Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 29

Ipokrita ka kung di ka interesado kay Hiro. Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon ni Mayi. Parang nananadya naman na narinig niyang kumakanta si Hiro mula sa hot spring. It was a song about a love. He used to sing it for her.

“Isa pa itong Hiro na ito. Parang nananadya. Parang nang-aakit!”

Napatingin siya sa mga kawayang bakod na humaharang sa hotspring. She was not interested to see a naked man before. Until tonight. Until Hiro. Dati kasi ay masaya na siya sa emosyon na pinagsasaluhan nila ni Hiro. They had never been intimate physically. Pero ngayong mas matured na siya, iba na ang sitwasyon. She could feel her hormones urging to take a look at his naked body.

She closed her eyes and imagined him under the hot spring and bathing on moonlight without anything on. Bigla siyang dumilat habang habol ang hininga. “O, sige! Tama ka nga, Mayi. May kulang sa buhay ko. Pero di mo na ako mapagta-tawanan. Makakakita rin ako ng naked guy, by hook or by crook!”

Maingat pero desidido siya nang lapitan ang gate na kawayan ng hotspring. Nakayapak lang siya para di marinig ni Hiro ang yabag ng paa niya. “Curious lang naman akong makita siya. Wala naman sigurong masama. Kaysa naman sa porn pa ako makakita ng naked guy na pandidirihan ko naman, si Hiro na lang. Live action pa. Virgin pa rin ako pero at least hindi pathetic virgin.”

Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga kawayan. Masyadong masinsin ang pagitan niyon kaya di niya makita. Mukhang peep-proof iyon. Dahan-dahan siyang lumipat sa pagitan ng mga kawayan, nagbabaka-sakali na may makikita. Pero sa malas ay wala siyang makita. Sa kauusod niya ay nakarating na siya bakod na may natatanimang halaman. Maingat siyang sumingit doon.

Nakakita siya ng maliit na siwang. Natanaw niya na nakalusong sa hot spring si Hiro. His broad shoulders were naked so did his legs. Nakasandal ito at nakakatang ang ulo sa makinis na bato na nakapaligid sa hot spring habang nakatingala sa buwan at kumakanta. Parang naghihintay ito sa diyosa ng buwan na bumaba mula sa langit at saluhan itong maligo.

Pakiramdam tuloy ay uminit ang paligid kahit na malamig ang hangin. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ng gumagana ang hormones.

She sighed. “Kailan ka kaya aahon diyan para makita ko ang lahat sa iyo? Sa susunod kapag mas makapal na ang mukha ko, sasamahan na kita sa hot spring. Sa ngayon, pagsasamantalahan ko muna ang katawan mo sa tingin.”

Masyado siyang naka-focus sa paninilip kay Hiro nang maramdaman niyang may kumagat sa paa niya. Hahaplusin sana niya ang paa nang magsunud-sunod ang kumagat sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga langgam na ginagawang pulutan ang paa niya.

Di niya napigilang tumili at nagtatakbo palayo sa bakod. Hindi siya magkandatuto sa pagpagpag sa paa niya. “Langgam! Langgam!”

BUMUKAS ang gate na kawayan ng hot spring area at lumabas si Hiro nang nakatapis lang ng tuwalyang puti sa baywang. “Anong nangyari, Jem?” tanong nito at mabilis na lumapit sa kanya.

“Iyong langgam, kinagat ako!”

Umuklo ito sa harap niya at hinaplos ang binti niya. “Ito ba? Dito ba?”

Nakasuot lang siya ng night gown kaya walang nakapigil sa kamay nito na haplusin ang binti niya. Pakiramdam niya ay summer noon at di sila malapit sa Tagaytay. Magha-hyperventilate na rin siya sa ginagawa nito. Ah, Hiro! You will be the death of me! Ano bang ginagawa mo sa akin?

Di na niya magawang sumigaw o magsalita man lang. Nakatitig na lang siya sa ulo nito at sa malapad na hubad na balikat. Buo pa rin ang imahe nito sa isip niya na umahon ito sa hot spring at walang ibang suot maliban sa tuwalya.

Ni hindi siya nakaimik nang akayin siya nito sa may wooden patio na nakaharap sa garden. “Umupo ka diyan. Kukuha lang ako ng oinment,” sabi nito at nagmamadaling pumasok sa bahay. Pagbalik nito ay binuksan nito ang cap ng skin ointment. “Wag kang malikot. Lalagyan ko lang ng ointment ang kagat ng langgam.”

Nagtayuan ang balahibo niya. Ito ang gagamot sa kanya. Hiro, don’t do this to me! Pinaparusahan na ako ng langit dahil nanilip ako nang walang permiso. Kinagat na ako ng mga langgam. Pero huwag mo akong I-torture. Sobra na iyon.

“Hiro, ako na lang ang gagamot sa sarili ko. Kaya ko naman.”

Matalim siya nitong tiningnan. “Sabi ko huwag kang malikot, di ba?”

“Di naman ako malikot, ah! Gusto ko lang gamutin ang sarili ko.”

Umupo ito sa harap niya at ipinatong ang binti niya sa hita nito. “Huwag ka nang mangatwiran sabi, eh!” sabi nito at maingat na pinahiran ng ointment ang binti niya. Seryosong-seryoso ito sa paggamot sa kanya. His touch had a soothing effect on her. Nawawala ang sakit.

Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito. She watched a drop of water trail down his body. She was aware that under that piece of towel, he was naked. Nanuyo ang lalamunan niya. If she was bold enough, she’d love to trace his naked skin with her lips just like the water droplet did.

Jemaikha, ngayon ka lang nakakita ng hubad na lalaki, kung anu-ano na ang iniisip mo. Mabuti sana kung pumayag si Hiro sa pantasya mo.

Ipiniksi ni Hiro ang ulo nang ilang hibla ng buhok nito ang bumagsak sa noo nito. Mabilis niyang hinawi ang buhok nito. Ngumiti ito sa kanya. “Thanks!”

“Wala iyon. Pasensiya na. Naabala yata kita sa paliligo mo.”

“Nag-alala lang ako nang tumili ka. Hindi ka dapat nagyayapak kapag nasa garden. May mga tsinelas naman na provided para sa iyo, di ba?”

“M-Masarap lang kasing maglakad-lakad nang nakayapak.”

At di siya pwedeng magsuot ng tsinelas. Mabubuko nito ang modus-operandi niya. Na pinagna-nasaan niya ito nang walang kamalay-malay.

Ibinaba nito ang paa niya at tumayo. “Next time, be careful. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa iyo habang nandito ka sa poder ko.”

Tumayo rin siya at humawak sa balikat nito. “Thank you, Hiro.”

Inilapit niya ang mukha dito upang bigyan ito nang magaan na halik sa labi. Pero paglapat ng labi niya sa labi nito ay hinawakan nito ang batok niya at hinapit ang katawan niya palapit sa katawan nito.

It was not a teasing, safe kiss that he used to give her. This one was meant to possess. His lips opened over her, coaxing her to open. Alam siguro nito na wala siyang alam. And he was teaching her. When she opened her lips, it was like opening a portal of immense sensation.

She felt like she was floating on air. Iyon pala ay nakaangat na ang paa niya sa lupa at ang katawan na lang nito ang sumusuporta sa kanya. She started to run out of breath when his lips left hers. Dahan-dahan siya nito nitong ibinaba sa lupa. But he deliberately let her body brush against his.

Pakiramdam niya ay namumula siya mula ulo hanggang paa. It was too intimate and she was not prepared for it. She didn’t know what to say.

“So tell me, Jemaikha. Anong ginagawa mo sa bakod ng hot spring?”

Bigla siyang napatingala dito. Saglit siyang na-mental block. Alam nito na nandoon siya? “Bakod ng hotspring? Wala ako doon. Nandito lang ako sa may damuhan. Naglalakad-lakad lang ako at pinapanood ang buwan nang kagatin ako ng mga langgam. Ano naman ang gagawin ko sa bakod?” kaila niya.

Bahagya itong lumayo sa kanya at parang walang kompiyansa sa sagot niya. “Hindi ka lalanggamin dito sa garden. Sa may halamanan lang sa gilid ng bakod na kawayan may mga langgam.” Hindi siya aamin na sinilip niya ito.

Nanlaki ang mata niya at humalukipkip. “Bakit? May listahan ka ba ng ruta ng mga langgam na iyan? At may rules ba sila na bawal tumapak dito sa garden at doon lang sila sa may tabi ng bamboo wall?” hamon niya.

He gave her a playful smile. Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya at naglalarong inikot sa daliri nito. “Jem, kung gusto mong samahan akong maligo sa hot spring, sana sinabi mo sa akin. Hindi ka na sana nahiya. There is more than enough space for the two of us.”

Doon na siya tuluyang sumabog. Alam na nito ang lihim niya. “Hoy, Suichiro! Sinasabi mo bang pinagnanasaan kita? Na sinisilip kita sa may bakod?”

Nagsalubong ang kilay nito. “Teka, wala akong sinasabing ganyan. Hindi ko naman sinasabi na sinisilip mo ako sa may bakod, ah!”

“Ha? Wala ba?” Saglit siyang natigilan at bahagyang iniwas ang tingin dito. “Parang ganoon na rin ang sinabi mo, di ba?”

Ngiting-ngiti si Hiro habang pailing-iling. “Ngayon alam ko na kung ano ang ginagawa mo sa may bakod.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Para di ka na kagatin ng langgam sa susunod, bubuksan ko na ang gate para sa iyo. Hindi mo na ako kailangan pang silipin sa bakod. Hindi mo na kailangang mahirapan,” sabi nito at saka naglakad papunta garden.

At gaya nga ng sinabi nito ay sadya nitong binuksan ang gate at tangkang tatanggalin ang tapis na tuwalya kahit na alam nitong naroon siya.

“Hiro, sandali!” sigaw niya.

“Bakit?” tanong nito at lumingon sa kanya. “Sasamahan mo na ako?”

Tinakpan niya ang mga mata ng palad. “Oyasuminasai! Goodnight!” sigaw niya at saka nagmamadaling pumasok ng kuwarto niya.

Habol niya ang hininga habang nakasandal sa pinto ng kanyang silid. Wala sa sarili niyang hinawakan ang labi habang dahan-dahang dumausos sa kinasasandalang pinto. “Hiro kissed me. And it was so real!” usal niya. “I even felt his naked body against mine. Konti na lang, baka katulad na ako nila Mayi. Baka hindi na rin ako virgin!”

Hindi na siya papayag na maulit pa iyon. Well, not until Hiro tells her that he still loves her. Pero parang imposible nang mangyari iyon. Because in the end, she knew that they couldn’t be together.

“KIREI na nagame nee!” Mapigilang humanga ng mga representative ng Fukouka International habang nakasakay sa kabayo at umiikot sa paligid ng Stallion Riding Club. Gandang-ganda ang mga ito sa view.

Three hundred acres ang buong estate. At dahil mahilig ang mga Japanese sa nature kaya naman aliw na aliw ang mga ito habang pinagmamasdan ang lugar. Na-preserve kasi ang maraming mga natural sites ng estate tulad ng forest.

Nasa forest trail sila at idini-discuss ni Hiro kung paano nito na-acquire ang bawat isang kabayo na pag-aari nito. She realized that he started collecting horses after they broke up. Therapy kaya niya iyon matapos naming mag-break? After all, wala na siyang naging girlfriend maliban sa akin at sa mga kabayo niya.

Nakatitig siya sa likuran nito. Parang sa halip na mag-focus sa trabaho ay gusto na lang niyang titigan ito kahit likod lang nito. Naramdaman marahil nito na may nakatingin dito kaya lumingon ito.

Ngumiti ito sa kanya nang magsalubong ang tingin nila at ibinalik muli ang tingin sa Executive Vice President ng Fukouka. She and Hiro tried to act as if nothing happened the other night. He didn’t mention it again. Alam siguro nito na makakaapekto iyon sa trabaho nila.

“That is the most beautiful sight,” she said with a sigh. Gustong-gusto niyang makita ang ngiti ni Hiro dahil tingin niya ay sobrang ganda ng mundo.

“Where is the most beautiful sight?” tanong ni Sawada na katabi lang niya.

Napalingon siya dito at pilit na ngumiti. Nawala sa isip niya na may nakakaintindi sa kanya. Kung nasa informal setting, sa English siya nito kinakausap sa halip na sa Japanese. “I-I am pertaining to this forest. Look at the trees and the birds. Aren’t they lovely?”

Tumingin-tingin si Sawada sa paligid. “There is nothing special about it. I even saw more beautiful forests in States and in Japan.”

Impakto! Di ka na lang nakisakay sa drama ko. Sa lahat ng delegates, dito siya ilang na ilang. Di lang kasi si Hiro ang parang binabantayan nito ang kilos. Maging siya ay lagi itong nakasunod.

“This is one of Hinata-san’s most favorite spot in this estate. The forest and the song of the birds give him peace.” Iyon ang sinabi sa kanya ni Hiro nang namamasyal sila. “If you will close your eyes, you’ll feel it,” aniya at pumikit saglit. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay si Hiro ang katabi niya.

“Ah, sooka,” patango-tango nitong sabi. “I see.”

Malapit na sila sa batis nang marinig niyang umungol si Sawada. “Ittaii! O-naka wa ittai,” anito habang sapo ang sikmura na nasaktan.

Pinatigil ng lahat ang kanya-kanyang kabayo. Bumaba si Hiro at nilapitan ito. Siya naman ay nagmamadaling tumawag sa clinic ng riding club. “The clinic’s cart is coming. They will send help right away. Maghihintay daw sila sa labas ng forest trail,” bumulong siya kay Hiro.

Tumango ito. “Aakayin ko na lang sa labas ng trail ang kabayo ni Sawada.”

“Daijoubu yo, minna-san! Kekko desu. Shimpai nai. He will be okay. There is nothing to worry about him,” paniniyak niya sa mga kasamahan nito nang nakangiti.

“Sasama na ako sa kanya sa clinic,” wika ni Hiro. “Kayo na lang nila Mr. Tajeda ang magpatuloy sa tour nila.”

Pinisil niya ang balikat nito. “You worry too much. Mas kailangan ka dito kaysa akin. Ikaw na lang ang maiwan sa kanila para di sila mag-alala. Ako na ang bahala kay Sawada. Tatawagan na lang kita kapag sure nang okay na siya,” aniya at sumakay sa golf cart.

NAKABANTAY NA mabuti si Jemaikha kay Sawada habang tsine-check up ng mga doktor. Nagtataka lang siya dahil mukha naman itong normal kaninang magkausap sila. “Wala kaming makitang sakit sa kanya. Maybe his stomach is just upset. Binigyan na rin namin siya ng gamot at kailangan lang ng pahinga. We can even transfer him to his room if he wants,” paliwanag ng doktor. “Just inform me if his condition will get worse.”

“Yes, Doc. Thank you,” aniya at ihinatid ang doktor at nurse sa labas ng kuwarto ni Sawada sa clinic. Nang bumalik siya ay gising pa rin ito. “Why are you still awake? The doctor asked you to take a rest.”

“Daijoubu desu.” Okay na daw ito. “Because I saw you.”

He was flirting with her. She was sure of it. Nanatiling pormal ang anyo niya. “The doctor said that they can transfer you to your own room if you want. If you are feeling better, you would be more comfortable there.”

Pakiramdam niya ay pag-arte lang nito ang pagsakit ng tiyan. Kung bakit, hindi niya alam. The act was just starting to irritate her.

“I am comfortable anywhere as long as I am with you.”

She pressed her lips tight. “I will call the nurse to look over you.” Baka may masabi pa siyang hindi maganda dito. Mapahamak pa si Hiro. Mas mabuti nang umiwas na lang siya. Tutal, ilang araw lang naman niya itong pagtitiisan.

“Do you have a boyfriend?”

Natigil siya sa paglabas ng pinto. “No, I don’t. But I have someone special in my life. And I’ve been in love with him for a very long time.”

Kumunot ang noo nito. “Does he know that you love him?’

Nagkibit-balikat niya. “It doesn’t matter.” Ang importante mahal pa rin niya si Hiro. Kailangan pa ba nitong malaman iyon? Basta hindi niya ito ipagpapalit sa iba. Lalo na kay Sawada. Yumukod siya. “Sumi-masen. Excuse me.”

Palabas na siya nang saktong bumukas ang pinto at bumungad si Hiro. Kasama nito ang nurse na magbabantay kay Sawada. “Bakit namumutla ka?” tanong ni Hiro at hinaplos ang pisngi niya. “Baka may sakit ka na rin.”

Umiling siya. “No. I think I just need a shot of caffeine.”

“Then we will go to Rider’s Verandah for coffee later. Itse-check ko lang okay na si Sawada. Susunod na rin ang iba niyang kasamahan mamaya.”

“Dito na lang kita hihintayin sa labas.” Ayaw niyang malaman ni Sawada na si Hiro ang lalaking mahal niya. Lest Sawada might use her against Hiro.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.