“ALAM ba ninyo kung ilang taon kami ni Sindy nang unang beses akong mag-propose ng kasal sa kanya? She was fourteen and I was seventeen,” kuwento ni Gabryel sa mga kaibigan nito habang nagla-lunch sila sa Rider’s Verandah.
“Paano ka nag-propose?” tanong ni Jhunnica, asawa ng isa sa mga members ng riding club at manager ng Rider’s Verandah.
“Huwag na lang iyan ang pagkuwentuhan natin,” pag-iiba niya ng usapan. Isa iyon sa mga experience ng kabataan niya na ayaw na niyang matandaan.
“Nagpapaturo kasi siya sa akin na lumangoy. PE nila at hindi siya marunong mag-butterfly stroke. Siyempre, walang mapagsidlan ng kagalingan ko kaya lahat na lang, nagpapaturo sa akin.”
“Oo na. Magaling ka na,” aniya saka iningusan ito. Kahit naman anong pigil niya sa pagkukuwento nito, hindi rin niya ito mapipigilan.
“Sabi ko sa kanya, dapat kapag naka-line of nine siya sa grade niya, may isa akong kiss. Sang-ayon naman siya. Aba! Nang tanungin ko ang grade niya, sabi niya ninety-five daw ang grade niya. Nang halikan ko sa pisngi, biglang nag-iiyak.”
“At bakit ka naman umiyak?” tanong ni Jhunnica.
“Siyempre. `Di ko naman siya boyfriend, `tapos hinalikan ko siya. Ang dami-daming nanligaw sa akin na ni hindi nahawakan ang dulo ng daliri ko.”
Ngumisi si Gabryel. “Sabi ko naman pakakasalan kita, `di ba?”
Nagpalakpakan at nagkantiyawan ang lahat ng mga nasa mesa. “Teka, teka, bakit biglang napag-uusapan ang kasalan?” tanong ni Gino. “Siguro, may plano ka na ring magpakasal?”
Nagkatinginan sila ni Gabryel subalit walang sinuman sa kanila ang makasagot. Kukuwentu-kuwento pa kasi, eh! `Di ka ngayon makapagsalita, sa loob-loob niya.
“Sino ang may planong magpakasal? Don’t forget to invite me to the wedding, okay?”
“Claudine!” Almost everyone around the table gasped.
Napatitig siya sa babaeng kaharap. It was Claudine Oreña. She was a host for a cable sports channel. She was with her brother, Crawford Oreña.
“Hello, everyone!” bati ni Crawford at tinapik isa-isa ang balikat ng mga lalaki. “Totoo ba na may na-hook na naman sa wedding fever?”
Walang sinuman ang makapagsalita. Tahimik lang ang lahat at parang nagpapakiramdaman. Then something ticked inside her mind. The name “Claudine.” Ang babae na minsan nang nai-link sa pangalan ni Gabryel. Was she the same Claudine? Ano ang relasyon nito kay Gabryel noon?
“Claudine, I want you to meet my girlfriend, Sindy Arevallo. Sindy, this is Claudine Oreña,” pagpapakilala ni Gabryel sa kanila.
Claudine wasn’t able to hide the shock in her eyes. Mas madali niyang nai-compose ang sarili. Ngumiti siya nang matipid saka iniabot ang kamay rito. “Hi! You look prettier in person than on TV.” The learned smile and greetings she perfected for years were useful at that moment. But she was rattled inside. So this woman had a relationship with Gabryel. And it looked like a serious one.
Ngumiti siya kay Claudine. Sa halip na kamayan siya nito ay hinalikan siya sa pisngi. “`Nice to meet you, darling,” she said in a sultry voice. Her lips were cold. On the contrary, she was not convinced that she was glad to meet her.
“Mukhang wala nang balak si Gabryel na pakawalan ka,” komento ni Crawford nang mapansin na mahigpit ang pagkakahawak ni Gabryel sa kamay niya. And Gabryel was holding her hand tight as if it was a lifeline.
“Of course. She’s precious. Saka matagal na akong naghintay na sagutin niya. `Been courting her since she was sixteen,” Gabryel said with a smile. Then he kissed the back of her hand while looking in Claudine’s direction.
“What happened?” tanong ni Claudine. “Did you find another guy or something, that’s why you left him?”
“It’s definitely something else. After all, Gabryel is the only real guy in my life. Kung magkakaroon man ng ibang lalaki sa buhay ko, puro mga heroes ko lang sila sa romance novel. Siyempre, si Gabryel ang pinakaguwapo kong hero sa novel,” malambing na sabi niya saka humilig kay Gabryel. Dati, hindi niya sinasakyan ang paglalambing ni Gabryel kapag nagkukunwari itong boyfriend niya. Sa pagkakataong iyon, ito naman ang gusto niyang protektahan mula kay Claudine.
Hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari sa dalawa. But Claudine definitely did something to hurt Gabryel.
“I thought you’d bring Manchester with you when you visit the club again,” tanong ni Jhunnica.
Sumimangot si Claudine at itinuon ang atensiyon sa menu. “I kicked him out of my life. He is such an ass. He loves his football team and his groupies more than he loves me. He can’t be faithful for a minute. So I came back to start anew and get back something important to me.”
She felt Gabryel stiffen. Ito marahil ang tinutukoy ni Claudine na babalikan nito. At ano ang gagawin ni Gabryel ngayon? Babalikan ba nito si Claudine?
“Sometimes, a person’s trash is someone else’s gold. And when you find out what a gold that trash is, it’s already too late,” Jhunnica remarked sweetly.
“SIGE na. Sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari kina Claudine at Gabryel dati. Did they have a relationship or something? If they did, why did they break up? Ano’ng ginawa ni Claudine kay Gabryel?” pangungulit ni Sindy kay Jhunnica. She was on her way to the main stable when she saw her riding her horse at the paddocks. Dito lang kasi siya komportableng magtanong tungkol kay Gabryel. After all, nai-share nito ang love story nito sa kanya.
Jhunnica checked her horse’s harness. “Why ask me? Gabryel seems like an open person. Magsasabi naman siya sa iyo.”
Nilaro niya ang butones ng suot niyang coat. Magho-horseback riding sila ni Gabryel. Kapag natapos daw niya ang novel niya sa deadline na ibinigay sa kanya ay mamamasyal sila. Ang gusto kasi nito ay huwag mawala ang atensiyon niya sa isinusulat niya. Kaya naman inspired siyang magsulat nang nakaraang araw. Except that the issue with Claudine was bothering her.
“Ayoko kasing maka-offend kay Gabryel. Magtatanong din naman ako sa kanya. Pero ayokong clueless ako bago ko i-open ang topic. At least I know what to expect from him. Please. Sabihin mo na!” pakiusap niya.
Ibinigay nito sa stable boy ang kabayo bago siya dinala sa shaded part sa gilid ng paddock. Walang tao roon kaya maaari silang magkasarilinan.
“Service crew pa lang ako sa Rider’s Verandah nang maging girlfriend ni Gabryel si Claudine. That time, Gabryel looked dead serious about her. For some unknown reason, Claudine refused to inform the public about their relationship. Ayaw raw niyang magulo, she wanted her privacy. Until things blew up. Nalaman na lang namin na in-announce ni Claudine in public na engaged na siya sa football player na si Manchester Evans.”
“What? Damn her!” aniyang naikuyom ang isang kamay.
“And worst of all, she didn’t even bother to explain to Gabryel. Kung tratuhin pa nga niya si Gabryel kapag nagkikita sila ay parang hindi niya kilala.”
Now she knew why Gabryel acted that way. Sinaktan ito ni Claudine. “She didn’t deserve Gabryel’s love,” gigil na wika niya.
“Hey, forget about it,” anitong tinapik ang balikat niya. “Matagal na iyon. And you are Gabryel’s girlfriend now. Don’t let Claudine bother you.”
“Thanks, Jhunnica. I owe this to you.”
“Gabryel is a nice man. So are the other guys in this club. Nami-misinterpret lang talaga sila minsan,” pahabol nito bago nagpaalam sa kanya.
Sa labas ng main stable ay nakita niya si Claudine. She was wearing a maroon riding coat and light brown trousers. Nakikipag-usap ito kay Maiden, ang mare na pag-aari ni Gabryel nang lumapit siya.
“Ma’am, nakahanda na po si Maiden. Hintayin na lang daw po ninyo si Sir Gabryel,” anang stable boy sa kanya.
“Thank you,” aniyang nanatili sa kinatatayuan. Ayaw niyang abalahin si Maiden at ang bisita nito.
“Oh, Sindy! I hope it’s okay if I talk to Maiden for a while,” ani Claudine nang lingunin siya. “She has been my friend for a long time and I miss her. She’s my baby.”
“I don’t really mind. You two look close.”
“Yes, of course,” she said with a sweet yet sly smile. “I am the only one who is allowed to ride her. Gabe bought her for me.”
“Oh!” naiusal na lang niya. Ganoon ba katindi ang pagmamahal ni Gabryel kay Claudine at nagawa pa nitong ibili ito ng kabayo?
“Are you going to ride her?” tanong nito habang hinahaplos ang leeg ni Maiden. “Oh, I am sorry, Maiden. I am not your master anymore. It’s so sad. I don’t think I can ride you anymore.”
Kahit kailan ay wala siyang balak angkinin si Maiden. Ang gusto lang naman niya ay sumakay sa kabayo. Bilang bagong nobya ni Gabryel, kailangan pa ba nitong sabihin iyon sa harap niya? Parang nananadya.
Ngumiti siya at hindi ipinakita na naaapektuhan siya. “You can still ride her if you want. I am sure Gabryel won’t mind.”
Kumislap ang mga mata nito. “Really?”
“You told me she’s yours. I guess it is okay.”
Hindi siya mang-aagaw. Kontrabida na nga ang tingin ni Claudine sa kanya dahil siya ang bagong nobya ni Gabryel. Ayaw niyang maging kontrabida rito at sa kabayong si Maiden. After all, she was just a temporary resident there. Ayaw niyang makadagdag pa sa gulo.
Niyakap siya ni Claudine. “Oh, thanks! You are so nice.”
“Did I miss anything here?” Gabryel asked.
“Gabe, Sindy is so nice. She said I could still ride Maiden if I want to. You know how much I love her. I hope it is okay if I ride her now. I’d like to look around the club,” malambing na wika ni Claudine.
“Mamamasyal din kami ni Sindy sa lake. That’s what I promised her since she was able to beat her deadline. And you know I only have two horses. Burglar and Maiden. Maiden is Sindy’s now,” walang kangiti-ngiting sabi ni Gabryel.
“No, it’s okay, Brye,” aniyang kumapit sa braso nito. “You told me there are horses the club owns. They are for visitors like me. Iyon na lang siguro ang sasakyan ko. Hayaan mo na si Maiden kay Claudine.”
“You are my girlfriend, Sindy. Hindi ka lang basta bisita rito,” mariing sagot nito. “Saka mas komportable ako kung kay Maiden ka sasakay.”
“Kung ayaw mo, eh, di huwag!” ani Claudine saka nagdadabog na umalis.
Noong una ay tinitigan lang ito ni Gabryel habang palayo. Sa huli ay tinawag din ni Gabryel si Claudine. “Okay, you can ride Maiden. Sindy is riding with me.”
Nanlaki ang mga mata ni Claudine. Sa halip na matuwa ay mukhang mas masamang balita pa ang natanggap nito. “You are riding Burglar with her? Why?”
Bahagyang natawa si Gabryel. “Saan ko siya isasakay? You are riding Maiden. Kung `di naman kita pagbibigyan, magagalit siya sa akin. I don’t want to make her mad. Gusto niya, palagi siyang nasusunod.”
Ano ba ang problema ng Claudine na ito? Parang hindi masaya. Palagi na lang pinagbibigyan. Pati ba ang pagsakay niya kasama si Gabryel ay kukuwestiyunin nito? Ang gusto yata nito ay maglakad na lang siya.
Napansin niya ang pangingilid ng luha ni Claudine. Hindi niya alam kung ano ang nakakaiyak. “You never ride Burglar with me. Are you sure about it?”
“Of course. We’ve been riding together since we were kids. And it’s high time Burglar recognizes his mistress.”
“ANO’NG sabi sa iyo ni Claudine?” tanong ni Gabryel habang naglalakad sila sa gilid ng lake at akay nito si Burglar. Napansin marahil nito ang pananahimik niya. Na kahit ano ang sinasabi nito, parang hindi siya nakikinig. Nasa malayo ang iniisip niya.
Sinipa-sipa niya ang itim na buhangin sa kanyang paanan. “Wala naman masyado. Sabi niya, nami-miss niya si Maiden. Na binili mo si Maiden para sa kanya.”
“Iyon lang ba ang sinabi niya sa iyo?”
“Ano pa ba ang dapat niyang sabihin sa akin?”
“Ako ba, hindi mo tatanungin?”
“Brye, I don’t want to intrude into your private life. I respect your privacy. If you won’t tell me, then I won’t ask anything. Unless it affects me directly.”
“I think it will concern you since Claudine knows you are my new girlfriend. Katulad na lang ng inasal niya kanina. She acted as if she could take everything back from where we left off. Naiinsulto ako para sa iyo.”
“Brye, kung totoong girlfriend mo ako, maiinsulto ako. Siguro, magseselos din ako dahil sa atensiyon at pagmamahal na ibinigay mo sa kanya. But I am not. Hindi mo naman kasi ako totoong girlfriend.”
Wala siyang karapatang makaramdam ng kahit ano. Kahit espesyal ang nararamdaman niya para kay Gabryel, alam niya kung saan siya lulugar. At kung anuman ang ipinakikita nitong paglalambing sa kanya, pansamantala lang iyon.
“Well, that’s your case. Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang puwedeng gawin ni Claudine sa iyo. She might harm you.”
“Gabryel, puwede na nating sabihin sa kanya na `di mo naman ako totoong girlfriend. Para hindi na siya magselos sa akin.” Mukhang nahihirapan si Gabryel na balansehin ang nararamdaman nito dahil sa kanya.
“No. I can’t do that. Paano pa kita poprotektahan sa mga luku-lukong lalaki rito sa club oras na malaman nilang `di kita totoong girlfriend?”
“Bakit ako pa ang iniisip mo? How about Claudine?”
“Everything was clear when she left me. And even if she wants to come back to me, I don’t really care about her.”
“Is that how you really feel? Do you still love her?”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Silly. Matagal na iyon. I am over her.”
“Paano kung mahal ka na talaga niya? Babalikan mo ba siya?” Kung “oo” ang sagot nito, siya na mismo ang gagawa ng paraan para makabalik ito kay Claudine. Hindi siya magiging sagabal sa kaligayahan nito.
“Is this for the romance novel you are writing? You think this is a nice piece for a romance novel ng mga basted?”
Napapadyak siya. “Be serious! This is for you.”
Kinabig nito ang ulo niya at inihilig sa dibdib nito. “Claudine is not your problem, Sindy. At ayokong magiging problema natin siya, okay? Basta gawin mo lang kung ano ang ipinunta mo rito. Create your masterpiece.”
She hoped he was really okay. Ayaw na kasi niyang masaktan pa ito.