Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 62

“Emrei, ang ganda naman nitong lake cabin mo!” excited na sabi ni Marist habang nakatayo sa porch na nakaharap sa side ng lake. Bahagi iyon ng Lakeside Mansions na binili nito mula sa isang kakilala na sa ibang bansa na titira.

“Para ito sa inyo ng Nanay mo. Para makapag-isip kang mabuti sa designs mo at makapagpahinga ang nanay mo. Sabi ng doctor niya, maganda daw kung nasa isang magandang lugar siya para tuluyan nang maka-recover,” paliwanag nito. Ilang araw na lang kasi ay lalabas na ang nanay niya mula sa center. Kailangan na lang nitong harapin ang bago nitong mundo. Ang mundo na wala na ang tatay niya.

Maang siyang napatingin dito. “Hindi mo naman kailangang bilhin ito para lang sa amin. Okay na kami sa bahay. O kaya sa farm ni Ninong Fidel sa Laguna. Sobra-sobra na ito sa nagawa mo sa amin.”

He caressed her hair. “Masaya akong gawin ito para sa iyo.”

“Bakit?” tanong niya.

“Bago ko sabihin ang dahilan, may ikukumpisal muna ako sa iyo. Hindi naman talaga dapat ako ng ka-date mo sa raffle.”

“Oo nga. Sabi mo hindi ka naman talaga member ng club.”

“Ang totoo, kinailangan kong mag-member para maka-date ka. Di daw kasi ako pwedeng sumali kung di ako member ng riding club. Sumali ako pero pinilit ko siya na kailangang ako ang maka-date mo. Wala nang raffle.”

“Hindi totoo ang raffle?”

Ibinuka nito ang palad. “Alam ko ang iniisip mo. Na baka niloko lang kita o kaya pinagkatuwaan ka lang namin. Hindi iyon. Mabuti ang intensiyon ko.”

Humalukipkip siya. “At bakit mo naman ginawa iyon?”

“Hindi ikaw ang katulad ibang babae na ine-expect nilang mananalo sa raffle. You will never appreciate this world. And they will never appreciate you. Masyado ka kasing ilag sa kanila. At magiging miserable ang pag-I-stay mo sa riding club.”

“So gusto mo lang ma-appreciate ko ang mundo mo.”

“Not really. I just want you to be happy. Sa palagay ko kasi ako lang ang lalaking makakaintindi sa iyo. Other men won’t really care about you. They are too self centered to care about your needs. I want to take care of you.”

“Hindi mo ako kailangang alagaan. I can take care of my self.”

“Basta gusto pa rin kitang alagaan. Iyon naman dapat sa babaeng mahal mo, hindi ba? And I love you, Marist.”

Tinitigan niya itong mabuti. “Are you sure about what you feel?”

Hindi sa ayaw niyang maniwala dito. Pero naroon pa rin ang instinct niya na maging defensive sa mga magagandang bagay na ino-offer sa kanya. Mas sanay siya sa ideya na gusto siya ni Emrei. Pero hanggang doon lang. Love was something entirely different. Lalo na’t masaya na siyang magmahal nang mag-isa.

“Ano ba sa palagay mo ang ginagawa ko mula nang magkasama tayo sa date? I am doing everything to make you happy. Hindi pa siguro ako in love sa iyo noon. Alam ko lang gusto kita. But I never really cared about any other girl’s happiness before. Hanggang nadagdagan na nang nadagdagan. I want to see you smile. I want to hear you laugh. I want to take care of you. And before I realize it, I am starting to admit to my self that I am in love with you.”

“Maybe you are just fascinated because I am miserable.”

Kinabig siya nito at maalab na hinalikan. It was a mind-blowing kiss, enough to make her brain to stop working. Pero nandoon ang lahat ng emosyon na nararamdaman nito. And even while kissing her, she felt that he was trying to take care of her. Hindi niya inaakala na maging possible iyon sa isang halik.

Dati ay walang kwenta para sa kanya ang halik. Gawain lang iyon ng mga taong walang magawa sa buhay. But it was sacred. It was an expression of love. And Emrei made her feel that way. He made her feel important and loved.

“Now tell me that one is just a fascination. I should have claimed that kiss during the last date of our date.”

“Pero hindi mo ginawa.” Hintay siya nang hintay dito noon.

“Maraming bagay akong gustong gawin at sabihin sa iyo noon pa pero ayokong isipin mo na ginagawa ko lang iyon dahil sa iyon ang napanalunan mo sa raffle. Kaya marami akong bagay na gustong gawin para sa iyo nang hindi mai-impluwensiyahan ng raffle. That includes spending a lifetime with you.”

Napasandal siya sa poste ng porch sa sobrang gulat. “T-Teka, hindi mo naman siguro iniisip na pakasalan ako, hindi ba?”

Isinuklay nito Emrei ang daliri nito sa buhok niya. “Not right now. But I love you and I want to spend that lifetime with you.”

She sucked in her breath. It was like being hit a bullet train. She didn’t see it coming. Nasanay na siyang mahalin ito nang walang hinihinging kapalit. Masaya na siya kahit na matapos ang araw niya kasama ito at mawala ito sa buhay niya. She was satisfied with memories. But now, she was offering her a whole lifetime with him. It was too much. Di niya alam kung anong dapat gawin.

“Emrei, pwede bang huwag muna akong magbigay ng sagot?”

Ngumiti lang ito. “Hindi kita minamadali. Take your time. Gusto ko sigurado ka na kapag sinabi mo ang sagot mo sa akin.”

“ENCHANTED Kingdom! Hindi ka pa ba nakakapunta dito?” tanong ni Emrei nang tumigil sila sa harap ng amusement park.

“Sabi ni Reichen hindi ka pa din daw napupunta dito.” Hinila niya ang kamay nito. “Kaya pumasok na tayo. Libre naman ang ticket natin. Bigay niya.”

“Parang bata kasi si Reichen. Mahilig sa amusement park. Ano naman ang naisipan niya na pati tayo isali niya?” anitong nasa tono ang pagseselos. “Saka kung gusto niya, pwede naman niyang sa akin na lang ibigay ang ticket.”

“Nagmamagandang-loob lang si Reichen. Basta gusto ko mag-enjoy tayong dalawa. At ayoko ng killjoy.”

“Okay!” Minsan lang naman kasi siya mag-request ng lugar na gusto niyang puntahan nila kaya pinagbigyan na siya nito. “Saan tayo sasakay na una?”

“Sa Grand Carousel!”

Napaurong ito at umiling. “No. I am too old for that.”

Hinagip ulit niya ang kamay nito. “Sabi ko ayoko ng killjoy, hindi ba?”

Palinga-linga si Emrei nang hindi pa umaandar ang carousel. Halos puro mga bata kasi ang kasama nila. “Mas sanay ako sa totoong kabayo.”

“Don’t worry. Your father is not here. Di niya malalaman na sumakay ka sa mechanical horse. Basta gusto ko na mag-enjoy ka ngayon. Okay?”

NAKAHIMLAY si Marist sa balikat ni Emrei habang dahan-dahang umaandar ang malaking Ferris Wheel. Unti-unti nilang natatanaw ang mga bayan na nakapaligid sa amusement park habang umaandar ang sasakyan.

“Nakakaubos pala ng energy ang Space Shuttle. Gusto ko pa sanang ulitin pero nanlalambot na ako. Nakaka-relax pala sa Ferris Wheel.”

“Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa sumasakay dito. Hindi ka pa ba nakakarating sa Disneyland?” Iyon naman ang pasyalan ng batang mayayaman.

“That is not my father’s idea of fun. Malungkot mang aminin, marami rin akong na-miss sa buhay ko. Kung kailan naman pwede ko nang magawa ang lahat ng gusto ko, matanda na ako,” malungkot nitong usal.

“You proved that you were never too old for rides. At least naranasan mo na ang grand dream mo na makasakay ng carousel.”

Mahina itong tumawa. “This is really weird.”

“Bakit? Ano ang weird?”

“I was fifteen when Reichen asked me to sign a slumbook.”

“Reichen has a slumbook?”

“Twelve years old pa lang siya noon. Uso iyon sa elementary dito, di ba? And it asked about my ideal date. Sabi ko, sa amusement park.”

Nanlaki ang mata niya. “Katulad ng ginagawa natin ngayon?”

Tumango ito. “Mukhang itinago pa niya ang slumbook. Mantakin mo, may pakinabang naman pala ako sa pinsan ko.”

“You should thank him. Natupad ang grand dream date mo.”

“I should thank God because you are with me. Sa tingin ko disastrous ang date kung hindi kita kasama. You bring out the child in me.”

Matagal na sandali niyang tinitigan ang nakangiti nitong mukha. She really loved it when he smiles. She felt like her whole world lit up. Something moved inside her. And it was the best feeling she felt.

Nawala ang ngiti sa labi ni Emrei. “Bakit nakatitig ka sa akin?”

“Ngumiti ka lang. Gusto kitang titigan kapag nakangiti ka.”

“Wala namang kakaiba sa ngiti ko, ah.”

“You are handsome, Emrei. And you are more so whenever you smile and I know that I am the reason why you do.”

“Wow! What a compliment! Di ko inaasahan na maririnig ko iyan sa iyo.”

“Ang alin?”

“Na guwapo ako.”

“Totoo naman, ah! I am sure marami nang nagsabi sa iyo.”

“But I never heard it from you. Saka ikaw yata ang tipo ng babae na hindi naa-appreciate ang kaguwapuhan ng isang lalaki.”

Ngumiti siya. “Naninibago talaga ako sa sarili ko. Sabi ko dati, wala akong pakialam sa mga lalaki. I will be their worst nightmare at wala akong gagawin na kahit ano para pasayahin sila.”

“At ngayong masaya ako dahil sa iyo…”

She caressed his face. “You make me the happiest girl on earth. I love you, Emrei. I really do.”

Bahagya siyang umangat sa kinauupuan upang ilapat ang labi dito. He pulled her harder and made the kiss more intimate. Iyon naman ang pagkakataon niya para iparamdam dito ang nararamdaman niya. And that kiss was sweeter and slower than the first kiss they shared.

As if they were communicating in a different level. Parang iyon ang paraan nila para mag-usap ang puso nila.

“Hindi kaya masyado ka lang naguwapuhan sa akin kaya akala mo in love ka nga sa akin,” pabiro nitong wika.

“It was the first thing that infuriated me. Alam mo ba na inis na inis ako sa iyo nang unang beses kitang makita. Pero tuwing nagkakausap tayo, nag-iiba nang nag-iiba ang tingin ko sa iyo. Hindi ko magawang magalit. Dahil nag-I-stand out ka kumpara sa ibang lalaki na nakilala ko. Tama ka. Ikaw lang ang lalaking umintindi at naka-appreciate sa akin. Kahit na man-hater ako, wala kang pakialam. Kahit galit ako sa mayayaman, wala ka pa ring pakialam sa pagsusungit ko.”

“Dahil habang nakikita kitang nagagalit, saka mas lalo kong buwagin ang pader na pinagkulungan mo sa sarili mo.”

“Satisfied nga ako sa buhay ko pero di naman ako masaya.”

“At wala kang planong maging masaya dahil natatakot kang may kapalit na kalungkutan ang kaligayahang nararamdaman mo.”

“Nabago na rin ang lahat ng iyon dahil sa iyo, Emrei. Hindi na ako takot na maging masaya. Hindi na ako takot na maranasan ang mga bagay na bago sa akin kahit na posibleng mawala rin iyon. Hindi na ako takot magmahal kahit na pwedeng masaktan ako at mawala ang taong mahal ko.”

“Because you’ve been through pain. Buong buhay mo, wala kang naramdaman kundi sakit. Kailangan mo lang maging positive, hindi ba?”

“Ikaw siguro ang pinaka-positive na bagay na dumating sa buhay ko. Sabi ni Sir Neiji sa akin, ikaw daw ang nag-insist na isama sa prize ko ang pagdadala kay Nanay sa Haven. Kahit na ikaw pa mismo ang magbayad.”

“Sabi ni Kuya hindi niya sasabihin sa iyo.”

“Kung di niya sinabi, paano ako magpapasalamat nang maayos?”

“Naisip ko kasi na iyon ang bagay na magpapasaya sa iyo. Walang halaga ang ibang bagay kung hindi mo nakikitang magaling ang nanay mo. At hindi mo rin makikita ang magagandang bagay sa paligid mo at di mawawala ang sakit na nararamdaman mo hangga’t hindi mismo nagbabago ang nanay mo.”

“Nag-sorry siya sa akin noong huling dalaw ko sa Haven. Kasalanan daw niya kung bakit nasaktan ako dahil sa pagmamahal niya kay Tatay. Kaya sabay kaming magbabagong-buhay. At gusto kong kasama ka namin.”

Niyakap siya nito. “Iyon mismo ang gusto kong mangyari.”

“I don’t have a dream guy, Emrei. Pero kung mayroon, ikaw iyon.”

Umiling ito. “No. You are the dream yourself, Marist. You are beautiful, talented, you have the dignity, your own principles and you have a big heart. Ang totoo, walang dream girl o dream guy. Kapag nagmahal na sila, saka nila nailalabas ang magagandang qualities ng isa’t isa. That’s the real dream.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya kasabay ng fireworks. “A dream come true.”

PAPASOK si Marist sa girl’s restroom ng Rider’s Verandah. Nag-lunch siya dahil aayusin pa nila ang preparation para sa fashion show sa gabing iyon. Hindi na nga siya mapakali sa paghahanda at sumaglit lang sila para sa late lunch.

Natigil siya sa pagpasok nang marinig niyang nag-uusap sina Helena at Mimi na pupunta din sa fashion show sa gabing iyon. “Would you believe it? Emrei had that cheap bag tindera turned cheap bag designer as his girlfriend? Hindi naman siya makakapasok sa Stallion Riding Club kundi siya nanalo sa raffle,” anang si Helena.

Inaasahan na niyang makakarinig siya ng ganoong klaseng usapan lalo na mula sa mga Fower Grls. Pero ngayon lang siya nakarinig ng actual. Sa halip na mainis, parang na-curious pa siya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Emrei is just bored with his life,” sabi ni Mimi habang naglalagay ng eyeliner. “Later on, he will dump that trash and will come back to me.”

“But sister, that trash knows how to play her cards right. Look where she is right now. Ginagamit niya ang impluwensiya at kayamanan ni Emrei para mabenta ang cheap bags niya. She’s a social climbing gold digger.”

She bared her teeth. Gold digger. Social climber. Never niyang naisip na maa-associate ang pangalan niya sa mga ganoong salita.

“At hinding-hindi ako bibili ng bag niya,” dagdag ni Mimi.

Napapitlag siya nang maramdamang may nakatayo sa likuran niya. Nakita niya si Emrei. “K-Kanina ka pa diyan?”

“Oo. Huwag kang aalis sa tabi ko, Marist.” Sadya nitong inilakas ang boses. “Alam mo namang bored na bored ako sa buhay ko at naaaliw lang ako kapag kasama ko ang mahirap na babaeng katulad mo.”

Muntik na siyang bumulanghit ng tawa. Mukhang narinig nito ang usapan ng dalawang babae sa loob. Sa lakas ng boses nito, napansin niya sa gilid ng mata niya ang paglingon sa kanila nina Mimi at Helena.

Yumakap siya sa baywang ni Emrei. “Ang sweet mo talaga sa gold digger at social climber na katulad ko. Tingnan mo naman. Nandiyan sa labas ang mga guest mula pa sa kaharian ninyo para lang bumili pa ng mas maraming bag ko. Salamat sa impluwensiya at pera mo, Emrei,” mariin niyang sabi.

“May regalo nga ako sa iyo. May dalawa akong ipapa-ban sa kay Kuya Reid sa riding club. They would be branded persona non grata.”

Di na niya mapigil na ngumiti at saka pumunta sa pinto ng restroom. “Mimi! Helena! Nandiyan pala kayo. Nakakahiya naman. Narinig ninyo ang usapan namin.”

Sa kabila ng makapal na make up ay namumutla ang dalawa. Nagmamadali na ang mga ito na ayusin ang make up ng mga ito sa kit. “Marist, I am sorry. Niyaya kasi kami ng friends namin sa Europe. Mamayang gabi ang flight namin. Sayang hindi kami makakanood ng fashion show ninyo.”

“Okay lang. Enjoy your time in Europe.” Saka siya humagikgik. “Emrei, mukha silang hihimatayin. They are whiter than a Japanese doll.”

“That would serve as a lesson to them. Walang pwedeng tumawag sa iyo na gold digger o social climber. This society is the one who accepted you. You didn’t force your self on us. And we love you for what you are, fish ball and all.”

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Thanks, Emrei.”

Maningning ang gabing iyon para sa kanya. Naroon ang mga importanteng tao na pumapalakpak sa creation niya. Suportado din siya ng mga kaibigan niya sa riding club. Naroon din ang mga taong malalapit sa kanya. Ang nanay niya, ang kaibigan niyang sila Nilo, Mhelai at Constancia pati na rin ang Ninong Fidel niya na proud na proud. At siyempre, naroon rin si Emrei, ang lalaking mahal niya.

Pagtawag sa pangalan niya ay umakyat ito sa stage at binigyan siya ng bulaklak. “I love you,” tanging sinabi nito saka maalab na hinalilkan ang labi niya.

She didn’t mind the cheering crowd. Emrei had just shown the world how much he loved him and he was proud of that. Kahit ano pang sabihin ng iba.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.