“Do you think this is a good idea?” tanong ni Vienezze habang nakasakay nang may side saddle sa kabayong si Steffan.
“Ilang beses ka nang nakasakay sa kanya. Hindi naman siya gagalaw habang float parade. Hindi mo naman siya paandarin,” sabi ni Danrick habang hila-hila si Steffan at naglalakad sila sa paligid ng riding club. Iyon ang paraan nila para ma-practice silang pareho ni Steffan sa isa’t isa.
Western style ang gamit na saddle ni Steffan at ng iba pang mga kabayo sa riding club. Hindi ito sanay sa English side saddle na gamit niya. Iyon pa kasi ang saddle na gamit noong unang panahon na kilo-kilo pa ang bigat ng damit ng mga babae at bawal ipakita kahit ang kuko sa paa.
“Kahit na. Marami pa ring pwedeng mangyari. Mamaya may ma-sense siyang mare at biglang magtatakbo,” katwiran niya.
“Hindi niya mating season ngayon. Kasama mo ako. Hindi ka niya ilalaglag. Hindi iyan tatakbo. Wala ka talagang tiwala sa akin.”
Danrick had so much faith in his horse. Minsan nga ay gusto niyang pagselosan ang kabayo dahil mas madalas nitong kasama si Steffan kaysa sa kanya.
Huminga siya nang malalim. Ilang beses na siyang sumakay kay Steffan pero hindi patagilid. Kahit Spartan female warrior ang costume niya, parang gusto naman siya nito na tratuhin na isang diyosa. DI daw siya pwedeng sumakay sa kabayo sa karaniwang paraan. Baka daw pag-interesan ng mga lalaki ang legs niya.
Dumoble ang pagiging protective nito nang maging nobya siya nito. Di pa rin kasi tumitigil ang mga lalaging nagpapalipad-hangin sa kanya.
“Nakita mo na ba ang float ng mga makakalaban natin?” tanong niya.
“Huwag mo na silang isipin. Mas hot pa rin tayo.”
“Puro ka hot diyan. Mamaya inilalampaso na nila tayo.”
“Sino ba ang nag-design ng float mo? Hindi ba ang Mamu mo? Ibig sabihin maganda iyon dahil pinaghirapan ng tatay mo. Maswerte ka talaga dahil may tatay kang tulad niya na mahal na mahal ka,” malungkot nitong usal.
Tuwing pag-uusapan si Mamu Ferdie, di mawawala ang lungkot at inggit sa mga mata nito. Terrible nga naman ang experience nito sa kamay ng sariling ama na nang-iwan dito. Ginulo niya ang buhok ni Danrick. “Pwede naman kayong maging close ni Mamu. Naku! Matutuwa iyon kapag nalaman niyang kasing guwapo mo ang boyfriend ko. Ipagmamalaki niya iyon sa baranggay niya.”
“Kasing guwapo ko, ha?”
“Katulad mo kasi ang inaambisyon niya na maging boyfriend ko.”
At oras na manalo daw siya sa Miss Stallion Riding Club, magpapa-fiesta si Mamu Ferdie. Gusto rin niyang manalo dahil matagal na nitong pangarap na maging isa siyang beauty queen. Ang gusto lang niya ay makitang masaya ang tatay niya.
“Paano kung hindi ako member ng riding club at isang ordinaryong maggugulay lang ako?”
Ngumiti siya. “Okay lang. Hot ka pa rin naman.”
Matapos ang ilang minuto ay ibinalik na rin nila si Steffan sa stable. “Tama na ang practice na iyon. Tomorrow is the big day.” Inunat nito ang dalawang kamay at saka siya inakbayan. “Huwag kang magseselos sa mga babae na magkakandarapa sa hotness ko. Ikaw ang may gusto na magngingiti ako.”
Siniko niya ito nang kumaway ito sa grupo ng Flower Girls, ang mga grupo ng babae na nagpapakamatay sa paghabol sa mga miyembro ng riding club.
“Huwag kang masyadong magpa-cute. Sasamain ka sa akin!”
“Hindi pa competition nagseselos na. Baka diyan pa tayo matalo. Kung kailangan kong magpa-cute sa lahat ng babae dito, gagawin ko para makuha mo lang ang scholarship na gusto mo.”
Humilig siya sa dibdib nito. Ayaw kasi niyang tanggapin ang tulong nito na paaralin siya. Kailangan ay sarili niyang sikap. Kundi man siya manalo sa competition, kailangan niyang ituloy ang pagtatrabaho niya.
Isang eleganteng Cadillac ang tumigil sa tabi nila. Bumaba ang babaeng laging nagsasabi na anak nito si Danrick. “Danrick!” At dali-dali itong lumapit kay Danrick. “Kumusta na ang preparation ninyo sa pageant?”
“Anong ginagawa ninyo dito?”
“I asked permission from Reid Alleje to visit you. Minsan na kaming nagkaroon ng transaction. I just want you to know that I will watch your pageant tomorrow,” excited na sabi ng babae.
“You don’t have to,” matabang nitong sabi.
“I am proud of you. I even invited my friends to see you.”
Itinaas ni Danrick ang kamay. “Please spare me. Hindi ko naman kayo kailangan sa pageant. At hindi ko kayo kinailangan kahit kailan. Ang alam ko, hindi ka naging parte ng buhay ko. At wala akong plano na gawin kayong parte ng buhay ko. Para sa akin, hindi ko kayo kilala.”
Naramdaman niya ang lamig sa bawat ugat niya. It was the effect of Danrick’s chilling voice. Kung hindi nito kilala ang babaeng nasa harap nila, bakit para may itinatago itong matinding hinanakit. Hinanakit na parang napakatagal nang naibaon at hindi pa rin humuhupa.
Nangilid ang luha ng babae. “Anak, maiintindihan ko kung galit ka man sa akin. Bata pa ako noon. Magulo ang isip ko. Di ko alam kung paano harapin ang mga responsibilidad ko. Kailangan kong iwan ka dahil wala naman akong maibibigay na magandang buhay sa iyo. Kahit nga sarili ko di ko kilala.”
Ngumisi siya. “Thanks to you. Naging miserable kami ni Mama. Wala na siya. Kahit mag-sorry ka pa, hindi ko rin naman tatanggapin. Bakit hindi mo na lang balikan ang buhay na alam mo? After all, everybody knows that you don’t have a son. Hindi ba iyon naman ang sinabi mo sa kanila?”
Itinakwil si Danrick ng sarili nitong ina? Kung ganoon ay mag-ina nga ang ito. Sino ang babaeng itinuturing ni Danrick na ina? Dito ba iniwan si Danrick noong bata pa nang iwan ito ng babaeng nasa harap nila?
Yumakap ang babae sa braso ni Danrick. Puno ang hinagpis ang anyo nito. “I am sorry. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon. Ayoko lang na ikahiya mo kung ano ang pagkatao ko. Ikaw din ang iniisip ko. Gusto ko ng normal na buhay para sa iyo. Nandito ako para bumawi. Gusto ko na gawin ang responsibilidad ko sa iyo. Gusto ko na iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. Basta huwag mo akong itaboy.”
Binawi ni Danrick ang braso mula dito. “Please leave me alone!”
“Danrick, baka kailangan ninyong mag-usap,” mahinahon niyang sabi.
“Get in the car,” utos ni Danrick sa kanya sa malamig na boses.
“Gusto ka lang naman niyang makita,” pagtatanggol niya sa babae. “Gasino ba na bigyan mo siya ng kaunting konsiderasyon.
“Just get in the car, Vienezze!” In his tone, he was saying that it was his own business and not hers. Saka muling ibinaling ang malamig na tingin sa nagmamakaawang babae. “Hindi ko kayo mapipigilan na pumunta ng pageant at panoorin ako. But please don’t tell anybody that I am your son. Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka. And I will never forgive you.”
Parang dinurog ang puso niya nang makita ang luha sa mata ng babae nang iwan nila. “Danrick, sino ba talaga siya?”
“Desiree Tezzoro.”
Napasinghap siya. “So she’s really your mother?”
“No! Matagal nang patay si Mama! Sinabi ko na iyan sa iyo.”
“Sino iyong babae na nagke-claim na anak ka niya?”
“He is my father, Deserio Tezzoro.”
Matagal na sandali niyang tinitigan si Danrick, pinanood niya ang paglalaro ng matinding galit sa mukha nito. Hindi nito nanay ang babae kundi ama nito.
“So that woman is a man?”
Ngumisi si Danrick. “I told you, my father is not a man.”
Lumingon siya sa likuran. Umaasang makikita pa ang ama ni Danrick. “Ibig sabihin iniwan niya kayo ng Papa mo para maging babae?”
Humigpit ang hawak nito sa manibela. “Yes. Habang nagsasaya siya, binuhay ako ni Mama nang mag-isa. ginagastusan niya ang mga boyfriend niya pero hindi kami ni Mama. And Mama was so stupid to fall in love with him.”
“Ibig sabihin pareho pala tayo.”
“No! Your father is a man. Kahit na iba pa ang gender preference niya, minahal niya ang nanay mo. He never shrinks from his responsibilities.”
Pilit niyang inaalala ang mga kwento ni Danrick. Minahal din ng Mama nito ang ama nito. His mother was rejected. At ang masama, pati si Danrick ay ni-reject din nito. Kung ganoon ay doon nag-ugat ang galit nito sa mga miyembro ng third sex. Ngayon ay mas naiintindihan na niya ito.
“Kahit ba minsan hindi ka niya dinalaw?”
Humugot ito ng malalim na hininga. “Never. Ni hindi nga niya matanggap na may anak siya. Minsan idinala ako ni Mama sa mall. Nandoon si Papa kasama ang mga kaibigan niya. Eight years old ako noon. Sabik na sabik ako sa ama. Pero anong sabi niya kay Mama? Umalis daw kami dahil di niya kami kilala.”
“At iyon din ang ginagawa mo ngayon?”
“I hate him for that.” Hinampas nito ang manibela ng sasakyan. “Kung nakita mo lang sana kung paanong magmakaawa si Mama para kilalanin ako na anak niya. Pinagtawanan lang niya kami at ng mga kaibigan niya. Mas masakit ang naramdaman ni Mama. Mabuti pa ang pulubi nalilimusan.”
Niyakap niya ito. “Danrick, I am sorry.”
“Hindi masamang tao si Mama para ipahiya niya.”
This was the little lost boy. Ang bata na pinagkaitan ng sarili nitong ama ng pagkakakilanlan. Masyadong malalim ang sugat nito. At para sa tulad niya na mahilig makialam, di niya alam kung paanong pahuhupain ang damdamin nito.
“Hindi ka na niya masasaktan, Danrick. Tapos na iyon. Bumabalik na siya ngayon para hingin ang tawad mo.”
“His sorry won’t take away the pain. Patay na si Mama. Makakahingi pa ba siya ng tawad? Napaka-convenient sa kanya kung kailan matanda na ako saka siya lalapit. Bakit bigla niya akong kakailanganin?”
“Hindi mo ba siya mapapatawad at matatanggap na ama?”
“No!” Binuksan nito ang makina ng sasakyan at pinaharurot ng takbo.
She felt helpless. Damang-dama niya ang kalungkutan at sakit nito pero wala siyang maitulong. Si Danrick lang ang makakahilom sa sarili nitong sugat.
NAG-AALALA na si Vienezze. Kanina pa wala sa mood si Danrick. Mula sa float parade hanggang sa opening ng pageant ay di ito ngumingiti. Mabuti na lang at nakalusot ito dahil Spartan warrior ang costume nila. Walang warrior na palangiti at parang model ng toothpaste. Pero sa mga susunod na category, hindi na iyon pwede. At mukhang pasama nang pasama ang mood nito.
“Blast it!” bulalas ni Danrick nang matinik sa stem ng rose. Nakabihis na ito para sa talent nila pero mukhang hindi pa ito handang mag-perform.
Sinuklay niya ang buhok ni Danrick. “Malapit na tayong tawagin. Are you sure that you still want to do this?”
“Paano mo makukuha ang scholarship mo kung di tayo mananalo? Of course we will dance!”
Umuklo siya sa harap nito. “But I don’t think your mind is in this competition. Iniisip mo pa rin ang Papa mo, di ba? Nasa labas siya at pinapanood ka kaya ka nagkakaganyan.”
“I feel rotten. I hate him so much. Dapat masaya ako na nasasaktan siya. Ibinabalik ko lang naman sa kanya ang mga ginawa niya sa amin ni Mama. Why do I still feel awful?” Sinabunutan nito ang sariling buhok. “Ano ba ang ginawa kong mali?”
“Maybe your heart is telling you to forgive him.”
“Napakaswerte naman niya. At tatanggapin ko na lang siya basta?”
Hinuli niya ang mata nito. “Danrick, listen. Nailabas mo na ang galit mo pero di pa rin nagbabago ang nararamdaman mo. Nasaktan mo na rin siya. Siguro dapat mag-tone down ka. Isipin mo kung ito ang gusto ng Mama mo para sa inyo ng Papa mo. Tinuruan ka ba niya na magalit sa Papa mo?”
Umiling ito. “No. She’s far too kind. Sabi niya dapat mahalin ko pa rin si Papa. Kung wala si Papa, wala ako.”
“She raised you well. Nagagalit ka sa Papa mo dahil mas sinaktan niya ang Mama mo. But your mother wants you to have her forgiving nature. Alam niya kapag kinain ka ng galit mo, kakainin din nito ang pagkatao mo. Don’t let it happen, Danrick. Mas magiging masaya ka kung walang galit sa dibdib mo.”
Hindi madaling magpatawad. Mabigat ang hinihingi niya. It might take time. Ngunit kung magagawa iyon ni Danrick, mawawala rin ang mabigat nitong dinadala sa dibdib. Magkakaroon din ng tsansa para magsimula ito at ang ama nito.
Pinagsalikop nito ang palad at huminga nang malalim. “Ginawa ko ang lahat para maging malakas. Para maging lalaking-lalaki. At kung patatawarin ko siya, ibig bang sabihin mahina na rin ako?”
Ginagap niya ang kamay nito. “No. Mas hot ka kapag napatawad mo ang Papa mo. Kasi makakangiti ka na sa mga tao dahil good mood ka na.”
“Iyon ba ang key sa pagiging hot?”
Hinaplos niya ang dulo ng ilong nito. “Hindi ba hot ka? Dapat alam mo iyon.”
Tumayo ito at itinali ang buhok. “Then I will give my best. I want to show everyone how hot I am.”
Gumaan ang mood niya. Sa wakas ay bumalik na ang ka-partner niya. Isa iyong positibong response mula dito.
“Alam mo ba na wala akong balak na sumayaw?” bulong nito habang magkahawak-kamay sila at hinihintay na tawagin ang pangalan nila. “But tango is very special for me. Itinuro iyon sa akin ni Mama dahil doon daw siya na-in love kay Papa. And she believes that during that time, my father also fell in love with her. Minahal siya ni Papa. Iba lang ang pinili ni Papa.”
“Siguro dapat mong ipaalala sa kanya na minsan nga niyang minahal ang Mama mo. Ipakita mo rin sa kanya na pinalaki ka ng Mama mo sa pagmamahal. And I am sure, magiging masaya ang Mama mo kung nasaan man siya.”
Naghiwayan ang mga tao nang tawagin ang pangalan nila ni Danrick. Kumaway siya nang makita sina Madonna at Mamu Ferdie.
Di kalayuan sa mga ito si Desiree na halos mamaos sa kasisigaw. “Anak ko iyang si Danrick! Ako ang tatay niya!” pagmamalaki nito.
Lahat tuloy ng mga tao ay gulat na nakatingin dito. Paanong ang isang magandang babae ay naging tatay ni Danrick Tezzoro?
“He is proud of you,” bulong niya habang hinihintay tumugtog ang piece nila.
Ngumiti lang si Danrick. It was a good sign. Unti-unti ay natatanggap na rin nito ang ama nito sa buhay nito. And eventually, he would forgive his father.
“BALAE, ang joray-joray ng ng earrings mo. Diamonds are forever ba iyan?” tanong ni Mamu Ferdie kay Desiree habang umiinom ng wine. Nasa victory party sila bilang nanalong Mister and Miss Stallion Riding Club sa Lakeside Bistro and Music Lounge.
“Ay! Mataray din ang earrings mo. Diamond din iyan?”
Humalakhak si Mamu Ferdie. “No! No! No! Sa Ongpin lang iyan. Korean gold at di ko alam kung ano ang bato. Nadaya ka ba?”
Inabot ni Danrick sa kanya ang flute ng champagne. “Mukhang magkasundo na si Mamu at Papa. Pareho ko silang hindi maintindihan.”
“Hayaan mo na sila sa kaligayahan nila.”
“Para sa kaligayahan natin.”
Kinagat nito ang rose sa tangkay at inilapit ang mukha sa kanya. Kinuha niya iyon at kinintalan ito ng halik sa labi. “Parang gusto mo ulit mag-tango.”
“Enough of that! Kanina pa tapos ang winning performance ninyo!” saway ni Mark Ashley, ang official chopper pilot ng riding club at pinsan ni Richard Don.
“Huwag mong sabihing naiinggit ka? Kabi-kabila ang girls mo,” kantiyaw ni Danrick dito. “O baka iniwan ka na nilang lahat.”
“Magbabakasyon lang ako. May festival kaming pupuntahan ni Richard Don sa Cordillera next week. Kaso di yata makakasama at ginulpi ni Danzelle Ann.”
“Dahil natalo sila?” First runner up lang ang dalawa sa kanila.
“Hindi. Nagselos yata si Danzelle Ann. Kawawang Richard Don.”
Natawa na lang sila ni Danrick. Dati kasi ay aso’t pusa rin silang dalawa.
“Are you leaving the riding club?” tanong ni Mark Ashley sa kanya. “Mami-miss namin ang golden hands mo dito.”
“Mag-aaral lang ako pero dadalaw pa rin.”
Inakbayan siya ni Danrick. “Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya babantayan. At least sa riding club alam ko kung sino ang sisindakin ko.”
“Wag kang mag-alala. Wala akong matatagpuang kasing hot mo.”
Nagkatawanan sila ni Danrick. Di kasi niya ito ipagpapalit. Kung sa riding club nga na puro guwapo, ito lang ang nakikita niya. Lalo naman sa labas.
Tumalilis sila sa party at naglakad-lakad sa tabi ng lake. “I feel light. Parang tinatangay ako ng hangin,” sabi nito.
“Kasi wala ka nang burden sa dibdib mo. Okay na kayo ng father mo.”
“He is lucky. Kung hindi ka dumating sa buhay ko, siguro nakakulong pa rin ako sa galit ko. At katatakutan pa rin ako ng mga tao sa paligid ko. So much anger consumed me. Mas madali kasi iyon kaysa magpatawad.”
Niyakap niya ang baywang nito. “And I am proud of you. Hindi madali ang ginawa mo. Ibinaba mo ang pride mo na matagal mong inalagaan.”
“Dahil ayoko nang mag-alala ka sa akin. At alam ko rin na kaligayahan mo na maging masaya ako. So I will do everything to make you happy.”
Inilabas niya ang rose. “Gusto mong mag-tango ulit tayo?”
Kinuha nito ang rose at ihinagis sa ere. Then his lips captured hers in a slow, sensual kiss.