“OH, GOSH! I never thought you are my big boss’ friend. Ang alam ko kasi, puro movers and shakers lang ang friends ni Sir Gabryel,” excited na sabi ni Kylie nang makasabay ito ni Sindy papasok sa subdivision.
Nagkasabay sila sa paggo-grocery kaya sabay na rin silang umuwi. Hindi siya nito pinapansin dati pero nagulat siya nang ito pa ang nag-offer sa kanya na sumabay sa taxi. Dahil siguro nalaman nitong kaibigan niya si Gabryel.
“Medyo matagal na rin kaming magkakilala.”
“Kailan pa? Elementary? High school? College?” Niyugyog pa nito ang braso niya. “Mukha kasing close na close kayo sa isa’t isa. O baka ex-boyfriend mo siya?”
“No. Hindi ko siya naging boyfriend.”
“Hay! Alam mo ba na iiwan ko ang boyfriend ko kapag si Sir Gabryel ang nanligaw sa akin? Nakakatulala naman kasi ang kaguwapuhan niya. Sabihin mo naman sa akin kung ano ang pantasya mo kay Sir Gabryel `pag kasama mo siya.”
“Ha? Hindi ko naman siya pinagpapantasyahan.”
“Come on. Normal lang na pagpantasyahan si Sir. Abnormal ka kapag hindi.”
Bata pa lang ay magkasama na sila ni Gabryel. They watched each other grow. Nakita niya ang lahat ng kalokohan nito, pati kalokohan sa mga babae. Wala na siyang oras na pagpantasyahan pa ang binata.
Palapit sa apartment nila ay natanaw na niya ang nakaparadang itim na Mercedes-Benz. Kinabahan siya. Pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon. “Magkano ang taxi natin?” tanong niya at tiningnan ang metro.
“Huwag na. Ako na ang magbabayad. Basta magkuwentuhan tayo tungkol kay Sir Gabryel at tungkol sa mga naging girlfriend niya,” humahagikgik na sabi nito.
“Next time na lang natin sila pagkuwentuhan, ha? Mukhang may bisita ako.”
“Iyang Mercedes-Benz na iyan? May pinagkaka-utangan ka ba?”
Ngiti lang ang isinagot niya at nagpasalamat. Pagbaba ng taxi ay lumabas ang driver nilang si Mang Jose. “Señorita, nasa kotse po ang mama at Ate Trish ninyo,” malumanay na sabi nito.
Parang napunta sa lalamunan niya ang kanyang puso nang lumabas ang dalawang babae mula sa backseat ng sasakyan. Her mother Elizalde Arevallo looked at her with shock. “Oh, God! Sindyrella! Look at yourself. You’ve changed a lot.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “What have you done to yourself, daughter?”
Hinalikan niya ito sa pisngi. Parang hindi man lang niya maramdaman na na-miss siya nito dahil panlalait agad ang nakuha niya. She was wearing a plain white sleeveless blouse, cutoff pants and a pair of simple strap sandals. Nag-grocery lang siya. She didn’t have to dress up. “You look great, `Ma.” Humalik din siya sa pisngi ng kapatid na si Jasmine. “How are you, sis? May pamangkin na ako?”
Before she left, her sister married the young mayor of Altamerano. It was an arranged marriage. According to her mother, they needed a little political power. Iyon na rin ang mitsa ng pag-alis niya. Dahil pilit na itinutulak siya nito kay Gabryel, kailangan na niyang tumakas bago pa matulad ang kapalaran niya sa ate niya.
“Paano ako magkakaanak kung magkakaroon sila ng tita na sakit ng ulo na tulad mo?” anito at iningusan siya. Mukhang hindi rin ito masaya na makita siya.
She gave them a tight smile. She didn’t receive any warmth from them. “Tumuloy kayo sa loob, `Ma. It is more comfortable inside the house.”
Magkahawak-kamay ang mama at Ate Jasmine niya nang papasok sa apartment, as if they were about to enter a haunted house. Lalo niyang nakita ang panlulumo sa mukha ng dalawa nang bumaha ng ilaw sa apartment niya.
Tumikhim ang mama niya. “Hija, buksan mo ang aircon. Medyo mainit.”
“Electric fan na lang, `Ma. I prefer fresh air, remember?” Pero ang totoo ay wala naman siyang pambili ng aircon. It was the least of her concern.
“Hindi nabanggit sa amin ni Gabryel na sa ganito kaliit na apartment ka lang nakatira.” Nakataas ang kilay ng Ate Jasmine niya nang igala nito ang mga mata sa paligid. “Mas malaki pa ang maid’s quarters natin dito. Daig ka nila dahil may aircon sila.”
It was a bit exaggerated. May kalakihan naman ang apartment niya. But compared to their hired help who were treated like family, they were more blessed.
Tumatak sa kanya ang pangalang binanggit nito. Of course, Gabryel was the only one who could tell them about her. Dahil sa pride ng pamilya niya, wala namang balak ang mga ito na hanapin siya. Nagkataon lang na may nakakilala sa kanya kaya natutuliro ang mga ito na sagipin ang pangalan nila sa kahihiyan.
Coming from the old rich of Altamerano, her mother was always on high to uphold the family honor. Bata pa lang siya ay palagi nang itinuturo nito ang karapat-dapat para sa isang Arevallo. Mula sa mga kaibigan, eskuwelahan, isusuot, kakainin at pati yata ang hanging ihihinga niya ay itinakda na rin nito. She was ten when her father died. Lalong humigpit ang mama niya. At ipinapaliwanag nito palagi sa kanya na ginagawa lang nito iyon para mapanatili ang karangalan at kayamanan ng pamilya nila. Until the whole thing choked her up.
“Why get a bigger one if I live alone here?”
“Why not get a condo unit?” nakangiting tanong ng mama niya. “We have a unit in Makati and at the Bonifacio Global City. Doon ka na lang.”
“I love it here, `Ma. You know how much I hate heights.” At kapag tinanggap niya ang offer ng mga ito, ang ibig sabihin ay magpapasailalim na siya sa mga ito.
“But this is not an appropriate place for my daughter!” Lumabas na rin ang kinikimkim na sentimyento ng mama niya. “Ni wala kang DVD or television.”
“I have a TV-RF and a DVD-ROM on my laptop,” pagmamalaki niya. “Why don’t you take a seat and I will get you some coffee?”
It was their chance to compose themselves. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita. Ang gusto sana niya, kapag nagkita uli sila ng pamilya niya ay may maipagmamalaki siya. She was not financially successful yet. At ipapamukha ng mga ito sa kanya na isang pagkakamaling suwayin niya ang pamilya niya.
“Coffee, `Ma,” she offered.
Her sister crinkled her nose. “`Di kami umiinom ni Mama ng instant.”
Nakagat niya ang ibabang labi. “I ran out of brewed coffee.”
“Brewed coffee?” Tumawa si Jasmine. “Aanhin mo iyon kung wala ka kahit coffeemaker? Sindy, you are really making me laugh.”
Hindi na siya nakapagtimpi. “What’s the purpose of your visit really? Do you really care about me or you just want to taunt me once you see how miserable I’ve become?” she said with a masked face.
Nagpalakad-lakad ang mama niya at ibinuka ang mga kamay. “I know the moment you left us you’ll be miserable. But I never thought you’d be this miserable.”
“`Ma, I am okay.”
Tiningnan nito ang grocery bag niya. “Look! All you got here is instant food. And your sister checked the refrigerator. Puro tubig lang ang laman. You don’t even have a microwave oven. I remember the time you hated cooking.”
“I know how to cook, `Ma. Not as good as our cook but it is passable.”
Elizalde let out a cry. Hinawakan nito ang kamay niya. “Look at your hands, puro sugat na. Wala ka man lang washing machine. Sensitive ang kamay mo sa sabon. Ni hindi ka man lang nagpapa-laundry service.”
“Aren’t you glad I am independent?”
Padarag na binitiwan nito ang kamay niya. “This is not independence but outright foolishness. Kindly use that head of yours. You don’t deserve this life, Sindyrella. You are an Arevallo. Ilang taon ka nang lumayo sa amin. It’s high time you wake up. This is not a dream! This is a nightmare.”
“I am happy with my life. Alam ko na iba ito sa buhay na nakasanayan ko. But I am happy with my accomplishments.” Binuksan niya ang bookshelf. “Look! I’ve published a lot of books. I am one of the top writers in our publication. Marami na rin po akong readers. Kahit sa abroad, may nagbabasa ng gawa ko.”
“Oh, really? And how much do you earn?”
Nagkibit-balikat siya. “Well, enough to support myself.”
Nasapo ni Elizalde ang noo na parang hihimatayin. “Is that enough? Baka nga mas malaki pa ang kinikita ng mga trabahante natin sa hacienda kaysa sa iyo. Nang malaman ko na writer ka lang ng cheap fiction, parang wala na akong mukhang maiharap sa mga amiga ko. I can’t tell them what your job really is.”
“It is a decent job. You can even see my works at the bookstores. And I must say that it is a very fulfilling job.”
“Are you fulfilled? You can’t even buy a decent meal in a classy restaurant with your salary,” her sister baited. Tinitigan niya ito nang matalim. They were really trying to demolish her spirit. At malapit na siyang sumabog.
Niyakap siya ng mama niya. “Come back to us, hija. Love yourself for once.”
“I will visit you sometimes, `Ma.” Pero hindi siya babalik. Kahit tapak-tapakan ng mga ito ang pride niya, mas importante ang pangarap niya.
“Don’t come back to Altamerano if at the end of the day, you’ll still come home to this shabby apartment of yours or you’ll still write cheap fiction. Hinding-hindi na kita patatapakin sa pamamahay ko,” anang mama niya sa mabigat na boses. And it was an ultimatum.
Nanlamig siya. Wala rin naman siyang balak na bumalik sa Altamerano kung hindi nito matatanggap ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.
“Whatever you say, `Ma,” she said with a resigned voice.
Hinaplos nito ang buhok niya. Like what she usually did when she was a little girl. “Sindyrella, don’t treat me like an evil stepmom or your sister your evil stepsister. You are a princess, darling. Not a pauper. So please don’t be a villain to yourself. You know you deserve more than this.”
And what did she deserve? A crystal prison of glittering gold and diamond with fake people’s laughter? No thanks. Mas gusto na niya ang buhay ngayon. Wala siyang pinagsisisihan. Malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya.
“Gabryel cares about you, Sindy,” ani Jasmine. “I think he still likes you. Kung pakakasalan mo siya, mas magiging maganda ang buhay mo. You don’t have to work and live in a place like this. You’ll be a princess again.”
“Hindi ba, ikaw mismo ang nagsabi sa akin na kung puwede, huwag akong magpakasal kung pamilya lang naman natin ang may gusto? Naaalala mo ba na muntik ka nang makipagtanan sa totoong boyfriend mo kung `di ka nahuli? Sabi mo sa akin, mas magiging masaya ka siguro kung siya ang pinakasalan mo.”
Saglit na natigilan ito. “I was a fool then. Sa palagay mo ba, magiging masaya ako sa isang trabahador lang sa talyer? Look at me. I am a dignified doctor. I am the first lady of Altamerano. Hindi ka siguro maniniwala, but Lukas and me are great together. Mama is a good matchmaker. Hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng buhay kung `di ko sinunod si Mama.”
She let out a breath. “I don’t need a Prince Charming. And I definitely won’t marry because a person has money. At least, Gabryel knows and respects that.”
“You are a fool,” usal ni Jasmine.
“Let’s go, hija,” anang mama niya sa kapatid niya. “I know that one day, Sindyrella will change her mind. It will be soon.”
Madilim ang mukha niyang pinagmasdan ang paglayo ng sasakyan na kinalululanan ng ina at kapatid niya. “Hindi magbabago ang isip ko at lalong `di ko pakakasalan ang Gabryel Honasan na iyon!” Naikuyom niya ang kamay. “Traidor ka, Brye! Sana, `di kita pinagkatiwalaan.”
HALOS panggigilan ni Sindy ang ball pen habang isinusulat ang draft niya. Masaya ang istorya pero hindi niya maramdaman. Inis kasi ang naghahari sa kanya. Hindi nakatulong sa kanya ang magandang tanawin sa park. Habang nakaupo sa paboritong thinking bench, pinag-iinitan niya sa istorya ang pamilya niya at si Gabryel.
Pagkapa niya sa Oreo cookies na baon niya ay ubos na iyon. Ayaw pa niyang bumalik sa bahay para kumuha ng pagkain dahil masisira ang momentum niya.
“Gusto mo bang magpa-deliver ako para mag-lunch na tayo?”
“Anong pa-deliver ng lunch...” Nang mag-angat siya ng tingin ay nasa harap na niya si Gabryel. Ang taksil na si Gabryel. Engrossed siya sa pagtatrabaho kaya hindi niya ito napansin. “Wala ako sa mood mag-lunch. Magtatrabaho pa ako.”
Umupo ito sa tabi niya. “Mukha ngang enjoy ka sa pagsusulat mo. Tungkol ba saan iyan? Ikuwento mo naman sa akin.”
Ngumiti siya nang matamis. “Tungkol sa isang lalaki na traidor. His name is Gabryel. He betrayed his friend and was fed to a battalion of ants later.”
Bahagyang tumawa ito. “I hope I am not that Gabryel.”
“I hope you are that Gabryel.” Matalim na tiningnan niya ito. “I trusted you. Akala ko, hindi mo sasabihin kina Mama kung nasaan ako. But you did.”
“What’s wrong with telling them where you are?”
“As if you don’t know them! Nilait nila ako, ang trabaho ko, ang bahay ko, ang kinakain ko at lahat na! Iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong ipaalam sa kanila kung saan ako nakatira. They will never acknowledge my accomplishments. You don’t know how morally damaging it is!” Ni hindi siya makatulog nang nagdaang gabi dahil umaalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng mga ito.
He held her hand to comfort her. “I am sorry, Sindy. Nang sabihin kong ipinababati mo si Mama, narinig nila. They asked me privately where you are. They looked so concerned. Naisip ko na baka miss ka na nila. Aside from occasional phone calls and greeting cards, you never get to see them. I had no choice but to tell them. Naisip ko kasi na baka nami-miss mo rin sila.”
“I miss them and I love them, Gabryel. But they only came here to see how miserable I am. They enjoyed taunting me.”
“They just want you to see sense. Hindi lang nila matanggap na iba na ang pamumuhay mo kompara sa iniwan mong buhay. Nasasaktan din sila.”
Napailing siya. “Gusto ko lang namang irespeto nila ang talent ko.” Pero ano ang itinawag ng mga ito sa masterpiece niya? Cheap fiction.
“I didn’t mean it to happen. Believe me, Sindy.”
Nilingon niya ito. “I still feel betrayed. Kaya huwag ka munang magpakita sa akin kung puwede. You are still the reason why they bulldozed me last night.”
“O, sige. Iiwan muna kita. Pero iiwan ko sa iyo ito.”
Nang lumingon siya ay isang teddy bear ang inilapag nito sa tabi niya. May hawak ang teddy bear na puso na may nakasulat na I’m Sorry. Pasimpleng dinampot niya ang stuffed toy nang matiyak na malayo na ang kotse ni Gabryel.
Niyakap niya ang stuffed toy. Mukhang alam na ni Gabryel na may kasalanan ito sa kanya. It was just like the old days. Alam nito kung paano pahupain ang galit niya.
Kung tutuusin ay gusto niya si Gabryel kung hindi lang ito nasobrahan sa promotion ng pamilya niya. And she had this mind setting that whatever her family wanted for her, she was bound to refuse it. Saka naisip niya na kaya lang siya nililigawan ni Gabryel ay dahil sa kagustuhan ng pamilya nito. He didn’t really like her. But at least they were really good friends.
Pinindot niya ang ilong ng cute na teddy bear. “Ikaw, patatawarin ko. Kasi cute ka. Pero hindi si Gabryel. Kasi guwapo siya. At ang mga guwapo, sa novel lang napapatawad. Kasi sa totoong buhay, peste sila.”
Saka na niya patatawarin si Gabryel. Mga kaunting panahon pa.
ALAS-ONSE na ng umaga natapos sa paglalaba si Sindy. Hindi siya nag-agahan kaya kumakalam na ang sikmura niya. Nang buksan niya ang cabinet ay iilan lang ang pagpipilian niya. Kung hindi instant noodles ay canned food. Wala na kasi siyang lakas para magluto pa.
Hindi siya makapag-decide kung pancit canton na chilimansi o original ang iluluto niya nang may mag-doorbell. “Huwag naman sanang Meralco o kaya tubig. Wala pa akong suweldo ngayon.” Pero hindi pa naman oras ng bayaran. Sino naman kaya ang dadalaw sa kanya?
“Hi!” nakangiting bungad sa kanya ni Gabryel pagbukas niya ng pinto.
“Nandito ka lang kahapon. Sabi ko, huwag ka munang magpakita.” Mainit pa ang ulo niya dahil gutom siya. Wala siya sa mood.
“Papasukin mo naman ako. Mainit dito sa labas.”
Hindi rin naman niya matitiis si Gabryel kaya pinagbuksan niya ito ng gate. Mukha pa mandin itong mabango dahil naka-light blue long-sleeved polo ito at brown trousers. “Mukhang galing ka pa sa opisina. Ano’ng ginagawa mo rito?”
“I had an early business meeting. Wala akong schedule for lunch. Napadaan ako sa Chinese restaurant at naalala ko na favorite mo ang Chinese cuisine. Kaya ibinili kita at pumunta na rin ako rito.”
Natakam siya nang maamoy ang mabangong aroma ng pagkaing dala nito. “Wow! Natatandaan mo pa ang paborito ko.”
“Sabi ng mama mo, nag-aalala raw siya sa iyo dahil baka puro instant food na lang daw ang kinakain mo. Saka may Jamaican Blue Coffee at Kenyan blend din ako na binili para sa iyo. Kung wala kang coffeemaker, puwede akong magdala para may magamit ka.”
Natigilan siya sa pagkuha ng dimsum at ibinaba ang chopsticks. “Are you trying to insult me, Brye?”
“Of course not. Why would I do that?”
“Ipinamumukha mo sa akin kung ano ang wala ako. Katulad ka rin ni Mama.”
“That’s not true. I am just trying to take care of you as a friend. At ayokong may ma-miss ka na maraming bagay.”
“I can take care of myself. Siguro nga, iba na ang buhay ko. I am not a pampered princess anymore. I am just a simple working classman now. Kaya kahit ano’ng gawin ninyo, `di na ako magpi-fit in sa mundo ninyo.”
Naging seryoso ang mukha ni Gabryel. “You have too many defenses, Sindy. Sino ba ang binabakuran mo? Ang pamilya mo. Ako na kaibigan mo. Stop treating us like enemies. We love you.”
Tinamaan siya sa sinabi nito. She was acting too hard on him. “Thanks for everything, Gabryel. Pero kaysa ako ang intindihin mo, trabaho mo na lang. I don’t think I am a significant one anymore.”
“I’ll be back. I won’t stop until you forgive me.”
Ilang minuto ring nakatitig siya sa pagkain nang makaalis si Gabryel. Maybe he was right. She had too much defenses. Sumubo siya ng isang dimsum at nasundan iyon. “Okay lang na bumalik ka. Basta dadalhan mo uli ako ng food.”
Nang harapin niya ang draft ng nobela niya, bigla ay hindi na niya nagustuhan ang hero. Parang gusto niyang palitan. Gusto niya iyong katulad ni Gabryel.
“Bakit ba nasingit ang lalaking iyon? Hindi naman siya ang hero ko.” Kailangan niya itong burahin sa utak niya dahil magugulo ang lahat ng plano niya.