Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 252

Nag-isip si Daeia ng mga tanong na mahihirapan si Mark Ashley. He couldn’t cheat her of a kiss. Matapos ang sampung minutong pagbabasa ay saka niya sinimulan ang exam niya dito. Ngayon niya matitiyak kung magaling nga ito.

“It is called as the town crier. Siya ang nagsisilbing messenger ng mga datus noong araw,” aniya para sa unang tanong.

“Umalahokan,” sagot agad nito. Pinagkiskis nito ang palad. “Paano iyan? Ibig sabihin may kiss na ako.”

Ang tindi nito. In-skim lang naman nito kanina ang libro. Natandaan na agad nito iyon? Kailangan tuloy niya itong bigyan ng reward.

Hinawakan niya ang baba nito at ipinaling ang mukha. Then she quickly gave him a peck on the kiss. “Next question na.”

“Ang dali-dali. Wala bang mahirap-hirap?” anito at inunat ang mga kamay.

“The first island in the Philippines where Magellan landed.”

“Huh!” bulalas nito at napakamot. “Teka, mukhang Spanish era na ang lesson mo. Dinadaya mo yata ako.”

“Hanggang kay Magellan ang binasa mo kanina,” paalala niya. “Sayang naman kung hindi natin gagamitin.”

“Homonhon,” sagot agad nito. Sa gulat niya ay ito ang dumukhang at kinintalan siya ng halik sa labi.

Nagulat na lang siya. “Wait! Wala iyan sa usapan natin.”

“Ang tagal mo kasing ibigay ang reward ko. So I claimed it myself.” And he looked so mighty proud of what he did.

“Next question…”

Inagaw nito ang libro sa kanya. “Forget about the next question. Ako naman ang magtatanong sa iyo. When will you marry me?”

“Ha? Wala naman sa libro ang tanong na iyan,” aniya nang di agad pumasok sa isip niya ang tanong nito.

“Daeia, itinatanong ko kung kailan tayo magpapakasal.”

“Kasal? Ah!” Tumango siya nang makuha ang tanong nito. “Bakit?”

“Anong bakit? Natural lang na magpakasal tayo. We’ve been together for four months now. Huwag mong sabihin na naglalaro lang tayong dalawa?”

“Of course not.” Nararamdaman naman niya na seryoso ito sa kanya at sa mga responsibilidad nito. “But I asked for a year.”

“I am willing to wait for a year. Pero gusto ko ng guarantee kung pakakasalan mo na nga ako after one year. O hindi ka pa rin sigurado.”

“I just want both of us to take time. Pwede pang magbago ang isip mo. Habang marami pa akong gustong gawin.”

“Like?”

“I still want to build that school for Aringan.”

“You never give up, do you?”

Inayos niya ang mga gamit niya sa lamesa. “Ashley, iyon lang ang pangarap ko bata pa ako. I want a better life for my mother’s tribe.”

“Sa kabila ng ginawa nila sa iyo, gusto mo pa rin silang tulungan?”

“Hanggang ngayon ipinagdadasal ko pa rin na para sa kabutihan ko ang ginawa nila. Hindi ko lang siguro maintindihan ang totoong logic ngayon. It seems so unfair. Matitiyak ko lang na tinatanggap na nila ako sa tribo oras na pumayag na silang itayo ang eskwelahan na iyon.”

“Hindi naman ganoon kadali na magtayo ng eskwelahan.”

“Kung ako ang magiging teacher, kahit sa ilalim lang ng puno pwede na. Ang importante sa akin iyong permiso mula sa Aringan na maari akong magturo.”

Pero kung di pa rin siya papayagan ni Mark Ashley at ng tatay niya na bumalik, there was no use. Stagnant ang pangarap niya.

“Kung matutupad ba ang pangarap mo, pakakasalan mo ako?”

“We’ll see, Mark Ashley.”

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Take your time.”

Bagsak ang balikat nito nang pumunta sa kuwarto nito. Isa lang ang kondisyon niya para tuluyan niyang pakasalan ito. Kung sasabihin nitong mahal siya nito, wala na itong kailangang itanong pa. Dahil para sa kanya, tuluyan na itong nakapasok sa puso niya.

“KAILANGAN ko pa bang sumama sa Stallion party na ito?” tanong ni Daeia kay Mark Ashley habang papunta sila sa Lakeside Café and Restaurant na venue ng naturang launching para sa Stallion Shampoo and Conditioner.

“Hindi pwedeng wala ka doon. Kahit daw tulog ka pa, kailangan dalhin kita doon sabi ni Neiji.” Si Neiji Villaranza ang may-ari ng manufacturing company ng naturang phenomenal na shampoo.

“Parang wala lang ako sa mood na mag-party ngayon.”

Saglit nitong inalis ang tingin sa pagmamaneho at hinaplos ang pisngi niya. “Cheer up! Marami kang kaibigan na nandoon. And you look stunning tonight. Kaya huwag mong isipin kung may maririnig kang snide remarks. Inggit lang iyon.”

Paminsan-minsan ay di maiiwasan na may nagpoprotesta pa rin na siya ang pinakasalan ni Mark Ashley. He was a hot item at the riding club. Madalas nga itong magalit at gustong ipa-ban sa riding club ang lahat ng nagba-badmouth sa kanya. Pinigilan lang niya. She couldn’t please everybody after all.

“Saan naman sila maiinggit? Dahil maganda ako o kasama kita?”

Tinapik nito ang daliri sa manibela. “Hmmm… Una siguro dahil kasama mo ako. Pangalawa na lang na maganda ka.”

Tumawa na lang siya sa kayabangan nito. She was getting pretty used to it. Bukod sa mga estudyante niya, ito na lang ang nagpapasaya sa kanya. Hindi yata kumpleto ang araw niya kapag hindi siya nito napapatawa.

Bumalik ang kaba sa dibdib niya nang sa table malapit sa stage sila umupo. Puro kasi spotlight doon at marami pang press. Pakiramdam tuloy niya ay pinapanood ang bawat kilos niya.

“What’s so special about the new Stallion project?” tanong ni Jenna Rose na minsan nang naging modelo nito. “Is it a new raffle or a new model?”

“I don’t know either.”

Tumayo si Neiji Villaranza sa stage matapos ang mga intermission numbers. Puro makukulay na traditional at ethnic dances ang nai-present.

“There are so many speculations about what we will launch tonight. To explain about this new project, I want to call on our dear friend Mark Ashley Camello,” anang si Neiji at inilahad ang kamay.

“Bakit ikaw?” tanong niya kay Mark Ashley subalit ngiti lang ang isinagot nito nang umakyat ng stage.

Kasabay ng mga palakpakan ay ang bulung-bulungan. Si Mark Ashley na ba ang susunod na leading man para sa Stallion Shampoo?

“Fans! Calm down!” anito at itinaas ang kamay. Parang isa itong pulitiko na mag-I-speech sa meeting de avance. “Alam ko na matagal na ninyong pangarap na ako ang ipantapat kay Philippe Jacobs bilang next hunk sa showbiz. I am sorry. It’s not what I am here for tonight.”

“We still love you, Ashley!” sigaw ng isang babae sa likuran. Talagang may female followers pa rin ito. Naghihintay kung sakaling maghiwalay sila.

“Gusto ko munang makipagkwentuhan sa inyo. There is a woman whom I really adore. She made me realize how important the things I ignore before and what most youth don’t take seriously nowadays. Education. All her life, she worked so hard on a simple dream. Gusto lang niyang maipagpatayo ng eskwelahan ang isang tribo sa Cordillera kung saan siya nanggaling.”

Natigagal lang siya habang nagsasalita ito. Siya ba? Siya ba ang babaeng tinutukoy nito? Bakit kailangan pa siyang masali doon?

“Daeia, tungkol ba saan iyon?” tanong ni Marist.

“I want everyone to join hands to make all her dreams come true. Let’s build a school for this tribe because I want to see the smile on her pretty face,” sabi ni Mark Ashley at nagsimulang maglakad papunta sa kanya.

Nang lapitan siya nito ay bumagsak ang tarpaulin. Nandoon ang picture niya na nakasuot ng tribal wedding dress niya. Her long hair was cascading down her back. At sa kabila ng nakatabing sa mukha niya ay nakuha ang ngiti niya.

She remembered that smile. Tatawa-tawa siya noon habang iniisip na lalampa-lampa si Mark Ashley kaya di ito makakasakay sa wild horse. And now, it was used to start up her dreams.

“And that remarkable woman is my wife, Daeia,” anunsiyo ni Mark Ashley.

Di niya mapigilang umiyak sa sobrang saya at yumakap dito. “Totoo? Ipagpapatayo ninyo ng eskwelahan ang Aringan?”

“You heard it right. Para sa iyo ang project na ito.”

Ipinaliwanag ni Neiji na sa bawat purchase ng Stallion Shampoo and Conditioner ay may halagang mapupunta para sa pagpapatayo ng eskwelahan para sa Aringan. Dati ay simpleng kubo lang ang pangarap niya. Pero ngayon ay isang konkreto na eskwalahan ang nasa plano na kumpleto sa libro at facilities.

“Aringan is just the start,” wika ni Neiji. “We are planning to build more school once this project becomez a success. This is how we build a nation. Let’s join hands and uplift the education status of our country.”

“Tatakbo ka yata sa Senado, Neiji!” sigaw ni Reichen. Nauwi ang lahat sa isang masayang party.

Nang siya ang kausapin ng mga reporters ay naroon si Mark Ashley para alalayan siya. She was a nervous wreck. Hindi kasi niya napaghandaan ang launching na iyon. While many found her remarkable, many found Mark Ashley romantic. Araw-gabi daw nitong kinulit ni Neiji para lang pumayag. Kaya ang kuripot na Neiji ay biglang napilitang maging charitable.

Di maalis ang ngiti niya habang nakahilig sa dibdib nito at nagsasayaw sila. “Mark Ashley, thank you.”

“Alam ko naman na importante sa iyo ang project na ito. Mukha kasing imposibleng mangyari kung ikaw lang mag-isa. So I decided to help.”

Naluha siya. “Even my father is here.”

Akala nga niya ay magagalit ito subalit niyakap pa siya nito. Handa daw itong bumili ng Stallion Shampoo para suportahan ang project.

“I want him to be proud of you. Kahit na galit pa siya sa Aringan, gusto kong makita pa rin niya ang katuparan ng mga pangarap mo. Happy?”

Tumango siya at yumakap sa leeg nito. “I am happy. So happy.”

“I’d do anything to make you happy.”

Iyon din ang nararamdaman niya para dito. Kung alam lang niya ang lubos na magpapaligaya kay Mark Ashley ay gagawin din niya ang lahat. Sana lang ay dumating ang pagkakataon na maipapakita niya iyon.

“SERYOSO ka na naman diyan,” untag ni Danzelle Ann kay Daeia. Nasa Lakeside Café and Restaurant siya at binabasa ng thesis para sa Masterals ng isang co-teacher niya. Interesting kasi ang research nito tungkol sa iba’t ibang mga historical caves sa Pilipinas.

Ngumiti siya nang ilapag nito ang in-order niyang calabasa cake. “Thanks.”

“Buti ka pa mukhang nag-e-enjoy diyan. Samantalang ako bored na bored na dito. Hindi ako makaalis dahil inunahan akong maglakwatsa ni Richard Don.”

“Lagi namang nasa lakwatsa si Richard Don, hindi ba?”

“Oo. Hindi ko alam kung saan siya binitbit ng asawa mo. Kung sinu-sino na naman sigurong babae ang kasama niya.”

“Kung magmaktol ka, parang ikaw kayo ni Richard Don ang mag-asawa at hindi kami ni Mark Ashley.”

“Ewan ko nga ba kung bakit hindi ka nakukunsumi sa kanya. Samantalang si Richard Don, parang makakalbo na ako sa inis.” Kaya pala pati trabaho ng mga empleyado nito ay ginagawa na rin nito sa sobrang inis.

“Ma’am, phone call po galing sa kapatid ninyo!” tawag dito ng manager ng restaurant. “Importante daw po.”

“Oh, good! Maisusumbong ko ang bulakbol na Richard Don na iyon. Excuse me and enjoy your food,” anito at pumunta na sa counter.

Napaka-relaxing na umupo sa lake lalo na at di masyadong matao sa restaurant. Mas masaya nga lang siguro kung naroon si Mark Ashley.

Nasanay na silang laging magkasama nito. Ilang oras lang na di sila magkasama, nami-miss na niya ito. Lagi itong gumagawa ng mga bagay na nagpapangiti sa kanya. Minsan nga iniisip niya kung ano ang buhay niya na wala si Mark Ashley. Ipinilig niya ang ulo. No. She simply couldn’t imagine life without him. Pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng hininga.

“Mrs. Daeia Camello?” untag ng isang babae sa kanya.

“Yes?” aniya at inangat ang tingin.

Tinanggal nito ang shades at inilahad ang palad sa kanya. “I am Francey McGrath. Mind if I take a seat?”

Umiling siya. “Not at all.”

Natulala siya dito. The girl looked like a doll. Makinis ang maputi nitong balat, maliit ang mukha maging ang labi. Light brown ang mga mata nito at malalantik ang pilik-mata. Nakasuot ito ng coat at boots. Hindi siya sanay na makakita ng may suot niyon sa Pilipinas.

Hindi niya alam kung alin ito sa dalawa. Isa sa mga babaeng may gusto kay Mark Ashley o isa sa interesado sa build-a-school project ng Stallion Shampoo. Marami kasing kumakausap sa kanya tungkol sa project na iyon na willing na mag-donate sa kahit anong paraan. Kundi pampatayo sa eskwelahan ay handang magbigay ng libro at iba pang gamit. Mukhang ito ang huli.

“I won’t beat around the bush. Siguro naman sanay ka na sa mga babaeng lumalapit sa iyo dahil sa asawa mo. And I am his former girlfriend,” walang kagatol-gatol na deklara nito.

“I see.”

Ngumiti ito. “No, you don’t. You see, he was supposed to marry me if you didn’t barge into his life.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.