala ko lang ang sinabi ni Mommy sa akin na dapat pasayahin ko ang mga babae sa abot ng makakaya ko.”
“At iyon naman ang ginawa mo.”
Hinaplos nito ang noo niya para tanggalin ang pagkakakunot niyon. “Nagbibigay lang ako ng advice sa kanila. I am willing to comfort and cuddle them if needed. Parang ako ang official Kuya sa riding club. Lahat ng mga kailangan ng tulong, sa akin lumalapit.”
“Effective ba naman ang mga advice mo sa kanila?”
Tumango ito. “They listen. Kahit na may ulterior motive ang ibang babae sa akin at gawa gawa lang ang mga kwento para lang may dahilan para lumapit sa akin, binibigyan ko pa rin sila ng advice.”
“At naiintindihan ba iyan ng mga girlfriend mo?”
Mariing nagdikit ang labi nito at huminga nang malalim. “Well… that one… Hindi pa ako nagkaka-girlfriend kahit minsan.”
Napanganga siya. “What?”
“Ikaw ang first girlfriend ko.”
Hinilot niya ang sentido niya. Hindi niya inaasahan ang sagot na iyon. “With the man you are right now, imposible na hindi ka magka-girlfriend. Kahit sinong babae pwedeng ma-in love sa iyo.”
“Yeah! Yeah! I know. Pero parang mga kapatid na babae lang kasi ang tingin ko sa kanila. Basta gusto ko lang silang bigyan ng advice o pasayahin.”
“Sa galing mong mambola, wala ka talagang naging girlfriend?” paniniyak niya. Parang isang malaking kalokohan kasi iyon.
“Huwag mo nang ipagdiinan. Bumababa ang market value ko.” He laced his fingers with hers. “Ang totoo takot akong makipagrelasyon.”
“Ano naman ang ikakatakot mo? Perfect boyfriend material ka nga.” Sa tingin kasi niya ay wala nang hihilingin na iba pa ang babae dito.
“Paano kung masaktan ko ang girlfriend ko?”
“Ikaw na rin ang nagsabi na hindi iyon maiiwasan kung minsan.”
“Hindi ko pa rin yata kayang makakita ng babae na nasasaktan dahil sa akin. Well, everything changed when I met you.”
“Ano naman ang kaibahan ko sa mga babaeng binibigyan mo ng advice? Pare-pareho lang naman kaming problema sa buhay.”
Minsan kasi ay parang ordinaryong parte lang siya ng buhay nito. There was nothing really special about her.
“You never asked for my advice. Saka ikaw lang ang nag-iisang babae na tumanggi sa advice ko. Sinigaw-sigawan mo pa ako.”
Tinakpan niya ang mukha. “Sige. Ipaalala mo pa ang kahangalan mo.”
“And you were the first girl who walked out on me. You really fascinated me then. Walang epekto sa iyo kung guwapo man ako.”
“Galit nga ako sa mga guwapo. Mas guwapo, mas maraming babae. Lamang ka kaya ng sampung paligo sa ex-boyfriend kong taksil.”
Pinisil nito ang baba niya at tinitigan siyang mabuti. “Nang sagipin kita sa mga lalaking gustong kumuha sa iyo, I really wanted to stay beside you. Di mo lang alam kung ilang beses kong isinumpa ang ex-boyfriend mo. And I told myself that the next time we meet, I will ask you if I could replace him.”
“Hindi mo ba iyon naiisip sa ibang mga babaeng nagustuhan mo o nanghingi ng advice sa iyo?”
Umiling ito. “Kapag naisip ko na magiging boyfriend ako ng isa sa kanila, natatakot na lang ako. They looked so fragile.”
“At hindi ako masyadong fragile?”
“You are strong. Ikaw ang klase ng babae na hindi kailangang laging maging on guard ang isang lalaki. May mga pagkakataon na handa kang tanggapin ang mga kahinaan ko. And you accepted me despite my flaws.”
“Anong flaw ang sinasabi mo? Because you still keep your room as a kid? At mas nakakatulog ka ng mahimbing kapag binabasahan ng fairy tale. Hindi ba nakakababa iyon ng market value?”
Humiga ito sa kandungan niya. “As if you care about the market value. You never really cared about that.”
She rubbed the tip of her nose against his. “Simple lang naman ang gusto ko. I want loyalty and fidelity. Gusto ko lang ng isang lalaki na hindi ako intensiyon na saktan at magiging totoo sa akin.”
Naging malamlam ang mga mata nito. “But I am not that perfect for you, right? Kahit na anong gawin ko, nasaktan pa rin kita sa huli.”
Nagulat siya. Paano nito nalaman?
“Siyempre hindi. Wala ka namang ginagawang masama…”
“Kung wala akong ginagawang masama, bakit hindi mo ako halos kinakausap nitong nakakaraang araw?” Napipilan siya nang pilit nitong hulihin ang mga mata niya. “Alam ko na may problema tayo. Ilang araw na nga akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip kung anong problema.”
“Hindi naman ikaw ang problema. It is just me. Hindi ko matagalan na may nakita kang niyayakap na ibang babae.”
“Babae? Sinong babae?” inosenteng tanong nito.
“Iyong mga babae na binibigyan mo ng advice at tumatakbo sa iyo. Bawat isang lumapit sa iyo, basta mo na lang yayakapin tapos kalilimutan mo na ako.”
Bumangon ito at kinintalan siya ng halik sa labi. “Triz, I am sorry. Wala ka namang dahilan para magselos. Nasanay lang ako…”
“I know. You still have this superhero complex to come to every woman in need’s rescue. Siguro masyado lang akong selfish. Ayoko ng may kayakap kang iba. Wala naman sa akin kung magbigay ka ng advice. Basta gusto ko ako lang ang yayakapin mo. Magagalit ka siguro sa akin pero iyon ang nararamdaman ko.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “I am sorry if I hurt you. Ni hindi ko man lang napansin na iyon ang ikinasasama ng loob mo.”
“I know it is silly. Pero selosa talaga ako.”
“Walang malisya iyon. Pero dahil girlfriend na kita, dapat siguro akong maging aware sa susunod na may tatakbong babae sa akin at yayakap.”
“Okay na sa akin iyon.” Gumaan ang pakiramdam niya. It was finally off her chest. At nagawan na rin nila ng solusyon. Noon niya naramdaman na nasa isang relasyon nga niya. Iba sa ‘perpektong’ relasyon nila ni Toby. “Uuwi na ba tayo?”
Kinuha nito ang story book ni Mulan na binasa niya kanina at humiga sa kandungan niya. “Basahin mo naman para sa akin.”
Nang simulan niyang basahin ang libro ay unti-unting pumikit ang mata nito. Mukhang doon na sila matutulog ni Zairo sa bookstore.
“WOW! Ito pala ang Divisoria,” nanlalaki ang matang sabi ni Zairo habang nasa labas ng Tutuban Mall. Fascinated na fascinated ito sa mga panindang nakikita. Lalong nanlaki ang mata nito nang makita ang presyo ng mga paninda. “Talaga? One hundred lang itong sapatos?” Hinatak siya nito sa mga nakalatag na doll shoes sa platform. “Mamili ka ng sampu, Trizia. O kahit dalawampu pa.”
Siniko niya ito dahil pinagtitinginan ito ng ibang mga tao. “Huwag ka ngang maingay. Pinagtitinginan tayo ng mga tao.”
“Ayaw mo ba ng sapatos? Bag na lang. Ako ang bahala kahit ilan ang gusto mo. Mas maganda pala na dito mag-shopping.”
Nasa Divisoria sila para mamili ng materials na gagamitin sa float nina Danrick at Vienezze sa Mister and Miss Stalllion Riding Club. Walang representative ang Lakeside Bistro and Music Lounge dahil sa pag-urong ni Aya. Kaya naman si Vienezze na pumalit dito ang susuportahan nila.
“Kaya nga kita sinamahan dito dahil alam kong mas makakamura tayo dito kaysa naman umupa pa tayo ng professional designer para sa float. Pwede namang tayo na ang mag-design.”
Nakontrata na nila si Illyze na isang professional artist para sa disenyo ng float. Willing din daw itong gumawa ng hand painting sa gown na isusuot ni Vienezze. Ancient civilizations ang theme ng mga float.
“Triz, gusto ko rin ng bubbles,” bulong nito sa kanya at itinuro ang paninda ng isang lumang taong gulang na bata. “Bilhin natin lahat.”
Hila-hila niya ang kamay nito dahil natatakot siya na magkahiwalay sila sa Divisoria. Kahit ang wallet nito ay isinuko nito sa kanya dahil hindi ito sanay na mamili sa ganoon karaming tao. Baka madukutan pa ito.
“Ano iyan? Nainggit ka kaya maglalaro ka rin?”
“Masyado siyang bata para magtrabaho. Bilhin na lang natin lahat ng paninda niya para makauwi na agad siya sa bahay nila at makapag-aral.” Itinuro nito ang isa pang bata na nagtitinda ng plastic bag. “O! Pati ang batang iyon.”
“Zairo, kung bibilhin mo ang lahat ng paninda ng mga bata dito sa Divisoria wala na tayong mabibili.”
“Katulad ko rin kaya sila? Nag-aaway rin kaya ang magulang nila? Gusto ko silang tulungan. Kunin ko kaya silang scholars. Para hindi na nila kailangan na masyadong magtrabaho. Dapat sa kanila nag-aaral na lang.”
Hindi lang pala sa mga babae malambot ang puso nito kundi maging sa mga bata. Kailangan na siguro nilang bilisan ang pamimili dahil baka kung ano na namang ideya ang pumasok sa isip nito.
Nagulat siya nang hatakin siya nito sa tindahan ng mga laruan. Kinuha nito ang maliit na stuffed toy na aso na kapag pinindot sa dibdib ay tumatahol. “Bumili rin tayo ng marami nito. Tapos ilalagay ko sa kuwarto ko.”
“Sige na. Tutulungan na kitang mamili.”
Abalang-abala siya sa pamimili ng laruan nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nagulat siya nang makita si Toby at kasama pa ang buntis na si Macy. “Trizia,” tawag ni Toby sa kanya.
Biglang tumingin sa kanya si Macy na namimili rin ng laruan. Nakita niya ang pagkabahala sa mga mata nito nang makita siya. Hindi nga naman maganda ang una nilang pagkikita at nakapagsalita siya ng hindi maganda sa mga ito.
Ngumiti siya. “Hi! Of all places, dito pa pala tayo magkikita.”
“K-Kumusta ka na?” tanong ni Toby na di maalis ang titig sa kanya.
“Great!” Tinapik niya si Zairo. “This is my boyfriend, Zairo Montevedra. Zai, si Toby at asawa niya, si Macy.”
She felt Zairo stiffen. Di marahil inaasahan na makakaharap ang dati niyang nobyo. Sa huli ay kinamayan din nito ang dalawa. “Nice meeting you.” Ngumiti ito kay Macy. “Ilang buwan na ang tiyan mo?”
“Manganganak na ako next month,” mahinang sagot ni Macy. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Napansin niya ang parehong pagpayat nito at ni Toby. Mukhang nahihirapan ang mga ito dahil sa pagbubuntis ni Macy.
“Wala ka na daw sa dati mong trabaho,” sabi ni Toby.
“Lumipat na ako ng branch. Manager na ako sa malapit sa Stallion Riding Club. Kung free kayo, pasyalan ninyo ako minsan.”
Nagtataka siya kung paano niyang nakakausap si Toby na parang isang dating kaibigan lang niya ito. Na parang wala silang gulong pinagdaanan. At higit sa lahat, parang isang panaginip lang ang tatlong taong relasyong nagdaan sa kanila.
“Aalis na rin kami,” sabi ni Macy. “Mamimili pa kami ng gamit ng bata.”
“Sandali! Dalhin na rin ninyo ito para sa magiging baby ninyo.” At inabot ni Zairo ang isang malaking stuffed toy na Barney’s.
“Huwag na! Nakakahiya naman,” tanggi ni Macy.
“Kunin na ninyo. Mahilig kasi si Zai sa mga bata,” sabi niya.
Atubili iyong tinanggap ni Macy at tuluyan nang umalis ang dalawa. Sa gulat niya ay bigla siyang inakbayan ni Zai. Nang tumingala siya ay nakatingin ito sa direksiyong pinuntahan nila Toby.
“Bakit, Zai? Anong problema?” tanong niya.
“Patingin-tingin pa kasi ang ex-boyfriend mo sa iyo, eh. Parang may gusto pa yata sa iyo.”
“Huwag mo nang pansinin.” At inabot niya ang bayad sa lahat ng binili nila. “Bitbitin mo na iyan at marami pa tayong kailangang bilhin.”
“Triz, ano ang naramdaman mo nang makita mo ulit siya?”
“Wala.”
“Wala? Hindi ka ba nasaktan o nagalit o kinilig?”
Sinulyapan niya ito at umiling. “Wala talaga. Kahit ako nga nagtataka. Siguro dahil napatawad ko na sila. Ngayon ko lang naramdaman na balewala na ang nangyari.”
“Pero three years din ang relasyon ninyo.”
“Hindi ko na nga natatandaan iyon. Siguro dahil wala na rin akong galit sa kanya, kasama na ring nawala ang pagmamahal.”
“Hindi kaya sinasabi mo lang iyan sa akin dahil gusto ko iyang marinig?”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Zairo, wala talaga akong naramdaman. Magaan lang ang loob ko na makita siya at wala na akong galit. Sabi mo sa akin dapat kalimutan ko ang galit ko para buo kong ibigay ang sarili ko sa taong mamahalin ko. And when I fell for you, alam kong wala nang bakas ni Toby sa buhay ko.”
“Bilisan nating mamili,” sabi nito at hinawakan ang kamay niya. Alam niyang lahat ng pagmamahal niya ay buo na niyang naibigay kay Zairo. And he believed her.