Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 52

“YOU PREPARED all these? Noong mga bata tayo, `di ko naisip na makakalapit ka sa kalan para magluto. Now you did all these?” takam na takam na sabi ni Gabryel habang hindi makapaniwala na si Sindy ang nagluto ng dinner nila.

“Kapag mag-isa ka lang sa buhay at wala kang maaasahan, kailangan matuto ka. Tulad niyan. Para makatipid, nasanay akong magluto,” kuwento niya.

“Sabi sa akin ni Tita Eliza, puro instant lang daw ang nasa cabinet mo. Ni wala nga raw laman ang fridge mo kundi tubig.”

“Nagluluto lang ako ng masarap kapag may special occasion,” aniya saka umupo. Nang umagang iyon ay bumalik ito sa Manila para sa isang importanteng meeting. Dahil sa gabi na ito uuwi, mahaba ang panahon niya para ipagluto ito.

“Bakit? Ano ba ang special occasion? Meron ba?” tanong nito.

“Hindi kasi ako nakasama sa celebration ninyo kagabi, kaya ngayon na lang ako babawi. Ipinaghanda kita.”

Pinisil nito ang pisngi niya. “Wala pang babae na nagluluto para sa akin. Kahit si Mama, hindi ako naipagluto.”

“Sa dami ng girlfriend mo, walang nagluto para sa iyo?”

“Career-oriented ang mga babaeng na-involve sa akin. There are times all they could think of is what they can get from me. In return, bobolahin lang nila ako at sasabihin na ako ang pinakaguwapong lalaki sa mundo,” iiling-iling na sabi nito sa malungkot na anyo.

“Hindi ako tulad ng mga naging girlfriend mo kaya huwag mo akong dramahan,” sabi niya saka inilapit ang fish teriyaki rito. “Kumain ka lang nang kumain. Bukas kasi, may bayad na iyan.”

Tinitigan siya nito. “I don’t know what’s wrong. Pero parang kakaiba ka ngayon.” He shrugged. “Maybe it is just my imagination.”

“Paranoid ka lang.” Tumawa siya. Hindi niya alam kung tamang-hinala lang ito. O malakas lang ang pakiramdam niya? Ayaw niyang makahalata ito. “Actually, I want to thank you for everything you did for me. You helped me a lot. Hindi mo lang alam.”

“Ako nga ang maraming utang sa iyo, `di ba? Puro gulo ang dinadala ko sa buhay mo. Saka ayoko ng tono ng boses mo. Parang aalis ka na at mawawala sa buhay ko. Lalo tuloy akong napa-paranoid.”

Nakagat niya ang ibabang labi. “I am leaving tomorrow.”

“Ah, pupunta ka sa publication? Ihahatid na kita,” kaswal na sabi nito at sumubo ng chicken with basil. Ni hindi nito nararamdaman na hindi simpleng pag-alis lang ang ibig niyang sabihin.

Hindi niya magawang sumubo. “Sa apartment ako pupunta.”

“Okay. Doon na kita ihahatid. Dadaanan na lang kita mamaya pagkagaling ko sa office, ha? Saan mo gustong mag-dinner?”

“`Di na ako sasama sa iyo pabalik, Gabryel.”

Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, parang nagulat ito. “Ha? Bukas na lang kita babalikan sa apartment mo?” tanong nito.

Umiling siya. “I am leaving this place for good, Brye. Babalik na ako sa bahay ko.”

They were the hardest words for her to say. She was finally leaving him. Pinag-isipan niya iyon nang buong gabi. At iyon ang nabuo niyang desisyon. Mas makakabuti sa kanila pareho kung mawawala na lang siya sa buhay nito.

“Bakit?” tanong nitong binitiwan ang kubyertos.

Pumikit siya nang mariin. “Anong bakit? Nakaipon na ako ng pera. Malaki ang ibinayad nila sa akin para sa Stallion series. Hindi naman ako masyadong gumagastos habang nandito ako sa bahay mo. Dapat lang siguro na bumalik na ako sa bahay ko.”

“Pero hindi pa naman tapos ang series mo. Hindi ka pa puwedeng umalis.”

Ngumiti siya nang pilit kahit mabigat ang loob niya. Parang ayaw niyang umalis dahil pinipigilan siya nito. He was giving her a reason to stay. “Kompleto na ang research ko. I can work with it someplace else. Buo na rin ang mga story outlines and concepts ko para sa novels. Kung may problema man ako, puwede ko namang itawag kay Sir Neiji o sa iyo para magtanong.”

“Hindi mo ba gagawan ng story ang iba pang members? We have new members here. Hindi mo pa sila nai-interview.”

She touched his arm. “I can’t stay here forever, Brye.”

“Of course you can!” bulalas nito.

“I have a life of my own and you have yours!”

“How about us?” he asked hesitantly.

“Is there an us, Gabryel?”

Mula nang makita niya ang nangyari sa arena nang nagdaang araw kung saan yakap nito si Claudine, nasira na ang lahat ng ilusyon at pangarap niya para sa kanilang dalawa. Puwede siyang magpakamartir para dito at manatili sa tabi nito. Pero siya lang ang magiging masaya. Hindi si Gabryel. Si Claudine ang tunay na mahal nito at hindi siya. Sasaktan lang niya ito.

He held her hands. “We can make our relationship formal. After all, everyone knows you are my girlfriend. And we feel something really special, right? Kung gusto mo, magpakasal na rin tayo.”

Binawi niya ang kamay rito. “Brye, stop it! Kung anuman ang inaakala mong espesyal sa atin, ilusyon lang lahat iyon.”

Natigagal ito. “What do you mean?”

“I was in dire jeopardy when you came back into my life. And you brought me into this romantic place. Yes, attracted ako sa iyo. Nadagdagan pa iyon dahil lagi tayong magkasama at sweet ka sa akin. I was carried away. Pero hindi ibig sabihin, in love na ako sa iyo o magpapakasal na tayo. It’s not that.”

“You don’t feel anything for me?” he asked in a soft voice, na parang `di nito inaasahan ang mga sinabi niya.

“What we have is not something that can make a relationship. Sorry.”

Siguro ay naguguluhan lang ito dahil iba siya kay Claudine. Na hindi pa nito inaamin sa sarili nito na si Claudine pa rin ang mahal nito. Kung wala si Claudine sa buhay nito, kaya niyang tanggapin na hindi siya mahal nito. At least, she could make him love her. Pero paano pa siya mamahalin nito kung may nauna na sa puso nito?

“I understand. What we feel is not mutual. I respect that,” anito sa malungkot na boses at tumayo. “Sabihin mo na lang sa akin kung anong oras ka aalis bukas.”

Papasok na ito sa kuwarto nito nang tawagin niya ito. “Gabryel, I think you and Claudine look good together. Why don’t you give her a chance to—”

Natigil siya sa pagsasalita nang itaas nito ang kamay. “Don’t say another word, Sindy. I already had enough. Goodnight,” he said in a firm voice. There was suppressed anguish in it.

Nasapo niya ang noo. “Damn! I hurt him.”

Hindi niya naihanda ang sarili na pati si Gabryel ay masasaktan niya. Ang akala niya ay matutuwa pa ito sa pag-alis niya. But it looked like he fancied himself in love with her. Hindi madali rito na ni-reject ito ng isang babae.

Tumulo ang mga luha niya, pagkatapos ay ngumiti siya nang mapait. “It’s okay, Brye. I just hurt your pride. Once I am gone, you can pursue the girl you really love.”

The night before she left, she was writing the last part of the Stallion series. It was about the man of her dreams and her broken heart.

“SOFIA Jade, marami nang naghihintay ng Stallion series mo. Pati na rin kaming mga writers, excited nang magbasa,” sabi ng writer na si Nataly nang magkita sila nito sa publication. Nagpasa siya ng bagong novel at itse-check ang result ng huling ipinasa.

“Totoo ba na nakapasok ka na sa Stallion Riding Club? Nakita mo na ba ang mga Stallion Boys?” tanong naman ni Ruth na isa ring writer. Halos lahat ng writers na makakita sa kanya ay iyon ang tanong.

“Oo. Nakita ko na sila,” sagot niya.

Umabrisete sa kanya si Sonja. “Hoy! Kayong dalawa, huwag na kayong makisawsaw sa mga lalaki ko sa Stallion Club. May mga boyfriend na kayo. Ako, hindi pa nakakatikim ng biyaya ng Diyos.”

“Hay! Ayaw kasing mag-member ni Christian sa Stallion Riding Club,” tukoy ni Nataly sa boyfriend nito. “Baka raw maagaw ako ng ibang lalaki.”

“Tapos mo na ba lahat ng stories?” tanong ni Ruth.

“Ipinasa ko na ang last book. Sana nga pumasa.”

Mahigit isang buwan na mula nang huli silang magkita ni Gabryel nang ihatid siya nito sa apartment niya. Wala silang kibuan at ni hindi siya tinitingnan nito. Nang iwan siya nito sa harap ng apartment, basta na lang umalis ito nang walang salita. At sa palagay niya ay mas mabuti na iyon. Magalit ito sa kanya para hindi siya ma-miss nito. Para wala nang dahilan para gustuhin nitong makita uli siya.

Nahirapan siyang gawin ang istorya nito. Sa istoryang iyon niya ibinuhos ang anumang nararamdaman niya para kay Gabryel. It was her way of letting go. When she finally typed THE END, she felt more pain. Umiyak siya nang umiyak. Kailangan na niyang tanggapin na tapos na ang lahat sa kanila. Mas masaya na ito kay Claudine.

“Naku! Naka-hold pa ang novel mo. Major revision daw,” sabi ni Jane, ang sekretarya sa publication.

“Bakit? Akala ko ba, okay na ito sabi ng editor ko?”

“Eh, iyon mismong may-ari ng Stallion shampoo ang nagpa-hold. Nasa office siya ngayon. Siya na lang ang tanungin mo.”

Kinakabahang pumunta siya sa office ng publisher nila kung saan naroon si Neiji. “Sir, may problema po ba sa novel ko? May nagawa po ba ako na puwedeng ika-offend ng product ninyo o ng riding club?”

“Ako ang nagreklamo. Ayokong ma-publish ito,” sagot ni Gabryel na nakaupo sa couch sa gilid ng publisher’s office. Hindi niya ito napansin dahil nakatutok agad ang tingin niya sa publisher niyang si Siege at kay Neiji.

Tumikhim si Neiji. “Lalabas muna kami ni Siege. Mag-usap muna kayo.”

She was frozen for a while. Hindi niya inaasahan na sa ganoong pagkakataon pa sila magkikita ni Gabryel. “What’s wrong with my story? Kulang ba ang mga superlative adjectives na ginamit ko para i-describe ang kaguwapuhan mo?”

It was his love story after all. Hindi niya alam kung ano ang problema nito samantalang ang alam niya, hindi ito nagbabasa ng romance novels.

“Hindi naman ang kaguwapuhan ko ang problema rito.”

“Did I offend you in any way?” she asked when he still looked serious.

Pinagsalikop niya ang mga kamay dahil kinakabahan na siya sa sasabihin nito.

“No. Hindi lang ako kumbinsido na mahal ng heroine mo ang hero.”

“You mean you are not convinced that Claudine loves you in the story?” She bit her lower lip. Hindi naman kasi niya nakuha ang side ni Claudine sa istoryang isinulat. Basta na lang niya ginawa ang istorya na ito ang bida. “Don’t worry, kakausapin ko si Claudine at ire-revise ko ito. Okay na?”

He stood in front of her. “I suggest you change the heroine.”

“Ha? Bakit, hindi mo ba gusto si Claudine? Sino ang ipapalit ko?”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Ikaw na lang ang heroine ko.”

Dumilim ang mukha niya. Pakiramdam kasi niya ay pinagkakatuwaan lang siya nito. “Ha? Bakit naman ako ang heroine mo? Hindi love story iyon. What we had was a hazy illusion, Brye. I don’t love you.”

It was a tragic love story. She was not crazy that she had poured her heart out for him. Para lang pagtawanan ng buong mundo ang kasawian niya. Kaya si Claudine ang ginawa niyang heroine sa istorya dahil ang dalawa ang para sa isa’t isa. Dapat lang naman na iyon ang maka-inspire sa ibang readers. Hindi ang ilusyon lang niya.

Parang nanunukso pang inilapit nito ang mga labi sa kanya. “Talaga? Hindi mo ako mahal? Bakit nang basahin ko ang novel mo, mas nararamdaman ko na ikaw ang nagmamahal sa akin at hindi si Claudine?”

Lumakas ang kaba sa dibdib niya. He was able to see right through her writings! At lalo pa siyang kinabahan dahil napakalapit na nito sa kanya. Na anumang sandali ay puwede na siyang halikan nito.

“Sinasabi mo lang iyan dahil nabasa mo ang novels ko at alam mong writer ako. Natural lang na inilalagay ko ang sarili ko sa heroine ko kaya akala mo, ako ang nakakaramdam. Nadala ka lang ng nabasa mo,” katwiran niya. Hinding-hindi niya aaminin dito na mahal niya ito.

“Kaya pala pumunta ka sa arena noong show jumping competition kahit masama ang pakiramdam mo, kasi gusto mo akong i-cheer. Hindi mo naman siguro gagawin iyon kung attracted ka lang sa akin, `di ba?”

“T-teka, wala naman sa istorya iyan, ah!” aniya sa nanginginig na boses.

“Of course it’s not in the story. `Di lang naman iyon ang basehan ko para sabihin na mahal mo ako. Quincy confessed. Umalis ka raw ng bahay at nanood sa akin. Then you saw Claudine kiss me.”

Nanginig ang mga labi niya kasabay ng pangingilid ng luha. It was the darkest day of her life. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi maging ang pride niya. Sobrang kahihiyan ang dinanas niya sa harap ng maraming tao.

“You love her. At nakakagulo lang ako sa inyong dalawa. Kung pipili ka sa aming dalawa ni Claudine, siya ang pipiliin mo.”

“Why should I choose her over the girl whom I have loved since I was seventeen?”

“Ha?” Itinuro niya ang sarili. “Ako?”

“Yeah. I have loved you since then. But you trampled over my heart when you refused to marry me.”

She shook her head. “Gusto mo ako dahil iyon ang gusto ng parents natin.”

Tumawa ito. “Sinabi ko kay Mama na ikaw ang gusto ko at wala akong pakialam sa ibang babaeng inirereto niya. So they had kept pushing us since then. Bakit naman ako kokontra? Mas pabor pa nga sa akin iyon. I just have to let you go since you told me you don’t like me.”

“Pero kaya nga ayoko sa iyo noon dahil akala ko, napipilitan ka lang.”

“Let’s see kung mukha pa rin akong napipilitan.”

He bent and kissed her with such tenderness that she would remember it for the rest of her life. It was a kiss that told her how much he loved her. Ang akala niya, hanggang nobela lang iyon. And she wanted to weep. It wasn’t just a simple kiss. It was a joining of two hearts.

“When I saw you again, I thought it was my chance to make you mine without our family intervening with our affair. Hindi pa ba obvious na ginagawa ko ang lahat ng paraan para `di ka mawala sa mga paningin ko?”

Itinulak niya ito nang bahagya. “Wait! I thought you love Claudine?”

“I was attracted to her but not in love with her. For four years, I dwelled with the thought that you don’t love me. Siguro, nakuha niya ang atensiyon ko dahil lagi siyang kasama ng kapatid niya sa riding club. Pero `di sumagi sa isip ko kahit kailan na pakakasalan ko siya.”

“Hmp! Pero binili mo si Maiden para sa kanya. You won’t buy a girl a horse if you won’t marry her.”

“I bought the horse because she suggested it. Maiden is a nice piece of horseflesh. Pero `di ko binili iyon para sa kanya.”

Ipinilig niya ang ulo. “I don’t know if I should take you seriously.”

“I am serious and Claudine knows that. Naalala mo ba nang nag-horseback riding tayo na nakasakay tayo kay Burglar? Tradition sa riding club na sinumang babae ang isakay namin sa kabayo kasama namin, iyon ang babaeng pakakasalan namin.”

“Claudine wants to take you back. Kahit alam niyang girlfriend mo na ako, ipinakita pa rin niya sa buong riding club na gusto ka niya.”

“Don’t let her bother you. Na-challenge lang siya. She thought she could easily pick up where we left off, na tatanggapin ko pa rin siya kahit ano’ng mangyari kahit na ipinagpalit niya ako sa iba dati. She is so sure of her feminine charms. When she kissed me at the arena, it was the final attempt she did to take me back. Sinabi ko sa kanya na mahal kita.”

“Bakit sumama pa siya sa villa mo?”

“To apologize for kissing me in front of all those people. Siguro, naisip niya na dapat ay inirespeto rin niya ang relasyon nating dalawa.”

“We didn’t really have a real relationship then.”

“And I want to make things real now.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Please come back to me, Sindy. Ayokong bumalik sa villa ko kung `di kita kasama. It’s so empty. And you also took a part of me when you left. Please come back to me.”

Niyakap niya ito. She let herself cry with overwhelming joy. “Iyon din naman ang pakiramdam ko nang umalis ako sa Stallion Riding Club. Pakiramdam ko, `di na kompleto ang buhay ko dahil wala ka na. Kaso, inisip ko na mas magiging masaya ka kay Claudine. You don’t know how much I miss you. I love you, Gabryel.”

She tiptoed and put her lips up for a kiss. Malapit na malapit na ang mga labi nito sa kanya nang bigla itong tumigil. “I am sorry, Sindy. Pero hindi kita hahalikan hangga’t `di mo pinapalitan ang heroine ko sa novel.”

Tiningnan niya ito nang matalim. “I don’t like that joke!”

Tumalikod ito. “I won’t kiss you until you replace the heroine.”

“Sige. Papalitan ko ng heroine pero `di na ikaw ang pinakaguwapo.”

Nakangiting humarap ito sa kanya. “Okay lang. Basta mahal mo ako.”

“SATISFIED with the story?” tanong niya habang katabi si Gabryel sa hammock at binabasa nito ang nobela niya. They were back at the Stallion Riding Club. Ipinabasa niya ang final part ng Stallion series bago niya ipasa.

Tumangu-tango ito. “Hmm... puwede na.”

“Ha? Puwede lang? Kulang na nga lang, idikit ko na ang puso ko riyan para lang makita mo na pinaghirapan ko ang novel mo. `Tapos, puwede lang.”

Kinintalan nito ng halik ang mga labi niya. “Puwede ka nang mag-asawa.”

Lumabi siya. “Ayoko nga. Bata pa ako.”

“At kailan mo naman ako pakakasalan? Kapag senior citizen na tayo?” reklamo nito. “Ayoko namang maghintay nang ganoon katagal!”

“Puwede na ba next year? Sabi kasi nina Mama, bigyan natin sila ng isang taon para paghandaan ang kasal natin.”

Umaliwalas ang mukha nito. “Talaga? Magpapakasal tayo next year? Teka, okay lang ba sa iyo na sina Mama ang magpaplano sa kasal natin?”

“I don’t really mind. Kahit naman saan tayo magpakasal o kahit ano pang klase ng kasal, okay lang sa akin. All I want is to spend my whole life with you.”

Tumayo ito at hinila-hila ang tali ng hammock. “Siguro, dapat kong papalitan ng tali ito. Baka hindi tayo kayanin next year.”

“Ha? Wala namang problema sa tali ng hammock, ah!”

He grinned at her. “I want everything to be perfect for the honeymoon.”

Nag-init ang mukha niya nang makuha ang ibig sabihin nito. “Gabryel!”

Tumawa ito at niyakap siya. Then he gave her a kiss full of promises. One day she’d tell him she was thrilled to try the hammock.

WAKAS

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.