“BE PREPARED, Sindy. The Stallion Club is not your usual world. Men could be dominating and egotistical most of the time. This is their world and we girls are intruders and decorations,” sabi ni Quincy sa kanya habang nagkukuwentuhan sila.
Nasa staff house siya ng Rider’s Verandah. Out na ito at si Miles sa trabaho. May inaasikaso pa si Gabryel kaya naisipan niyang magpaiwan muna roon. Susunduin na lang daw siya nito kapag oras na para mag-dinner.
“Pero napansin ko naman na marami ring babae rito. Some are familiar faces. Nakikita ko sa TV at sa magazines. They seem to enjoy their time here.”
“Of course. Hindi basta-basta ang mga lalaki rito,” sabi ni Miles. “That’s why those Flower Girls would die just to get a chance to date one of them.”
“Flower Girls?” nakakunot ang noong tanong niya.
“Those girls who look like peacocks in their ultra hifalutin dresses. They are the companions of the members who have no formal girlfriends. Pakiramdam ng mga babaeng iyon, sila ang may-ari ng lahat ng lalaki rito. So beware. Kapag `di ka sumali o nakisama sa group nila, they will hate you,” babala ni Quincy.
“Wala naman akong planong makipag-away kahit kanino. Gabryel brought me here to relax. At para din makapag-concentrate ako sa trabaho ko.”
“But you’ll stay here for some time. Kaya dapat, alam mo kung ano ang ie-expect mo,” pahabol pa ni Quincy.
Mayamaya pa ay sinundo siya ni Gabryel at dinala sa Lakeside Mansions. Sa bahay ng member na si Neiji sila nag-dinner. It was an intimate dinner. Labindalawa lang naman silang imbitado. Neiji’s wife was a gracious host.
“Matagal na ba kayong magkakilala ni Gabryel?” tanong ni Hiro.
“Yes. Since we were kids,” sagot niya. “Both of us hail from Altamerano.”
Ginagap ni Gabryel ang kamay niya at tinitigan siya nito. “She’s my childhood sweetheart, my first love and the girl who said ‘no’ to me after four years of courting her. She broke my heart before.” She felt like melting with those dreamy eyes. Na parang in love nga ito sa kanya.
“Hindi ka pa siguro masyadong guwapo noon,” kantiyaw ni Yuan kahit hindi naman ngumingiti. Subalit binili naman ng iba ang joke nito at nagtawanan.
“Guwapo ka rin naman nang iwan ka ni Claudine,” sabi ni Theresa Garcia, isang beauty queen-model na ka-date ni Yuan.
“Just shut up, Theresa,” mariing saway ni Yuan. Tumahimik ang babae.
Claudine. Tinandaan niya ang pangalan ng babae. Naging girlfriend ba ito ni Gabryel at nag-break ang mga ito? Bakit? Gabryel seemed like an ideal boyfriend. Bakit naman iiwan ito ni Claudine?
“What is your job?” tanong ni Sierralaine.
“I am a romance novel writer,” sagot niya.
“Really?” tanong ni Jemaikha, girlfriend ni Hiro. “What is your pen name?”
“Sofia Jade. I work with Streah Publications.”
Kinamayan agad siya ni Jemaikha. “Favorite author kita. Pakiramdam ko kasi, pareho tayo ng wavelength ng utak. You write about girls who know what they want in life and they can live without men.”
Mahigpit na hinawakan ni Hiro ang kamay ni Jemaikha at sinulyapan siya. “Please don’t give her any more ideas about girl power, Sindy. She already has enough ammunition to bruise my ego.”
“Pareho lang tayo ng dilemma, Hiro,” sang-ayon ni Gabryel na mukhang nakahanap ng kakampi. “These women are too independent, they don’t care less about their men.”
“That’s not true,” sabi ni Jemaikha at humilig kay Hiro. “Maybe we are not docile. But it doesn’t mean we don’t love you.”
Nakita niya ang sarili kay Jemaikha. She had that independent streak but she gave up some parts of it for the love of Hiro. Kaya rin ba niyang gawin iyon para kay Gabryel? Teka, bakit naman nasingit si Gabryel? Hindi ko naman siya boyfriend talaga. At hindi rin ako in love sa kanya!
“I have a proposal,” sabi ni Neiji. “I would like you to write a series of romance novels entitled Stallion series.”
Nakuha nito ang atensiyon niya. “What is it about?”
“Success stories of women both in career and love with the help of Stallion shampoo and conditioner, of course,” paliwanag ni Neiji. Ito kasi ang manufacturer ng Stallion shampoo and conditioner. At maganda nga namang paraan para i-promote ang produkto nito sa nobela niya dahil karamihan ng readers niya ay mga kababaihan. “I am willing to sponsor that series.”
“I think I like it,” sabi niya. Matagal na kasi niyang planong gumawa ng series. Wala nga lang siyang maisip na idea. Dahil sa proposal ni Neiji, ngayon pa lang ay nagsisimula nang gumana ang isip niya.
“Uh-oh!” usal ni Yuan. “I guess it has a lot of ass-kicking girls in it. Come on, Neiji. Why not create girls who are submissive and...”
“My wife won’t read it! Iba na raw sa panahon ngayon. May sarili nang isip ang mga babae. Tama na raw ang stereotyping Cinderella stories,” sabi ni Neiji.
“Yes. We already had enough of telenovelas where girls always cry,” sang-ayon ni Jemaikha. “It is time for us girls to shine.”
“Ugh! I don’t want to hear this. Mula nang mag-asawa ka, Neiji, puro pagpapa-under the saya na lang ang alam mo,” sabi ni Yuan saka binalingan ang ibang mga kasama na negosyo ang pinag-uusapan.
But Neiji didn’t seem to take the remark as an offense. Mukhang proud pa nga ito dahil malaki ang impluwensiya ng asawa nito rito. He was an example of a man who changed for love.
“Gusto mo ng love story namin ni Jubei?” prisinta ni Temarrie, ang model ng Stallion shampoo and conditioner. “Hay! Ikukuwento ko. Tiyak na magiging best seller ang novel mo dahil sa amin.”
Nagsunud-sunod na rin ang iba pang asawa ng mga members ng club. Nagtatalu-talo pa ang mga ito kung kaninong istorya ang pinakamaganda.
“Neiji, okay lang ba na gamitin kong location ang Stallion Riding Club?”
“Yes, of course,” sang-ayon ni Neiji. “I am sure Reid would agree to the idea. After all, most girls’ dream nowadays is to see the Stallion Riding Club and date the Stallion men. Since not all of them can enter the premises, at least give them something to fill their curiosity. I think your series will be a great one.”
“Thanks for the trust, Sir Neiji.”
“Hey, gusto ko yatang mag-participate sa series na iyan,” ani Gabryel.
“Akala ko ba, ayaw mo sa girl power?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.
“Siyempre, series mo iyan. Dapat, suportahan kita. Basta ba gagawin mong ako ang pinakaguwapong character sa series mo,” anito saka pumalatak.
“Walang ganyan! Walang palakasan,” kontra ni Hiro.
“Oo nga. Hindi puwedeng unfair!” dagdag ni Reigan.
“Pasensiya na, mga pangit!” ani Gabryel. “Tanggapin na lang ninyo na sa mundo ng mga guwapo, ako na ang pinakaguwapo. At sa mundo ng mga pangit, kayo naman ang pinakaguwapo. Puwede na siguro iyon.”
Subalit kanya-kanya pa ring apela ang mga lalaki. Kaya kung kanina ay mga babae lang ang nakikigulo, nakihalo na rin pati ang mga lalaking naroon. Walang gustong magpatalo. Lahat ay gustong maging pinakabida.
“Ano namang love story ang gagawin ko sa iyo?” tanong niya kay Gabryel.
Yumakap ito sa kanya mula sa likuran niya. “Eh, di iyong love story natin.”
“Ha?” Anong love story ba ang sinasabi nito? Tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya. “Sorry, Brye! Bawal ang istorya ng mga basted sa series ko. Hindi ka hero material.”
“T-teka, anong basted? Hindi ako basted. Itong guwapo kong ito?”
Ngumisi siya. “Iyon naman ang istorya mo, `di ba? Basted.”
“Fiction naman ang isusulat mo, `di ba? Isulat mo na lang ang mga pantasya at mga ilusyon mo sa akin. `Di ba, patay na patay ka naman sa akin?”
Inirapan niya ito. “Ewan ko sa iyo!”
Kung gagawa man siya ng love story tungkol dito, hindi siya ang magiging heroine nito. Tiyak na mabubuko nito ang mga sekretong pantasya niya rito.
“STALLION Riding Club was founded by Reid Alleje. He is a very clever businessman. His family had had this estate for years. He decided to turn it into a sanctuary for men and horses, where men can do whatever they want to do and enjoy their solitude with their horses. Kaya nabuo ang riding club.”
Gabryel was giving her a tour of the riding club. Nang mga sandaling iyon ay naglalakad-lakad sila sa paligid ng paddock habang patungo sa main stable. Pasulyap-sulyap siya rito habang pinagmamasdan ang isa sa mga babaeng guest na pinapatakbo ang kabayo nito sa loob ng ring.
“Bakit exclusive sa mga lalaki ang membership ng club? Bakit hindi puwedeng maging members ang mga babae?”
“We want a world of our own. It is our hideaway from the pressures of our work and our problems with marauding women. Dito, nakokontrol namin ang lahat ng bagay. We don’t have to think about the prowling press who’ll expose everything we do. Bantay-sarado ang club kaya naman marami kaming members na kilalang tao. The solitude and privacy are what we pay for.”
“And dominance,” dagdag niya. “Here, you are the kings.”
“Yes. You can say that again.”
“Ilang babae na ba ang naisama mo rito?”
“Bakit ka nagtatanong?” anitong may halong panunukso.
Nagkibit-balikat siya. “Just curious. Ilalagay ko sa profile mo. Baka sakaling magamit ko sa love story ng mga basted.”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Aminin mo na. Nagseselos ka lang.”
Pasimpleng siniko niya ito. “Masyado ka nang ilusyunado. Hindi dahil pumayag akong mag-pretend na girlfriend mo, iisipin mo nang patay na patay ako sa iyo. Alam mo ang dahilan kung bakit napilitan ako.”
“Napilitan daw. Hindi ba, kinikilig ka nga kapag kasama mo ako?”
Pumatak ang ulan habang papasok sila sa main stable. “`Ayan! Kasi naman, masyadong mahangin. Kayabangan. Umulan tuloy.”
“Come. I will show you my horses. This is Burglar. He is an Iberian horse. Siya ang ginagamit ko sa mga show jumping competitions,” pakilala nito sa kabayo sa kuwadra na kulay-bay.
“Hay! Kawawa ka naman, Burglar. Si Gabryel ang amo mo.”
Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Sandali. Masyado mo naman yatang minamaliit ang kakayahan ko. Champion kami ni Burglar sa show jumping.”
“Wow! Talaga?” excited na sabi niya saka pumalakpak. “Ang galing-galing mo naman, Burglar! Congratulations!”
Mariing nagdikit ang mga labi ni Gabryel. “Bakit si Burglar lang ang magaling?”
Tinampal niya ang pisngi nito. “Hindi bale. Guwapo ka naman.”
“At siyempre, hindi papayag si Maiden na hindi ko siya ipakilala.”
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang brown mare. “Ang amu-amo ng mga mata niya. Parang babaeng in love,” sabi niya saka sinapo ng palad ang pisngi.
“`Want to ride her? Kahit dito lang sa paddock?”
Umiling siya. “Next time na lang siguro. Umuulan sa labas, eh.”
“Sayang! Gusto ko pa mandin na lalo kang ma-in love.”
Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Parang seryoso at puno ng emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Kanino naman ako mai-in love?”
Baka kakantiyawan na naman siya nito na in love siya rito. Kapag inuulit-ulit ang isang bagay sa kanya, parang nagiging totoo na. At ayaw niyang magkaroon ng notion na ang simpleng atraksiyon niya kay Gabryel ay pagmamahal na nga. Lalo lang makukulta ang isip niya.
Ibinuka nito ang mga kamay. “Dito sa riding club. Nakaka-in love naman talaga, `di ba? Alam mo ba ang pakiramdam ko nang makapasok sa lugar na ito? Parang mistress ko siya. Kasi wala namang nakakaalam sa labas kung ano ang ginagawa ko rito.” Tumawa ito. “It is funny. Pero kapag nandito ako, ayoko nang umalis. Huwag na lang kaya tayong umalis dito?”
Iyon din ang gusto niya. Ang hindi na umalis sa lugar na iyon. Pero hindi iyon ang oras para mag-ilusyon. “I don’t want to intrude into your solitude. Siyempre, magkaka-girlfriend ka rin naman. At baka magselos pa siya kapag nalaman niyang sa bahay mo ako tumutuloy.” Baka tuluyan nang mahulog ang loob niya rito.
He patted her head. “We are friends. Walang girlfriend na magseselos sa iyo kaya huwag mong masyadong isipin iyon. Just concentrate on your novels. Okay?”
That definitely sent her back to the face of the earth. Whenever he told her sweet words, they were just words. He was just teasing her. After all, they were pretending to be a couple. At kung sweet pa rin ito sa kanya kahit sila lang dalawa, that was just him. Sweet.
MAAGA pa lang ay nasa Rider’s Verandah na si Sindy at ini-interview ang mga members ng club. Ang ilan sa mga ito ay naiisipan na niyang gawan ng istorya. Ang iba naman kasi, nagbo-volunteer na makipagkuwentuhan sa kanya. Naipakilala na kasi siya ni Gabryel sa karamihan ng mga members kaya accommodating ang mga ito.
Ang tiyak lang na may istorya sa kanya ay ang mga married members at ang mga may formal girlfriend na at nakasundo niya ang mga babae. Ang mga Flower Girls kasi ay naka-categorize sa villain division.
“Hmm... na-interview ko na si Chef Gino.” Ang owner ng Rider’s Verandah ang ipa-partner niya kay Miles. “Sino pa ba ang kulang?” aniya saka inilibot ang tingin sa paligid habang tinatapik ang sign pen sa notepad niya. Nahagip ng tingin niya sina Quincy na irap nang irap kay Yuan na matalim naman ang tingin dito. Napangiti siya. “Sabi na nga ba, may istorya rin akong makukuha sa mga ito.”
Nilapitan niya si Yuan na umiinom lang ng kape habang pailalim na nakatingin kay Quincy. “Hi! You are Yuan Zheng, right? I am Sindy Arevallo. I’m...”
“Gabryel’s girlfriend,” dugtong nito. “Yes, I remember you.” But there was no warmth in his voice. Mukhang mainit pa nga ang ulo nito.
“Ah... I’d like to ask for...”
“An interview?” pagtatapos nito sa sasabihin niya at siya naman ang matalim na tiningnan. Naalala niya na may pagkasuplado nga pala ito. At ayaw nito sa mga love stories kung saan ang mga babae ay powerful.
Nanigas na ang dila niya at hindi siya makapagsalita. Naramdaman na lang niya na hinila siya ni Quincy palayo sa mesa ni Yuan. “Huwag mong kausapin iyan. Nangangain iyan ng tao,” bulong ni Quincy sa kanya. “Si Sir Gabryel, nasa ibaba na.”
“Nandiyan na si Gabryel?” Parang may pakpak ang mga paa niya na bumaba sa first floor ng Rider’s Verandah. “Hi! Akala ko, mamaya ka pa dadating.”
Para mabantayan at maalalayan siya sa mga istorya niya, sa Stallion Riding Club na nito ginagawa ang mga business meetings nito at sa villa na rin ito nag-oopisina. “How was your chitchat? May mga stories ka na bang nabubuo?”
“Oo. Pero ayaw yata ni Yuan Zheng magpa-interview.”
“Hindi magpapa-interview iyon. Mabuti pa ako na lang ang magkukuwento sa iyo kung ano ang mga sekreto ni Yuan.”
“Naku! Baka pareho pa tayong mapahamak kapag ginawa mo iyon.”
“Bakit? Natatakot ka kay Yuan?”
“Mukha nga siyang nakakatakot.”
“Hindi man siya mukhang anghel katulad ko, may soft side din si Yuan.”
“Teka, bakit kailangan pang i-compare sa iyo?”
Ngumiti ito nang matamis. “Para malaman mo na nag-i-standout ako sa kanilang lahat. Puro positive ang makikita mo sa character ko.”
Hinila niya ang necktie nito papunta sa kotse. “Oo na. Umalis na tayo dahil ayoko namang ma-late ka sa meeting. Sa daan mo na ituloy ang kayabangan mo.”
“Sabi na nga ba, love na love mo ako. Concerned ka sa akin.”
“Siyempre. Ikaw ang angel ko.”