Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 3

Nagmistulang isang business conference ang cocktail party na iyon. Nang lumapit ang ibang colleagues at kaibigan ni Alain ay di na naka-relate si Miles. Halos lahat ng occupants sa table na iyon ay knowledgeable sa business. Habang ang forte naman niya ay pagluluto, pagiging barista at pagse-serve.

“Excuse me. I will just get some parfait,” paalam niya kay Alain.

Nang tumayo siya ay pinigilan siya ni Gino sa kamay. “Ako na lang ang kukuha para sa iyo para hindi ka mapagod.”

“No, thanks. I am perfectly capable of getting my own.”

Kanina pa niya gustong makatakas sa nakakapagod na usapan tungkol sa negosyo. Nakukulta ang utak niya. She didn’t care about the stocks and the inflation and the economic crisis. Mas interesado siya na tikman ang mga dessert na naka-serve sa table. Para magkaroon din siya ng idea sa mga recipe na gagawin niya.

Her mouth was watering the moment she saw the desserts. “Tranche blueberry tart, cherry flan, coffee éclair, choco bavarian, praline Riviera. I want to taste all of them,” aniya habang isa-isang naglalagay sa platito. Sa sobrang excitement ay di niya alam kung ano ang uunahing tikman.

“Looks like you love the sweet stuff, Miles,” sabi ni Gino na nasa tabi na niya.

“Huh! Bakit ka nandito? Di ba dapat kausapin mo sila?” Si Alain nga ay di maalis-alis sa kinauupuan dahil interesadong pag-usapan ang negosyo. Ni halos di nga siya nito tiningnan nang umalis siya ng table.

“Their conversation bores me. And besides, I want to take a look at the desserts. Sa palagay mo ano ang pinaka-masarap?”

“Pwede ko silang tikman para sa iyo kung gusto mo.”

She went to a corner with him. Doon siya kumain. Nakangiti ito habang isa-isa niyang tinitikman ang desserts. “Hmmm…” aniya sa bawat pagkagat. Wala na siyang pakialam kung titig na titig sa kanya si Gino o kung may iba pang nakakakita sa pag-e-enjoy niyang kumain. She was too focused with food tasting to care.

“Hindi ka ba natatakot sa calories?”

“What calories?” tanong niya at isinubo ang huling piraso ng coffee eclair. “This is what you call food. Iyong may lasa at mae-enjoy mo. And when I become a pastry chef someday, I will make stuffs more delicious than these.”

“It is fun to see a woman who appreciates food.”

“Paano ako magluluto ng pagkain na hindi mo mae-enjoy? Bakit hindi mo tikman?” Hinila niya ang kamay nito. “You should try them. Hindi ko lang masabi kung ano ang pinakamasarap kasi lahat sila masarap.”

Di daw mahilig sa dessert ang mga lalaki. Pero excited pa rin siya na pasubukan kay Gino. Sa tingin naman niya ay di ito tatanggi.

“I want one of those.” Itinuro nito ang tranche blueberry tart.

“Wait! Ikukuha kita.” Ipinaglagay niya ito sa platito. “Taste it.”

“Subuan mo ako,” malumanay nitong utos. Parang nang-aakit pa nga.

“Ha?” aniya at inangat ang tingin dito. Bakit naman niya ito susubuan? Sa harap pa ng maraming tao niya gagawin. Ano na lang ang iisipin sa kanila?

Ano naman ang masamang iisipin nila kung susubuan ko siya? Cute pa nga, di ba? Sa lahat ng babae doon, sa kanya pa ito nagpasubo. Exciting nga iyon. Parang napaka-romantic. Saka minsan lang naman.

Parang may sariling isip ang daliri niya at dinampot ang tart. Naramdaman na lang niya na hinawakan ni Gino ang kamay niya at inilapit ang tart sa labi nito. Nakatulala lang siya dito nang kagatin nito ang tart at nguyain nito.

“Hmmm… you are right. Masarap nga siya.”

The touch of his lips against the tips of her fingers was so sensual. More sensual than the kiss at the back of her hand. At di rin siya nailang nang subuan niya ito. As if it was so natural and she enjoyed every minute of it.

Umangat ang kamay niya at pinalis ang gilid ng labi nito. “Hmmm…” anang si Gino na nagulat sa ginawa niya.

“You have crumbs at the corner of your lips,” wika niya at di sinasadyang nahaplos ang labi nito. It was so soft. It was the lips with ready smile. And she bet, it was the lips that kissed many women.

Ano kaya ang pakiramdam kung ako naman ang hahalikan niya? Kasing sarap kaya ng tranche blueberry tart o ng cherry flan? O baka naman coffee éclair.

“Thanks!” Ngumiti ito. “Parang gusto ko ring subukan ang choco Bavarian.”

“Ha?” aniya at mabilis na inilayo ang kamay sa mukha nito. Nananaginip ba siya ng gising? She touched his lips. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?

Sinubuan ko lang siya ng dessert, kung anu-ano na ang pumasok sa kukote ko. Ngayon naman iniisip ko na siyang halikan. I am crazy.

Pero parang wala namang epekto kay Gino ang ginawa niya. It was just a casual gesture to him. Siya lang ang nag-iisip nang iba.

“Sige. Subukan mo,” sabi niya. “Babalik na ako sa table.”

Nakakahiya! May iba bang nakakita sa ginawa nila? Si Alain! Ito ang ka-date niya. Ito ang gusto niya. Pero anong ginawa niya? Pinagtaksilan niya ito dahil sinubuan niya ng tart si Gino. Baka magalit sa akin si Alain!

Pagdating niya sa table ay wala na si Alain doon. Nang lumingon siya ay nasa dance floor ito at kasayaw si Darlen. “Gusto mo ring sumayaw?”yaya ni Gino.

Umiling siya at ni hindi ito nilingon. “Dito na lang ako. Wala ako sa mood. Bakit hindi mo subukang makipagsayaw sa iba?”

“Nakakatamad magtanong sa iba, eh! Dito na lang din ako,” anito at nanatiling nakaupo sa tabi niya.

Hindi na niya ito nilingon pa. Sa halip ay kumuha siya ng peach chardonnay mula sa dumaang waiter at iyon ang binalingan. Di na niya titingnan o kakausapin pa si Gino. Hindi na siya magpapaapekto sa kamandag nito. Pagbalik ni Alain sa mesa, dito na lang niya itutuon ang atensiyon niya.

“Miles, I am sorry. Kailangan kong ihatid si Darlen. Umatake ang migraine niya habang nagsasayaw kami kanina. She took a taxi on the way here dahil nga wala siyang ka-date. Is it okay if I take her home?” Nakahilig na si Darlen sa balikat ni Alain habang sapo ang noo. Mukha ngang masama ang pakiramdam nito.

“Ako na lang ang maghahatid sa kanya,” prisinta ni Gino.

“Mas komportable ang family niya kapag ako ang kasama,” wika ni Alain.

“Sasama na lang ako sa iyo,” sabi niya.

Di agad nakapagsalita si Alain. Parang alanganing isama siya. “Maaga pa naman. Mag-enjoy ka muna sa party. Babalikan na lang kita,” anito at inakay na palabas ng ballroom si Darlen.”

Umupo na lang siya at huminga nang malalim. Paano naman ako mag-e-enjoy dito kung di naman ito ang crowd ko? Ni wala akong kakilala.

Nagulat siya nang hawakan ni Gino ang kamay niya. “Ako ang bahala sa iyo. Di kita iiwan dito.”

“Thank you.” Pero di niya alam kung dapat nga siyang magpasalamat sa lalaking gumulo ng isip niya nang gabing iyon.

Bumalik ka, Alain. Mas delikado yata ako kapag kasama ko si Gino.

“ANO na bang nangyari sa kanya? Bakit hindi niya sinasagot ang cellphone niya?”

Pabalik-balik na sa paglalakad sa lobby ng Shangri La si Miles habang tinatawagan si Alain. Ring lang nang ring ang phone. Malapit na siyang maiyak. Pagod na siya. Masakit na ang paa niya sa stiletto na suot. Nilalamig na rin siya sa georgette dress. Nag-uwian na halos ang lahat ng bisita pero wala pa rin ito.

“I bought you some coffee,” sabi ni Gino at inabot ang kape sa kanya.

“Thank you,” aniya at sinimsim iyon. Tapos ay tumawag ulit siya.

“Tigilan mo na iyan. Ihahatid na kita,” pormal nitong sabi. It was the first time he used a non-friendly tone on her.

“Hindi. Hihintayin ko si Alain. Sabi niya babalikan niya ako.” Kailangan niyang bumawi dito. It was the first time she dated out. At di siya papayag na magiging disaster iyon hanggang sa huli.

“Sa tingin mo ba babalikan ka niya?”

Nilingon niya ito. “Yes, because he said so. Baka naman mas matindi pa ang sakit ni Darlen sa inaakala niya kaya di na siya nakabalik.”

Tiningnan nito ang relo. “It’s almost one in the morning. It is a waste of time, you know. Kung lumala ang sakit ni Darlen kaya di ka niya masusundo, sana tumawag man lang siya o kaya nag-text. Pero wala. Tapos umaasa ka pa rin na babalikan ka niya? Get real, Miles!”

“Baka kasi…”

“He is a dork, alright!” anitong di na mapigil ang iritasyon.

Nagulat siya. “Bakit? Di ba kaibigan mo siya?”

“I don’t have a dork of a friend. Wala akong kaibigan na nang-iiwan sa ka-date. Kaya huwag ka nang umasa na susunduin ka niya.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Umuwi ka na, magpahinga at kalimutan mo siya.”

“Pero kasi…”

“No more arguments, Miles. O bubuhatin kita papunta sa kotse ko!”

Parang masunurin siyang tupa na sumunod. She already had enough for that night. Wala na siyang oras para makipagtalo kay Gino.

Di mapigilang tumulo ang luha niya sa sama ng loob nang bumibiyahe na sila pauwi. “I thought it was a perfect date. Pinaghandaan ko lahat dahil first time kong makikipag-date. And the guy I like asked me out. Then everything went wrong.”

The worst part was that she was the first one who screwed things up. Mas marami pa siyang atensiyon na ibinuhos kay Gino kaysa kay Alain. At sa huli, si Gino pa rin ang kasama niya. It was a total disaster!

“It could have been perfect if you went out with the right guy.”

“Huh?” Nilingon niya ito. “Paano mo naman natitiyak na di ako ang mali? He may be the right guy but I am not the right girl.”

“You are simply perfect, alright. The rest was Alain’s fault. Hindi siya marunong mag-alaga ng ka-date niya. Hindi ka niya dapat iniwan. Di rin niya dapat hinayaan na makuha ng ibang babae ang atensiyon niya. Ikaw ang ka-date niya pero iba naman ang kasama niya pauwi. Ni hindi ka niya binalikan.”

“Because there’s an emergency.”

“I offered to help them out, remember? Pero ayaw naman niya. Mas gusto pa niya na siya ang maghatid kay Darlen. Paano kung wala ako? Basta ka na lang niyang iiwan sa hotel samantalang alam naman niya na wala kang kakilala. Sana sinabi na lang niya na mag-taxi ka at iniwan ka ng pan-taxi. Mas mabuti pa siguro iyon kaysa iniwan ka na lang niyang mag-isa.”

Itinaas niya ang mga kamay. “O, huwag kang masyadong high blood. Affected ka kasing masyado.”

“Naiinis ako kapag basta-basta na lang binabalewala ang babae.”

“Nagkataon lang siguro na hindi ako maganda.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Don’t say that. You are beautiful.”

She could feel prick of sensations in her skin. It was making her uncomfortable. Iniwas niya ang tingin dito. “Binobola mo lang ako. Siguro sinasabi mo iyan sa lahat ng babaeng nakilala mo. Saka iyong right guy na sinasabi mong dapat kong I-date, wala na akong makikitang ganoon.”

Matapos siyang madisilusyon kay Alain, wala na siyang pag-asa na makakatagpo ng matinong lalaki na magugustuhan siya at di siya iiwan. Masyado ba siyang nangarap para mabigo nang todo?

“Of course, there is the right guy whom you can go out with.”

“At sino naman iyon?”

“Ako. All you have to do is go out on a date with me,” kampante nitong sabi.

“Ikaw?” Tumawa siya nang malakas. “Naku! Antok lang iyan! Pakitigil na lang sa tapat ng white na gate. Apartment na iyan ng friend ko.”

Pinigilan nito ang kamay niya nang papasok na siya sa gate. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Will you go out with me?”

Tinapik niya ang pisngi nito. “Thanks for taking me home. Good night.”

“Teka, di mo pa sinasagot ang tanong ko!”

“Good night, Mr. Santayana! Sweet dreams!”

Naiiling niya itong tinanaw hanggang makaalis ang sasakyan nito. Nakakakilig na niyaya siya nitong mag-date. Pero hanggang kilig na lang siya.

Alam ko naman na naaawa ka lang sa akin kaya mo ako niyaya. Sana kung iba ang sitwasyon, baka napapayag mo ako.

“I AM sorry, Miles. Sinubukan kong bumalik sa hotel nang mas maaga pero di ko naman maiwan si Darlen. Masakit na masakit ang ulo niya. Wala siyang ibang kasama sa bahay dahil may pinuntahan ding party ang parents niya. Iniwan ko lang siya nang makatulog siya. Pagdating ko sa hotel, wala ka na.”

Walang ekspresyon ang mukha ni Miles habang kausap si Alain sa DOME kinabukasan. Gabi na noon at malapit na siyang mag-out. Gusto sana niyang isa-isahin ang loopholes sa mga alibi nito. But suddenly, she just didn’t care. Ang gusto na lang niya nang mga oras na iyon ay burahin ang mukha nito.

“It’s okay. Forget about it,” matabang nitong wika. “How’s Darlen?”

Nasagot naman ang tanong niya nang biglang pumasok si Darlen. “Hi!” bati nito at umabrisyete kay Alain. Mukhang wala na itong sakit. O mas tamang sabihin na parang di naman ito galing sa sakit. “I apologize. Because of my migraine, Alain wasn’t able to take you home.”

“It’s okay. Hindi naman ako pinabayaan ni Gino. Sana okay ka na rin.”

“I am more than okay,” she said with a laugh. Saka humilig kay Gino.

“We have to go now, Miles,” paalam ni Alain.

“Thank you for coming, Sir, Ma’am,” nakayukod niyang sabi. Nang makaalis ang dalawa ay nagngingitngit siyang pumunta sa counter. “Naku! Ang sarap pagbuhulin ng dalawang iyon. Bagay talaga sila.”

“Si Alain iyon, di ba?” anang si Weng. “Bakit galit na galit ka?”

“He is not my dream guy, Weng. He is a frog. And I am mad because I am stupid. Di na ako dapat pumayag makipag-date sa kanya!”

Nang mag-out siya ay nasa labas ng DOME si Gino at umiinom ng kape. “Hello, Sir Gino!” bati niya. “Mukhang may date na naman kayo, ah!”

“Yeah! Ikaw.” Ipinaghila siya nito ng upuan. “Um-order ako ng pizza. Hindi ka daw kumain kaninang break sabi ng manager mo. Do you know it is not healthy?”

“Nawalan lang ako ng gana. Nandito kasi si Alain kanina.”

Tumuwid ito ng upo. “Anong sinabi niya sa iyo?”

“Sinabi niya na binalikan niya ako sa hotel pero wala na ako.”

“That’s a piece of crap. Did he expect that you’d wait for him forever?” Ipinaglagay siya nito ng pizza sa plato. “Walang matinong babae na maghihintay sa kanya. Dapat sa kanya, di na nagpapakita sa iyo. Kung ako iyon, wala na akong mukhang ihaharap sa babae.”

“Wala na akong pakialam. I am so stupid, really. Akala ko prince si Alain. Pero natanso ako. You know why he asked me out? Isinama lang siguro niya ako para magselos si Darlen. They have a relationship… sort of. At excuse lang nila ang migraine para magsolo sila. He left me because of Darlen.”

“Mabuti na lang sumama ka sa akin pauwi.”

Sumubo siya ng pizza. Noon lang niya naramdaman na gutom siya dahil sa sobrang galit. “Hindi na talaga ako makikipag-date kahit kailan.”

“Bakit naman? Hindi naman kita iiwan tulad ng ginawa niya.”

“But it doesn’t mean that you are better than him either. You could be worse. With your reputation with women …”

“What? I am a perfect gentleman. Tanungin mo sila.”

“Gentleman,” gagad niya. Pasimple nga siyang inaakit nito.

“Give me a try, Miles.” He held her hand. “Please go out with me.”

She looked into his eyes. He looked so sincere. At parang hinihipnotismo siya nito para pumayag siya. Ipinilig niya ang ulo at tumayo. “Salamat na lang sa awa.”

Iniwan niya ito at binilisan ang lakad. Tinawag siya nito pero di niya pinansin. “Bwisit na lalaking iyon. Akala ba niya desperada ako na magkaroon ng ka-date. Ganoon na ba ako kapangit para kaawaan niya?”

Sa inis niya ay tumuloy siya sa grocery. She wanted to change a few things about her self to make her feel better. Mas gusto niyang magmukhang maganda kaysa kaawa-awa. Kaya babaguhin din niya ang ibang gamit niya.

May nadaanan siyang salamin at napansin ang nakalugay na buhok. “Mas maganda daw ako kung di dahil sa buhok ko. Kailangan ko ng bagong shampoo.”

Inisa-isa niya ang mga shampoo na naroon hanggang makita ang STALLION Shampoo and Conditioner. Dinampot niya iyon. Ito na ang simula ng bagong Miles.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.