Tumango na lang siya. She felt like hyperventilating because of his proximity. “H-Hai, Shuichiro-sama,” sang-ayon na lang niya. Sinadya niyang idugtong ang salitang –sama sa pangalan nito dahil ginagamit iyon sa mga taong mas nakatataas. Dapat na siyang masanay dahil boss na niya ito.
“Sa dinner mamaya, ako ang magbabayad. Ayokong maririnig sa iyo na nagko-compute ka kung magkano ang babayaran mo habang magkasama tayo.”
“H-Hai, Shuichiro-sama,” sabi ulit niya. Unti-unting nagsi-sink in sa kanya kung anong klaseng boss ito. Di ito pwedeng suwayin. Malayo sa ex-boyfriend niya.
Inangat nito ang paper bag na naglalaman ng regalo nito sa kanya. “I want you to wear this tonight. And don’t you even dare hurl it back to my face. Or you will regret that you did.”
“H-Hai, Shuichiro-sama,” aniya at pilit na ngumiti.
Parang wala itong narinig sa sinabi niya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. Her eyes widened. He would kiss me for real this time. Magkaka-first kiss na yata ako. Ipinikit niya ang mga mata. Ano ba ang laban niya dito? Ngayon pa nga lang ay nanlalambot na ang tuhod niya.
Nakarinig siya ng mahinang click. Nang dumilat siya ay malayo na ito sa kanya. Nakangiti na ito sa kanya. Parang hindi ito ang lalaki na seryosong-seryoso at parang pagtatangkaan siyang halikan kanina. “I will meet you tonight, Jemaikha.”
Nang hawakan niya ang handle ng pinto ay bumukas iyon. Ginamit na pala nito ang remote para ma-unlock. “P-Pwede na akong umalis?” Parang ayaw pa kasi ng paa niya na maglakad palabas doon. Wala pa ang first kiss ko!
“HAPPY Birthday to me. Happy Birthday to me,” paulit-paulit na kanta ni Jemaikha para alisin ang kaba sa date nila ni Hiro. Umaga pa lang ay bihis na siya at nakaayos. Pero di pa rin siya lumalabas ng kuwarto. “Hindi nga pala date iyon. Kasama nga pala sila Tiya Vilma at si Robin. Di rin kami magsosolo. Wala akong birthday kiss. Hay, ambisyosa!”
Walang kaabog-abog na bumukas ang pinto at pumasok ang Tiya Vilma niya. “Ano pa bang tinutunganga mo diyan? Kanina pa nasa labas si Hiro.”
“Bakit hindi pa po kayo nakabihis?” Naka-duster lang kasi ito. “Huwag ninyong sabihin na sasama kayo sa amin nang nakaganyan lang.”
“Hindi kami sasama ni Robin. Gusto namin solo kayo sa date ninyo,” kinikilig nitong sabi. “Sabi na nga ba! Si Hiro talaga ang para sa iyo. At kapag inalok ka niya ng kasal, huwag ka nang tatanggi. Kukurutin ko ang singit mo.”
“Hindi po iyon date. Trabaho po ang pag-uusapan namin.”
“Ah, basta! Sabihin mo kay Hiro, iyong pasalubong namin.”
Nang dumating sa sala ay kausap ni Hiro ang kapatid niyang si Robin. “Kuya Hiro, bahala ka na sa ate ko, ha?”
Ginulo nito ang buhok ni Hiro. “Sure. Ate mo pa!”
Hindi komportable si Jemaikha mula sa sasakyan hanggang sa restaurant kung saan nagpa-reserve ito. Magaan naman ang conversation nila pero di pa rin niya magawang mag-relax katulad ng dati. “Hiro, ano ba ang latest project na gusto mong I-push sa mga investors?” tanong niya.
Inabot nito sa kanya ang portfolio ng project. “It is a machine that we will push in agricultural countries like the Philippines. It is a new line of plowing machines that use water as its fuel. Maraming farmers ang makikinabang dito dahil matipid. Environment friendly pa. Kung maitutulak ito sa Pilipinas, di na masyadong mahihirapan ang mga farmers natin, hindi ba? Mababawasan ang gastos.”
Pinasadahan niya ang details. “How about the price?”
“Definitely cheaper. Kadalasan kasi, mga mayayamang farmers lang ang nakakabili ng ganyang klase ng machineries. Ngayon, kahit mahihirap pwede na. And besides, Filipino inventors ang gumawa nito. It is high time that we show the world that Filipinos are good in this field. Chance na natin para umangat, di ba?”
“Pag-aaralan ko ito,” sabi niya. Magiging bahagi din ng trabaho niya ang pagkumbinsi sa mga investors. She and Hiro were a team. At di siya mahihirapan dahil maganda ang project ni Hiro. Malaki pa ang maitutulong sa iba.
“Two days from now, we are leaving for the Stallion Riding Club. So you better pack your things. Baka isang linggo tayo doon.”
“Stallion Riding Club? Isang linggo?”
“Yes. We will hold our meeting at the riding club. Those investors love horses. They would love the club. The nice atmosphere and the horses could convince them to invest. At isang linggo tayo doon dahil kailangan kang maging familiar sa club. Dapat matuto ka ring sumakay ng kabayo.”
“Ha? Bakit pati ako?”
“It is a part of your job, remember? Don’t worry. Your work includes free lodging and I will give you just compensation. Bukod sa makakabayad ka sa utang.”
Hindi pa mandin siya sanay na maglalapit sa mga kabayo. Pakiramdam kasi niya ay tatapakan siya ng mga ito anumang oras.
“Isang linggo?” Natigilan siya nang maisip na makakasama niya ito nang isang linggo. “Anong sasabihin ng girlfriend mo?”
“Sinong girlfriend ko?” inosenteng tanong nito.
“Si Morella. Hindi ba sinabi niyang girlfriend ka niya?”
“It is just a joke for her. Kahit naman sino ang magtanong sinasabi niyang boyfriend niya kahit hindi naman. Kung tatlo kaming lalaki na kasama niya, sasabihin niya na boyfriend niya kaming tatlo.”
“Hindi mo pa pala girlfriend iyon. Grabe kung makayakap.”
“Kung nagseselos ka, yakapin mo din ako. I won’t mind.”
She bared her teeth. “I am serious! Kung hindi si Morella, sino naman ang girlfriend na sinasabi mo sa akin noong nagkita tayo?”
“Makikilala mo siya kapag nasa riding club na tayo.”
Nahirapan siyang lumulon. Parang gusto na niyang mag-back out. “H-How about your parents? Di ba sila magagalit kapag ako ang kinuha mo?”
“Bakit naman sila magagalit? They like you, Jemaikha.”
Tuluyan na siyang nahirinan at nahirapang huminga. Dali-dali siyang uminom ng tubig. magugustuhan siya ng mga magulang ni Hiro. Satire ba iyon?
“Hindi ba sila magtataka na ako ang kinuha mo?”
“They know that you are good at your job.”
“Hiro, isang linggo lang. Iyon lang ang trabaho ko, ha?”
“Oo naman. Babalik na rin si Chidori. Matatapos na ang bakasyon niya pagkatapos nito. Are you so eager to get away from me?”
“Not really.” I just want to go on with my life. Dahil kung lalampas pa ng isang linggo ang pagsasama nila ni Hiro, di na niya alam kung paano ito lalayuan.
PARANG panaginip lang na nakapasok si Jemaikha sa Stallion Riding Club. Napaka-exclusive kasi ng lugar na iyon at mahal ang membership. Kahit ang mga kabayo na nakikita niya ay halatang mamahalin. Milyon ang halaga. Kahit pa siguro magkanda-kuba siya sa pagtatrabaho ay di niya mabibili iyon.
“Hiro, bakit puro lalaki lang ang member ng riding club?” tanong nito.
“Hmmm… Because it is ideal for bachelors who want to get away from pesky girlfriends. Kaya nga makakapasok lang ng riding club ang isang babae kung inimbitahan siya ng isa sa mga member,” paliwanag nito.
Tinitigan niya ito. “It is a joke, right?”
Ngumiti ito. “Not really. Hindi iyon ang main reason kaya binuo ang club pero iyon ang isa sa mga main reasons ng ibang members kaya sumasali. Pangalawa na lang ang horses and business. For them, women are major headache. That’s why this place is dominated by men.”
“And horses,” dagdag niya. “This place is made for them.”
“Alam mo ba na hindi mo maiikot ang buong Stallion Estate nang isang araw lang? Mula sa bundok na iyan hanggang sa tabi ng lake, part ng estate na ito.”
“Wow! Ang yaman siguro ng may-ari nito.” Pakiramdam nga niya ay nasa ibang mundo siya pagpasok pa lang. She could see acres of cultured grass, ideal for horses running wild. May natanaw din siyang forest.
“Yes. Reid Alleje is really rich. He owned the whole estate and his high class breed of horses. Karamihan sa mga kabayo ko, sa kanya ko rin binili.”
“Matagal pa ba tayo sa villa mo?” tanong niya.
“Sandali na lang.” He parked his car infront of a Japanese inspired house. It was made of wood-like structure. The roof was made of tiles. At sa pinaka-likuran ng bahay ay may bamboo forest. “Wow! Parang nasa Japan ako. Kulang na lang yata cherry trees at Mt. Fuji.”
“I made it that way. I love the Philippines. Pero nami-miss ko rin ang Japan paminsan-minsan. So instead of spending airfare, I decided to build this house instead. Don’t worry about Mt. Fuji. May Taal Volcano naman sa malapit.”
Nagtanggal siya ng sapatos pagpasok ng bahay. Inilagay niya iyon sa shoe rack na malapit sa entrance. The floor was wooden and her feet enjoyed walking on them. Binuksan niya ang isang sliding door. Bumungad sa kanya ang garden.
It was like a typical Japanese garden. May mga stone lanterns na may Zen design. Sa isang bahagi ng garden ay naroon ang cherry tree. May bamboo fountain din kung saan nagpapalipat-lipat ang tubig sa dalawang kawayan at bumabagsak sa pond. “Sa buong Stallion Estate, ako lang ang may gandang garden. Even my friends are envious. Hindi nila pwedeng gayahin ang design ko.”
“Nice. Nice. Kulang na lang hot spring and it is perfect.”
“It is perfect, Jem.” Binuksan nito ang inaakala niyang bakod na gawa sa kawayan. May isang parang pond doon na napapalibutan ng damo. “This is my own hot spring. Hinata Technologies designed it to imitate the real one. It has a water heater. May drain din dito at water refiller. You can use it anytime you want.”
“Talaga? Pwede akong maligo sa hot spring?”
“Oo. Mamayang gabi kung gusto mo. For now, ipapakita ko muna sa iyo ang kuwarto mo para makapagpahinga ka.”
Napaka-cozy ng guestroom na ibinigay nito. Inilapag niya ang gamit niya at umupo sa kama. “Akala ko patutulugin mo ako sa lapag.”
“May guestroom ako na may futon mats kung ayaw mong matulog sa kama.”
“It’s okay. Gusto ko ang view dito.”
“Nasa kabilang kuwarto lang ang room ko.”
“Teka, saan nga pala tutuloy ang mga guest mo?” tanong niya.
“Sa guesthouse sila tutuloy. Same goes with my staff who will visit here on the last day to confirm all the details of the contract.”
“Sino ang makakasama natin dito? Girlfriend mo?”
Umiling ito. “No. She has her own house here. May mga house cleaners naman na pumupunta dito every week.”
Namutla siya. “T-Tayong dalawa lang ang magkasama dito? Teka, ano na lang ang iisipin ng girlfriend mo at ng mga tao? Sa guesthouse na lang ako.”
“Wala nang ibang kuwarto doon. May business conference ang isa sa mga members and they are using most of the rooms. And it is more comfortable here, Jemaikha. Saka wala akong gagawing masama sa iyo.”
“Nag-aalala lang naman ako sa girlfriend mo.”
“Take a rest and you will meet her later. Ikaw mismo ang magsabi sa kanya na hindi mo ako pagsasamantalahan.”
DI inaalis ni Jemaikha ang tingin kay Hiro habang bumibiyahe sila papuntang sa main stable ng Stallion Riding Club. Doon daw nila makikita ang girlfriend nito.
Inayos niya ang sleeve ng long sleeve blouse na ibinigay nito. He even gave her jeans and boots. Anong klaseng girlfriend iyon? Di man lang nagseselos. Di ba alam ng babaeng iyon na ex ako ni Hiro? Tumingin siya sa labas at tanaw na ang main stable. Bakit naman siya magseselos sa akin? Di nga ako nahalikan kahit minsan ng kumag na Hiro na ito. Baka sila nga nasa ibang level na ng relationship. Hindi tulad namin ni Hiro na parang pang-children’s book lang ang love story.
“Si Reiki?” tanong ni Hiro sa stable boy nang bumaba sila ng kotse.
“Nasa loob po ng stable. Kakakain lang. Sasamahan ko na po kayo.”
“Dito ba nagtatrabaho ang girlfriend mo?” tanong niya. Ang mga babae kasi na pwedeng tumira sa loob ng riding club ay iyong mga empleyado lang.
Ngumiti lang sa kanya si Hiro at hinila ang kamay niya papasok ng stable. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. Parang nakakaloko.
Ano kaya ang itsura ng girlfriend nito? Mas maganda siguro sa kanya.
“Nasaan ang girlfriend mo?” tanong niya nang pagdating sa dulo ng stable ay wala siyang makitang tao. Puro kabayo lang ang naroon.
Ang kaharap lang ni Hiro noon ay isang kulay bay na kabayo na may dark spots sa ibang bahagi ng mukha. At sa tarangkahan ng kulungan nito ay nakalagay ang pangalang Reiki. “Ito? Ito na ang girlfriend mo? Kabayo?”
“Hai, soo desu,” ibig nitong sabihin ay tama siya. “She’s an Appaloosa that I acquired from an auction when she was a filly.”
Namaywang siya. “This is one of your jokes, right?” Akala ko pa mandin ubod nang bait ang girlfriend niya. Iyon pala kabayo lang.
“Reiki-chan, kochiri wa Jemaikha-chan desu,” pagpapakilala ni Hiro sa kanya.
“Marunong din siyang mag-Nihonggo?” Nang humalinghing si Reika at mabilis siyang nagtago sa likuran ni Hiro. “Hiro, nagseselos yata sa akin.”
Tumawa si Hiro. “Nice meeting you daw. Hawakan mo siya.”
Umiling siya. “Ayoko. Baka kagatin niya ako.”
“Hindi iyan nangangagat. Saka dapat lang na maging close kayo dahil siya ang sasakyan mo habang nandito ka sa riding club.”
Umiling siya. “Ha? Kailangan ba talagang sumakay ako ng kabayo?”
“Kung hindi ka marunong, okay lang. Tuturuan naman kita. Saka kailangan mong matuto dahil ipapasyal natin ang mga investors. Hindi ka pwedeng mag-kotse dahil may mga lugar na puro horse trail lang.”
Naipadyak niya ang paa. “Takot kasi ako sa kabayo.”
“Mabuti pa, sa akin ka muna umangkas. Hindi ka na siguro matatakot kung kasama mo ako. After that, I will teach you to ride the horse on your own.”
Napilitan na lang siyang tumango. Kailangan niyang matuto dahil parte iyon ng trabaho niya. Isang linggo na nga lang siya dito, papalpak pa siya.
Inilabas ang paboritong kabayo ni Hiro na si Raiga. “You go first,” sabi nito at pinatuntong siya sa isang box. Nakaalalay ito sa tabi niya habang hawak ng stable boy ang kabayo. “Hold the reins with your left hand and grab the saddle horn with another.” Sinunod niya ang instruction nito. “Ilagay mo ang kaliwang paa mo sa stirrup then pull yourself up.”
Nagdasal muna siya bago sinunod ang sumunod nitong instruction. Napapikit siya sa sobrang tensiyon nang makaupo na sa saddle. Malakas na malakas pa rin ang kaba sa dibdib niya hanggang maramdaman niyang nakasampa na rin si Hiro sa kabayo at nakaupo sa likuran niya.
“You did great, Jem,” bulong nito sa kanya.
Napadilat siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga niya. Ibang kaba tuloy ang naramdaman niya. Nang maramdaman niya ang matipuno nitong katawan sa likuran niya ay lalo siyang kinabahan. “What’s next?” tanong niya at bahagya nilingon. Hahalikan na ba siya nito?
“Now use your legs to gently kick your horse to make him go.”
“D-Dahan-dahan?” Tinapik ng paa niya ang tagiliran ng kabayo. Napatili siya nang bigla iyong tumakbo nang mabilis. “Anong nangyayari? Bakit tumakbo agad?”
“Sabi ko sa iyo mahina lang, di ba? Nalakasan mo yata.”
“Make him stop, Hiro! Make him stop!” tili na niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang puro puno na ang nasa harap niya. “Babangga tayo!”
“Ho!” utos ni Hiro at hinila nito ang renda. Tumigil si Raiga sa pagtakbo.
“Hiro! Ayoko nang sumakay. Bababa na ako,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Maglalakad na lang ako habang nagho-horseback riding kayo.”
“Silly. Of course you can learn how to ride.” Kinabig nito ang baywang niya at napasandal siya sa katawan nito. “All you have to do is follow instructions and you will do great. Hindi naman kita pababayaan. Kasama mo ako.”
Kung may isang bagay siguro na di mawawala sa kanya, iyon ay ang tiwala niya kay Hiro. Ngumiti siya at pinahid ang luha. “Pwede ko na ba siyang patakbuhin ulit? Because I want to learn how to fly.”