“TALAGA, Sindy? Galing ka sa Stallion Riding Club? Doon ka nagbakasyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Sonja habang nagpapalipas sila ng oras sa Starbucks. Nagkita sila nito sa publication at saka tumuloy sa coffee shop para magkuwentuhan. “Ibig sabihin, nakita mo ang mga Stallion boys?”
“They are men! Gorgeous men! Pero iyong iba sa kanila, may girlfriend na at may asawa,” kuwento niya at sumimsim ng Toffy Nut na hot frappuccino.
“Iyong Stallion Riding Club, kasingganda ba ng sa commercial?”
“Hay! Mas maganda pa roon. At saka wala yatang pangit sa lugar na iyon. Halos lahat magaganda. At pakiramdam ko, maganda rin ako basta madikit lang ako sa mga lalaki roon. Lahat sila, guwapo.”
“Gusto ko magkaroon ng boyfriend na galing sa Stallion Club.” Niyugyog nito ang braso niya. “Isama mo naman ako! Isama mo ako.”
“Tatanungin ko muna si Gabryel kung puwede. Alam mo naman na sumabit lang ako roon. Naawa lang si Brye sa akin.”
Kahit mahigit isang linggo na siya sa riding club at nakilala na niya ang karamihan sa mga regular guests at members ay hindi pa rin siya komportable sa lugar. It might be a paradise but she still felt like an intruder. Hindi siya basta-basta makagalaw. Natatakot siya na may ma-offend na members o may ma-break na unwritten rules. Ayaw niyang mapahiya si Gabryel. Nagiging komportable lang naman siya sa mga kilos niya kapag kasama niya si Gabryel.
“Sandali, ha? Naiintriga na ako sa Gabryel Honasan na iyan. Talaga bang kaibigan mo lang siya? O baka naman kasama siya sa pantasya mo.”
“Hoy! Walang ganyanan, ha. Kaibigan ko lang talaga siya,” aniyang ibinaba ang tingin sa kape. Parang sa sarili niya, hindi rin siya kumbinsido sa kanyang sinabi. There was something about Gabryel that made her doubt about the things she wanted to make herself believe. Katulad ng kaibigan lang niya ito at hindi siya in love dito.
“`Di ko alam kung nasaan ang isip mo. Nasa harap mo na ang katurapan ng mga pangarap ng ibang mga babae. Ambisyon nilang maging Cinderella. Ikaw, iyon na nga ang pangalan mo, gusto mo pang pakawalan ang prinsipe mo. Kung ako sa iyo, aakitin ko na ang Gabryel Honasan na iyan. Tutal, hindi naman mukhang mahirap i-seduce.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Sige nga. Subukan mo nga. Paano ko naman ise-seduce si Gabryel halimbawa?”
“Lagi mo siyang tititigan nang malagkit. Direkta sa mga mata. `Tapos, beautiful eyes.” Hinampas siya nito nang pagtawanan niya ito. “Ano’ng itinatawa-tawa mo riyan? Nagsusulat ka ng romance novel pero `di mo kayang gawin?”
“Alam mo, independent lang ako at ang mga characters ko. Pero dalagang Filipina pa rin ako. Saka maniwala ako na kaya mong gawin ang mga sinasabi mo.”
“Huh! Kaya kong gawin iyon. Wala nga lang chance. Siyempre, kung makakapasok ako sa Stallion Riding Club, todo na ito! Gagawin ko talaga iyon sa lalaking magugustuhan ko.”
Huminga siya nang malalim. Mukhang hanggang nobela lang niya magagawa ang pang-aakit na sinasabi ni Sonja. “Malamang, tatadyakan ako ni Gabryel palabas ng Stallion Riding Club kapag ginawa ko iyan,” aniya saka nangalumbaba.
“At ano naman ang gagawin mo kaya kita tatadyakan palabas ng club?” pabulong na tanong ni Gabryel sa kanya.
Napalingon siya at nahigit ang hininga nang matuklasang malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. Their lips could have touched if only she didn’t pull away on impulse. Baka nahalikan na naman niya ito. Bigla siyang tumayo. “Gabryel, kanina ka pa riyan?” Narinig ba nito ang pinag-usapan nila ni Sonja?
“Kadarating ko lang,” anito saka umupo sa bakanteng upuan. Nakangiting bumaling ito kay Sonja na nang mga sandaling iyon ay nakatanga rito. Hindi makapaniwala ang kaibigan niya na nasa harap nito ang isa sa mga members ng Stallion Riding Club. “Hi! You must be Sindy’s friend. I am Gabryel.”
“Sonja.” Nakatulala pa rin ito nang kamayan si Gabryel. “Tama nga si Sindy. Guwapo ka. Parang hulog ka ng langit.”
“Talaga? Sinabi niyang guwapo ako?” anito saka nanunuksong tumingin sa kanya.
“Oo naman. Bakit `di ka kasama sa commercial ng Stallion shampoo? `Di naman nalalayo ang kaguwapuhan mo sa kanila.”
“Ah! Sila ang kinuha ni Neiji dahil libre ang talent fee nila. `Di kaya ni Neiji ang talent fee ko. Pang-star material kasi ako. `Di tulad ng mga pangit na iyon.”
“Nagyabang na naman,” aniya saka iniikot ang mga mata.
Naghiwa-hiwalay sila nang makarating sila sa mall. Manonood pa kasi ng sine si Sonja at sila naman ni Gabryel ay mamimili pa ng supplies nila sa supermarket. Naubusan na kasi sila ng maraming gamit sa villa.
“Narinig mo ang sinabi ng kaibigan mo? Guwapo raw ako!” pagmamalaki nito. “Mabuti pa siya, marunong maka-appreciate ng kagandahang-lalaki ko. `Di tulad ng iba riyan, nagkukunwaring ayaw, pero guwapung-guwapo sa akin.”
Mula sa rack ng mga sabon ay lumipad ang tingin niya rito. “Nasabihan ka lang ng guwapo, pumalakpak naman ang tainga mo. Binobola ka lang ni Sonja para maisama mo siya sa Stallion Riding Club, nagpabola ka naman.”
“Nagsasabi lang siya ng totoo. Ganoon dapat ang mga babae. Huwag masyadong pakipot. Dapat malakas ang loob magsabi ng katotohanan.”
Kumuha siya ng malaking bote ng Stallion shampoo and conditioner at inilagay sa pushcart. “Masyado ka naman kasing naniniwala na kaguwapuhan ka.”
Kaya nga ayaw niyang sasabihin dito na guwapo ito. Alam na niya ang kahihinatnan. Sasabihin nitong in love siya rito. Mapipikon lang siya. Mami-misinterpret nito ang pagkapikon niya at iisipin nitong totoo nga.
Hindi ka nga ba in love sa guwapong iyan? a nagging voice asked her.
“Hindi! Hindi! Hindi!” mariing sabi niya.
“Anong hindi? Ayaw mo ba nitong shampoo na kinuha mo?”
Nang lumingon siya ay sampung Stallion shampoo na yata ang nailagay nito sa pushcart at may hawak pa itong apat na malalaking bote. “Ano iyan? Bakit ang dami-dami mong kinuha?”
“Kasi, baka kulangin tayo ng supplies. Para `di na tayo mamimili.”
“Magbabakasyon lang ako sa bahay mo. I won’t live there forever,” aniya habang isa-isang ibinabalik ang mga shampoo sa shelf.
“You can stay there forever if you want.”
“Bakit? Ipapamana mo na ba sa akin ang villa mo sa Stallion Estate?”
“Hindi lang iyon ang ipapamana ko sa iyo kapag pinakasalan mo ako.”
Napanganga siya at napatulala rito. “Ha? Kasal?” Nagpo-propose na ba ito sa kanya? Gusto ba nitong pakasalan siya?
“Oo. Bonus ang villa ko. Pakakasalan pa rin kita kahit alam kong katawan at kaguwapuhan ko lang ang habol mo sa akin,” malungkot na sabi nito.
Itinuktok niya sa noo nito ang bote ng shampoo. “Heh! Nakakainis ka!” aniya saka iniwan ito. “Bayaran mo na lahat iyan! Dali!”
Iiling-iling na sumunod ito sa kanya. “Ibibigay ko na nga sa iyo ang katawan ko, `tapos gagawin ko pa akong under. `Di pa nga tayo kasal. Pati kaluluwa ko, gutay-gutay na rin.”
Kinurot niya ito sa braso. “Ate Shawie, huwag kang magdrama ng Pasan Ko Ang Daigdig diyan. Nakakahiya sa mga nakakarinig. Ang guwapu-guwapo mo, `tapos nagdadrama ka. Tingnan mo, pinagtatawanan ka na nila.”
“Inamin mo na rin na guwapo ako.”
“Oo na. Guwapo ka na. Basta huwag ka na lang magdrama, okay?”
Gabryel surely brightened up her day. Hindi yata niya ma-imagine ang buhay niya nang wala ito. If only she could be this happy with him forever.
NARAMDAMAN ni Sindy na nakatitig sa kanya si Gabryel habang isinasalansan niya ang mga pinamili nilang grocery sa cabinet. “Bakit? May problema?” tanong niya.
“Hmm... so will you marry me?”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa canned peaches at humarap dito. “Gabryel, kapag hindi mo tinigilan ang pangungulit mo sa akin, babatuhin kita nito.”
“Bakit ba kung anu-ano ang sinasabi mo? Sasagutin mo lang naman ako kung ayaw mo o hindi.” Lumapit ito sa kanya at na-corner siya sa kitchen counter. She was unable to move when he traced the contour of her lips. Natulala na lang siya rito. Parang nanghihipnotismo kasi ang mga mata nito. “Baka naman ikino-consider mo na nga ang pagpapakasal sa akin kaya puro paiwas ang sagot mo? At kaya lagi mong inaapi ang kaguwapuhan ko ay dahil ang totoo, in love ka na sa akin,” pabulong na sabi nito habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa kanya.
Hindi niya magawang huminga. Nakatitig lang siya rito. Parang naparalisa na siya. Don’t kiss me, Gabryel. Oh, please don’t.
Pero hindi niya masabi iyon dahil kahit pagbuka ng bibig ay hindi na niya magawa. She just lifted her face to him as if she was anticipating his kiss.
Damn it! Move, hand. Push him away!
Pero walang parte ng katawan niya ang nakinig. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit hindi niya magawang labanan ito? Every part of her body was conniving against her better judgment. Pati yata sa kalipunan ng better judgment niya ay may nag-uudyok na rin na hintayin na lang ang halik ni Gabryel para tuluyan na siyang maging normal na tao at sa wakas ay magkaroon ng first real kiss.
Sa huli ay pumikit siya at hinintay na lumapat ang mga labi nito sa kanya. If I can’t beat them, I’ll join the fun, sa isip-isip niya.
Bigla siyang napadilat nang may mag-doorbell. “Sandali lang,” ani Gabryel at humiwalay agad sa kanya.
She took the time to recover herself. She nearly made a fool of herself. Kung natuloy ang paghalik nito sa kanya, malamang ay katawa-tawa na siya ngayon. Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin si Gabryel. Okay lang. Hindi naman natuloy.
Magpapatuloy sana siya nang marinig ang boses ni Blessilda Honasan, ang mama ni Gabryel. “Oh, dear! It’s true! You are here, Sindyrella,” anito at hinalikan siya sa pisngi. “How are you, hija?”
“I am doing great.”
“Yeah. I can see that,” anitong may naglalarong panunukso sa mga labi.
“``Ma, I didn’t expect to see you here,” ani Gabryel na may halong pag-aalala sa mga mata. “Sana, nagpasabi kayo na dadating kayo.”
“Dumaan lang ako. We partied at Tagaytay Highlands with my amigas. I decided to drop by. Akala ko, nagbibiro lang ang kaibigan mong si Hiro nang sabihin niyang nandito ang girlfriend mo at binanggit ang pangalan ni Sindy. Well, it’s true. Finally! The two of you are together.”
“You got it all wrong, Tita. Gabryel was just kind enough to lend me his place. But we are not really together like a couple...”
Inakbayan siya ni Gabryel. Tila ang ibig sabihin ay huwag na siyang magsalita. “Bakit hindi kayo magkuwentuhan ni Mama sa sala? I will just brew some tea for you.”
Nagpahabol pa siya ng humihingi ng saklolong tingin kay Gabryel. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa mama nito. Hindi man lang ito nag-deny tungkol sa relasyon nila. Ni hindi ipinaliwanag na nagiging mabait lang ito sa kanya.
Inakay na siya ng ginang. “Magkuwentuhan tayo, hija. Was it three or four years since I last saw you? Ang sabi ng mama mo, writer ka na raw.”
She gave her a tight smile. “Yes. I write romance novels.”
“Oh, I love romance. And I am glad that this time, my son captured your heart. Botung-boto kasi ako sa iyo para sa kanya, hija. You two look good together.”
“Thanks, `Ma,” sabi ni Gabryel at tinabihan siya nito.
“I have this grand wedding in mind. How about a beautiful wedding by the lake? Gustung-gusto ni Gabryel dito sa Stallion Riding Club. Dito na lang kayo magpakasal. I heard a young yet talented designer has a boutique here. Jenna Rose, right? Yes. I will ask her to do your gown.”
“Tita?” tanong niya habang pilit na inaanalisa ang sinasabi nito. Grand wedding? Lake wedding? Wedding gown? Kasal niya at ni Gabryel ang tinutukoy nito!
“`Ma, inumin muna ninyo ang tea ninyo. Kuwentuhan naman ninyo kami tungkol sa party ninyo sa Tagaytay Highlands. I am sure you are the prettiest among your friends,” pagda-divert ni Gabryel sa atensiyon ng ina.
The night passed with the stories of Blessilda’s grandiose beauty. Kapag nadadako ang usapan sa “kasal” nila ni Gabryel, natuto na siyang i-divert ang atensiyon sa ibang topic. It was a hard and tiring task.
At alam niya na hindi pa roon matatapos ang lahat.
KINABUKASAN, tahimik na nagbe-breakfast sina Sindy at Gabryel. Parang walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita tungkol sa pagdalaw ng mama nito nang nagdaang gabi. Hindi kasi niya alam kung paano bubuksan ang paksa rito.
“Ano’ng gagawin natin?” naitanong niya bigla nang hindi na siya nakatiis. “Iniisip ng mama mo na boyfriend kita at nagpaplano na sila ng kasal.”
Nagkibit-balikat ito. “Wala.”
“Wala? Hindi puwedeng wala tayong gawin sa ganito kaselang sitwasyon. Your mother is planning our wedding. You didn’t even bother to correct her wrong perception about us. We can’t just stay here and do nothing.”
He gave her a tight smile. “Sindy, they had been planning our wedding since birth. Pero may nagawa ba sila nang umalis ka? `Di ba, wala?”
“Iba noon. Iba ngayon. We are together. Or sort of.”
Sumimsim lang ito ng kape at tumayo. Hindi na nito inubos ang agahan. “Don’t fuzz over it. It will pass. Hayaan mo lang siya sa ngayon.” He was trying to act tough but she knew he was disconcerted, too. “I will take a shower.”
Nakatulala lang siya sa pagkaing halos hindi nila nagalaw pareho nang mag-ring ang cellphone niya. Namutla siya nang makita sa maliit na screen kung sino ang caller. “`Ma!”
“I heard from your Tita Bless that you are staying in Gabryel’s house at the Stallion Riding Club. Is it true, daughter?”
“`Ma, I can explain.”
“So it is true that you are living with him?”
“It’s not what you think!”
Napaungol siya. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin niya rito. She could see the whole picture. She was such a disgrace to her family. Nakikisama siya sa isang lalaki nang walang basbas ng kasal. Her mother would surely drag her by the hair. And she would parade her around and brand her as a scarlet woman. Sasabihin nito na parang hindi siya isang Arevallo. Na pati mga ninuno nila ay itatakwil siya.
“Oh, I am so happy for you, darling. You and Gabryel are together!”
“`Ma!” Sa tono nito, parang magpapa-fiesta ito sa buong Altamerano. Hindi siya ikinakahiya nito. Masaya pa ito para sa kanya.
“You finally had sense. Me and Blessilda are right. You and Gabryel are right for each other.”
Pumikit siya nang mariin at sinapo niya ang noo. It was worse than she had expected. Mukhang makikiplano rin ito sa kasal niya. “`Ma, listen. I am just here on a vacation. Gabryel was just gracious enough to lend me his villa since I am writing a series of novels about this place.”
“You don’t have to explain anything. I understand. I perfectly understand. Love caught you like the ones in the novels you write. Why don’t you and Gabryel visit Altamerano sometime? I will throw a big bash for you. Finally, my daughter, a popular novel writer, is coming home to Altamerano. Just thinking about it brings tears to my eyes,” she said theatrically.
Noong nakaraan lang, isang kahihiyan ang tingin nito sa kanya. Ngayon, kulang na lang ay ipagpatayo siya nito ng rebulto dahil lang inakala nitong may relasyon na sila ni Gabryel. Gusto niyang tanggapin siya nito bilang isang anak hindi dahil inakala nitong gusto na niya ang lalaking gusto ng mga ito para sa kanya.
“What’s the matter? You look pale,” puna ni Gabryel nang maabutan siya nitong nakatulala pa rin sa harap ng breakfast table.
“Ha?” Naipilig niya ang kanyang ulo. “Nothing. May iniisip lang ako.”
“Huwag mo nang isipin si Mama, okay? Just concentrate on your novels.”
She just smiled and nodded. She didn’t have to bother with her problems. Tatapusin na agad niya ang nobela niya para makaalis na siya sa bahay nito. Hindi ito dapat mapahamak dahil sa pagmamagandang-loob nito sa kanya.
She had to get out of there soon. She was falling for Gabryel so fast. Baka dumating ang oras na pati ang mga maling dahilan para pakasalan ito ay maging tama. At ang pagkukunwari nila ay naisin niyang maging totoo.