“ARE YOU still scared to ride a horse?” tanong ni Hiro habang papunta sila sa Rider’s Verandah kung saan sila magla-lunch.
“Not anymore. Kaya ko na ngang I-maneuver si Raiga, di ba? Kaya sa palagay ko sisiw na lang kapag pinatakbo ko na ang girlfriend mo.”
“Mamaya mo na isipin iyan. Kumain muna tayo.”
Sa second floor ng restaurant sila tumuloy dahil okupado na ang mga mesa sa first floor. “Parang wala akong ganang kumain,” aniya habang tinitingnan ang menu. “Nalipasan na yata ako ng gutom.”
“You have to eat something,” mariin nitong sabi kahit nasa menu ang tingin.
Ibinalik ulit niya ang tingin sa menu. Baka masermunan kasi siya nito. Ayaw ni Hiro sa lahat ay hindi kumakain. Sa kabubuklat nang walang napipili ay sa dessert siya napunta. Nanalam siya nang makita ang mga pictures sa dessert. “Wow! Pwede bang desserts na lang ang kainin ko.”
He looked at her impatiently. “Jem, you have to eat a decent meal.”
“Hai, Shuichiro-sama.” Anong kontra niya? Ito ang magbabayad ng pagkain.
“Don’t say that. Baka may makarinig,” mariin nitong sabi.
“Bakit?” Luminga siya. “Iilan lang naman tayo dito, ah!”
“May I take your order, please?” anang service crew na si Quincy.
Bubuka pa lang ang bibig niya nang gagapin agad ni Hiro ang kamay niya. Ibig sabihin ay ito na ang oorder. “Bacalla with polenta, marinated grilled shrimp, then give her all the dessert she wants.”
“Wow! Ang sweet naman ninyo, Sir Hiro,” sabi ni Quincy. “May pa-holding-holding hands pa kayo. Girlfriend ninyo, Sir?”
“No,” kontra niya. “Actually…”
Inakbayan siya ni Hiro. “Bagay ba kaming dalawa?”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Yameru!” pagpapatigil niya dito at pasimpleng inalis ang pagkakaakbay nito. “Miss, apricot berry tart, Blueberry Orange Cream Tart and coffee mousse. That’s all.”
“That’s all?” gagad ni Hiro. “In-order mo na halos lahat ng dessert.”
“Okay lang iyan, Sir Hiro,” sabi ni Quincy. “Low in calorie naman ‘yan.”
Isang tsinito na lalaki ang lumapit kay Quincy. Mukhang iritado na ito. “Miss, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba narinig? I want to follow up my order.”
“Ipa-follow up ko na, Sir,” nakangiti pa ring sabi ni Quincy at umalis.
“Yuan, don’t be so hard on the poor girl,” saway ni Hiro dito. “Nagkakaganyan ka lang yata dahil wala kang kasamang date.”
“Pass muna ako. Women are trouble.” Natigilan ito nang makita siya. Saka lang naalala na may iba pang babae doon. “Himala! Ngayon lang yata kita nakitang nagsama ng date.”
She extended her hand. “I am Jemaikha Caliente, his temporary assistant.”
“Yuan Zheng,” pormal nitong sabi. Kasama rin ito sa mga models ng Stallion Shampoo and Conditioner na lumabas sa commercial. “At least babae na ang kasama mo. Di lang para dalawin ang mga kabayo mo.”
“We are here for business. I have a group of investors coming a few days from now. Si Jemaikha ang kinuha ko dahil magaling siya sa Japanese. She graduated with a degree in Linguistics in UP,” pagmamalaki ni Hiro.
“You mean he is not a part of your company?” tanong ni Yuan.
“It is just a special favor,” wika ni Hiro.
“If she has no future with you, I will hire her,” walang gatol na sabi ni Yuan. “I need someone who is good in various languages. I am about to open my own online company soon. Are you interested, Miss Caliente?”
“I am not sure yet,” usal niya. Parang napaka-tyrant kasi na boss ni Yuan.
“Anyway, here is my calling card. We can discuss the details of your job, salary, compensations and your demands.”
“Sir, nandito na po ang order ninyo,” malambing pang sabi ni Quincy habang bitbit ang tray ng pagkain ni Yuan.
“Not here! On my table!” gigil na sabi ni Yuan at sinermunan na naman si Quincy. Habang si Quincy ay nakangiti lang. Parang nananadya pa.
“Bakit hindi mo pa tanggapin ang offer sa iyo ni Yuan?” tanong ni Hiro.
“It is too good to be true. Parang nabibigla lang ako. Hindi pa naman niya ako kilala pero nag-offer agad siya ng work.”
“Well, Yuan knows that I only hire people who are good. At kahit temporary lang kitang kinuha, alam niyang magaling ka.”
“Totoo ba ang sinabi niya na hindi ka nagsasama ng ka-date mo dito?”
“Yes. Mas gusto kong kasama ang mga kabayo ko. They give back the affection that I give them. But they are not so demanding. Isa pa, hindi rin sila ma-pride,” he said absent-mindedly.
“Hindi mo naman ako masyadong pinariringgan?”
“Oh!” Parang noon lang nito na-realize ang sinabi. “I didn’t mean to offend you. Wala akong masamang ibig sabihin sa pride.”
“Well, tama ka nga naman. Reiki and your horses are less demanding. Hindi mo rin kailangang mag-alala kung ibe-break ka niya. They are all yours. Ikaw ang master nila at lahat ng gawin mo masusunod,” aniya at pilit na ngumiti. Ngayon niya higit na naunawaan kung gaano katindi ang sakit na ibinigay niya kay Hiro nang sabihin niyang hindi niya ito kailangan sa buhay niya.
“Jem, I didn’t take it against you. Minahal kita at hindi ko pinagsisisihan iyon. At nang mahalin kita, tinanggap ko ang lahat sa iyo. Pride and all.”
“Thank you, Hiro. Kain na tayo. Gutom na ako.”
And I lost it all, Hiro. Nawala na sa akin ang pagmamahal mo. I don’t think you deserve someone like me either. Masisira lang kita.
“HINDI ka ba kinabahan?” tanong ni Hiro sa kanya matapos nilang I-meet ang mga bisita nila sa tanghalian. Nagpapahinga na ang mga ito sa guest’s lodge.
“At first. Pero nang makita ko na na-excite sila sa riding club, nawala ang kaba ko. I think this place has its advantage.”
Anim ang representatives na ipinadala ng Fukouka Intenational. Dumating ang mga ito nang magtatanghali kasama ang representative ng Hinata Technologies. Mainit ang naging pagtanggal nila sa mga ito.
Lahat ng kasama sa delegation ng Fukouka International, isang business financing company ay mukhang madaling pakisamahan sa palagay niya. Palangiti ang mga ito. Nagustuhan ng mga ito ang idea na mananatili sa riding club ng ilang araw. Maliban kay Sawada Fukouka na siyang pinakabata sa grupo at anak ng may-ari ng Fukouka International. Di nalalayo ang edad nito kay Hiro. Laging matalim ang tingin nito kay Hiro. That’s why she kept receiving negative vibes from him. Parang matagal na itong may galit kay Hiro na di niya maipaliwanag.
“Hiro, do you know Sawada Fukouka before? Do you know him personally?”
“He was my senpai during junior high school. Nauna siya sa akin ng isang taon,” paliwanag nito at ini-start ang kotse. Sa bahay muna sila ni Hiro magpapahinga at babalik din sa bandang hapon para makipag-meeting sa Fukouka International. “We even went in the same school of archery. Pareho kaming naglalaro ng kyudo at ng yabusame.”
Kyudo is a Japanese form of archery while yabusame is the Japanese art of mounted archery. Pareho itong discipline ng mga samurai noong unang panahon.
“Close ba kayo sa isa’t isa ni Sawada?”
Kumunot ang noo ni Hiro. “Not really. You can even say that we are rivals. Ilang beses na kaming nag-compete sa mga archery competitions. Sometimes he wins. Most of the time, I do.”
Umubo siya. “Walang kayabang-yabang iyon, ah!”
“Wala akong magagawa kung talagang magaling ako. Bakit mo naitanong?”
“Wala. Tingin ko kasi magkakilala na kayo dati pa.” Maybe Sawada was holding a grudge on Hiro. Parang malaking kahihiyan na matalo ng mas nakababata sa iyo. Pero sana naman ay hindi personalin ni Sawada si Hiro. Importante para kay Hiro na mai-close ang deal sa Fukouka.
“Nagkikita pa nga kami noong senior high school kami. Nalaman ko na lang na sa States na siya nag-aral. Ako naman, sa Pilipinas pumunta para sa college. Kaya nga na-excite ako nang malamang magkikita kami ulit.”
“From rivals to business partners?”
“I have high respects on him.”
Pero di mawala ang kaba niya. Parang hindi kasi iyon ang tingin ni Sawada dito. That until now, they were still rivals. Sana lang ay hindi iyon makakaapekto sa magiging business deal ng dalawang kompanya.
Ngumiti siya at hinalikan ito sa pisngi. “Ganbatte, nee! Good luck! Kaya mo silang kunin bilang investors. I am sure of it.”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Of course. You are my good luck charm.”
NAKASALAMPAK si Jemaikha sa tatami mat sa sala habang nakaharap sa laptop computer ine-encode ang ilan sa napag-usapan kanina sa initial conversation nila Hiro sa Fukouka International. The conversation was in Japanese. Kailangan niyang I-encode din iyon sa Japanese at English. Mahirap ang trabaho na iyon pero challenging. It felt so good to work with Hiro. Marami kasi siyang natututunan.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Hiro at ang yabag nito palapit sa kanya. “Jem, hanggang ngayon ba nagtatrabaho ka pa rin?”
“Ayokong matambakan ng trabaho. Saka hindi pa naman ako inaantok kaya dito muna ako,” sabi niya at di inaalis ang tingin sa laptop. Nakaka-distract kasi ito sa trabaho kapag nakikita niya. Baka mawala pa siya sa sarili. Lalo na ngayong silang dalawa lang ang nasa bahay. Baka ano pang maisipan niyang gawin.
“Mamaya na lang iyan. Dapat sa iyo mag-relax dahil bukas, hectic ang schedule natin. Wala ka nang oras para mag-relax.”
“Makakapag-relax lang ako kapag tapos na ang trabaho natin.”
“Ayaw mo bang maligo sa hot spring? Ipi-fill ko ng tubig para sa iyo.”
Napaungol siya nang ma-imagine ang mainit ang tubig sa katawan niya. “That sounds great. Pero tatapusin ko pa ito.”
“Sige. Ako na lang ang maliligo sa hot spring,” sabi nito at lumabas papunta sa garden kung saan dadaan papunta sa hot spring.
Nasundan na lang niya ito ng tingin. “Maliligo siya sa hot spring?”
Kapag naliligo kasi sa hot spring ay walang suot na damit. Napalunok siya at nasapo ang noo habang iniisip si Hiro na walang suot na damit.
“That is what I call a major distraction.” Sinubukan niyang ituon ang atensiyon sa trabaho pero lagi niyang naiisip si Hiro habang nagtatampisaw sa mainit na tubig nang walang saplot. “Tapos niyaya pa niya ako kanina. Ano kaya ang mangyayari kung kaming dalawa lang ang nasa hot spring.”
Tinampal niya ang sariling pisngi. “Hindi! Walang mangyayari sa amin dahil hindi pa kami kasal. Ayoko siyang pagnasaan dahil boss ko siya ngayon.”
Subalit tuluyan na siyang di makapag-concentrate sa trabaho hanggang makatanggap siya ng tawag mula kay Mayi. “Hey, Jeje! Kumusta ang stay mo sa sosyal na Stallion Riding Club?”
“Heto, nagtatrabaho pa rin ako. Masakit din ang katawan ko dahil sa pagsakay sa kabayo. But I enjoy it here.”
“You are working at nine in the evening? Slave driver ba ang boss mo? Sobra namang Suichiro iyan!”
“No. Sabi nga ni Hiro magpahinga na lang ako. Ayoko lang matambakan ng trabaho. I hate rushing things.” Special consideration lang ang ibinigay ni Hiro sa trabaho na iyon. She had to prove even for a while that she was worth it.
“How about you and Suichiro? Nagkakamabutihan na ba kayo? Ang sabi sa akin ni Cherie, magkasama kayo sa isang bahay. Sa bahay niya!”kinikilig nitong sabi.
“Dito lang niya ako pinatuloy dahil crowded na sa guest’s lodge. At hindi kami nagkakamabutihan. Boss ko siya and that’s it!”
“I know that you still like him,” she said in a teasing voice. “Hindi mo ba naiisip na marami ka nang opportunity na pinapalampas specially where Hiro is concerned? Don’t you want to know that it feels like to be kissed by him…”
“Oh, shut up, Mayi!” saway niya.
“How it feels to be held in his arms.”
“Mayi…” she hissed.
“How his body feels next to yours. Flesh to flesh.”
Biglang nag-flash sa utak niya si Hiro habang walang saplot sa katawan at umaahon sa hot spring. At di na tumigil sa imahinasyon ang utak niya. She could envision Hiro walking towards her, holding her, kissing her and making love to her.
“Stop it, Mayi!” mas malakas niyang sigaw kasabay nang naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya.
Humalakhak ito. “O, bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako. Hay, naku! Ang hirap talagang maging virgin!” panunuya nito.
“Well, it is not funny.”
“Hindi rin naman nakakatawa ng sitwasyon ng sex life mo. Tingnan mo nga! Ni hindi ka pa nakakakita ng naked flesh kahit sa porn. You don’t know what you are missing in your life, Jemaikha. Aren’t you curious at least?”
“No, I am not!”
Huminga ito nang malalim. “Kung ako sa iyo, hindi na ako magmamatigas. Hiro is with you. This is your chance to be with him. Kung pakakawalan mo ang pagkakataon na ito, mamamatay kang virgin!”
“Drop it, Mayi! Problema ko na iyon kung mamamatay akong virgin.”
“Ipokrita ka kung di ka interesado kay Hiro. You are missing a lot.”
“I am not missing anything,” bulong niya sa sarili matapos putulin ang tawag ni Mayi sa sobrang inis. She flipped down the laptop’s LCD monitor at inis na lumabas ng garden. “So what if I am still a virgin? So what if I haven’t seen a naked man yet. So what if I haven’t seen Hiro in a naked state. I am not a bit curious.”