Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 251

Natigil si Daeia sa pagtatampisaw at nilingon ito. “Ha?”

Tama ba na sinabi nitong gusto siya nito? Baka mamaya ay nabibingi lang siya dahil sa malakas na pagbagsak ng tubig sa falls.

Hinapit nito ang baywang niya. Her fragile body slammed against his muscled body. Hinawi nito ang buhok niya. “I said I like you the first time I saw you.”

Hindi naging normal ang tibok ng puso niya. Di naman niya magawang makawala sa mga bisig nito kaya nagkasya na lang siyang titigan ang colar ng polo nito habang pinaglalaruan ang butones niyon.

“Binobola mo lang ako. Ang tanda ko sinabi mong ayaw mo sa akin noong nagkita tayo sa falls.”

Umiling ito. “Hindi kita doon unang nakita. You were chasing a horse the day before that. Hinabol pa nga kita.”

Tiningala niya ito. “Talaga? Nandoon ka pala. Hindi kita nakita.”

“I was a few meters from you. Namukhaan kita dahil hawig mo si Dresdana. Pero naisip ko na imposibleng ikaw si Dresdana. She’s as cold as ice. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang ngumiti o nagpakita ng emosyon. While you’re the exact contrast. You were full of life.”

“Na-excite lang ako. Remember how much I love chasing wild horses.”

“Hinabol pa nga kita pero nawala ka na.”

Tumango-tango siya. “Ah! Sinukuan ko na rin kasi iyong wild horse dahil masyado siyang mabilis tumakbo. Bumalik na lang ako sa tribo.”

Hinaplos nito ang mukha niya. There was warmth in his eyes. “Akala ko noong una multo ka lang. Or maybe a fairy that was trying to entice me but ended up as a figment of my imagination. I am glad that you are real.”

Natigagal siya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Sa palagay niya ay tumigil din sa pag-ikot ang mundo niya. Tumigil sa pag-ihip ang hangin, huminto sa pag-awit ang mga ibon. Maging ang waterfalls di kalayuan sa kanila ay nag-freeze din at di na bumagsak pa ang tubig.

As if everyone was anticipating on what would happen next.

Maging siya ay pinigil ang paghinga. She knew that the moment their lips meet, there would be no stopping them anymore. And this time, there would be no aphrodisiac to influence them. The sensation would be more real.

Iyon ang gusto niyang maramdaman. She wanted to feel his real passion. Gusto rin niyang malaman kung ano ang kaya niyang ibalik dito.

“Huwag mo nga akong sundan, Richard Don! Naaalibadbaran ako sa iyo.”

“Ano? Bakit naman kita susundan? Ikaw nga itong sunod ng sunod sa akin.”

Nabulabog ang mga ibon sa sigawan nina Richard Don at Danzelle Ann. Muli ay narinig niya ang lagaslas ng tubig at naramdaman ang ihip ng hangin. Bigla rin silang naghiwalay ni Mark Ashley. The magic was suddenly gone.

“Ano ba ang dalawang iyan? Hanggang dito nambubulabog,” bulong ni Mark Ashley at nilingon ang dalawa. “Hey! Hindi pa kayo kasal nagbabangayan na kayo. Hindi ninyo solo ang riding club.”

“May tao pala diyan. Hello!” bati ni Danzelle Ann.

“Dahil sa ingay mo, binulabog mo ang honeymooners, Danzelle Ann. Siguro naiinggit ka dahil walang lalaking papatol sa iyo,” pang-iinis ni Richard Don.

Tumikhim si Mark Ashley. “Mauuna na kami ni Daeia. Sa inyo na itong falls.”

“Iyon daw mga away ng away ang nagkakatuluyan,” tukso niya.

“Parang katulad ninyong dalawa? Uy!” ganting-tukso ni Richard Don.

“Hindi totoo iyon. Ang tagal-tagal na naming nag-aaway na dalawa pero hindi naman kami nagkakatuluyan,” sabi ni Danzelle Ann.

“Aha! Pinapangarap mo pala na magkatuluyan tayo. Sabi na nga ba at matagal mo nang pinagnanasaan ang katawan ko,” wika ni Richard Don.

“Gulpi, gusto mo?” anang si Danzelle Ann at inambaan ito.

“Hindi naman tayo ganyan kalala, hindi ba?” tanong niya kay Mark Ashley habang naglalakad sila pabalik at inaakay naman nito si Conan.

“May sasabihin ako sa iyong sekreto. Ang totoo gusto niya si Danzelle Ann. Hindi ko lang alam kung bakit inaaway niya ngayon.”

“Baka nabasted,” aniya at humagikgik.

“Kung hindi kaya tayo nagkita sa Aringan, magkikita kaya tayo?” tanong nito.

“Kung sa ordinaryong lugar lang tayo magkikita, siguro hindi mo ako papansinin. Sa dami ng magagandang babaeng kasama mo tapos mga mayayaman pa, imposibleng mapansin mo ako.”

“I am glad I went to Aringan and met you.”

Ngumiti siya nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi rin niya maisip na ibang lalaki ang ipapakasal sa kanya. With Mark Ashley, she didn’t have a hard time. Mas madalas na ito ang nag-a-adjust para sa kanya. And surprisingly, she was happy whenever they were together.

Sana lang ay mabigyan pa siya ng mas mahabang panahon kasama ito. O kung pwede lang ay hindi na ito mawala sa piling niya.

“KUMPLETO na ba ang gamit mo? Nandiyan na ba lahat?” usisa ni Mark Ashley nang I-park ang sasakyan sa labas ng gate ng eskwelahan. “Lesson plan?”

“Yes,” aniya matapos I-check.

“Iyong baon mo huwag mong kalilimutang kainin. Kapag nagutom ka, kumain ka agad. Huwag mo nang isipin ang pagkain sa dinner. Ako na ang bahala doon. Alam ko naman na pagod ka na pagkagaling mo sa pagtuturo.”

“Mark Ashley, ako ang teacher. Pero kung magbilin ka sa akin parang ako ang estudyante. Kahit noong first day ko sa school noong grade one ako, hindi ganyan kaurirat sa akin ang tatay ko.”

“Excited lang naman ako. Hindi kasi kita naihatid kahapon dahil nagpahatid sa akin si King Reid sa Quezon. Kaya bumabawi lang ako sa iyo.”

Bumuntong-hininga siya. “Kung alam ko lang na ganito ka, hindi na sana ako nagpahatid sa iyo. Saka pag-uusapan tayo ng mga tao.”

Kinausap niya ang principal tungkol sa sitwasyon nila ni Mark Ashley. Malaki ang tiwala nito sa kanya dahil kilala nito ang tatay niya. Nangako siya na walang mangyayari sa kanila ni Mark Ashley hangga’t di pa sila nakakasal ulit.

“Hayaan mo siyang mainggit.”

Lumabas siya ng kotse dahil malapit na ang simula ng klase niya. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ha?”

“Tatawagan kita kapag alam kong breaktime mo na.”

Minsan ay sumosobra na sa kakulitan si Mark Ashley. Parang isa itong anino na laging nakasunod sa bawat gawin niya. Pero alam niyang ginagawa lang nito iyon para alagaan siya. Walang sandali na di niya naramdaman ang pagkalinga nito. Para sa tulad niyang sanay na ginagawa ang lahat sa sarili lang niya, masarap din pala ang pakiramdam na may nag-aalaga.

Alas siyete ng umaga nang magsimula ang klase niya. Mga first year high school student ang hawak niya at Social Studies ang subject. Dahil na rin marahil sa lahing pinagmulan ay naging interesado siya sa culture and arts. May animnapung bata ang tinuturuan niyang sa isang klase. Masyadong marami at siksikan dahil nga nasa public school sila. Pinagtitiisan na lang niya kung ano ang mayroon.

“Class, sana lahat kayo gumawa ng assignment.” Ikinabit niya ang mapa ng Pilipinas dahil tungkol sa Philippine geography ang klase nila. “Who wants to read question number one?”

Sa pagtataka niya ay walang nagtataas ng kamay nang lumingon siya. Wala sa kanya ang atensiyon ng mga estudyante niya. Lahat ay nakalingon sa bintana.

“Class, what’s wrong?” tanong niya.

“Ma’am, may tao po sa bintana,” sagot ng estudyante niyang lalaki.

“Anong tao lang? Guwapo kaya at matangkad,” kinikilig na sabi ng estudyante niyang babae na nakaupo malapit sa bintana.

Nagtaka siya. Sino kaya iyon? Nang sumilip siya sa pinto ay nakita niya si Mark Ashley na nakatayo sa may corridor. Kumaway ito nang makita siya. “Hi!”

Nilapitan niya ito. “What are you doing here? Nakaka-distract ka sa klase ko. Saka baka makita ka ng principal. Pagagalitan ako.”

“Gusto lang naman kitang makitang magturo. Pwedeng mag-seat in?”

“Hindi. Umuwi ka na. First lesson ko, sisingit ka pa.”

Pinagsalikop nito ang palad. “Please! Isang klase lang tapos uuwi na ako. Kapag hindi mo ako pinapasok, dito lang ako sa bintana.”

Mariin niyang pumikit. Alam niyang gagawin nito ang lahat ng magustuhan. At kung may magagalit man, she knew that he could easily use his charm. Iyon siguro ang power nito bilang member ng Stallion Riding Club.

“Sige na. Pumasok ka na pero mag-behave ka, ha?”

“Yes! Magbe-behave talaga ako.”

Magkasunod silang pumasok sa klase. “Class, mag-o-observe sa atin si Mr. Camello. Kaya gusto ko na mag-behave kayong lahat.”

Hindi madali ang magturo na nakasunod ang tingin ni Mark Ashley sa kanya. Behave nga ito. Wala nga lang itong ginawa kundi titigan siya. At kakaiba ang titig nito. Parang gusto siyang tunawin.

Ilang beses ding nagsalubong ang mga mata nila. Her knees wanted to buckle. Sabi na nga ba niya’t isang malaking pagkakamali na hinayaan niya itong pumasok sa klase niya. Mawawalan siya ng trabaho dahil dito.

Nakasunod ito sa kanya paglabas niya sa first class niya. “Wow! Magaling ka talagang magturo! Kita mo naman! Buhay na buhay ang klase mo. Very informative pa. Marami akong natutunan.”

“Bakit nandito ka pa? Akala ko ba uuwi ka na?”

“Pwede bang mag-seat in ulit sa second class mo?”

Bumuntong-hininga siya. “Pareho lang naman ng lesson. Wala ka namang bagong matututunan. Saka nadi-distract ako.”

Pumalatak ito. “Nadi-distract ka sa kaguwapuhan ko?”

“Hi, Mr. Camello!” bati ng co-teacher niyang si Angela na dati niyang kasama sa apartment. “Dinadalaw mo si Daeia?”

“Yeah. Nag-seat in nga ako sa klase niya.”

Humawak si Angela sa braso nito. “Gusto mo mag-seat in ka rin sa akin?”

Kumawala si Mark Ashley sa pagkakahawak nito. “Hindi. Paalis na ako. Magkita na lang tayo mamayang dinner, Daeia.”

Kung tutuusin ay maganda si Angela. Ni hindi man lang nito pinatulan ang pagpi-flirt ng babae. She was so proud of him.

Nanghaba ang nguso ni Angela. “Ano ang ipinakain mo sa lalaking iyon at mukhang patay na patay sa iyo?”

“Pumunta na lang tayo sa klase natin.”

She was just happy that she had someone like him in her life. At kahit na binulabog pa nito ang trabaho niya, masaya siyang nagkasama sila.

“MAYROON na palang family planning noong pre-Spanish era,” sabi ni Mark Ashley habang nakikibasa sa reference book na gamit ni Daeia. “Kapag higit sa dalawa ang anak, itatapon na sa ilog iyong pangatlo. Whew!”

Inangat niya ang tingin mula sa isinusulat na long quiz para sa mga estudyante niya sa Lunes. Biyernes na noon kaya sa Stallion Riding Club na sila umuwi. Hindi siya makapag-concentrate sa paggawa dahil maya’t maya ay dini-distract siya nito.

Nangalumbaba siya at tiningala ito na nakatayo sa likuran niya. “Yeah! That’s according to Kalantiaw Code. May dalawang law system kasi na umiiral noong araw. Mas malupit iyong kay Datu Kalantiaw pero kinukwestiyon pa ang validity niya.”

Nasanay na siyang nakikigulo ito kapag gumagawa siya ng lesson plan. Kaysa naman daw guluhin siya nito sa klase niya, they find time to discuss her subject with him when they were home instead.

That was Mark Ashley. Lagi itong humahanap ng common ground na pwede nilang makapagkasunduan. At parang may isa siyang higanteng estudyante na curious sa lahat ng bagay. Halatang wala itong alam sa Philippine History maliban sa kung sino ang pumatay kay Magellan at sino sina Rizal at Bonifacio.

Umupo ito sa tapat niya at nangalumbaba. He looked like a doting student. “Kung hindi pa ako naikasal sa iyo, hindi ako magiging interesado sa History. I used to hate it, you know? Napaka-boring kasi ng teacher ko sa Social Studies dati. Kung ikaw siguro ang naging teacher ko, magiging paborito kita.”

Maasim siyang ngumiti. Di kasi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o binobola lang siya nito na enjoy itong makinig sa pagtuturo niya. “Kung ikaw naman ang estudyante ko, tiyak na pasasakitin mo ang ulo ko.”

Pinagsalikop nito ang palad. “That’s not true. Behave ako sa klase mo. Noong bata pa ako, first day of class pa lang di na ako interesado.”

Nai-kwento na sa kanya ni Mommy Girl ang kawalan nito ng interes mag-aral noon. Nagkaroon lang na sadyang matalino si Mark Ashley na naa-absorb nito ang lesson agad kahit na di ito masyadong mag-aral. Sanay na siya sa mga estudyanteng katulad nito. May mga tao talaga na sadyang matalino kahit na hindi masyadong sineseryoso ang pag-aaral.

“Oo na. Behave ka na. Pero pwede bang mag-behave ka rin ngayon? Hindi ko pa magawa ang long quiz ko sa pakikipagkwentuhan ko sa iyo.”

Sa halip na lumayo ay umupo pa ito sa tabi niya. “I got an idea. How about we play a game?”

Sabi na nga ba niya’t hindi ito titigil hangga’t di pinagbibigyan. “What game?”

“Bigyan mo rin ako ng quiz. Tapos kapag mali ako, hahalikan mo ako. Kapag may tama ako, I get the chance to kiss you.”

Ngumisi siya. “Niloloko mo ba ako?”

Tumingala ito. “Sige. Hahalikan mo ako kapag tama ako.”

“Sige. Sa pisngi lang, ha?”

Pumalatak ito. “Huwag ka namang killjoy.” Itinuro nito ang labi. “Dito na lang para naman mas may thrill.”

“Sa pisngi o hindi tayo maglalaro.”

Bumagsak ang balikat nito. “Pwede na rin. Game na!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.