Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 259

Nag-stretching muna si Vienezze habang naglalakad sa pathwalk ng Lakeside Café and Restaurant na pag-aari ni Richard Don. Day off niya kaya buong araw ang practice niya kasama sina Danzelle Ann at Richard Don. Kailangan niyang mag-relax dahil mamaya ay tatapak na naman siya sa war zone.

Napansin niya si Trizha, nobya ng member na si Zairo na nasa may damuhan sa baba ng pathwalk at tinatadyakan ang mga damo. Naging customer niya ito sa spa at madalas niyang maka-kwentuhan. “Haller! Bakit mukha yatang nagkaka-lines ang lola ko? Pinupuyat ka ba ni Fafa Zai?”

Umingos ito. “Ewan ko sa kanya.”

“Hey! I smell a lover’s quarrel.” Sumandal siya sa puno. “Kaya naman pala nagdadrama kang mag-isa dito.”

“Ikaw? Wala ka bang trabaho?”Mukhang ayaw nitong mag-open ng problema.

“Day off ko pero may dance lesson ako kay Danzelle Ann at Richard Don. Sa tingin ko magsasakalan na silang dalawa. Kaya eskapo na ang beauty ko bago pa ako maipit sa war nila. Tama nga si Fafa Myco. War zone basta magkasama silang dalawa. Nakalimutan ko pa mandin magdala ng helmet.”

Si Myco ang security head ng riding club. Kapag may nag-aaway sa riding club, nilalagyan nito ng security hazard mark ang mga ito. Nagustuhan niya ito dahil di nito ginawang health at road hazard si Potchi.

Matabang irong ngumiti. “That sounds fun.”

“Anong fun doon? Nakakaloka kaya?” Pinagmasdan niya itong mabuti. “Mukhang malaki ang problema mo. Come on. I-share mo naman sa akin.”

Huminga ito nang malalim at nagsimulang mag-share ng problema sa pinagseselosan nitong babae. Masyado kasing karinyoso ang boyfriend nitong si Zairo. Kahit siya ay naging ka-close ito pero walang malisya. Isa rin si Zairo sa considerate sa feelings ng ibang tao. Di tulad ni Danrick na mahirap tantiyahin. Lalo pa yatang sumama ang mood nito mula nang magsimula ang competition.

“Vienezze!” tawag ni Reid Alleje sa kanya, ang may-ari ng riding club.

Biglang naging alanganin ang ngiti niya nang humarap kay Reid. “Yes, King Reid? May iuutos po kayo sa akin?”

Bukod kay Danrick, ito lang ang lalaki sa buong riding club na nanginginig ang tuhod niya kapag kaharap niya. Paano ay parang may malaki itong mata na nakikita ang bawat galaw ng tao sa riding club. Kadalasan ay nanenermon ito kapag may nakitang mali. Gusto nito ay pulido ang kilos ng mga tao. Perfectionist. At sa isang pitik lang ang daliri nito, pwede siyang maglaho sa riding club.

“Meron! Ikaw ang papalit kay Aya sa Miss Stallion Riding Club.”

Napanganga siya sa sobrang gulat. Wala na si Aya. Na-tsugi na sa competition. At siya ang papalit. “Me? Why me?”

“Nag-backout siya dahil ayaw na daw niyang ka-partner si Danrick. Kaya ikaw na lang ang pumalit sa kanya.”

Umasim ang mukha niya at ipinadyak ang paa. “Bakit ako pa ang ipa-partner sa Danrick na iyon? Daig pa yata niya ang pinagsama-samang volcano sa Sinking of Japan kapag sumabog. Masisira ang beauty ko, Sir! I am gonna die!”

Naglalaway naman siya sa kakisigan ni Danrick. Pero kung magiging magka-partner siya, baka wala pang isang oras ay mag-hyperventilate na siya.

“Kung hindi ikaw ang ipa-partner ko sa kanya, sino na lang?” tanong ni Reid.

“Why not the bees, the trees and the flowers, Sir?” palusot niya.

“Ikaw na ang maging bees, trees at flowers. Puntahan mo na siya. Dahil oras na siya ang mag-backout sa competition, ikaw ang lagot sa akin.”

Oh, no! Sinumang sumaway sa hari ng kafafahan sa riding club ay titilapon palabas doon. No! Ayaw niyang mag-exit ang beauty niya. Kulang pa ang naiipon niyang salapi. Mahal pa niya ang mga pangarap niya.

“Sir, baka naman po pwedeng sa iba na lang ninyo ako I-partner,” hirit niya.

“Wala ka nang ibang pwedeng maka-partner. SI Danrick lang. Kung sasali ka, may premyo kang makukuha. At kung mananalo ka, mas marami kang perang makukuha. And it will be a good exposure for you. Who knows? May mga talent scout na manonood sa competition. Pwede kang ma-discover.”

“Tulad ng model ng Stallion Shampoo?”

“Oh, yes! As a major sponsor, pwede kong I-request sa kanila na bigyan ka ng scholarship. Hindi ba gusto mo na mag-aral?”

“Gusto ko po, Sir!” Biglang nabuhay ang dugo niya. Salapi. Kasikatan. Mga bagay na pangarap sa kanya ng tatay niya. Abot-kamay na niya ang lahat.

“Then go to Danrick. Nasa dance studio lang siya. At kailangan mong makumbinsi siya na maging ka-partner mo,” mariing utos nito. Isa itong hari na ang utos ay di mababali.

Parang maiiyak na siya nang lumingon sa kanya at kumaway na parang beauty queen. Masyadong masakit ang kailangan niyang pagdaanan para magtagumpay. Parang isang berdugo si Danrick na sisira sa mga ambisyon niya. “Goodbye, world. Ipagdasal sana ninyo ang kaluluwa ko bago garutayin ng Danrick na iyon. Please don’t forget me.”

PRAKTISADO na ang ngiti ni Vienezze nang makita si Danrick na palabas ng dance studio. Pakiramdam niya ay ipapakain siya sa mga leon. Pero dahil gusto niya ng pera, kailangan niyang magtapang-tapangan.

Halos magpatong na ang kilay nito nang ilagay ang bag sa likuran ng pick up. Mukhang masama pa rin ang mood nito dahil nag-quit si Aya. “Hello, Sir Danrick!”

Sumandal ito sa pick up. “What? Makikiusap ka sa akin na amu-amuin si Aya? No! Nag-quit siya kaya siya ang bumalik. Siya ang sumuko.”

“Naku! Hindi ko rin naman pababalikin si Aya sa iyo.” Malamang ay gutay-gutay na rin ang kaluluwa ni Aya at nag-iiiyak.

“Then what the hell do you want from me?”

Nilaparan niya ang ngiti. “I will be your new partner.”

“What?” he blurted in outrage. “There is no way that I will take you.”

Tuluyan nang naglaho ang ngiti niya. “Sandali! Bakit naman ayaw mo?” Mabuti nga at may baliw pang tulad niya na gusto itong maka-partner.

“Because you are not fit for the competition. You are not qualified!”

“Medyo kulang ako sa height pero pasok na iyan sa modeling.” Nasa 5’4” naman ang height niya. “Saka maganda rin naman ako.”

“Iyan ang problema ko. Iyang ganda mo. Hindi ako sigurado kung…” Nagdikit ang labi nito at huminga nang malalim. “Malay ko kung saan galing iyan!”

Natigagal siya. “I am not a fake! Natural lahat iyan.”

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi ko alam kung paano mo napaniwala ang lahat pero hindi ako. Akala ko istrikto sila sa mga rules sa competition. Iniinsulto ba ako ni Reid at ikaw ang ibinigay niya sa akin. This is Mister and Miss Stallion Riding Club. Not Mister and Miss…ter.”

“Aba at talagang ginagalit mo ako!” Itinulak niya ito sa pick up hanggang mapasandal ito. Wala siyang pakialam kung mas matangkad ito sa kanya. Mas matangkad pa dito ang inis niya nang mga oras na iyon. “What do you think of me? Vaklush! Hindi ka pa happy na binigyan ka namin ng papeles. Gusto mo ba ipakita ko sa iyo ang buong katawan ko. Ano ka, sinuswerte?”

“Miss, hi-tech na ngayon. Lahat nababago. Magaling ang doctor mo.”

Nasapo niya ang noo. “Malulurkey aketch.” Kaya ba lagi itong masungit sa kanya ay dahil iniisip nitong berde ang dugo niya.

“The way you speak, move and even the people around you tell you who you are. Hindi pa ba proof iyan kung ano ka?”

“Ngayon pati naman problema mo sa ex-girlfriend mo, ipapasa mo sa akin. Malaki ang problema mo! Please, huwag mo akong idamay.”

“It is not about Sheryl Ann. This is just about you. I don’t like you as my partner. Sinisira mo ang concept ng competition. And I won’t just stand and watch you ruin it. Kaya mag-quit ka na habang maaga pa. O sasabihin ko sa lahat kung ano ang tunay na kulay mo. Stay… away… from… me!” diin nito.

Hinatak niya ang harapan ng T-shirt nito pababa. “Kanina ko pa gustong-gustong ahitin ang kilay mo. Wala kang karapatan na tratuhin akong ganito. Strategy mo ba ito para mapag-quit ako? Torture! Pwes, hindi ako magku-quit!”

“Children,” untag sa kanila ng boses ni Myco Gosiaco, ang security head ng Stallion Riding Club. “I guess you need a little trip to the principal’s office.”

“ANOTHER security hazard,” anang si Myco at pumalatak. Nasa security office sila ng riding club at kaharap si Reid Alleje. Daig pa nila ni Danrick ang dalawang bata na nahuling nagrarambol sa eskwelahan.

“What is this fuzz all about? You were having a row in public. That is really a bad for our image, Danrick,” sabi ni Reid sa seryosong boses.

“This is all your fault, Reid. Of all people, why should you choose this person as my partner? Ayoko sa kanya,” mariing wika ni Danrick.

“Sir Reid, kung anu-ano ang sinabi niyang di maganda sa akin. Na kesyo retokada daw ako, bading and even transexual.” Matalim niyang nilingon si Danrick. “Maayos po ang record ko nang pumasok ako dito.”

“Don’t worry. I am sure that you are a woman. Hindi kita isasali sa competition kung hindi ka totoong babae.” Sa kanya kampi si Reid.

“Oh, come on! Give me a break!” bulalas ni Danrick. “Pinaglalaruan mo ba ako kaya mo sinasabi iyan. I know that she’s not a she but…”

“Danilo Ricardo Tezzoro, you may back out of this competition. Pero oras na malaman iyon ng ilan sa kliyente mo at nalaman nila na sinabihan mo ng di maganda ang pinaka-paboritong masseur sa spa ngayon, sino sa palagay mo ang mas masisira? Nobody will believe that she’s a transsexual. Opinyon mo lang iyan. You will lose clients. That will be ghastly.”

“You won’t pull me out of the competition?”

Umiling si Reid sa tanong ni Danrick. “The line up is final.” Kahit naman mag-quit siya ay hahanap lang si Reid ng ipapalit dito. “Miss Nevada will be your partner until she decides to quit.”

“Wala akong balak mag-quit, Sir Reid,” giit niya.

“You heard her. You may go now. Simulan na ninyo ang preparation sa competition. Mapag-iiwanan kayo,” pagtataboy ni Reid.

She saw the devilish glint in Danrick’s eyes when they left the security office. Hinabol niya si Danrick. “Pwede ba tayong mag-usap?”

“Sure!” Ibinuka nito ang kamay. “What is is about, Miss?”

Di na niya pinansin ang pagiging sarcastic nito. Hahaba lang ang gulo nila. “Alam ko na gagawin mo ang lahat para mag-quit ako. Wala akong pakialam kung iniisip mo na dinadaya ko ang lahat ng tao dito tungkol sa gender ko. Babae ako. And I intend to win the competition.”

“And I intend to make you quit.”

“At sa palagay mo ba may makakatagal na babae sa ugali mo? Lahat sila magku-quit at dadating ang araw ng competition na mukha kang tanga at wala kang ka-partner. Pagtatawanan ka ng lahat at wala kang magiging kliyente.”

“Sinasabi mo ba na ikaw lang ang makakatagal sa akin?”

“Pagtitiisan kita,” mariin niyang wika. “At ibig sabihin, pagtitiisan mo rin ako kung gusto mong manalo. Kaya di mo rin ako pwedeng pilitin mag-quit.”

“Hinihingi mo ang cooperation ko.”

“Hindi tayo Winnie the Pooh pag di tayo nagtulungan.”

Umasim ang mukha nito. “Paanong naging Winnie the Pooh tayo?”

“Winnie. The root word is win. Nakuha mo? Wala akong plano na maging Luz Valdez ang beauty ko.”

“Luz Valdez? Ibig sabihin matalo?”

“Exactly! Na-getlak mo! Ganyan! Wag kang shoshonga-shonga!”

Mariin itong pumikit. “Ayusin mo ang salita mo. Paano ako maniniwalang babae ka kung iba kang magsalita?”

Ipininid niya ang bibig. “Okay. Ibig sabihin agree ka na? Partners?”

“May ilan lang akong bagay na lilinawin.” Itinaas nito ang hintuturo. “Di dahil partners tayo, babae na ang tingin ko sa iyo. Gagawin ko lang ito para manalo.”

“Okay. Whatever you say.”

“Pangalawa, hindi mo ako pwedeng pagnasaan. Huwag mo rin akong pagsasamantalahan. If you touch me and it’s not needed, I won’t be responsible for my actions. I act on instinct.”

Kaya pala may pagkakataon na nagugulat ito kapag siya ang humahawak ito. May oras pa nga na gusto siya nitong sapakin. Traumatic nga yata ang experience nito sa mga kapatid sa federacion. Di niya ito masisi kung siya na ubod ng gandang diyosa ay pinagbintangan din nito pinklalou ang dugo.

“Ibig sabihin, ikaw ang magsasabi kung kailan mo lang ako gustong hawakan o kung kailan kita kailangang hawakan?” Killjoy!

Tumango ito. “Try to act as a girl. Gusto ko naman na maging credible ka bilang ka-partner ko. I don’t want to feel like I am an escort to a gay’s pageant.”

“Maging mas mabait ka rin sa akin. Kapag nararamdaman ko na sinusungitan mo at hindi ka nakikipag-cooperate sa akin, ikaw ang lagot sa akin.”

“What do you mean?”

The tip of her fingers made feathery touches on the front of his shirt. “Oras na magsungit ka, mag-quit ka o I-torture mo ako at matalo tayo sa competition, gagawin kitang alipin. Isang buong gabi, gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa iyo.”

Napaurong ito at nahintatakutan siyang pinagmasdan. “You can’t do that.”

Humalakhak siya. Iniisip siguro nito na gagawin niya itong sex slave. And his male ego couldn’t take it. “Kung matalo man ako at mapahiya dahil sa kagagawan mo, kailangan ko naman ng pampalubag-loob.”

Napalunok ito. “Sige. Pumapayag ako. Basta huwag kang basta-basta lalapit sa akin. Kinikilabutan ako. See tomorrow at the dance studio.”

Humagikgik siya. Winnie the Pooh ang beauty niya. Napatumba niya ang terror ng riding club na si Danrick Tezzoro.

NAKASIMANGOT na Danrick agad ang bumungad kay Vienezze nang dumating siya sa dance studio. “Anong oras na? Twenty minutes ka nang late.”

“Sorry. May tinapos lang akong major service. Pasensiya na.”

“At malaking pera naman ang nawawala sa akin dahil sinasayang mo ang oras ko. Mag-stretching ka na. Magsisimula na ang practice natin.”

Pakiramdam niya ay pumasok sa kampo ng military. Nuknukan nga pala ng perfectionist si Danrick. Itiniklop niya ang siko paitaas na inalalayan ng kabila niyang kamay at nag-side bend. “Ano ang gagawin natin sa talent?”

Isinalang nito ang CD. “Wala ka namang magiging problema sa tango, di ba? Madali kang naka-catch up noong nag-practice kami ni Aya.”

“Nagkataon lang na alam ko ang basic.”

Nilingon siya nito. “You are good. Wala tayong magiging problema.”

“Bukod ba sa talent, ano pa ang paghahandaan natin?”

Inisa-isa nito ang mga category kung saan kakailanganin nila ng costume. “We also need a float. Madali na lang iyon dahil may sponsors tayo. Mag-suggest na lang tayo ng design,” sabi nito. “Jenna Rose is the official couture of the riding club. Pwede mo pa ring I-discuss ang mga costume designs kung may idea ka.”

“Wow! Gusto ko iyan!” excited niyang usal.

Inilahad nito ang kamay. “Come on. We need to practice.”

Hindi maipinta ang mukha niya nang nagsasayaw sila. Parang napaka-stiff kasi ni Danrick. Ni halos di magdikit ang balat nila. It was not tango!

“Why don’t we take a break?” anito matapos ang isang oras.

“Danrick, gusto mo ba talagang magsayaw ng tango? Parang hindi naman babae ang trato mo sa akin. We are supposed to be lovers. Noong nagsasayaw tayo, parang diring-diri ka sa akin.”

“Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Naayos natin ang steps. Wala akong reklamo, di ba? I am quite satisfied because you are good.”

Ihinagis niya ang towel sa director’s chair. “Well, I am not. Kung di mo kayang pangatawanan na maging lover ko sa sayaw, pumili tayo ng iba. Interpretative dance na lang na Sino ang Tunay na Baliw! Mas bagay sa atin.”

“No way! Hindi ako sasayaw nang mukhang baliw. As a member of the riding club, I must show elegance and grace. Hindi ko hahayaan na gawing laughing stock ako ng maraming tao.”

Dinuro niya ang dibdib nito. “Then do it perfectly. Gusto kong manalo. Pangarap ko ang nakasalalay dito. Kung di mo aayusin ang performance mo, huwag mo akong idamay sa kahihiyan mo.”

Tinalikuran niya ito sa sobrang inis. Napakababa na kasi ng pakiramdam niya. Palabas siya ng dance studio nang tawagin siya nito. “Vienezze, I am sorry. I have so many issues. I have so many walls around me. Maraming ginawa sa akin ang ibang tao para mawalan ako ng tiwala. Pati ikaw nadadamay.”

“Kung gusto mo muna silang I-solve, I will leave you alone.”

“Hindi. Gusto kong mag-practice. I will try to correct my mistakes. Susubukan ko kahit na mahirap. Please bear with me.”

Nakangiti niya itong hinarap at hinampas sa braso. “Okay. Madali akong kausap. Forget mo na ang mga anek-anek sa isip mo. Mag-concentrate tayo sa practice.”

Paunti-unti ay lumalambot sa kanya si Danrick. Sana ay magtuloy-tuloy.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.