Naniniwala si Illyze na ang tadhana niya ay sa Stallion Riding Club. And Romanov Cuerido was her destiny himself. But he was known as the Dark Lord of the riding club. Kahit sinong taga-riding club ay takot dito. And Romanov Cuerido was lonely. Mas gusto pa nitong mag-horseback riding mag-isa, kumain mag-isa at manatili sa madilim nitong villa kaysa may makasama at maging kaibigan.
While she believes in destiny, he hated it. Destiny took everything away from him. Magagawa pa ba niya itong mapaniwala sa tadhana at sa pag-ibig kung isinuko nito ang sarili na mabuhay nang mag-isa at walang pagmamahal?
“Hello, Jenna! Good morning!” bati ni Illyze sa kaibigan nang mag-long distance call siya dito.
Umungol ito. “Sinira mo ang tulog ko. Alam mo ba kung anong oras na dito?”
“Yes. Two o’clock in the morning,” aniya at tumanaw sa verandah ng hotel na tinutuluyan niya. Dinama niya ang malagihay na hangin.
“At kasasara pa lang ng mata ko.”
“The night is still young here. Just seven in the evening.” She smiled at the twinkling lights of the city. Naririnig niya ang malamyos na ancient Arabian music na mula sa mga street performers.
“Where is there?”
“Egypt. I am in Cairo to be exact.”
“Cairo? Ano naman ang ginagawa mo diyan? Lumalangoy kasama ang mga buwaya sa Nile River? Or having a date with a mummified Pharaoh?”
Bumalik siya sa loob ng suite at binuksan ang closet. “Actually, I am packing my bags. I am ready to go,” pakanta niyang sabi.
“Saan ka na naman pupunta? Why don’t you go to Pluto for a change? Parang wala ka nang balak umuwi ng Pilipinas,” nagtatampo nitong sabi. Tatlong taon na kasi siyang paikot-ikot sa iba’t ibang bansa sa mundo. She really loved to travel.
Maging ang pamilya niya ay nagtatampo rin sa kanya. Kung gusto siyang makita ng mga ito, kailangan pa siyang puntahan sa kung saang bansa naroon siya. Huling beses silang nagkita ni Jenna ay nang may pinuntahan itong fashion gala sa Milan. Nasa Florence naman siya nang mga panahon na iyon.
“I am still trying to find my self, remember?”
“At ano naman ang pinag-aaralan mo ngayon? Egyptology? Anong secret ng mummification nila? O kung paano bumasa ng heiroglypics.”
Natawa siya sa tanong nito. Sa bawat bansa kasing pinupuntahan niya, gusto niyang may mapag-aralan. At kapag sa tingin niya ay hindi siya fit sa bagay na iyon ay lilipad na naman siya sa kung saang bansa at tutuklas ng bago.
“I studied belly dancing with a renown belly dancing teacher here in Cairo. I really love it. Gusto mong magpaturo sa akin pagbalik ko?”
“At kailan ka naman babalik ng Pilipinas?”
“As soon as possible.”
“So you finally decided to be a belly dancer. Natagpuan mo na rin ba ang lalaking para sa iyo? What is he? An oil sheik? Or a desert warrior? Katulad ni Oden Fehr sa The Mummy?” tanong nitong may impit na tili.
Iyon kasi ang dalawang kondisyon niya kapag bumalik siya sa Pilipinas. Kapag natagpuan na niya ang sarili niya at kapag natagpuan na niya ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.
“Kailangan ko munang umuwi ng Pilipinas para makilala ko siya.”
Natigilan ito. “What do you mean? Hindi mo pa siya nakikilala? Paano mo naman nalaman na nandito siya sa Pilipinas?”
“Iyon ang sabi ng manghuhula sa akin.” Nasa flea market siya kanina ng Cairo at tumitingin-tingin ng mga accessories at kung anu-ano pang gamit na pwede niyang maging koleksiyon. Ipapadala niya ang mga iyon sa Pilipinas. “Sikat daw siya sabi ng guide ko. Parang mala-Madam Auring sa Pilipinas.”
She grunted. Wala kasi itong bilib sa mga hula-hula. “Ano naman ang sinabi sa iyo ng manghuhula?”
“She told me that I would find that man when I come home.”
“Hindi nga?” anito subalit nahimigan niya ang excitement sa boses nito. “Anong itsura? Guwapo daw ba?”
Napaisip siya. “Wala kasi siyang nasabi sa akin kung anong itsura. Siguro naman guwapo siya dahil maganda ako. Bagay kami.”
“Saan mo naman daw siya makikita?”
“Nasa isang magandang lugar daw siya na maraming kabayo. Kaya lang nasa isang madilim na lugar daw siya ngayon. At ako lang ang makakatulong para makalaya siya nang tuluyan sa madilim na mundong iyon.”
“Ay! Bakit? Isinumpa ba siya? Hindi kaya preso ang makakatuluyan mo? O baka bulag siya at ikaw ang magbibigay ng mata para sa kanya.”
“Be serious! Listen! Sabi maraming kabayo. Saan ba maraming kabayo? Hindi kaya horse jockey siya. Naka-helmet kaya madilim ang mundo niya,” hula niya.
“Bakit? Sa Sta. Ana at San Lazaro lang ba pwedeng magkaroon ng kabayo? Dito rin naman sa Stallion Riding Club maraming kabayo. At kung guwapo lang ang pag-uusapan, santambak ang guwapo dito.”
“Stallion Riding Club?” mahina niyang usal. “Iyan ba iyong haven ng mga rich ang gorgeous guys?” Isa iyong exclusive club ng mga sikat na bachelors. At sa riding club na iyon, ang mga lalaki ang hari. Kaibigan ng kuya niya si Reichen Alleje, ang kapatid ng may-ari ng riding club.
“Oo. Halos lahat ng mga babae nagkakandarapang makapasok sa riding club para makakita ng mayaman at guwapong lalaki. Tingin yata nila sa lahat ng lalaki dito prinsipe.”
“Kaso sabi ni Kuya Rolf, pumunta na daw ako sa lahat ng lugar sa mundo huwag lang sa Stallion Riding Club. Hindi daw siya papayag. To use his exact words, that place is forbidden.” Sumama tuloy ang tingin niya sa riding club.
“Member siya ng riding club. May villa pa nga siya malapit sa forest.”
“That’s why he knows those men better than I do. Puro daw kalokohan nila at delikado kung diyan ako pupunta. Baka mapaaway lang daw siya. Siguro gusto lang niya akong protektahan.”
“Ang sabihin mo, ayaw lang ni Kuya Rolf na makita mo ang mga kalokohan niya.” May sariling boutique si Jenna Rose sa Stallion Riding Club. Kaya alam din nito kung ano ang nangyayari sa loob ng riding club.
“Sa tingin mo ba walang matinong lalaki sa riding club?”
“Ewan ko. May mga tumino naman sa kanila nang mag-asawa at nang magkaroon ng matitinong girlfriend. In short, na-in love.”
“Talaga bang maraming guwapo diyan?”
“Dear, kahit saan ka lumingon puro guwapo.”
“Kung diyan ko makikita ang destiny ko, ano ang sinasabi ng manghuhula na madilim na lugar kung saan siya nakakulong?”
Narinig niyang naghikab ito. “Ewan ko. Matutulog na ako, Illyze. Mamaya mo na lang ulit ako tawagan. Saka natin pag-usapan ang tungkol sa destiny mo. Antok na antok na ako. May monthly riding competition kasi bukas. At marami pa akong itse-check na gown. Alas kuwatro pa ang gising ko.”
Nagpaalam siya dito subalit lumulutang ang utak niya. Stallion Riding Club. It may be forbidden for her but at the moment, it was her only option.
“Pupunta ako sa riding club.” Maaring maraming humadlang tulad ng Kuya Rolf niya. Kailangan niyang tanggapin ang pagsubok na nakahanda sa kanya.
“Ganoon naman ang destiny, di ba? Pahihirapan ka muna bago mo makuha ang gusto mo,” aniya habang kausap ang sarili sa salamin. “Basta! Kahit na gaano kahirap, lalaban ako! Oras na matagpuan ko siya, di ko na siya pakakawalan.”
Tumakbo siya sa terrace at doon nagsisigaw. “Goodbye, Cairo! Goodbye, Pyramids!” Tumalikod siya at sumandal sa railing. “Wait for me, Stallion Riding Club! And wait for me, my destiny. Sandali na lang at magkikita rin tayo.”
HUMAHAGIBIS ang pink Porsche na minamaneho ni Illyze sa South Super Highway. It was a bright and sunny day. Isang magandang araw para pumunta sa Stallion Riding Club. She was ready to face her destiny.
Paglagpas pa lang niya sa tollgate ay nag-ring ang cellphone niya. Sinagot agad niya iyon. “Hello!”
“Illyze, where are you?”
It was her mother, Maria Carmella Guzman. She was a social butterfly. Ito ang nag-expose sa kanya sa iba’t ibang klase ng art at iba’t ibang klase ng tao. While her father Damien Guzman owned a series of art galleries in the country and even abroad. Inaasahan ng mga ito na siya ang magmamana ng business nila dahil naka-focus ang kuya niya sa sarili nitong business. Rolf Guzman used to be a world famous car racer until he decided to enter car dealership.
“I had just passed by the Sta. Rosa Exit, Ma.”
“What are you doing there? Saan mo ba balak pumunta, hija?’
“To Tagaytay.”
“Kung gusto mong pumunta sa Tagaytay, kami na lang ng daddy mo ang sasama sa iyo. His schedule is free three days from now. Masasamahan niya tayo. We can go to Tagaytay Highlands. Hindi ka pa nakakapunta doon dahil last year lang naging member ang daddy mo, hindi ba? It is a wonderful place.”
“I can’t wait for three more days. I have to go now.”
“What’s so urgent about it?”
“I want visit Kuya Rolf at the Stallion Riding Club. I really miss him.”
Three days was a very long time. Nahirapan na nga siyang kumuha ng flight pauwi sa Manila. Isang araw pa siyang na-hold ng Mama niya sa villa nila. Naghihintay na sa kanya ang destiny niya. But she won’t tell her mother about it. Or else, she would fret. Tulad ni Jenna, di rin ito naniniwala sa hula.
“No, honey. Your brother surely won’t allow you to set foot on that place. Siya na mismo ang nagsabi na bawal ka doon.”
“Ma, I am not a kid anymore. Come on! You are talking to your daughter who already traveled the whole world. You have nothing to worry about me.”
“But your brother…”
“There is nothing he can do about it,” she said with finality in her tone. Once she set her heart on something, nobody could stop her.
“Fine. Tatawagan ko na lang siya para sabihing dadating ka.”
“No, Ma! Don’t tell him.” A mischievous smile curved on her lips. “I want to surprise him.” Wala naman na sigurong magagawa ang kapatid niya para itaboy siya. After all, miss din naman siya nito.
“Okay. Call me if anything untoward happens. Take care.”
“I will, Ma. I love you.”
Relax na siya nang ipagpatuloy ang pagmamaneho. Nakalagpas siya sa unang check point. Ang Mama niya. Ang susunod na check point ay ang Kuya Rolf niya. Pero spoiled siya dito. Tiyak na wala rin itong magagawa kundi pagbigyan siya.
Pagdating sa Rotonda ng Tagaytay ay bumaba siya ng kotse at pumasok sa 7-Eleven. Naalala kasi niyang di siya nakapagdala ng shampoo. Di niya makita ang shampoo na hinahanap niya.“Miss, may Stallion Shampoo and Conditioner ba kayo?”
“Mayroon pa po yatang natirang isa,” anang crew. Naghanap ito sa rack at inabot sa kanya. “Mabilis pong maubos iyan. Lahat ng babae iyan ang ginagamit kasi gusto nilang gumanda.”
“Hiyang nga siya sa buhok ko.” Hiniram lang niya kay Jenna Rose ang shampoo nito nang nasa hotel sila. Nagustuhan niya kaya mula noon ay lagi na siyang nagpapa-freight para lang sa shampoo. Ngayon ay di na siya mahihirapang bumili. “Miss, saan dito ang papuntang Stallion Riding Club?” tanong niya.
“Ma’am, pupunta po siguro kayo doon para rin makakita ng guwapo, no?” kinikilig na sabi ng crew. “Ako rin po. Pangarap ko ring makapasok doon. Kaso kung wala kang kilala sa kanila, di ka makakapasok.”
“Kung destiny mo na makapasok sa loob, makakapasok ka.”
“Maswerte rin kayo kung makakapasok kayo, Ma’am. Oo nga po pala. Dalawa po ang daan. Iyong isa po, dito na sa kalye na ito. Iyong isa naman po, doon pa kayo iikot,” anito at itinuro ang mas malayong daan.
“Naku! Dito na lang siguro ako sa mas malapit na daan.”
“Pero mas recommended ko po ang mas malayong daan.”
“Hindi na. Dito na ako sa mas malapit. Thank you.” Excited na siyang makarating sa Stallion Riding Club. Wala siyang pakialam kung saan siya dumaan. Basta doon siya sa tingin niya na mas malapit.
Tinalunton niya ang kalyeng sinasabi nito. Matapos ang limang minutong pagmamaneho ay nakita na niya ang sign. Stallion Riding Club.
“Kita mo iyon. Mas gusto niyang sa kabilang route pa ako dumaan. Mabuti ngang nandito na ako. Mas mabilis.”
Hinarang ng security ang kotse niya. “Good morning, Ma’am.”
“Hi!” bati rin niya. “I am Rolf Guzman’s sister.” Ipinakita niya ang ID.
“Inaasahan po ba niya kayo, Ma’am?” magalang na tanong ng guwardiya.
Umiling siya. “Isu-surprise ko sana siya. Galing pa ako sa abroad at gusto ko na siyang makita. Kindly tell him that I am here.”
“Wala po si Sir Rolf. Pumunta po sila ni Sir Reichen sa Calatagan, Batangas.”
Matamis siyang ngumiti. “Pwede bang pumasok na lang ako? Kaya ko namang patunayan na kapatid ko siya.”
Umiling ang guwardiya. “Pasensiya na po, Ma’am. Kailangan po ng presence ng kahit sinong member bago magpapasok ng bisita. Hihintayin pa po ninyo si Sir Rolf bago kayo papasukin dito. Kasama po iyon sa rule lalo na’t responsibilidad niya kayo pagpasok ninyo sa loob. Kung gusto po ninyo, tawagan ninyo siya.”
Tatawagan na sana niya ang kapatid nang matigilan siya. Naku! Oras na tawagan ko si Kuya Rolf, tiyak na ire-reject niya ako. Hindi ko magagamit ang pagpapaawa powers ko. Di tulad kapag nandito siya. Pero kanino naman ako hihingi ng tulong? Wala naman akong kakilala dito.
Kumislap sa isip niya si Jenna Rose at tinawagan ito. “Jen, kausapin mo naman ang mga security dito. Ayaw kasi nila akong papasukin.”
“Ayaw ka nilang papasukin… Nasa Stallion Riding Club ka?”
“Nasa labas ng Stallion Riding Club,” pagtatama niya. “Ayaw nila akong papasukin dahil wala si Kuya Rolf.”
“Mamayang gabi pa siya uuwi. May kasama silang mga babae kaya matatagalan iyon. Bakit naman kasi hindi mo sinabi na dadating ka?”
“Gusto ko ngang surprise.” Kaso siya naman ang nasorpresa. Hindi pala siya basta-basta makakapasok sa riding club. Kung bakit sa sobrang excitement niya ay di muna siya nag-confirm sa kapatid niya kung naroon ito. “Paano na ito?”
“Ibigay mo sa guard ang cellphone. Ako ang kakausap sa kanila.”
Ibinigay niya sa guwardiya ang cellphone. “Yes, Ma’am. Okay.”
“Makakapasok na ba ako sa loob?” tanong niya kay Jenna pagkabalik sa kanya ng cellphone. Baka naiinip na ang destiny niya.
“Hindi pa. They are faxing a waiver that I have to sign. Sinabi ko na kailangan kita dito sa boutique. And I have to take responsibility.”
Nanmuno siya. Nuknukan nga nang higpit sa riding club. Daig pa yata ang Pentagon bago mapasok. “Sige. Maghihintay na lang ako.”
Maya maya pa ay bumukas na ang gate sa harap niya. “Pwede na po kayong pumasok, Ma’am,” anang guwardiya. “And welcome to Stallion Riding Club.”
“Yes! Yes!” usal niya habang dahan-dahang pinapatakbo ang sasakyan. “Sa wakas nakapasok na ako sa riding club.”
Nagmula siya sa taas ng bundok at tanaw niya ang magandang Taal Lake. Ayon sa narinig niya sa Kuya Rolf niya, hanggang lake daw ang sakop ng riding club. Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay naubos na ang sementadong daan. Rough road na ang dinadaanan niya at puro bangin. Wala siyang matanaw at parang nasa mundo siya ng kawalan. Malayo sa sibilisasyon. Wala siyang nasalubong na kahit anong sasakyan o kahit sinong tao mula nang dumating siya.
“Ito ba talaga ang riding club? Bakit parang hindi siya riding club? Hindi kaya nasa isang warp zone ako? Baka kinuha na ako ng mga engkanto. Huwag naman po sana na engkanto ang destiny ko,” dasal niya at pilit inaaliw ang sarili.
Magkakalahating oras na siyang nagmamaneho subalit puro kakahuyan at bangin pa rin ang nakikita niya. Nang biglang tumigil ang kotse niya. Sinubukan niyang paandarin subalit umangil lang ang makina.
“What now?” usal niya at bumaba. Di niya alam kung ano ang sira ng kotse niya. Ang alam lang kasi niya ay magmaneho. “This sucks! Of all places, why do I have to get stuck in here?”
Sinubukan niyang tawagan si Jenna Rose sa cellphone pero walang signal. Napayukyok siya sa tabi ng kotse. Nanginginig na siya sa takot. “What am I going to do now? I am lost.” Tumingala siya. “Nawawala ako!”