Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 45

“GABRYEL, ano ba ang ginagawa mo sa akin? Bakit hindi ka pa rin mawala sa isip ko?” tanong ni Sindy sa sarili habang kusang nagta-type ang kamay niya sa laptop computer kahit na lumilipad naman ang isip niya kay Gabryel.

Nawalan siya ng focus sa isinusulat at napilitan siyang ibasura iyon. Kahit hindi kasi nagpapakita si Gabryel sa kanya, kung anu-ano naman ang ginagawa nito para sa kanya. Ginawa nitong personal coffee brewer niya si Kylie. Nadulas lang si Kylie na banggitin ang pangalan ni Gabryel kaya niya nalaman na ito ang may pakana ng supply niya ng brewed coffee.

Kaya tumuloy siya sa malapit na coffee shop bitbit ang laptop niya. Pero hanggang doon ay hindi na ito mawala sa isip niya. Paano niya ito makakalimutan kung iniisip niya kung ano na naman ang gagawin nito sa susunod?

Nang tingnan niya ang isinusulat ay Gabryel na ang naka-type na pangalan ng hero niya sa halip na Ismael. “Hala! Bakit Gabryel ito?” gulat na sabi niya. Mabilis na pinindot niya ang replace key para palitan ang pagkakamali. “Saang lupalop ba ako dapat pumunta para takasan ang Gabryel na iyon? Tuluyan na niyang sinisira ang diskarte ko.” Kahit ang kaibang ambiance ng café ay hindi nakatulong para mapatino ang pagsusulat niya.

“Uy, ang guwapo naman niya,” narinig niyang usal ng babae sa kabilang mesa. “Hindi ba commercial model iyan? `Di ba iyan kasama sa Stallion Boys?”

“Hindi, `no? Pero puwedeng-puwede siyang sumama sa mga iyon.”

Mula nang lumabas ang commercial ng Stallion shampoo and conditioner, naging batayan na ng kaguwapuhan ang mga lalaking lumabas sa commercial niyon. Ang ibig sabihin ay guwapo nga ito. Dahan-dahang hinagilap ng mga mata niya ang guwapong tinutukoy ng mga babae. Baka sakaling saglit na mawala sa isip niya si Gabryel.

Napatulala siya nang mahagip ng tingin ang lalaki. “Guwapo nga!” Paanong `di guguwapo? Si Gabryel ang lalaki. Nakangiti ito habang palapit sa kanya.

“Hi! I was about to buy some coffee when I saw you.”

Ngumiti siya nang maasim. “Hi and good-bye!”

Ibinalik agad niya ang tingin sa laptop para ipakitang busy siya at wala siyang oras sa kaguwapuhan nito. Hindi ka ba masayang sira na ang concentration ko sa trabaho, magpapakita ka pa? Gusto mo bang tuluyan na akong magutom?

Nawala ang ngiti nito pag-upo sa harap niya. “Teka, ang bilis mo naman yata akong itaboy? Kadarating ko lang. Hindi ka ba masaya na makita ako?”

“Brye, nandito ako para magtrabaho. Hindi sa ayokong makita ka.” Excited nga ang puso niya makita pa lang ito kanina. “Kaya lang, medyo busy ako. Kaya pumunta ka muna kung saan mo man gustong pumunta.”

“Ikaw naman ang pupuntahan ko, eh! `Buti nga, nakita kita rito.”

“Unfortunately, I don’t have time for a chitchat right now. As you can see, I have a deadline to beat or I’ll be dead. I am just a simple working classman now. At hindi ko puwedeng itigil ang pag-ikot ng mundo ko para sa iyo.”

Lumungkot ang mga mata nito. “Galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon.”

Tuluyan na siyang tumigil sa pagsusulat at nakapangalumbabang pinagmasdan ito. “Hindi ako galit pero tuluyan na akong magagalit sa iyo kapag hindi ka pa umalis ngayon. Istorbo ka na, eh!”

“`Di ako aalis hangga’t `di mo ako napapatawad.”

Mas makulit din ito kapag alam na galit siya. He would do everything to get her attention until she proved to him that everything was okay.

Bigla ay naging matamis ang ngiti niya. “You are forgiven. Now go!”

Nagulat siya nang lumuhod ito sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?” malakas na tanong nito.

Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi agad siya nakapagsalita. Gosh! Daig pa nito ang lalaki na nagpo-propose ng kasal. Nakakaloka!

“Oh, that’s romantic!” kinikilig na sabi ng babae sa kabilang mesa.

“Kung ganyan kaguwapo ang boyfriend ko, kahit patawad lang ang hinihingi niya, pakakasalan ko na agad siya sa lahat ng simbahan,” sabi ng isa pa.

Nang lumingon siya ay nakatingin na sa kanila ang lahat ng mga tao sa loob ng café. Nasapo niya ang pisngi. “Oh, God!” Hindi na iyon romantic. Nakakahiya na. “Gabryel, tumayo ka na riyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. If you think this is funny, well, it’s not!”

“Sino ba ang maysabi na nagpapatawa ako? I am dead serious,” hindi ngumingiting sabi nito. She forgot that Gabryel would resort to public spectacle just to get sympathy and get what he wanted.

“Marry me instead!” sigaw ng isang babae na nasa di-kalayuan. Marahil ay hindi nito narinig ang paghingi ng tawad ni Gabryel. Ang akala ay nagpo-propose ng kasal.

Naipadyak na niya ang paa sa inis. “Oh, please get up! This is too much.”

He held her hand. “Say you’ve forgiven me.”

“Oo na. Oo na. Bati na tayo. Hindi na ako galit. Basta tumayo ka lang diyan.”

Subalit hindi pa rin ito tumayo at nanatiling nakatingala sa kanya. “Kiss me first before I get up.”

“Ha? Anong kiss ang sinasabi mo riyan?” Paano pa siya makakapagsulat nang matino sa mga ginagawa nito? Kiss daw! Pasimpleng pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Walang ganyanan, Gabryel. Masasakal na kita.”

Hindi nito pinansin ang banta niya. “Basta hindi ako tatayo rito hangga’t hindi mo ako hinahalikan. Buong maghapon tayong dalawa rito.”

Huminga siya nang malalim at tiningnan ito. He was wearing that mischievous grin. Hindi niya alam kung bakit gusto pa nitong halikan niya ito. Hindi pa ba ito masaya na gulung-gulo na ang isip niya sa kaiisip dito?

Oo na. Halikan mo na para matapos na at makapagsulat ka na. It would be just a peck on his lips. Then it would be over.

But her curious side was nagging at her again. Nanliligaw pa lang sa kanya si Gabryel ay sumasagi na rin sa isip niya kung ano ang pakiramdam kapag nahalikan siya nito sa mga labi. And now it was back. Writing romance novels without really knowing how a kiss really felt put her in sheer torture at the moment.

Her mouth went dry. It would be just a kiss. A part of my research. I will charge it to experience. Not in my heart. After all, Gabryel is not really serious about it.

Yumukod siya at dahan-dahang inilapit ang mukha rito. Bahala na!

Parang malalaglag na ang puso niya mula sa dibdib niya. Gahibla na lang ang layo niya kay Gabryel nang may babaeng nagsalita sa likuran nito. “Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong i-date?”

Pareho silang napalingon ni Gabryel sa babae. “Jennelyn.”

Dumilim ang mukha niya nang makita si Jennelyn Marciano. Anak ito ng isang sexy star at ngayon ay isa nang starlet na trying hard maging singer at serious actress. Isa ito sa mga artista na ayaw niyang makita sa diyaryo. Wala na itong ginagawa kundi umimbento ng kung anu-anong issue para mapag-usapan.

“Yuck, Brye! Nakipag-date ka sa babaeng iyan?” bulong niya.

“Hindi ako nakipag-date sa kanya,” ani Gabryel nang tumayo. “Narinig mo ang sabi niya? Ayaw ko siyang i-date dahil sa iyo.”

“Lalo mong ginugulo ang usapan, eh!”

Nang lingunin nila si Jennelyn ay nagsisimula na itong magpatulo ng luha. Gusto pa yata siyang pakitaan ng talento nito sa pagdadrama. “Pinaasa mo lang ako. Akala ko, gusto mo rin ako. Sabi mo... sabi mo...”

“Wala akong sinasabi, Jennelyn. We barely talk. And we don’t really know each other. We were just introduced to each other and that’s all. You are beautiful but it just happened that you are not my type. I am sorry,” malumanay na sabi ni Gabryel. Pagdating naman sa babae ay pasensiyoso ito.

“Sino naman ang type mo? Iyang babaeng iyan?”

Namaywang si Jennelyn at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng maroon shorts at bikini top. Mukhang init na init ito samantalang umuulan naman sa labas. She was trying to show off her big chest and bleached skin.

Kung pagandahan lang ng katawan, hindi siya pahuhuli. Mas slim nga lang siya. And she was proud of her brown skin. Natural ang lahat sa kanya. Kitang-kita iyon sa shirred blouse at knee-length flowing skirt na suot niya.

“Don’t create a scene here, Jennelyn.”

“Please tell her to leave, Brye. Sobra na akong naaabala sa trabaho ko,” aniya sa malamig na boses at binalikan ang nobelang isinusulat. Okay na sana iyong sa kanila ni Gabryel. Mas inspired na sana siyang magsulat. Ang kaso, dumating pa ang eskandalosang starlet. Namemeligro na namang masira ang momentum niya.

“Hoy! Huwag mo akong tatalikuran. Hindi pa tayo tapos. Mayabang ka lang, kasi ikaw ang gusto ni Gabryel,” habol pa rin sa kanya ni Jennelyn.

She gave the woman a dull stare. “If you two have an issue, please leave me out of it. Take your sentiments elsewhere. I am working and I don’t want to be bothered. Please go,” she stressed.

“At akala mo naman, makukuha mo ako sa English mo?” Pumalakpak ito at inilahad ang kamay. “Epie!” tawag nito sa alalay at kinuha ang kape na in-order nito. Bago pa niya malaman kung ano ang susunod na gagawin nito ay ibinuhos nito ang mainit na kape sa laptop niya. Humalakhak ito na parang bruha. “Iyan ang bagay sa iyo. Inggrata!”

Tumili siya. “Ang laptop ko! Ang nobela ko!”

“DON’T be so harsh on her. Hindi mo siya kailangang ipakulong,” malumanay na sabi ni Gabryel kay Sindy. Nasa restaurant sila di-kalayuan sa presinto na pinagkulungan kay Jennelyn Marciano.

“Serious damage of property and public scandal. Okay na sana iyong public scandal. Mapapalagpas ko iyon. But I won’t forgive her for what she did with my laptop. It is my best friend! Ilang buwan akong diet para makabili ng bagong laptop. And she dumped coffee over it,” nagngingitngit na sabi niya.

“She just did it out of jealousy. Nasaktan din siguro ang pride niya dahil ilang beses na akong `di pumayag na makipag-date sa kanya.”

“Siya pa ba ang kailangan kong intindihin, Brye? My laptop is everything to me. Nandoon lahat ng files ko at matatapos na sana ang isang novel ko na ipapasa ko bukas. It took me several days to finish that one.” Hirap na hirap nga siyang isulat iyon dahil sa kaiisip niya kay Gabryel. “Pera na sana iyon kapag pumasa. Sige nga, paano pa ako makakasuweldo? How will I pay my bills? Dapat lang siguro na masingil ko siya sa lahat ng perhuwisyong ginawa niya sa akin.”

She was not in a forgiving mood at the moment. Lalo na’t malaki ang damage na nagawa sa kanya ng Jennelyn Marciano na iyon.

“You can settle it with her properly. Babayaran naman niya.”

“How will she pay it? Even her own manager refused to bail her out. Ni wala nga siyang pera.” Nalaman niya na marami nang issue si Jennelyn at marami na ring utang. Kaya lang siguro ito naghahabol kay Gabryel ay para makapag-asawa ng mayaman. At nagdilim ang mga paningin nito nang makita nitong wala nang pag-asa sa binata. Puwes, nagdilim din ang mga paningin niya. Dapat lang ito sa kulungan.

“Ako na lang ang sasagot sa gastos. Pakawalan mo na lang siya.”

Naniningkit ang mga matang pinagmasdan niya ito. “How generous of you,” she said with sarcasm. “Palibhasa, babae, kaya mabait ka.”

“Ayoko lang na lumala ang issue. Kung ako lang ang kasangkot dito, I don’t really mind. But how about you? Pati ikaw, kakaladkarin niya ang pangalan mo sa press. And what will your family say? You are an Arevallo and you are involving yourself with insignificant people. That you are going down to her level.”

“Mas iniisip mo pa ba ang iisipin ng pamilya ko? They can always say what they want to say. But I am just fighting for what I think is right. Lalo na iyang Jennelyn Marciano na iyan. Pakiramdam yata niya, sikat siya kaya dapat pagbigyan. Lalaki lang ang ulo niya kapag pinagbigyan. `Tapos baka ulitin pa niya sa iba.”

Walang arti-artista sa kanya. Pare-pareho lang silang mga tao. May karapatan siyang ipaglaban ang karapatan niya. At alam niyang tama ang ginagawa niya.

“Ikaw ang iniisip ko. What’s the use of putting her in jail if she can’t pay you? Ako na nga ang bahalang sumalo sa lahat. Hindi ka naman guguluhin ni Jennelyn kung hindi dahil sa akin, `di ba?”

Bumigat ang dibdib niya at napaiyak. “Kasalanan mo ito. Ang laptop ko!”

“I will buy you a new one. Mas hi-tech pa.”

“I want my old laptop fixed. I have to retrieve my old files. `Andoon din ang nobela ko. Saka may sentimental value sa akin ang laptop ko.”

He held her hand. “I told you I would take care of everything.”

Mayamaya ay humupa rin ang galit niya at nahimasmasan. “I am sorry, Gabryel. Hindi ko dapat sa iyo isinisisi ang lahat. Nagiging emotional lang naman ako kapag nawawalan ako ng kontrol sa maraming bagay. Pati kasi ang draft ng novel ko, nabasa nang ibuhos ni Jennelyn ang kape. I don’t know how to start again.”

Mahirap nang ulitin ang nobela na minsan na niyang naisulat. At dahil sa depression niya, mawalan na rin siya ng ganang magsulat. Naka-mind-set na kasi siya sa nobelang huli niyang ginawa. And she had to continue from what she had written last. O tuluyan nang masisira ang sistema niya.

“You will get your momentum back. Don’t worry, kausapin na natin si Jennelyn. Let’s tell her we will withdraw the complaint against her.”

“At ano naman ang kapalit? Baka isipin pa n’on, interesado ka sa kanya.”

“Huwag na siyang lalapit sa akin o sa iyo. Dahil kapag nanggulo na naman siya, tuluyan na siyang mawawalan ng career.”

She didn’t know if she should treat him as her hero or not. Ito ang dahilan ng mga kapalpakan sa buhay niya. But Gabryel was also there to pick her up. Hindi kompleto ang buhay niya kung wala ito.

“HOY, HUWAG ka nang umiyak diyan. Para ka namang namatayan, eh!” anang kaibigan at cowriter niyang si Sonja. Sinamahan siya nito sa service center na pinagpagawaan niya ng laptop computer niya.

“Narinig mo ang sinabi ng technician. Sira na raw ang laptop ko. Hindi na mare-retrieve ang files ko dahil sirang-sira na ang hard disk. `Andoon ang nobela ko na malapit nang matapos. Ano’ng gagawin ko ngayon?” aniyang pumalahaw ng iyak.

“Isulat mo na lang uli,” anitong palingun-lingon sa kanya habang nagmamaneho. Ang lumang kotse nito ang dala nito.

“Sa palagay mo ba, makakapagsulat pa ako? Depressed na nga ako. Wala nang pumapasok sa utak ko. Wala akong nasa isip kundi ang laptop ko.”

“Marami ka pa namang istorya, hindi ba? Lilipas din ang depression mo. Makakapagsulat ka pa uli.”

“Pero hindi naman lilipas ang mga bayarin ko. Ang dami-dami nila. Baka putulan ako ng tubig at kuryente. Palalayasin na ako sa apartment kapag `di ako nakapagbayad ng renta. Alam mo naman kung gaano kasungit ang landlady ko.”

“Eh, pareho lang naman tayo ng sitwasyon. Palalayasin na rin ako ng nanay ko sa bahay namin kapag `di ako sumuweldo. `Di rin kita matutulungan sa ngayon.”

“Okay lang. Makakagawa pa rin ako ng paraan.”

Nagpababa na lang siya sa labas ng subdivision at naglakad papasok. Gusto kasi niyang pag-isipan kung ano ang gagawin niya para makapagsulat uli. Subalit lumulutang na ang utak niya. Wala siyang maisip na kahit ano.

Pagdating sa bahay niya ay naghihintay na sa kanya sa labas si Gabryel. “Nagkasalisi tayo sa service center. Umalis ka nang dumating ako. Sabi ng technician hindi na raw maaayos pa ang laptop mo...”

Tuluy-tuloy lang siyang pumasok sa bahay at hindi ito pinansin. Malungkot na iniikot niya ang tingin sa bahay. It was bare. Halos wala nang importanteng bagay roon. “Baka `di na rin ako tumira dito sa susunod. Paaalisin na ako rito.”

“Don’t say that. Makakapagsulat ka naman uli, `di ba?”

Pinahid ng likod ng palad niya ang mga mata niya. Humikbi siya pero pinilit niyang huwag humarap kay Gabryel. “I am burnt out, Brye. Wala na ring idea na pumapasok sa utak ko. And my laptop is gone. Paano ako magsusulat?”

It was every writer’s worst nightmare. Ang mawalan ng importanteng equipment sa pagsusulat at mawalan ng isusulat.

Niyakap siya nito. “I am sorry. Kasalanan ko ito.”

Umiyak lang siya nang umiyak habang yakap nito. Gusto niya itong sisihin at magalit uli rito. Kasalanan naman talaga nito ang lahat pero hindi niya magawa. Ito lang din ang puwede niyang kapitan nang mga sandaling iyon.

“Huwag na tayong magsisihan. It is useless. And I am just too tired.”

“You just need a vacation.”

“I am practically penniless, Brye!”

“Go home to Altamerano.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.