Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 64

“Tulong! Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Illyze subalit bumalik lang sa kanya ang boses niya bilang alingawngaw. “Oh, no! This is useless. I am stuck in the middle of nowhere. And I don’t know what to do. And no one can hear me.”

Kung bakit sa dami ng pinag-aralan niya, di niya natutunan ang pagkukumpuni ng kotse. Samantalang dating car racer ang kapatid niya.

Sa mga lugar na napuntahan niya, convenient na tumawag ng mekaniko sakaling masiraan man siya. Hindi pa naman siya nakapaglakbay sa isang magubat na lugar nang walang kasama. And besides, her car was not design for rough conditions. Pang-sementadong daan ang sasakyan niya.

“Malay ko bang ganito pala ang riding club na ito. I thought it is super elite and it has all the modern amenities. Hindi tulad nito na puro kuliglig ang nasa paligid ko,” aniya nang marinig ang paghuni ng kulisap na sinasabayan ng awit ng ibon. “Are they sure? Di kaya maling riding club ang napasukan ko?”

Hindi naman siguro. Sa dinami-dami ng dinaanan niya bago makapasok sa riding club, hindi naman siguro siya maliligaw. At iyon lang naman ang daan doon.

Tiningnan niya ang direksiyong pinanggalingan. “Kung babalik ako sa guardhouse, kalahating oras na akong nagmaneho kanina. Anong oras pa ako makakarating kung maglalakad lang ako?” Tiningnan niya ang direksiyong tinatahak kanina. “Kung dito naman ako pupunta, malay ko kung saan ako masusuot. Baka mas malayo pa pala ang mapuntahan ko. At parang di safe maglakad dito.”

Nakauklo siya sa tabi ng kotse niya nang makaramdam ng panghihina. “Gutom na ako.” Sa sobrang excitement niyang makarating sa Stallion Riding Club ay di na siya nag-agahan kanina. Nilinga niya ang vegetation na nakapaligid sakanya. Naalala niya ang mga pelikula tungkol sa mga taong nawala sa gubat at nabuhay. “Mamamatay ako sa gutom. Hindi ako kumakain ng baging.”

Napapitlag siya nang marinig na pumagaspas ang dahon. “Monster!” sigaw niya at nagmamadaling pumasok sa kotse. Ini-lock niya iyon at sumiksik sa isang tabi. Saka niya natuklasan na ibon lang pala iyon. Bata pa lang kasi siya ay malakas na ang imahinasyon niya at matatakutin. Kaya nga madalas siyang inisin ng Kuya Rolf niya. At hanggang ngayon ay dala pa rin niya iyon.

Nanlalambot siyang sumandal sa headrest. “Mukhang mamamatay ako sa nerbiyos dito at hindi sa engkanto.” Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Jenna Rose, sana naman maisip mong ipahanap ako.”

Nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagod. Ilang araw na halos siyang walang tulog. Nabawasan na rin ang excitement level niya. “Ganito ba talaga ang pag-ibig? Kailangang santambak na dusa ang danasin ko bago ko makita ang lalaki para sa akin? O baka naman wala siya sa Stallion Club. Sayang lang ang oras ko.”

Nagsisimula nang pumikit ang mga mata niya sa pagod nang may maaninag siyang papalapit mula sa di kalayuan. Kinusot niya ang mata dahil baka dala lang iyon ng gutom niya. May isang lalaki na nakasakay sa kabayo.

Bumalikwas siya at inilapit pa ang mukha sa front windshield. “It is really a guy on a horse.” Nabuhay bigla ang dugo niya. The horse was red chestnut. Matikas na matikas iyon. But it was the rider that captivated her. He looked ultimately gorgeous while riding the horse. Nakanganga lang siyang sinundan iyon ng tingin.

“Could it be that he is the one for me?” tanong niya nang unti-unting naging malinaw ang mukha ng lalaki habang palapit sa sasakyan niya. She could suppress a sigh. “He must be a knight. A modern one. At dahil mukha naman akong damsel in distress, siguro naman tutulungan niya ako.”

Sa panggigilalas niya ay bahagya lang sinulyapan ng lalaki ang sasakyan niya at kumunot ang noo nang makita siya. Tapos ay tuloy-tuloy lang nitong pinaglakad ang kabayo nito. Mukhang walang balak na tigilan siya.

“Teka! Teka! Hindi yata niya nakita ang kagandahan ko!” aniya at lumabas ng kotse niya. “Mister! Mister, wait!”

“Ho!” Hinila nito ang renda ng kabayo at lumingon sa kanya nang tumigil. “Bakit, Miss? May problema ba?”

“Can you help me out here? My car broke down and I don’t know how to fix it.” Pinagsalikop niya ang palad. “Please! Kanina pa ako naghihintay ng taong makakatulong sa akin. Akala ko nga naliligaw na ako.”

She took the time to study at him. Kitang kita sa suot nitong brown long sleeve polo at jeans na nakapaloob sa boots kung gaano ito kakisig. At di rin maitatago ang kaguwapuhan nito. His eyes were dark brown. Almost black. And it was decorated with heavy black lashes. His nose was aristocratic. And she simply loved his lips. I am sure those lips could promise a thousand kisses.

Parang nag-aalangan itong bumaba ng kabayo noong una. Sa huli ay bumaba rin ito at itinali ng kabayo sa tabing daan. He looked so graceful in every move. He was insanely masculine. Gutom na nga ako at pagod, lalo pa niyang pinanginig ang tuhod ko. Hindi kaya siya na ang destiny ko?

Malamang siya na nga! Nang mga oras na iyon ay gusto na niyang magdiwang. Ang bait naman ng Diyos. Guwapo nga ang ibinigay sa akin. At mukha pang mabait at handang tumulong sa kapwa.

“Alam mo ba kung nasaan ka, Miss?” masungit nitong tanong.

Saglit siyang natigilan dahil mukhang galit ito. Anong ginawa ko? Forbidden place ba ito na bawal kong puntahan? Bakit galit siya sa akin? Galit sa magaganda? Mabuti na lang guwapo siya kahit na galit.Gusto ko pa rin siya!

He was like a modern knight out to save her. But it looked like he hated damsels in distress. His stance and his facial expression communicated arrogance and conceit. Ni wala nga yata itong balak na ngumiti. Samantalang ang ibang lalaki, nagkakangiwi-ngiwi na sa pagngiti makita lang ang kagandahan niya.

“Stallion Riding Club,” aniya at pilit na ngumiti. “Tama ako, di ba?”

“Yes, this is the riding club. Pero hindi ito ang daanan ng mga guest. Dapat sa kabilang gate ka dumaan.” Binuksan nito ang hood ng sasakyan. “And besides, this is hardly the road fit for your car. Masisira nga ito dito. At hindi rin ito ang route na para sa mga babaeng nagbibiyahe ng mag-isa.”

Napayuko siya. “Now I know. Hindi ko alam na ganito ang daan dito. Basta ang sabi sa napagtanungan ko, mas malapit daw kung dito ako dadaan.”

Sa pagsesermon kasi nito, parang nakakatakot itong tingnan. Kapag nasesermunan pa mandin siya ay naiirita siya. But not with him. Parang ito ang klase ng tao na hindi pwedeng salungatin. He was intimidating. And she could sense his very powerful aura. His presence alone made it hard for her to breathe.

Marami na siyang nakilalang makapangyarihang tao na may malalakas na personality. But this guy made her heart skip a beat.

“Who are you with?” he asked. “Hindi ka dapat pinayagan ng nag-invite sa iyo na mag-travel nang mag-isa. Well, no sane man would allow it. Not here.”

“Bakit naman?” inosente niyang tanong.

“I don’t know if that ignorance is genuine. Don’t you know that this place is full of beasts?”

“Beasts?” Nagpalinga-linga siya. May halimaw sa paligid?

Tumango ito. “Beastly men. And they eat girls like you for lunch,” he said in a threatening voice. “Don’t you know that?”

“Uhmmm.. naririnig ko na.” Iyon kasi ang laging sinasabi sa kanya ng kapatid niya. “Are you one of them?” Siguro naman ay hindi. Mukha kasi itong mabait. Masungit nga ito pero mukhang hindi naman ito pervert.

Isinara nito ang hood ng sasakyan niya. “Sa tingin ko hindi ko kayang ayusin ang sasakyan mo. Mabuti pa, tatawag na lang ako ng mekaniko.”

Ikinawit nito ang earpiece sa tainga at may inilabas na maliit na aparato. It was a communication device. Isa marahil sa mga amenities sa riding club para makatawag agad ng tulong ang mga guest kahit sa lugar na iyon.

“This is Romanov.” Romanov ang pangalan nito. Bagay dito. Solid and masculine. Nakatitig siya dito habang nakikipag-usap. “May problema dito sa Mountain Trail. A lady guest broke her car. Wala siyang kasama. Kindly send help.” Lumingon sa kanya ang kanyang destiny. “Sinong guest ang kilala mo?”

“Sister ako ni Rolf Guzman. I am Illyze Guzman. Pero wala si Kuya kaya ang kaibigan ko na si Jenna Rose Escudero ang contact ko. May boutique siya dito. She’s expecting me since I will provide a new line of accessories for her.” Tinandaan kasi niya ang bilin ni Jenna sa kanya. Pinapasok siya sa riding club dahil sa negosyo.

“Si Jenna Rose ang contact niya,” anang lalaki. “Okay.” Tinanggal nito ang earpiece sa tainga. “Maghintay ka lang ng fifteen minutes. Dadating na ang mekaniko dito para kunin ka. They will inform your friend as well.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Thank you very much, Mister! You are my savior. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.”

“Wala naman akong ginawa. Di mo kailangang magpasalamat,” anito sa malamig na boses. “Pasensiya na. Pero di ako masyadong marunong magkumpuni ng kotse. Doon ka magpasalamat sa mekaniko mo.”

“Come on. You still saved me. Kung hindi mo ako natagpuan dito, baka mamatay na ako sa takot. Akala ko nga wala nang dadaang tao dito.”

Until he came. Mukhang sinadya ng tadhana na silang dalawa lang ang naroon. Ngayong kasama niya ito, di na siya natatakot. Excited pa nga siya. It’s okay to get trapped in the middle of nowhere. Basta kasama ko siya.

Binawi nito ang kamay sa kanya at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse. “Sa loob ng sasakyan mo na lang hintayin ang mekaniko mo.”

“T-Teka. Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?”

“Doon lang ako sa may kabayo ko. Aalis na ako kapag dumating ang mekaniko.”

“Pwede bang huwag mo akong iwan hangga’t di nagagawa ang kotse ko?” pakiusap niya. “Mas komportable kasi kung ikaw ang kasama ko.” Di siya papayag na basta na lang itong makawala sa paningin niya. Chance na niya iyon.

Tumango lang ito at nilapitan ang kabayo nito. Iyon ang hinaplos-haplos nito at kinausap. “He looks so sweet with his horse. Mabuti pa doon, sweet siya. Samantalang ako, heto. Mag-isa at pinapantasya siya.”

Umupo siya sa driver’s seat subalit nakalabas pa rin ang paa niya sa pinto ng kotse. Mula doon niya ito pinanood habang patuloy sa pakikipag-usap sa kabayo. Masaya na siya nang ganoon. “Sana hindi muna dumating ang mekaniko. Sana magsolo pa rin kami ditong dalawa. This riding club must be a paradise indeed. Lalo na kung siya ang kasama ko.”

“MA’AM, pasensiya na po. Hindi madaling gawin ang sasakyan ninyo. Mukhang napwersa po kanina. Hindi po kasi ideal ang ganitong klaseng sasakyan sa mabatong daan. Doon po siya mas bagay sa sementado,” paliwanag ng mekaniko matapos tingnan ang kotse niya.

Nanlumo si Illyze. “Paano iyon?” Gutom na gutom na siya at nanlalambot. Hindi na siya makakatagal sa lugar na iyon kahit pa nga sawang-sawa siya sa guwapo pero may pagkasupladong si Romanov.

“Miss, tatawag na lang ako ng susundo sa iyo. Pwede namang ihatid na lang sa inyo ang sasakyan mamaya. Mahirap kasi siyang I-tow dito,” pormal na sabi ni Romanov. “Kailangan na rin akong bumalik sa baba.”

Naging alerto siya at kumapit sa braso nito. Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi na kita pakakawalan. “Sasama na ako sa iyo. Please?” pakiusap niya.

“Hindi pwede!” mariing sabi ni Romanov.

“Ma’am, I-drive na lang po ninyo ang sasakyan ko,” sabi ng mekaniko. “Ipapakuha ko na lang po sa tauhan ko para ibalik dito.”

Lalo siyang kumapit sa braso ni Romanov at umiling. “Ayoko. Nanlalambot na ako. Masama na ang pakiramdam ko. Gusto ko nang makarating sa boutique ni Jenna. Kung hihintayin ko pa ang susundo sa akin, baka…” Nasapo niya ang noo at nagkunwaring tutumba. Humilig siya sa katawan ni Romanov. “N-Nahihilo na ako.”

Hindi naman siya nagsisinungaling. Nahihilo na talaga siya. At kung di pa sila aalis doon, baka himatayin na nga siya. In-advance na lang niya.

“Hey!” sabi ni Romanov at mabilis na sinapo ang balikat niya upang alalayan siya. “O, sige. Ihahatid na kita sa boutique ng kaibigan mo. Pero kaya mo bang tumagal nang nakasakay sa kabayo kahit na nahihilo ka?”

Humilig pa siya sa balikat nito at ipinikit ang mata. “That’s fine with me. I just want to get out of here.” Kahit saan basta kasama niya ito.

“Where are your valuables?” tanong ni Romanov. “Iyon na lang ang dalhin mo at iwan mo ang ibang gamit mo dito.”

“Just that small tote bag. Wala namang masyadong importante sa gamit ko.”

Dahil ang pinaka-importante sa kanya nang mga oras na iyon ay si Romanov. Buong mundo na ang inikot niya makita lang ito. Ito ang di pwedeng mawala.

Kinuha nito ang bag niya at inabot sa kanya. “Kaya mo bang sumampa sa kabayo?” tanong nito. “Baka malaglag ka.”

“I am not scared. Kasi alam ko naman na di mo ako pababayaang mahulog.”

Inalalayan siya nitong sumampa sa kabayo. Nang ito naman ang sumampa ay kinabig siya nito upang sumandig siya sa katawan nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. She had never been that close to a man. As if their bodies could nearly meld as one. And there was a sweet sensation rushing through her body.

Ipinikit niya ang mata. She was happy and content to leave her head on his chest. Parang masarap siyang gawing unan. Pakiramdam ko rin safe ako kapag kasama ko siya. This is great! Sana lagi na lang kaming ganito.

“Feeling better?” tanong nito. “Dahil baka hindi ka pa nagla-lunch.”

“Oo nga. Hindi kasi ako nakapag-breakfast kanina. Excited kasi ako na makapunta dito. Kaso nasiraan naman ang sasakyan ko. Mabuti na lang dumaan ka doon. Kung hindi, baka na-stuck na ako hanggang mamaya. Wala pa mandin signal ang cellphone doon.”

“It is my favorite spot. Tahimik at walang tao. Madalang kasi ang pumupunta dito dahil mahirap ang daan. And I am wondering if you…”

Tiningala siya nito. “Wondering if I am what? Single? I am single. Wala akong boyfriend. I never had one because I am waiting for that special someone.”

“How romantic,” he remarked acidly.

“Ikaw ba ganoon din? May girlfriend ka na ba?”

Tuwid lang ang tingin nito. “Umayos ka lang ng upo at huwag kang malikot.”

“Ha? Malikot ba ako?” tanong niya. Tama naman ang pagkakaupo niya. Baka ayaw lang nitong tanungin ng personal na tanong. “Hindi ko pa alam ang totoong name mo. Basta alam ko Romanov ang pangalan mo. What is your whole name?”

“Hindi mo ako kilala?” gulat nitong tanong. Subalit dahil matalim ang mata nito, mukhang nainsulto yata ito dahil di niya ito kilala.

“Na-offend ba kita? Sikat ka ba? Hindi ko alam kasi ilang taon akong nawala sa Pilipinas. Mga importanteng balita lang ang nasasagap ko.”

“You didn’t offend me at all. I am just an eternal bum after all.”

Umiling siya. “You don’t look like one. You look like the type of person who would excel in your field. Sikat ka nga siguro sa profession mo, no?”

“I told you, I am a bum!” mariin nitong giit.

“Sige. Hindi na lang ako magtatanong sa trabaho mo.” Naroon siguro ito para magbakasyon at magpahinga at ayaw nitong isipin ang trabaho. “Maganda ba talaga ang riding club? May villa ka ba dito? May paborito ka bang horse sports? Sino ang nag-encourage sa iyo na sumali sa riding club?” sunud-sunod niyang tanong.

“Akala ko ba gutom ka?” tanong nito. “Na masama ang pakiramdam mo.”

“Oo. Masama nga ang pakiramdam ko.”

“Parang hindi ka naman gutom o nanghihina. You have the energy to ask a lot of question. I wonder if you are telling the truth.”

“I am not lying. Nanghihina at nagugutom ako. Inaantok na rin ako dahil ilang araw na akong walang tulog. Pero mas aantukin kasi ako kung di ako makikipag-usap sa iyo. This place is so quiet. Baka bumagsak na lang ako mamaya kung di ako magsasalita,” paliwanag niya.

Subalit lalo lang tumalim ang mga mata nito. “Are you a reporter?”

“Do you have a problem with reporters?” she asked innocently.

“Yes. All of us here at Stallion Riding Club have a problem with reporters. At kung reporter ka, pwede kitang ipakaladkad sa labas ng riding club.”

Nanlaki ang mata niya. “Is that legal?” Malulupit ba ang mga tao doon?

“Yes. Reporters are not allowed inside the riding club.”

“I am not a reporter. So you don’t have to get rid of me. I am just a starving and weak guest,” aniya at bahagyang ngumiti.

“Then stop asking questions! Ayoko sa mga taong matanong.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.