Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 66

“Illyze, huwag kang masyadong magpapaganda,” bilin sa kanya ng Kuya Rolf niya habang naghahanda siya para sa dinner. Pumasok ito sa kuwarto niya habang namimili siya ng sapatos na isusuot. “Baka dumugin ka ng mga lalaki sa Lakeside Café. Pahihirapan mo pa akong protektahan ka.”

“Wala naman akong pakialam sa kanila, Kuya. If I would look pretty tonight, it would be for Rome’s eyes only,” she stated with a smile. “Kaya nga ako nagpakahirap na magpaganda para mapansin niya.”

“Ang tanong, pansinin ka naman kaya niya? Saka malay mo hindi siya mag-dinner sa Lakeside Café. Madalang ko kasi siyang makitang kumain. Ang alam ko, nagpapa-deliver lang siya ng pagkain niya,” anito at sumilip sa bintana.

“Well, I won’t rely on coincidences right now. I will make sure that he will join us for dinner. Yayayain ko siya,” aniya at dinampot ang brown open-toed shoes.

Nilingon siya ni Rolf. “What? Ikaw ang magyayaya ng date sa lalaki?”

Kinunutan niya ito ng noo. “Ikaw din naman niyayayang makipag-date ng babae, ah! And besides, I already traveled the world just find the man for me. Ano ang masama kung yayain ko siyang mag-date?”

Napasandal ito sa glass window. “My baby sister is all grown up!”

“Yes, I am. Kaya ituro mo na sa akin kung saan ang bahay ni Romanov. Kung sa tingin mo kailangan ko pa ang guidance mo, samahan mo ako. Sabay natin siyang yayain na mag-dinner.”

Umiling ito. “Hindi na. Ikaw na lang. Baka maging human blizzard pa ako kapag natitigan niya ako.”

“Human blizzard?”

“Oo. Noong minsan niyaya namin siyang mag-polo ni Reichen. Sabi namin maraming magagandang babae na manonood doon. We just want to cheer him up because he is always inside that dark villa of his. Aba! Busy daw siya. At nang mangulit kami, tinitigan kami nang matalim. Daig pa naming ang na-freeze sa bloke ng yelo. Binangungot kami ni Reichen nang isang linggo.”

Binato niya ito ng sapatos niya. “OA ka, Kuya! Itutulad mo pa ako sa iyo na duwag.” Kahit pa may human blizzard effect si Romanov sa ibang tao, di iyon eepekto sa kanya.

“O, sige! Yayain mo siya. Diyan siya sa haunted house sa tapat nakatira,” anito at itinuro ang Mediterranean villa na matatanaw sa bintana ng kuwarto niya.

Nagtitili siya sa excitement. “Kapitbahay lang natin siya? Destiny nga ito!” Humalik siya sa pisngi nito. “Sandali lang, Kuya. Yayayain ko siyang mag-dinner,” aniya at nagtatakbo palabas ng kuwarto.

“Illyze! You are barefoot if you don’t notice.”

“Ha?” Tiningnan niya ang paang nakayapak. “Nakalimutan ko!” Dinampot niya ang isa sa rack. “Nawawala ang kabiyak!”

Ihinagis nito ang kabiyak. “Heto! Ibinato mo sa akin kanina.”

“Thanks, Kuya.”

“Huwag ka lang masyadong excited, ha? Ayokong ma-disappoint ka.”

Kaway lang ang isinagot niya sa bilin nito. Matapos isuot ang sapatos sa baba ng hagdan ay patakbo siyang tumawid sa villa ni Romanov. Wala siyang pakialam kahit na nakatakong pa siya. Madilim ang villa mula sa labas.

“Bakit parang walang tao?” tanong niya at nag-doorbell. Walang sumagot kaya inulit pa niya ang pagpindot sa button. “Wala nga yata siya.”

Tumalikod siya nang bumukas ang maliit na gate. “What do you want?”

Nang humarap siya ay nakatayo si Romanov sa gate. Nakatukod ang kamay nito. Bahagya pang magulo ang buhok nito at matalim ang mata. Mukhang kagigising pa lang. At mukhang masama din ang gising nito.

Then she remembered the dark tales about him. Kung paanong sabihin ng kapatid niya na nagiging human blizzard ang titigan nito nang matalim. At haunted house din ang bahay nito. Kung siya naman ang bampira, wala akong pakialam kahit kagatin niya ang leeg ko. Okay lang. He is a gorgeous vampire after all.

He was only wearing a gray sports shorts. The upper part of his body was naked. Kaya naman nagpipiyesta ang mata niya sa maganda nitong katawan. At ang tanging nakabalabal dito ay ang maliit na puting tuwalya. I never thought that I would see him like this right away. Lucky!

Ngiti ang isinagot niya sa masamang mood nito. “Hi! Nagising ba kita?”

“Ano sa palagay mo?”

Ngiii! Bad mood nga. “Sorry for the bother. Remember me? I am Illyze. I am Rolf Guzman’s sister. Diyan lang siya nakatira sa tapat. Magkapitbahay pala kayo ni Kuya. Kaya magiging magkapitbahay na rin tayo since dito ako magbabakasyon.”

“Didn’t your brother tell you that I am not a friendly neighbor?”

She shook her head. “Wala nga daw kayong chance na magkakwentuhan. Kaya yayayain ka sana namin na mag-dinner. He wants to formally thank you for helping me out a while ago.”

“You already thanked me, remember?”

“Hindi pa nagpapasalamat si Kuya Rolf. Siya mismo ang nagsabi na gusto ka niyang maka-kwentuhan sa dinner. Please?” pakiusap niya at pinalamlam ang mata. “Kung gusto mo, hihintayin ka naming mag-prepare. Just come with us. Sa Lakeside Café lang naman ang dinner.” Titigan mo ang mga mata ko. Wala pang nakakatanggi sa akin. Be awed by my feminine charms.

Sumandal ito sa hamba ng gate at pumikit. “I am afraid I can’t go with you. I already have a date.”

Daig pa niya ang binagsakan ng bloke-blokeng yelo. Natigagal siya habang nakatitig lang dito. “M-May ka-date ka na?”

Tumango ito. “Thanks for the invitation anyway. Tell your brother that your thank you is enough for me.”

Parang wala siya sa sarili nang talikuran ito. “He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny.”

Durog na ang puso niya. She was not used to rejection. At ang masakit, galing pa sa lalaking gusto niya ang salitang ‘no’. Unang beses na nga niyang nagyaya ng date, basted pa siya. Ito ba ang destiny niya?

Kung may humahagibis nga lang na sasakyan nang mga oras na iyon ay baka nasagasaan na siya. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi sa kanya ni Romanov. Ganoon pala ang pakiramdam ng isang bigo.

“Illyze, anong nangyari? Nakausap mo ba si Romanov?” tanong ni Rolf.

“He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny,” malungkot niyang sabi sa kapatid.

“Okay lang iyan,” anito at inakbayan siya. “Marami pang lalaki sa mundo. Hawak na mas guwapo at approachable sa Romanov na iyon.”

Maluha-luha siyang tumingin sa kapatid. “He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny.”

Nanlaki ang mata nito. “Illyze, anong nangyayari sa iyo?”

“SHE is cursed!” deklara ni Reichen. “That dark man casted a spell on her.”

“Just as I thought,” iiling-iling na sabi ni Rolf at may awa sa mga mata nang lingunin siya. “My poor sister.”

Si Illyze ang sentro ng usapan sa mesang iyon. Tulala kasi siya at wala sa sarili kahit nang makarating sa Lakeside Café.

“Anong dapat nating gawin?” tanong ng babaeng ka-date nito. “I think we should call a faith healer or something.”

“Faith healer? How did you know about it?” tanong naman ng ka-date ni Eiji. “You must be from the slums then or maybe a probinsiyana. Yuck!”

“Idiot. They even feature them on cable,” depensa ng ka-date ni Reichen. “But what can I expect about you? You don’t have brains at all.”

“What did you say?” galit na tanong ng ka-date ni Eiji.

“Girls, this is not the right time to argue,” anang si Eiji at gumitna sa dalawang babae. “We are in a middle of a crisis. We have to help Illyze. Sino ba ang may kilalang albularyo dito?”

“Cut it, will you?” saway ni Jenna Rose sa mga ito. “Puro kayo kalokohan. Illyze is broken hearted. Well, you can also tell that she’s depressed and delusional at the moment. Pero hindi siya naengkanto o isinumpa!”

“Engkanto?” anang si Reid na biglang sumingit. “Paanong nagkaroon ng engkanto sa lupain ko? Wala silang permiso na magtayo ng settlement dito.”

Napanganga ang lahat dito. “Kuya Reid, joke ba iyan?” aniyang biglang natauhan. Kung may tuliro kasi sa lahat ng tao doon, si Reid marahil iyon.

Tinitigan siya nito. “I am always serious when my estate is concerned. Kung may gustong makapasok sa lupain ko, kailangan ng approval ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Kaya huwag kang mag-alala. Walang mga engkanto dito. I can guarantee that my land is safe and supernatural-free.”

Nagtaas ng kamay si Eiji. “Master Reid, bakit hinayaan ninyong maging member ng riding club si Romanov? Parang si Dracula siya, ah!”

“Romanov Cuerido has the money and the name. Wala akong pakialam kung ano ang reputasyon niya. As long as he have those two. May reklamo?” tanong nito at matalim na inikot ang paningin sa kanila.

Sabay-sabay silang umiling at nakahinga lang nang maluwag nang bumalik sa table nito si Reid. “Whew! That’s my legendary brother, the original human blizzard,” komento ni Reichen.

“He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny,” usal na lang niya. Mas gusto pa yata niyang magdelusyon kay Romanov kaysa bangungutin sa kasungitan ni Reid.

“Excuse us,” anang si Jenna Rose at hinatak siya papunta sa restroom. “They are nuts! Hindi ka dapat dumidikit sa mga katulad nila. Mababaliw ka talaga.”

Napayakap siya dto. “Jen, he said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny.”

Tinapik-tapik nito ang likod niya. “Oo na. Narinig ko na iyan. Ilang beses na.”

Pinahid niya ng Kleenex ang luha. Buti na lang waterproof ang mascara niya. “Kasi naman ngayon lang ako nagyayang makipag-date, ni-reject pa ako. Akala ko naman nararamdaman niyang ako ang destiny niya.”

“Illyze, you work on your own destiny. Mabilis ka namang sumuko. Remember, nag-away kayo ng daddy mo dahil gusto mong mag-travel sa buong mundo at gusto niyang mag-concentrate ka sa Fine Arts. You fought with him for so many times. Until he agreed and said yes. Ganoon din kay Romanov. Walang mangyayari kung magmumukmok ka dito.”

“Okay lang naman sa akin kahit na masungit siya. Kaso sabi niya may ka-date siya. Sino ba ang babaeng iyon, ha?”

Nagkibit-balikat ito. “Who cares? Ang importante ikaw. Don’t tell me iko-compare mo ang sarili mo sa kanya? Romanov should like you for what you are.”

“Kapag nakita ko ang destiny ko, akala ko madali na lang ang lahat. Well, it looks like I am wrong. What if he doesn’t like me?”

“Ako na mismo ang tatawag ng albularyo para I-exorcise ka.”

Nagtatawanan silang lumabas ng restroom. Pagbalik sa restroom ay malungkot na ang mukha ng mga naabutan nila. “Anong nangyari? Nanuno din kayo?” pabiro na niyang tanong.

“We didn’t mean to make fun of Romanov,” nakayukong sabi ni Reichen. “Baka nagtampo ka sa amin. We just want to make you feel better.”

“Ha?” Akala ng mga ito ay nagalit siya kaya siya sumama sa restroom. “H-Hindi. Wala naman sa akin iyon.”

“Ayokong sumama ang loob mo. Kaya inalam ko kung may ka-date siya,” sabi ni Rolf. “Sa Rider’s Verandah siya um-order ng dinner. It is only for a single person. Ibig sabihin wala siyang ka-date.”

Sumilay ang ngiti sa labi niya at nabuhayan siya ng loob. “Talaga?”

“Oo. Wala naman talagang interes sa mga babae si Romanov,” nakasimangot na sabi ng ka-date ni Reichen. “I tried to ask him out before, tinitigan lang niya ako nang malamig. Halos lahat ng girls dito, ganoon ang ginawa niya.”

“He is a woman-hater. A major one,” dagdag ng ka-date ni Eiji. “Hindi ka ba natatakot sa kanya?”

Nagkibit-balikat siya. “Ako ang babaeng pakakasalan niya. Bakit naman ako matatakot?” nakataas ang kilay niyang sabi. “Depress lang ako kanina dahil akala ko may ka-date siya. But I am okay now. Thanks sa inyo.”

May inabot sa kanyang listahan si Eiji. “Here! Iyan ang mga paboritong order-in ni Count Dracula… I mean ni Romanov. I suggest that you cook him breakfast tomorrow. Gusto naming mga lalaki na ipinagluluto kami.”

“Thanks, Kuya Eiji. I really owe you one.”

“Illyze, marunong ka bang magluto?” tanong ng Kuya Rolf niya.

THE PAN sizzled when Illyze poured the mixture. Umamoy ang mabangong niluluto niya sa buong kitchen. “Wow! Parang masarap iyan, sis!” anang si Rolf nang pumasok sa kusina. “Mushroom omelet. Pahingi ako, ha?”

“Ayoko nga! Para kay Romanov ito.”

Di pa sumisikat ang araw ay gumising na siya para ipagluto ng breakfast si Romanov. Knowing that he didn’t go out with anybody made her feel better. Gusto kasi niyang tiyakin na kung may makaka-date si Romanov, siya iyon.

“Mabuti pa si Romanov ipinagluto mo. Anong kakainin ko?” tanong ni Rolf.

“Magbukas ka na lang ng cereal,” aniya at itinuro ang drawer.

Nanlulumo ito naghila ng upuan. “Bakit ba nagkaroon ako ng kapatid na walang habag? Dapat nga ako muna ang ipinagluluto mo bago ang Romanov na iyon. Sino ba siya? Kahapon mo lang siya nakilala.”

“Don’t tell me that you don’t want me to have a boyfriend yet?”

“Hindi naman. Pero sana naman makatikim muna ako ng luto mo. Kita mo nga iyan. Naaatim mong magutom ako habang si Romanov masarap ang breakfast.”

“Kanina pa po luto ang breakfast mo. Naka-serve na sa terrace. At mas nauna kitang ipinagluto kay Romanov. So huwag ka nang magtampo.”

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Thanks, sis! Maging successful sana ang luto mo. Kapag tinanggihan ka ni Romanov, mabilaukan sana siya.”

Natawa siya. “Si Kuya, parang bata. Mag-breakfast ka na para mai-prepare ko nang maayos ang breakfast ni Romanov.”

Maya maya pa ay bitbit na niya ang basket na may lamang breakfast para kay Romanov. Naalala pa niya ang sinabi ng Kuya Rolf niya. Na parang siya daw si Little Red Riding Hood na papunta sa bahay ng lola niya pero sa huli ay wolf naman ang mae-encounter niya. Mula sa terrace, alam niyang pinapanood siya nito.

Nang mag-doorbell siya sa villa ni Romanov ay pinagbuksan siya ng gate ng isang babae na sa tingin niya ay nasa treinta pa lang. May hawak itong walis at basahan. It must be the housekeeper.

“Good morning po,” bati niya. “Nandiyan po ba si Romanov?”

“Ay, wala si Sir Romanov. Nag-jogging kasi siya kanina pa. Pagdating ko nga para maglinis ng bahay, wala na siya dito.”

“Ako po si Illyze. Diyan lang po ako sa katapat na villa. Magdadala po sana ako ng breakfast para sa kanya,” aniya at ipinakita ang basket.

“Ay! Pumasok po kayo, Ma’am!” anang housekeeper at binuksan ang pinto. “Tawagin na lang po ninyo akong Doray. Ako po ang bagong housekeeper dito. Gusto po ba ninyo akong tulungan ko kayo na mag-ayos ng dala ninyo sa garden? Mas magandang doon mag-breakfast. Hindi ko pa kasi nalilinis ang bahay.”

“Sige po. Thank you.”

“Alam ba ninyo? Akala ko masungit si Sir Romanov. Usap-usapan kasi sa amin na walang nakakatagal na housekeeper sa kanya. Tingin pa lang daw, natatakot na sila. Pero kung may kasing ganda na tulad ninyo na dumadalaw dito, siguro tsismis lang iyon na masungit siya. Mukha kayong mabait, Ma’am.”

“Salamat, Doray,” aniya at isa-isang inilagay sa breakfast table ang mga pagkaing iniluto niya.

“Anong nangyayari dito?” anang galit na boses ni Romanov.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.