“Vienezze, gising ka na ba?”
Naramdaman niya ang mga mata ni Danrick na matiim na nakatitig sa kanya. Nagkunwaring tulog si Vienezze. Gusto kasi niyang malaman ang gagawin nito.
Narinig niya ang pag-usod ng bangko sa tabi ng kama. Natakpan ang liwanag na nakikita niya nang umupo ito. Hinaplos nito ang buhok niya. “I am sorry,” pabulong nitong sabi.
Nahimigan niya ang sinseridad sa boses nito. Parang pagkabait-bait ni Danrick nang mga oras na iyon sa pandinig niya. At gustong-gusto niya ang tunog ng sorry nito. Madalang kasi niya itong mahimigan sa mababang tono. Most of the time, he was dominant and unnerving. Kung gusto niyang makita gaano ito kaguwapo kapag humihingi ng sorry.
Pero di siya maaring dumilat. Gusto niyang marinig kung ano pa ang mga sasabihin nito at kung ano ang gagawin nito.
Hinaplos nito ang buhok niya. “I was so harsh on you. Akala ko kasi hindi ka babae. Na nagpapanggap ka lang. Kung alam ko lang sana…” Pumalatak ito. “Mali. Dapat yata iba ang sabihin ko. Vienezze…”
“Hmmm…” ungol niya at dahan-dahang dumilat.
“Okay ka lang?” bigla ay tanong nito. “Dadating na mamaya ang hot compress na ipapadala ni Doc Kester. You will feel better.”
“Ah! Thank you sa pagbabantay. May sinasabi ka ba kanina habang natutulog ako?” tanong niya. Mukha kasing di na nito sasabihin pa ang mga nire-recite kanina. Parang practice lang ang lahat ng iyon.
Umiling ito. “Wala. Wala akong sinasabi. Baka panaginip mo lang.”
“Sigurado ka? Wala kang ibang sasabihin? Ibig sabihin iyong mga sorry mo sa akin kanina hanggang panaginip lang.”
“Sorry?” Iniwas nito ang tingin. “Bakit naman ako magso-sorry sa iyo? Wala naman akong ginagawa sa iyo.”
“Kailan mo naman sasabihin sa akin na alam mo nang babae ako?”
“Nakikinig ka ba sa usapan namin ni Doc Kester kanina?” tanong nito.
“Akala lang ninyo tulog ako.”
Ginagap nito ang mga kamay niya. “Vienezze, I am really sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam. Galit na galit ka siguro sa akin. I doubted your gender.”
Inirapan niya ito. Sandamakmak yata na sama ng loob ang inabot niya na sabihan siyang vaklush, transsexual at iba pa. “Masyadong masakit iyon sa ego ko. Authentic akong girl. Wala akong ipinaretoke at pinapalitan.”
“Hindi ako nakakatiyak sa panahon ngayon. Iyong iba matapos magpa-sex change tuluyan nang nagiging babae at nagpapakasal pa sa lalaki. Paano kung isa ka sa kanila?”
“Masyado yatang malaki ang trauma mo sa mga pinklalou ang blood at ganyan ka. Grabe ba ang ginawa nila sa iyo?”
Bumakas ang hinanakit sa mga mata nito. “Sabihin na lang natin na nawalan ako ng tiwala sa mga tao sa paligid ko dahil lahat sila nagkukunwari. I was so stupid to believe them. Naging maingat lang ako.”
“Isa si Sheryl Ann sa kanila, di ba?”
“Yes. That experience was so fresh. Na gusto niya akong I-share sa mga gay friends niya.” Mapait itong ngumiti. “Narinig mo naman ang usapan namin, di ba? Parang sampal iyon sa akin dahil ikinonsidera ko na seryoso ang relasyon namin.”
“At hindi kita masisisi kung di ka magtiwala sa kanya.”
Naningkit ang mata nito. “Tapos nang lumapit ka sa akin, wala akong narinig kundi kung ano-anong salita na puro sa mga homosexual ko lang naririnig. Nag-init ang tainga ko. Paano naman ako maniniwala na babae ka nga?”
“Di ka pa rin naniwala sa birth certificate ko. Kahit yata iharap ko ang nanay ko para sabihing isang authentic na girlaloo ang ipinangank niya… sumalangit nawa… di ka pa rin maniniwala!” Hinawi niya ang buhok sa bangs. “At kung magpapa-retoke man ako, titiyakin kong mas maganda pa ako sa face ko na itech.”
“Well, you are pretty enough. You can’t blame me. Ilang beses nang may lumapit sa akin sa riding club na mga nagpa-sex change.” Napangiwi ito. “I thought you are not any different from them.”
“Kung hindi pa pala ako nagka-dysmenorrhea, di ka pa maniniwala na hindi pinklalou ang blood ko. Naman! Kahit na di tunay na girlaloo si Mamu, di ibig sabihin ay namana ko na rin ang pagiging pink ng dugo niya.”
“I shouldn’t have judged you right away. With so much deceit around me, I didn’t know how to trust. At lahat ng nakita ko sa iyo, natural lang na bumuo agad ako ng sarili kong conclusion. Pati tuloy galit ko sa ibang tao, sa iyo ko ibinuhos.” Kinintalan nito ng halik ang likod ng palad niya. “I am sorry.”
Kumurba ang ngiti sa labi niya. Dati ay ayaw nitong hahawak siya dito. Ngayon namang alam nitong girl siya, di na nito binibitiwan ang kamay niya. Hindi naman siya umaangal dahil kinikilig siya. Kahit na kamay lang niya ang halikan nito, pwede na sa kanya. Heaven na rin.
Kung noon pa siguro nito nalaman na girl siya, naging mas sweet siguro ito sa kanya. Pero huli man at magaling, naihahabol din.
“Danrick, sanay na akong maging shock absorber mo. Sa spa nga, ako lang ang di nag-resign sa mga sinindak mo.”
“That was a bit irritating. You were an eyesore then.”
“Mabait ka naman sa akin noong una. Bigla kang sumungit. Akala ko pa mandin ka-close ko na ang official maggugulay ng riding club.”
Tumawa ito. “Maggugulay? Yeah, right! Kahit sino naman tutulungan ko. Hindi ako namimili. Magaan naman ang loob ko na kakwentuhan ka kaya walang problema. Ibang usapan na lang na makikita mo ang lahat-lahat sa akin at mahahawakan mo ang katawan ko.”
Humalakhak siya ng nang-iinis. “Takot ka takot ka naman na mapag-samantalahan kita. Tsk! Tsk! Di mo pa mandin alam may mga pagkakataon na tulog ka, di mo alam kung hina-harass kita.”
Nagkibit-balikat ito. “Gawin mo ulit sa akin. Okay lang.”
“Sabi mo iyan, ha?” Parang binigyan na siya nito ng lisensiya na gawin ang lahat sa katawan nito habang natutulog ito sa spa. “Ibig sabihin tanggap mo nang girlaloo ako at partner mo.”
“Naninibago lang ako. Nang ituring kitang kaibigan, pare kasi ang tingin ko sa iyo. Ngayon nag-iba na.”
“Ano ba kaibahan noon? Mare mo na ako ngayon.”
Pinisil nito ang ilong niya. “Di ko lang alam kung paano pa kita basta basta iinisin ngayong babae ka. I should treat you with more respect and finesse now.” Hinaplos nito ang sariling batok. “I am not used to being so kind.”
“Mabait ka naman. Antipatiko ka lang kahit minsan.”
His face hovered over hers. Hinaplos ng daliri nito ang noo niya. “Good thing, masasabi ko nang totoong qualified ang ka-partner ko sa Miss SRC.”
“Ibig sabihin pwede na ulit akong tumanggap ng manliligaw?”
The gentleness was wiped out from his face. “Iyan yata ang hindi magandang gawin mo. Mag-focus ka na lang muna sa akin.”
Inirapan niya ito. “Killjoy! Wala naman akong mapapala sa iyo.”
Hindi bale sana kung nanliligaw ito sa kanya. O kaya kahit bigyan siya nito ng chocnut para iparamdam ang pagsinta nito. Kahit di na mamahaling chocolate.
“Ano naman ang mapapala mo sa mga lalaking iyon? Walang hot sa kanila. Kapag ihinilera mo sila, wala kang makikitang makisig dahil wala ako.”
“Ikaw lang naman ang masaya sa pagiging hot mo.”
Tumayo ito nang may nag-doorbell. Pagbalik nito ay dala na nito ang hot compress. “Kami lang nitong hot compress ang hot na kailangan mo. Huwag ka nang maghanap ng iba dahil wala ka nang ibang makikita.”
Pumikit siya nang maramdaman ang init na kumakalat sa katawan niya nang ilagay niya ang hot compress. “This feels good.”
“Ano ba ang ginagawa sa iyo kapag may dysmenorrhea ka?”
“Niyayakap ako ni Mamu saka kinakantahan.”
“Pwede ko ring gawin iyon,” prisinta nito.
Ngumiti siya at umusod para bigyan ito ng space. “Sige.”
Niyakap siya nito mula sa likuran at pinaunan siya sa braso nito. “Mahirap siguro na maging babae, no?”
“Mahirap pero nag-e-enjoy naman ako. Mas na-enjoy ko siya dahil kasama ko sila Mamu at Madonna. Hindi man sila authentic na girlaloo, mas na-explore pa nila ang pagiging maarte ng isang girl kaysa sa iba. Siguro iniisip mo na iba ang mundo nila. But they are not any different from you or me. Tao lang naman sila na naghahanap ng sarili nilang kaligayahan.”
“I know that, Vienezze,” bulong nito.
“At hindi rin dapat nadadamay ang ibang tao sa pagkakamali ng ilan.”
“Sinusubukan kong pag-aralan iyan.”
“At kunyari ikaw ang Mamu ko.”
Naramdaman niya ang pagdikit ng labi nito sa buhok niya. “Basta huwag mo akong pakakantahin ng version mo ng Ako ay May Lobo. Magkakagulo tayo.”
“Just hold me, Danrick. I will feel better.”
Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ayaw niyang matulog kahit na hinihila siya ng antok. She wanted to relish the feel of his arms around her. Ayaw niyang makawala ang pagkakataon na iyon. Bilang na ang araw nila sa riding club. At gusto pa niyang sulitin ang panahong kasama si Danrick.
This man fascinated her. Pwede itong maging kasing bangis ng leon at kasing amo ng tupa. At kahit na kinakapos pa ito sa charm, Winnie the Pooh pa rin ang kaguwapuhan nito sa kanya.
At hindi na niya mapipigilan ang sarili na mahulog dito.
HAWAK ni Danrick ang isang long stem red rose nang dumating siya sa dance studio. Isang linggo na lang at Mr. and Miss Stallion Riding Club na. Kaya sobra na ang focus nila sa talent. Perfectionist kasi si Danrick at gustong tiyakin na mananalo sila.
“Sa akin ba ang rose na iyan?” untag niya dito.
“No. We will practice the dance with the rose.”
Inikot niya ang leeg bilang panimula ng warm up. May kasamang rose sa tango nila na kakagatin nilang dalawa ni Danrick at pagpapasahan. Isa iyon sa mga trick para maging mas romantic at exciting ang sayaw.
Ginapangan siya ng kaba. Madali lang ang tango. At sa nakakaraang practice nila ni Danrick, na-perfect na nila ang sayaw. Ang problema, di pa nila naisasayaw ang tango nang may rosas. Pinapalitan lang nila ng bilang ang parte na dapat ay magpapalipat-lipat ang rose sa mga labi nila. Paano kung di sinasadya ay mahalikan siya nito o mahalikan niya ito?
Lihim siyang napangiti. “Good luck sa akin!”
Malaking pabor sa kanya kapag nagkapalpak-palpak sila sa eksena na iyon. Ilang beses na ba niyang pinangarap na manakawan ng halik si Danrick?
“Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan?” asik nito.
“Bakit bigla kang nagsungit? May dysmenorrhea ka?”
Tumalim ang mata nito. Hinapit ang baywang niya at kinagat ang tangkay ng rosas. Di niya napansin na nagsisimula na pala ang tugtog. Masyado kasi siyang nabuhay sa pangangarap.
Bumagsak ang tunog ng tambol. Nagkatinginan sila ni Danrick. Hudyat na iyon para kunin niya ang rose mula dito. Kakagatin na niya ang rose nang bigla iyong bumagsak. Mabuti na lang at nasalo ng magkadikit nilang katawan.
“Bakit binitiwan mo agad? Hindi ko pa nakakagat!”
Bahagya nitong hinatak ang may kahabaang buhok. “Sorry. Ulitin natin.”
Sinimulan ulit nila ang sayaw. Ngunit tuwing dadating sila sa step na iyon kung saan siya na ang kakagat sa rose ay lagi iyong nalalaglag.
Frustrated na iwinasiwas ni Danrick ang rose. “Blast it! Ulitin natin!”
“Hindi ko alam kung sino ang may problema. Ako ba?”
“No! Its me! Naiilang ako.”
“Hindi tayo dapat naiilang. Tango is a dance for lovers. Ano ang gagawin natin para hindi na tayo mailang?”
“I got an idea.” Hinawakan nito ang batok niya at hinila siya palapit.
His lips captured hers in a hard and fiery kiss. Hindi agad siya nakahuma. Parang nag-aapoy ang mga labi nito at tinatatakan siya. Hinila nito ang baywang niya palapit sa katawan nito. Their bodies meld as one.
She felt hot all over. She didn’t expect that Danrick could be so passionate. At para sa isang babaeng walang karanasan na tulad niya kahit sa paghalik, he was like a master. She asked for this kiss. Pero ngayong narito na, di niya alam kung paanong sasagot sa halik nito.
She didn’t find it hard to follow his lead. Hinayaan din niyang mamayani ang apoy sa puso niya. Naririnig niyang tumutugtog ang musika ng tango. Dapat ay nagsasayaw sila. Instead, their were moving in a different dance but still in sync.
Habol niya ang hininga nang maghiwalay ang labi nila. Nakahawak siya sa balikat nito habang nakatulala dito. “Is this supposed to help?”
“Yes. Now that we’ve kissed, hindi na tayo magkakailangan.”
Natulala siya sa salamin ng dance studio. “Oo nga naman.”
Hinalikan siya nito para lang sa sayaw. At mukha naman siyang baliw na nagpahalik dito dahil akala niya ay may ibang ibig sabihin iyon. Magkasama lang naman silang dalawa para sumayaw. Lumalagpas na yata ang ambisyon niya.
Pinatugtog ulit nito ang CD pero nanatili itong nakatayo habang nakatitig sa kanya. “Bakit ganyan ka makatingin? Di pa ba tayo sasayaw.”
Inabot nito ang rose sa kanya. “Pwede bang manligaw?”
“Bakit? Para ulit sa sayaw?” Kung iyon lang ang dahilan, magwo-walk out talaga siya. Gusto ba nitong maging authentic ang pagiging lovers nila at bigla siya nitong liligawan? Sobrang pang-iinsulto na iyon sa kanya.
“Anong sayaw? Bakit ba nanliligaw? Hindi ba para magka-girlfriend? And I want you to be my girlfriend!” may kalakasan nitong sabi.
“Manliligaw ka. Inaalok mo akong maging girlfriend. Tapos sisigawan mo ako? Niloloko mo ba ako?”
“Seryoso ako,” mas malumanay na sabi nito. “I am just frustrated. Hindi ko alam kung paano ka liligawan nang maayos. Kinakabahan ako.”
“Bakit ka naman kakabahan? Akala ko ba hot ka?”
“Baka mabasted ako.”
Pinaglaro niya ang paa sa sahig ng dance floor at iyon ang tiningnan. “Nakahalik ka na nga sa akin. Tapos takot ka pang mabasted. Nakita ko na nga lahat sa iyo…”
“Hold it! Dapat pala pakasalan mo na ako. Nakita mo na lahat sa akin…”
Tiningala niya ito. “Para ka namang dalagang Pilipina. Ano nakain mo at bigla kang nanliligaw? Gusto mo na maging realistic ang sayaw natin? O gimmick mo ito?”
“I think I am in love with you.”
Mukha nga itong seryoso pero parang hindi totoo. “Hindi nga? Madalas mo pa rin akong sungitan tapos sasabihin mo in love ka sa akin.”
“This is embarrassing. Attracted na ako sa iyo noon pa lang nakita kita sa Mushroom Burger. Pero nadismaya ako dahil akala ko hindi ka babae. And do you know how damn frustrating it is every time I see you and you touch me? Tapos alam kong galit na galit ako sa mga kalahi mo.”
“Ibig sabihin galit ka kasi feeling mo vaklush ka rin?”
“Huwag mo nang ulitin pa iyan. I am just glad that you are not. Ang kinatatakutan ko naman, baka di mo ako sagutin dahil sa torture na ibinigay ko sa iyo. Siyempre marami namang ibang nanliligaw sa iyo na mas mabait.”
“Alam mo ba na may eckalavoo ako dito sa riding club?”
“Anong ecklavoo iyan?” pagalit nitong tanong.
“Love. At ang alam ko, siya ang pinaka-hot na manliligaw ko.”
Nakuyom nito ang palad. “Sino iyon? Kailangan muna makaharap ko siya para mapatunayan ko kung mas deserving siya kaysa sa akin. Hindi ako makapaniwala na may iba pang mas hot at makisig sa akin.”
“Ang alam ko siya ang pinaka-hot na maggugulay na nakilala ko.”
Di pa rin maipinta ang mukha nito. “Wala namang ibang maggugulay dito kundi…” Dahan-dahan siya nitong nilingon. “Ako?”
“Sino pa ba ang ibang hot dito kundi ikaw lang?”
Niyakap nito ang baywang niya at kinintalan siya ng halik. “So everything’s okay now. Pwede na siguro tayong mag-practice.”
Parang binagsakan siya ng bubong ng dance studio. Magpa-practice sila? Akala niya ay boyfriend niya ito. Bakit bumalik na naman sila sa sayaw? Ano na namang klaseng emotional torture ang ibinibigay nito sa kanya?
Pinatugtog nito ang CD at pumailanlang ang kanta. “Shall we start?”
He took her in his arms and kissed her slowly and passionately. Tuluyan nang naglaho ang galit niya. Iyon pala ang practice na sinasabi nito.