Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 254

Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.

Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya – si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bago nitong pag-iinitan.

Tingnan lang niya kung di ito lumambot sa alindog niya.

Lulugo-lugong lumabas sa floral niyang kotse si Vienezze. Nilapitan niya ang butihing amang si Mamu Ferding at ang kaibigang si Mando aka Madonna.

“Ang tagal mo naman, friendship!” sabi ni Madonna at tinapik ang braso niya. “Nagsawa na kami ni Mamu sa katitingin sa mga lovers dito.”

Sa Picnic Grove niya iniwan ang mga ito dahil siya lang ang may permiso na makapasok sa Stallion Riding Club.

Nag-apply siya sa Stallion Riding Club bilang masseur sa Stallion Leisure Spa. Ang Stallion Riding Club ay isang eksklusibong club para sa mga mayayaman at guwapong lalaki sa Pilipinas. Ilan lamang ang mapapalad na maimbitahan sa riding club. At siya, katulad ng mga kababaihan at kabadingan ng bansa ay nag-aambisyon din na makapasok sa riding club at makabingwit ng isang prinsipe.

Kaya nang maghanap ng bagong masseur para sa spa, nagkakandarapa agad siya na nag-apply. Iyon lang ang paraan niya para makapasok sa riding club. Wala naman siyang kakilalang mayamang lalaki dahil isa lang siyang ordinaryong masahista sa beauty parlor at spa na pag-aari ni Mamu Ferding.

“Kumusta ang interview mo, baby?” tanong ni Mamu Ferding.

“Ay! Luz Valdez ang beauty mo!” malungkot na sabi ni Madonna bago pa siya makasagot. “Sabi ko naman sa iyo huwag kang mahadera. Mataas ang ambisyon mo kaya lumagpak ka ngayon. Hanggang pangarap na lang ang Stallion Boys.”

Namaywang siya. “Pasado ako sa final test namin. Requirements na lang at rarampa na ako sa riding club. Winnie the Pooh ako! Wagi!”

Nagtilian ang dalawa at nagtatalon sa sobrang tuwa. Walang pakialam ang mga ito kahit na mamaos at mapatiran ng litid o mabasag ang eardrums ng mga tao sa paligid. They didn’t care as long as they were happy and gay.

It was a dream come true. Sa dami ng ambisyosang nag-apply, iilan lang silang mapalad na nakapasa. Ito na ang simula ng mga pangarap niya.

“Let’s celebrate! Mushroom Burger tayo!” anunsiyo niya.

“Akala ko naman sa riding club na tayo,” angal ni Madonna.

“Ambisyosa! Kita mong di pa nagsisimula ang trabaho ko. Gusto mong maging poor ako kapag doon tayo kumain? Habang di pa tayo lume-level up at nakakakuha ng rich na fafa, Mushroom Burger muna ang beauty natin.”

Ubod daw ng mahal ng pagkain sa riding club. Wala pang karinderya. Mga elite at rich ang mga tao kaya nuknukan nang taas ang presyo ng lahat. Pati yata ang hanging hinihinga doon na sariwa at amoy pang-mayaman ay may bayad din.

Minaneho niya ang kakarag-karag niyang pink na Kia Pride papunta sa Mushroom Burger. Malakas ang kantahan nila habang sinasabayan si Irene Cara sa What a Feeling. Feel na feel kasi nila ang ganda ng Tagaytay. Maya maya pa ay babalik na rin sila sa Tondo.

Mataas ang pangarap niya. Gusto niyang maging elite na textile designer. Isang mananahi kasi ang nanay niya. Habang isang parlorista naman ang amang si Mamu Ferding. Bata pa siya noon buhay pa ang nanay niya nang maging habit na niya na pintahan ng nail polish at lipstick ang mga malalaking retaso ng nanay niya.

Sampung taon siya nang mamatay ang nanay niya. Si Mamu Ferding ang mag-isang bumuhay sa kanya. Dahil mahirap ang buhay, pinili na lang niyang mag-trabaho kaysa magtuloy ng pag-aaral. Hanggang second year lang siya sa kursong Textile Designing. Magandang pagkakataon na makapasok siya sa riding club. Sa laki ng tip doon, tiyak na makakaipon siya at makakapag-aral ulit.

Nasa kalagitnaan sila ng pagsi-sing along nang may sunud-sunod na busina ng sasakyan sa likuran nila. Nang tingnan niya sa side mirror ay isang pick up truck ang nagsusubok na mag-overtake sa kanila. Ayaw niya sa lahat ay binubusinahan siya dahil natataranta ang kagandahan niya.

Bahagya siyang tumabi. “O ayan! Mauna ka na! Parang hot na hot. Di naman siya aagawan ng kalsada.” Truck iyon ng gulay. At kung magpatakbo ang driver ay parang dito nakapangalan ang kalsada. Napakayabang.

“Friendship, hotness din ang driver!”

“Aanhin mo ang kafafahan kung walang anda? We need cash! Hindi naman ako papayag na ang aking unica hija ay mauwi sa isang hampaslupa!” sabi ni Mamu Ferdie at humalakhak. “Ang beauty niya ay para sa riding club lang.”

Sumimangot si Madonna ang mga labi. “Ambisyosa ka, Mamu!”

“Anything for my unica hija.”

Nang makita ang karatula ng Mushroom Burger, naamoy na rin niya ang mabangong amoy ng nilulutong burger sa loob. Kahit na simple lang ang establishment kumpara sa mga naglalakihang fastfood chain, ito pa rin ang dinadayo ng maraming parokyano sa lugar.

Nasira ang mood niya nang makitang naka-park ang pick up na nag-overtake sa kanila kanina. “Dito rin pala siya papunta.”

“It must be destiny,” anang si Madonna at bumuntong-hininga.

Ibinaba niya ang windshield at sinilip ang guwardiya. “Manong, saan pa po kami pwedeng mag-park?”

“Doon po, Ma’am. Diretso lang.”

Tumaas ang kilay niya. Ang diretso lang na sinasabi nito ay isang maliit na eskinita. Di na iyon parte ng regular na parking space ng restaurant. “Paano pa ako magmamaniobra nito mamaya palabas?” tanong niya.

“Mamaya mo na isipin iyan! Mag-park ka na lang. Gusto ko nang hanapin si Fafa!” atat na atat na sabi ni Madonna.

“Bumaba ka na at hanapin mo ang maggugulay mo tutal hot na hot ka!” pagtataboy niya dito.

“Baby, huwag kang high blood. Ang beauty!” paalala ni Mamu Ferdie.

“Nakakainis kasi! Sa kaskaserong lalaki pang iyon napunta ang huling parking space. Kung alam ko lang, sana di ko na lang siya pinauna,” bulong niya.

Pagpasok sa loob ng restaurant ay okupado ang lahat ng lamesa. Wala na silang mapupwestuhan pa. “Mabuti pa ako na lang ang oorder,” sabi ni Mamu Ferdie. “Doon na lang kayong dalawa sa garden.”

Luminga-linga si Madonna. “Wait! Ang fafanez ko!”

Hinila niya ito palabas. “Wala na. Huwag mo nang hanapin. Ihahanap ka na lang ng fafanez sa riding club.”

“Promise mo iyan, ha?”

“Siyempre.Kung may fafa ako,dapat may fafa ka rin. We are friends after all.”

Nagkakatuwaan sila sa swing habang hinihintay ang order. Ubod naman kasi ng haba ng pila sa counter kaya tiyak na matatagalan si Mamu Ferdie. Inaaliw na lang nila ang sarili nila para di nila mapansin ang gutom.

“Friendship, may ka-close akong tabloid reporter. I-feed mo sa akin ang mga tsismis sa riding club para magka-extra income tayo.”

Umiling siya. “No! No! No! Cardinal rule sa mga workers sa riding club ang maglabas ng kahit anong balita tungkol sa mga members. Ayokong ma-tsugi ang beauty ko kapalit ang ilang barya. Hindi ako cheap!”

Importante sa members ng riding club ang privacy ng mga ito. Nagbabayad ang mga ito ng malaki para lang di mabunyag ang mga activities ng mga ito sa public. Kaya nga parami nang parami ang naaakit sa riding club.

Isang matangkad na lalaki ang lumabas sa backdoor ng restaurant. Kinausap nito ang matandang lalaki na mukhang manager ng restaurant at nagpaalam.

“Ay! Iyan na si Fafanez!” tili ni Madonna.

“AH! Iyong lalaking mauubusan ng kalsada,” usal ni Vienezze. Uminit ulit ang ulo niya. Kasalanan ng lalaki pag nahirapan siyang magmaniobra ng sasakyan mamaya.

Saka lang niya napagmasdang mabuti ang lalaki. Sa palagay niya ay nasa 5’10” height nito. Medyo kulot ang may kahabaan nitong buhok. Naka-side view ito pero gusto niyang mainggit sa pilik-mata nito. Malalantik kasi at mahaba. Matangos ang ilong nito. Guwapo nga!

His muscles were lean. Parang sanay sa mabigat na trabaho. He was simply perfect. Bagay itong diyos-diyosan… ng mga mahihirap at hampaslupa. Siyempre, di naman niya ito basta basta mailagay sa pedestal. Di naman ito bagay na member ng riding club. Isa itong hampaslupa. Guwapong hampaslupa.

Bumaba si Madonna ng swing. “Wait lang! Makikipagkilala ako. Baka kasi kailangan niya ng cellphone.”

“May pambigay ka ng cellphone para sa kanya?”

Tiningnan nito ang sariling cellphone na walang camera. “Load na lang.”

Isang babae ang biglang yumakap sa lalaki at umiiyak. “Danrick, I am sorry! Please forgive me!”

Tumaas ang kilay niya. Maganda ang babae. Mukha ring edukada. Pero anong nangyari at nag-eeskandalo ito sa publiko dahil sa lalaking iyon? Nagpapakagaga ito sa guwapong hampaslupa! Ang tindi naman ng karisma ng Danrick na iyon.

Napaurong si Madonna. “What a scene! Shock naman ako doon.”

“Sheryl Ann, tumayo ka diyan,” mariing utos ni Danrick.

“No! Hindi ako tatayo dito hangga’t di mo ako napapatawad.”

Pilit nitong itinayo ang babae. “Huwag kang mag-eskandalo nito. Please!”

“Galit ka pa rin sa akin!” bulalas ng babae at humagulgol.

“We are over! I thought you made your choice. Pinili mo ang mga kaibigan mo kaysa sa akin.”

Napanganga na lang siya. Ingliserong maggugulay. Sabagay, kung si Inday na katulong na kumakalat sa text ay sosyalerang maid, bakit hindi ang isang sosyalerong maggugulay. Babagay ito kay Inday.

“I didn’t mean it. Akala ko kasi okay lang sa iyo kung sasama tayo sa kanila sa gay bar,” humihikbing sabi ni Sheryl Ann.

“Gay bar? At bakit ako papayag na pumasok sa isang gay bar? Your friends are freaks! Sinabihan na kita noon na wala silang mabuting maidudulot sa iyo pero di ka nakinig,” mariing wika ni Danrick. Halos mag-igtingan ang ugat nito sa galit.

“Bakit kailangan pa siyang dalhin sa gay bar? Sosolohin ko na lang siya. DI ko siya ise-share sa mga friends,” komento ni Madonna.

“Shhh!” saway niya dito.

Majority naman ng mga kalalakihan ay galit sa mga bading. At kung ayaw man nito sa gay bar ay naiintindihan niya ito. Masakit sa ego ng kahit sinong lalaki na makita ang mga show sa gay bar. Tulad nang masakit din para sa kanya makita nag kapwa niya babae na naghuhubad para lang mabuhay.

“Masama ang loob mo dahil hindi ako sumama sa iyo nang umalis ka ng bar at nagpaiwan ako sa mga kaibigan ko?” tanong ni Sheryl Ann.

“No! Ayoko lang nang tanungin nila kung sasama ako sa session ninyo kasama ang mga boyfriend nila at kung ise-share mo ako, sabi mo okay lang. Boyfriend mo ako. Hindi ako bagay na ipinamimigay lang. And that was the pinnacle, Sheryl. You have no right to share me with your friends because you don’t own me. Tao ako at hindi bagay na ipinamimigay!”

Napangiwi siya. Para sa isang straight na lalaki, masakit nga naman ang ginawa ng nobya nito. Di niya alam kung bakit ginawa iyon ng babae. Iilan na lang ang straight na lalaki sa mundo. Iyong diretsong sa babae lang ang tingin. Bakit kailangan pa nitong I-share ang boyfriend nito? Wrong move.

Nangalumbaba siya at tinitigan ang lalaki. Kung may ganoon kaguwapo na manliligaw siya at matapang ang panininindigan sa buhay, di na niya pakakawalan pa. Okay lang sa kanya kahit na maggugulay lang. Basta ang importante ay pinangatatawanan nito ang paniniwala nito. Iyon ang tunay na lalaki.

Ibinaba ni Sheryl Ann ang mata. “I am sorry.”

“Pinatunayan mo lang sa akin na mas mahalaga ang mga kaibigan mo kaysa sa akin. Why? Do they share their boyfriends with you as well?”

“Danrick, kalimutan na lang natin ito. Hindi ko na uulitin ang nangyari. Hindi ko na rin uulitin ang ginawa ng mga kaibigan ko sa iyo.”

“Break na ba sila? Break na?” tanong ni Madonna.

“Ang ingay mo. Paano natin malalaman? Mamaya mahuli pa nila tayo na nakiki-chizwiz. Pati tayo awayin ng fafanez mo!” bulong niya.

“I just think that this is ecklavoo! Love na itech!”

Tinakpan niya ang bibig nito. “Huwag ka sabing maingay.”

Ayaw din kasi niyang matapos agad ang tagpong iyon. Gusto niyang makita kung paano mawawala ang Sheryl Ann na iyon sa buhay ni Danrick. Parang nanonood siya ng teleserye. Iyon na ang point kung saan hihilingin niya na siya ang bidang babae na eentra sa buhay ng dalawa para tuluyang maghiwalay ang dalawa. Siyempre, paliligayahin niya si Danrick.

Natigilan siya sa iniisip. Wala sanang makabasa ng nasa utak niya. Oras na malaman ng Mamu Ferdie niya na inaambisyon niya ang isang maggugulay, katakot-takot na sermon ang aabutin niya.

“Sheryl Ann, bumalik ka na lang sa mga kaibigan mo,” utos ni Danrick. “At this point, I don’t want you back.”

“Buti nga sa iyo! Kasalanan mo iyan,” gigil niyang sabi habang pinapanood ang pag-iyak ni Sheryl Ann.

Hindi niya alam kung bakit pa ito nagmamakaawa. Ayaw na nga dito ni Danrick. Di rin naman nito mahal si Danrick dahil handa nga itong ipamigay sa mga kaibigan nitong badinger Z. Napapagod na siya sa kadramahan nito.

Tumalilkod si Danrick ay pasakay na sa pick up nito. Mabuti naman at hindi ito nagpadala sa babae. Kailangan nito ng babaaeng di ito ipapamigay. Iyong kapag minahal ito ay aalagaan ito. Parang siya.

Nagtitili si Madonna nang makitang natumba si Sheryl Ann sa paanan ni Danrick. “Ay! Dead na si girlaloo!”

Tumakbo siya at dinaluhan si Sheryl Ann. Itinaas niya ang ulo ng babae. Nakonsensiya siya. Mukhang masama ang pakiramdam nito kaya natumba. Tapos ay pinagtatawanan pa niya ang kamiserablehan nito kanina.

“Anong nangyari, Miss?” tanong ni Danrick at binuhat si Sheryl Ann.

“Ano… na-dead na ang jowanez mo pag-talikod mo.”

Napanganga si Danrick. “HA?”

“Basta tumumba na lang siya kanina. Gora na kayo sa doctor. Baka mamaya ma-tsugi pa ang jowanez mo!” sabi niya.

Ipinilig nito ang ulo. “Minamalas ba ako? Kahit saan puro mga may berdeng dugo ang nakikita ko!” bulalas nito at isinakay si Sheryl Ann sa sasakyan.

“Sayonara, my love!” sabi ni Madonna at kumaway pa dito. “Jontis kaya iyong girl? Siya kaya ang tatay?”

“Heh! Huwag ka nang maki-tsienez! Gutom na ako.”

Pero huwag sanang buntis si Sheryl Ann. Kawawa tiyak si Danrick.

Ano nga bang pakialam niya sa mga ito? Di niya dapat iniisip ang mga taong di niya kilala. Pagpasok niya sa riding club, makakalimutan na rin niya ang Ingliserong maggugulay na si Danrick at ang kadramahan nito sa buhay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.