“WHOA! Pasikat!” pasigaw na sabi ni Sindy nang tumalon sina Gabryel at Burglar sa ibabaw ng Liverpool. It was an obstacle with a ditch or water under a vertical. It was tricky but the horse and its master were able to pass it flawlessly.
He was practicing for the show jumping competition to be held on the weekend. Buwan-buwan kasi ay nagsasagawa ng iba’t ibang klaseng horse sports competition ang Stallion Riding Club at mga members ang kalahok. Pero may isang malaking open tournament kada taon para sa celebration na rin ng anniversary ng riding club. At iyon ang pinaghahandaan ng maraming horse sports fanatics.
She knew he was good with horses. Bata pa lang sila ay sumasakay na sila ng kabayo sa Altamerano. But she never thought he would take the sports seriously. Two consecutive years nang hawak nito ang top place para sa show jumping category.
Nakangiting lumapit sa kanya si Gabryel. “O, in love ka na naman sa akin. Saka hindi ako pasikat. Sikat na talaga ako.”
“Oo. Pasikat ka. Pero hindi ka sikat. Si Burglar ang sikat.” Bumaling siya kay Burglar. “Galingan mo sa show jumping competition, ha? Kapag nanalo ka, papayag na akong maging boyfriend ka.”
“Burglar, huwag mo siyang pansinin. Pinaaasa ka lang ng babaeng iyan. Ang totoo, sa akin siya in love. Nagpapakamatay nga iyan sa kaguwapuhan ko. Si Maiden ang totoong nagmamahal sa iyo,” sabi ni Gabryel sa alaga nito. “Sa akin ka maniwala dahil ako ang amo mo.”
Tumalikod siya at sumandal sa bar na humaharang sa audience’s seat. “Hay! Kawawa naman ang isang bata rito. Pati kabayo niya pinaniniwala na guwapo siya.”
“Burglar, dapat masanay ka na sa mga babae. They will tell you they don’t like you. Pero ang totoo, patingin-tingin. At kapag hinalikan mo naman, hindi kumokontra. Pero ano’ng magagawa ko? Ganito talaga ang kapalaran ng mga guwapo...”
Nag-init ang mga tainga niya at biglang humarap dito. “Gabryel Honasan, pati ba naman kay Burglar, ikinukuwento mo ang—”
“Bakit? Wala naman siyang ibang pagkukuwentuhan, ah! Maliban na lang kung ikukuwento niya sa ibang kabayo. Pero mapagkakatiwalaan naman si Burglar. Hindi siya tsismoso.” He patted Burglar’s mane. “Hindi ba, Burglar?”
“Sigurado ka na si Burglar lang ang nakakarinig ng pinagsasasabi mo?”
“Ano ngayon kung marinig nila? We kissed and so what? Girlfriend naman kita.”
Humalukipkip siya. “Dapat yata, sa ating dalawa lang iyon.”
“Basta, ipagmamalaki ko iyon sa lahat.”
“Hindi na kita kakausapin kahit kailan kapag ginawa mo iyan!”
“Sino kaya ang mawawalan ng guwapong boyfriend `pag `di ako kinausap?”
Yes, he admitted they had something special between them. But they didn’t have a valid relationship. Kahit ang nararamdaman nila para sa isa’t isa ay hindi pa nga nila mapangalanan. Hangga’t hindi niya nililinaw rito kung ano ang totoong estado nila; hangga’t hindi pa dumarating ang panahong sinasabi nito, iisipin pa rin niyang nagpapanggap pa rin silang dalawa bilang magnobyo.
“O, bakit nauuwi na yata kayo sa lovers’ quarrel?” tanong ni Crawford.
“Ganyan lang kaming dalawa. Madalas mag-inisan. Pang-inis kasi ang lalaking iyan,” sabi niya saka inirapan si Gabryel.
“Nag-practice ka na ba sa show jumping competition?” tanong ni Gabryel kay Crawford. “Handa ka na bang magpalampaso sa akin?”
“Ilang taon ka nang champion? Dapat hindi ka na kasali.”
“Two years pa lang. Kaya puwede pa kitang talunin.”
“Kailan ka babalik sa Manila? Nakausap mo na ba ang boss ni Claudine tungkol sa web design nila?”
“Bukas ko malalaman kung makukuha namin ang project,” wika ni Gabryel.
“Claudine is confident you’ll get it. Hihintayin ka raw niya bukas kapag pumunta ka sa opisina nila.” Tinanguan siya ni Crawford. “I have to go. Magpa-practice din ako para hindi ako pakainin ng alikabok ng boyfriend mo.”
“Good luck,” naiusal lang niya at tumahimik na.
“O, sawa ka na bang makipag-asaran sa akin?” tanong ni Gabryel.
“Wala. Kinakabahan lang ako. Sana makuha ninyo ang project.”
“Of course. Makukuha ko iyon. Magsa-shower lang ako, `tapos mag-lunch na tayo. Hintayin mo lang ako rito, okay?”
Napahawak siya sa tuhod habang nakatingin sa sahig. Bakit natatakot siya kung makikita nina Claudine at Gabryel nang wala siya sa tabi ng binata? Dahil baka ma-realize ni Gabryel na mahal nga nito si Claudine at tatapusin na nito ang pagkukunwari nila? Ano ba ang magagawa niya kung mas matindi ang pagmamahal nito kay Claudine kompara sa espesyal na nararamdaman nito sa kanya?
“I have no hold on him,” naiusal niya. Kung darating man ang oras na iyon, sana, hindi siya masyadong masaktan.
“FOR WEBLINK and for Gabryel! Congratulations!”
Itinaas ni Claudine ang kopita ng alak at saka humalik sa pisngi ni Gabryel. It was followed by greetings from members of the club and other guests. Tahimik lang si Sindy habang nakatayo sa tabi ni Gabryel at nakamasid.
It was a dinner party thrown by Claudine for Gabryel. Nakuha kasi nito ang deal para sa web design project ng cable company ni Claudine. Everyone was celebrating except her. She felt left out. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa grupo na iyon.
“Oh, you should have seen Gabryel during the presentation. He was so confident and so articulate. And handsome, too. That’s why my bosses are impressed,” Claudine boasted to everyone. “Wait till you see the Web site about its launching. Kahit may Web site na kayo, magpapagawa pa uli kayo ng bago. I never doubted for a moment he would get the project.”
“Thanks, Claudine,” sabi ni Gabryel at hinawakan ang kamay niya. “Gusto mo ba ng champagne?”
“Sure,” sabi niya. She could use a drink to ease her boredom. After all, wala naman siyang sasabihin. Claudine was the party’s host. At siya ay tagapakinig lang sa mga istorya nito.
“Paano iyan? Naka-concentrate ka yata sa trabaho. Baka naman hindi ka makapaglaro nang maayos sa competition bukas,” ani Brad.
“As if you don’t know Gabryel,” wika ni Claudine at umabrisete kay Gabryel. “Remember last year? We even went on a vacation in Davao. We arrived the night before the competition. But he still got a perfect score!”
“Burglar is a great horse. We trust each other. It is the key. Saka kahit walang competition, nagpa-practice pa rin kami,” paliwanag ni Gabryel.
“No. Inspired ka lang last year. Siyempre, nanood ako sa iyo,” malambing na sabi ni Claudine at humilig kay Gabryel.
“Yeah, great!” mahinang usal niya at ininom nang straight ang champagne. Not strong enough. She went to the bar. “Bloody Mary, please,” order niya sa bartender.
Gusto niyang mamanhid. Ayaw niyang marinig pa ang nakaraan nina Gabryel at Claudine. If she wanted to rehash their past, not in front of her.
She drank up her Bloody Mary and ordered another one. Unti-unti nang humihina ang mga kuwento ni Claudine sa pandinig niya. Bahagya na ring lumalabo ang mga paningin niya habang bumubulong si Claudine kay Gabryel.
“You don’t even know I am not beside you. Siguro, mas masaya ka na kasama si Claudine,” mahinang usal niya.
“The Stallion series will be out soon,” excited na anunsiyo ni Neiji at luminga-linga. “Where is Sindy?”
Nakita siya ni Gabryel sa bar at nilapitan. “What are you doing here?”
Wallowing in pain. Celebrating my own shame.
Itinaas niya ang pangatlong baso ng Bloody Mary. “I am celebrating for you and for me. For us,” aniya sa namumungay na mga mata.
Hinawakan siya nito nang mariin sa braso. “Bakit umalis ka sa tabi ko?”
Nagkibit-balikat siya. You didn’t even notice I am not there.
“May problema ba?” tanong ni Claudine.
Walang emosyon na tiningnan niya ito. Ikaw ang problema ko. Sana, `di mo na lang iniwan si Gabryel noon para balikan lang kung kailan mahal ko na siya.
She didn’t know what to do. She was dying inside.
“I am sorry, Claudine. We have to go,” sabi ni Gabryel.
“The party has just started,” angal ni Claudine. “Why so soon?”
“Kanina pa masama ang pakiramdam ni Sindy. Pinilit ko lang siyang sumama rito. I am sorry,” wika ni Gabryel at nagpaalam na sa iba.
“Bakit umalis tayo agad?” Naramdaman niya ang matalim na tingin sa kanya ni Claudine. Iniisip siguro nito na gusto niyang ilayo si Gabryel dito.
“You are not feeling well,” he said as he pulled her inside the car.
“Okay lang ako.”
“Nakailang Bloody Mary ka na? You were having your own private party. Now tell me what the problem is.”
“Wala,” aniya saka yumuko. Gusto ko lang makalimutan na mas gusto mong kasama si Claudine kaysa sa akin. I just want to numb the pain.
Niyakap siya nito. “I am sorry. Whatever is wrong, I am really sorry.”
“Gabryel, you don’t have to be sorry. Wala kang ginawa...”
“Pakiramdam ko, meron. Hindi mo lang siguro gustong sabihin sa akin. So whatever it is, I am really sorry.”
Ngumiti siya nang malungkot at hinayaang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. What if I tell you ‘I love you’? Are you sorry because you can’t love me back?
“Ako ang dapat mag-sorry. I am the party spoiler. That party is for you.”
Pinahid nito ang mga luha niya. “Don’t cry. The party is not really important. Ang importante sa akin, kasama kita.” He pressed a kiss on her lips. “Close your eyes and take a rest. You have to cheer for me tomorrow.”
Those simple words were enough to lessen the pain. Nakalimutan niya si Claudine dahil parang siya ang pinakaimportanteng tao kay Gabryel. And the rest of the world didn’t matter, including Claudine. She wished things would always work that way.
PARANG pinupukpok ng martilyo ang ulo ni Sindy nang gumising siya. She had a hangover from three glasses of Bloody Mary. Lalo pang nadagdagan ang sakit ng ulo niya nang katukin siya sa pinto ni Gabryel. “Good morning, breakfast in bed! Get up, Sindy!” He pressed the button near the light switch and the blinds of the window scrolled up. Lumagos ang liwanag at init ng sikat ng araw. “This is such a great morning.”
Umungol siya at nagtalukbong. “My eyes and head hurt, Brye! Isara mo na lang uli ang bintana.”
“Mukhang may hangover ka. Have some soup and I’ll get you some pain reliever. Then you will feel better.”
Halos subuan siya nito sa pagkain ng soup at pati sa gamot. “Huwag mo na akong intindihin. I can take care of myself. Mag-prepare ka na para sa competition. Baka ma-late ka pa. I will just rest for a while. Magsa-shower na rin ako.”
“No. You have to stay in bed. You don’t feel well.”
“Pero gusto kong mapanood ang laro mo,” giit niya. “I want to be there to cheer for you.” Kahit masakit ang ulo niya ay kakayanin niya.
He kissed her forehead. “Hindi na. Magpahinga ka na lang. `Tapos, babantayan kita rito hanggang bumuti ang pakiramdam mo.”
“Gabryel, no! Hindi ako papayag na hindi ka mag-join sa competition. Matagal kang nag-practice. Saka third consecutive year mo na sanang mananalo kung sakali. `Tapos, dahil lang sa akin, hindi ka na lalaban.”
“May next year pa naman. Basta, dito lang ako sa tabi mo.”
Itinulak niya ito nang bahagya. “Magagalit ako sa iyo kapag hindi ka pumunta dahil lang sa akin. Para saan pa ang pagyayabang mo sa akin noong isang araw?”
Itinaas nito ang kamay. “Okay. I will go to the arena and fight. At hindi ako babalik dito hangga’t `di ako nananalo. And when I return, magse-celebrate tayo. Basta huwag kang tatayo rito sa kama. I will ask Gino to lend Quincy or Miles to look out for you habang hindi pa marami ang tao sa Rider’s Verandah.”
He claimed his good-luck kiss before he left. Nang gumising siya ay naabutan niyang nagbabasa ng magazine si Quincy. “Gising ka na pala.”
Bumangon siya. “Gusto kong mag-shower. Tulungan mo na rin akong mag-ayos, ha? Pupunta kasi ako sa arena. Manonood ako ng laban ni Gabryel.”
“Ha? Anong manonood? Sabi nga niya, huwag kitang patayuin diyan. Just take a rest, okay? Baka lalo pang sumama ang pakiramdam mo.”
“Please! Gusto ko siyang mapanood. Kapag napanood ko na siya at nakita ko siyang manalo, babalik din tayo rito.”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” anito saka inalalayan siya. It was an ordeal to take a shower and change clothes. Masakit pa rin kasi ang ulo niya. Pero mas nangibabaw sa kanya ang excitement na makita si Gabryel. Gusto niyang mag-cheer para dito.
“Are you sure about this?” tanong ni Quincy habang papunta sila sa arena kung saan ginaganap ang competition.
“Yeah. I will be okay once I see Gabryel.”
Sinamahan siya ni Quincy hanggang sa loob ng arena. Gumaan ang pakiramdam niya nang tawagin ang pangalan nina Gabryel at Burglar. They were the last contenders for the competition. “You can do it. I know you two can do it. I love you,” mahinang usal niya habang pinapanood ang pagtalon ng dalawa sa iba’t ibang klase ng obstacles.
Nang makapagtala si Gabryel ng pinakamataas na score dahil mabilis na natapos nito ang laro at wala itong naging mali, napayakap siya kay Quincy sa tuwa. “He did it, Quincy! He did it! Sabi ko na nga ba, mananalo siya.”
“Go to him and give him a kiss,” udyok nito. “Tradition na rito sa Stallion Riding Club na dapat, unang bumati ang girlfriend ng winner.”
Papatayo pa lang siya kay Gabryel para sundin ang sinabi ni Quincy nang makita niyang lumapit si Claudine dito at niyakap ang binata. Umugong din ang sigawan nang halikan ito ni Claudine. Nanlalambot na napaupo siya sa bench habang nakatitig sa dalawa. She thought at that moment that the joke was on her.
Heto siya, nagmamadaling pumunta sa arena kahit may sakit para lang kay Gabryel. She wanted to be there for him. Pero hindi na pala siya nito kailangan dahil naroon na si Claudine para dito. Her heart was trampled and broken into pieces. Sana pala ay hindi na lang siya umalis sa kuwarto niya. Ininda na lang sana niya ang sakit ng ulo niya at nagtiis na hindi mapanood si Gabryel.
Yumuko siya, pagkatapos ay tumayo. “Let’s go, Quincy.”
“Hindi ka ba magpapakita kay Gabryel? Ikaw ang girlfriend niya. Ikaw dapat ang nandoon para sa kanya,” wika nito.
“He doesn’t even have to know I am here,” wika niya. “Kapag nagtanong siya, sabihin mo na natulog lang ako.”
NAKASANDAL sa headboard ng kama si Sindy habang nakatulala. Ubos na ang luha niya. Manhid na rin ang puso niya. Pero kung ano ang susunod na gagawin niya ay hindi pa rin niya alam. She was just hurt to think of anything. Dahil kahit anong hakbang ang gawin niya, alam niyang masasaktan siya.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at nakangiting pumasok si Gabryel. “Look, Sindy! I won the competition. Kasama na ako sa Hall of Fame,” excited na balita nito sa kanya habang hawak ang trophy. Niyakap siya nito. “You should have seen me a while ago. Naka-perfect ako!”
Ngumiti siya nang malungkot. “Sabi ko na, mananalo ka.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “How about you? Are you okay now?”
Tumango siya. “Yeah. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko. Pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko.” It was her heart that was in pain.
May kumatok sa pinto at pumasok si Claudine. “Is Sindy ready for the celebration, Gabryel? Hinihintay na nila tayo.”
Nawala ang mumunting pag-asa sa dibdib niya at naglaho na ang lahat ng ilusyon niya nang makita si Claudine. Bakit kasama pa ito ni Gabryel? Hindi pa ba ito masaya na nagmukha siyang tanga kanina? Malamang ay pinagtatawanan siya ng mga audience na nakakaalam na siya ang girlfriend ni Gabryel.
“Dito na lang siguro kami ni Sindy. She’s not feeling well.”
“No. You may go without me. Okay lang ako rito.”
He held her hand tightly. “I won’t leave you. Iniwan na nga kita kanina, `tapos iiwan pa rin kita ngayon.”
Nilingon siya si Claudine. “Puwede bang ikaw na ang humila sa kanya papunta sa celebration ninyo? Nagpapaka-killjoy kasi si Gabryel dahil lang sa akin.”
“Sweetie, let’s go,” wika ni Claudine saka inakay palayo si Gabryel.
His hand slowly let go of hers. At iyon mismo ang nararamdaman ng puso niya. She was hesitant to let him go. It was painful yet it was the right thing to do.
I have to let you go for good, Gabryel. I have to.