KINATOK ni Sindy ang pinto ng kuwarto ni Gabryel. “Brye, baka ma-late ka na sa presentation mo. Dapat nandoon ka na ngayon.”
According to him, it was a big project with a cable channel tycoon. Tatlong sister companies ng cable channel ang gagawan nito ng Web site design. Kaya maging siya ay excited. It was a big project.
Lumabas si Gabryel ng kuwarto nang hindi pa naka-necktie. “Huwag ka namang magmadali. It’s still an hour before the presentation. Mas excited ka pa yata kaysa sa akin, eh!”
“Ayoko lang naman na pumalpak ka. Nakakahiya,” nakahalukipkip na sabi niya. “`Tapos malalaman pa ng buong club ang kapalpakan mo. What a shame! Makakaladkad pa ang pangalan ko dahil alam nilang girlfriend mo ako.”
“Kahit kailan talaga, wala kang tiwala sa talent ko. Ngiti ko pa nga lang, mapapahanga na sila,” anito habang nanginginig ang kamay nang ayusin ang sariling necktie. Hindi man aminin nito ay natetensiyon na ito.
“O, bakit?” tanong niya nang huminga ito nang malalim.
“Sindy, ikaw na ang mag-ayos ng necktie ko,” lambing nito.
Sinubukan niyang ayusin ang necktie nito. Pero ang simpleng gawain ay naging komplikado sa kanya. His body was near hers. Natetensiyon siya. At parang napaka-intimate ng act na pag-aayos ng necktie nito. They were like a married couple. Sa huli ay sumuko rin siya. “Hindi ako marunong, eh!”
“Marunong ka. `Di ba, may necktie ang uniform mo noong college?” tanong nito. “Kapareho lang iyon ng necktie ko.”
“Hindi. Magkaiba iyon,” giit niya. “Saka kaya kong ayusan ng necktie ang sarili ko pero hindi ang iba. Bakit hindi na lang kaya ikaw ang mag-ayos ng necktie mo? Araw-araw mo namang ginagawa iyan, ah!”
“Aba! Dapat lang na mag-practice ka. Siyempre, gagawin mo rin iyan kapag kasal na tayo. Lalo na kapag ganito kaimportanteng presentation.”
“Oo na. Oo na,” aniyang pilit na inayos ang necktie nito.
Naging habit na nito na kahit anong ipagawa sa kanya, palaging ina-associate sa balang-araw na pagpapakasal nila. Nasanay na rin siya at hindi ito kinokontra. Basta hindi na lang niya pinapangarap at pinaaasa ang sarili na mangyayari iyon. Pero katulad ng mga pagkakataong iyon, pinapabayaan niya ang sarili na kiligin kahit kaunti.
“Okay na ba?” tanong nito habang pasakay sa kotse.
“Hindi pa. Aayusin ko uli,” pahabol niya.
Mayamaya ay napasigaw ito. “Ahh! Nasasakal ako!”
Tumawa siya. “Ay, akala ko gusto mong magpasakal,” kantiyaw niya. “Sabi mo `di ba, ganito ang gagawin kapag gusto mong magpasakal?”
“Kasal! Hindi sakal!” pasigaw na pagtatama nito.
Nagtatawanan at nag-iinisan silang dalawa nang tumigil ang kotse ni Claudine sa likuran ng kotse ni Gabryel. “Hi! Susunduin ko lang si Gabryel.”
Si Claudine ang nag-recommend sa boss nito sa web design company ni Gabryel. Kung paraan nito iyon para mapalapit uli sa binata, wala siyang pakialam. Hindi naman kasi iyon nakakaapekto sa samahan nila ni Gabryel.
“Hindi mo na lang sana ako sinundo. Papunta na ako roon.”
“I just want to make sure he gets there in time for the presentation,” Claudine defended with a sweet smile. “Are you ready?”
“Almost,” sabi ni Gabryel.
“O, hindi pa ayos ang necktie mo.” Without preamble, Claudine pulled Gabryel near her. “Let me fix it.”
Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Claudine was able to fix Gabryel’s necktie so quickly. And Gabryel didn’t look bothered. Parang sanay na nga ito na ginagawa ni Claudine ang pag-aayos ng necktie nito.
Ngumiti si Claudine nang matapos. “There. It’s perfect.”
Necktie lang ni Gabryel, `di ko pa maayos. Paano pa ako magpapakasal sa kanya? Mukhang mas okay kung si Claudine ang pakakasalan niya.
“Umalis ka na. Baka ma-late pa kayo,” pagtataboy niya.
Bumaling sa kanya si Gabryel. “Ayusin mo pa uli ang necktie ko. Hindi ko masyadong gusto. Parang nasasakal ako. `Di ako makahinga.”
“Ha? Mukhang okay naman, ah!”
Kinindatan siya nito. “Okay na iyong ayos mo kanina.”
Nakita niya ang pagkainis sa mukha ni Claudine nang tanggalin niya ang perpektong pagkakatali ng necktie ni Gabryel. She did her best to do it properly. Hindi man kasingganda ng pagkakaayos ni Claudine pero presentable naman.
“Puwede na iyan. Ayoko nang mag-ayos uli,” sabi niya.
“Nasaan muna ang good-luck kiss ko?” tanong ni Gabryel.
“Kailangan pa ba n’on?”
Pumalatak ito. “Nagtatanong pa, eh! Hihingin ko ba kung `di ko kailangan?”
Tumingkayad siya para humalik sa pisngi nito. Subalit hinapit nito ang baywang niya at maalab na hinalikan ang mga labi niya. It was an ardent kiss, so ardent that she forgot the world around her. His lips were coaxing her to respond to the kiss. She was inexperienced in the kissing department but she instinctively looped her hands around his neck and opened her lips.
She never thought she could respond that way to a simple kiss. And it was an exhilarating experience. Nakalimutan na niya ang tama at mali. Basta hahalikan siya ni Gabryel ay wala siyang pakialam sa mundo.
“I’ll just wait for you at the presentation venue,” sabi ni Claudine nang hindi makatiis at pinaharurot palayo ang sasakyan nito.
Saka lang siya natauhan. Nasa labas sila ng driveway at may ibang tao silang kasama. And Gabryel kissed her in broad daylight.
“Oh, God!” naiusal niya at natutop ang mga labi.
“Mukhang gaganahan na ako sa presentation mamaya,” sabi ni Gabryel at ngiting-ngiting sumakay sa kotse nito. “I got sunshine on a cloudy day,” kanta pa nito. “Huwag mong masyadong mami-miss ang kaguwapuhan ko, ha?”
Nakatulala siya sa harap ng fountain nang makaalis si Gabryel. Bakit siya hinalikan nito? Dahil ba naroon si Claudine at gusto nitong pagselosin? He kissed her expertly but she didn’t feel used. It was as if he really loved kissing her.
Pinalo niya ang antique gong at lumikha iyon ng malakas na tunog sa buong kabahayan. She needed it to bring her back to her senses. Wake up, Sindy. Hindi ka gustong halikan ni Gabryel. Napilitan lang siya.
When he came back, she would set the record straight. Kailangan na siyang matauhan bago siya mangarap na naman nang gising.
NAALIMPUNGATAN si Sindy nang naramdaman niyang may humaplos sa buhok niya. “Sindy, wake up,” narinig niyang bulong sa kanya ni Gabryel.
Umungol siya at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Ito nga ang natunghayan niya paggising niya. Nakasuot pa ito ng long-sleeved polo at naka-necktie pa ito. “Brye, nakarating ka na? Tapos na ang presentation mo?”
“Yeah. Bakit dito ka na natulog sa hammock? Ang lamig dito sa labas,” nag-aalalang sabi nito.
“Nagbabasa lang ako ng libro habang hinihintay kita. `Tapos inantok na ako. `Di ko naman alam na makakatulog ako nang matagal.” Nang tingnan niya ang oras sa kanyang relo ay alas-kuwarto na ng hapon. “Three hours na akong nakatulog!”
“Kaya naman pala tawag ako nang tawag, `di ka sumasagot sa phone. Nandito ka lang pala sa labas. Nag-alala tuloy ako sa iyo.”
Bumangon siya at kinusot ang mga mata. “Kumusta naman ang presentation mo?”
“I did great. Na-impress ko ang mga clients. Inspired kasi ako. Dahil sa good-luck kiss,” nakangiting sabi nito.
Iniiwas niya ang tingin dito. It was one of the things that bothered her. At ayaw pa niyang pag-usapan sa ngayon dahil kagigising pa lang niya. “Lalabas ka ba mamaya para mag-dinner?”
“Bakit ako lang ang magdi-dinner? Siyempre, tayong dalawa.”
“Inaantok pa ako. Si Claudine na lang ang yayain mo.”
“Bakit siya ang yayayain ko?”
“You should thank her for recommending you to her boss.”
“I already thanked her. Kaya tayo naman ang magse-celebrate.”
Humiga uli siya sa hammock. “Inaantok pa ako, eh!”
“Sige. Matulog ka na lang.” Humiga ito sa tabi niya. “Matutulog na lang din ako rito.”
Maliit lang ang space sa hammock kaya magkadikit na magkadikit sila sa isa’t isa. She could even smell his cologne and feel the heat of his body. Bigla siyang bumangon.
“Brye, bumaba ka nga!” utos niya.
“Bakit ba? Hammock ko ito. Saka gusto kong matulog.”
“O, sige. Matulog ka na.”
Hinila siya nito. “Matulog ka na rin. Inaantok ka pa, di ba?”
Nanlaki ang mga mata niya dahil napadapa siya sa ibabaw nito. Mabuti na lang at maagap na naitukod niya ang kamay sa dibdib nito. “Gabryel!”
“Hmm...” anitong nakapikit na.
Muntik na siyang mapaungol. Malapit na malapit na ang mukha nito sa kanyang mukha. She could almost kiss him. Hindi ba nito alam na tino-torture siya nito?
She rolled off slightly. Subalit nakatagilid pa rin siya rito. “Huwag kang matulog dito, Gabryel. Sa loob ka na lang.”
“Buhatin mo ako kung kaya mo.”
Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makagalaw para lumayo rito, as if she was content to lie down beside him. Mukhang pagod na pagod na nga ito dahil hindi na ito gumagalaw. Nakapatong ang braso nito sa mga mata nito.
Ni hindi man lang nito natanggal ang necktie nito. He might be uncomfortable wearing that tie. Dapat niyang tanggalin iyon.
Nanginginig ang kamay niya habang unti-unting niluluwagan ang necktie nito. Muntik na siyang mapatili nang bigla nitong hawakan ang dalawang kamay niya. “Ano’ng ginagawa mo sa akin?” nakapikit na tanong nito.
“I am just undoing your necktie.”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Pinagsasa-mantalahan mo ang kahinaan ko. Kailangan mo akong panagutan.”
Binawi niya ang kamay rito. “Hoy! Huwag ka ngang ambisyoso. I am not going to molest you. Gusto ko lang maging komportable ka.”
“Ah! I don’t know if it’s comfortable to do that in a hammock.”
“Do what? Undo your necktie?”
“For starters, yes. It must be a new experience to make love on a hammock.”
Bigla siyang bumangon at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. Damn him! Akala niya ay siya na lang ang nag-iisip nang may malisya. She thought Gabryel was not affected by her charms. Of maybe he was only joking.
“Diyan ka na nga!”
Tumayo ito at pinigilan nito ang kamay niya. “Where are you going?”
“Away from you. If that’s your kind of joke, it’s not funny!”
“Okay. If you are uncomfortable with the idea of making love with me, I apologize. Maybe it is not the right time.”
She waved her hand. “Yeah! Good riddance. At kailan ang right time? Kapag kasal na tayong dalawa?” sarkastikong tanong niya.
“Hindi ka naniniwala na gusto kitang pakasalan kung gusto mo?”
“Are you doing this to make Claudine jealous? Or you want to get even because she left you for another guy?”
“What the hell! Bakit nasali si Claudine sa usapan?”
“Because it’s the only reason I could think of for your actions. You kissed me in front of her a while ago to make her jealous.”
“Claudine who?” he asked then pulled her waist.
He kissed her passionately she was unable to think. It was an earth-shattering kiss. Kung kukuwentahin iyon, tiyak na lalagpas iyon sa Richter scale. It was even much better than the kiss he gave her early that morning. At katulad kanina, nablangko na naman ang isip niya at ipinaubaya ang kanyang mga labi rito. She wondered how a sensible woman like her would lose her senses because of a kiss.
“Now tell me I only kissed you to make Claudine jealous.”
“Why kiss me? Puwede mo namang sabihin sa akin ang totoo na pinagseselos mo siya. Hindi masasaktan ang pride ko.”
Baka iniisip nito na mapapahiya siya kapag inamin nitong ginagamit lang siya nito laban kay Claudine. Maiintindihan niya ito. Gabryel had pride. Natural lang na bumawi ito. He didn’t have to kiss her again just to cover it up.
“It was bound to happen. You know that kiss was bound to happen.” He cupped her face. “If you remember, this is not my first attempt to kiss you. Kung hindi dumating si Mama noon, noon pa sana nangyari ito. Wala pa si Claudine noon. Are you just making up this Claudine issue to focus the blame on me? How about you? Why did you kiss me back?”
Napalunok siya. “I am just a normal woman. Pero huwag mo akong baligtarin. Aminin mo na lang na si Claudine...”
Naging seryoso ang anyo nito. “Sindy, I am not a crass who would use you to make another woman jealous. That’s childish. Give me more credit than that. And you deserve more than that. Hindi kita dinala rito sa Stallion Club para lang pagselosin si Claudine o kahit sinong babae.”
“Then why did you bring me here? Don’t tell me you came here to seduce me?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.
“That’s one of my plans.”
Nag-init ang kanyang mga pisngi. He did a great job then. He could even seduce her without trying. “Come on. Don’t give me that lame joke. Not again.”
“The first time I saw you after four years, I told myself that given a chance, I will lock you inside this club and make you mine,” he whispered with his eyes glued on hers. Na parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo.
“That sounds like an affair to me. Not a serious relationship.”
“Look at me, Sindy.” Iniangat nito ang mukha niya. “We have something special. You may deny it but I can feel it. Pero ayoko munang mag-commit ka sa akin. This time, I want a more serious relationship. Iyong pareho tayong handa.”
“I understand.” Maybe he wasn’t ready for that serious relationship yet. Baka hindi pa nito tuluyang nakakalimutan si Claudine. “I am not in a hurry.”
He kissed the top of her head. Isa lang naman ang gusto niya. She wished he would love her.