“Guia wa ikaga desu ka?” tanong ni Hiro kay Sawada kung ano ang pakiramdam nito nang samahan sila nito sa private room ng Stallion lounge.
“Daijubou desu. Okagesama de yoku narimashita,” pasasalamat nito sa pag-aalaga nila matapos tiyakin na maayos na ang kalagayan nito. “And I won’t miss this special dinner for the world.”
Inayos sa Japanese setting ang isa sa mga function room ng Stallionlounge. There were Japanese lanterns around. Low table ang ginamit at puro Japanese cuisine ang ise-serve. May maliit na stage din sa harap para sa jazz singer na kinuha ni Hiro para umaliw sa kanil.
“Try this, Jemaikha-san. This is anago sushi,” alok ni Sawada sa kanya.
Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan. Baka ma-offend kasi ito. Pero di rin naman siya pwedeng kumain ng anago sushi dahil may allergy siya.
“She is allergic to anago sushi. She has an aversion to eel,” salo ni Hiro. “She ate anago sushi once and she went red all over. She prefers salmon roe sushi and tempura. And she also likes ramen.”
“Looks like you know a lot of things about her,” usal ni Sawada.
“Yes, I do,” palabang sagot ni Hiro.
Naglabanan ang tingin ng dalawa. Kinabahan siya. Ayaw niya sa lahat ay may magsimulang gulo dahil lang sa kanya. “You two, calm down,” mahinang saway niya dahil ayaw niyang makakuha ng atensiyon ng ibang guest na tuwang-tuwa sa pakikinig sa musika ng jazz singer.
“Doushitano?” tanong ni Hongo-san, isa sa mga miyembro ng Fukouka International kung ano ang problema. Di nito naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil di ito marunong mag-Ingles.
“Kirimasen. Don’t mind.” Ipinaliwanag niya na naglalaro lang ang dalawa.
Siniko niya si Hiro na matiim pa rin ang titig kay Sawada. Awtomatiko itong ngumiti pagbaling sa iba. “Hai! Soo desu!” sang-ayon na lang nito at saka uminom ng sake. Parang balewala na dito ang pakikipagtalo kay Sawada.
“We are not yet through,” mariing sabi ni Sawada at ibinaling na lang sa sushi ang pagka-irita nito. Pero tama ito. Di pa nga tapos ang lahat. At kinakabahan siya kung ano ang maari pa nitong gawin.
“JEMAIKHA, masakit ang ulo ko,” sumbong ni Hiro sa kanya nang makauwi na sila sa bahay nito. “Hilutin mo naman ako.”
Umupo siya sa mat at pinahiga ito sa hita niya. “Naku! Sinabi ko na kasi na huwag masyadong iinom ng sake dahil may trabaho pa bukas. Di ba bukas na nga natin idi-discuss sa kanila ang lahat ng terms sa contract.”
Magiging maselan ang usaping iyon. Bagamat nagpakita ng interes ang Fukouka International sa project, di tiyak kung magkakasundo ang dalawang panig sa magiging kontrata. Kaya dapat ay maging maingat sila sa hihinging kondisyon mula sa isa’t isa.
Nakatitig ito sa kanya habang hinihilot niya ang ulo nito. “I think Sawada likes you, Jem. Titig siya nang titig sa iyo buong gabi.”
“Hindi ko napansin,” patay-malisya niyang sagot.
“Well, Sawada is handsome. Bakit di mo siya magugustuhan?”
Tumigil siya sa paghilot sa sentido nito. “Kasi may mas guwapo sa kanya na mas gusto kong titigan.”
“Sino naman iyong mas gusto mong titigan?”
“Okay na siguro ang pagkakahilot ko sa iyo. Magpahinga ka na lang, uminom ka ng maraming tubig saka Advil. Titimplahan na lang kita ng honeyed water bukas ng umaga kung masakit pa rin ang ulo mo,” sabi niya at pinatayo na ito.
“Jem, hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino iyong lalaking mas guwapo kay Sawada na gusto mong titigan,” pahabol pa nito.
Nakangiti niya itong nilingon. “Hmmm… siya lang naman ang dahilan kung bakit pinapak ako ng mga langgam kagabi. Oyasuminasai, Suichiro-kun!”
“Oyasumi,” she heard him answer softly. Hindi niya iyon dapat sinabi kay Hiro. It would only complicate things. Pero di rin niya masaway ang sarili. She was too happy to care about the consequences. Gumaan ang loob niya nang sabihin iyon.
MAINIT ang naging pagtatalo sa meeting nang araw na iyon. Lahat na lang kasi ng sabihin ni Hiro ay kinokontra ni Sawada. Kahit ang mga isyu na plantsado at nai-depensa na ni Hiro ay ibinabalik pa nito ang binubusisi.
But Hiro kept his cool. Nakangiti pa ito habang nagpapaliwanag. He was confident and was able to defend his side. Dahil doon ay lalo lang nitong napatunayan na magaling nga ito. Nakuha nito ang respeto, tiwala at paghanga ng ibang miyembro ng Fukouka International. At nagngingitngit naman si Sawada dahil parang talunan ang labas nito sa kakokontra nito.
“Well, I hope that they would agree to sign the contract. Hiro needs it so badly. Ito ang major project niya na gustong-gusto niyang mai-push.”
Bukas pa nila malalaman kung papayag nga ang Fukouka International na mag-invest sa Hinata Technologies. Kaya kailangan nilang gawin ang lahat para makumbinsi ang mga ito.
“Hi, Miss Jemaikha!” bati ng service crew ng Rider’s Verandah na si Quincy. Breaktime at nagpapahinga ang mga delegates. Si Hiro ay may video conference para I-update ang Hinata Technologies sa Japan kung ano na ang development sa negosasyon. Siya naman ay inaayos ang mga nai-discuss sa meeting.
“Hi, Quincy! Another coffee and orange tart please.”
May inabot itong papel sa kanya. “Message for you.”
Nang basahin niya ay galing iyon kay Hiro. Magkita daw sila sa lake dahil may importante itong sasabihin sa kanya. “Quincy, I will cancel my order. Just give me my bill, please.”
Sakay ng golf cart na umiikot sa riding club, naglalaro sa isip niya kung bakit ipinatawag pa siya ni Hiro sa may lake area ng Stallion Riding Club. Gusto pa nitong magsolo sila. “Ano kayang sasabihin niya sa akin? Baka naman sasabihin niyang mahal pa rin niya ako at wala na siyang planong pakawalan pa ako. Baka naman gusto na niyang mag-propose ng kasal sa akin!”
Maganda nga ang lakeside area ng riding club pero parang di niya naisip na doon magpo-propose ng kasal si Hiro. Mas paborito kasi nito ang stream sa forest o kaya ay ang mismong bahay nito. “Sana sa hot spring na lang.”
Naputol ang pagpapantasya niya nang pagdating sa lake ay wala si Hiro. Sa halip ay si Sawada ang nandoon. “Thank you for coming!” sabi nito nang sinalubong siya at inalalayan siyang bumaba sa golf cart.
She refused to be assisted. “So it’s you who sent the message. Not Hiro.”
Di ito agad sumagot at hinintay munang umalis ang golf cart. “Come on! Let’s stop beating around the bush. I know that he sent you to seduce.”
Tumaas ang kilay niya. She didn’t know that he could deliberately say that. “Excuse me? I don’t know what you are saying.”
He gave her a sly smile. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. “As if I don’t know how people operate in my business. We are wined, dined and given women just to be persuaded to invest. And you are the pawn.” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “Hinata-san sent you to seduce me.”
She stiffened with his accusation. “I think you got it wrong.”
“Stop denying! You are not really his assistant. You are not even in his payroll but he hired you to deal with us? What else is your role but to entice me.”
“You should have checked my credentials first before you start throwing those accusations to my face. And let me tell you another thing. Hiro is not the type of person you think. He won’t sacrifice other people for his personal gain.”
Si Hiro na ang pinakamapagmalasakit na taong kilala niya. Ni hindi nga siya nito kailangang gawan ng pabor pero tinulungan pa rin siya nito.
“How decent!” anito sa nanunuyang tono. “What makes you think that you are not just a pawn in this gain.”
“He trusts his own abilities. He trusts in his own project. That’s why I have faith in him. He doesn’t have to use underhanded tactics to get the contract like the other people you know,” she baited. “And I am sure that he will get your groups approval and you will sign the contract.”
Humalakhak ito. “Don’t be so confident about it. The rest of the group may like the project but if I say no, then your company won’t get the contract. I am my company’s voice. My father listens to me. I have the final say in this project.”
“So no matter how promising the project is, you won’t finance it just because it is your whim,” she uttered bitterly. She despised his type.
“If you will be nice to me, maybe I will consider,” nakangisi nitong sabi. “That is if you are good enough in bed.”
“Don’t come near me or I will slap your face,” she said through gritted teeth. Gustong-gusto na niyang burahin ang mukha nang mga oras na iyon. “I won’t go to bed with you. The hell I care about the contract!”
“Hinata Technologies would lose the contract.”
Naningkit ang mata niya at nakuyom ang palad. “Now look who’s the blackmailer! Now you are using under handed tactics.”
“So what? I have the upper hand in this deal. Don’t you care about Suichiro Hinata’s career? This is a very big project. Won’t you help him?”
Hahayaan ba niyang mawala ang pinaghirapan ni Hiro kapag di niya pinagbigyan si Sawada. Samantalang nangako siyang gagawin ang lahat para lang maituloy ni Hiro ang project na iyon.
“Go to hell!” mariin niyang wika.
“Pardon?” anitong nagulat sa sagot niya.
Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “Go to hell! That’s what Hiro would tell you once he finds out about this. He won’t allow me to sacrifice for the contract. It will ruin his reputation just the same. He worked so hard to keep his name clean. He would protect and I would protect him just the same.”
“Kisamma!” galit nitong usal at hinablot ang kamay niya. Parang hindi nito matanggap na ni-reject siya nito. Kinabahan siya dahil mukhang magiging bayolente na ito sa kanya. Papalag sana siya at lalabanan ito nang may marinig silang yabag ng kabayo na paparating.
Nakita niya si Hiro na sakay ni Raiga at palapit sa kanya. “Jemaikha!” naniningkit ang mata nitong sigaw sa pangalan niya.
Nginisihan siya ni Sawada at napapitlag siya nang haplusin ang mukha niya. “Mata nee, Jemaikha-chan,” malambing nitong sabi na magkita daw sila mamaya. Na parang may ginawa silang kababalaghan. Sumakay ito sa kabayo at umalis.
Matiim ang mukha ni Hiro nang maglakad si Raiga sa harap niya. “Hiro…I”
Inilahad nito ang kamay. “Get on the horse!” utos nito.
Napilitan siyang humawak sa kamay nito at sumampa sa kabayo. Wala silang kibuan habang mabilis nitong pinapatakbo si Raiga. Gusto niyang magpaliwanag pero mukhang wala itong planong makipag-usap.
It was so unusual for Hiro. Lalo na’t di maipinta ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kinakabahan siya.
“ANO bang problema ng Hiro na iyon? Ni hindi man lang ako kinakausap. Kung may problema siya sa akin, kausapin niya ako nang maayos. Hindi iyong basta na lang niya akong hindi papansinin,” sintir ni Jemaikha habang nakababad sa artificial hot spring. Mag-isa lang siya sa bahay ni Hiro. Nagpunta ito sa Stallionlounge kasama ang mga taga-Fukouka International at ang mga kaibigan nito.
Kibuin-dili siya nito mula nang makita silang magkasama ni Sawada. Kaya ibinaling na lang niya sa pagbababad sa hot spring ang inis. Iyon lang ang naisip niyang paraan para mawala ang tensiyon niya. After all, Hiro was on a boy’s night out. Kahit paano ay aaliwin din naman niya ang sarili niya.
“Kung ayaw niya akong kausapin, eh di huwag! Siya pa ang may ganang supladuhan ako. Ako na nga itong na-harass ng Sawada na iyon. Ako na nga itong nagtanggol sa reputasyon niya, ako pa ang masama. Pagbuhulin ko pa sila ng Sawada na iyon kung gusto niya.”
Tumitig siya sa maliwanag na buwan. Ilang araw na lang ang itatagal niya at aalis na siya sa Stallion Riding Club. Maaring hindi na rin sila magkita ni Hiro. Kung maghihiwalay man sila, gusto niya sa maayos na paraan. Hindi tulad ngayon na nag-iiwasan sila at walang kibuan. Ayaw na niyang ulitin ang nangyari dati na nawala si Hiro sa buhay niya nang hindi nila naaayos ang lahat.
Naiidlip na siya nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Hiro sa pangalan niya. “Jemaikha! Jemaikha, let’s talk!”
“Sandali, Hiro! Nandito ako sa hotspring!” Mabilis niyang hinablot ang bathrobe at ibinalot sa sarili pag-ahon ng hot spring. Nakadama siya ng pag-aalala. Ngayon lang niya narinig si Hiro na gumamit ng mataas na tono. Galit ba ito?
Nang lumabas siya sa hot spring area ay nakahalukipkip si Hiro habang pabalik-balik na naglalakad sa garden. Mukhang balisa ito.
“Anong pag-uusapan natin?” tanong niya.
Madilim ang mukha siya nitong hinarap. “Magkausap kami ni Sawada kanina. He told me that you seduced him to urge him to sign the contract.”
Nasapo niya ang dibdib. Parang bomba kasi ang pinasabog nito. “Excuse me, Hiro? Ako? Aakitin siya para lang sa kontrata mo?”
Sinapo nito ang noo. “Sinabi niya sa akin na huwag na daw akong umasa na pipirmahan pa niya ang kontrata. Iniisip niya na ako ang may pakana,” anito sa nanginginig na boses. Malaking dagok dito ang nangyari.
Isang importanteng project para dito ang makipag-deal sa Fukouka International. And if everything fails, Hinata Technologies would be in big trouble. Maaapektuhan pati ang mga susunod pang project ng kompanya. At masisira rin ang magandang reputasyon ni Hiro bilang isang magaling na negosyante.
“Hiro, imposibleng gawin ko ang sinasabi ni Sawada. Ni hindi nga ako marunong mang-akit ng lalaki. Ikaw lang ang naging boyfriend ko. Hindi pa ako naging intimate sa kahit sinong lalaki. I don’t even know how to kiss, for Pete’s sake! Tapos mang-aakit pa ako ng lalaki? Give me a break!”
Kung gusto niyang papirmahin ng kontrata si Sawada, tututukan na lang niya ito ng baril para mapilitan. She would fail as a seducer.
His eyes caressed her body. He didn’t conceal the passion in his eyes. “Liar! You are seducing me right now.”
Saka lang niya natuklasan na robe lang ang suot niya dahil galing siya sa hot spring. Humalukipkip siya. “I am not!” tanggi niya. “Kaliligo ko lang nang dumating ka. You called me and it sounded so urgent so…”
Hinapit nito ang baywang niya bago pa niya maituloy ang pagpapaliwanag. He stared at her as if memorizing her face. Saka nito hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali palayo sa mukha niya.
“You can seduce effortlessly. Just the sight of your hair was enough to drive me nuts. Sharing this house for a few days with your is sheer torture. And knowing that you are just at the other room every night is sheer hell. Kaya hindi na ako magtataka kung may ganoon ka ring epekto kay Sawada.”
Napalunok siya. She didn’t know that she had that effect on Hiro. Akala kasi niya ay di ito interesado sa kanya. She knew it was her turn to take a step.
Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Hiro. “I don’t want any other man, Hiro. You are the only one I want.”
Nagulat ito sa kaprangkahan niya. “Ako lang?”
Tumango siya. “I was a fool when I left you before. Sabi ko mas gusto ko ang career ko. I couldn’t admit to my self that I am missing a lot. Please show me what I am missing when I left you, Hiro. Make me regret it.”
His lips swooped down and possessed her lips. Then he molded his body against hers. He was showing her what she had been missing. It was not just simply the physical contact. It was not a simple kiss. It was an act of love.
“Do you still love me, Jemaikha?”
“I always do. Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Di pwedeng lumipas ang isang araw na di ko maiisip na mahal kita. No matter how hectic my work is, you never leave my mind and my heart.”
“So do I. Lagi akong natatakot na sasabihin mo sa akin na may iba nang lalaki sa buhay mo.” He pressed a kiss on her temple. “Kaya nga galit na galit ako nang sabihin ni Sawada na inakit mo siya.”
“I will do everything for you, Hiro. But I will never tarnish your name. Parang wala na rin akong pagmamahal sa iyo kapag ginawa ko iyon. I will protect you because I know that you will protect me just the same.”
“Bakit siniraan ka ni Sawada kung ganoon?”
“Iyan nga ang gusto kong ipaliwanag sa iyo kanina. Akala niya na ako ang pain mo para papirmahin siya ng kontrata. That it is my duty to seduce him.”
“What? Of course I won’t do that to you. Malinis kaming makipag-deal.”
“That’s what I told him. Nang sabihin ko sa kanya na hindi mo forte ang gumamit ng ganoong klaseng taktika, iniba naman niya ang tono niya. Wala daw siyang plano na pumirma ng kontrata sa Hinata Technologies. He also told me that he likes me. And if I will go to bed with him, he will sign the contract.”
Bumakas ang matinding galit sa mukha ni Hiro at kinuyom nito ang palad. “Kisamma! Nagawa niya iyong sabihin sa iyo. He resorted to blackmailing you! Samantalang minsan ko siyang itinuring na kapatid. Mag-uusap kaming dalawa at makikita niya ang hinahanap niya.”